Hello peps, bukas na po ng gabi ang sunod na update. around 9:00-10:00. 3 parts ang kapag ngayon dahil sa magagandang comment niyo. But please keep in touch, baka stressing na ang sunod na kabanata. Goodnight!♥
Pabalik ng villa ay magaan na ang dibdib ni Ysabela. Tahimik silang pareho ni Greig sa loob ng sasakyan pero wala na ang tensyon sa kanilang dalawa. “I’d visit Lolo Gregory this evening, Ysabela.” Marahan nitong sabi. Nilingon niya saglit ang lalaki at napansin na nakatutok ang tingin nito sa daan kaya medyo nagtagal pa ang kaniyang tingin. “Sure.” Sumulyap ito sa kaniya, naabutan ang paninitig niya. “Susunduin kita mamaya pagkatapos ko sa trabaho, saka tayo tutuloy kay Lolo.” Kumunot ang kaniyang noo. “Kasama ako?” Umangat ang sulok ng labi ni Greig nang marinig ang gulat sa kaniyang tinig. “Yes, I'd tell him our date.” Lumingon ito saglit at kumindat sa kaniya. Nag-iwas naman siya ng tingin. Kinagat niya ang ibabang labi at pilit pinaseryoso ang mukha pero mayroong tumatakas na ngiti kaya ibinaling niya ang tingin sa bintana ng sasakyan. Dapat ay kanina pa sila umuwi, pero pagkatapos ng lunch ay naisipan pa nitong manood ng kahit isang movie lang. Sa loob ng
“Greig…” Napailing siya. Hindi niya mahanap ang mga tamang salita. Umiling din ang lalaki. Lumapit ito’t niyakap ang kaniyang bewang. “Nuh-uh, no more excuses and reasons. I’m doing my very best to win you over.” Saad nito. “I’m not gonna ask for a chance. I’d get my chances, Ysabela. Ipipilit ko, hanggang sa magustuhan mo ‘ko. Hanggang sa mahulog ka sa akin.” Umawang ang labi niya. Gusto niyang sabihin kay Greig na hindi na nito kailangan na pilitin siya para lang mahulog siya sa lalaki. Dahil noon pa man, kusa na siyang tumalon sa bangin ng pag-ibig, kahit walang kasiguraduhan. Iyon din ang dahilan kung bakit sa huli, siya ang talunan. Kung bakit sa huli, siya itong maraming sugat na kailangan indahin. Inaayos ng mga katulong ang kaniyang damit nang mahiga siya sa pamilyar na kama. Nakaalis na si Greig kaya tahimik na rin sa wakas ang silid. “Orange juice mo, Ysabela.” Nakangiting sabi ni Manang Lora nang pumasok ito dala ang orange juice. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama
Naunang naglakad papasok ng ospital si Greig. Sa elevator ay pareho silang tahimik, nanatili ang malamig niyang ekspresyon kaya nakita iyon ni Greig sa repleksyon ng salamin.Bahagya itong bumaling sa kaniya para tingnan ang kaniyang mukha. “Ysabela?” Tawag nito.Nag-angat siya ng tingin at nakita ang pananantya sa mukha ni Greig.“Are you mad?” Medyo nag-aalangan nitong tanong.Napaiwas siya ng tingin. Ano naman ang ikakagalit niya?Bakit siya magagalit?Mapait siyang natawa sa kaniyang sarili. Ano ang dahilan para magalit siya kung una palang ay alam na niyang priority ni Greig si Natasha?Bumukas ang elevator. Walang natanggap na sagot si Greig, kaya pagkalabas nila ng elevator ay agad niyang hinarap si Ysabela.“Titingnan ko lang saglit si Natasha. I brought you here because I don't want you to know na bumibisita ako sa kaniya ng mag-isa. Gusto kong kasama kita para alam mo kung ano ang maaari naming pag-usapan.” Saad nito.Isang sulyap lang ang nagawa niya, hindi niya rin alam a
“Take a deep breathe, Natasha.” Panghihikayat ni Ada. Huminga naman ng malalim si Natasha. “I’m sorry.” Greig said sincerely. Kumawala ang buntong-hininga ni Ysabela. Para siyang palamuti na walang silbi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya hindi rin siya makapagsalita. Kung totoo man na may sakit si Natasha, dapat ay hindi ito namomroblema. Pero hindi niya rin siguro kakayanin na umalis nalang bigla pagkatapos ng mga sinabi ni Greig. Palaging ipinamumukha sa kaniya ni Natasha na parausan lang siya, na hindi siya kayang mahalin ni Greig. Ngayon na hindi man direktang sabihin ni Greig ang nararamdaman nito, ay parang kampante naman siyang may nararamdaman na ito sa kaniya. Kinagat niya ang ibabang labi. Hindi na nagsalita si Natasha, umiyak na lamang ito. “We have to go, Ada.” Ani Greig. “If she needs anything, you can call my assistant, Christoff. You can also call me.” Bilin nito bago naglakad paalis. Nilingon niya pa saglit si Natasha na nakatungo na lamang at humah
“Nakahanda na, Ysabela.” Tawag ni Manang Lora nang mailagay sa lunchbox ang pagkain na niluto niya.“Salamat, Manang.”Ngumiti siya sa babae habang inaayos naman ang mga prutas na inilagay sa isa pang lunchbox.“Naku, sigurado akong magugustuhan ni Sir Greig ang luto mo!” Natatawang sabi ni Manang Lora sa kaniya.Pangalawang beses na niyang dadalhan si Greig ng pagkain. Ang una ay ibinilin niya sa lang sa mesa ng sekretaryo nito dahil may meeting pa ang lalaki, ngayon ay gusto niyang siya na mismo ang magdala sa opisina nito.Nagustuhan ni Greig ang luto niya kaya lumaki kahit paano ang kaniyang kyumpansa.“Dinamihan ko na, Ysabela. Para sabay kayong kumain ni Sir Greig.” Saad ni Manang Lora.Tumango siya.“Salamat, Manang. Pakitawag nalang po ang driver, aalis na po kami.”“Oo, oo, Ysabela.” Dali-daling lumabas ng kusina si Manang Lora para tawagin ang driver.Samantalang naiwan naman siya para ilagay sa maliit na bag ang kaniyang mga dadalhin.Saktong pagtawag ni Manang Lora sa kani
“You cooked for me again?” May bahid ng kagalakan sa boses ni Greig.Hinila siya nito at muli na naman siyang napasulyap sa kinauupuan ni Natasha. Nakatingin ang babae sa kanila.Dinala siya ni Greig sa swivel chair nito at pinaupo.“Stay here, saglit nalang kami, Ysa. Tatapusin ko lang.”Nang makaupo siya, ibinaba ni Greig sa mesa nito ang dala niyang bag. Akala niya'y aalis agad ang lalaki, ngunit bumaba ang mukha nito para halikan ang kaniyang noo.Lumayo ang lalaki at tumalikod para puntahan si Natasha na ngayon ay nagbaba na ng tingin. Sumunod na rin si Christoff dala ang isang envelope.“Galing sa finance department.” Ani Christoff.Tinanggap iyon ni Greig at saka inabot ang mga folder na nasa mesa. Muling nag-angat ng tingin si Natasha, nakita niyang nakatingin ito ng mariin sa mukha ni Greig.“Here’s the copy of last year's finance report.” Ani Greig, ibinigay kay Natasha ang envelope. “Pwede mo iyang pag-aralan para may maging guide ka sa pag-aaral ng finances niyo this year.
Hindi pa siya nakakabawi sa nakakalunod nitong halik kaya hindi niya nasundan ang sinasabi nito. “Huh?” “I’ve booked us a flight. Tinatapos ko lang lahat ng trabaho ko para sa susunod na linggo ay magbakasyon tayo. I want to go somewhere with you. I want to spend more time with you.” Umawang ang kaniyang bibig. Hindi niya alam kung seryoso ito. “We're going to one of my resthouse. I… want to pursue you real hard.” Saad nito. Napakurap siya. May kung anong tumutusok sa kaniyang dibdib dahil sa sinabi nito. Iyon ba ang dahilan kung bakit masyadong babad si Greig sa trabaho? Lumamlam ang kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwala na naisip iyon ni Greig na gawin para sa kaniya. Dati, pagkatapos ng kasal ay balik ulit sila sa normal na gawain. Trabaho at bahay lang sila, hindi nito kailanman naisip na magbakasyon sila. Hinalikan nito ang kaniyang noo, may pag-iingat sa halik nito. “So I'd have to miss you for the next few days para masolo kita sa sunod na linggo.” Namula ang ka
“Give it to me,” ani Greig at agad na kinuha ang dala niyang maleta. Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan at tiningnan ang malaking bahay sa kaniyang harap. “Ysabela?” Nilingon siya ni Greig. Tiningnan niya ang lalaki, ngumiti siya’t sumunod na. “Ang laki pala ng bahay mo rito?” “You think?” Sinalubong sila ng dalawang kasambahay nang makapasok sa gate. “Magandang umaga, Sir.” Bati ng mas matandang kasambahay. “Magandang umaga, Ma’am.” Bati rin nito sa kaniya, nakangiti ng malaki. Ngumiti rin siya. “Magandang umaga po.” “Nakapagluto na po kami ng pagkain, Sir Greig. Kumain po muna kayo, kami na ang magdadala ng inyong gamit sa taas.” Lumapit ang isang may katandaan nang lalaki sa kanila. “Magandang umaga, Sir. Nakita ko ang pagdaong ng yate, akala ko ay mamayang hapon pa kayo.” “Mas napaaga ang flight, Mang Carding.” Sagot ni Greig. “Ito na ba ang asawa mo, Sir Greig?” Nakangiting baling ni Mang Carding sa kaniya. “Ang ganda-ganda naman, Sir! Bagay na bagay kayo.” Tum
Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila.Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya.Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya.Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya?Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom.T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin.Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw.Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapaan sa
Nililinis ni Ada ang sugat ni Natasha nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang makitang international call pa iyon, mabilis niyang sinagot ang tawag.“What happened to your card, Natasha?” Galit na tanong ni Alhaj sa kabilang linya.Kahapon pa niya pina-cut ang kaniyang card, pero ngayon lang siguro napansin ni Alhaj ang bagay na iyon.Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang kaniyang sarili.“I have to cut it for awhile, Alhaj. May nag-iimbestiga sa akin at pilit inaalam maski ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng pera. I can't let them catch me!”Narinig niyang marahas na nagbuntong-hininga si Alhaj.“So, what would happen to us now, ha? Alam mong hindi ko rin pwedeng gamitin ang cards ko! How do you expect us to live here without money?!”Nagtagis ang bagang ni Natasha. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pera na nga niya ang ginagasta ay may lakas pa ng loob na sigaw-sigawan siya.Magsasalita na dapat siya nang maunahan siya ni Alhaj.“Babalik ako ng Pilipinas. Isa
Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring