Zain POVNapangiti ako habang tinitingnan si Tahlia na nakaupo sa gilid ng kama niya. Halata ang pag-aalinlangan sa mukha niya habang hawak ang singsing na binili ko. Aba, isang daang libong piso rin ‘yan! Hindi siya puwedeng tumangging hindi suotin iyon dahil para sa mahirap na gaya ko, halos parang milyon ang katumbas ng isang daang libong piso na iyon.“Wear it, Tahlia. Come on, it’s yours now,” sabi ko habang nakahalukipkip at nakatayo sa harapan niya. Sinundan ko kasi siya rito sa bedroom niya. Pumayag na kasi siyang magpakasal sa akin pero hindi niya sinusuot pa ang singsing.Umirap siya. “Do I have to?”Nakakainis kasi nagkaroon ako ng first girlfriend na ganitong kaarte, pero nakaka-proud din kasi bumigay siya sa akin. Ibig sabihin lang niyon, pogi ako at kamahal-mahal naman.Tumawa ako nang mahina. “Well, pumayag kang magpakasal na sa akin kaya dapat lang na suotin mo na ‘yan. Please,” sabi ko at nag-puppy eyes pa ako sa kaniya.Umirap pa siya bago dahan-dahang isinuot ang si
Zain POVSunday ngayon at kahit tinatamad akong bumangon, napilitan akong umuwi sa bahay namin sa Garay Town para magpakita manlang kay Mama. Buwisit, ang dapat na bonding namin ni Manma ng Sunday ay mapupunta pa sa hayop na si Axton.Pagkatapos ng isang oras na pakikipagkwentuhan kay Mama at pagkain ng niluto niyang sinigang, agad akong nagpaalam sa kaniya. Hindi ako puwedeng ‘di darating sa place ni Axton. Kailangan kong makuha ang phone niya at burahin ang picture namin. Gusto kong tapusin agad ang kahibangan niyang baliw siya.Sa pagdating ko sa secret place niya, agad ko siyang naaninag sa may veranda. Nakatayo siya roon, hawak ang isang tasa ng kape habang nakangiti nang makita ako.“You’re here! I thought you’d ditch me today,’ nakangiting bati niya sa akin, pero ako, seryoso at pinakita ko sa kaniya na wala lang sa akin ito, na istorbo ang araw na ito para sa akin.Pero ngumiti pa rin ako nang tipid at tinapunan siya ng tamad na tingin. “You know I don’t like breaking promises
Zain POVSa totoo lang, kinakabahan ako habang naglalakad ako papasok sa cinema room dito sa secret house ni Axtron na baliw. Pero wala akong choice, hindi ako maaaring magpakita ng kahit anong pag-aalinlangan kay Axton. Hindi ako dapat matakot na baka may gusto siyang mangyari sa aming dalawa kaya inaaya niya akong manuod ng movie.“Come on, Zain! Just a movie, nothing else,” aniya kanina habang abala sa paghahanda ng merienda sa kusina. Napilitan akong tumango, kahit na sa loob-loob ko, hindi ko gusto ang ideya ng pagsasama namin sa isang kuwarto. Naiisip ko kasi na baka anuhin niya, sasapakin ko talaga siya kapag ginawa niya iyon.Pagkapasok ko sa loob ng cinema room, agad kong sinarado ang pinto. Hinayaan kong maglaro ang mata ko sa paligid, kunwari ay naghahanap ng pelikulang puwedeng panoorin. Pero ang totoo, iba ang tunay kong pakay, ito ay ang hanapin ang cellphone ni Axton at burahin ang picture naming dalawa. Kailangan kong tapusin ang kahibangan niyang ito ngayon. Kailangan
Zain POVNanginginig ang mga kamao ko, hindi dahil sa takot, pero sa tindi ng galit na bumalot sa buong sistema ko matapos kong marinig ang nais niyang mangyari.“Why don’t you do a live show for me?” bulong ni Axton habang may mapanuksong ngiti ito sa labi niya. “Right here. Right now. Without your clothes. Iyan ang parusa mo sa ginawa mo,”dagdag pa niya.Tangina. Nagpanting ang tenga ko. Pakiramdam ko, biglang nagdilim ang paligid. Walang ibang tunog akong naririnig kundi ang sarili kong paghinga, mabigat, mabilis at puno ng poot. Ang gusto niyang mangyari ay isa nang kabaliwan. Hindi ko gagawin iyon, gago na lang ako kapag ginawa ko iyon sa kaniya. Kaya naman nag-apoy ang ulo ko dahil sa gusto niyang ipagawa sa akin.At doon na bumigay ang pasensya ko. Isang malakas na sapak ang binigay ko sa mukha niya.Hindi pa ako nakuntento, sinundan ko pa ng maraming-marami dahil sa galit na nararamdaman ko. Isa, dalawa at ilang pang suntok. Halos, sunod-sunod.Naramdaman ko na lang ang pagbit
