Tahlia POVNanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig kay Calia. Hindi ko alam kung mas matimbang ba ang galit na nararamdaman ko o ang awa sa kaniya. Sa ginawa niyang pamba-blackmail sa amin, wala siyang ibang karapatang makuha kundi ang makulong. Pero hindi ko rin kayang sikmurain na iwan siyang tuluyang lugmok, lalo na’t ang mama niya lang ang mayroon siya sa mundong ito. Kung ipapakulong ko siya, sino na lang ang matitira para sa matanda?Napabuntong-hininga ako. “I should hand you over to the police for what you did, Calia. But I won’t.”Halata ang gulat sa kaniyang mukha. Napatingin siya sa akin na mistulang hindi makapaniwala sa sinabi ko.“Hindi kita ipapakulong,” ulit ko habang kalmado na ang boses. “Pero may kapalit.”Nung oras na iyon, silang dalawa na lang ang magkasama, ang mga armadong lalaki ay pinalabas na muna niya.“Ano man ‘yon, gagawin ko. Just... please, Tahlia. I know I was wrong. Masyado akong nadala sa galit na namuo sa puso ko. I’m really sorry.”Ipinikit k
Tahlia POVNakahilata ako sa malambot na sopa, day off namin ngayon ni Zain kaya pareho kaming nasa bahay. Busy ako sa pagtingin ng mga design ng wedding invitation nang mapukaw ang tingin ko sa balita na lumabas sa tv.“Axton Villafuerte has been missing for days now. His wife, Vera Venedicto, has announced a ten-million-peso reward for anyone who can provide information about his whereabouts,” sabi ng reporter sa TV.Napalingon ako kay Zain. Nakatayo siya sa tabi ng bintana, hawak ang remote at may bahagyang nakunot-noo habang pinapanood ang balita. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip din niya ang iniisip ko.“Ten million?” Napailing ako. “Mayaman talaga ang napangasawa ng baliw na si Axton. Alam kaya niyang bakla si Axton?”Napangiti lang si Zain. “Malamang na baka hindi, kasi kung malalaman niyang bakla si Axton, hindi niya ito pakakasalan.”“Pero sa tingin mo ba ay hindi masisilaw ng sampung milyong piso sina Boyong at Calia? Naisip ko lang na baka bigla nila tayong il
Tahlia POVSabi ni Zain kaninang umaga, halos hindi siya nakatulog, kung nakatulog man, baka isa o dalawang oras lang dahil sa kaba at takot. Ngayong araw na darating si lola Flordelisa sa mansiyon. At halos hindi rin siya nakakain ng almusal kanina kaya awang-awa ako. Pero alam kong matatapos na ang stress na nararamdaman niya ngayong araw dahil sure na sure akong maiintindihan siya ni Lola Flordelisa, gaya nang pag-intindi ko sa kaniya.Ngayon, kaharap na namin si Lola Flordelisa sa sala ng mansiyon, seryoso ang tingin niya habang nakatayo sa harapan namin. Tahimik lang ako, pero ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko habang nakapatong sa hita ko. Pati ako, biglang kinabahan para kay Zain.Napatingin ako kay Zain, na nasa tabi ko. Halos hindi niya magawang tumingin kay Lola. Para siyang batang nahuli sa kalokohan. Nawala ang pagiging joker niya ngayon.“Ano ang dapat kong malaman?” diretsong tanong ni Lola Flordelisa. “At anong dahilan kung bakit ninyo itinatago si Axton?”
Zain POVSa araw ding iyon, kasama namin ni Tahlia si Lola Flordelisa nang pumunta kami sa secret place kung saan namin itinago si Axton. Tahimik lang ako habang naglalakad papasok sa malaking bahay, pero hindi ko maalis ang ngisi sa labi ko. Wala na siyang maipapanakot sa akin ngayon.Nagtaka pa sina Boyong at Calia nang makita nilang kasama ko si Lola Flordelisa nang pumunta kami doon.Nang makita ni Axton si Lola Flordelisa, agad itong napaatras. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya. Alam niyang wala na siyang kawala. At alam din niyang lalo na siyang malalagot ngayon.“Lola, patawarin ninyo ako,” nanginginig ang boses ni Axton habang nakatingin kay Lola Flordelisa. Tuluyan nang nawala ang mga kalokohan sa buhay ni Axton.Grabe, sobrang okay pa naman naming tatlo nung una, tapos magiging ganito pala siya sa dulo. Sayang, gusto ko pa naman siyang maging kaibigan nung una, tapos ganito pala ang totoong pagkataon niya. Sinira lang niya ang image niya sa amin. At lalong sukang-suk
Tahlia POVSa wakas, dumating na rin ang araw kung kailan sisimulan na namin ni Zain ang wedding preparations. Maaliwalas ang umaga, masaya kaming nag-aalmusal nila Zain at ng mama niya, pati na rin ng parents ko na sa wakas ay sinipag nang gumala rito sa bahay. Nakipag-bonding na rin sina mama at papa sa mama ni Zain.Nung alas nuebe ng umaga, nagpasya ang parents ko na isamang gumala ang mama ni Zain. Pumayag naman kami ni Zain para naman makagala ang mama niya.Kaya ngayon, may time na kami lalo ni Zain sa mga dapat naming asikasuhin.Sa harapan namin ay nagkalat na ang iba’t ibang design ng wedding invitations. May minimalist na style, may floral at may eleganteng gold embossing. May mga papel din kaming may iba’t ibang texture at kulay. Gusto kong gawin itong maganda at perfect dahil ito ang unang invitation na ipapamigay namin sa mga mahal namin sa buhay at sa mga friend na rin.“This one looks elegant, tignan mo, Tahlia,” tanong ni Zain habang hawak ang isang invitation na may
Tahlia POVSa wakas, dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung kailan magiging isang Garcia na ako at ang surname kong Alfonsi ay magiging middle name ko na lang.Gumising ako sa isang malaking kuwarto ng isang five-star hotel kung saan ako nag-stay kasama ang aking bridal entourage. Ang glam team mula Italy na kinuha namin ni Zain ay abala na sa pag-aayos sa akin. Ramdam ko ang kilig sa bawat dampi ng makeup brush sa aking mukha, ang kiliti ng malambot na puff sa aking pisngi, halatang hindi pipitchuging brush ang gamit nila sa akin.Ang buhok ko, inayos nila sa isang eleganteng updo na may mga maliliit na perlas na idinagdag para sa extra pasabog ng design ng buhok ko. Saka, FYI, totoong perlas pa ang ginamit nila sa buhok ko kaya sobrang bongga talaga ng naging look ng buhok ko.“You look absolutely stunning, Signorina Tahlia,” puri ng Italian makeup artist ko.“Thank you,” sagot ko naman sabay tingin sa salamin. Hindi ko maitatanggi, parang ginawa nila akong prinses
Zain POVAng pangarap ay hindi lang basta panaginip, kundi isang realidad na kailangang pagtrabahuan. Ito ang nasa isip ko habang nakatanaw ako sa malawak na beach front property sa Zambales na kamakailan lang ay naging amin ni Tahlia. Sa wakas, ang pangarap kong beach resort ay magsisimula na.Habang abala kami sa aming honeymoon dito sa New York, isang team na ang nagsisimulang magtrabaho para sa pagtatayo ng resort ko.“Can you believe this, love? This is really happening!” sabi ko kay Tahlia habang nakahiga kami sa malambot na kama ng aming hotel dito sa New York.“Of course, deserve mo ‘yan, Zain. Gusto ko, ma-enjoy na natin ang buhay natin simula ngayon,” sagot niya nang nakangiti habang hinihigpitan ang yakap sa akin.Ang unang dalawang araw ng honeymoon namin ay walang kasing saya, sobra. Pinili naming sulitin ang bawat sandali sa city na halos tila hindi natutulog ang mga tao kasi palaging abala ang lahat dito at 24 hours nag-o-operate ang mga negosyo at serbisyo rito.Sa una
Zain POVNakauwi na kami sa Pilipinas matapos ang napakasayang honeymoon namin ni Tahlia sa New York. Dalawang linggo kaming naglibot sa mga sikat na lugar doon, nagpakasaya at sinulit ang oras bilang bagong kasal. Pero nang bumalik kami sa bahay, napansin kong parang may nagbago agad kay Tahlia.Sa unang mga araw, inisip kong siguro jetlag lang siya kaya medyo masungit at iritable. Pero habang tumatagal, parang lalo siyang nagiging mainit ang ulo. Hindi lang sa akin kundi pati sa ibang tao sa bahay, lalo na kay Mama. Sa tuwing magkakasalubong sila ni Mama sa kusina o sa sala, hindi na katulad dati ang pakikitungo niya rito. Madalas siyang tahimik, parang hindi interesado makipag-usap, at kung minsan, parang naiinis pa siya kahit wala namang dahilan.Nagsimula akong mag-alala. Mahal ko si Tahlia at mahalaga rin sa akin si Mama. Alam kong hindi naman sila nag-aaway, pero hindi ko rin maintindihan kung bakit parang may tension sa pagitan nila.Hanggang isang gabi, napagdesisyunan kong k
Xamira POVSa malayo, nakita kong nakatingin si Tita Karen. Ibig ko sana siyang ngitian, pero hindi niya deserve ang ngiti ko, lalo na’t nalason na ni Catalina ang utak niya.Kainis kasi sayang lang ang sinabi ko sa kaniya na yaman ng pamilya ko. Mas nasilaw siya sa may linaw na, kaysa sa akin na inaakala niya atang kuwento ko lang.Kainis, kung nasa akin lang sana ang maleta ko, kayang-kaya kong ilayo si Kalix sa Isla na ‘to. Makita lang sana namin ang mga magnanakaw, sure na sure na ilalayo ko na talaga si Kalix sa kanila. At sa pagbabalik namin, sisiguraduhin ko ring mayaman at okay na ang buhay ni Kalix.At kapag nangyari iyon, baka sumama na rin sa amin ang nanay at tatay niya. Tama, ganoon ang dapat kong gawin. Ang tanging alas ko nalang talaga sa ngayon ay ang nawawala kong maleta.“Kumusta?”Kahit hindi ako lumingon, alam ko na agad kung sino.“Walang maganda sa tanghali kapag bruha ang nasa paligid,” parinig ko sa kaniya.“Balita ko ay maghihiwalay na agad kayo, ah?” panunuks
Xamira POV“Tita Karen, alam ko naman po na marami kayong naging tulong sa akin, halos hindi ko na nga po mabilang. Opo, kaya ko namang iwan si Kalix, ang hindi ko lang po kaya ay makita siyang masaktan kapag ginawa ko po ang gusto ninyong mangyari,” paliwanag ko sa kaniya sa wakas. Akala ko kasi hindi ako makakapagsalita, pero naisip na dapat kahit pa paano may sabihin ako.Si Kalix kasi ‘yung lalaking karapat-dapat ipaglaban. Ramdam at kita ko kung gaano niya ako kagusto at kamahal. Kung makikinig ako kay Tita Karen, parang hindi na rin nalalayo ang eksena namin sa mga napapanuod ko sa palabas noon sa Lux city. Nakakatawa nga kasi nangyayari nga pala ito sa totoong buhay.Buwisit kasi na Catalina ‘yan, dahil sa kaniya, naging ganito tuloy ang mindset ni Tita Karen. Parang sa isang iglap, dahil sa pera, balak pa niyang saktan ang damdamin ng anak niya.“Hindi ko balak saktan kayo, lalo na si Kalix. Iniisip ko lang ang future namin. Matanda na kami ni Felix, Xamira. Gusto naman naming
Kalix POVRamdam at pansin ni nanay na hindi ko pa rin siya kinikibo simula kahapon. Gising na siya at nag-aayos na ng mga kagamitan niya sa ginagawa niyang bukayo. Ngayon, parang uubusin na lang niya ang mga natitirang niyog dahil sa mga susunod na araw, magkakaroon na siya ng bagong trabaho. Talagang tinanggap na niya nang tuluyan ang pagiging cashier sa prutasan na itatayo ng pamilya ni Catalina.Inalok niya ako ng kape at pandesal pero umiling lang ako at sinabing busog pa. Pagkatapos, nagpaalam ako na aalis na at mangingisda.Pagkabukas ko ng pinto ng bahay kubo namin, agad akong nakita ang nakahanda nang sina Buknoy, Tisay, Buchukoy at siyempre, si Xamira.Nakangiti akong lumapit sa kanila habang bitbit ang lambat ko. Nasa gilid sila ng puno ng buko, nagtatawanan habang abala sa pag-aayos ng mga gamit para sa pangingisda namin.Pero hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko kay Xamira. Kahit simpleng shorts at puting blouse lang ang suot niya, at kahit magulo ang buhok niya sa han
Xamira POVKahapon, nung pag-alis ni Kalix sa bahay kubo ko, hindi na siya bumalik. Basta, matapos niyang ipaalam sa nanay niya na magkasintahan na kami, bigla na lang siyang umalis sa kanila at tuloy-tuloy na sa pag-alis. Nakita kong napadaan pa siya sa harap ng bahay kubo ko, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko na siya sinundo dahil alam kong hindi naging maganda ang pagpapaalam niya sa kanila na magkarelasyon na kami.Sure naman agad ako na dahil iyon sa pagdating ni Catalina at sa pang-uuto niya sa nanay ni Kalix. Dahil sa work na iyon, tila ba bumaliktad na si Tita Karen. Tila mas gusto na niya si Catalina kaysa sa akin. Dahil lang sa work na iyon at sa laki ng sahod nito sa pagiging cashier.Well, sige, nararamdaman ko nang marami nga siyang puwedeng gawin. Sabi ko nga, go lang, panunuorin ko muna kung hanggang saan ang kaya niyang gawin, hahayaan ko na munang paglaruan ni Catalina si Tita Karen hanggang makita ng nanay ni Kalix na hindi mabuting tao ang bruha na iyo
Kalix POVSinagot na ako ni Xamira.Tangina. Sinagot na niya ako! Hindi pa rin ako makapaniwala.Bumungad agad sa akin si Nanay Karen pag-uwi ko sa bahay kubo namin, nagwawalis siya sa harap ng bahay namin, nakasuot pa ng lumang daster na paborito niya, ‘yung may maliit na butas sa laylayan. Pero sa akin, kahit anong suot niya, siya pa rin ang pinakamagandang nanay sa buong Isla Lalia.“Nanay!” sigaw ko, sabay takbo palapit sa kaniya.Napalingon siya habang nakataas ng kilay. “Oh bakit, Kalix? Para kang taeng-tae na sa pagmamadali mo diyan.”Tawa ako nang tawa habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko na napigilang hawakan ang braso niya at inikot pa siya sa sobrang tuwa.“Nay! Sinagot na ako ni Xamira! Kami na! Kami na po!” sunod-sunod kong bulalas, na parang batang sobrang saya.Saglit siyang napatulala. Parang hindi niya agad nakuha ang sinabi ko.“Kami na, Nay! Ako na at si Xamira! Girlfriend ko na po siya,” ulit ko pa nang mas malakas na halos mapunit na ang boses ko sa sobrang s
Xamira POVNapangiti ako habang pinagmamasdan si Kalix na nagsasandok ng adobong kangkong sa pinggan niya. Imbis malungkot sa ginawang pananabutahe ni Catalina, mag-e-enjoy na lang ako kasama si Kalix sa pagkain nang niluto namin.“Sarap nito, Xamira,” puri ni Kalix matapos niyang sumubo ng malaking kutsara ng kangkong na may baboy. Parang kumislap ang mga mata niya habang kumakain, para bang batang nakatikim ng bagong paborito niyang pagkain.Napangiti tuloy ako ng todo. “Talaga? Baka naman nagugutom ka lang.”“Hindi,” tumawa siya ng mahina, “magaling ka pala talagang matuto agad.”Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya. Tumango lang ako at kunwaring nag-concentrate sa pagkain ko, kahit ang totoo, gusto ko nang gumulong sa kilig sa sahig. Kainis, kung nadalhan ko lang sana ng ulam ang nanay niya, mas masaya na dapat lalo ang pakiramdam ko.Habang tahimik naming ninanamnam ang bawat subo ng pagkain, napansin kong may gumagalaw sa labas. Sa pagitan ng mga haligi ng kubo, natanaw ko
Xamira POVPagdating ko sa bahay, agad akong nag-ayos ng mga pinamili KO sa lamesa. Nakakatuwa, kasi ngayon ko ulit mararamdaman na makakapagluto na ako nang walang iniinda sa katawan. At sa isip-isip ko, may espesyal pa akong balak ngayong araw na gawin.Tamang-tama, nakita ko si Kalix na inaayos ang mga lambat nila sa pangingisda, mukhang bukas, handa na ulit kaming mangisda at excited na rin ako dahil makakasama na akong muli.“Kalix, tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Oo, tapos na ito, bakit, may kailangan ka ba?”“Puwede mo ba akong turuan magluto?” tanong ko habang nakatingin sa mga bycep niyang tila inaakit na naman ako. Nakasando kasi siya ngayon at medyo pawisan. “Gusto ko sanang ipagluto si Nanay Karen. Para sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin.”Narinig ko siyang tumawa nang mahina, iyong tipong parang natuwa siya sa narinig sa akin. “Anong gusto mong lutuin?”“Adobong kangkong… na may baboy na sahog,” sagot ko. Sa totoo la
Xamira POVSa wakas, nakapamalengke na rin ako ng mag-isa.Habang bitbit ang basket na bigay sa akin ng nanay ni Kalix, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa makipot na daan papuntang palengke. Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong batang nakalabas sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang pagkakakulong sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Wala na ‘yung kirot sa binti ko, wala na ‘yung nananakit na hapdi sa hita. Para akong bagong laya.Kailangan ko talagang mamili ngayon. Halos wala na kasi akong pagkain sa bahay kubo ko. Nai-imagine ko na nga ang sarili kong nagkakamot ng tiyan sa gutom mamayang gabi kung hindi ako magpupursigeng mamili. Nakakahiya, nakailang gastos na rin si Kalix sa akin, baka maubos ang perang ipon niya.Pagdating sa palengke, sinalubong ako ng samu’t saring amoy ng mga fresh pang isda, bagong pitas na gulay, lahat ay kaaya-aya pa sa paningin kasi mga bagong-bago pa. Naglakad-lakad ako sa makikipot na espasyo ng mga paninda. Nang makakita ako ng mga kamatis
Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun