Tahlia POVPagkagising ko ng ala una ng hapon, naisipan kong maghanda ng merienda para sa mama ni Zain. Alam kong pagod ito mula sa biyahe at sa hospital check-up, kaya gusto kong iparamdam na welcome siya sa bahay na ito. Isa pa, masaya ako na makakasama namin siya, lalo na’t gusto kong mapalapit sa kaniya. Hindi lang dahil sa magiging biyenan ko siya kundi dahil alam kong mahalaga siya kay Zain.Pinaalalahanan ko ang mga kasambahay na siguraduhin na malinis at maaliwalas ang room na para sa kanya. Gusto kong maging komportable siya sa bagong paligid dito sa mansiyon.Kasabay noon, inutusan ko rin ang mga kusinera na maghanda ng masasarap na pagkain para sa merienda. Alam kong simple lang ang nakasanayan ng mama ni Zain, kaya gusto kong ipakita sa kaniya na welcome siya dito nang hindi siya maiilang.Habang abala ang lahat sa paghahanda, naisipan kong umupo sandali sa terrace at mag-isip. Hindi ko maiwasang mapaisip tungkol kay Calia. Mas lalo kong nararamdaman na hindi ito titigil h
Tahlia POVMaagang-maaga pa lang nang araw na iyon ay ginising na ako ng malalakas na katok sa pinto ng kuwarto ko. Nakakainis kasi kasarapan pa ng tulog ko, puyat ako kagabi dahil tinapos ko ang pinapanuod kong fantasy series."Tahlia! Hoy, Tahlia, bumangon ka na nga diyan! Kakain na tayo," tawag ni Mama mula sa labas ng kuwarto koNapabuntong-hininga ako at agad na bumangon mula sa kama.“Opo, ayan na, gising na!” sagot ko habang napapairap.Naghilamos at nag-toothbrush muna ako sa banyo ko bago tuluyang bumaba.Pagkababa ko, nakita kong nasa dining area na si Papa, nakaupo sa head seat ng mahabang mesa, habang si Mama naman ay naghahain ng pagkain kasama ang mga kasambahay namin."Good morning, sweetheart," bati ni Papa habang iniinom ang kape niya."Good morning," sagot ko at saka na naupo sa tabi ni Mama.Habang kumakain kami, nagpalitan ng tingin si Mama at Papa bago nagsalita si Mama."Tahlia, pinapatawag tayo ng Lola Flordelisa mo. May mahalaga raw siyang announcement," sabi n
Zain POVMainit ang sikat ng araw, pero hindi iyon alintana ng mga tao sa loob ng bilyaran. Nagsisigawan ang ilan, nagsisipagtawanan at ang iba naman ay seryosong nakatuon sa laro nila. Tulad ng dati, nandito ako sa gilid, nag-aabang kung sino ang mag-uutos sa akin."Zain, pabili nga ng yelo at tatlong bote ng alak sa tindahan sa kanto."Kahit hindi ko pa natitingnan kung sino ang nagsabi, agad ko nang inabot ang perang iniabot sa akin. Kabisado ko na ang trabaho ko rito—utusan, tagabili, taga-abot ng sigarilyo at kung minsan, taga-score din kapag abala ang referee ng laro. Hindi kalakihan ang kita, pero mas mabuti na ito kaysa wala.Mabilis akong tumakbo palabas at tinungo ang tindahan. Nang mabili ko na ang yelo at alak, dali-dali akong bumalik sa bilyaran. Inabot ko na ang pinabibinili nung nag-utos sa akin at hindi na nag-abala pang ibalik ang sukli dahil ganoon naman talaga na nung una palang. Sa ganitong paraan ako kumikita—ang mga baryang natitira ay sa akin na napupunta.Pagba
Tahlia POVHalos isang linggo na akong nakabantay kay Axton sa ospital. Halos hindi na ako natutulog, hindi rin ako makakain nang maayos. Araw at gabi, inaabangan ko ang bawat galaw niya habang hinihintay ang kahit anong senyales na magigising siya mula sa coma.At ngayon, eto na ang araw na pinakahihintay ko.Unti-unting gumalaw ang mga daliri niya, kasabay ng mahinang paggalaw ng mata niya sa ilalim ng talukap nito. Napasubsob ako sa kamay niya, hindi ko mapigilang humagulgol sa sobrang tuwa."Axton…!" tinawag ko siya nang mahina habang mangiyak-ngiyak.Dahan-dahan siyang dumilat, kita ko ang pagkalito sa kanyang mata bago ito napuno ng pagod at lungkot."Tahlia…" mahina niyang tawag sa akin at doon tuluyang bumagsak ang luha ko.Dali-dali kong tinawag ang doktor at mga nurse. Lahat kami sa kwarto—ako, ang mga magulang niya at ang mga doktor—ay punong-puno ng pag-asa. Happy na kami kasi gising na siya. Halos lahat ay nakangiti niya pero kailangan niyang ma-test para malaman kung an
Tahlia POVBinuksan ko ang pinto ng condo ko at agad na pumasok si Zain, tinitingnan niya agad ang buong paligid na parang ngayon lang siya nakapasok sa ganitong klaseng lugar. Malinis, moderno at mahal ang bawat sulok nito kaya hindi na ako magtataka kung bakit parang manghang-mangha siya sa condo ko."Sit," utos ko at saka itinuro ang sofa. "We need to talk."Umupo siya, pero halata ang kaba sa katawan niya. Hindi ko alam kung kinakabahan siya dahil sa akin o dahil hindi pa rin siya makapaniwala na nandito siya ngayon.Kinuha ko ang isang folder sa mesa at ipinatong iyon sa harap niya. Kanina, habang nasa biyahe ako, inutusan ko ang secretary ko na igayak agad ang contract sa loob ng ten minutes kaya nakahanda na agad ang contract. "I need a groom."Napakunot ang noo niya. "Oo nga, nasabi mo na nga kanina sa highway.""Pilosopo,"bulong ko. I crossed my arms. "I need a husband. Not a real one—just a fake one."Nagtaas siya ng kilay. "Okay po," maikli niyang sagot. Lasing pa talaga a
Zain POVPinatay ni Tahlia ang engine ng sasakyan niya at lumingon sa akin bago bumaba."You'll stay here for the night. I have things to do, so I'll be sleeping at our mansion," sabi niya habang walang emosyon ang boses. Ang ganda niya talaga. Ang hot pa at putek, ang laki ata ng mga bundok niya sa harap.Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiilang na ganito kaganda ang magiging peke kong asawa. Ibig sabihin ay maki-kiss ko siya sa lips kapag kinasal na kami? Sure ‘yon kasi ikakasal kami sa simbahan kasama ang lola at pamilya niya. Ngayon palang ay excited na ako.Bago siya tuluyang lumabas, lumingon siya muli sa akin at nagtaas ng kilay."And Zain," she said with a smirk, "there are CCTVs everywhere. So, if you try to steal anything, I’ll know."Napanganga ako. "Wow. You really think I’d do that?"She shrugged. "I don’t know you well enough to be sure. But I do know that money can tempt people."Napailing ako. "You’re unbelievable.""I know." She gave me one last look before closing
Zain POVMaaga pa lang ay gising na ako dahil pinag-alarm ako ni Tahlia. Ang saya nga kasi may magara at mamahalin akong cellphone ngayon. Siyempre, bigay din ito ni Tahlia para may contact siya sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya kahapon na di-keypad lang ang phone ko. Nakita ko nga na umirap at ngumuwi siya. Ang arte talaga, e.Kaya naman agad-agad ay binili niya ako ng cellphone. Ang nakakatuwa pa, magkapareho na kami ng cellphone ngayon. Bakit, kasi kailangan ko rin daw talagang magpanggap na mayaman din.Nakakasura nga kasi hindi ko agad natutunang gamitin ang ganitong kagara na cellphone.Ngayong araw ay sinundo niya ako sa bahay namin. Mamimili raw kasi kami ng mga magiging gamit ko bilang Zain na mayaman.At sa malaking mall kami nagpunta. Pero, hindi lang basta mall ito, kasi nasa pinakamalalaking mall kami sa buong bansa, may tatlong floors, luxury boutiques at mga mamahaling restaurant na ang presyo ng isang meal ay parang tatlong taon kong sahod sa pagiging kargador ko sa pa
