Zain POVDumaan kami ni Tahlia sa isang malaking park na halos walang tao. Malawak ang lugar, tahimik at perpect para sa isang first-time driver na katulad ko. Alam kong hindi ito magiging madali, pero sa paraan ng pagtuturo ni Tahlia, parang may halong thrill at kaba ang buong experience. Kilala ko pa naman na mataray siya, baka kapag pamali-mali ako ay tarayan niya ako.“Okay, Zain. Before anything else, you need to understand the basics. Driving is not just about stepping on the gas and turning the wheel. It’s about control, awareness, and responsibility. Got it?” sabi ni Tahlia habang seryosong nakatitig sa akin.Tumango ako dahil na-gets ko naman agad ang pinipunto niya, kahit kalahati lang ng sinabi niya ang talagang na-absorb ko. Joke, na-gets ko naman talaga. Gusto ko lang kasing magmaneho agad, pero alam kong hindi ako makakalusot sa kaniya.“First, let’s talk about the pedals. The rightmost one is the accelerator, the middle is the brake, and if this were a manual car, there
Zain POVNgayon na ang unang araw ko bilang operations manager sa mall ni Tahlia. First time kong magkakaroon ng ganitong trabaho kaya parang kabado na masaya na hindi ko ma-gets. Pero masaya ako kasi nandito naman palagi si Tahlia kapag nagwo-work ako. Ang maganda lang dito ay sabay kaming papasok palagi.Pagpasok ko sa building, ramdam ko agad ang lamig ng aircon na bumalot sa katawan ko. Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang naglakad patungo sa opisina ko sa second floor. Hindi pa man ako nakakarating, sinalubong na ako ng ilan sa mga empleyado.Nauna akong pumunta rito, si Tahlia ay may kinausap pang staff niya sa isang shop dito na may problema sa sales.“Good morning, Sir Zain!” bati ng isang security guard.“Good morning din,” sagot ko kasabay ng bahagyang pagtango.Pagdating ko sa opisina ko, bumungad sa akin ang isang maaliwalas at malinis na room. Malapad ang mesa at mayroong floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng view ng buong mall. Hindi ito isang
Zain POVNasa opisina ako habang nakaupo sa harap ng desk habang tinitingnan ang ilang reports ng operations sa mall. Maayos naman ang takbo ng araw, this time wala ng trip si Tahlia, totoong work na talaga ito. Wala namang malaking problema, mga minor na issue lang sa ilang tindahan at isang sirang escalator na inaayos na rin. Pero sa kabila ng pagiging abala ko, hindi ko maiwasang mapansin ang sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko.Nakita kong si Boyong pala ang tumatawag.Tumayo ako at lumabas ng opisina. Pumunta ako sa pinakamalapit na restroom. Pagpasok ko roon, siniguro kong walang tao sa loob bago ko sinagot ang tawag niya.“Hello?” Mahinang sabi ko ng sagutin ko ang tawag ni Boyong.“Tol, tapos ko nang pakainin si Axton,” sagot ni Boyong.Napapikit ako sandali habang humuhugot ng hininga bago ako nagsalita ulit. “Kumusta siya?”“Medyo tahimik ngayon pero may mga oras na nagwawala. Sinasabi niyang pakawalan ko na siya, pero siyempre hindi ako nakikinig,” sagot ni Boyong ha
Zain POVPagdating ko sa Garay Street namin, madilim na ang paligid at tanging mga ilaw mula sa ilang poste ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Wala na ang apoy, mabuti naman, pero ang latak ng sunog ay nagkalat pa rin sa paligid. Grabe, ang itim na ng lahat, halos abo, natupok na kahoy at amoy ng nasunog na materyales ang sumalubong sa akin.Sa kabila ng lahat, mas hinanap ng mata ko si Calia.Nakita ko siya sa gilid, kasama ang mama ko, si Boyong at ang mama niya. Mukha silang pagod at tulala, lalo na si Calia na parang wala sa sarili habang yakap ng mahigpit ng mama niya.Paglapit ko, parang biglang nabuhayan si Calia. Tumakbo siya papunta sa akin at agad akong niyakap nang mahigpit na halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya, pati ang mainit na luhang tumatagos sa suot kong shirt.Grabe, kawawa naman si Calia. Ayokong nakikitang ganito siya kalungkot at katakot. Natatakot siya kasi wala na silang matutuluyan, walang-wa
