Thank you so much kasi na-featured po si Ysabela at Greig sa Good Novel PH last night. Nakakatuwa kasi na-appreciate ni GN ang hirap at dedikasyon ko. naks naman :› Kaya bilang pasasalamat sa mga readers na sumusuporta sa story na ito, 3 parts for tonight! Nighty
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
Nililinis ni Ada ang sugat ni Natasha nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang makitang international call pa iyon, mabilis niyang sinagot ang tawag.“What happened to your card, Natasha?” Galit na tanong ni Alhaj sa kabilang linya.Kahapon pa niya pina-cut ang kaniyang card, pero ngayon lang siguro napansin ni Alhaj ang bagay na iyon.Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang kaniyang sarili.“I have to cut it for awhile, Alhaj. May nag-iimbestiga sa akin at pilit inaalam maski ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng pera. I can't let them catch me!”Narinig niyang marahas na nagbuntong-hininga si Alhaj.“So, what would happen to us now, ha? Alam mong hindi ko rin pwedeng gamitin ang cards ko! How do you expect us to live here without money?!”Nagtagis ang bagang ni Natasha. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pera na nga niya ang ginagasta ay may lakas pa ng loob na sigaw-sigawan siya.Magsasalita na dapat siya nang maunahan siya ni Alhaj.“Babalik ako ng Pilipinas. Isa
Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila. Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya. Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya. Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya? Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom. T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin. Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw. Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapa
Sa’yo ako.Sa’yo ako.Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ni Ysabela ang mga salitang iyon.Anong sa akin pa rin siya?Imposible.Nagtatagis ang kaniyang bagang sa tuwing nararamdaman na bumibilis ang ritmo ng kaniyang puso kapag naiisip ang sinabi ni Greig.Imposible.No'ng mawala ang kaniyang alaala, naniwala siyang si Alhaj nga ang lalaki sa buhay niya. Hindi niya naisip na kay Greig siya, dahil no’ng mga panahon na iyon hindi niya pa maalala ang lalaki.Isn’t it unfair? That he could just easily say those words to me?Kung sa simula palang akin siya. Bakit… bakit nagpakasal siya kay Natasha?Hindi ba siya nahulog kay Natasha? Hindi ba siya nakaramdam ng kahit na anong espesyal para kay Natasha? Matagal silang nagsama, imposibleng hindi man lang nadevelop ang feelings ni Greig kay Natasha.Maybe he is just making things up?Nakakainis.Nang sumunod na mga araw, madalas na si Greig ang nagdadala ng kaniyang pagkain sa kuwarto. Minsan ay ito pa ang nagluluto ng
“ I still have an effect on you.” Mahinang turan ni Greig.Dahan-dahang umawang ang labi ni Ysabela. Tinitigan niya ang seryosong mukha ng lalaki. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman na nangilid agad ang kaniyang mga luha.Bakit ganoon?Bakit hindi pa rin sapat ang limang taon para mabago ang epekto ni Greig sa kaniya? Sana… sana kaya niyang itanggi na hindi na siya apektado sa lalaki, pero hindi niya magawa dahil alam niyang totoo ang sinabi nito.Hanggang ngayon, si Greig lamang, at tanging si Greig lamang ang kayang magpabilis ng tibok ng kaniyang puso. Ito lamang ang kayang kumuryente sa kaniyang sistema sa isang haplos lang. Ito lamang ang tanging lalaki na magagawang buhayin ang akala niya’y manhid na damdamin.Nang imulat niya ang mga mata, nakita niyang titig na titig sa kaniya si Greig. Bumuka ang kaniyang bibig.“How could you awaken the love that I have forgotten already?” Nasasaktan niyang tanong.Bumakas ang gulat sa mga mata ni Greig.“Ano?”Iniangat niya ang mga
“Siguro tama si Archie.” Tinitigan siya ni Greig, puno ng pangungulila.“My heart would always find you. Kahit saang lupalop ng mundo, mahahanap kita.”Umiling siya, hindi alam ang sasabihin.“Even after death, I would find you. I’d fight for my chance just… to be with you again. Dahil mahirap at masakit mabuhay, kung wala ka.”Pero mahirap at masakit din mabuhay para kay Ysabela kung nariyan siya.Mariin na pumikit si Ysabela, nawawalan ng lakas na sumagot pa. Hindi niya alam kung ano ang naging buhay ni Greig sa loob ng limang taon nilang pagkawalay sa isa’t isa.Siguro naging mahirap para kay Greig dahil sinisi nito ang sarili sa nangyari sa kaniya, samantalang nabuhay naman siya ng payapa at malayo sa mga bagay na makakasakit sa kaniya.Kung iisipin niya ng mabuti, naging maayos ang buhay niya sa piling ni Alhaj. Naging payapa. Naging matiwasay.Pero hindi siya naging masaya.Parang may kulang. Parang may kahungkagan sa puso niya na hindi kayang punan ni Alhaj.Marahang idinampi n
“Dad?” Pumasok si Niccolò sa kuwartong inuukupa ni Alhaj.Nakadapa ang lalaki sa kama, lasing na naman.Kahit na ganoon, umakyat pa rin si Niccolò at saka marahang tinapik ang balikat ni Alhaj.“Dad?” Marahang tawag ni Niccolò.Kagabi, cereal lamang ang kaniyang kinain. Hindi pa sila nag-aalmusal, alas nuebe na sa umaga at gutom na gutom na siya. Nang buksan niya ang refrigerator sa kusina, wala nang laman kung hindi frozen meats.Hindi niya pa kayang magluto kaya gigisingin na lamang niya ang kaniyang Daddy para ipagluto siya.“Daddy?” Katamtamang lakas ang idinagdag niya para magising si Alhaj.“Dad—”“Ano ba?” Galit nitong tanong.Nagmulat ng mga mata si Alhaj, at pinukol ng masamang tingin si Niccolò. Namumula ang kaniyang mga mata dahil sa kagigising niya palang.“What do you need?” Iritado niyang tanong.Napaatras si Niccolò, halatang natakot sa kaniyang naging reaksyon.“What?” Ulit niya, medyo napipikon dahil hindi nagsasalita ang bata.Alas quatro na siya natulog kaninang ma
“How’s Niccolò?” Agad na tanong ni Archie nang harapin niya si Greig.“Stable na ang anak ko.” Mababa ang boses na sagot ni Greig.“T*ng*n*. Buti nalang hindi gaanong malala ang nangyari kay Niccolò, kung hindi, babalatan ko ng buhay ang g*g*ng Jimenez na ‘yan!”“Ililipit na ba sa ward si Niccolò?”Tumango si Greig bilang tugon. Bakas sa kaniyang mukha ang pagod at pag-aalala. Hindi siya umalis sa pintuan ng emergency room hangga’t hindi lumabas ang doktor at sinabi sa kaniyang maayos naman kahit paano ang naging examination kay Niccoló.Walang major injury at wala rin internal bleeding. Iyon nga lang, dahil hindi pa kaya ng kaniyang katawan ang nangyari sa kaniya, nagcollapse ito nang hindi na kayang indahin ng bata. Pinipilit lang pala ni Niccolò na tiisin ang lahat ng kaniyang mga pasa at sakit ng katawan.Kanina pa nagdidilim ang kaniyang paningin, at ilang beses na niyang naisip na b*r*l*n si Jimenez. Paulanan ito ng bala sa katawan hanggang sa makuntento siya, pero hindi niya gi
“Ako na, Ysabela.” Pinigilan ni Patrick si Ysabela na bumaba pa ng kama para pulutin ang basong nahulog.“Pasensya na, ‘di ko sinasadya.” Hinging-paumanhin ni Ysabela sa lalaki.Bigla na lamang siyang nakaramdam ng pagkahilo at nabitiwan niya ang hawak na baso kaya nabasag tuloy nang tumama sa sahig.Umuklo si Patrick para pulutin ang kalat, sakto naman na pumasok si Athalia sa kuwarto, matamlay at medyo namumutla ang mukha ng kaniyang anak.“Athy?” Tawag niya, nag-aalala.“I don’t feel well, Mom.” Malungkot na imporma ng kaniyang anak habang lumalakad palapit.“Come here, baby.”Dahan-dahan lumapit si Athalia at umakyat sa kama. Tumingin ito kay Patrick na ngayon ay namumulot ng mga basag na parte ng baso.“What happened?” Kuryuso nitong tanong.Inilapat niya ang kaniyang palad sa noo ng kaniyang anak at pinakiramdaman, hindi naman ito mainit.“The glass slipped in my hand.” Paliwanag niya.“Patrick?” Tawag niya sa lalaki na ngayon ay dahan-dahan nag-angat sa kaniya ng tingin.“P-pwe
“Niccolò is in the police station.” Imporma ni Archie pagkatapos ng tawag galing sa isang tauhan.Nasa likod sila ng sasakyan kasunod ng van na sinasakyan ni Alhaj. Halos hindi niya nilulubayan ng tingin ang sasakyan nito, ngunit dahil sa sinabi ni Archie ay agad na napukaw ang kaniyang atensyon.Nilingon niya ang kaibigan. Nabuhayan siya ng loob.“Saan?”Binanggit ni Archie ang lokasyon ng police station. Agad niyang inutusan ang driver na magtungo roon.It only means one thing, Niccolò’s safe!Kanina pa nagmamatigas si Jimenez, ayaw sabihin sa kanila kung saan nito dinala si Niccolò. Mabuti na lamang ay may nagbalita sa kanila na isa sa kanilang mga tauhan kung nasaan ito.Inimporma ni Archie ang driver ng van na dumiretso sa stasyon ng mga pulis kung saan nakita si Niccolò. Dahil doon sila magtutungo.Ilang minuto ang lumipas ay tumigil din sa wakas ang sasakyan. Dali-daling bumaba si Greig, sumunod si Archie, at ang ilang tauhan.Patakbo siyang umakyat sa ilang baitang saka dumire
Humugot ng malalim na hininga si Alhaj. Sobrang lalim ng sugat sa kaniyang puso na hindi siguro titigil ang pagdurugo no’n.Maybe we could love each other more than friends… but we’re not meant to be lovers.Nagtagis ang kaniyang bagang at marahas niyang pinunasan ang kaniyang mga luha.Ang hirap pa rin tanggapin, na kahit minahal siya ni Ysabela, hindi pa rin iyon umabot sa puntong higit sa pagkakaibigan.Ibinaba niya ang tawag at tinakpan ang kaniyang mukha. Umiyak siya hanggang sa pakiramdam niya’y wala na siya iiyak pa.Sobrang sakit.Mukhang wala na talaga. Hanggang dito lang; hanggang dito nalang.Tumayo siya, saka isinuot ang itim na sumbrebro. Nakaitim rin siyang t-shirt at itim na pantaloon. Kahit pa alam niyang wala na siyang pag-asa, susubukan niya pa rin na umalis ng bansang ito.Maaari siyang pumunta ng Guatemala.Pagkalabas niya ng kuwartong inuukupa, sinigurado niyang maayos ang kaniyang sumbrero at hindi makikita ng buo ang kaniyang mukha.Gamit ang taxing binook na ni
“Alj, it’s not too late.” Marahang saad ni Ysabela sa kabilang linya.Kung hindi pa siguro magulo ang isip niya, baka narinig niya nang malinaw ang pagsusumamo sa boses nito.“We can still do something about this.” Panghihikayat nito.Umiling siya.“Tama si Ale, ang sama ko. Ang sama-sama kong tao, Ysabela. Nabulag ako, naging makasarili, at nakipagsabwatan kay Natasha. Nalaman ko ang tungkol sa plano niya. S-sinubukan ko siyang pigilan, Ysa.”Kinagat niya ang ibabang labi habang inaalala ang mga pangyayari ng araw na iyon. Pareho silang nasa ospital ni Natasha, siya ay para makapagpacheck-up sa kaniyang mga sugat at pasa na natamo galing kay Greig nang sumugod ito sa resthouse.Samantalang si Natasha ay nasa ospital, tinitingnan ng mga doktor. Aksidente niyang narinig na may kausap ang assistant nito, si Ada. Nabanggit ang pangalan ni Ysabela kay mas lalo siyang nakuryuso.Nalaman niyang pinapabantayan si Ysabela dahil paniguradong babalik na ito sa Manila kasama si Greig. Iyon na an
“Alhaj, what's going on? According to the news, you’ve kidnapped a kid!” Si Alessandra nang sumunod na umaga.Sinubukan niya itong tawagan para itanong kung kamusta na ang pinapalakad niyang passport at visa.“It was my son, Ale.” Sagot niya.Ipinasok niya sa bag ang ilang gamit na nakakalat sa kama.“Your son? Bella’s son?” Tanong nito.“But according to the news, it was Greig Ramos’ son with Ysabela Ledesma! Hindi ka nagsasabi ng totoo sa akin—”“Ale, please. They’re trying to frame me up. Alam mong hindi ako masamang tao. Hindi ako gagawa ng masama. Umalis ako ng Sicily, kasama ko si Niccolò, dahil hindi kami tinitigilan ni Greig. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mabawi si Bella. Please, Ale. I really need help.” Pagsusumamo niya.Narinig niya ang buntong-hininga ni Alessandra sa kabilang linya. Sinundan iyon ng pagmumura.“I’m sorry, Alj. I’m sorry. Kuya Domingo wouldn't let me meddle with your problem with Greig and Archimedes. Maimpluwensya si Archimedes Garcia, kung malaman niya
“Bakit? Totoo naman, hindi ba? Pinadala mo ang mga litrato namin ni Ysabela kay Greig at Gregory Ramos. Pinalabas mong pinagtataksilan namin si Greig, at ako ang ama ng dinadala ni Ysabela para kahumuhian nila si Ysabela. You were really a cunning b*tch. You know your way around.”Noong una, hindi naman niya talaga gustong agawin si Ysabela sa isang magulong pamamaraan. Nang malaman niyang maghihiwalay na si Greig at Ysabela, nabuhayan siya ng loob, oo.Pero hindi siya umabot sa punto na papatay na siya ng tao para lang makuha ang babaeng gusto niya.Hindi kagaya ni Natasha.“I don’t care what you want to say to me, Alhaj. Pareho lang tayo. Ginusto mong makasama si Ysabela. Ginusto mo siyang itakas!”“Itinakas ko siya dahil alam kong hindi mo siya titigilan hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo! Ano? Naging masaya ka ba nang makuha mo si Greig? Minahal ka ba niya? Napalitan mo ba si Ysabela?”“Tama na!” Sigaw ni Natasha.“Tama na!”Biglang namatay ang tawag kaya naman mapait siyang
Maraming pulis ang nagkalat, may ilang checkpoint na din sa mga highway lalo pa’t namataan na ng mga tauhan ni Greig si Alhaj.Medyo kabado na rin si Alhaj dahil alam niya, binabantayan na rin lahat ng port, pier at station. Kaya kahit taxi ay nagdadalawang-isip na siyang sumakay, baka masita sila sa isang checkpoint at mahuli siya.T*ng*n* lang talaga.Itinapon niya ang cellphone na ginamit ni Niccolò, saka humanap ng store para bumili ng bago. Kabado siya, hindi alam kung saan pa pupunta dahil tila lumiliit na ang mundo para sa kaniya.Gamit ang bagong cellphone, sinubukan niyang tawagan si Natasha. Dalawang beses na niyang sinubukan ngunit ayaw sumagot ng babae.“Niccolò.” Tawag niya sa bata, na kanina pa nakatungo at walang imik.“Nics.” Nag-squat siya sa harap ni Niccolò.Tiningnan siya nito, mugto pa ang mga mata dahil sa pag-iyak.May kakaibang lungkot at sakit ang umukupa sa kaniyang puso nang makita ang takot at pagsisisi sa mga mata ni Niccolò.“I have to… I have to leave yo
“I have loved him with all my heart, Patrick. Siguro, siguro kaya hindi ko siya no’n maalala kasi takot na takot ‘yong isip ko na kapag maalala ko siya, maalala ng puso ko kung paano ko siya minahal. At kung paano ako nasaktan sa huli.”She smiled painfully.“Wala akong maalalang maganda kay Greig. Nang bumalik lahat ng alaala ko, for a moment, nagsisisi rin ako. Kasi naintindihan ko na ngayon kung bakit naging coping mechanism ko ang magbura ng masasakit na alaala. Kasi sobrang sakit pala. Para akong namamatay sa sakit, Patrick.”“I’m sorry, Ysabela.” Nagsisising saad ni Patrick.Hindi niya alam lahat ng sakit na naramdaman ni Ysabela, ang alam niya lang, naging magulo ang relasyon ni Greig at ng babae.Baka mali siya, sana pala ay hindi na siya nagsalita pa.“Pero kahit paano, natanggap ko na, na kailangan kong harapin ang katotohanan at hindi na dapat ‘yon takbuhan pa. Anak ni Greig ang mga anak ko, may karapatan siya, at hindi ko ‘yon ipagkakait sa kaniya. Kung mabawi niya si Nicc