Zain POVHindi ako sumabay kay Tahlia papasok sa trabaho kinabukasan. Sinabi na lang sa kaniya na may dadaanan lang akong mahalagang dokumento para kay Boyong, kesyo kailangan niya ng valid ID para sa pagbili ng bago niyang motor. Iyon na lang ang naisip kong paraan para makagawa ng way para hindi niya mawalan ang tunay kong lalakarin ngayong umaga. Hindi rin naman ako madalas magsinungaling kay Tahlia, pero sa pagkakataong ito, wala akong ibang pagpipilian.Alas otso ng umaga nang dumiretso ako sa bangko. Seryoso akong nag-aabang doon habang hinihintay kong tawagin ang numero ko sa pila. Ilang beses kong tinignan ang paligid, sinusuri kung may nakamasid ba sa akin. Wala naman. O baka naman masyado lang akong paranoid.“Sir Zain?” tawag ng teller. Agad akong lumapit at inabot ang withdrawal slip.“One hundred thousand pesos, sir?” ulit nito para makumpirma ang iwi-withdraw ko. Tumango ako at pinanood siyang magbilang ng pera. Ilang minuto lang, hawak ko na ang makapal na sobre. Sa tot
Tahlia POVKakatapos ko lang makipag-meeting sa online nung umagang iyon. Magkakape na sana ako sa ibaba nang may dumating na box para sa akin.“Ma’am, may dumating na package para sa inyo.”Napakunot ang noo ko. Hindi ako nag-order ng kahit ano kaya nagtaka ako. Tumayo ako at tinanggap ang maliit na pulang kahon mula sa receptionist. Magaan lang ang box, pero walang pangalan ng sender. Napaisip tuloy ako, baka galing kay Zain. Pero bakit walang pangalan?Dahan-dahan kong binuksan ang kahon. Sa loob nito ay may nakita akong isang sobre. Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Agad ko itong binuksan at isang sulat ang bumungad sa akin, kasama ang isang litrato.Nagulat ako sa nakita ko. Kinabahan din agad ako dahil picture iyon ni Zain na nakasakay sa motor, hindi pamilyar ang paligid nung background ng picture niya kaya lalo na akong kinahahan.Binasa ko ang sulat.“Akala mo ba ay loyal sa iyo ang boyfriend mo? Hindi. Kung ako sa iyo, susundan ko siya kasi may secret place siyang pinupunt
Tahlia POVSa loob ng isang linggo, hindi talaga ako mapakali. Simula nang matanggap ko ang liham mula sa kung sinong hindi ko kilala, patuloy akong binabagabag ng mga salitang nakasulat doon. May tinatago raw sa akin si Zain. Isang sikreto na dapat kong malaman.Isang linggo ko tuloy siyang pinagmamasdan, sinundan sa tuwing may pagkakataong umaalis siya habang pilit na hinahanap ang sagot sa tanong na bumabagabag sa isipan ko. At ngayon, mukhang makakahanap na ako ng kasagutan.Hapon noon nang magpaalam siya sa akin na may dadalawin lang sandali sa Garay Street nila. Wala akong sinabi, pero sa oras na lumabas siya ng bahay, agad akong kumikilos. Kinuha ko ang susi ng kotse at sinundan siya.Nakita kong naka-motor siya, mabilis pa nga siyang magmaneho pero hindi ko siya inaalis sa paningin ko. Hindi niya namalayan na may kasunod siyang sasakyan na ilang metro lang ang layo sa kaniya.Nang huminto siya sa isang convenience store, napakunot ang noo ko. Mula sa loob ng sasakyan, pinagmas
Zain POVNanlaki ang mga mata ko nang biglang sumigaw si Tahlia sa likuran namin ni Boyong. Mabilis akong napalingon sa kaniya, kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha niya habang nakatitig kay Axton na nakagapos sa kama.“Zain! Ano ‘to? Bakit nakagapos si Axton?!” Napalakas ang boses niya na halatang hindi makapaniwala sa nasaksihan niya.Hindi ko alam kung bakit siya nakarating dito? Pero malamang sa malamang ay baka sinundan niya ako.Bago pa man ako makapagpaliwanag, agad na nagpaawa si Axton.“Tahlia, please, tulungan mo ako! Kinulong ako nina Zain dito! Ginugutom nila ako at sinasaktan, gusto ko nang umuwi sa amin,” maluha-luha nitong sabi na akala mo ay kaawa-awa, e, ang sarap-sarap nga ng mga pagkaing pinapakain sa kaniya ni Boyong.Napakuyom ako ng kamao. Tangina, ang galing talaga nitong magsinungaling. Si Tahlia naman ay parang gustong maawa kay Axton, nakikita ko sa mukha niya ang pinaghalong gulat at awa na tila naniniwala sa gagong iyon.Natameme ako, hindi ko alam kung p
Tahlia POVMatapos akong magulantang sa mga natuklasan ko, dapat na rin sigurong malaman ni Zain kung bakit nasundan ko sila at kung paano ko natuklasan ang sikreto nila ni Boyong.“Zain,” panimula ko habang mahigpit ang hawak ko sa phone ko. “I followed you because I got a message. May box na dumating sa office ko at sa loob nito ay may sulat, saying you have a secret.”Nanlaki ang mga mata ni Zain. Halatang nagulat siya sa sinabi ko. “What? Who sent you that message?” tanong niya habang kita ko ang kaba sa boses. “May binayaran kasi akong namba-blackmail sa akin, posible kaya na pati ikaw ay bina-blackmail na rin niya?”Umiling ako. “I don’t know. But now I understand that the same person blackmailing you is the one who sent me that message. Perang-pera ang taong gumagawa nito at dahil sa kapabayaan ninyo, ayan, may nananakot na rin tuloy pati sa akin.”Tumahimik siya. Ilang saglit siyang nakatitig lang sa akin, bago siya sumandal sa dingding at nagbuntong-hininga. “Tahlia, I already
Zain POVNakatutok ako sa screen ng laptop ko habang ang mga daliri ko ay mahigpit na nakapulupot sa armrest ng upuan. Sa suot ni Tahlia ngayon ay may isang maliit na kamera ang nakakabit. Hanga ako sa katalinuhan ni Tahlia kasi mag-isa siyang nagplano rito.Sa screen, kitang-kita ko kung paano siya huminto sa gitna ng abandonadong bahay. Ibang lugar ang pinuntahan naman ni Tahlia, iba ito sa abandon house na pinuntahan ko nung magbigay ako ng one hundred thousand pesos sa namba-blackmail na ito.Sa pinapanuod kong camera, binaba na niya ang bag na puno ng play money sa bahay na iyon. Nakakatawa kasi mautak si Tahlia sa part na pekeng pera ang ginamit niya, isang bagay na hindi alam ng taong namba-blackmail sa amin.Nang hamunin na ni Tahlia na magpakita ang namba-blackmail sa amin, doon na unti-unting lumitaw ang isang tao.Sa ilang segundo na dumaan, may gumalaw na sa kadiliman sa loob ng bahay na iyon. At doon na ako napanganga. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.Sa vide
Tahlia POVNanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig kay Calia. Hindi ko alam kung mas matimbang ba ang galit na nararamdaman ko o ang awa sa kaniya. Sa ginawa niyang pamba-blackmail sa amin, wala siyang ibang karapatang makuha kundi ang makulong. Pero hindi ko rin kayang sikmurain na iwan siyang tuluyang lugmok, lalo na’t ang mama niya lang ang mayroon siya sa mundong ito. Kung ipapakulong ko siya, sino na lang ang matitira para sa matanda?Napabuntong-hininga ako. “I should hand you over to the police for what you did, Calia. But I won’t.”Halata ang gulat sa kaniyang mukha. Napatingin siya sa akin na mistulang hindi makapaniwala sa sinabi ko.“Hindi kita ipapakulong,” ulit ko habang kalmado na ang boses. “Pero may kapalit.”Nung oras na iyon, silang dalawa na lang ang magkasama, ang mga armadong lalaki ay pinalabas na muna niya.“Ano man ‘yon, gagawin ko. Just... please, Tahlia. I know I was wrong. Masyado akong nadala sa galit na namuo sa puso ko. I’m really sorry.”Ipinikit k
Tahlia POVNakahilata ako sa malambot na sopa, day off namin ngayon ni Zain kaya pareho kaming nasa bahay. Busy ako sa pagtingin ng mga design ng wedding invitation nang mapukaw ang tingin ko sa balita na lumabas sa tv.“Axton Villafuerte has been missing for days now. His wife, Vera Venedicto, has announced a ten-million-peso reward for anyone who can provide information about his whereabouts,” sabi ng reporter sa TV.Napalingon ako kay Zain. Nakatayo siya sa tabi ng bintana, hawak ang remote at may bahagyang nakunot-noo habang pinapanood ang balita. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip din niya ang iniisip ko.“Ten million?” Napailing ako. “Mayaman talaga ang napangasawa ng baliw na si Axton. Alam kaya niyang bakla si Axton?”Napangiti lang si Zain. “Malamang na baka hindi, kasi kung malalaman niyang bakla si Axton, hindi niya ito pakakasalan.”“Pero sa tingin mo ba ay hindi masisilaw ng sampung milyong piso sina Boyong at Calia? Naisip ko lang na baka bigla nila tayong il
Xamira POVSa malayo, nakita kong nakatingin si Tita Karen. Ibig ko sana siyang ngitian, pero hindi niya deserve ang ngiti ko, lalo na’t nalason na ni Catalina ang utak niya.Kainis kasi sayang lang ang sinabi ko sa kaniya na yaman ng pamilya ko. Mas nasilaw siya sa may linaw na, kaysa sa akin na inaakala niya atang kuwento ko lang.Kainis, kung nasa akin lang sana ang maleta ko, kayang-kaya kong ilayo si Kalix sa Isla na ‘to. Makita lang sana namin ang mga magnanakaw, sure na sure na ilalayo ko na talaga si Kalix sa kanila. At sa pagbabalik namin, sisiguraduhin ko ring mayaman at okay na ang buhay ni Kalix.At kapag nangyari iyon, baka sumama na rin sa amin ang nanay at tatay niya. Tama, ganoon ang dapat kong gawin. Ang tanging alas ko nalang talaga sa ngayon ay ang nawawala kong maleta.“Kumusta?”Kahit hindi ako lumingon, alam ko na agad kung sino.“Walang maganda sa tanghali kapag bruha ang nasa paligid,” parinig ko sa kaniya.“Balita ko ay maghihiwalay na agad kayo, ah?” panunuks
Xamira POV“Tita Karen, alam ko naman po na marami kayong naging tulong sa akin, halos hindi ko na nga po mabilang. Opo, kaya ko namang iwan si Kalix, ang hindi ko lang po kaya ay makita siyang masaktan kapag ginawa ko po ang gusto ninyong mangyari,” paliwanag ko sa kaniya sa wakas. Akala ko kasi hindi ako makakapagsalita, pero naisip na dapat kahit pa paano may sabihin ako.Si Kalix kasi ‘yung lalaking karapat-dapat ipaglaban. Ramdam at kita ko kung gaano niya ako kagusto at kamahal. Kung makikinig ako kay Tita Karen, parang hindi na rin nalalayo ang eksena namin sa mga napapanuod ko sa palabas noon sa Lux city. Nakakatawa nga kasi nangyayari nga pala ito sa totoong buhay.Buwisit kasi na Catalina ‘yan, dahil sa kaniya, naging ganito tuloy ang mindset ni Tita Karen. Parang sa isang iglap, dahil sa pera, balak pa niyang saktan ang damdamin ng anak niya.“Hindi ko balak saktan kayo, lalo na si Kalix. Iniisip ko lang ang future namin. Matanda na kami ni Felix, Xamira. Gusto naman naming
Kalix POVRamdam at pansin ni nanay na hindi ko pa rin siya kinikibo simula kahapon. Gising na siya at nag-aayos na ng mga kagamitan niya sa ginagawa niyang bukayo. Ngayon, parang uubusin na lang niya ang mga natitirang niyog dahil sa mga susunod na araw, magkakaroon na siya ng bagong trabaho. Talagang tinanggap na niya nang tuluyan ang pagiging cashier sa prutasan na itatayo ng pamilya ni Catalina.Inalok niya ako ng kape at pandesal pero umiling lang ako at sinabing busog pa. Pagkatapos, nagpaalam ako na aalis na at mangingisda.Pagkabukas ko ng pinto ng bahay kubo namin, agad akong nakita ang nakahanda nang sina Buknoy, Tisay, Buchukoy at siyempre, si Xamira.Nakangiti akong lumapit sa kanila habang bitbit ang lambat ko. Nasa gilid sila ng puno ng buko, nagtatawanan habang abala sa pag-aayos ng mga gamit para sa pangingisda namin.Pero hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko kay Xamira. Kahit simpleng shorts at puting blouse lang ang suot niya, at kahit magulo ang buhok niya sa han
Xamira POVKahapon, nung pag-alis ni Kalix sa bahay kubo ko, hindi na siya bumalik. Basta, matapos niyang ipaalam sa nanay niya na magkasintahan na kami, bigla na lang siyang umalis sa kanila at tuloy-tuloy na sa pag-alis. Nakita kong napadaan pa siya sa harap ng bahay kubo ko, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko na siya sinundo dahil alam kong hindi naging maganda ang pagpapaalam niya sa kanila na magkarelasyon na kami.Sure naman agad ako na dahil iyon sa pagdating ni Catalina at sa pang-uuto niya sa nanay ni Kalix. Dahil sa work na iyon, tila ba bumaliktad na si Tita Karen. Tila mas gusto na niya si Catalina kaysa sa akin. Dahil lang sa work na iyon at sa laki ng sahod nito sa pagiging cashier.Well, sige, nararamdaman ko nang marami nga siyang puwedeng gawin. Sabi ko nga, go lang, panunuorin ko muna kung hanggang saan ang kaya niyang gawin, hahayaan ko na munang paglaruan ni Catalina si Tita Karen hanggang makita ng nanay ni Kalix na hindi mabuting tao ang bruha na iyo
