Bella's POV Nasa location na kami ngayon kung saan gaganapin ang photoshoot namin. Kahapon sana ang start ng photoshoot namin kaya lang ay masama ang panahon at may bagyo kaya hindi kami natuloy. Ang 2 days na schedule namin ay ginawang 4 days dahil sa bagyo. Puro outdoor ang photoshoot kaya wala kaming magawa kundi ang hintayin na lumabas ng Pilipinas ang bagyo. 2nd day na namin ngayon dito at kinukulit na ako ni Damian. Gusto ko mang umuwi ay hindi pwede. Cancelled ang lahat ng flights at hindi pa tapos ang trabaho ko. Gusto niya sanang sumama sa akin pero hindi niya maiwan ang kompanya niya dahil may mga importante siyang kailangang tapusin at may mga deadline siyang kailangang i-submit sa court sa mga hawak niyang kaso. "Dalawang araw ka na r'yan." Naiinis na wika nito. "I know. Sisihin mo ang bagyo. Dahil sa kanya ay hindi kami makapagtrabaho." Natatawang sagot ko sa kanya. Naka-video call kaming dalawa ngayon. Gabi na at patulog na sana ako kaya lang ay tumawag siya. N
Bella's POV Nakaupo ako ngayon sa couch habang nanonood ng palabas sa TV. Nakatutok lang ang mga mata ko sa TV pero ang totoo ay wala naman talaga akong naiintindihan sa pinapanood ko. Sinandal ko ang likod ko sa couch at mariing ipinikit ang mga mata. Gosh! I need more patience! This is not me! Sa ilang taon kong pagtatrabaho bilang waitress sa The Shire noon ay marami na akong na engkwentro na mga customers na hindi maganda ang pag-uugali. Kahit sa bahay mismo ay may pinsan at tiyahin akong pinagpapasensyahan ko buong buhay ko pero kanina ay hindi ko napigilan ang sarili. I saw red. Pakiramdam ko ay kumulo ang dugo ko at kailangan nitong umapaw palabas sa katawan ko dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Napabuga ako ng hangin habang nakapikit ang mga mata. "Muffin." Tawag nito sa akin. I glared at him. Nagulat naman ito sa ginawa ko. Natigilan siya. Dahan-dahan itong umupo sa tabi ko. "Are you mad at me? You know I didn't do anything, right?" Malumanay na tanong n
Continuation.... Bella's POV "Hindi ko na kayang magtimpi sa 'yo!" sigaw ko nang nailabas ko na siya sa kuwarto. May mangilan-ngilan na tao ngayon. Takip-takip ni Francine ang katawan niya. "I tried to understand you pero punong-puno na ako sa 'yo! Ganoon ka na ba kababa para palabasing gusto ka niya, ha? Gusto mo kaming sirain? Pwes nagkakamali ka! Look at yourself, Francine! Sa tingin mo ba tama itong ginagawa mo? You can't fix a broken vase using a tape lalo kung ikaw mismo ang bumasag nito! Please, magtira ka ng konting respeto para sa sarili mo!" Galit na sigaw ko. Nakita ko ang pagtapon ni Chloe ng tuwalya kay Francine. Kaagad naman niya itong sinalo at tinakpan ang sarili. Umiiyak na ito. "You'll never understand me! Sinira mo ang lahat!" Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. "I did not. Ikaw mismo ang sumira sa relasyon na mayroon kayo noon, please, leave us alone! Can't you see? Tapos na ang kuwento niyo. Mahirap bang intindihin 'yon?" I don't kno
Bella's POV "Damian, paalis na ako." Wika ko. Kausap ko siya ngayon sa phone dahil pupunta ako sa opisina niya para maghatid ng lunch. "Take care, Muffin. I'll wait for you here." Aniya at binaba na ang tawag. Saktong dumating na ang taxi na ni book ko kaya sumakay na ako. "Good morning, Ma'am." Bati ni Kuya Driver sa akin. "Good morning, Ku-- ay! Hello po! Ikaw po pala ulit." Nakangiting wika ko. Siya rin ang na book kung driver nang nakaraang linggo noong nanggaling ako sa opisina ni Damian at nagpunta sa Mall. Iyong binigyan ni Damian ng tip na limang libong piso. "Kamusta po kayo, Ma'am?" Anito at umandar na ang taxi. "Ito po, maayos naman." Sagot ko sa kanya. "Mabuti naman po," nakangiting sabi nito, "punta po kayo ulit sa boyfriend niyo?" "Opo, may dala akong lunch niya." Nakangiting sagot ko. "Hija, pakisabi ulit sa boyfriend mo na salamat ha? Saktong bayaran na ng tuition ng anak ko no'n." Aniya. "Sige po, sasabibin ko sa kanya." Nakakatuwa at nakat
Bella's POV Nasa ospital na kami ngayon ni Damian. Nakaupo ako ngayon dito sa waiting area. Hinihintay naming matapos ang operasyon ni Kuya Arturo. Kinokontak pa ng mga pulis ang pamilya ni Kuya Arturo para malaman nila ang kalagayan nito. Sinubukan akong kunan ng pahayag ng mga pulis tungkol sa insidenti pero blangko ang utak ko. Nag-aalala ako kay Kuya Arturo. "Muffin, here, you have to eat." Ani Damian at umupo sa tabi ko. Nakabihis na ako ng damit dahil pinahatiran niya ako kay Jane dito sa ospital. "Wala akong gana." Mahinang sagot ko kay Damian. He sighs, "just drink water if you don't want to eat Muffin." Aniya. Napatingin ako sa kanya at kinuha ang tubig at uminom doon. Mahigit dalawang oras na kaming naghihintay dito at hindi pa lumalabas ang doktor. "Magiging okay naman si Kuya Arturo, 'di ba?" Naiiyak na tanong ko kay Damian. "I don't know, Muffin but let's pray for that." Sagot nito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kahit na may tama na siya ng baril ak
Bella's POV Isang araw matapos ang insidenti ay tsaka palang nagising si Kuya Arturo. Tumawag si Brian kay Damian at binalita 'yon dahil siya ang nagbabantay sa hospital. Sinundo ako ngayon ni Damian para sabay kaming bibisita kay Kuya Arturo sa hospital. May nakasunod sa aming security at ang iba ay nagkalat sa hospital para magmanman sa paligid. We bought fruits and flowers para kay Kuya Arturo. Nagluto rin ako ng food para sa kanila dahil nakarating na kahapon ang mag-ina ni Kuya Arturo. Natatakot ako at baka magalit sa akin ang mag-ina niya dahil muntik ng mamatay si Kuya Arturo nang dahil sa akin. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil sa kaba. "Are you okay?" Tanong ni Damian. Hawak-hawak nito ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa kuwarto ni Kuya Arturo. "Medyo kinakabahan lang. Natatakot kase ako at baka magalit ang mag-ina ni Kuya Arturo sa akin." Sagot ko kay Damian. "They have all the rights to feel that, Muffin, but we will explain and say sorry to them, o
Bella's POV Ilang linggo na ang nakakalipas pero wala pa ring lead ang mga pulis kung sino nga ba ang mastermind sa pagtangka ng buhay ko. Suspect lang ang mga Montalvo at si Francine pero wala kaming pruweba na magtuturo na isa sa kanila ang nag-utos na pagtangkaan ang buhay ko. Ilang araw bago ang insidenti ay nakaalis na si Francine sa bansa, ang parents naman ni Adrian ay nasa America habang si Adrian ay nasa rehab at bantay sarado ng mga pulis. Damian promised me na hindi niya hahayaang walang managot sa nangyari sa akin. Kahit isa sa mga gunman ay wala ring nahuli at hindi rin sila matunton dahil hindi sila makilala at ang gamit nilang sasakyan at motor ay hindi nakarehistro. Mas dumoble pa ngayon ang bantay ko sa condo pati na ang sa pamilya ko. "Damian, sige na. Puntahan na natin sila sa ospital." Pagpupumilit ko. Nakaupo lang si Damian sa couch at kumakain ng biko kalamay. Kakaluto ko lang noon at nilantakan kaagad ni Damian. "Muffin, let's just stay here, okay? I
Bella's POV Pagkarating namin sa ospital ay dumiretso kami kaagad sa kuwarto ni Kuya Arturo. Nagulat sila ng asawa niya nang makita nila kaming bumisita. Pinakilala ko ang parents ni Damian sa kanila at nag-usap sila. Habang nag-uusap sila ay umupo naman ako sa couch para mag-order ng foods namin for dinner. "What are you doing, Muffin?" Tanong ni Damian nang makaupo ito sa tabi ko. Sinilip pa nito ang ginagawa ko sa phone. "Uhm. Mag-oorder ako ng food para pagdating natin mamaya sa bahay ay nakahanda na ang pagkain. Ipapadeliver ko nalang sa bahay mamaya." Sagot ko sa kanya habang naghahanap ng restaurant sa isang delivery app. "Okay na ang food. I called my friend. You don't have to worry about that." Sagot ni Damian sa akin. Napatingin naman ako sa kanya, "nakakahiya naman sa 'yo--" He cut me off. "Hey, why are you saying that? Hindi ka dapat nahihiya sa akin, besides, maliit na bagay lang naman 'yon." Kalmadong sabi nito. "Palagi kasing ikaw ang nagpo-provide sa ak
Bella's POV It's almost 8:00 PM na ng matapos akong magluto. Anniversary namin ngayon ni Damian at dito lang kami sa bahay magce-celebrate. Hinihintay nalang namin siyang makauwi ng mga bata. Happy 15th Year Anniversary. I love you! Napangiti ako sa nakasulat sa cake na ni bake ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Napakabilis ng panahon. I am married to Damian for 15 years already! We have a big family. May apat kaming anak, 2 boys and 2 girls. Ni hindi ko naramdaman na nagbago ang pakikitungo ni Damian sa akin sa loob ng ilang taon. He is a perfect husband and a father. Lahat ay ginagawa niya para sa amin. Our relationship is not perfect, we had arguments pero naaayos namin ito palagi. Small arguments lang naman. Walang involve na third party or what. It's just that, minsan ay puro trabaho nalang siya at minsan ay nakakalimutan niya na kami. He explains naman na it is for our future and I understand it. "Mommy, dumating na si Daddy!" Excited na turan ni Courtney. Na
Bella's POV Habang nakapikit ang mga mata ko ay nararamdaman ko ang maliliit na halik na binibigay sa akin ni Damian. Napangiti ako ng maramdaman kong pumatong ito sa akin. "Anong oras na, Atorney?" Tanong ko sa kanya nang maramdaman kong pinagparte nito ang legs ko. "6 in the morning, Muffin." Sagot nito at bumaba ang halik sa dibdib ko. Napasinghap ako at napahawak sa ulo niya. "May hearing ka pa nang 8:00 A.M. M-mali-late ka na, Damian." Sabi ko at napasulyap sa kanya na nandoon pa rin sa dibdib ko nakatuon. I bit my lower lip. Ganito palagi ang paraan ng panggigising sa akin ni Damian. Mahigit walong taon na ang nakakalipas at mas lalo pang naging sweet sa akin si Damian. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo. I can't deny that he loves me so much. 6 years na kaming kasal pero walang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Damian. Mas lalo pa naming minahal ang isa't-isa. Mas lalo rin itong naging responsable at protective. "Judge Belen is sick
Bella's POV "Here's my beautiful, Muffin," ani Damian nang makalapit ito sa akin at hinapit ako sa bewang at hinalikan sa labi, "are you ready?" Nakangiting tanong niya. "Hey, Handsome," I giggled, "yes, I'm ready." May halong kabang sagot ko. "Let's go." Aya niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming lumabas ng condo. Magkahawak kamay kami habang naglalakad. Naghahalo ang nararamdaman ko ngayon. Excited ako na kinakabahan. I will meet my family later. Hindi sinabi ni Damian sa kanila ni Tito na buhay ako. Ang akala lang nila ni Tito ay simpleng dinner lang at kamustahan ang magaganap sa bahay nila ni Damian. "Nasa kotse na ba si Papa?" Tanong ko kay Damian nang nasa loob na kami ng elevator. "Yes, Muffin. He's with Manong Juan and his Nurse. Gusto ko sana siyang isama para makita niya ang condo natin pero sa susunod na araw nalang daw at pagod ito." Sagot ni Damian sa akin. Madali na talagang mapagod si Papa. Naka wheelchair na rin siya. Paminsan-minsan ay nag
Bella's POV Napangiti ako ng makita kong titig na titig sa akin si Damian habang nakaupo ako sa lap niya. Sobrang saya ko dahil naaalala ko na siya. Hindi na siya isang estranghero para sa akin. Pinisil ko ng mahina ang pisngi niya. "Baka matunaw ako sa titig mo." Biro ko. Kaagad siyang napangiti at niyakap ako ng mahigpit. Hinaplos ko naman ang buhok niya. "Ang akala ko ay matatagalan pa bago mo ako maalala. Akala ko ay pahihirapan mo pa ako." Aniya habang nakabaon ang mukha sa leeg ko. Ramdam ko ang pagsinghot niya sa leeg ko. I smiled. Alam kong nahihirapan siya noong mga araw na magkasama kami sa probinsya. Sino ba naman ang hindi? Kung ako ang nasa posisyon niya ay mahihirapan at masasaktan din ako kapag dumating ang araw na hindi ako maaalala ni Damian. "Babawi nalang ako sa 'yo, Damian. Ipagluluto kita ng masarap." Ani ko. Narinig ko itong umingos at inangat ang mukha niya para magkaharap kami. "Hindi lang pagluluto mo ang kailangan ko, Muffin. Marami tayong dap
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong
Ysa's POV Pagkatapos kong dalhan ng pagkain si Papa sa kuwarto niya ay nag-ayos na ako para makaalis na rin. Pupunta akong rancho ngayon para tingnan ang mga kabayo. Hindi kasi ako nakapunta kahapon dahil binantayan ko si Papa. Mas lumalala na ang kalagayan niya ngayon. Gusto ko sana siyang dalhin sa hospital pero ayaw niya naman. I can't force him kaya wala rin akong nagawa, even Damian insisted na siya na ang bahala pero ayaw niya talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na ako kay Papa at lumabas na ng kuwarto niya. Napatingin ako sa direksyon ng kuwarto ni Damian. "Nasaan kaya siya?" Mahinang tanong ko. Hindi ko kasi siya nakitang kumain ng agahan kanina. Nagkibit balikat nalang ako at umalis na. Habang naglalakad ako patungo sa rancho ay nakakasalubong ko ang iilang trabahante ni Papa noon, kinakamusta nila si Papa sa akin. Nakakatuwa lang na kahit hindi na sila nagtatrabaho kay Papa ay kinakamusta pa rin nila ang kalagayan niya. "You know what? May kilala rin akon
Ysa's POV "Papa, alis na po ako." Pagpapaalam ko kay Papa. "Mag-ingat ka, Anak." Ani Papa. Ngumiti ako sa kanya at humalik sa pisngi bago lumabas sa kuwarto niya. Tiningnan ko ang laman ng bag ko at baka may nakalimutan akong dalhin. Nang makita kong dala ko naman lahat ng kailangan ko ay tuluyan na akong lumabas ng bahay. Magpapa-ani ako ngayon kaya maaga akong umalis. Nakita kong nakaupo si Damian sa malaking bato at nakabihis ito. Napakunot ang noo ko. "Good morning, Muffin." Nakangiting bati nito sa akin. "Pervert!" I mumbled and roled my eyes. "Ang aga-aga mo namang nagsusungit. Hindi ka naman ganyan noon ah?" Aniya at lumapit sa akin. "Lumayo ka nga sa akin!" Inis na wika ko. Napangiwi ako ng maalala ko ang kabastusan niya nang isang araw. "Hey! I'm your boyfriend!" Giit nito. "Ano naman ngayon? That was before, Damian. Hindi naman kita maalala kaya layuan mo ako, utang na loob!" Ani ko at binilisan ang paglalakad. Sadyang mahahaba ang biyas ng lalaking ito
Ysa's POV Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa rancho para makaiwas kay Damian. Naisip kong mas mabuting iwasan ko na muna siya. Hanggang ngayon ay pino-proseso pa ng utak at damdamin ko ang mga nalaman ko. Tanggap ko nang ako si Ysa Salvador at hindi ako galit kay Papa sa pagtago niya ng totoo kong pagkatao. It was for my own good, however, it was not good for the one I've left behind dahil inakala nilang namatay ako sa aksidenti. "You're early." Ani Damian. Napabuga ako ng hangin. Hindi ako nagsalita at hinaplos lang ang mukha ni Ella, ang kabayo ko. Ella snorted. "Shhh." Mahinang wika ko kay Ella. "How are you? Okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin. "Of course." Maikling sagot ko. "Mabuti naman kung ganoon," aniya, ramdam kong naglakad ito papalapit sa akin, "samahan na kita rito. Wala naman akong ginagawa." Aniya at tumayo sa gilid ko. Hindi ko siya tiningnan at bahagyang tumalikod sa kanya. "Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila. Your work is done here." Sabi