Sa sasakyan ay hindi mapakali si Rada. Labis ang nadarama niyang kahihiyan para sa sarili. Ilang beses syang nag-ipon ng hangin sa dibdib bago nagsalita.
"Mang Kanor, pasensya na po kung huli na akong lumabas." paghingi nya ng paumanhin sa matandang drayber. "A...ang totoo po niyan ay wala naman po akong aralin na tinapos. May hinintay lang po akong isang kaibigan, humihingi po ako ng paumanhin sa aking pagsisinungaling." malumanay at puno ng damdamin na wika pa niya kay Mang Kanor. Ngumiti ang drayber na sinilip sya sa unahang salamin. "Wala kang dapat na ipangamba sa akin, Ineng, ikaw ang aking inaalala dahil siguradong mapapagalitan ka na naman ng Senyor.," "Salamat po,. ngunit huwag po kayong mag-alala at sanay na rin po ako kay daddy," sagot niyang asa tono ang lungkot. Hindi na sumagot ang matanda ngunit dumaan ang pagka-awa sa mukha nito para sa dalaga. Malapit ang loob nito kay Rada. Nasundan nito ang paglaki ng batang heredera. At bagama't lumaking may ginintuang kutsara sa bibig ay nanatiling mababa ang loob ng dalaga sa mga taong maliliit at maralita.Katunayan ay hindi ito namimili ng mga taong nais kaibiganin. Anuman ang mga estado nila sa buhay ay patas itong tumingin. Maging ang mga tauhan sa asyenda ay kasundong-kasundo rin ni Rada. May mga pagkakataon pa nga na tumutulong ang dalaga sa mga gawain. Kaya't kinagigiliwan ito ng lahat. Bagay na hindi bukas sa kaalaman ng Senyor pagka't ayaw iyon ipaalam ni Rada sa ama. Napailing na lamang ng lihim si Mang Kanor at itinuon ang pansin sa pagmamaneho. Batid niyang may hindi pagkakaunawaan ang mag-ama at maaaring dinaramdam rin iyon ng dalaga. Itinuon naman ni Rada ang pansin sa labas ng sasakyan patingala sa langit. May mangilan-ngilang bituin siyang natanaw sa itaas. Ngunit hindi sapat upang magbigay tanglaw sa gitna ng dilim. Maging ang buwan ay tila ayaw pang sumilip at nais magdamot sa gabing iyon.Habang nakatingala sa kalangitan ay isa-isang binalikan ni Rada ang mga pangyayari kanina. Sa sobrang kahihiyan ay hindi niya magawang salubungin ang mga titig ni Rafael. Ni hindi man lang siya nakahingi ng paumanhin sa lalaki. Sumidhi ang tawag ng konsensya sa kanyang pandama. Dalawang beses na siyang nakakagawa ng kahiya-hiyang bagay sa harap nito.Sa ginawa niyang pag-amin ngayon kay Mang Kanor ay lumuwag ang dibdib niya ng bahagya at bumuti ang pakiramdam. Nakakahiya talaga Kay Rafael at sa tatay pa mismo nito s'ya nahuling nagsinungaling.Pagkatapos ng isang malalim na paghinga ay isinandal niya ang likod sa upuan ng kotse. Mariing pinagdaop ang mga mata at nang may maalala ay bigla ring dumilat. "Ma... mang Kanor, bata pa lang po ako ay naninilbihan ka na bilang drayber ni daddy. Pero ni minsan ay hindi niyo po nabanggit na may anak po pala kayo," ang hindi na nakatiis na usisa niya sa matanda. "Ah, si Rafael ba ang tinutukoy mo ineng?" anang drayber na sinulyapan siya muli mula sa salamin. Tumango si Rada sabay ang alanganing ngiti. "Pa...pasensya na po kayo kung bigla na lang ako nagtanong pero kung hindi po kayo komportable na pag u—- ."Naku walang problema Ineng." putol na ni Mang Kanor. Ngumiti muna ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi ko anak si Rafael, pamangkin ko s'ya. Anak siya ng malapit kong pinsan na si Lourdes. Nakasanayan lang niyang tawagin akong itay, dahil maaga siyang naulila sa ama," paliwanag