We decided to buy some bread here at tinapay ni Mikay. Isa ito sa pinaka paborito ni Liam. Pero ako? Hindi ko alam, hindi naman ako mahilig kumain kaya siguro ganito ako payat. O sadyang wala lamang kaming pambili ng pagkain. Lumaki akong mahirap sa kamay ng aking lola.
Bumalik na si Liam sa puwesto namin na may dalang balot ng tinapay na inoder niya sa counter. Puwede kaming tumambay dito sa bakery hangga’t gusto namin basta mayroon kaming biniling tinapay or ahit sofdrinks man lang. "Oh, kainin mo na, lalamig na 'yan," aniya sabay abot sa akin ng tinapay at coke.
Kinuha ko ito sa kaniya nang makaupo ito sa tabi ko. "Ito na nga e," sagot ko. Kinain ko naman agad ang tinapay na binili niya para sa akin. Ganoon din siya. Si Liam ay matalik kong kaibigan. Elementary pa lamang ay kami na ang magkasama, hanggang ngayon na Grade seven na kami.
Wala naman akong maituturing na kaibigan bukod sa kaniya. Malaki ang pasasalamat ko na andiyan siya palagi para paalalahanan ako sa araw-araw. Hindi niya ako pinababayaan mag isa kahit saan man ako pumunta. Siya ang naging gabay ko sa lahat ng mga desisyon ko. I have depended on him over the years.
"Yam," tawag ko sa kaniya.
"Hmm?"
"T-thank you,"
"Para saan naman?" He asks curiously, Abala pa rin ito sa pag nguya ng tinapay na seryosong nakapikit. Tila nilalasap ang kaniyang kinakain. Bumaling iti sa akin ng maramdaman niya na naatitig ako sa kaniya.
"Dahil palagi kang andito sa tabi ko at hindi mo ako iniiwan."
"Wala 'yon, saka hindi ka na iba sa akin." Inakbayan niya ako at ginulo ang aking buhok.
"Salamat. Pero 'yong pangako mo na hindi mo ako iiwan, tutuparin mo pa rin 'yon hindi ba?"
Hinarap niya ako ng may seryosong mga tingin. "Oo naman. I won't leave you just like they did." Hinawakan niya ang magkabila kong braso at niyakap niya ako. Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim.
Paano na lang kaya kung wala si Liam, paano na kaya ako? Saan kaya ako pupulutin. May tatanggap kaya na maging kaibigan ko kung sakali na wala si Liam. Saksi siya sa mga naging karanasan ko noong bata pa ako. Sa mga pang aabuso sa akin, sa mga binitawang salita ay naroon siya noong mga panahon na 'yon at hanggang ngayon.
Walang kapantay ang suporta at pagmamahal niya sa akin bilang kaibigan.
Siya lamang ang naging takbuhan ko at sandalan sa lahat. Bawat patak ng luha ko, bawat pag hinga ng malalalim, sa bawat latay na mayroon ako sa katawan, andyan siya para ipagtanggol ako. Hindi ko makakaya na mawala siya sa akin. Natatakot ako. Para bang lanta ang buhay ko kung iiwan niya rin ako. Natatakot ako na bigla na lang siya mag bago at lumisan ng walang pasabi.
Nang matapos kami ay hinatid niya na ako sa bahay ng tiyahin ko kung saan ako nakatira. He is also my neighborhood. Isang bahay lamang ang pagitan namin. "Thank you sa paghatid," sabi ko.
"Always welcome. Sige na, pumasok ka na at baka pagalitan ka na naman ng Lola mo," aniya.
"Oo. Ikaw din umuwi ka na tiyak akong nag hihintay na si Mama mo sa iyo.’’ Ayaw na ayaw ng Mommy niya na nawawala saglit sa paningin nito si Liam, dahil bukod sa nag iisang anak ay ito ang taga pagmana nila ng kanilang mga negosyo.
Tumango lamang siya at tinalikuran ako. Pinagmamasdan ko muna siya na makapasok bago ako pumasok sa loob. Magagalit kasi si Liam kapag kapag hindi kami sabay pumasok sa kaniya-kaniya naming bahahy. Walang maghihintay. walang mauuna, kundi dalawa kaming magsasabay pagpasok sa kaniya-kaniya naming tahanan. Naabutan ko si Nanay, lola ko siya pero ganoon ang tawag namin dahil nagmumukha raw siyang matanda at ayaw na ayaw niya na tatawagin siyang Lola.
Nilapitan ko ito na abala sa pag lilista sa patayaan niya. Inabot ko ang kamay niya pero tinabig niya lamang ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin sabay pasok kaniyang kwarto. Likod lamang ng kuwarto niya ay isang mahabang lamesa, kung saan ay madalas akong pumuwesto sa bandang dulo.
Naupo ako rito at sinubsob ang sarili sa ibabaw ng lamesa. Hinayaan kong umaagos ang mga luha ko. Impit ang boses habang humahagulgol. Sandali lamang 'yon, bawal kong ipakita na mahina ako, na iyakin ako. I had to let them see how strong I am.
Pinunasan ko ang mga luha ko saka nag tungo sa kuwarto para mag bihis. Nag handa ako ng hapunan para sa aming dalawa ni Nanay. Kinatok ko ito sa kwarto niya pero hindi ito sumasagot.
"Nay, kain na tayo. Nag handa ako ng hapunan." Tawag ko sa kaniya. Sunod-sunod naman ang katok ko sa kuwarto niya.
Tumigil din ako sa pag katok ng mag sakita siya. "Letse kang bata ka! Katok ka ng katok! Tapos na ako kumai!" galit na sigaw niya. Sinipa niya pa ang pintuan,kung saan ay nakadikit ang aking pisngi habang naka sandal sa gilid ng pintuan. Malaks itong tumama sa aking mukha dahilan para ako ay maiyak na lamang.
"Uh, sige Nay. Ako na lang kakain," sabi ko at nilisan ang kuwarto niya.
Mag isa na naman akong kumain. Madalas ay sa labas na kumakain si Nanay. Hindi mapigilang pumatak ang mga luha ko habang sinusubo ang pagkain ko. Ito na naman, kailan ba ako hindi magiging iyakin? Hanggang kailan ba ako ganito? Matapos kung kumain ay nagliligpit na ako ng aking pinagkainan, inayos ang mga gamit sa lababo, nag walis muna ako saglit saka nag tungo sa kuwarto at kinuha ang notebook ko.
6:30 pm lang masyado pang maaga para matulog. May mga katulad kong kabataan na nasa labas pa, naglalakad ang mga ito. Napangiti akong pagmasdan sila sa labas. Sa totoo lamang ay naiingiit ako. Gusto kong maglaro rin kagaya nila, pero hindi puwede. Magagalit si Nanay. Sinagutan ko na lamang ang takdang aralin namin sa Filipino.
Hindi pa naman ako nakakapag simula ay pinatayan na ako ng ilaw. "Nay, nag sasagot ko ng assignment ko," sambit ko.
"Kanina mo pa sana ginawa 'yan, nag sasayang ka lang kuryente. Alam mo namang wala tayong ipang babayad dadagdag ka pa sa bayarin!" galit na sabi niya, sabay pasok sa kaniyang kuwarto.
I didn't speak to answer her back. It won't be heard otherwise. Hindi niya naman ako pagtutuunan ng pansin kapag nagsalita ako. Minabuti ko na lamang na itiklop ang notebook ko. I went outside with my notebook. I sat down on the edge of the balcony, where the light post shared its light.
Tama lamang ang parteng iyon na may liwanag upang makapag sagot ako ng assignment ko. I can't focus because of the noise that came from the kids running back and forth on the balcony. I need to calm down, bata lamang ang mga ito at hindi pwedeng sigawan. Bata lamang sila kagaya ko. Pero sila? Malaya sila sa mga bagay na gusto nilang gawin.
Nang matapos ko ang assignment ko ay pumasok ako bahay. Salamat sa liwanag ng ilaw, nawa'y marami ka pang mapasilong, mabigyan ng konting liwanag ng pag asa at ang mga mumunting pangarap ay matupad. Nilatag ko na ang banig sa sahig at nahiga roon sa sala. Iisang kuwarto lamang ang bakante rito, ang isa ay ayaw pabuksan ni Nanay dahil para raw iyon sa pinsan ko at mga kapatid nito. Her favorite granddaughters.
The sun rays illuminated thru the windows, it's a sign that I need to wake up. Ito ang nagsisilbing orasan ko dahil wala naman ang cellphone. Wala akong pera na pambili at hindi naman uso ang cellphone sa amin. Kailangan kong magtiyaga hanggang sa makatapos ako.
Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw mula sa sala kung saan ako ay nakahiga. Hiindi pa ako nakakabangon ay bumubungad na sa akin tuwing umaga ang napalakas na sigaw ni Nanay. Napasigaw ako sa lakas nito na para bang hinahalukay ang tiyan ko dahil sa sipa na napaka lakas. "Bumangon ka na dyan, mahiya ka sa mga taong bibisita ngayon."
Bumangon naman ako at niligpit ang hinihigaan ko habang iniinda ang sakit ng tiyan. Kahit ganoon ay nagawa ko pa rin mag ayos ng sarili. Hinayaan ko na lamang na tumulo ang mga luha ko bago sinara ang pinto at patakbong nilisan ang bahay. Sa bawat takbo ko ay damang-dama ang kirot sa aking puso.
Tinakbo ko ang kahabaan ng hagdan paakyat sa classroom namin. I was thankful that the teacher wasn't here yet. All my classmates are looking at me habang inaabot ang notes ko kay Liam. I just give them a small smile, sakto namang dumating ang teacher namin sa Filipino. Ang bilis ng buwan, September ka agad. Parang kailan lang kami nag enroll ni Liam. "Ma'am, ito na po ang gawa ko, " sabi ko, "Ito rin po kay Liam," Inabot ko sa kaniya ang notebook ni Liam, tinitigan niya lamang ako at ngumiti, ganoon rin ang ginawa ko. Kinawayan ko lamang si Liam ng maka balik ako sa puwesto ko. "Hindi tayo nag sabay pumasok. Ang daya mo naman." "Sorry, may pina deliver kasi sa akin na itlog ng tray, biglaan din kasi."
Nakaupo lamang ako sa batuhan sa ilalim ng puno ng mangga, kung nasaan ang malalaking bato na napapalibutan ng mga kahoy na matatayog katulad ng munting mangangarap. nagsisilbing silungan sa tuwing umuulan. Silungan ng mga basang sisiw na kagaya ko. Marahil Naging puwesto ko ito simula nang mag enrolled ako bilang grade 7 student ngayon lamang taon na ito. Sa bawat patak ng ulan, sa bawat hagupit ng bagyo, dala man ay unos, kailanman ay hindi naging hadlang ang pagsuko. Ngunit sumasagi sa aking isipan kailan ba dapat sumuko? Kailan ba dapat magpatuloy? May batayan pa para dito? Dalawang buwan pa lamang simula ng pumasok ako rito ay nakahanap kaagad ako ng puwesto na para sa akin lamang. Hindi ako sanay makipag usap sa ibang tao, natatakot akong mahusgahan sa paraan na hindi ko alam ang g
Tinakbo ko ang kahabaan ng hagdan paakyat sa classroom namin. I was thankful that the teacher wasn't here yet. All my classmates are looking at me habang inaabot ang notes ko kay Liam. I just give them a small smile, sakto namang dumating ang teacher namin sa Filipino. Ang bilis ng buwan, September ka agad. Parang kailan lang kami nag enroll ni Liam. "Ma'am, ito na po ang gawa ko, " sabi ko, "Ito rin po kay Liam," Inabot ko sa kaniya ang notebook ni Liam, tinitigan niya lamang ako at ngumiti, ganoon rin ang ginawa ko. Kinawayan ko lamang si Liam ng maka balik ako sa puwesto ko. "Hindi tayo nag sabay pumasok. Ang daya mo naman." "Sorry, may pina deliver kasi sa akin na itlog ng tray, biglaan din kasi."
We decided to buy some bread here at tinapay ni Mikay. Isa ito sa pinaka paborito ni Liam. Pero ako? Hindi ko alam, hindi naman ako mahilig kumain kaya siguro ganito ako payat. O sadyang wala lamang kaming pambili ng pagkain. Lumaki akong mahirap sa kamay ng aking lola. Bumalik na si Liam sa puwesto namin na may dalang balot ng tinapay na inoder niya sa counter. Puwede kaming tumambay dito sa bakery hangga’t gusto namin basta mayroon kaming biniling tinapay or ahit sofdrinks man lang. "Oh, kainin mo na, lalamig na 'yan," aniya sabay abot sa akin ng tinapay at coke. Kinuha ko ito sa kaniya nang makaupo ito sa tabi ko. "Ito na nga e," sagot ko. Kinain ko naman agad ang tinapay na binili niya para sa akin. Ganoon din siya. Si Liam ay matalik kong kaibigan. Elementary pa lamang ay kami na
Nakaupo lamang ako sa batuhan sa ilalim ng puno ng mangga, kung nasaan ang malalaking bato na napapalibutan ng mga kahoy na matatayog katulad ng munting mangangarap. nagsisilbing silungan sa tuwing umuulan. Silungan ng mga basang sisiw na kagaya ko. Marahil Naging puwesto ko ito simula nang mag enrolled ako bilang grade 7 student ngayon lamang taon na ito. Sa bawat patak ng ulan, sa bawat hagupit ng bagyo, dala man ay unos, kailanman ay hindi naging hadlang ang pagsuko. Ngunit sumasagi sa aking isipan kailan ba dapat sumuko? Kailan ba dapat magpatuloy? May batayan pa para dito? Dalawang buwan pa lamang simula ng pumasok ako rito ay nakahanap kaagad ako ng puwesto na para sa akin lamang. Hindi ako sanay makipag usap sa ibang tao, natatakot akong mahusgahan sa paraan na hindi ko alam ang g