Zain POVPagdating ko sa Lux City, halos hindi na ako mapakali sa loob ng sasakyan. “Bilisan mo, please,” utos ko sa driver. Gusto ko nang makauwi sa loob ng dalawampung minuto, para kasing sasabog na ang dibdib ko sa kaba.Panay ang tingin ko sa phone ko at panay pa rin ang pagpapadala ni Tahlia ng message. Galit na galit na talaga siya sa akin. First time itong mangyari sa amin. Ngayon lang siya nagalit ng todo ng ganito simula nung maging kami na talaga. Ang mali ko lang, sa sobrang busy ko kanina at pag-aalala kina Calia, nawala sa loob ko na magsabi kay Tahlia na tutulungan lang namin ni mama sina Calia kasi nasunugan sila ng bahay, kawawa naman.Ang tanga ko kasi, ako talaga ang may mali rito.Pagkarating ko sa mansiyon, agad akong bumaba at tinakbo ang dining area. Naroon pa rin ang pagkain, halos hindi nagalaw. Napalunok ako ng laway, alam kong galit si Tahlia kasi mukhang matagal niya akong hinintay para lang sabay kaming mag-dinner.Tumakbo agad ako sa hagdanan at saka pumun
Zain POVNnagising ako nang maramdaman kong wala na si Tahlia sa tabi ko. Natulog kaming gutom, hindi nagkikibuan at halos magkalayo sa kama.Agad akong lumingon sa tabi ko, pero wala na talaga siya. Hindi rin ako nakakarinig ng tunog ng shower mula sa banyo. Alam kong hindi ito maganda, na hanggang ngayon, hindi kami nagkikibuan. Hindi pa kami tuluyang mag-asawa pero may ganitong eksena na agad.Bumangon ako, naghilamos at bumaba sa dining area. Nasa lamesa pa ang breakfast na inihanda ni Manang, pero isa lang ang set ng plato. Wala si Tahlia. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na siya naabutan bago siya umalis papuntang trabaho. Hindi rin niya ako hinintay na mag-breakfast. Talagang seryosong galit siya.Alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi ko sinasabi na wala na sina Calia sa bahay namin. At kung gusto kong bumalik sa dati ang lahat, kailangan kong gumawa ng paraan. At ngayong araw, aayusin ko na agad ito.Habang nag-aalmusal ako, agad kong tinawagan si Boyong. “Tol, kailanga
Zain POVPagdating namin sa mansiyon ni Lola Flordelisa, dama ko na agad ang bigat ng hangin sa loob ng bahay na para bang may mainit na anunsyo na naman ito para sa lahat.Pagpasok palang namin sa loob, tahimik ang lahat na parang may hindi magandang mangyayari. Pero alam kong sa amin ni Tahlia ay wala kasi alam kong mas boto si Lola Flordelisa sa amin. Tinignan ko si Tahlia, ramdam ko na parang kabado siya. Kanina, nung nasa kotse kami, naisip niya na baka nabuko na kami ni Lola, na baka alam na niyang mahirap lang daw ako at hindi talaga nakatira sa ibang bansa. Pero hindi ako natakot o kinabahan dahil alam kong matagal ng alam ni Lola ang lahat ng tungkol sa akin o sa amin ni Tahlia.“Sit down, all of you,” seryosong utos ni Lola Flordelisa sa amin.Umupo kami sa mahabang dining area. Si Xamira, halatang hindi mapakali, habang si Giyo naman ay pinipilit panatilihin ang ngiti sa labi niya. Ako, nanatili lang sa tabi ni Tahlia, hinihintay ang kung ano mang i-a-announce ni Lola.“I g
Zain POVPagkatapos naming umalis mula sa mansiyon ni Lola Flordelisa, agad akong nagpaalam kay Tahlia na uuwi muna ako sa amin. Kailangan kong samahan si Mama sa ospital para sa kanyang check-up. Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong hinahapo siya ng hininga at hindi ako mapalagay. Wala rin si Boyong ngayon, nag-day off siya mula sa pagbabantay kay Mama. Magbi-birthday kasi ang mama niya at gusto niya itong ilabas para makapag-relax muna sila. Isa pa, ilang araw ng pagod si Boyong sa pagbabantay nito sa bihag nilang si Axton.At dahil good mood si Tahlia dahil sa pagkapanalo namin sa mana ni Lola Flordelisa, agad naman siyang pumayag.“Of course, Zain. You need to do that. Family comes first,” sagot ni Tahlia nang sabihin ko ang plano kong gawin ngayong tanghali. “Mahalaga ang buhay ng mama mo, kaya, sige, ipa-check up mo na siya para makita kung anong problema,” dagdag pa niya.Kaya nung pumasok na siya sa mansiyon namin, naiwan ako sa kotse para naman tumuloy na sa bayan namin
Xamira POVPagdating ko sa bahay, agad akong nag-ayos ng mga pinamili KO sa lamesa. Nakakatuwa, kasi ngayon ko ulit mararamdaman na makakapagluto na ako nang walang iniinda sa katawan. At sa isip-isip ko, may espesyal pa akong balak ngayong araw na gawin.Tamang-tama, nakita ko si Kalix na inaayos ang mga lambat nila sa pangingisda, mukhang bukas, handa na ulit kaming mangisda at excited na rin ako dahil makakasama na akong muli.“Kalix, tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Oo, tapos na ito, bakit, may kailangan ka ba?”“Puwede mo ba akong turuan magluto?” tanong ko habang nakatingin sa mga bycep niyang tila inaakit na naman ako. Nakasando kasi siya ngayon at medyo pawisan. “Gusto ko sanang ipagluto si Nanay Karen. Para sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin.”Narinig ko siyang tumawa nang mahina, iyong tipong parang natuwa siya sa narinig sa akin. “Anong gusto mong lutuin?”“Adobong kangkong… na may baboy na sahog,” sagot ko. Sa totoo la
Xamira POVSa wakas, nakapamalengke na rin ako ng mag-isa.Habang bitbit ang basket na bigay sa akin ng nanay ni Kalix, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa makipot na daan papuntang palengke. Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong batang nakalabas sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang pagkakakulong sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Wala na ‘yung kirot sa binti ko, wala na ‘yung nananakit na hapdi sa hita. Para akong bagong laya.Kailangan ko talagang mamili ngayon. Halos wala na kasi akong pagkain sa bahay kubo ko. Nai-imagine ko na nga ang sarili kong nagkakamot ng tiyan sa gutom mamayang gabi kung hindi ako magpupursigeng mamili. Nakakahiya, nakailang gastos na rin si Kalix sa akin, baka maubos ang perang ipon niya.Pagdating sa palengke, sinalubong ako ng samu’t saring amoy ng mga fresh pang isda, bagong pitas na gulay, lahat ay kaaya-aya pa sa paningin kasi mga bagong-bago pa. Naglakad-lakad ako sa makikipot na espasyo ng mga paninda. Nang makakita ako ng mga kamatis
Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun
Xamira POVPagdilat ko pa lang ng mata, may naamoy na agad akong kakaiba. Tumatagos sa loob ng kuwarto ang amoy. Wala na si Kalix pagkagising ko kaya parang alam ko na agad. Napabangon ako kasi, ang bango. Amoy putahe na parang ang lasa-lasa. Para akong hinihila palabas ng kuwarto ng isang masarap na almusal.Napasinghot ako ng ilang beses, tapos pinikit ko ulit ang mata ko sandali, iniisip ko kung nananaginip lang ba ako. Pero hindi. Totoo ang amoy. May nakabaang talaga na masarap na almusal sa labas.Kaya naman, dahan-dahan na akong bumangon, pinilit kong inaalis ang antok sa mga mata ko. Pagbukas ko ng pinto, sumilip ako sa maliit naming dining area at doon, halos mapatili ako sa tuwa.Isang malaking kawali na puno ng seafood mix ang nakapatong sa mesa. Umuusok-usok pa, mainit-init, kitang-kita ko ang makukulay na hipon, pusit, tahong at kung anu-ano pang lamang-dagat na sobrang sarap tignan nung pagsamahin. Sa tabi ng mesa, nakaupo si Kalix, nakangiti na tila kanina pa nag-aabang
Kalix POVMaaga pa lang, gising na ako. Day off namin ngayon sa pangingisda, ganoon kapag Sunday. Tulog pa si Xamira nang umalis ako sa bahay kubo niya. Kailangan kong unahan ang ibang mamimili sa palengke, lalo pa’t may espesyal akong binabalak ngayong araw. Nangako kasi ako kay Xamira na ipagluluto ko siya ng paborito niyang seafood mix. Yung tipong umaapaw sa hipon, pusit, halaan, tahong at may kung anong sikreto kong pampalasa na ayon sa matatanda. Siyempre, kapag ganitong in love ako, nagluluto rin ako ng may halong pag-ibig.Sa totoo lang, dati ay ganitong-ganito ako kay Betchay nung nililigawan ko siya. Ang kaibahan lang, mas paborito ni Betchay ang mga lutong gulay lang. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan ko, lalo pa’t nawala si Betchay na wala kaming closure o paghihiwalay. Masakit sa akin noon ang pagkawala niya at nung humaba na ang panahon, doon lang talaga ako naka-move on.Ngayong binuksan ko na ulit ang puso ko para sa bagong babae, sa tingin ko, mas masaya na ako
Kalix POVPagkarating ko sa kubo ni Xamira, dala ko na ang mga dahon ng mayana na pinili kong maigi kanina pa. Medyo pagod pa ako mula sa maghapong pangingisda, pero hindi ko ramdam—hindi ko talaga ramdam kapag siya ang iniisip ko. Parang nawawala ‘yung bigat ng katawan ko tuwing siya ang dahilan ng mga dapat kong gawin.“Xamira,” tawag ko habang tinutulak ang pinto ng bahay kubo niya. Naroon siya sa papag, naka-upo habang nakasandal sa dingding. Suot niya ‘yung simpleng daster na bulaklakin habang nakatirintas ang buhok.Pagkakita sa akin ng nanay ko, umalis na agad siya kasi marami pa siyang dapat gawin sa bahay kubo namin.“Salamat ulit, nanay.” Tinapik lang ako sa balikat ng nanay ko at pagkatapos, umalis na siya.Lumapit ako nang nakangiti kay Xamira.“Oh, Kalix! Nandiyan ka na pala,” sabi niya habang nakatingin sa dala-dala kong mga dahon. “Ano ‘yang dala-dala mong dahon?” tanong pa niya.“Mayana ‘to. Sabi ni Nanay, epektibo raw ito sa mga pilay, pasa at pamamaga. Ginagamit nam
Kalix POVPagdilat ng mata ko, agad kong naamoy ang malinis na amoy ng buhok ni Xamira. Namilog agad ang mga mata ko sa nakita ko. Nakadikit siya sa dibdib ko, nakayakap, tila ba hinahanap ang init ng katawan ko dahil malamig na kapag madaling-araw. Napangiti tuloy ako. Kung ganitong kaganda ang umaga ko, aba’y parang gusto kong dito na lang matulog habangbuhay.Ang lambot ng yakap niya. Parang ayaw ko na talagang bumangon kahit kailangan nang bumangon kasi kailangan ko nang gumayak.Pero kailangan. Mangingisda pa kami nina Buknoy, Buchukoy at Tisay. Hindi puwedeng ako ang maging dahilan ng pagkaantala. Malaking sayang ang kita para sa kanila, kung sa akin ayos lang na walang kita, basta kasama ko si Xamira, okay na okay na ako.“Kalix!”Narinig ko pa ang sigaw ni Tisay mula sa labas ng bahay kubo ni Xamira. Napakunot ako ng noo habang sinulyapan ko si Xamira—tulog pa rin siya, pero ramdam ko ang mahina niyang paghinga. Ang kamay niya ay nakahawak pa sa t-shirt ko, parang ayaw akong p
Xamira POVMagluluto na sana ako ng hapunan, pero pinigilan akong gumalaw ni Kalix. Kaya ko naman nang gumalaw, pero sadyang may kirot lang sa mga binti at hita ko kapag naglalakad. Hindi pa talaga kaya siguro. Kaya siya na ang nagluto ng hapunan namin, ako naman, naka-upo lang sa isang tabi habang pinapanood siyang kumilos sa maliit kong kusina. Ewan ko kung bakit, pero nakangiti lang ako buong oras. Masarap palang panoorin ang isang taong handang gawin ang lahat para lang mapagaan ang pakiramdam mo. Todo-effort ang Kalix, nakakainis kasi nakakakilig isipin na para kaming mag-asawa ngayon kahit nanliligaw palang naman siya.“Ang bango,” ani ko habang nilalagyan na niya ng ulam ang plato ko. “Ang dami mo talagang kayang gawin. Sa Lux city, wala, puro pa-pogi lang ang kalalakihan. Bihira doon ang mga gaya mong masipag.”“Mayayaman kasi kaya ganoon, dito, kung hindi ka kikilos ay walang mangyayari sa buhay mo,” sagot niya at parang hindi niya napansing napatingin ako sa kaniya nang mata
Kalix POVSabi ko kay Xamira, hanggang hindi pa siya okay, dito ako matutulog sa bahay kubo niya. Payag naman siya, kasi ako ang natatakot na rin para sa kalagayan niya. Lalo na’t alam ko rin ang dating naging buhay ng mama ko. Na gaya nang nangyayari kay Xamira, dati na rin pala siyang nakakaranas ng pambubuwisit ng mga loko-lokong mga kalalakihan na tigang na tigang. Palibhasa’t hindi pa uso ang pulis dito, kaya hindi sila natatakot na gumawa ng kasamaan.“Salamat talaga sa pagpoprotekta sa akin, Kalix. Talaga bang ayos ka lang na sa sala matulog?” tanong ni Xamira habang seryosong nakatingin sa akin. Sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, aba’y magtabi na lang kami sa kama niya kung nahihiya talaga siyang patulugin ako sa sala.“Oo, ayos lang, basta nandito ako sa bahay kubo mo, kalmado ako, kasi alam kong mapoprotektahan kita.”Nakita kong ngumiti siya. Syet, ang ganda talaga ni Xamira. Napaka-suwerte ko kapag nakatuluyan ko ang gaya niya.Maya maya ay biglang bumukas ang pinto n