Here's the continuation of Chapter 159. Two parts for tonight's update! Bukas po around 10-11 pm again ang update.🥹
“Dad?” Pumasok si Niccolò sa kuwartong inuukupa ni Alhaj. Nakadapa ang lalaki sa kama, lasing na naman. Kahit na ganoon, umakyat pa rin si Niccolò at saka marahang tinapik ang balikat ni Alhaj. “Dad?” Marahang tawag ni Niccolò. Kagabi, cereal lamang ang kaniyang kinain. Hindi pa sila nag-aalmusal, alas nuebe na sa umaga at gutom na gutom na siya. Nang buksan niya ang refrigerator sa kusina, wala nang laman kung hindi frozen meats. Hindi niya pa kayang magluto kaya gigisingin na lamang niya ang kaniyang Daddy para ipagluto siya. “Daddy?” Katamtamang lakas ang idinagdag niya para magising si Alhaj. “Dad—” “Ano ba?” Galit nitong tanong. Nagmulat ng mga mata si Alhaj, at pinukol ng masamang tingin si Niccolò. Namumula ang kaniyang mga mata dahil sa kagigising niya palang. “What do you need?” Iritado niyang tanong. Napaatras si Niccolò, halatang natakot sa kaniyang naging reaksyon. “What?” Ulit niya, medyo napipikon dahil hindi nagsasalita ang bata. Alas quatro na
Nanginginig ang kamay ni Ysabela nang makita ang caller ID sa screen ng kaniyang cellphone. “Patrick!” Sigaw niya. Hindi pa siya nakakalakad ng maayos dahil mahina pa ang kaniyang katawan. Napapagod siya agad, kaya madalas nasa labas lamang si Patrick, Archie, o Greig. Naghihintay na tawagin niya kung sakaling kailangan niya ng tulong. Si Patrick ang sigurado siyang hindi umaalis ng bahay kaya ito ang palagi niyang tinatawag. Saktong pagkasagot niya ng tawag, pumasok naman ng silid si Patrick, nagtataka sa nagpapanic niyang sigaw. “Hello?” “Mommy?” Parang gumuho agad ang mundo ni Ysabela nang marinig ang boses ni Niccolò. “N-nics?” Nanginig ang kaniyang boses at agad na nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. “Niccolò?” Tawag niya. “Mommy!” Narinig niyang umiiyak si Niccolò. Mahina, tila pinipigilan ang sarili na huwag gumawa ng ingay. Tatlong araw na simula nang malaman niyang tumawag si Niccolò at nakausap nito si Athalia, kaya simula no’n palagi na siyang nagbabantay sa
“Are you alright?” Tanong ni Archie nang maupo sa tapat na upuan ni Greig.Mula sa pagtingin sa labas ng bintana ng eroplano, ibinaling niya ang tingin kay Archie.Umayos siya ng upo, saka huminga ng malalim.“I’m, I’m fine.” Sagot niya.“If it’s about Ysabela, don't worry about her. She’d be safe, Patrick is with her.” Ani Archie.Kanina pa napapansin ni Archie na simula nang umalis sila ng mansyon ay madalas nang sa malayo ang kaniyang tingin at hindi gaanong makapagpukos.Mabuti na lamang at may private plane si Edmur, isa sa kaniyang mayamang kaibigan sa Sicily, kaya maaari silang dalhin sa Paris. Mula naman sa Paris, maaari na silang dumiretso sa Mexico.Dahil walang direktang flight mula sa Sicily hanggang Mexico. Imposible ang flight mula Sicily hanggang Mexico, kaya naman kailangan nila ng layover flight.“I’m not worried about Ysabela. I’m worried about my son.” Malalim ang kaniyang tinig, halata sa boses ang pag-aalala.Sumandal si Archie sa kaniyang upuan, hindi na alam ang
Samantalang hindi mapakali si Ysabela, maya't maya niya kung tingnan ang kaniyang cellphone, umaasa na tatawag muli sa kaniya si Niccolò.Hindi pa rin siya mapanatag.Bumukas ang pinto ng kuwarto, pumasok si Patrick kasama si Athalia na may dalang tray na puno ng pagkain.“Hi, Mommy.” Masayang bati ni Athalia.Hindi alam ni Athalia ang nangyari. Hindi na rin niya sinabi dahil ayaw niyang mag-alala si Athalia sa kambal nito.“Hi.” Marahan niyang tugon.Kumuha si Patrick ng bed table saka iyon inayos sa kama. Inilagay sa maliit na mesa ang dalang tray.“Kumain ka na.” Ani Patrick.Tiningnan niya ang lalaki saka huminga ng malalim.“Kamusta? Nakaalis na ba si Greig at Archie?” Tanong niya.Umakyat si Athalia sa kama na sinundan niya ng tingin, bago ibalik kay Patrick ang mga mata.“Oo, nakaalis na.” Matipid nitong sagot.“How about your men in Mexico? Nagbabantay naman sila, hindi ba? Pati ang mga pulis, alam na nila, hindi ba? Makukuha naman natin ang anak ko, ‘di ba?”Naghila ng upuan
“I have loved him with all my heart, Patrick. Siguro, siguro kaya hindi ko siya no’n maalala kasi takot na takot ‘yong isip ko na kapag maalala ko siya, maalala ng puso ko kung paano ko siya minahal. At kung paano ako nasaktan sa huli.” She smiled painfully. “Wala akong maalalang maganda kay Greig. Nang bumalik lahat ng alaala ko, for a moment, nagsisisi rin ako. Kasi naintindihan ko na ngayon kung bakit naging coping mechanism ko ang magbura ng masasakit na alaala. Kasi sobrang sakit pala. Para akong namamatay sa sakit, Patrick.” “I’m sorry, Ysabela.” Nagsisising saad ni Patrick. Hindi niya alam lahat ng sakit na naramdaman ni Ysabela, ang alam niya lang, naging magulo ang relasyon ni Greig at ng babae. Baka mali siya, sana pala ay hindi na siya nagsalita pa. “Pero kahit paano, natanggap ko na, na kailangan kong harapin ang katotohanan at hindi na dapat ‘yon takbuhan pa. Anak ni Greig ang mga anak ko, may karapatan siya, at hindi ko ‘yon ipagkakait sa kaniya. Kung mabawi niya si
Maraming pulis ang nagkalat, may ilang checkpoint na din sa mga highway lalo pa’t namataan na ng mga tauhan ni Greig si Alhaj.Medyo kabado na rin si Alhaj dahil alam niya, binabantayan na rin lahat ng port, pier at station. Kaya kahit taxi ay nagdadalawang-isip na siyang sumakay, baka masita sila sa isang checkpoint at mahuli siya.T*ng*n* lang talaga.Itinapon niya ang cellphone na ginamit ni Niccolò, saka humanap ng store para bumili ng bago. Kabado siya, hindi alam kung saan pa pupunta dahil tila lumiliit na ang mundo para sa kaniya.Gamit ang bagong cellphone, sinubukan niyang tawagan si Natasha. Dalawang beses na niyang sinubukan ngunit ayaw sumagot ng babae.“Niccolò.” Tawag niya sa bata, na kanina pa nakatungo at walang imik.“Nics.” Nag-squat siya sa harap ni Niccolò.Tiningnan siya nito, mugto pa ang mga mata dahil sa pag-iyak.May kakaibang lungkot at sakit ang umukupa sa kaniyang puso nang makita ang takot at pagsisisi sa mga mata ni Niccolò.“I have to… I have to leave yo
“Bakit? Totoo naman, hindi ba? Pinadala mo ang mga litrato namin ni Ysabela kay Greig at Gregory Ramos. Pinalabas mong pinagtataksilan namin si Greig, at ako ang ama ng dinadala ni Ysabela para kahumuhian nila si Ysabela. You were really a cunning b*tch. You know your way around.” Noong una, hindi naman niya talaga gustong agawin si Ysabela sa isang magulong pamamaraan. Nang malaman niyang maghihiwalay na si Greig at Ysabela, nabuhayan siya ng loob, oo. Pero hindi siya umabot sa punto na papatay na siya ng tao para lang makuha ang babaeng gusto niya. Hindi kagaya ni Natasha. “I don’t care what you want to say to me, Alhaj. Pareho lang tayo. Ginusto mong makasama si Ysabela. Ginusto mo siyang itakas!” “Itinakas ko siya dahil alam kong hindi mo siya titigilan hangga’t hindi mo nakukuha ang gusto mo! Ano? Naging masaya ka ba nang makuha mo si Greig? Minahal ka ba niya? Napalitan mo ba si Ysabela?” “Tama na!” Sigaw ni Natasha. “Tama na!” Biglang namatay ang tawag kaya naman mapait
“Alhaj, what's going on? According to the news, you’ve kidnapped a kid!” Si Alessandra nang sumunod na umaga.Sinubukan niya itong tawagan para itanong kung kamusta na ang pinapalakad niyang passport at visa.“It was my son, Ale.” Sagot niya.Ipinasok niya sa bag ang ilang gamit na nakakalat sa kama.“Your son? Bella’s son?” Tanong nito.“But according to the news, it was Greig Ramos’ son with Ysabela Ledesma! Hindi ka nagsasabi ng totoo sa akin—”“Ale, please. They’re trying to frame me up. Alam mong hindi ako masamang tao. Hindi ako gagawa ng masama. Umalis ako ng Sicily, kasama ko si Niccolò, dahil hindi kami tinitigilan ni Greig. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mabawi si Bella. Please, Ale. I really need help.” Pagsusumamo niya.Narinig niya ang buntong-hininga ni Alessandra sa kabilang linya. Sinundan iyon ng pagmumura.“I’m sorry, Alj. I’m sorry. Kuya Domingo wouldn't let me meddle with your problem with Greig and Archimedes. Maimpluwensya si Archimedes Garcia, kung malaman niya
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina
The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana
"It was photoshopped!" Sigaw niya dahil sa takot. Napaahon siya sa kaniyang upuan at dahan-dahan na umiling. Tumitig naman sa kaniya si Archie, hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. Mas lalo siyang natakot na baka may alam si Archie sa mga ginagawa niya noong nakaraang mga taon. "A-archie." "Dr. Asuzion was a former psychiatric doctor in the mental institution where Mrs. Santiago was entrusted, right?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Archie sa babae. Napaatras muli si Lindsy, kinakabahan ng husto sa madilim na mga mata ng binata. "You had an affair with him despite the fact that he's already married and had two children, right? In return with your sexual services, you asked him for information about Mrs. Santiago. You even asked him to slowly take away her mental capacity to recover from the trauma." He said firmly. Muling napaatras si Lindsy. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya ng husto. "N-no, that's not true!" Mariin niyang tanggi. Sh*t!
Pumasok si Lindsy sa kompanya. Nakataas ang noo at tinatanggap lahat ng pagbati ng mga empleyado."Good morning, Miss Alcazar." Bati ng mga empleyadong nasa cubicle nang mapadaan siya.Ginawaran niya lamang ng isang tingin ang mga empleyado at hindi na bumati pabalik.Okay, let's say that Archie is doing something behind our back. Maybe he already bought a big share of stocks, but we still have the forty-percent share. That means, we're still one of the major stock holder in the company.Habang naglalakad sa hallway ay pinanatag niya ang kaniyang loob sa kaisipan na kahit hindi na sila ang may pinakamalaking share ay isa pa rin sila sa major stock holder. Hindi siya maaaring alisin na lang ni Archie sa kompanya at hindi rin magbabago ang tingin sa kaniya ng mga empleyado.Nasa mataas na posisyon pa rin siya.Isa pa, kung pareho silang major stock holder, hindi ba't ibigsabihin lang nito ay pareho silang magtratrabaho sa kompanya para mas mapalago ito?She will finally have a chance to
It was harder than I thought. Bulong ni Lindsy sa kaniyang sarili. Ngayon na ang kaniyang ama na mismo ang nagsasabi sa kaniya na humingi ng tulong kay Archie ay nanghihina na agad ang kaniyang sistema. Sure, I want him back. I badly needed him. But I don't want to look like a hungry ex, begging for his mercy and compassion. Kontra ng kaniyang isip. Nagtagis ang kaniyang bagang. Nakita niyang sumusulyap sa kaniya ang driver ng sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin sa repleksyon ng rearview mirror. "What are you staring at?" Galit niyang tanong. Agad naman nag-iwas ng tingin ang driver at kabadong sumagot. "S-sorry, Ma'am. K-kanina pa po kasi kayo tahimik. M-mukha pong hindi maganda ang umaga niyo. Nag-aalala lang po ako." Nagtaas siya ng kilay at mas lalo lamang nairita. This nosy driver is making an excuse pa ha? Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. "Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya sa susunod, stop glancing at me over the mirror. Okay? Fucos on driving! Napak
Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F