Share

Chapter 133

last update Last Updated: 2025-03-26 19:17:24

Zain POV

Ang pangarap ay hindi lang basta panaginip, kundi isang realidad na kailangang pagtrabahuan. Ito ang nasa isip ko habang nakatanaw ako sa malawak na beach front property sa Zambales na kamakailan lang ay naging amin ni Tahlia. Sa wakas, ang pangarap kong beach resort ay magsisimula na.

Habang abala kami sa aming honeymoon dito sa New York, isang team na ang nagsisimulang magtrabaho para sa pagtatayo ng resort ko.

“Can you believe this, love? This is really happening!” sabi ko kay Tahlia habang nakahiga kami sa malambot na kama ng aming hotel dito sa New York.

“Of course, deserve mo ‘yan, Zain. Gusto ko, ma-enjoy na natin ang buhay natin simula ngayon,” sagot niya nang nakangiti habang hinihigpitan ang yakap sa akin.

Ang unang dalawang araw ng honeymoon namin ay walang kasing saya, sobra. Pinili naming sulitin ang bawat sandali sa city na halos tila hindi natutulog ang mga tao kasi palaging abala ang lahat dito at 24 hours nag-o-operate ang mga negosyo at serbisyo rito.

Sa una
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
happy honeymoon sainyo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 134

    Zain POVNakauwi na kami sa Pilipinas matapos ang napakasayang honeymoon namin ni Tahlia sa New York. Dalawang linggo kaming naglibot sa mga sikat na lugar doon, nagpakasaya at sinulit ang oras bilang bagong kasal. Pero nang bumalik kami sa bahay, napansin kong parang may nagbago agad kay Tahlia.Sa unang mga araw, inisip kong siguro jetlag lang siya kaya medyo masungit at iritable. Pero habang tumatagal, parang lalo siyang nagiging mainit ang ulo. Hindi lang sa akin kundi pati sa ibang tao sa bahay, lalo na kay Mama. Sa tuwing magkakasalubong sila ni Mama sa kusina o sa sala, hindi na katulad dati ang pakikitungo niya rito. Madalas siyang tahimik, parang hindi interesado makipag-usap, at kung minsan, parang naiinis pa siya kahit wala namang dahilan.Nagsimula akong mag-alala. Mahal ko si Tahlia at mahalaga rin sa akin si Mama. Alam kong hindi naman sila nag-aaway, pero hindi ko rin maintindihan kung bakit parang may tension sa pagitan nila.Hanggang isang gabi, napagdesisyunan kong k

    Last Updated : 2025-03-26
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 135

    Zain POVSa wakas, matapos ang halos tatlong buwang paghihintay, natapos na rin ang beach resort ko sa Zambales. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang tinitingnan ang napakalawak na lupain na ngayon ay isa nang paraiso sa tabi ng dagat. Dati, plano ko itong ipa-rent at gawing negosyo, pero nagbago ang isip ko. Ngayon, gusto ko na lang itong gawing pribadong bakasyunan namin. Isang lugar kung saan makakatakas kami ni Tahlia sa ingay ng city at makakasama ang pamilya at malalapit na kaibigan namin.Narito kami ngayon sa resort at kasama namin sina Boyong at Calia, pati na rin ang mama ni Calia, na ngayon ay ka-bonding ng mama ko. Ang saya-saya ni Tahlia, lalo na’t maraming tao sa paligid, isang linggo kasi na puro kaming dalawa lang ang nandito kaya boring na boring siya.Mahangin ang panahon kaya maraming dahon ng talisay ang nagkalat sa swimming pool. Habang abala ako sa paglilinis nito, si Tahlia naman ay enjoy na enjoy sa pagkuha ng pictures ng bawat ganap.Sa tabi

    Last Updated : 2025-03-27
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 136

    Tahlia POVMabilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan si Lola Flordelisa, na ngayon ay nakahiga sa kanyang kama, walang kibo at tila malayo ang tingin. Ilang beses ko siyang tinawag, pero hindi siya sumasagot. Nang hawakan ko ang kamay niya, naramdaman ko ang bahagyang panginginig nito. Malaking trauma ang nangyari sa kaniya kaya pati kami ni Zain ay nanginginig din sa galit.“Lola, nandito na kami,” mahina kong sabi habang pilit na pinapakalma ang sarili ko.Si Zain naman ay nakaupo sa gilid ng kama, halatang pigil na pigil ang emosyon habang pinagmamasdan si Lola Flordelisa. Love na love pa naman ni Zain ito kaysa sa akin na tunay na apo.“Lola, can you hear me?” tanong niya pero wala pa ring sagot.Doon na tuluyang pumatak ang luha ko. Hindi ko maatim makita si Lola Flordelisa sa ganitong kalagayan. Dati-rati, masigla ito, laging nakangiti at walang takot na humaharap sa kahit anong problema. Pero ngayon, tulala siya na parang nawala ang kaniyang sigla. Ang dating matapang a

    Last Updated : 2025-03-27
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 137

    Tahlia POVNanatili kami sa mansiyon ni Lola Flordelisa mula nang mangyari ang pagnanakaw. Hindi lang dahil gusto naming bantayan ang bahay, kundi dahil sa natuklasan naming lumalala ang kaniyang kondisyon. Hindi namin akalaing may Alzheimer’s disease na pala siya. Masyado siyang magaling magtago ng sakit, masyadong matapang para sarilihin na may pagbabago na sa kaniyang isipan.Si Zain, kahit hindi tunay na apo, ay walang kapagurang nag-aalaga sa kaniya. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses niyang tinulungan si Lola Flordelisa bumalik sa kama tuwing gabi, dahil sa madalas nitong paggising at pagkalimot kung nasaan siya. Ako naman, kahit ilang ulit nang nasaktan sa mga pagkakataong hindi niya ako nakikilala ay patuloy pa ring nagpapasensya. Siyempre, lola ko ‘yan, mahal ko at naiintindihan ko ang kalagayan niya."Where am I? I need to go home," bulalas niya isang gabi habang pilit niyang binubuksan ang pinto ng kaniyang silid.Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahang inalalaya

    Last Updated : 2025-03-28
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 138

    Tahlia POVPagkarinig namin ng balita, halos hindi na kami nagpatumpik-tumpik ni Zain sa pagmamadaling makarating sa presinto. Nahanap na rin sa wakas ang hayop na si Giyo—ang traydor na walang takot na ninakawan at tinakot ang lola ko.Pagpasok namin sa presinto, nakita namin siya na nakaposas ma, nakayuko habang hindi makatingin nang maayos sa amin ni Zain.“You have no idea how much I want to beat you up right now,” matigas na sabi ni Zain habang ang kamao niya ay mahigpit na nakasara at nanginginig sa pagpipigil.Gusto kong sumigaw, gusto ko siyang mura-murahin, nahihiya lang akong mag-eskandalo.“Giyo, hindi na nga tinuloy ni lola ang pagpapakulong sa ‘yo,” kalmado kong sabi kahit galit na galit ang loob ko. “And you repaid her kindness with this? Takot na takot siya, mas lalo pang na-trigger ang sakit niya dahil sa ginawa mo.”Umangat ang tingin niya sa akin, nakita ko na napapangiti pa siya kaya mas nag-apoy ako sa galit.“Pera lang naman ‘yon,” mahinang sagot niya, pero sapat

    Last Updated : 2025-03-29
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 139

    Tahlia POVNakangiti akong nakatingin sa monitor habang ginagalaw ng doktor ang probe sa aking tiyan. Makikita sa screen ang isang maliit na nilalang, buhay na buhay at malikot sa loob ng aking sinapupunan. “Everything looks great,” sabi ng doktor habang ini-scan ang monitor. “Your baby is growing well, and the heartbeat is strong.”Hindi ko naiwasang mapaluha sa tuwa. Hinawakan ni Zain ang kamay ko at mahigpit iyong pinisil. Nakangiti siyang nakatingin sa screen na halatang masayang-masaya.“I still can’t believe it,” bulong niya. “excited na akong makita siya.”Tumango ako habang tuwang-tuwa rin. Gaya ni Zain, mas excited din akong makita ang baby namin. “Oo, magiging parents na talaga tayo, soon. Malapit na natin siyang maka-bonding.”Pagkatapos ng check-up, masaya kaming lumabas ng clinic. Habang naglalakad kami papunta sa sasakyan, biglang tumigil si Zain at harap ako.“Let’s celebrate kaya? Samantalahin natin na sina Calia at Boyong ang bantay kay Lola Flordelisa,” aniya. “Let’

    Last Updated : 2025-03-29
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 140

    Tahlia POVSa loob ng ilang buwan na nagdaan, sa wakas ay dumating na rin ang araw na pinakahihintay naming lahat—ang gender reveal ng aming munting anghel ni Zain. Sa mansiyon ni Lola Flordelisa namin ito gaganapin para maging masaya si lola. Ay siyempre, isang engrandeng baby gender reveal ang hinanda namin. Hindi lang ito isang simpleng announcement kundi isang special na araw para sa aming pamilya, lalo na kay Lola Flordelisa na sabik na sabik nang malaman kung ang apo ba niya ay magiging lalaki ba o babae.Puno ng engrandeng dekorasyon ang hardin ng mansiyon. May mga pink at blue na ilaw na nagpapalit-palit ng kulay. May malalaking lobong nakasabit sa bawat sulok, habang ang centerpiece ng buong event ay isang napakalaking kahon na naglalaman ng secret na resulta kung lalaki ba o babae ang aming anak.“Are you ready?” tanong ni Zain habang yakap-yakap ako. Mula kaninang umaga, hindi na siya mapakali. Excited na excited na siya sa event ngayon. First time daw niyang mararanasan it

    Last Updated : 2025-03-30
  • For Rent: Groom For The Billionaire    Chapter 141

    Tahlia POVNung malaman namin ni Zain na baby girl ang magiging anak namin, agad naming sinimulan ang pagpapagawa ng kaniyang bedroom sa loob ng mansiyon namin. Malapit-lapit na rin kasi ang paglabas ng baby girl namin kaya gusto namin magawa na agad ang kuwarto niya sa lalong madaling panahon, ganoon kami ka-excited ni Zain.Kaya sa loob lamang ng isang linggo, ang dating bakanteng room sa ikalawang palapag ng aming mansiyon ay nagmistulang isang palasyo para sa aming prinsesa.“I want her room to be the grandest, Zain. Hindi lang basta pink. Gusto ko magical. Something that screams royalty and luxury,” sambit ko habang iniikot ang mga mata sa room niya na kasalukuyang ginagawan ng blueprint ng interior designer.“Kung anong gusto mo, of course, ganiyan ang mangyayari, love. Our daughter will have nothing but the best,” sagot naman ni Zain habang kausap ang team ng mga arkitekto at interior designers. “Let’s make sure everything is customized. No cheap furniture. I want everything ha

    Last Updated : 2025-03-30

Latest chapter

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 42

    Xamira POVSa malayo, nakita kong nakatingin si Tita Karen. Ibig ko sana siyang ngitian, pero hindi niya deserve ang ngiti ko, lalo na’t nalason na ni Catalina ang utak niya.Kainis kasi sayang lang ang sinabi ko sa kaniya na yaman ng pamilya ko. Mas nasilaw siya sa may linaw na, kaysa sa akin na inaakala niya atang kuwento ko lang.Kainis, kung nasa akin lang sana ang maleta ko, kayang-kaya kong ilayo si Kalix sa Isla na ‘to. Makita lang sana namin ang mga magnanakaw, sure na sure na ilalayo ko na talaga si Kalix sa kanila. At sa pagbabalik namin, sisiguraduhin ko ring mayaman at okay na ang buhay ni Kalix.At kapag nangyari iyon, baka sumama na rin sa amin ang nanay at tatay niya. Tama, ganoon ang dapat kong gawin. Ang tanging alas ko nalang talaga sa ngayon ay ang nawawala kong maleta.“Kumusta?”Kahit hindi ako lumingon, alam ko na agad kung sino.“Walang maganda sa tanghali kapag bruha ang nasa paligid,” parinig ko sa kaniya.“Balita ko ay maghihiwalay na agad kayo, ah?” panunuks

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 41

    Xamira POV“Tita Karen, alam ko naman po na marami kayong naging tulong sa akin, halos hindi ko na nga po mabilang. Opo, kaya ko namang iwan si Kalix, ang hindi ko lang po kaya ay makita siyang masaktan kapag ginawa ko po ang gusto ninyong mangyari,” paliwanag ko sa kaniya sa wakas. Akala ko kasi hindi ako makakapagsalita, pero naisip na dapat kahit pa paano may sabihin ako.Si Kalix kasi ‘yung lalaking karapat-dapat ipaglaban. Ramdam at kita ko kung gaano niya ako kagusto at kamahal. Kung makikinig ako kay Tita Karen, parang hindi na rin nalalayo ang eksena namin sa mga napapanuod ko sa palabas noon sa Lux city. Nakakatawa nga kasi nangyayari nga pala ito sa totoong buhay.Buwisit kasi na Catalina ‘yan, dahil sa kaniya, naging ganito tuloy ang mindset ni Tita Karen. Parang sa isang iglap, dahil sa pera, balak pa niyang saktan ang damdamin ng anak niya.“Hindi ko balak saktan kayo, lalo na si Kalix. Iniisip ko lang ang future namin. Matanda na kami ni Felix, Xamira. Gusto naman naming

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 40

    Kalix POVRamdam at pansin ni nanay na hindi ko pa rin siya kinikibo simula kahapon. Gising na siya at nag-aayos na ng mga kagamitan niya sa ginagawa niyang bukayo. Ngayon, parang uubusin na lang niya ang mga natitirang niyog dahil sa mga susunod na araw, magkakaroon na siya ng bagong trabaho. Talagang tinanggap na niya nang tuluyan ang pagiging cashier sa prutasan na itatayo ng pamilya ni Catalina.Inalok niya ako ng kape at pandesal pero umiling lang ako at sinabing busog pa. Pagkatapos, nagpaalam ako na aalis na at mangingisda.Pagkabukas ko ng pinto ng bahay kubo namin, agad akong nakita ang nakahanda nang sina Buknoy, Tisay, Buchukoy at siyempre, si Xamira.Nakangiti akong lumapit sa kanila habang bitbit ang lambat ko. Nasa gilid sila ng puno ng buko, nagtatawanan habang abala sa pag-aayos ng mga gamit para sa pangingisda namin.Pero hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko kay Xamira. Kahit simpleng shorts at puting blouse lang ang suot niya, at kahit magulo ang buhok niya sa han

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 39

    Xamira POVKahapon, nung pag-alis ni Kalix sa bahay kubo ko, hindi na siya bumalik. Basta, matapos niyang ipaalam sa nanay niya na magkasintahan na kami, bigla na lang siyang umalis sa kanila at tuloy-tuloy na sa pag-alis. Nakita kong napadaan pa siya sa harap ng bahay kubo ko, hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Hindi ko na siya sinundo dahil alam kong hindi naging maganda ang pagpapaalam niya sa kanila na magkarelasyon na kami.Sure naman agad ako na dahil iyon sa pagdating ni Catalina at sa pang-uuto niya sa nanay ni Kalix. Dahil sa work na iyon, tila ba bumaliktad na si Tita Karen. Tila mas gusto na niya si Catalina kaysa sa akin. Dahil lang sa work na iyon at sa laki ng sahod nito sa pagiging cashier.Well, sige, nararamdaman ko nang marami nga siyang puwedeng gawin. Sabi ko nga, go lang, panunuorin ko muna kung hanggang saan ang kaya niyang gawin, hahayaan ko na munang paglaruan ni Catalina si Tita Karen hanggang makita ng nanay ni Kalix na hindi mabuting tao ang bruha na iyo

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 38

    Kalix POVSinagot na ako ni Xamira.Tangina. Sinagot na niya ako! Hindi pa rin ako makapaniwala.Bumungad agad sa akin si Nanay Karen pag-uwi ko sa bahay kubo namin, nagwawalis siya sa harap ng bahay namin, nakasuot pa ng lumang daster na paborito niya, ‘yung may maliit na butas sa laylayan. Pero sa akin, kahit anong suot niya, siya pa rin ang pinakamagandang nanay sa buong Isla Lalia.“Nanay!” sigaw ko, sabay takbo palapit sa kaniya.Napalingon siya habang nakataas ng kilay. “Oh bakit, Kalix? Para kang taeng-tae na sa pagmamadali mo diyan.”Tawa ako nang tawa habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko na napigilang hawakan ang braso niya at inikot pa siya sa sobrang tuwa.“Nay! Sinagot na ako ni Xamira! Kami na! Kami na po!” sunod-sunod kong bulalas, na parang batang sobrang saya.Saglit siyang napatulala. Parang hindi niya agad nakuha ang sinabi ko.“Kami na, Nay! Ako na at si Xamira! Girlfriend ko na po siya,” ulit ko pa nang mas malakas na halos mapunit na ang boses ko sa sobrang s

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 37

    Xamira POVNapangiti ako habang pinagmamasdan si Kalix na nagsasandok ng adobong kangkong sa pinggan niya. Imbis malungkot sa ginawang pananabutahe ni Catalina, mag-e-enjoy na lang ako kasama si Kalix sa pagkain nang niluto namin.“Sarap nito, Xamira,” puri ni Kalix matapos niyang sumubo ng malaking kutsara ng kangkong na may baboy. Parang kumislap ang mga mata niya habang kumakain, para bang batang nakatikim ng bagong paborito niyang pagkain.Napangiti tuloy ako ng todo. “Talaga? Baka naman nagugutom ka lang.”“Hindi,” tumawa siya ng mahina, “magaling ka pala talagang matuto agad.”Hindi ko mapigilang kiligin sa sinabi niya. Tumango lang ako at kunwaring nag-concentrate sa pagkain ko, kahit ang totoo, gusto ko nang gumulong sa kilig sa sahig. Kainis, kung nadalhan ko lang sana ng ulam ang nanay niya, mas masaya na dapat lalo ang pakiramdam ko.Habang tahimik naming ninanamnam ang bawat subo ng pagkain, napansin kong may gumagalaw sa labas. Sa pagitan ng mga haligi ng kubo, natanaw ko

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 36

    Xamira POVPagdating ko sa bahay, agad akong nag-ayos ng mga pinamili KO sa lamesa. Nakakatuwa, kasi ngayon ko ulit mararamdaman na makakapagluto na ako nang walang iniinda sa katawan. At sa isip-isip ko, may espesyal pa akong balak ngayong araw na gawin.Tamang-tama, nakita ko si Kalix na inaayos ang mga lambat nila sa pangingisda, mukhang bukas, handa na ulit kaming mangisda at excited na rin ako dahil makakasama na akong muli.“Kalix, tapos ka na ba sa ginagawa mo?” tanong ko sa kaniya nang lapitan ko siya.“Oo, tapos na ito, bakit, may kailangan ka ba?”“Puwede mo ba akong turuan magluto?” tanong ko habang nakatingin sa mga bycep niyang tila inaakit na naman ako. Nakasando kasi siya ngayon at medyo pawisan. “Gusto ko sanang ipagluto si Nanay Karen. Para sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa akin.”Narinig ko siyang tumawa nang mahina, iyong tipong parang natuwa siya sa narinig sa akin. “Anong gusto mong lutuin?”“Adobong kangkong… na may baboy na sahog,” sagot ko. Sa totoo la

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 35

    Xamira POVSa wakas, nakapamalengke na rin ako ng mag-isa.Habang bitbit ang basket na bigay sa akin ng nanay ni Kalix, pakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa makipot na daan papuntang palengke. Hindi ko mapigilang ngumiti. Para akong batang nakalabas sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang pagkakakulong sa bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Wala na ‘yung kirot sa binti ko, wala na ‘yung nananakit na hapdi sa hita. Para akong bagong laya.Kailangan ko talagang mamili ngayon. Halos wala na kasi akong pagkain sa bahay kubo ko. Nai-imagine ko na nga ang sarili kong nagkakamot ng tiyan sa gutom mamayang gabi kung hindi ako magpupursigeng mamili. Nakakahiya, nakailang gastos na rin si Kalix sa akin, baka maubos ang perang ipon niya.Pagdating sa palengke, sinalubong ako ng samu’t saring amoy ng mga fresh pang isda, bagong pitas na gulay, lahat ay kaaya-aya pa sa paningin kasi mga bagong-bago pa. Naglakad-lakad ako sa makikipot na espasyo ng mga paninda. Nang makakita ako ng mga kamatis

  • For Rent: Groom For The Billionaire    S2 - Chapter 34

    Xamira POVHindi ko na namalayan kung gaano na pala ako nakalayo. Sa wakas, nakakalakad na ako nang maayos. Wala nang bumabagal sa mga hakbang ko, wala nang kumikirot sa binti at hita ko.Ngayon, heto ako, nag-e-exercise na sa labas, habang tinatanggap ang bagong sikat ng araw.“Kalix!” tawag ko sa kaniya, sabay kaway mula sa may puno ng niyog. “Halika, maligo tayo!”Medyo nagulat siya, pero agad din namang ngumiti. Alam ko naman na wala siyang choice. Kapag ako na ang nag-aya, alam kong hindi na siya tatanggi pa.“Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” natatawang sagot niya. Lumapit siya sa akin habang nakangisi, bitbit ang mga tsinelas namin sa isang kamay.Napailing ako. “Sayang, dapat kasama ‘yung tatlong makulit para maingay,” sabi ko. Ayaw niya kasing isama ‘yung tatlo.Lumapit siya sa akin, tapos marahang hinawi ng palad ang aking buhok na tinatangay ng hangin.“Gusto ko kasi, akin ka muna buong maghapon,” sabi niya. Ang tapang talaga, diretsahan at walang pag-aalinlangang sabihin ‘yun

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status