Tahlia POVNauwi na sa bahay nila si Axton kaya naisipan kong galain siya pagkaapos kong asikasuhin ang baliw na si Zain.Ka-stress siyang kasama pero dahil kailangan ko siya para sa sampung bilyong piso, magtitiis ako.Pagdating ko sa bahay nila Axton ay tahimik.Dati, sa tuwing umuuwi siya galing sa ibang bansa, palaging puno ng sigla ang ganitong pagkakataon. Maglalakad siya palapit sa akin, yakap agad at may kasamang pilyong ngiti na para bang wala siyang ibang gustong makita kundi ako.Pero ngayon, bumungad sa akin ang reyalidad na kahit anong gawin namin, kahit anong dasal ang gawin ko, hindi na muling babalik ang dati.Nakita ko siyang naka-wheelchair sa sala, nakatingin sa bintana. Malalim ang iniisip.Hindi ko alam kung napansin niya akong pumasok.“Axton,” mahinang tawag ko sa kaniya.Dahan-dahan siyang napalingon sa akin..Isang matamlay na ngiti ang ibinigay niya sa akin. “You’re here.”Lumapit ako sa kanya habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko na hindi maiyak kasi n
Tahlia POVPagkagising ko ng ala una ng hapon, naisipan kong maghanda ng merienda para sa mama ni Zain. Alam kong pagod ito mula sa biyahe at sa hospital check-up, kaya gusto kong iparamdam na welcome siya sa bahay na ito. Isa pa, masaya ako na makakasama namin siya, lalo na’t gusto kong mapalapit sa kaniya. Hindi lang dahil sa magiging biyenan ko siya kundi dahil alam kong mahalaga siya kay Zain.Pinaalalahanan ko ang mga kasambahay na siguraduhin na malinis at maaliwalas ang room na para sa kanya. Gusto kong maging komportable siya sa bagong paligid dito sa mansiyon.Kasabay noon, inutusan ko rin ang mga kusinera na maghanda ng masasarap na pagkain para sa merienda. Alam kong simple lang ang nakasanayan ng mama ni Zain, kaya gusto kong ipakita sa kaniya na welcome siya dito nang hindi siya maiilang.Habang abala ang lahat sa paghahanda, naisipan kong umupo sandali sa terrace at mag-isip. Hindi ko maiwasang mapaisip tungkol kay Calia. Mas lalo kong nararamdaman na hindi ito titigil h
Zain POVPagkatapos naming umalis mula sa mansiyon ni Lola Flordelisa, agad akong nagpaalam kay Tahlia na uuwi muna ako sa amin. Kailangan kong samahan si Mama sa ospital para sa kanyang check-up. Nitong mga nakaraang araw, napapansin kong hinahapo siya ng hininga at hindi ako mapalagay. Wala rin si Boyong ngayon, nag-day off siya mula sa pagbabantay kay Mama. Magbi-birthday kasi ang mama niya at gusto niya itong ilabas para makapag-relax muna sila. Isa pa, ilang araw ng pagod si Boyong sa pagbabantay nito sa bihag nilang si Axton.At dahil good mood si Tahlia dahil sa pagkapanalo namin sa mana ni Lola Flordelisa, agad naman siyang pumayag.“Of course, Zain. You need to do that. Family comes first,” sagot ni Tahlia nang sabihin ko ang plano kong gawin ngayong tanghali. “Mahalaga ang buhay ng mama mo, kaya, sige, ipa-check up mo na siya para makita kung anong problema,” dagdag pa niya.Kaya nung pumasok na siya sa mansiyon namin, naiwan ako sa kotse para naman tumuloy na sa bayan namin
Zain POVPagdating namin sa mansiyon ni Lola Flordelisa, dama ko na agad ang bigat ng hangin sa loob ng bahay na para bang may mainit na anunsyo na naman ito para sa lahat.Pagpasok palang namin sa loob, tahimik ang lahat na parang may hindi magandang mangyayari. Pero alam kong sa amin ni Tahlia ay wala kasi alam kong mas boto si Lola Flordelisa sa amin. Tinignan ko si Tahlia, ramdam ko na parang kabado siya. Kanina, nung nasa kotse kami, naisip niya na baka nabuko na kami ni Lola, na baka alam na niyang mahirap lang daw ako at hindi talaga nakatira sa ibang bansa. Pero hindi ako natakot o kinabahan dahil alam kong matagal ng alam ni Lola ang lahat ng tungkol sa akin o sa amin ni Tahlia.“Sit down, all of you,” seryosong utos ni Lola Flordelisa sa amin.Umupo kami sa mahabang dining area. Si Xamira, halatang hindi mapakali, habang si Giyo naman ay pinipilit panatilihin ang ngiti sa labi niya. Ako, nanatili lang sa tabi ni Tahlia, hinihintay ang kung ano mang i-a-announce ni Lola.“I g
Zain POVNnagising ako nang maramdaman kong wala na si Tahlia sa tabi ko. Natulog kaming gutom, hindi nagkikibuan at halos magkalayo sa kama.Agad akong lumingon sa tabi ko, pero wala na talaga siya. Hindi rin ako nakakarinig ng tunog ng shower mula sa banyo. Alam kong hindi ito maganda, na hanggang ngayon, hindi kami nagkikibuan. Hindi pa kami tuluyang mag-asawa pero may ganitong eksena na agad.Bumangon ako, naghilamos at bumaba sa dining area. Nasa lamesa pa ang breakfast na inihanda ni Manang, pero isa lang ang set ng plato. Wala si Tahlia. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko na siya naabutan bago siya umalis papuntang trabaho. Hindi rin niya ako hinintay na mag-breakfast. Talagang seryosong galit siya.Alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi ko sinasabi na wala na sina Calia sa bahay namin. At kung gusto kong bumalik sa dati ang lahat, kailangan kong gumawa ng paraan. At ngayong araw, aayusin ko na agad ito.Habang nag-aalmusal ako, agad kong tinawagan si Boyong. “Tol, kailanga
Zain POVPagdating ko sa Lux City, halos hindi na ako mapakali sa loob ng sasakyan. “Bilisan mo, please,” utos ko sa driver. Gusto ko nang makauwi sa loob ng dalawampung minuto, para kasing sasabog na ang dibdib ko sa kaba.Panay ang tingin ko sa phone ko at panay pa rin ang pagpapadala ni Tahlia ng message. Galit na galit na talaga siya sa akin. First time itong mangyari sa amin. Ngayon lang siya nagalit ng todo ng ganito simula nung maging kami na talaga. Ang mali ko lang, sa sobrang busy ko kanina at pag-aalala kina Calia, nawala sa loob ko na magsabi kay Tahlia na tutulungan lang namin ni mama sina Calia kasi nasunugan sila ng bahay, kawawa naman.Ang tanga ko kasi, ako talaga ang may mali rito.Pagkarating ko sa mansiyon, agad akong bumaba at tinakbo ang dining area. Naroon pa rin ang pagkain, halos hindi nagalaw. Napalunok ako ng laway, alam kong galit si Tahlia kasi mukhang matagal niya akong hinintay para lang sabay kaming mag-dinner.Tumakbo agad ako sa hagdanan at saka pumun
Zain POVPagdating ko sa Garay Street namin, madilim na ang paligid at tanging mga ilaw mula sa ilang poste ang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid. Wala na ang apoy, mabuti naman, pero ang latak ng sunog ay nagkalat pa rin sa paligid. Grabe, ang itim na ng lahat, halos abo, natupok na kahoy at amoy ng nasunog na materyales ang sumalubong sa akin.Sa kabila ng lahat, mas hinanap ng mata ko si Calia.Nakita ko siya sa gilid, kasama ang mama ko, si Boyong at ang mama niya. Mukha silang pagod at tulala, lalo na si Calia na parang wala sa sarili habang yakap ng mahigpit ng mama niya.Paglapit ko, parang biglang nabuhayan si Calia. Tumakbo siya papunta sa akin at agad akong niyakap nang mahigpit na halos hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap niya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya, pati ang mainit na luhang tumatagos sa suot kong shirt.Grabe, kawawa naman si Calia. Ayokong nakikitang ganito siya kalungkot at katakot. Natatakot siya kasi wala na silang matutuluyan, walang-wa
Zain POVNasa opisina ako habang nakaupo sa harap ng desk habang tinitingnan ang ilang reports ng operations sa mall. Maayos naman ang takbo ng araw, this time wala ng trip si Tahlia, totoong work na talaga ito. Wala namang malaking problema, mga minor na issue lang sa ilang tindahan at isang sirang escalator na inaayos na rin. Pero sa kabila ng pagiging abala ko, hindi ko maiwasang mapansin ang sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko.Nakita kong si Boyong pala ang tumatawag.Tumayo ako at lumabas ng opisina. Pumunta ako sa pinakamalapit na restroom. Pagpasok ko roon, siniguro kong walang tao sa loob bago ko sinagot ang tawag niya.“Hello?” Mahinang sabi ko ng sagutin ko ang tawag ni Boyong.“Tol, tapos ko nang pakainin si Axton,” sagot ni Boyong.Napapikit ako sandali habang humuhugot ng hininga bago ako nagsalita ulit. “Kumusta siya?”“Medyo tahimik ngayon pero may mga oras na nagwawala. Sinasabi niyang pakawalan ko na siya, pero siyempre hindi ako nakikinig,” sagot ni Boyong ha
Zain POVNgayon na ang unang araw ko bilang operations manager sa mall ni Tahlia. First time kong magkakaroon ng ganitong trabaho kaya parang kabado na masaya na hindi ko ma-gets. Pero masaya ako kasi nandito naman palagi si Tahlia kapag nagwo-work ako. Ang maganda lang dito ay sabay kaming papasok palagi.Pagpasok ko sa building, ramdam ko agad ang lamig ng aircon na bumalot sa katawan ko. Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang naglakad patungo sa opisina ko sa second floor. Hindi pa man ako nakakarating, sinalubong na ako ng ilan sa mga empleyado.Nauna akong pumunta rito, si Tahlia ay may kinausap pang staff niya sa isang shop dito na may problema sa sales.“Good morning, Sir Zain!” bati ng isang security guard.“Good morning din,” sagot ko kasabay ng bahagyang pagtango.Pagdating ko sa opisina ko, bumungad sa akin ang isang maaliwalas at malinis na room. Malapad ang mesa at mayroong floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng view ng buong mall. Hindi ito isang
Zain POVDumaan kami ni Tahlia sa isang malaking park na halos walang tao. Malawak ang lugar, tahimik at perpect para sa isang first-time driver na katulad ko. Alam kong hindi ito magiging madali, pero sa paraan ng pagtuturo ni Tahlia, parang may halong thrill at kaba ang buong experience. Kilala ko pa naman na mataray siya, baka kapag pamali-mali ako ay tarayan niya ako.“Okay, Zain. Before anything else, you need to understand the basics. Driving is not just about stepping on the gas and turning the wheel. It’s about control, awareness, and responsibility. Got it?” sabi ni Tahlia habang seryosong nakatitig sa akin.Tumango ako dahil na-gets ko naman agad ang pinipunto niya, kahit kalahati lang ng sinabi niya ang talagang na-absorb ko. Joke, na-gets ko naman talaga. Gusto ko lang kasing magmaneho agad, pero alam kong hindi ako makakalusot sa kaniya.“First, let’s talk about the pedals. The rightmost one is the accelerator, the middle is the brake, and if this were a manual car, there