Home / YA/TEEN / Finding Soul / Chapter One

Share

Finding Soul
Finding Soul
Author: Inkfusion

Chapter One

Author: Inkfusion
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nakaupo lamang ako sa batuhan sa ilalim ng puno ng mangga, kung nasaan ang malalaking bato na napapalibutan ng mga kahoy na matatayog katulad ng munting mangangarap. nagsisilbing silungan sa tuwing umuulan. Silungan ng mga basang sisiw na kagaya ko. Marahil Naging puwesto ko ito simula nang mag enrolled ako bilang grade 7 student ngayon lamang taon na ito. Sa bawat patak ng ulan, sa bawat hagupit ng bagyo, dala man ay unos, kailanman ay hindi naging hadlang ang pagsuko.

Ngunit sumasagi sa aking isipan kailan ba dapat sumuko? Kailan ba dapat magpatuloy?  May batayan pa para dito?

Dalawang buwan pa lamang simula ng pumasok ako rito ay nakahanap kaagad ako ng puwesto na para sa akin lamang. Hindi ako sanay makipag usap sa ibang tao, natatakot akong mahusgahan sa paraan na hindi ko alam ang gagawin.  Sanay ako na mag-isa. Naka titig lamang ako sa kawalan. Nag hihintay na maambunan ng grasya sa itaas. O kung mayroon man, pwede bang sagutin na lamang ang aking mga katanungan?

Saglit kong ipinikit ang aking mga mata, nilalasap ang sariwang hangin na dumadampi sa aking mukha.I just let it through. Preskong-presko. Mrahan kong idinilat ang aking mga mata ng may maramdaman akong yapak sa harapan ko.

"Andito ka lang pala," ani ng boses.  Kilalang-kilala ko ang boses na ito kahit na ako ay nakapikit. 

"Oo. Palagi lang naman akong nandito..." mahinang sagot ko.

Naramdaman ko ang malakas na pagbuga ng hininga niya bago ito nagsalita. "Pasok na tayo. Mag aala-una na. Baka umulan pa lalo at magkasakit ka," pag aaya niya sa akin. Nasa tono niya ang pagaalala.  

"Ayaw ko muna. Gusto ko na lang rito, puwede naman iyon hindi ba?" 

"Tara na. Mapapagalitan tayo kapag hindi ka pumasok," matigas na sabi niya sa akin.

Hindi na ako nag pumilit pa at tumayo na ako sa batuhan na aking kinauupuan. Bitbit ang notebook na ginawa kong pamaypay kanina dahil medyo mainit ang panahon ngayon. Buwan ng Hunyo ngunit maaraw.  Minsan pa ay bigla na lamang bumubuhos ang malakas na ulan.

Nasa likuran niya ako, nakasunod sa kaniyang anino habang siya ay dire-diretsong binabaybay ang daan. May kataasan din ang hagdan na aming tinahak papasok sa silid. Ang bawat hagdan ay pinaliligiran ng mga maliliit ba bato na nagsisilbing pang harang sa baha. Pag pasok namin ay natigil ang lahat. Seryoso ang kanilang mga titig nang masalubong ko ang kanilang mga titig. Mula sa pintuan ay dumiretso na ako sa aking upuan doon sa likuran. Tanging ngiti lamang ang Hindi na bago iyon sa akin. Pilit na ngiti na lamang ang ginawad ko saka umupo sa pinaka dulong-dulo. Ito ang napili kong puwesto dahil malapit sa bintana at makikita agad ang mga puno. Nais na madama ang simoy ng hangin, magagandang tanawin sa itaas ng silid na napapalibutan din ng mga puno. 

Berdeng-berde ang mga tanawin, maaliwalas sa paningin kung pagmasdan ang mga dahon na sumasayaw sa bawat hampas ng hangin. Nanatili lamang ang aking paningin sa labas ng bintana. Hindi ko na namalayan ang mga nangyari sa loob, tanging narinig ko na lamang ay may kanya-kanya na silang buhat ng bangko. Matitinis ang bawat hila at ang ingay nito ay nagmistulang kampana sa aking tainga. Malakas ngunit may nais ipahiwatig.  

Pinaka titigan lamang nila ako. Ganito naman palagi. Mag isa lamang sa bawat groupings.  Tila ba nakasanayan ko na ito noon pa man. "Ximenez, mix up yourself to group 3." utos ni Mrs. Magdangal. 

Sinulyapan ko siya saka bumaling roon sa group number 3 na kaniyang tinutukoy. Nasa gitna ang mga ito. Nakatitig lamang silang lahat sa akin. Para bang napipilitan silang isali ako sa grupo dahil utos ni Mrs. Magdangal. Wala silang magawa kundi ang tanggapin ako. Tila ba kadiri-diri akong tao sa paningin nila.

"Opo," sagot ko na lamang.

Binuhat ko ang bangko ko at pinuwesto ito sa bakanteng puwesto. Tahimik lamang sila at hindi nagsasalita. Sa wakas ay nagaw din ang atmospera, "Mag dala kayo ng cartolina, pen touch, at scissor na dalawa para hindi tayo mag hihiraman." utos ni Carmen. Ibinaling niya sa akin ang tingin saka nag salita. "Ikaw. Ikaw ang mag gugupit bukas ng mga letters na gagawin namin. Saka ikaw rin ang mag didikit ng cartolina sa black board dahil ikaw naman ang matangkad sa atin dito," aniya.

"O-okay," sagot ko na lamang. Patuloy pa rin sila sa discussion para sa aming gagawin bukas. Bawat isa ay hiningan niya ng opinyon, nakakapagbigay naman sila ng ideya.

"Ikaw, baka may gusto kang idagdag?" baling sa akin ni Carmen.

"Uh-wala. Okay na 'yon," sabi ko na lamang. Napipilitan siya na tanungin ako tungkol sa opinyon ko. Ramdam ko naman iyon at hindi ako manhid para hindi mapansin ang pakikitungo nila. Kagaya noong isang araw, nagbigay ako ng opinyon tungkol sa paksa na gagawin naming role play. 

They didn't acknowledge it. Nasaktan ako oo. Pinaghandaan ko 'yon noong gabi pa lamang. Kahit hindi ako sigurado sa sasabihin ko ay nag bigay pa rin ako ng opinyon ko. Kahit takot na takot ako na mag salita, na baka pag nagkamali ako ay ako ang masisi sa grupo. 

Kaya mabuti na lamang rin 'yon, wala akong masasaktan, walang magagalit sa akin. Tanggap ko naman na hindi ako katanggap-tanggap  sa bawat grupo na sinasalihan ko.

Gaya nang napag usapan ay dala namin ang mga gagamitin para sa grupo. Nasa likod lamang ako nakaupo, nagmamasid sa mga ka grupo ko. Sila lamang ang kumikilos dahil ayaw nila akong pagalawin, dahil baka hindi maganda ang kalalabasan. Expected ko na iyon. 

"Oh, tubig. Drink this, you'll get dehydrated." Inabot niya sa akin ang bottled mineral water. Saka naupo sa tabi ko. Bigla-bigla na lamang itong sumuslpot sa harapan ko. 

"Tapos na kayo sa grupo niyo?" tanong ko.

"Yup. Sila na raw magrereport, busy ako." 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Busy saan?"

"Sa iyo, saan pa nga ba?"

"Uh, okay! Akala ko naman kung ano na," sagot ko. 

"Sabay tayo umuwi mamaya, huh? Dadaan muna tayo sa bakery, sa tinapay ni Mikay. Masarap mga gawa nila doon." suhestiyon niya. Proud na proud pa kumbaga. Pinagmasdan ko lamang siya. 

"Libre mo ba?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. 

"Oo naman."  

"Baka wala ka ng pera dyan?"

"May ipon ako sa alkansya. Saka may part time naman ako," sambit niya sa akin na may pagmamalaki talaga.  Yes, even tho. he is rich, nagsisikap pa rin siya na mag trabaho para sa sarili niya. 

"Alam mo Liam, naniniwala ako na magiging successful ka balang araw. You always save up money. Huwag mo akong kalimutan kapag nanyari 'yon huh?"

"I'll succeed, yes. But I won't forget you. Ikaw kaya ang palaging kasama ko sa bawat oras na kailangan ko nang karamay. Isa ka sa mga naniwala sa akin kapag nangyari 'yon." 

"Sus! Drama mo naman. Ako lang naman 'to." pabirong sabi ko sa kaniya. 

"Hindi ka basta 'lang', mahalaga ka sa 'kin. Suportado kita sa mga gusto mong maging. We will both succeed. Magkaramay tayo at palagi mong tatandaan 'yan, okay?"

"Oo naman. Magkaramay tayo," sabi ko at nginitian siya. "Magkaramay tayo," sambit ko sa aking isipan.

Hindi namin namalayan na natapos na pala ang reporting ng bawat grupo. Sumabay na lamang kami sa pag palakpakan ng mga classmates namin. Bumalik na rin si Liam sa dati niyang puwesto at ako naman ay umayos ng upo. 

Wala akong maintindihan sa matimatika kaya panay ang kalabit ko kay Liam. Sadyang hindi talaga para sa akin ang subject na 'to. 

"Wala akong sagot." reklamo lo sa kaniya. Sumenyas lang siya ng 'sandali lang' may kinuha siyang scratch paper sa kaniyang bag at may isinulat doon. Plus and Minus lang naman 'yon, pero wala talaga akong makuha na sagot sa bawat tanong. Literal na boba kong tao. 

"Ito, 'wag ka nalang mag pahalata diyan at baka mapalabas ka pa, " aniya.

Tumango ako at saka kinuha ang sagot sa papel. Hanggang sampung tanong lang naman 'yon kaya mabilis akong natapos sa pag sagot. I mouthed 'thank you' ng matapos ako at ipinasa na ito sa harapan. Siya naman ay naka ngiti lang.  Matapos lumabas ng classroom si sir ay sumandal ako kay Liam. Nasanay na akong gawin ito sa kaniya simula pa lang elementary kami. Kasama ko na siya noon pa man. 

"Your hair smells good." puna niya.

"Hmm..."

"Ano shampoo mo?"

"Sunsilk lang." sagot ko naman.

"Don't change your shampoo. It smells good on you."

"Okay, sabi mo e."

Naramdaman ko namang hinahagod-hagod niya ito kaya medyo napapapikit ako sa ginagawa niya. Nahalata niya yatang  nagustuhan ko kaya inayos niya ako sa pagka sandal sa kaniya para maabot niya pa ako.

"Gusto ko 'yang ginagawa mo, tuloy mo lang."

"Are you sure?"

"Yes, please." sagot ko. "Gisingin mo 'ko pag dumating na si sir huh? Idlip lang ako."

"Sure."

"Baka naman mangalay ka?"

"I won't. Now, sleep." utos niya. Ginawa ko naman ang maidlip. 

Nagising naman ako ng may naamoy akong pag kain. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko baka namamalikmata lang ako. Pag tingin ko ng oras ay alas dose na pala. "Tapos na klase?"

"Yup."

"Ba't di mo'ko ginising?"

"Puyat ka eh. Saka sinabi ko kay sir na masakit ulo mo, hindi ka na niya pina gising. He'll give you a special quiz." he explain

"Bakit mo ginawa 'yon? Nakakahiya kay sir, ano na lang kaya itsura ko?"

"Wala naman nakakita e, ako lang." aniya. Tumawa ito kaya hinampas ko siya. 

"Grabe huh, " sabi ko saka inirapan ko siya. Dapat 'di niya na talaga ginawa 'yon.

"Let's eat. I bought your food. May candy din diyan sa plastic, pang himagas mo. Saka gamot, para kunwari totoo." seryoso niyang sabi.

"Wala na akong masabi kundi thank you, ginawa mo na lahat e."

"Kumain ka na. Tuturuan kita mamaya sa math, hindi pwedeng sa akin ka na lang palaging aasa." 

"O-okay! Gusto ko iyan."

Kumain na ako ng binili niyang tortang talong, kanin at saging. Alam na alam niya talaga ang paborito ko.  Pinaka titigan ko ang kanin niya, kaonti lang ito kaya nilagyan ko siya na galing sa baonan ko. "Yan, para mabusog ka rin. Ubusin mo 'yan." utos ko.

"Sa'yo lahat 'yan e, ikaw dapat magpaka busog."

"Busog na kaya ako." sabi ko. Pinakita ko ang tyan ko na lumubo dahil sa kabusugan. Hinampas niya ang kamay ko. "Bakit ba?"

"Kababae mong tao, kumilos ka nga ng maayos!" inis na sabi niya.

"Kumikilos naman ako ah."

"You're not. And please don't do that again." mariin niyang sabi.

Matapos naming kumain ay tinuruan niya ako sa math. Kahit wala akong maintindihan ay pinag tyagaan niya pa rin ako na turuan. "Wala pa rin akong maintindihan." reklamo ko habang nakapangalumbaba sa labas ng pinto. 

Wala pa ang mga classmates namin. Nasa kaniya-kaniyang mga bahay pa ang mga ito.  Pinalo niya sa noo ko 'yong ulo ng ballpen dahilan para maagaw niya ang atensyon ko.

"Bakit?!"

"Hindi ka matututo kung puro ka reklamo." sermon niya. "Ito sagutan mo. Huwag mo akong kakausapin hanggat hindi mo nakukuha ang sagot niyan." 

"Hala? Seryoso ba? Ang hirap naman nito."

"Isang reklamo pa."

"Isang reklamo pa." I mimic him.

"Stop that." inis niyang sabi.

"Eh di stop. Sabi ko nga mag sasagot na ako e, " sabi ko.

Tahimik niya lang akong pinag mamasdan habang nag sasagot. Ako naman ay sobrang nahihirapan kung paano ko gagawin 'tong equation. Bakit ba  naimbento 'to? Magagamit kaya 'to sa totong buhay?

"Are you done?" he asks. Kanina pa siya panay tingin s orasan niya.

"Hindi pa. Wag mo'ko kausapin. Busy ako sa pag sasagot."

"Good. Keep answering. I'll go somewhere."

"Okay. V-fresh bili mo'ko ah!" pahabol  ko. Tumango naman siya saka diretsong umalis pa labas ng pinto hanggang sa 'di na siya abot ng mga mata ko. Wala talaga akong maintindihan sa sinasagutan ko.  Napaka hirap naman kasi. Sumasakit na ulo ko rito. 

Related chapters

  • Finding Soul   Chapter Two

    We decided to buy some bread here at tinapay ni Mikay. Isa ito sa pinaka paborito ni Liam. Pero ako? Hindi ko alam, hindi naman ako mahilig kumain kaya siguro ganito ako payat. O sadyang wala lamang kaming pambili ng pagkain. Lumaki akong mahirap sa kamay ng aking lola. Bumalik na si Liam sa puwesto namin na may dalang balot ng tinapay na inoder niya sa counter. Puwede kaming tumambay dito sa bakery hangga’t gusto namin basta mayroon kaming biniling tinapay or ahit sofdrinks man lang. "Oh, kainin mo na, lalamig na 'yan," aniya sabay abot sa akin ng tinapay at coke. Kinuha ko ito sa kaniya nang makaupo ito sa tabi ko. "Ito na nga e," sagot ko. Kinain ko naman agad ang tinapay na binili niya para sa akin. Ganoon din siya. Si Liam ay matalik kong kaibigan. Elementary pa lamang ay kami na

  • Finding Soul   Chapter Three

    Tinakbo ko ang kahabaan ng hagdan paakyat sa classroom namin. I was thankful that the teacher wasn't here yet. All my classmates are looking at me habang inaabot ang notes ko kay Liam. I just give them a small smile, sakto namang dumating ang teacher namin sa Filipino. Ang bilis ng buwan, September ka agad. Parang kailan lang kami nag enroll ni Liam. "Ma'am, ito na po ang gawa ko, " sabi ko, "Ito rin po kay Liam," Inabot ko sa kaniya ang notebook ni Liam, tinitigan niya lamang ako at ngumiti, ganoon rin ang ginawa ko. Kinawayan ko lamang si Liam ng maka balik ako sa puwesto ko. "Hindi tayo nag sabay pumasok. Ang daya mo naman." "Sorry, may pina deliver kasi sa akin na itlog ng tray, biglaan din kasi."

Latest chapter

  • Finding Soul   Chapter Three

    Tinakbo ko ang kahabaan ng hagdan paakyat sa classroom namin. I was thankful that the teacher wasn't here yet. All my classmates are looking at me habang inaabot ang notes ko kay Liam. I just give them a small smile, sakto namang dumating ang teacher namin sa Filipino. Ang bilis ng buwan, September ka agad. Parang kailan lang kami nag enroll ni Liam. "Ma'am, ito na po ang gawa ko, " sabi ko, "Ito rin po kay Liam," Inabot ko sa kaniya ang notebook ni Liam, tinitigan niya lamang ako at ngumiti, ganoon rin ang ginawa ko. Kinawayan ko lamang si Liam ng maka balik ako sa puwesto ko. "Hindi tayo nag sabay pumasok. Ang daya mo naman." "Sorry, may pina deliver kasi sa akin na itlog ng tray, biglaan din kasi."

  • Finding Soul   Chapter Two

    We decided to buy some bread here at tinapay ni Mikay. Isa ito sa pinaka paborito ni Liam. Pero ako? Hindi ko alam, hindi naman ako mahilig kumain kaya siguro ganito ako payat. O sadyang wala lamang kaming pambili ng pagkain. Lumaki akong mahirap sa kamay ng aking lola. Bumalik na si Liam sa puwesto namin na may dalang balot ng tinapay na inoder niya sa counter. Puwede kaming tumambay dito sa bakery hangga’t gusto namin basta mayroon kaming biniling tinapay or ahit sofdrinks man lang. "Oh, kainin mo na, lalamig na 'yan," aniya sabay abot sa akin ng tinapay at coke. Kinuha ko ito sa kaniya nang makaupo ito sa tabi ko. "Ito na nga e," sagot ko. Kinain ko naman agad ang tinapay na binili niya para sa akin. Ganoon din siya. Si Liam ay matalik kong kaibigan. Elementary pa lamang ay kami na

  • Finding Soul   Chapter One

    Nakaupo lamang ako sa batuhan sa ilalim ng puno ng mangga, kung nasaan ang malalaking bato na napapalibutan ng mga kahoy na matatayog katulad ng munting mangangarap. nagsisilbing silungan sa tuwing umuulan. Silungan ng mga basang sisiw na kagaya ko. Marahil Naging puwesto ko ito simula nang mag enrolled ako bilang grade 7 student ngayon lamang taon na ito. Sa bawat patak ng ulan, sa bawat hagupit ng bagyo, dala man ay unos, kailanman ay hindi naging hadlang ang pagsuko. Ngunit sumasagi sa aking isipan kailan ba dapat sumuko? Kailan ba dapat magpatuloy? May batayan pa para dito? Dalawang buwan pa lamang simula ng pumasok ako rito ay nakahanap kaagad ako ng puwesto na para sa akin lamang. Hindi ako sanay makipag usap sa ibang tao, natatakot akong mahusgahan sa paraan na hindi ko alam ang g

DMCA.com Protection Status