Zain POVMadaling-araw pa lang pero gising na ako dahil hindi mapakali. Si Axton agad ang unang pumasok sa isip ko pagkadilat ng mga mata ko. Halos hindi na ako nakakain ng hapunan kagabi, natulog na lang ako dahil sa pag-iisip ko.Pakiramdam ko, hindi ko puwedeng basta na lang talikuran ang nangyari. Kailangan kong balikan si Axton sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung bakit, pero may isang bahagi sa akin na gustong malaman kung ano na ang nangyari sa kanya. Buhay pa ba siya, o tuluyan nang nawala?Hindi ako mapapakali habang hindi ko nalalaman ang nangyari sa kaniya. Wala na ba doon o bangkay na?Paglabas ko sa kuwarto ko, nadatnan kong gising na si Boyong, nakaupo sa sala at nagbabasa ng balita sa lumang newspaper.“Boyong, samahan mo ako. May pupuntahan tayo,” seryoso kong sabi habang inaabot ang susi ng inarkilang sasakyan. Hindi pa kasi namin nasasauli ang sasakyang iyon na inarkila ko ng halos ilang buwan para incase na need ko ng sasakyan ay may gamit ako.“Tangina, Zain. Anong
Tahlia POVPagkalabas ng post ko sa social media, agad na dumagsa ang mga reactions at comments ng mga kakilala ko sa buhay. May mga bumati, may nagulat at may ilang nagtanong kung kailan ang kasal. Tiningnan ko ang singsing na nasa daliri ko at napangiti. Hindi ko inakalang darating ang araw na may magbibigay sa akin ng ganitong klase ng singsing. At first kong magkaroon ng singsing na mura pero love na love ko. Well, hindi man mahal ang presyo nito pero galing naman ito sa taong dumating sa buhay ko na hindi ko inaasahang seseryosohin ko.Matapos ang ilang minuto ng pagbabasa ko ng comments, tinabi ko na ang cellphone ko at naghanda nang umalis. Kailangan ko nang sunduin si Zain sa bahay nila sa Garay Street dahil nami-miss ko na ang bundol kong groom.Umaga palang ay katawagan ko na siya. Sinabi ko sa kaniya na susunduin ko siya at gusto ko ring gumala after nun. Sinabi pa niya na doon na ako mag-lunch kaya excited na rin ako. Ewan ko, nung magkaaminan kami ni Zain, parang nawala a
Zain POVPagpasok namin sa mall ni Tahlia, agad akong nagtaka kasi hindi niya nabanggit na magsa-shopping kami. Pero mas lalo akong nagtaka nang hindi kami tumuloy sa shopping area o kahit sa isang restaurant. Sa halip, dire-diretso kaming umakyat sa executive floor kung saan naroon ang opisina ng may-ari. “Bakit tayo nandito?” tanong ko na sinusundan siya habang papasok sa isang malawak at magandang office. Napansin kong may pangalan niya sa may pinto.Ngumiti siya at tumayo sa harap ko. “I brought you here because I have a surprise for you,” sagot niya habang may halong saya ang boses niya.Nagtaas tuloy ako ng kilay. “Surprise? Para saan?”Umikot siya sa likod ng desk niya, kinuha ang isang sobre at iniabot sa akin. Nang buksan ko, isa pala iyong employment contract.“I want you to be part of my business, Zain,” seryoso niyang sabi. “I know you’re hardworking and responsible. I trust you, and I want you to help me manage this mall. You’ll be the Operations Manager.”Napatitig ako
Tahlia POVNagising ako nang hindi pa tumutunog ang alarm clock ko. Maaga pa at madilim pa rin sa labas. Ngunit may kung anong saya sa puso ko ngayong umaga. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Zain na mahimbing pang natutulog. Nakangiti akong bumangon, hinawi ang kumot at marahang hinaplos ang buhok niya.Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay ganito na kami, nauwi na talaga sa seryosohan. At ngayon, nandito ako sa bahay nila, sa kuwarto ni Zain habang magkatabing natutulog.Pagdilat niya ay bigla itong ngumiti. “Good morning,” mahina niyang sabi habang paos pa ang boses.“Good morning, sleepyhead,’ sagot ko sabay dampi ng halik sa noo niya.Mabilis kaming bumangon at nag-ayos para sa jogging namin ngayong madaling-araw. Simple lang ang suot ko, leggings at oversized hoodie, habang si Zain naman ay naka-jogging pants at fitted shirt.Habang nag-aayos siya ng sintas ng sapatos niya, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka-guwapo sa simpleng ayos lang. Parang anak may
Xamira POVPagdating ko sa bahay, agad akong nag-ayos ng mga pinamili KO sa lamesa. Nakakatuwa, kasi ngayon ko ulit mararamdaman na makakapagluto na ako nang walang iniinda sa katawan. At sa isip-isip ko, may espesyal pa akong balak ngayong araw na gawin.Tamang-tama, nakita ko si Kalix na inaayos ang mga lambat nila sa pangingisda, mukhang bukas, handa na ulit kaming mangisda at excited na rin ako dahil makakasama na akong muli.“Kalix, tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Oo, tapos na ito, bakit, may kailangan ka ba?”“Puwede mo ba akong turuan magluto?” tanong ko habang nakatingin sa mga bycep niyang tila inaakit na naman ako. Nakasando kasi siya ngayon at medyo pawisan. “Gusto ko sanang ipagluto si Nanay Karen. Para sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin.”Narinig ko siyang tumawa nang mahina, iyong tipong parang natuwa siya sa narinig sa akin. “Anong gusto mong lutuin?”“Adobong kangkong… na may baboy na sahog,” sagot ko. Sa totoo la
Xamira POVSa wakas, nakapamalengke na rin ako ng mag-isa.Habang bitbit ang basket na bigay sa akin ng nanay ni Kalix, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa makipot na daan papuntang palengke. Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong batang nakalabas sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang pagkakakulong sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Wala na ‘yung kirot sa binti ko, wala na ‘yung nananakit na hapdi sa hita. Para akong bagong laya.Kailangan ko talagang mamili ngayon. Halos wala na kasi akong pagkain sa bahay kubo ko. Nai-imagine ko na nga ang sarili kong nagkakamot ng tiyan sa gutom mamayang gabi kung hindi ako magpupursigeng mamili. Nakakahiya, nakailang gastos na rin si Kalix sa akin, baka maubos ang perang ipon niya.Pagdating sa palengke, sinalubong ako ng samu’t saring amoy ng mga fresh pang isda, bagong pitas na gulay, lahat ay kaaya-aya pa sa paningin kasi mga bagong-bago pa. Naglakad-lakad ako sa makikipot na espasyo ng mga paninda. Nang makakita ako ng mga kamatis
Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun
Xamira POVPagdilat ko pa lang ng mata, may naamoy na agad akong kakaiba. Tumatagos sa loob ng kuwarto ang amoy. Wala na si Kalix pagkagising ko kaya parang alam ko na agad. Napabangon ako kasi, ang bango. Amoy putahe na parang ang lasa-lasa. Para akong hinihila palabas ng kuwarto ng isang masarap na almusal.Napasinghot ako ng ilang beses, tapos pinikit ko ulit ang mata ko sandali, iniisip ko kung nananaginip lang ba ako. Pero hindi. Totoo ang amoy. May nakabaang talaga na masarap na almusal sa labas.Kaya naman, dahan-dahan na akong bumangon, pinilit kong inaalis ang antok sa mga mata ko. Pagbukas ko ng pinto, sumilip ako sa maliit naming dining area at doon, halos mapatili ako sa tuwa.Isang malaking kawali na puno ng seafood mix ang nakapatong sa mesa. Umuusok-usok pa, mainit-init, kitang-kita ko ang makukulay na hipon, pusit, tahong at kung anu-ano pang lamang-dagat na sobrang sarap tignan nung pagsamahin. Sa tabi ng mesa, nakaupo si Kalix, nakangiti na tila kanina pa nag-aabang
Kalix POVMaaga pa lang, gising na ako. Day off namin ngayon sa pangingisda, ganoon kapag Sunday. Tulog pa si Xamira nang umalis ako sa bahay kubo niya. Kailangan kong unahan ang ibang mamimili sa palengke, lalo pa’t may espesyal akong binabalak ngayong araw. Nangako kasi ako kay Xamira na ipagluluto ko siya ng paborito niyang seafood mix. Yung tipong umaapaw sa hipon, pusit, halaan, tahong at may kung anong sikreto kong pampalasa na ayon sa matatanda. Siyempre, kapag ganitong in love ako, nagluluto rin ako ng may halong pag-ibig.Sa totoo lang, dati ay ganitong-ganito ako kay Betchay nung nililigawan ko siya. Ang kaibahan lang, mas paborito ni Betchay ang mga lutong gulay lang. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan ko, lalo pa’t nawala si Betchay na wala kaming closure o paghihiwalay. Masakit sa akin noon ang pagkawala niya at nung humaba na ang panahon, doon lang talaga ako naka-move on.Ngayong binuksan ko na ulit ang puso ko para sa bagong babae, sa tingin ko, mas masaya na ako
Kalix POVPagkarating ko sa kubo ni Xamira, dala ko na ang mga dahon ng mayana na pinili kong maigi kanina pa. Medyo pagod pa ako mula sa maghapong pangingisda, pero hindi ko ramdam—hindi ko talaga ramdam kapag siya ang iniisip ko. Parang nawawala ‘yung bigat ng katawan ko tuwing siya ang dahilan ng mga dapat kong gawin.“Xamira,” tawag ko habang tinutulak ang pinto ng bahay kubo niya. Naroon siya sa papag, naka-upo habang nakasandal sa dingding. Suot niya ‘yung simpleng daster na bulaklakin habang nakatirintas ang buhok.Pagkakita sa akin ng nanay ko, umalis na agad siya kasi marami pa siyang dapat gawin sa bahay kubo namin.“Salamat ulit, nanay.” Tinapik lang ako sa balikat ng nanay ko at pagkatapos, umalis na siya.Lumapit ako nang nakangiti kay Xamira.“Oh, Kalix! Nandiyan ka na pala,” sabi niya habang nakatingin sa dala-dala kong mga dahon. “Ano ‘yang dala-dala mong dahon?” tanong pa niya.“Mayana ‘to. Sabi ni Nanay, epektibo raw ito sa mga pilay, pasa at pamamaga. Ginagamit nam
Kalix POVPagdilat ng mata ko, agad kong naamoy ang malinis na amoy ng buhok ni Xamira. Namilog agad ang mga mata ko sa nakita ko. Nakadikit siya sa dibdib ko, nakayakap, tila ba hinahanap ang init ng katawan ko dahil malamig na kapag madaling-araw. Napangiti tuloy ako. Kung ganitong kaganda ang umaga ko, aba’y parang gusto kong dito na lang matulog habangbuhay.Ang lambot ng yakap niya. Parang ayaw ko na talagang bumangon kahit kailangan nang bumangon kasi kailangan ko nang gumayak.Pero kailangan. Mangingisda pa kami nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Hindi puwedeng ako ang maging dahilan ng pagkaantala. Malaking sayang ang kita para sa kanila, kung sa akin ayos lang na walang kita, basta kasama ko si Xamira, okay na okay na ako.“Kalix!”Narinig ko pa ang sigaw ni Tisay mula sa labas ng bahay kubo ni Xamira. Napakunot ako ng noo habang sinulyapan ko si Xamira—tulog pa rin siya, pero ramdam ko ang mahina niyang paghinga. Ang kamay niya ay nakahawak pa sa t-shirt ko, parang ayaw akong p
Xamira POVMagluluto na sana ako ng hapunan, pero pinigilan akong gumalaw ni Kalix. Kaya ko naman nang gumalaw, pero sadyang may kirot lang sa mga binti at hita ko kapag naglalakad. Hindi pa talaga kaya siguro. Kaya siya na ang nagluto ng hapunan namin, ako naman, naka-upo lang sa isang tabi habang pinapanood siyang kumilos sa maliit kong kusina. Ewan ko kung bakit, pero nakangiti lang ako buong oras. Masarap palang panoorin ang isang taong handang gawin ang lahat para lang mapagaan ang pakiramdam mo. Todo-effort ang Kalix, nakakainis kasi nakakakilig isipin na para kaming mag-asawa ngayon kahit nanliligaw palang naman siya.“Ang bango,” ani ko habang nilalagyan na niya ng ulam ang plato ko. “Ang dami mo talagang kayang gawin. Sa Lux city, wala, puro pa-pogi lang ang kalalakihan. Bihira doon ang mga gaya mong masipag.”“Mayayaman kasi kaya ganoon, dito, kung hindi ka kikilos ay walang mangyayari sa buhay mo,” sagot niya at parang hindi niya napansing napatingin ako sa kaniya nang mata
Kalix POVSabi ko kay Xamira, hanggang hindi pa siya okay, dito ako matutulog sa bahay kubo niya. Payag naman siya, kasi ako ang natatakot na rin para sa kalagayan niya. Lalo na’t alam ko rin ang dating naging buhay ng mama ko. Na gaya nang nangyayari kay Xamira, dati na rin pala siyang nakakaranas ng pambubuwisit ng mga loko-lokong mga kalalakihan na tigang na tigang. Palibhasa’t hindi pa uso ang pulis dito, kaya hindi sila natatakot na gumawa ng kasamaan.“Salamat talaga sa pagpoprotekta sa akin, Kalix. Talaga bang ayos ka lang na sa sala matulog?” tanong ni Xamira habang seryosong nakatingin sa akin. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, aba’y magtabi na lang kami sa kama niya kung nahihiya talaga siyang patulugin ako sa sala.“Oo, ayos lang, basta nandito ako sa bahay kubo mo, kalmado ako, kasi alam kong mapoprotektahan kita.”Nakita kong ngumiti siya. Syet, ang ganda talaga ni Xamira. Napaka-suwerte ko kapag nakatuluyan ko ang gaya niya.Maya maya ay biglang bumukas ang pinto n