Home / All / Finding Soul / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: Inkfusion
last update Last Updated: 2021-09-10 15:08:08

Tinakbo ko ang kahabaan ng hagdan paakyat sa classroom namin. I was thankful that the teacher wasn't here yet. All my classmates are looking at me habang inaabot ang notes ko kay Liam. I just give them a small smile, sakto namang dumating ang teacher namin sa Filipino. Ang bilis ng buwan, September ka agad. Parang kailan lang kami nag enroll ni Liam. 

"Ma'am, ito na po ang gawa ko, " sabi ko, "Ito rin po kay Liam," Inabot ko sa kaniya ang notebook ni Liam, tinitigan niya lamang ako at ngumiti, ganoon rin ang ginawa ko. Kinawayan ko lamang si Liam ng maka balik ako sa puwesto ko. 

"Hindi tayo nag sabay pumasok. Ang daya mo naman." 

"Sorry, may pina deliver kasi sa akin na itlog ng tray, biglaan din kasi."

"Uh, okay! Akala ko kinalimutan mo na ako e,"

"Tama na ang daldalan class." ani Mrs. Mesia.

Umayos naman ako ng upo at nakikinig sa lesson ni Ma'am. Minsan ay simpleng kinakalabit ni Liam ang braso ko. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay, palagi niya akong kinukulit sa tuwing may klase. 

"Jen, makinig ka sa klase," puna ni Carmen sa akin.

"O-oo! Nakikinig ako," sabi ko sa kaniya. "Di ba Liam?" Baling ko kay Liam na nakangiti lamang sa aming dalawa.

Tumango siya sabay ngiti kay Carmen. Tahimik lamang si Carmen at hindi na muli pang nag salita. Madalas ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa gawi namin ni Liam. Maybe she had a crush on him. Bagay na ikinatuwa ko  sa kaibigan ko. 

In the middle of the class I excused myself, and  went to the bathroom. Carmen followed. She didn't speak to me, yet I do. I was taking a back, when she widened her eyes on me. I just gave her a small smile.

"Do you like Liam?" I asked directly.

She just scoffs, giving me confused but head questions. It seems she didn't expect this.

"You're already crazy," she said, and left me hanging. 

I have no idea why she acts that way. I did not do anything that could cause her to get mad at me. Pumasok na ako sa klase. Hindi na rin ako nag abala pang kausapin si Carmen. 

Maya-maya lang din ay natapos na ang klase. Half-day lang kami dahil may emergency meeting ang buong faculty teachers. Hindi muna ako umuwi sa bahay dahil alam kong magagalit si Nanay kung bakit maaga ang uwi ko. Sasabihin niya na nag cutting ako kahit ang totoo ay hindi ko gawain iyon.

"Jen, hindi ka pa uuwi?" tawag sa akin mula sa likuran. 

"Hindi pa Em, e." sagot ko.

"Ah...sige pala. Mauna na kami, don't forget to lock the room, okay?"

"Sure. Kasama ko naman si Liam." saad ko.

She just nodded. Naiwan kami ni Liam sa loob ng classroom. Iniwan lang naming bukas ang mga bintana. Naka tingin lang ako sa ibaba. Mataas ang room namin, umaakyat pa sa napaka habang hagdan, sa ibaba nito ay mga puno at kung saan nakapwesto ang flagpole. Sa ibaba naman ng flagpole, pwesto kung saan ginaganap ang pagtitipon ng lahat ng mga estudyante. 

"What happened to you?" he asks

"What do you mean?"

"Kanina mo pa hawak ang tiyan mo, may masakit ba sa iyo?"

"Ah...wala naman. Masakit lang puson ko." pagdadahilan ko.

"Uminom ka ba ng gamot? Sana hindi ka na pumasok,"

"Kaya ko naman. Huwag mo na akong alalahanin."

"Sure ka?"

"Oo naman!"

"Okay. Ihatid na lang kita sa inyo. Baka kung ano pa mangyare sa iyo sa daan,"

"Sige. Sabi mo e,"

We both stop talking. Pareho naming nilalasap ang sariwang hangin. Naka pwesto kami sa mababang bintana, kung saan pwedeng maupo ang estudyante dahil hindi naman ito kataasan.  Habang si Liam ay nasa upuan niya. Ewan ko bakit hindi niya maiwan-iwan ito.

Bandang alas tres ay napag desisyunan naming umuwi na. Nakalimutan ko 'yong payong ko kaya binalikan ko ito sa classroom. I told Liam to wait me sa ibaba ng gate. Nilakbay ko ang napaka habang hagdan patungo sa classroom since ang dulo ng hagdan ay siya namang papasok sa classroom namin.

May mangilan-ngilan pang estudyante ang naroon, nag pa practice for the parade. 'Yong mga kasama drummers, lyre at ang mag hahagis ng flag mula sa intrada.  Bubuksan ko sana ang room ng nakasalubong ko Ronith at Sheila.

"Hi! Jen, how are you?" Roniths asks.

"I'm good. Kayo ba?"

"Okay naman kami, 'di ba Ronith?" si Sheila. She looked at Ronith who was caressing her palm.

"Okay ka lang ba talaga, Jen?" paninigurado ni Ronith sa akin.

"Oo naman. Okay na okay ako." I assured them. "Saka kasama ko naman si Liam palagi. He makes sure I'm fine. Hindi ko nga alam kung paano ako kapag wala siya sa tabi ko."

They just give me a sigh and nod their head. Ang weird naman nila masyado. Hindi kaya ako pababayaan ni Liam. Ito na nga lang ang meron ako at tanggap ako as who I am. Even with my flaws, he helped me to accept it slowly. 

"Mauna na kami. Ingat sa pag uwi, Jenina." sabay nilang sabi.

"Kayo rin." 

Hinintay ko muna silang makababa bago ako pumasok sa classroom. Agad namang kinuha ko ang payong saka nag madaling bumaba sa hagdan. Muntik pa akong madapa dahil sa taas nito. I waved at Liam, as I saw him. He just smiled. Ganoon din ang ginawa ko.

Nag lakad lang kami patungong terminal. At nag lakad ulit patungong sawang. Tumatagal din ito ng mahigit 45 minutes sa paglalakad. Wala naman akong pamasahe pang pedicab. Mabuti na lamang at si Liam ang kasama ko, at ka kwentuhan sa daan. Nkasanayan na rin  ito namin na lakbayin ang daan pauwi para makatipid kami ng pamasahe. Pandagdag din iyon sa mga projects na kakailanganin para sa school. 

"Salamat ulit sa pag hatid." sabi ko ng makarating na kami ni Liam sa tapat ng bahay.

"You're welcome," he answered. He pulls me closer to him and hugs me. Yumakap naman ako pabalik sa kaniya.

"Baka masanay ako sa yakap mo," pag bibiro ko.

"You should be. Walang ibang dapat yumakap sa 'yo kundi ako lang. You're more than just a soul to me, Jen." aniya. Pinaka titigan ko siya at niyakap ng sobrang higpit. 

"Hm, sige. Sa iyo lang ako mag papayakap. Okay na iyon?" Ngiti kong pabiro sa kaniya. 

"Of course. Go inside, baka magalit na naman si Lola mo."

"Oo papasok na ako. Salamat ulit." 

Kagaya ng dati ay tumango lamang siya, hinintay ko rin na makapasok siya sa  kanila. Liam was way too perfect. His eyes were dark blue, black thick hair. Tama lang ang pagkabilog ng kaniyang mga mata. Pointed nose, a perfect jawline that makes him more attractive. Red smooth lips just like a rose flower. Ang kagwapuhan ay namana niya sa ama niyang British.

Hindi na ako magtataka kung bakit lahat ng mga tao ay napapatingin sa kaniya sa tuwing kami ay magkasama. Agaw eksena ang kaniyang itsura. Puwede na itong maging artista kung iyon ay nanaisin niya balang araw. 

Katulad lang din ng nakasanayan, magigising ng maaga dahil sigaw ng sigaw si Nanay sa kusina kahit alas singko pa lamang. Nagkalansingan ang mga kaldero at mga plato sa kusina tila ba walang pakialam kung may nakakarinig sa kaniya o wala.  "Senyorita, bumangon ka na dyan. Akala mo kung sinong mayaman, wala ka pa ngang nararating buhay senyora ka na kung gumising. Wala kang katulong dito," aniya sa akin ng matapos kong mag ligpit.

"Hindi naman po sa ganoon," sagot ko.

"Aba, sumasagot ka pa ah!" kaagad siyang lumapit sa akin at pinag sasampal ako. Wala akong nagawa kundi ang hayaan lang ito na saktan ako. 

Wala naman akong dahilan para manlaban at mag reklamo. Nasanay na rin akong sinasaktan. Para bang manhid na ang katawan ko sa pananakit sa akin. Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko hanggang sa matapos si Nanay sa pasakit sa akin. 

Halo-halong emosyon ang nadarama ko ng maligo ako. Doon ay binuhos ko ang lahat ng sakit na tinamo ko sa sarili kong pamilya. Hanggang kailan ba ako magiging ganito? Matatapos pa kaya itong paghihirap ko? Kasi kung hindi, mabuti na lang na mawala ako. Total pagod na pagod naman na ako e, palagi na lang ganito. 

"Lord, totoong Diyos ka ba? Hindi ka ba naawa sa akin? O kung may awa ka sa akin, bakit kailangan kong maranasan ito? Bakit?!" sigaw ko sa banyo sabay buhos ng tubig sa katawan. 

Garalgal ang boses ko at hindi makapag salita na lumabas ng banyo. Wala dito si Nanay, nasa patayaan ito sa kabilang kalsada. Kusang gumalaw ang mga paa ko sa kusina, kung saan naroon ang matalim at bagong hasa na kutsilyo. Sinugatan ako ang palapusluhan ko pero walang sugat na nagmula roon. Sinubukan ko ulit ng sinubukan ngunit walang dugo mula roon at sugat.

Sinubukan kong itapat sa tyan ko ay tulis ng kutsilyo pero wala akong maramdaman sakit mula dito. And I just gave up. Napaupo na lang ako sa sahig ng dahan-dahan hanggang sa nadumihan ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko. 

Pinag laruan ko na lang ang kutsilyo sa sahig habang yakap ang sarili, dinarama ang pait ng buhay. Why did God let me live? What's my purpose in this world? Kung puro pasakit lang pala ang dulot nito sa akin.

Pakiramdam ko wala nang saysay ang buhay ko kung mananatili pa ako sa mundong ito. "Hindi ka na dapat nabuhay, sana namatay ka na lang!" Paulit-ulit na tumatatak sa isipan ko ang mga salitang binitawan ng aking ina bago niyak kitilin ang sariling buhay sa harap ko.  

Takot na takot ako noong nakita ko siyang duguan, walang malay at nag aagaw buhay. Gabi-gabi akong binabangungot sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang mukha ng aking Ina. Sana ako nalang ang namatay, sana ako na lang nang sa ganoon ay hindi na sila nahihirapan pa. Na sana masaya sila ngayon kahit wala ako. 

"Wala ka talagang kwenta ano?! Kung magpapakamatay ka ay huwag sa loob ng pamamahay ko!" sigaw sa akin ni Nanay ng maabutan niya ako na nilalaro ang kutsilyo. 

Tumayo ako at pinahid ang mga luha. "Sana ako na lang ang namatay, nang sa ganoon ay masaya kayo na wala ako. Nay, hindi ko naman ginustong mabuhay..." sambit ko. Pinipilit na huwag hayaang umagos nang umagos ang mga luhang kanina pa nagbabadya. 

Hinigpitan ko ang kapit sa aking mga braso nang sa ganoon ay hindi ako bumigay sa kahit anong sarili pa ang marinig ko. Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana, napaka lupit ng mundo na para bang ako na lamang ang tao na pinag kaisahan ng mundo at inako ang mabibigat na salita.

"Sana nga ikaw na lang ang namatay at hindi ang Inay mo. Eh 'di sana masaya kami ngayon. Sa akala mo ba hindi ko pinangarap na sana ikaw na lang ang pumalit sa hukay ng anak ko!"

Para akong sinampal ng katotoohanan sa aking narinig. Ganito pala talaga, ang makarinig ng masasakit na salita na galing mismong sa sarili mong kamag-anak. 

"Papa, bakit ganoon? Hindi ko naman ginustong mabuhay e. Kung may paraan lang na magkapalit kami ni Mama sa pwesto niya at sa lugar ko ay gagawin ko iyon, nang sa ganoon ay hindi na magalit sa akin si Lola." sambit ko sa puntod ng aking ama. 

Alam kong hindi ito sasagot, ngunit gusto ko lamang ilabas ang sakit na nadarama ko ngayon. Bumuhos ang malakas na ulan, sumasabay ito sa nadarama ko ngayon. Lord, iparanas niyo naman sa akin na kakampi kita! Na may makakapitan ako, kasi sa totoo lang, pagod na pagod na ako e. Ayo'ko na Lord!

Isang malakas na kidlat lamang ang sinagot sa akin ng kalangitan. Ngunit bakit narito si Liam? May dala-dalang payong? "A-anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong sa kaniya.

"Wag ka na mag tanong pa at iuuwi na kita."

"Ayoko pang umuwi!"

"Sasama ka o kakargahin kita?"

"Pwede ba? Gusto kong mapag isa ngayon. Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan?"

"Nangako tayo sa isa't-isa na hindi natin iiwan ang sino mang lugmok sa atin. Tinutupad ko ang mga pangako ko na hindi ko nagawa noon."

"Okay lang ako. Alam ko naman na tutuparin at tutuparin mo pa rin iyon. Andito ka na nga e, 'di ba?"

"Oo. Kaya tama na at uuwi na tayo."

"Paano mo nalaman na andito ako? Wala naman akong pinag sabihan at lalong ikaw lang ang kaibigan na mayroon ako."

"Ang kulit mo. Secret nga!"

"Oo na." sambit ko. " Ikaw ba Liam, pangangarapin mo bang ikaw na lang ang pumalit sa kabaong, mabuhay lang ang iyong Ina?"

"Hmm, tricky. Oo naman! Kung alam kong doon sila sasaya. Pero…"

"Anong pero?" taka ko sa kaniya.

"Babalik at babalik ako. Katulad ngayon, ang bestfriend ko ay malungkot at naguguluhan sa mga bagay-bagay. Handa akong bumalik para sa iyo. Tandaan mo palagi iyan."

"Sabi mo e. Pero salamat ah? Kasi hindi mo ako pinababayaan. Na kahit galit na si Aunt ay naka sunod ka pa rin sa akin."

"Wala iyon. Mahal kita kasi kaibigan kita. 

Tuluyan na naming nilisan ang puntod ni Papa. Wala kaming ibang usapan kundi ang pangako sa isa't-isa na walang iwanan. Kailanman ay hindi ko iiwan si Liam. Kasi siya ang buhay ko at siya na lamang ang kinakapitan ko. 

Kinabukasan ay maaga akong nagising, nakaugalian na, na maagang nagigising si Nanay at ganoon oa rin ang trato nya sa akin. Palaging sinisermonan, sinisipa at binabatukan kahit wala naman akong ginagawa na ikagagalit niya sa akin.

"Nay, kain na..." nagbabakasakali na mapaano ko siya at maging maayos kaming dalawa. Ayaw ko na magkagalit kami. Kasi siya na lamang ang natitira kong pamilya at lahat gagawin ko kahit nasasaktan ako sa mga trato niya sa akin. 

Ngunit walang sagot na nakuha sa kaniya. Itinabi ko na lamang ang pagkain doon sa ref. at inasikaso ko na ang aking sarili. Mabilisan lang din dahil may mga gagawin pa ako. Katulad ng mag wawalis sa labas, mag huhugas ng mga plato at mag lalampaso ng sahig para kapag uuwi na ako sa hapon ay gahawa na lamang ako ng asignment ko. 

Nang matapos ay pumasok na ako sa school namin. Hinahanap ko si Liam ngunit wala siya. Hindi niya rin ako sinundo. Baka nga mah iniutos sa kaniya o hindi kaya ay may sakit. Sana nalaman ko para naman mabisita ko sya. 

Related chapters

  • Finding Soul   Chapter One

    Nakaupo lamang ako sa batuhan sa ilalim ng puno ng mangga, kung nasaan ang malalaking bato na napapalibutan ng mga kahoy na matatayog katulad ng munting mangangarap. nagsisilbing silungan sa tuwing umuulan. Silungan ng mga basang sisiw na kagaya ko. Marahil Naging puwesto ko ito simula nang mag enrolled ako bilang grade 7 student ngayon lamang taon na ito. Sa bawat patak ng ulan, sa bawat hagupit ng bagyo, dala man ay unos, kailanman ay hindi naging hadlang ang pagsuko. Ngunit sumasagi sa aking isipan kailan ba dapat sumuko? Kailan ba dapat magpatuloy? May batayan pa para dito? Dalawang buwan pa lamang simula ng pumasok ako rito ay nakahanap kaagad ako ng puwesto na para sa akin lamang. Hindi ako sanay makipag usap sa ibang tao, natatakot akong mahusgahan sa paraan na hindi ko alam ang g

    Last Updated : 2021-09-09
  • Finding Soul   Chapter Two

    We decided to buy some bread here at tinapay ni Mikay. Isa ito sa pinaka paborito ni Liam. Pero ako? Hindi ko alam, hindi naman ako mahilig kumain kaya siguro ganito ako payat. O sadyang wala lamang kaming pambili ng pagkain. Lumaki akong mahirap sa kamay ng aking lola. Bumalik na si Liam sa puwesto namin na may dalang balot ng tinapay na inoder niya sa counter. Puwede kaming tumambay dito sa bakery hangga’t gusto namin basta mayroon kaming biniling tinapay or ahit sofdrinks man lang. "Oh, kainin mo na, lalamig na 'yan," aniya sabay abot sa akin ng tinapay at coke. Kinuha ko ito sa kaniya nang makaupo ito sa tabi ko. "Ito na nga e," sagot ko. Kinain ko naman agad ang tinapay na binili niya para sa akin. Ganoon din siya. Si Liam ay matalik kong kaibigan. Elementary pa lamang ay kami na

    Last Updated : 2021-09-10

Latest chapter

  • Finding Soul   Chapter Three

    Tinakbo ko ang kahabaan ng hagdan paakyat sa classroom namin. I was thankful that the teacher wasn't here yet. All my classmates are looking at me habang inaabot ang notes ko kay Liam. I just give them a small smile, sakto namang dumating ang teacher namin sa Filipino. Ang bilis ng buwan, September ka agad. Parang kailan lang kami nag enroll ni Liam. "Ma'am, ito na po ang gawa ko, " sabi ko, "Ito rin po kay Liam," Inabot ko sa kaniya ang notebook ni Liam, tinitigan niya lamang ako at ngumiti, ganoon rin ang ginawa ko. Kinawayan ko lamang si Liam ng maka balik ako sa puwesto ko. "Hindi tayo nag sabay pumasok. Ang daya mo naman." "Sorry, may pina deliver kasi sa akin na itlog ng tray, biglaan din kasi."

  • Finding Soul   Chapter Two

    We decided to buy some bread here at tinapay ni Mikay. Isa ito sa pinaka paborito ni Liam. Pero ako? Hindi ko alam, hindi naman ako mahilig kumain kaya siguro ganito ako payat. O sadyang wala lamang kaming pambili ng pagkain. Lumaki akong mahirap sa kamay ng aking lola. Bumalik na si Liam sa puwesto namin na may dalang balot ng tinapay na inoder niya sa counter. Puwede kaming tumambay dito sa bakery hangga’t gusto namin basta mayroon kaming biniling tinapay or ahit sofdrinks man lang. "Oh, kainin mo na, lalamig na 'yan," aniya sabay abot sa akin ng tinapay at coke. Kinuha ko ito sa kaniya nang makaupo ito sa tabi ko. "Ito na nga e," sagot ko. Kinain ko naman agad ang tinapay na binili niya para sa akin. Ganoon din siya. Si Liam ay matalik kong kaibigan. Elementary pa lamang ay kami na

  • Finding Soul   Chapter One

    Nakaupo lamang ako sa batuhan sa ilalim ng puno ng mangga, kung nasaan ang malalaking bato na napapalibutan ng mga kahoy na matatayog katulad ng munting mangangarap. nagsisilbing silungan sa tuwing umuulan. Silungan ng mga basang sisiw na kagaya ko. Marahil Naging puwesto ko ito simula nang mag enrolled ako bilang grade 7 student ngayon lamang taon na ito. Sa bawat patak ng ulan, sa bawat hagupit ng bagyo, dala man ay unos, kailanman ay hindi naging hadlang ang pagsuko. Ngunit sumasagi sa aking isipan kailan ba dapat sumuko? Kailan ba dapat magpatuloy? May batayan pa para dito? Dalawang buwan pa lamang simula ng pumasok ako rito ay nakahanap kaagad ako ng puwesto na para sa akin lamang. Hindi ako sanay makipag usap sa ibang tao, natatakot akong mahusgahan sa paraan na hindi ko alam ang g

DMCA.com Protection Status