Kalix POVSinagot na ako ni Xamira.Tangina. Sinagot na niya ako! Hindi pa rin ako makapaniwala.Bumungad agad sa akin si Nanay Karen pag-uwi ko sa bahay kubo namin, nagwawalis siya sa harap ng bahay namin, nakasuot pa ng lumang daster na paborito niya, ‘yung may maliit na butas sa laylayan. Pero sa akin, kahit anong suot niya, siya pa rin ang pinakamagandang nanay sa buong Isla Lalia.“Nanay!” sigaw ko, sabay takbo palapit sa kaniya.Napalingon siya habang nakataas ng kilay. “Oh bakit, Kalix? Para kang taeng-tae na sa pagmamadali mo diyan.”Tawa ako nang tawa habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko na napigilang hawakan ang braso niya at inikot pa siya sa sobrang tuwa.“Nay! Sinagot na ako ni Xamira! Kami na! Kami na po!” sunod-sunod kong bulalas, na parang batang sobrang saya.Saglit siyang napatulala. Parang hindi niya agad nakuha ang sinabi ko.“Kami na, Nay! Ako na at si Xamira! Girlfriend ko na po siya,” ulit ko pa nang mas malakas na halos mapunit na ang boses ko sa sobrang s
Xamira POVNapangiti ako habang pinagmamasdan si Kalix na nagsasandok ng adobong kangkong sa pinggan niya. Imbis malungkot sa ginawang pananabutahe ni Catalina, mag-e-enjoy na lang ako kasama si Kalix sa pagkain nang niluto namin.“Sarap nito, Xamira,” puri ni Kalix matapos niyang sumubo ng malaking kutsara ng kangkong na may baboy. Parang kumislap ang mga mata niya habang kumakain, para bang batang nakatikim ng bagong paborito niyang pagkain.Napangiti tuloy ako ng todo. “Talaga? Baka naman nagugutom ka lang.”“Hindi,” tumawa siya ng mahina, “magaling ka pala talagang matuto agad.”Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya. Tumango lang ako at kunwaring nag-concentrate sa pagkain ko, kahit ang totoo, gusto ko nang gumulong sa kilig sa sahig. Kainis, kung nadalhan ko lang sana ng ulam ang nanay niya, mas masaya na dapat lalo ang pakiramdam ko.Habang tahimik naming ninanamnam ang bawat subo ng pagkain, napansin kong may gumagalaw sa labas. Sa pagitan ng mga haligi ng kubo, natanaw ko
Xamira POVPagdating ko sa bahay, agad akong nag-ayos ng mga pinamili KO sa lamesa. Nakakatuwa, kasi ngayon ko ulit mararamdaman na makakapagluto na ako nang walang iniinda sa katawan. At sa isip-isip ko, may espesyal pa akong balak ngayong araw na gawin.Tamang-tama, nakita ko si Kalix na inaayos ang mga lambat nila sa pangingisda, mukhang bukas, handa na ulit kaming mangisda at excited na rin ako dahil makakasama na akong muli.“Kalix, tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Oo, tapos na ito, bakit, may kailangan ka ba?”“Puwede mo ba akong turuan magluto?” tanong ko habang nakatingin sa mga bycep niyang tila inaakit na naman ako. Nakasando kasi siya ngayon at medyo pawisan. “Gusto ko sanang ipagluto si Nanay Karen. Para sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin.”Narinig ko siyang tumawa nang mahina, iyong tipong parang natuwa siya sa narinig sa akin. “Anong gusto mong lutuin?”“Adobong kangkong… na may baboy na sahog,” sagot ko. Sa totoo la
Xamira POVSa wakas, nakapamalengke na rin ako ng mag-isa.Habang bitbit ang basket na bigay sa akin ng nanay ni Kalix, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa makipot na daan papuntang palengke. Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong batang nakalabas sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang pagkakakulong sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Wala na ‘yung kirot sa binti ko, wala na ‘yung nananakit na hapdi sa hita. Para akong bagong laya.Kailangan ko talagang mamili ngayon. Halos wala na kasi akong pagkain sa bahay kubo ko. Nai-imagine ko na nga ang sarili kong nagkakamot ng tiyan sa gutom mamayang gabi kung hindi ako magpupursigeng mamili. Nakakahiya, nakailang gastos na rin si Kalix sa akin, baka maubos ang perang ipon niya.Pagdating sa palengke, sinalubong ako ng samu’t saring amoy ng mga fresh pang isda, bagong pitas na gulay, lahat ay kaaya-aya pa sa paningin kasi mga bagong-bago pa. Naglakad-lakad ako sa makikipot na espasyo ng mga paninda. Nang makakita ako ng mga kamatis
Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun