Bella's POV Nakaupo ako ngayon sa couch habang nanonood ng palabas sa TV. Nakatutok lang ang mga mata ko sa TV pero ang totoo ay wala naman talaga akong naiintindihan sa pinapanood ko. Sinandal ko ang likod ko sa couch at mariing ipinikit ang mga mata. Gosh! I need more patience! This is not me! Sa ilang taon kong pagtatrabaho bilang waitress sa The Shire noon ay marami na akong na engkwentro na mga customers na hindi maganda ang pag-uugali. Kahit sa bahay mismo ay may pinsan at tiyahin akong pinagpapasensyahan ko buong buhay ko pero kanina ay hindi ko napigilan ang sarili. I saw red. Pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko at kailangan nitong umapaw palabas sa katawan ko dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Napabuga ako ng hangin habang nakapikit ang mga mata. "Muffin." Tawag nito sa akin. I glared at him. Nagulat naman ito sa ginawa ko. Natigilan siya. Dahan-dahan itong umupo sa tabi ko. "Are you mad at me? You know I didn't do anything, right?" Malumanay na tanong n
Continuation.... Bella's POV "Hindi ko na kayang magtimpi sa 'yo!" sigaw ko nang nailabas ko na siya sa kuwarto. May mangilan-ngilan na tao ngayon. Takip-takip ni Francine ang katawan niya. "I tried to understand you pero punong-puno na ako sa 'yo! Ganoon ka na ba kababa para palabasing gusto ka niya, ha? Gusto mo kaming sirain? Pwes nagkakamali ka! Look at yourself, Francine! Sa tingin mo ba tama itong ginagawa mo? You can't fix a broken vase using a tape lalo kung ikaw mismo ang bumasag nito! Please, magtira ka ng konting respeto para sa sarili mo!" Galit na sigaw ko. Nakita ko ang pagtapon ni Chloe ng tuwalya kay Francine. Kaagad naman niya itong sinalo at tinakpan ang sarili. Umiiyak na ito. "You'll never understand me! Sinira mo ang lahat!" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "I did not. Ikaw mismo ang sumira sa relasyon na mayroon kayo noon, please, leave us alone! Can't you see? Tapos na ang kuwento niyo. Mahirap bang intindihin 'yon?" I don't kno
Bella's POV "Damian, paalis na ako." Wika ko. Kausap ko siya ngayon sa phone dahil pupunta ako sa opisina niya para maghatid ng lunch. "Take care, Muffin. I'll wait for you here." Aniya at binaba na ang tawag. Saktong dumating na ang taxi na ni book ko kaya sumakay na ako. "Good morning, Ma'am." Bati ni Kuya Driver sa akin. "Good morning, Ku-- ay! Hello po! Ikaw po pala ulit." Nakangiting wika ko. Siya rin ang na book kung driver nang nakaraang linggo noong nanggaling ako sa opisina ni Damian at nagpunta sa Mall. Iyong binigyan ni Damian ng tip na limang libong piso. "Kamusta po kayo, Ma'am?" Anito at umandar na ang taxi. "Ito po, maayos naman." Sagot ko sa kanya. "Mabuti naman po," nakangiting sabi nito, "punta po kayo ulit sa boyfriend niyo?" "Opo, may dala akong lunch niya." Nakangiting sagot ko. "Hija, pakisabi ulit sa boyfriend mo na salamat ha? Saktong bayaran na ng tuition ng anak ko no'n." Aniya. "Sige po, sasabibin ko sa kanya." Nakakatuwa at nakat
Bella's POV Nasa ospital na kami ngayon ni Damian. Nakaupo ako ngayon dito sa waiting area. Hinihintay naming matapos ang operasyon ni Kuya Arturo. Kinokontak pa ng mga pulis ang pamilya ni Kuya Arturo para malaman nila ang kalagayan nito. Sinubukan akong kunan ng pahayag ng mga pulis tungkol sa insidenti pero blangko ang utak ko. Nag-aalala ako kay Kuya Arturo. "Muffin, here, you have to eat." Ani Damian at umupo sa tabi ko. Nakabihis na ako ng damit dahil pinahatiran niya ako kay Jane dito sa ospital. "Wala akong gana." Mahinang sagot ko kay Damian. He sighs, "just drink water if you don't want to eat Muffin." Aniya. Napatingin ako sa kanya at kinuha ang tubig at uminom doon. Mahigit dalawang oras na kaming naghihintay dito at hindi pa lumalabas ang doktor. "Magiging okay naman si Kuya Arturo, 'di ba?" Naiiyak na tanong ko kay Damian. "I don't know, Muffin but let's pray for that." Sagot nito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kahit na may tama na siya ng baril ak
Bella's POV Isang araw matapos ang insidenti ay tsaka palang nagising si Kuya Arturo. Tumawag si Brian kay Damian at binalita 'yon dahil siya ang nagbabantay sa hospital. Sinundo ako ngayon ni Damian para sabay kaming bibisita kay Kuya Arturo sa hospital. May nakasunod sa aming security at ang iba ay nagkalat sa hospital para magmanman sa paligid. We bought fruits and flowers para kay Kuya Arturo. Nagluto rin ako ng food para sa kanila dahil nakarating na kahapon ang mag-ina ni Kuya Arturo. Natatakot ako at baka magalit sa akin ang mag-ina niya dahil muntik ng mamatay si Kuya Arturo nang dahil sa akin. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa kaba. "Are you okay?" Tanong ni Damian. Hawak-hawak nito ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa kuwarto ni Kuya Arturo. "Medyo kinakabahan lang. Natatakot kase ako at baka magalit ang mag-ina ni Kuya Arturo sa akin." Sagot ko kay Damian. "They have all the rights to feel that, Muffin, but we will explain and say sorry to them, o
Bella's POV Ilang linggo na ang nakakalipas pero wala pa ring lead ang mga pulis kung sino nga ba ang mastermind sa pagtangka ng buhay ko. Suspect lang ang mga Montalvo at si Francine pero wala kaming pruweba na magtuturo na isa sa kanila ang nag-utos na pagtangkaan ang buhay ko. Ilang araw bago ang insidenti ay nakaalis na si Francine sa bansa, ang parents naman ni Adrian ay nasa America habang si Adrian ay nasa rehab at bantay sarado ng mga pulis. Damian promised me na hindi niya hahayaang walang managot sa nangyari sa akin. Kahit isa sa mga gunman ay wala ring nahuli at hindi rin sila matunton dahil hindi sila makilala at ang gamit nilang sasakyan at motor ay hindi nakarehistro. Mas dumoble pa ngayon ang bantay ko sa condo pati na ang sa pamilya ko. "Damian, sige na. Puntahan na natin sila sa ospital." Pagpupumilit ko. Nakaupo lang si Damian sa couch at kumakain ng biko kalamay. Kakaluto ko lang noon at nilantakan kaagad ni Damian. "Muffin, let's just stay here, okay? I
Bella's POV Pagkarating namin sa ospital ay dumiretso kami kaagad sa kuwarto ni Kuya Arturo. Nagulat sila ng asawa niya nang makita nila kaming bumisita. Pinakilala ko ang parents ni Damian sa kanila at nag-usap sila. Habang nag-uusap sila ay umupo naman ako sa couch para mag-order ng foods namin for dinner. "What are you doing, Muffin?" Tanong ni Damian nang makaupo ito sa tabi ko. Sinilip pa nito ang ginagawa ko sa phone. "Uhm. Mag-oorder ako ng food para pagdating natin mamaya sa bahay ay nakahanda na ang pagkain. Ipapadeliver ko nalang sa bahay mamaya." Sagot ko sa kanya habang naghahanap ng restaurant sa isang delivery app. "Okay na ang food. I called my friend. You don't have to worry about that." Sagot ni Damian sa akin. Napatingin naman ako sa kanya, "nakakahiya naman sa 'yo--" He cut me off. "Hey, why are you saying that? Hindi ka dapat nahihiya sa akin, besides, maliit na bagay lang naman 'yon." Kalmadong sabi nito. "Palagi kasing ikaw ang nagpo-provide sa ak
Bella's POV Ilang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin namin tukoy kung sino ang nagtangka sa buhay ko. Mariing itinanggi ng mga Montalvo na hindi sila ang may gawa no'n. Sumumpa ang Tatay ni Adrian na hindi sila ang may gawa noon dahil namumuhay na sila ng tahimik sa America, as for Adrian, ang sabi ng mga pulis na nakabantay sa kanya ay wala itong nakakausap na iba maliban nalang sa nurse at doktor na tumitingin sa kanya. Hindi rin naman ito makausap ng maayos kaya sigurado sila na hindi si Adrian ang may pakana. They reviewed the CCTV footage para lang makasigurado sila na wala itong nakakasalamuhang ibang tao. For Francine naman, hindi na siya mahagilap ngayon. Ang sabi ng manager niya ay nag-ibang bansa raw ito para matahimik na ang buhay niya. Malayo raw sa bashers at para raw tuluyan na itong makamove on kay Damian at sa mga nangyari. Ngayon ay wala na kaming ibang maisip na suspect na pwedeng gawin 'yon sa akin. Tinitingnan din ng mga pulis ang ibang pwedeng maging
Ysa's POV "Papa?" Tawag ko sa kanya. He smiled at me nang makita niya ako. Tinaas niya ang kamay niya kaya lumapit ako kaagad para hawakan ito. Umupo ako sa gilid ng kama niya. "Alam mo na?" Tanong nito. Tumango ako kay Papa. Pinisil nito ang kamay ko. "You know I will do everything for you, right?" "Oo naman, Papa." Nakangiting wika ko. "I know I was wrong. I was selfish for keeping your true identity. Patawarin mo ako, Anak. Natakot lang akong may masamang mangyari sa'yo ulit. You almost died and it was a miracle that you survived that accident," panimula ni Papa, bumuga ito ng malalim na hangin bago nagsalita ulit, "I was in Manila for a business trip. I went to my old friends house malapit kung saan naganap ang aksidenti. Nasa gilid kami ng kalsada noon para magpahinga muna nang makita kita. Duguan ka at parang wala sa sarili. Naglalakad ka lang. I asked you kung saan ka nanggaling at kung ano ang nangayari sa'yo. I only heard you calling Damian. Tinulungan kita at s
Ysa's POV Nakarinig ako ng katok sa pinto kaya nilapag ko muna ang librong binabasa ko sa mesa. Binuksan ko ang pinto at nakita kong nakatayo sa harap ng pinto si Damian. His expression is serious but I can see tension in his eyes. "Can we talk privately?" Kalmadong wika nito. Napatango naman ako sa kanya at mas binuksan pa ang pinto ko para makapasok siya sa kuwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan naming dalawa. Siguro ay tungkol ito kay Papa or baka sa mga maiiwan ni Papa. He knows that my father will not live long. Baka nag-usap na rin sila ni Papa tungkol doon. Nang naisara ko na ang pinto ay nakita ko si Damian na nakatingin sa picture namin ni Papa na nakalagay sa maliit na mesa ko katabi ng kama. Seryoso niya itong tinitingnan. Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. "You look both happy in that picture." Komento nito. I glanced at my picture with my father. Bahagya akong napangiti. "Hmm. Yes. That was taken last year," sagot ko sa kanya, "please si
Ysa's POV Nasa parking lot na kami ng airport ngayon dahil hinihintay namin ang pagdating ni Damian. Alas dyes pa ng umaga ang hearing ng kaso. Maya-maya pa ay tinawagan na ni Damian si Manong Juan para sabihing naghihintay na ito sa harap ng gate kaya pina-andar na ni Manong Juan ang kotse. Nakita ko na si Damian. Nakasuot ito ng grey suit niya at may hawak siyang luggage. Napatikhim ako at umayos ng upo. It's been 2 weeks since I last saw him. Palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. I don't know why pero sa panaginip ko ay parang matagal ko na siyang kilala. He was always smiling at me and he was always calling me "Muffin". "Good morning, Attorney! Kamusta ka na?" Tanong ni Manong nang makalabas ito at sa kotse. Nakababa ang bintana ng kotse kaya narinig kong nagsalita si Manong. Damian glanced at me. Tipid naman akong ngumiti sa kanya. "I'm fine, Manong. How are you?" Magalang na sabi ni Damian. "Nako! Okay pa sa okay, Attorney!" Natatawang sagot ni Manong at binuksan
Ysa's POV Nasa malapad na hardin ako. Punong-puno ito ng mga bulaklak. Napangiti ako ng may mga dumapong paro-paro sa kamay ko. Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at mas marami pang lumapit sa akin na mga paro-paro. "Wow!" Namamanghang wika ko. Humangin at nilipad ang buhok ko. Napatingin ako sa lalaking nakatayo ilang dipa lang mula sa akin. Natatakpan ng malaking camera ang mukha nito. "1, 2, 3, smile!" Masiglang wika nito. Kaagad akong napangiti habang nakatingin sa camera. Ilang shots ang ginawa niya bago unti-unting binaba ang hawak na camera. Hinihintay kong maibaba na niya ng tuluyan ang camera niya para makita ko ang mukha niya. He sounded familiar to me. Nang maibaba na niya ang camera ay ngumiti ito sa akin. His face is blurry but I know he is smiling. "You're so beautiful, Muffin." Malambing na wika nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan. His touch is quite familiar to me. Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak
Ysa's POV Unti-unti ng dumarating ang mga bisita. Ang iba ay may dala pang mga prutas at gulay para kay Papa. Tuwang-tuwa naman si Papa sa mga trabahante niya. Kilala si Papa rito sa amin na masayahin at palakaibigan. Hindi siya matapobre at madaling lapitan. Kaya natutuwa ako na maraming nagmamahal kay Papa. Nandito lang ako sa hindi kalayuan at nakatanaw kay Papa na nakikipag-usap sa mga tao. Malakas itong tumatawa habang kausap niya ang mga trabahante niya. "Maraming nagmamahal sa Papa mo. Look at him, giliw na giliw sa kanya ang mga trabahante niya." Ani Damian at tumabi sa akin. Napatango ako, "he is friendly. Lahat nga yata ng tao rito ay kaibigan niya." Sagot ko sa kanya. "Kailan kayo babalik ng hospital?" Tanong ni Damian. "Hindi na. Alam na ni Papa na hindi na siya magagamot pa. Ayaw niya na ring gumastos pa ng malaki sa hospital. Itong bahay nalang namin, ang rancho at palayan nalang ang naiwan sa amin. Ayaw niyang pati ito ay mabenta niya kahit alam naman niyang
Ysa's POV Ano ito? Nasaan ako? Nagtataka kong tiningnan ang paligid. Hindi ito pamilyar sa akin pero parang may kakaiba sa lugar na 'to. Tinitigan ko ang picture frame sa gilid ng kama, naaaninag ko ang itsura ko pero hindi ko makita ang itsura ng katabi ko sa larawan. Kinuha ko ang picture frame para titigan kung sino ang kasama ko pero bigla ko itong nabitawan kaya nabasag ito. Kumabog ng malakas ang puso ko. Napatingin ako sa basag na picture frame at sa hindi malamang dahilan ay sumikip ang dibdib ko. Para akong kinakapos sa paghinga. "Oh, my gosh!" Bulalas ko ng magising ako. Hinihingal akong napabangon sa kama. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya napainom ako ng tubig. Dinama ko ang kanang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. I exhaled deeply. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Ilang beses na akong na nanaginip na may kasama akong lalaki na hindi ko naman mamukhaan. Simula ng dumating si Damian sa bahay namin ay palaging 'yon ang panaginip ko. Ang akala ko ay mawawala la
Ysa's POV Pauwi na ako galing sa rancho ng makita ko si Manong Juan kasama si Damian. Nakasunod sila sa kalabaw na hila-hila ang karo na may lamang kahoy. "Oh, Ysa. Pauwi ka pa lang?" Tanong ni Manong sa akin. Napatingin naman sa akin si Damian. Tipid akong ngumiti sa kanya at binalingan ng tingin si Manong habang naglalakad kami. "Opo. Hindi ko napansin ang oras." Sagot ko sa kanya. Mag-aalas kuwatro na kase. Usually ay bago mag alas tres ay nasa bahay na ako. Hinubad ko ang suot kong longsleeves at tinali sa bewang ko, nakasuot nalang ako ng sleeveless top ko. Ang init pa rin kahit mag-aalas kuwatro na. "Sinama ko si Attorney. Nangahoy kami." Ani Manong. Mahina namang napatawa si Damian. Parang may naaalala itong nakakatawang nangyari. "And I almost killed myself." Naiiling na wika nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito. May halong pag-aalala ang pagtingin ko sa kanya. "Why? Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ko. "Well, sumakay ako sa kalabaw. Bigla siyang tumakbo
Ysa's POV "Anak?" Tawag sa akin ni Papa. Ngumiti ako kaagad kay Papa at lumapit. Nasa rancho ako ngayon at nagpapakain ng mga kabayo. "Papa, bakit ka nandito?" Ani ko. Kahit na may sakit si Papa, he always make sure na maayos ang pamamalakad sa rancho at farm niya. Pinipilit nitong maging masigla para hindi halata na may sakit siya. "Nakakabagot sa bahay, Anak. Tsaka exercise na rin," ngumiti ito sa akin. Tiningnan ko kung may kasama siya-- "Nasa labas si Attorney." May halong tukso ang boses nito. "H-ha?" Malapad na ngumiti si Papa, "sinama ko na si Attorney. Ang sabi sa akin ni Juan ay iniwan niya raw dito kahapon si Attorney." "A-ah, opo. Nagkakera kami kahapon. Magaling pala siya." Bahagya akong napangiti. My Father smiled at me teasingly. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Napailing naman ito. Ilang araw palang dito si Atty. Damian sa amin pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Para bang kilala ko ito. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Nang una ko siyang ma
TITLE: Married to the Ruthless Mafia Boss (not yet final) "Levi, kailangan mo ng maghanap ng mapapangasawa mo." Humithit ng sigarilyo si Levi at bumuga ng usok. He doesn't care about policies but this one, he can't ignore this. Kinukulit siya ng kanyang Tatay at ng ibang Elders na mag-asawa na. As a Mafia Boss and a leader to his organization, he can't remain unmarried. He needs an heir to succeed his throne. That's the policy of their organization. Since he was a child, he was taught to be ruthless because he will inherit his Father's title, the Mafia Boss. He can't be soft hearted. Kaya hindi siya marunong magmahal dahil hindi siya lumaki sa pagmamahal. Lumaki siya sa karahasan. His Father doesn't love his Mother. Nakita niya kung paano i-trato ng Tatay niya ang kanyang Nanay. His Mother didn't care about him. All she wants is money. Wala ng iba pa. Ngayon ay kailangan niya nang maghanap ng babaeng mapapangasawa. "Wala akong balak mag-asawa." Matigas na wika ni Levi.