ng matanda. " T.. talaga po?" sagot ni Rada na napatuwid ng upo sa likod. Nabuhay ang kuryosidad. Nabuhay ang kanyang interes sa kuwento ng pamilya ni Rafael. Gusto niya talagang makilala ng lubos ang lalaki. Kaya naman ay mataman siyang nakikinig ngayon sa pagsasalaysay ni Mang Kanor. "Dalawa na lamang sila sa buhay ng pinsan kong si Lourdes. Sa Maynila sila dating naninirahan at maayos naman ang kanilang pamumuhay roon kahit na silang mag-ina na lamang," kwento ni Mang Kanor. "Subalit dinapuan ng malubhang sakit sa baga si Rafael. Siguro ay mga sampung taon gulang siya noon. Naubos ang kabuhayan ni Lourdes dahil sa pagpapagamot sa kanya," dugtong nito. Sa parteng iyon ay nalungkot si Rada. Nakaramdam ng habag para sa binata. "Sa awa ng Diyos ay naging maayos ang kalusugan ng aking pamangkin. Nang bumuti na ang kanyang lagay ay hinikayat ko ang aking pinsan na dito na mamalagi sa San Isidro," paliwanag pa nito. "Mahirap din ang mag-isa sa buhay, silang dalawa na lamang ni Rafael ang aking pamilya," tuloy na kuwento ni Mang Kanor. "Mabuti po pumayag si Aling Lourdes na dito na po sila manirahan ni Pael?" "Noong una ay likas sa pagtanggi si Lourdes, subalit mas bumuti ang kalusugan rito ni Rafael. Malaking tulong ang nagawa ng presko at sariwang hangin dito sa probinsya. Maliban sa nagustuhan na rin manirahan dito ng aking pamangkin. Masuwerte si Lourdes at napakabuting bata ng kanyang anak. Napakamatulungin at napakasipag," papuri pa ng matanda sa binata. Sa mga narinig na kwento mula sa Matandang drayber ay hindi maiwasan ni Rada na muling humanga sa lalaki. Paghangang tila ay gustong lumalim. "At mapalad din po kayo Mang Kanor dahil itinuring kayong ama ni Rafael," turan ni Rada. "Tama ka ineng. Isang biyaya para sa akin na maituring bilang ama ni, Rafael, isang kaloob ang matawag niyang Itay " buong kababaang sambit pa ng matanda. Hindi na nawala ang ngiti sa labi ni Rada habang pinakikinggan pa si Mang Kanor sa mga kwento nito. Dahil roon ay unti-unti na niyang nakikilala ang binata. Pagdating sa asyenda ay agad siyang bumaba ng sasakyan at nagmamadaling tinungo ang pinto papasok sa malaking bahay. Kasunod si Mang Kanor na bitbit ang mga gamit niya sa iskwela. Saglit siyang napahinto nang sa pagbukas ay bumungad agad ang mga magulang sa malaking sala at naghihintay sa kanyang pagdating. "Sit down!" Ang malagom na tinig ni Senyor Ramon. Madilim ang mukha ng ama habang nakaupo sa pang isahang silya. Sa tabi nito ay ang Senyora na nakatayo kababakasan ng pagkabahala ang kanyang ina. Lumiwanag ang mukha ng babae pagkakita sa kanya. Akmang sasalubunging sya ni Clara subalit pinigilan ito ng kanyang ama. Mula pa sa bungad ng pinto ay matalim na ang mga mata ni Ramon sa kanya. Humingi ng paumanhin si Mang Kanor at sinusubukan pa sanang magpaliwanag sa pagka-antala nila. Subalit sinenyasan ito ng Senyor na lumabas. Walang nagawa ang matanda kundi ang sumunod. Isang nagpapasalamat na tingin naman ang ipinukol ni Rada sa matanda. Tumango naman si Mang Kanor na nakaunawa. Pagkatapos ay tuluyan na itong lumabas. Siya naman ay marahang naglakad palapit sa mga magulang at naupo sa mahabang sopa. Pinagsalikop niya ang mga palad at napayuko. "I'm sorry Dad for being late--- "As always." agaw ng Senyor sa mataas na boses. "Ramon, ba...baka naman may mahalagang bagay na ginawa sa iskwelahan ang anak mo. Narinig mo naman ang paliwanag ni Kanor may tinapos na aralin sa silid aklatan, si Rada.” singit ng Senyora. Napakagat labi si Rada, pati si Mang Kanor ay nagawang makapagsinungaling para lamang mapagtakpan sya. " Aralin? " baling ng Senyor sa asawa. Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi nito. "At kaylan pa naging masipag sa pag-aaral iyang anak mo?" anito na sinulyapan si, Rada. "Eversince, she's an irresponsible little brat and very immature. Most of her time ay inuukol sa barkada at bulakbol. And it's your fault, Clara. Pinamihasa mo ang iyong anak sa pagiging tamad sa pag-aaral." ang maanghang na salita ng Senyor sa asawa. Walang nagawa ang Senyora kundi ang itikom ang bibig. Batas sa asyenda ang mga salita ni Ramon. "What is it this time Rada?" patuloy ng Senyor pagkatapos bumitaw ng marahas na paghinga. Lihim na huminga ang dalaga. Paano ba niya sasagutin ang ama ng hindi lalabas na nagsisinungaling si Mang Kanor. Pinangatawanan ng matanda ang alibay niya rito para lang maiiwas siya sa sermon ng daddy niya. At sa totoo lang ay mas higit siyang nakaramdam ng guilt. Para kay Mang Kanor at higit lalo sa mommy niya. Napalunok muna siya ng ilang beses bago tumingin sa ama at sinagot ito. "I'm sorry Dad, it's my fault. Nagsinungaling po ako kay Mang Kanor. Na... nakipagkita po ako sa isang kaibigan." pag-amin niya sa ama. Hindi nakaligtas Kay Rada ang pagsinghap ng Ina maging ang pag-awang ng mga labi nito. Naroon ang pamamangha sa mata ng Senyora. Saglit namang natigilan ang Senyor. Unti-unti ay nagbago ang reaksyon ng mukha nito. Animo hindi makapaniwala sa narinig mula sa anak. Tumiim ang pagkakatitig ng lalaki at pilit sinasalamin ang katapatan sa sinabi ng dalaga. Pagkalipas ng ilang sandali ay lumambot ang aura nito ngunit nanatili pa rin itong pormal. " Umakyat ka saiyong silid at walang lalabas ng asyenda buong Linggo. Nagkakaintindihan ba tayo Rada?" maawtoridad nitong wika. "Yes, Dad." sagot niya sa ama. Pagkatapos niyon ay tumayo na si Ramon. Indikasyon na tinatapos na nito ang usapan. Humakbang ang senyor patungong silid aklatan. Senenyasan ang Senyora na sumunod. "Paakyatan mo ng pagkain ang anak mo kay Manang Yoly." narinig niyang wika ng ama bago tumalikod. Ang tinutukoy nitong Manang Yoly ay ang tumatayong mayordoma sa hacienda at siyang nag-alaga sa kanya mula pagkabata. Bago siya tuluyang umakyat ng hagdan ay nakita niya ang pagliwanag ng mukha ng mommy niya.Bumuka ang mga bibig niya na nagsasabing I'm sorry. Bagama't walang namutawing salita roon ay batid niyang nakuha ng kanyang Ina ang ibig niyang sabihin pagka’t ngiting-ngiti ito. Kahit na sinabi ng ama na grounded sya ng isang Linggo ay kakatwang may kakaibang saya sa puso niya. Iba pala ang pakiramdam pag nagsasabi ka ng totoo. Magaan ang pakiramdam na pumanhik na sya sa kanyang silid. Muli ay sumagi sa isip niya si Rafael, pumuno sa kanyang balintataw ang maamo at seryosong mukha nito. Sumilay ang ngiti sa sulok ng kanyang mga labi sa pagkaka-alala sa lalaki. Hays, mukhang magiging kainip-inip ang mga susunod na araw. Hindi pa man lumilipas ang araw na ito ay gusto na niyang hilahin pagka't sumisigid ang pagnanais niya na makita at makausap muli ang binata.Habang pababa ng hagdan ay natatanaw na ni Rada ang pamilyar na bulto mula sa beranda. Bahagyang lumukot ang kanyang mukha. Hindi niya inaasahan ang pagdalaw ni Clark sa araw na ito ng sabado. Sa pagkakaalam niya ay lumuwas ng Maynila ang kababata for a business seminar. Inakyat siya sa kwarto ni Manang Yoly at sinabing may naghihintay na bisita sa kanya sa ibaba. Sa pag-aakalang sila Cathy at Bing ang dumating ay dali-dali siyang sumunod sa mayordoma. Nangako kasi ang mga kaibigan na dadalawin siya ng mga ito ngayong araw. Batung-bato na siya sa bahay at wala na siyang ginawa kundi ang maglagi sa kanyang silid. Hindi rin naman niya mahagilap ang inang si Clara dahil lagi na’y abala ang Senyora sa mga itinayo nitong foundation. Maliban sa Sociable na tao ang mommy niya kaya lagi itong nasa mga gatherings. Ayon na rin sa tagubilin ng ama ay bahay-iskwela lamang ang kanyang pang araw- araw na rotina. Kailangan niyang magpakabait kung ayaw niyang muling masira sa daddy niya. Baka mam
“You're sure are we on the right path?" tanong ni Clark, mabilis nitong nilinga si Rada sa tabi. "We are at the far end, brat." dagdag pa ng binata habang itinuon muli ang pansin sa kalsada. Binagalan nito ang pagpapatakbo ng sasakyan. Si Rada naman ay halos humaba na ang leeg sa katatanaw sa labas na binuksan na ang bintana ng behikulo. Tama si Clark mukhang nasa dulong bahagi na nga sila ng San Isidro. Binistahan niya ang hawak na papel kung saan ay nakaguhit ang isang direksyon. Tama naman ang daan na tinahak nila. Napabuga siya sa hangin. Ni hindi dumaan sa kanyang isip na may ganito kaliblib na lugar sa bayan nila. Kung saan ay walang ibang matatanaw kundi pawang kakahuyan at kabundukan. At sa dako pa roon kung ipagpapatuloy pa nila ni Clark ay paanan na ng bundok. Ang layo na nila sa kabihasnan. Maliban kasi sa makitid na ang daan ay malubak pa. Makapal rin ang putik sa kalsada gawa ng magdamag na pag-ulan nang nagdaang gabi. Muntik na nga silang mabalahaw sa medyo may
Kung sa Hansel and Gretel ay may isang matandang hukluban na may nakakatakot na anyo. Ang kaharap niya ay sadyang napaka-amo ng bukas ng mukha na tila kay bait. Bagama't bakas ang pagkakaroon ng edad ay hindi maikakailang napakaganda nitong babae noong kabataan nito. Ang magkabilang biloy nito sa pisngi ay sadyang kapansin-pansin sa tuwing ngumingiti ito. "Ma- Magandang araw po... k..kayo po ba ang may-ari nitong bahay?" sa wakas ay kanyang naisatinig. Itinuro ni Rada sa babae ang kubo.Hindi kasi agad siya nakapagsalita dahil sa pagkamangha sa kaharap. May kahawig kasi itong artista na paboritong panoorin ng Mommy Clara niya. Hindi nga lang niya matukoy ang pangalan. "Ako nga ineng. Akala ko ay namali lamang ang aking pandinig na mayroong boses sa paligid. May maipaglilingkod ba ako sa iyo?" anang babae na may bahagyang pagkunot ng noo. "Naliligaw ka ba? Wala ka bang kasama?" dagdag tanong pa ng babae. Kasabay nang pagguhit ng pangamba sa mukha nito ay ang maliit na hakbang pala
Ibinalik ni Rada ang tingin kay Aling Lourdes at nagpakawala ng malalim ngunit pasimpleng paghinga. "Ang totoo po niyan ay dito po talaga ang aking tungo sa inyong tahanan," aniya sa magalang at mababang tono. Kumunot ang noo ni Lourdes,nabahiran ng pagtataka ang mukha. "May nangyari ba kay kuya Kanor?" agarang usisa nito kalakip ang pangamba sa boses. Si Rafael naman ay nanatiling tahimik ngunit patuloy na hinayon ng mata ang dalaga. Sa isip ay may namumuong hinala. "Naku, wala po Aling Lourdes. Wala po kayong dapat na ipangamba at maayos po ang kalagayan ni Mang Kanor," maagap na sagot ni Rada. Pilit nitong pinasigla ang boses at baka magkaroon pa ng maling konklusyon. Nahimigan kasi nito ang pag-aalala sa babae. Lumiwanag naman ng bahagya ang mukha ni Lourdes at naging kampante. Ngunit nanatili ang katanungan sa mata.“Kung gayun ay ano ang pakay mo sa amin, Ineng?” diretsa nang tanong ni Lourdes. Huminga muna ng malalim si Rada at humugot ng lakas bago nagpatuloy. Halatan
Pael...sambit ni Rada nang ilang minuto na ay hindi pa rin tumugon ang binata. "Kung hindi ako nagkakamali ay nabanggit mong may kasama kang kaibigan sa pagparito hindi ba?, Maaaring nag-aalala na iyon at hinahanap ka na rin," putol sa kanya ni Rafael. Mabilis nitong tinapos ang pagtatali ng lubid sa punong malapit sa lubluban ni Malik. Pagkatapos ay nagsimulang humakbang paalis sa lugar. Halata ang pag-iwas na ginagawa ng binatang magsasaka kaya't bahagyang lumukot ang mukha ni Rada. Gayunpaman ay mabilis itong sumunod kay Rafael nang lagpasan ng binata. "Pael, pangako ni singko ay wala kang gagastahin. Ako na ang bahala sa lahat ng mga kakailanganin mo, pagpayag mo lang ang kontribusyong hinihingi ko---please..." ang ayaw magpapigil na habol ni Rada. Huminto ang binata sa paghakbang. Hinarap ang dalaga. Bagama't nakukulitan na ay kalmado pa rin ito. "Hindi mo ata nauunawaan senyorita, ang isang bagay ay hindi ipinagpipilitan dahil lamang sa kagustuhan ng isa. Kundi nasa p
" Is he the one we're looking for?" Narinig niyang tanong ni Clark. Nilinga niya ang kaibigan. Nakatuon ang pansin nito sa kalsada. "Yes," walang pagtanggi na sagot niya. Doon na siya sinulyapan ni Clark. Sa mukha ay nakaplaster ang katanungan at pagkalito. "Masquerade Ball is approaching. So I was trying to convince him to be my escort at that event." she said directly. "Rada, I can be your-- " I know Clark, but I want Pael . " mabilis na putol niya sa kaibigan. “‘And besides, I don't want to get into trouble with your girlfriend Carolina. Alam mo namang allergic sa akin ang Isang iyon.” banggit niya pa sa binata.“But Rads—-“No but’s Clark,” she interjected. Dahil roon ay nawalan ng imik ang lalaki. Wala itong nagawa kundi ang muling ibalik ang pansin sa pagmamaneho. " Samaniego is an introverted person--- "I'm curious about that." she interrupted while smiling. “As always.” Clark agrees. "How'd you know him anyway?" Rada asked in surprise. " Si Samaniego
Nagulahan si Rada, kumunot ang noo. May pagkalito na bumaling sa ina. Gusto niyang pasubalian ang sinasabi nito. Subalit seryosong nakatingala sa langit ang Senyora. At kung hindi siya nagkakamali ay may nasisilip siyang panglaw sa mga mata ng ina. "Hindi lahat ng mga salita ay kailangang imutawi ng mga labi. Madalas ang bulong ng ating mga puso't isipan ay siyang mata ang nagsasabi.” Hindi naman malaman ni Rada ang isasagot sa winika ng ina. Sa lalim ng mga salitang binitawan nito ay nalilito siya sa nais nitong ipahiwatig. At kung butil man ng luha ang bagay na kumislap sa gilid ng mga mata nito ay nagbigay iyon sa kanya ng malaking palaisipan. Nanatili siyang walang imik at pinagmasdan lamang ang mommy niya. Ang Senyora naman ay tila natauhan. Mabilis na nagbago ang awra nito. Mula sa pagiging seryoso kanina ay nahalinhinan iyon ng panunukso. "Maaari ko bang malaman kung kanino mo nais ibulong ng buwan ang laman ng iyong puso't isipan?" Bigla naman ang pagkag
Marahang lumipad ang mga mata ni Clark kay Rada. Walang pagkagulat sa reaksyon nito. "Kaya ba kinasapakat mo si ate Cha-cha?" Gustong takasan ng kulay ang mukha ng dalaga pagkarinig sa sumunod na salita ni Clark. Nag-plaster agad ang pag-aalala sa mukha nito para kay Miss Benitez. "C... Clark, walang kasalanan si ate Cha-cha pinilit ko lang siya..." "Why him?" he asked firmly. Naroon ang lamlam sa mata. "You've just started getting to know him. He's still a stranger to you and you fell in love?" he added with a sardonic tone. Inalis ni Rada ang tingin sa kaibigan. Umayos ng upo at tagos-tagusan na pinukol ng tingin ang unahang bahagi ng sasakyan patungo sa mabakong kalsada. "I don't know Clark. It just happened. Basta naramdaman ko na lang, hanggang sa lagi na siyang laman ng isip ko." Marahan at malumanay niyang sagot. Tuluyan na niyang inilahad sa kababata ang totoong nararamdaman niya para Kay Rafael. At kaya niya inilihis ang tingin sa kadahilanang hindi n
Noon nama'y ramdam na ramdam ni Pael ang panginginig ng babaing sinaklolohan. Marahan niya itong ibinababa sa lupa at maingat na isinandal sa punong muntik nang pagsalpukan ng sasakyan nito. Inayos niya ang ulo ng babae sa pagkakasandal at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa makinis nitong mukha. Subalit nauwi ang binata sa labis na pagkagulat nang tuluyang mapagmasdan ang babaeng nadisgrasya. Hindi agad nakakilos si Pael, animo binuhusan ito ng pagkalamig-lamig na tubig sa katawan at napako na lamang ang tingin sa babaing nasa harapan.Kahit na nanatiling nakapikit ang mga mata ni Rada ay alam ng binata na may malay ito base sa pasalit-salit na pag galaw ng mga talukap nito. Kapansin-pansin rin ang pagtaas-baba ng dibdib ng babae na tila naghahabol ng hininga. Sa tingin niya ay ninerbiyos ito sa muntik na pagkakapahamak kayat nakararamdam ng sobrang pagyugyog ng katawan. Pinalis ni Pael ang pag aalala pagka't sigurado syang maayos ang lagay nito. Umangat ang kanyang kama
Isang taon pa ang lumipas. Masaya at may pananabik na binabagtas ni Rada ang daan habang minamaneho ang isang top-down Jeep Renegade. Hindi alintana ng dalaga ang mabako at maalikabok na kalsada kung saan ay nahagip pa niya ng tanaw ang isang lalaking hindi na maipinta ang mukha sa pagkainis dahil halos kumain na ito ng alikabok sa bilis nang pagpapatakbo niya. “Welcome home, Rada!” wika ng dalaga sa sarili nang sa wakas ay matanaw ang malaking arko papasok sa bayan ng San Isidro. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nasasabik na siyang makita ang mga magulang. Limang taon halos din siyang namalagi sa San Francisco sa kagustuhan ng ama na doon sya makapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa masyadong mataas ang standard ng daddy niya pagdating sa kalidad ng edukasyon ay may isang mabigat na dahilan ito kung bakit sya ipinadala sa pangangalaga ng tiyahin niya sa California. At ang bagay na iyon ay ayaw na niyang balikan pa. Pagka"t nagdudulot lamang ito ng ibayong sakit at poot sa damdamin
Dahil maaga pa ay humantong sila Rada at Clark sa Alamo Square Park. Napagkasunduan nilang dalawa na mamayang gabi na lang gumimik. Clark takes a deep breath. Iginala ng binata ang tingin sa palibot ng parke. Pamoso ang nasabing lugar dahil sa painted houses na siyang pangunahing dahilan nang pagbisita ng maraming turista roon. Kadalasan kasi ay napapanood ito sa mga movies o sitcoms. “Great view of the city overlooking the bay.” He thought of the city. “It's so lovely, isn’t it?”Rada said amusingly. “Yeah. Worth visiting place because of its breathtaking beauty,” he replied while still overlooking the surroundings. Clark rested his gaze on her after his exploration. Kasalukuyang inilalatag ni Rada ang dalang blanket sa damuhan. Ibinaba na muna ng binata ang hawak na basket na pinaglagyan ni Aunt Lucia ng baon nilang pagkain bago tinulungan nito ang kaibigan sa paglalatag. “Para lang tayong nasa burol niyo hindi ba?" ani Rada na naupo ng pa Indian sit. Hindi naman maiwasan ni
Mahinang katok sa pinto ang nagpa-angat sa ulo ni Rada mula sa binabasa niyang magazine. Sumungaw mula sa pintuan ng kanyang silid ang nakangiting si Aunt Lucia. Tila ay excited ang tiyahin base sa panliliit ng mga mata nito. "Honey, someone is looking for you in the living room,” she said. Rada quirked her eyebrows. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayong araw. Katunayan ay tumanggi na siyang sumama sa mga kaibiganng Franciscans na magpunta ng Monarch club mamayang gabi dahil mas gusto niyang manatili na lamang sa bahay at magbasa ng mga paborito niyang babasahin for a change. Unang araw ng spring break. Mahaba-haba ring bakasyon sa iskwela. Gusto niyang gugulin ang mga araw na walang pasok sa mga makabuluhang bagay. Pass na muna sya sa mga social activities like dancing at clubs, big parties, and live music concerts. Nightlife in other words. Babawasan na rin muna niya ang pag-iinom. Pansin niya ay nagiging alcoholic na sya. “Who is looking for me, Auntie Lucy? I don’t e
Mahal ko, Kumusta ang iyong araw? Sa oras na mabasa mo ang liham na ito ay hangad kong nawa ay lagi kang nasa mabuting kalagayan. Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong magka-usap. Nais kong ipaalam saiyo na labis ang aking nararamdamang pangungulila saiyong presensya. Pinanabikan kong marinig ang matutunog mong halakhak. Higit sa lahat ay nais kong masilayan ang ngiti saiyong mga labi at mapangusap na mga mata. Kung ako ang iyong tatanungin ay maayos naman ang aking lagay ganoon rin si Inay, bagama't napupuno ako ng kalungkutan. Mahal ko, isang taon na rin ang lumipas mula nang lisanin mo ang San Isidro. Subalit ni isang sagot sa aking mga ipinadalang liham ay wala akong natanggap na kasagutan. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala saiyong kalagayan riyan sa ibang bansa. Katulad nang nasabi ko sayo noon ay naririto lamang ako sa San Isisdro at maghihintay saiyong pagbabalik. Pinagsusumikapan kong abutin ang ating mga pangarap upang maging karapat-dapat ako sa pagmamahal mo. Gus
Isang tapik sa balikat ang nagpaigtad kay Pael. Nakaupo sya noon sa papag na upuan na ginawa niya sa palibot ng kanilang punong mangga. Kung saan ay nalililiman ito ng mayayabong na dahon sa bawat sanga. “Ang lalim ng iniisip mo anak ah kapara ba niyan ay balong malalim?" Nilingon ni Pael ang ina na kadarating lang mula sa pagsisimba nito. Agad siyang napangiti sa biro ni Lourdes. Tumayo siya at inabot ang palad ng ina para magmano.“Mano po, Inay." magalang niyang wika sa babae.“Kaawaan ka ng Poong Maykapal." tugon ni Lourdes na medyo hinihingal pa.Kaya naman ay agad itong inalalayan ni Pael para makaupo.“Sigurado akong naglakad na naman po kayo pauwi ni Lola Mareng mula sa Bongto." marahan niyang sambit rito.Mahigpit na bilin niya sa ina na huwag nang naglalakad pauwi kapag naluluwas ito ng bayan. May kalayuan rin kasi ang Bongto mula sa kanilang baryo. May hika ang ina kaya't ayaw niyang napapagod ito.“Ayos lang ho ba kayo?" nag-aalala niyang wika.“Mabuti naman ako anak, h
Pagkagaling sa Laoyon ay tumuloy na sila Rada at Clark sa San Sebastian kasama si Kate. Nakilala ng dalaga ang pinakamatalik na kaibigan ng kababata na si Vincent Villaroman. Naging mainit naman ang naging pagtanggap sa kanila ng lola Consuelo nito na siyang may kaarawan. Inestima silang mabuti at ipinakilala sa mga naroong bisita. At dahill iisang circle lang naman ang ginagalawan ng kani-kanilang mga magulang ay hind naging mahirap para sa mga bisita ang killalanin silang magkakaibigan. Hindi rin sila masyadong nagtagal sa San Sebastian at tumulak na rin pauwi ng San Isidro pagdating ng hapon. Alinsunod sa bilin ni Senyor Roman kaya't maaga silang bumiyahe pabalik.Ngunit bago si Rada maihataid ng magkapatid sa hacienda ay sinadya nila sina Cathy at Bing. Gayun na lamang ang naging katuwaan ng dalawang kaibigan niya nang magkita-kita silang tatlo. Subalit nalungkot rin ang mga ito nang magpaalam siya na pansamantala munang aalis ng San Isidro para manirahan sa ibang bansa at
Naluha ang dalaga. Tila yelo na natunaw sa magkahalong saya at lungkot ang damdamin niya. Tuloy ay namalisbis sa luha ang kanyang mga mata. Mabilis naman iyong pinahid ni Pael gamit ang mga daliri nito. "Ikaw talaga, mahal, huwag ka nang umiyak. Baka akalain ni Zantillan ay pinapaiyak kita. Allergic pa naman sa akin ang kababata mong iyon" pabulong na biro ni Pael. Impit na natawa si Rada kahit panay ang tulo ng kanyang mga luha. Tinulungan niya si Pael na tuyuin iyon sa pamamagitan ng panyo na dinukot niya mula sa kanyang bulsa." Hindi ko alam na kenkoy ka rin palang kausap." kunwa'y ismid niya sa nobyo.Tumawa ng mahina si Pael.“Pinapasaya ko lang ang paligid. Dahil nalulungkot rin ako. Ayaw ko lang na maghiwalay tayo na parehong may dinaramdam. Nauunawaan niyo po ba iyon mahal na prinsesa?" tukso naman nito sa kasintahan.Ubod tamis na ngumiti si Rada at makailang beses na tumango sa nobyo. Alam niyang pinapagaan lamang ni Pael ang nagbibigat nilang pakiramdam dahil sa nalalap
"Kumusta po kayo Aling Lourdes?" may ngiti sa labi na bati ni Clark sa nanay ni Pael pagkapasok sa bahay. “Mabuti naman Clark." magiliw na tugon ni Lourdes sa binata. Kahit na pangalawang beses pa lamang niyang nakakaharap si Clark ay magaan ang loob niya rito. Kilalang may mabubuting kalooban ang mga magulang nito na sila Don Franco at Donya Isabel. Kaya't hindi na siya nagtaka na sa kabila nang hindi nito pagkakaunawan ng anak na si Pael ay maayos at may paggalang itong nakikisalamuha at nakikipag-usap sa kanilang mag-ina. Pinalapit ni Clark ang kapatid na si Kate at ipinakilala sa kanya. Katulad ng binata ay mukha rin itong mabait at magalang. “Nakababata ko pong kapatid si Kate." anito. “Nagagalak akong makilala ka Kate." bati ni Lourdes sa dalagita. “Ako rin po Aling Lourdes." Tugon ni Kate kasabay ng pagmano sa kanya. “Matagal na hong nababanggit sa akin ni kuya ang mala-paraiso niyong bakuran hindi ko akalain na mas higit pa pala roon ang isinasa-larawan ko sa aking isi