Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila. Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya. Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya. Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya? Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom. T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin. Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw. Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapa
Sa’yo ako. Sa’yo ako. Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ni Ysabela ang mga salitang iyon. Anong sa akin pa rin siya? Imposible. Nagtatagis ang kaniyang bagang sa tuwing nararamdaman na bumibilis ang ritmo ng kaniyang puso kapag naiisip ang sinabi ni Greig. Imposible. No'ng mawala ang kaniyang alaala, naniwala siyang si Alhaj nga ang lalaki sa buhay niya. Hindi niya naisip na kay Greig siya, dahil no’ng mga panahon na iyon hindi niya pa maalala ang lalaki. Isn’t it unfair? That he could just easily say those words to me? Kung sa simula palang akin siya. Bakit… bakit nagpakasal siya kay Natasha? Hindi ba siya nahulog kay Natasha? Hindi ba siya nakaramdam ng kahit na anong espesyal para kay Natasha? Matagal silang nagsama, imposibleng hindi man lang nadevelop ang feelings ni Greig kay Natasha. Maybe he is just making things up? Nakakainis. Nang sumunod na mga araw, madalas na si Greig ang nagdadala ng kaniyang pagkain sa kuwarto. Minsan ay ito pa ang n
“ I still have an effect on you.” Mahinang turan ni Greig.Dahan-dahang umawang ang labi ni Ysabela. Tinitigan niya ang seryosong mukha ng lalaki. Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman na nangilid agad ang kaniyang mga luha.Bakit ganoon?Bakit hindi pa rin sapat ang limang taon para mabago ang epekto ni Greig sa kaniya? Sana… sana kaya niyang itanggi na hindi na siya apektado sa lalaki, pero hindi niya magawa dahil alam niyang totoo ang sinabi nito.Hanggang ngayon, si Greig lamang, at tanging si Greig lamang ang kayang magpabilis ng tibok ng kaniyang puso. Ito lamang ang kayang kumuryente sa kaniyang sistema sa isang haplos lang. Ito lamang ang tanging lalaki na magagawang buhayin ang akala niya’y manhid na damdamin.Nang imulat niya ang mga mata, nakita niyang titig na titig sa kaniya si Greig. Bumuka ang kaniyang bibig.“How could you awaken the love that I have forgotten already?” Nasasaktan niyang tanong.Bumakas ang gulat sa mga mata ni Greig.“Ano?”Iniangat niya ang mga
“Siguro tama si Archie.” Tinitigan siya ni Greig, puno ng pangungulila. “My heart would always find you. Kahit saang lupalop ng mundo, mahahanap kita.” Umiling siya, hindi alam ang sasabihin. “Even after death, I would find you. I’d fight for my chance just… to be with you again. Dahil mahirap at masakit mabuhay, kung wala ka.” Pero mahirap at masakit din mabuhay para kay Ysabela kung nariyan siya. Mariin na pumikit si Ysabela, nawawalan ng lakas na sumagot pa. Hindi niya alam kung ano ang naging buhay ni Greig sa loob ng limang taon nilang pagkawalay sa isa’t isa. Siguro naging mahirap para kay Greig dahil sinisi nito ang sarili sa nangyari sa kaniya, samantalang nabuhay naman siya ng payapa at malayo sa mga bagay na makakasakit sa kaniya. Kung iisipin niya ng mabuti, naging maayos ang buhay niya sa piling ni Alhaj. Naging payapa. Naging matiwasay. Pero hindi siya naging masaya. Parang may kulang. Parang may kahungkagan sa puso niya na hindi kayang punan ni Alhaj. Marahang i
“Dad?” Pumasok si Niccolò sa kuwartong inuukupa ni Alhaj. Nakadapa ang lalaki sa kama, lasing na naman. Kahit na ganoon, umakyat pa rin si Niccolò at saka marahang tinapik ang balikat ni Alhaj. “Dad?” Marahang tawag ni Niccolò. Kagabi, cereal lamang ang kaniyang kinain. Hindi pa sila nag-aalmusal, alas nuebe na sa umaga at gutom na gutom na siya. Nang buksan niya ang refrigerator sa kusina, wala nang laman kung hindi frozen meats. Hindi niya pa kayang magluto kaya gigisingin na lamang niya ang kaniyang Daddy para ipagluto siya. “Daddy?” Katamtamang lakas ang idinagdag niya para magising si Alhaj. “Dad—” “Ano ba?” Galit nitong tanong. Nagmulat ng mga mata si Alhaj, at pinukol ng masamang tingin si Niccolò. Namumula ang kaniyang mga mata dahil sa kagigising niya palang. “What do you need?” Iritado niyang tanong. Napaatras si Niccolò, halatang natakot sa kaniyang naging reaksyon. “What?” Ulit niya, medyo napipikon dahil hindi nagsasalita ang bata. Alas quatro na
Nanginginig ang kamay ni Ysabela nang makita ang caller ID sa screen ng kaniyang cellphone. “Patrick!” Sigaw niya. Hindi pa siya nakakalakad ng maayos dahil mahina pa ang kaniyang katawan. Napapagod siya agad, kaya madalas nasa labas lamang si Patrick, Archie, o Greig. Naghihintay na tawagin niya kung sakaling kailangan niya ng tulong. Si Patrick ang sigurado siyang hindi umaalis ng bahay kaya ito ang palagi niyang tinatawag. Saktong pagkasagot niya ng tawag, pumasok naman ng silid si Patrick, nagtataka sa nagpapanic niyang sigaw. “Hello?” “Mommy?” Parang gumuho agad ang mundo ni Ysabela nang marinig ang boses ni Niccolò. “N-nics?” Nanginig ang kaniyang boses at agad na nag-init ang sulok ng kaniyang mga mata. “Niccolò?” Tawag niya. “Mommy!” Narinig niyang umiiyak si Niccolò. Mahina, tila pinipigilan ang sarili na huwag gumawa ng ingay. Tatlong araw na simula nang malaman niyang tumawag si Niccolò at nakausap nito si Athalia, kaya simula no’n palagi na siyang nagbabantay sa
“Are you alright?” Tanong ni Archie nang maupo sa tapat na upuan ni Greig.Mula sa pagtingin sa labas ng bintana ng eroplano, ibinaling niya ang tingin kay Archie.Umayos siya ng upo, saka huminga ng malalim.“I’m, I’m fine.” Sagot niya.“If it’s about Ysabela, don't worry about her. She’d be safe, Patrick is with her.” Ani Archie.Kanina pa napapansin ni Archie na simula nang umalis sila ng mansyon ay madalas nang sa malayo ang kaniyang tingin at hindi gaanong makapagpukos.Mabuti na lamang at may private plane si Edmur, isa sa kaniyang mayamang kaibigan sa Sicily, kaya maaari silang dalhin sa Paris. Mula naman sa Paris, maaari na silang dumiretso sa Mexico.Dahil walang direktang flight mula sa Sicily hanggang Mexico. Imposible ang flight mula Sicily hanggang Mexico, kaya naman kailangan nila ng layover flight.“I’m not worried about Ysabela. I’m worried about my son.” Malalim ang kaniyang tinig, halata sa boses ang pag-aalala.Sumandal si Archie sa kaniyang upuan, hindi na alam ang
Samantalang hindi mapakali si Ysabela, maya't maya niya kung tingnan ang kaniyang cellphone, umaasa na tatawag muli sa kaniya si Niccolò.Hindi pa rin siya mapanatag.Bumukas ang pinto ng kuwarto, pumasok si Patrick kasama si Athalia na may dalang tray na puno ng pagkain.“Hi, Mommy.” Masayang bati ni Athalia.Hindi alam ni Athalia ang nangyari. Hindi na rin niya sinabi dahil ayaw niyang mag-alala si Athalia sa kambal nito.“Hi.” Marahan niyang tugon.Kumuha si Patrick ng bed table saka iyon inayos sa kama. Inilagay sa maliit na mesa ang dalang tray.“Kumain ka na.” Ani Patrick.Tiningnan niya ang lalaki saka huminga ng malalim.“Kamusta? Nakaalis na ba si Greig at Archie?” Tanong niya.Umakyat si Athalia sa kama na sinundan niya ng tingin, bago ibalik kay Patrick ang mga mata.“Oo, nakaalis na.” Matipid nitong sagot.“How about your men in Mexico? Nagbabantay naman sila, hindi ba? Pati ang mga pulis, alam na nila, hindi ba? Makukuha naman natin ang anak ko, ‘di ba?”Naghila ng upuan
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina
The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana
"It was photoshopped!" Sigaw niya dahil sa takot. Napaahon siya sa kaniyang upuan at dahan-dahan na umiling. Tumitig naman sa kaniya si Archie, hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. Mas lalo siyang natakot na baka may alam si Archie sa mga ginagawa niya noong nakaraang mga taon. "A-archie." "Dr. Asuzion was a former psychiatric doctor in the mental institution where Mrs. Santiago was entrusted, right?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Archie sa babae. Napaatras muli si Lindsy, kinakabahan ng husto sa madilim na mga mata ng binata. "You had an affair with him despite the fact that he's already married and had two children, right? In return with your sexual services, you asked him for information about Mrs. Santiago. You even asked him to slowly take away her mental capacity to recover from the trauma." He said firmly. Muling napaatras si Lindsy. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya ng husto. "N-no, that's not true!" Mariin niyang tanggi. Sh*t!
Pumasok si Lindsy sa kompanya. Nakataas ang noo at tinatanggap lahat ng pagbati ng mga empleyado."Good morning, Miss Alcazar." Bati ng mga empleyadong nasa cubicle nang mapadaan siya.Ginawaran niya lamang ng isang tingin ang mga empleyado at hindi na bumati pabalik.Okay, let's say that Archie is doing something behind our back. Maybe he already bought a big share of stocks, but we still have the forty-percent share. That means, we're still one of the major stock holder in the company.Habang naglalakad sa hallway ay pinanatag niya ang kaniyang loob sa kaisipan na kahit hindi na sila ang may pinakamalaking share ay isa pa rin sila sa major stock holder. Hindi siya maaaring alisin na lang ni Archie sa kompanya at hindi rin magbabago ang tingin sa kaniya ng mga empleyado.Nasa mataas na posisyon pa rin siya.Isa pa, kung pareho silang major stock holder, hindi ba't ibigsabihin lang nito ay pareho silang magtratrabaho sa kompanya para mas mapalago ito?She will finally have a chance to
It was harder than I thought. Bulong ni Lindsy sa kaniyang sarili. Ngayon na ang kaniyang ama na mismo ang nagsasabi sa kaniya na humingi ng tulong kay Archie ay nanghihina na agad ang kaniyang sistema. Sure, I want him back. I badly needed him. But I don't want to look like a hungry ex, begging for his mercy and compassion. Kontra ng kaniyang isip. Nagtagis ang kaniyang bagang. Nakita niyang sumusulyap sa kaniya ang driver ng sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin sa repleksyon ng rearview mirror. "What are you staring at?" Galit niyang tanong. Agad naman nag-iwas ng tingin ang driver at kabadong sumagot. "S-sorry, Ma'am. K-kanina pa po kasi kayo tahimik. M-mukha pong hindi maganda ang umaga niyo. Nag-aalala lang po ako." Nagtaas siya ng kilay at mas lalo lamang nairita. This nosy driver is making an excuse pa ha? Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. "Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya sa susunod, stop glancing at me over the mirror. Okay? Fucos on driving! Napak
Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F