“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi.Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig.“Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig.Nagsalubong ang kilay ni Gretchen.“H-huh?”“Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig.Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig?“Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya.Umiling si Greig bilang tugon.“Hindi pa. What did she tell you?”Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig.Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman?Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa lalaki sa mga
“Congratulations, you are pregnant!”Hindi pa rin mawala sa isip ni Ysabela ang balitang iyon galing sa doktor. Napapatulala na lamang siya sa tuwing sumasagi iyon sa kaniyang isip.Napakurap siya nang maramdaman ang mahinang pagkurot sa kaniya ni Greig.“What are you thinking about?”Muli siyang napakurap, hindi niya alam na malalim na naman ang kaniyang iniisip. Ngunit bago pa man siya makasagot ay hanawakan na ng lalaki ang kaniyang batok at siniil siya ng mariing h*l*k.Pagkatapos ng h*l*k na iyon ay tumayo ang lalaki at naiwan siya roon habang sinusundan ito ng tingin papuntang banyo. Paano nito nagagawang maglakad palayo pagkatapos siyang lunurin sa h*l*k?Nanghihina siyang napahiga sa kama. Pakiramdam niya'y naubos ang kaniyang lakas, basa rin ang kaniyang buhok dahil sa pawis at kitang-kita ang pagod sa kaniyang mukha.Pagkaraan ay napagdesisyunan niyang tumayo para kunin ang pregnancy report sa kaniyang drawer. It was all unexpected, kaninang hapon ay pumunta siya sa ospital
Nanginig ang kaniyang kamay. Naalala niyang pinakansela ni Greig ang meeting nito kaninang hapon at umalis.Ang suot ng lalaki sa litrato ay kaparehas ng suot ni Greig ng hapong iyon.Ibigsabihin pinuntahan ni Greig ang dati niyang kasintahan para personal na sunduin ito?Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang pagsakit ng kaniyang puso. Parang isang malaking bato ang dumagan doon.Itinipa niya ang numero ni Greig sa kaniyang cellphone ngunit ilang beses siyang nagkamali dahil sa panginginig nito.Malalim siyang nagbuntong-hininga nang marinig na nagri-ring ang kabilang linya.Ilang ring na ay hindi pa rin sumasagot ang kaniyang asawa kaya nauubusan siya ng pag-asa. "Hello——"Naestatwa si Ysabel nang marinig ang banayad na boses ng babae.Muli niyang sinulyapan ang numerong tinawagan, tama naman siya. Numero iyon ni Greig.“Hello?” Ulit ng babae sa kabilang linya.Parang may kung anong nabasag sa kaniyang dibdib.Mariin siyang napapikit nang maramdaman ang panghihina, kasabay nit
Bumungad sa pinto si Patrick, mukhang paalis na ang lalaki.Mariin na ikinuyom ni Ysabel ang kaniyang kamao at pilit na itinago ang totoong nararamdaman. Bahagya siyang yumuko bilang pagbati.“Good morning, Mr. Roa.”Hindi na niya hinintay na batiin siya pabalik ng lalaki, nilagpasan niya ito at tumuloy sa lamesa ni Greig para dalhin ang dokumento.Matuwid na nakaupo sa swivel chair ang kaniyang asawa. Mas lalo itong naging matipuno sa suot na formal attire.Pinasadahan niya saglit ang suot nito, hindi ito ang suot ni Greig kagabi nang umalis.Dahan-dahan siyang nag-iwas ng tingin, mas lalo lamang lumubog ang kaniyang puso.“Kailangan ang pirma niyo sa mga dokumentong ito, galing ito sa marketing department... Sir.”Halos pabulong na lamang ang huli niyang salita.Inabot ng lalaki ang mga dukomento at mabilis na pinirmahan ang mga pahinang kailangan ng pirma. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito nang ibalik sa kaniya ang mga dukomento.Tinanggap naman niya iyon at mabilis na tinalikur
Malamig na tingin naman ang iginawad ni Ysabela sa babae.“Tinuturuan kita ng pagiging magalang.”Magagawa niyang tanggapin ang lahat ng pang-iinsulto sa kaniya, huwag lamang ang insultuhin ang kaniyang mga magulang. Hinding-hindi niya masisikmura na hamakin ito ng ibang tao.Kung kanina ay pulang-pula ang mukha ni Danica ngayon namutla ang mukha ng babae dahil sa galit. Noon pa man ay takot na sa kaniya ang mga empleyado dahil alam ng lahat na pinsan siya ni Greig, kaya malaking s*mpal ito sa kaniyang ego na ngayon ay nagagawa siyang sagutin ni Ysabela. Lalo pa't marami ang nakakita sa pags*mpal nito sa kaniya.“You b*st*rd!”Mabilis na kumilos si Danica, hindi niya hahayaan na ipahiya siya ninuman sa harap ng maraming tao. Itinaas niya ang kaniyang kamay at handa nang gantihan ng s*mpal ang kaharap.Ngunit nakahanda na si Ysabela, sinalubong niya ang kamay ni Danica at mahigpit na hinawakan ang palapulsuhan nito.Sa lakas ng pagkakahawak niya ay hindi na halos makakilos si Danica
“Stop now, Danica.” Malamig na saad ng lalaki.Iritableng pinaikot ng babae ang kaniyang mga mata.“The next time I see her, sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang ginawa niya.”Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at humarap sa lalaki.Ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ang malamig na tingin ni Greig.Madilim ang mukha ng lalaki at walang halong pagbibiro sa ekspresyon nito. Wala sa sarili siyang napaatras.“Don't ever lay a finger on her.” Malamig na saad ng lalaki.Nabuhol na lamang ang kaniyang dila dahil sa takot. Nahihirapan man ay marahan siyang tumango.“O-of course,” utal niyang sagot.Humarap ang lalaki kay Christoff at malamig ang boses na sinabi, “No one who has nothing to do with me is allowed to come in from now on."Kumunot ang noo ni Danica.“Sa laki ng kompanya mo Kuya Greig, tama lang na maging maingat. Those irrelevant persons should not be welcomed here.” Pagsang-ayon niya.Tumango si Christoff kay Greig saka hinawakan ang siko ng babae.“Mi
Wala sa sariling naglakad paalis ng ospital si Ysabela. Pakiramdam niya'y nahihilo na naman siya at mas lalo lamang namanhid ang kaniyang katawan.“Ma'am? Saan po ang punta niyo?”Iyon ang pumukaw sa pagkatulala niya. Dahan-dahan niyang binalingan ang taxi driver at saglit na natigilan sa simpleng tanong na iyon.Saan na nga ba?Ayaw niyang bumalik sa bahay ni Greig, iyon din naman ang patutunguhan, bukas o sa makalawa ay baka paalisin na siya ng lalaki.Pagkatapos ng ilang sandaling pagkakatigil ay paos siyang sumagot.“Sa Nicolas village po.”May nabili siyang maliit na apartment sa village na iyon pagkatapos nilang ikasal ni Greig.Noong una ay plano niyang doon patirahin ang kaniyang Lola para mas madali niyang mabibisita at para na rin maalagaan niya. Maliit lamang ang apartment, ngunit mainam na sa dalawang tao.Naalala niyang ayaw ni Greig sa maliit na apartment na nabili niya, inalok pa siya nito ng mas malaking bahay bilang handog pero inayawan niya iyon.Mas gusto niyang bil
Mas lalong nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki.Malalim ang naging buntong-hininga ni Ysabela bago ito tingnan ng diretso sa mata.“Greig, maghiwalay na tayo.”“What do you mean?” Malamig nitong tanong.Mas lalong naging madilim ang mukha ng lalaki. Tila hindi na naging sapat ang liwanag galing sa lamp post.Humakbang ng isang beses si Greig pero tumigil din.“Naisip kong babalik na ako rito. Ganoon din naman, wala na ring patutunguhan ang relasyon—”Pinilit niyang ngumiti ngunit nabitin lamang iyon. Mas namayani ang kirot sa kaniyang puso. Kung kanina ay basag ito, ngayon ay mas lalong naging pino.“Relasyon?” Kumunot ang noo ni Greig.Pero nawala rin iyon nang umangat ang sulok ng labi nito.“Ano ba sa tingin mo ang relasyon natin, Ysabela?” Malamig nitong tanong.Napatitig siya sa lalaki. Tila ang kaniyang paghinga ay bumagal dahil sa tanong nito.Tama, simula pa man, naging malinaw si Greig sa intensyon nito. Ang tanging namamagitan lamang sa kanila ay ang pekeng kasal na p
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi.Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig.“Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig.Nagsalubong ang kilay ni Gretchen.“H-huh?”“Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig.Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig?“Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya.Umiling si Greig bilang tugon.“Hindi pa. What did she tell you?”Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig.Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman?Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa lalaki sa mga
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si
Walang paglagyan ng kasiyahan ang puso ni Greig, lalo pa’t responsive na si Ysabela. Kahit na hindi pa nito kayang imulat ang mga mata, madalas na nitong igalaw ang mga daliri.Madalas na rin si Athalia sa ospital para kausapin si Ysabela. Ang sabi ng doktor, mabuti at naagapan ang pagdurugo ng pumutok na ugat sa ulo ni Ysabela, kaya malaki ang tyansa na maka-recover pa rin ito.Mahigit isang linggo na sila sa ospital. Bahay-ospital lang lagi si Greig. Samantalang si Archie ay tumuloy sa Rome dahil doon ang huling lead na natanggap nila. Si Archie ang namamahala sa paghahanap kay Alhaj at Niccolò.Susunod din si Patrick sa Sicily para tulungan siyang alagaan si Ysabela. Magaling na doktor si Patrick kaya alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya lalo na sa ganitong sitwasyon ni Ysabela.“When will she wake up?” Tanong ni Athalia.Tapos na itong magkulay kaya siya naman ang pagdidiskitahan. Binuhat niya si Athalia at pinaupo sa kaniyang tabi. Kumuha siya ng panibagong coloring
Samantalang habang inooperahan ang babae, naglalakbay naman ang diwa nito. “Ysabela. Hija. Apo ko.” Sa isang pamilyar na koridor, nakita ni Ysabela ang kaniyang Lola. Nakaupo ito sa wheelchair at kumakaway sa kaniya. Noong una, hindi niya maalala ang mukha nito, ngunit habang tinatangay siya ng hangin palapit sa matanda, nakilala niya ang pamilyar nitong mukha. “Lola.” Puno ng pangungulila niyang wika. Tumigil siya sa tapat ng matanda. Ngumiti ito sa kaniya at agad na hinawakan ang kaniyang kamay. “Itong bata ‘tong talaga. Saan ka ba galing? Bakit ngayon ka lang bumisita?” May pagtatampo nitong tanong. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi pa gaanong matanda tingnan ang kaniyang Lola, pero nakaupo na ito sa wheelchair at tila hindi na makatayo at makalakad. “Nagtatrabaho ka pa rin ba sa guwapo mong amo, apo? Kailan mo naman sa akin ipapakilala ang nobyo mo?” Tanong nito, may munting ngiti na ngayon sa sulok ng labi. “Kamusta kayo ni Greig?” Kumunot ang kaniyang noo. Greig? Si Gre
Hapon na, hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Nasa loob pa rin ng emergency room si Ysabela at pinapalibutan ng mga doktor at mga nars.Nasa corridor pa rin si Greig, tahimik na naghihintay na matapos ang operasyon.Ni-hindi niya namalayan na nakaidlip na pala siya sa paghihintay. Nang tapikin ni Archie ang kaniyang braso, saka lamang siya naalimpungatan.Pulang-pula ang kaniyang mga mata dahil sa pinaghalong puyat, pagod, at pag-aalala. Huminga siya ng malalim at nagbaba ng tingin sa dalang bottled water ni Archie.“Ayaw mo bang kumain muna? Ako na ang magbabantay kay Ysabela.” Alok niya.Tinanggap niya ang tubig na dala ni Archie. Umayos siya ng upo at marahang umiling.“I’m not starving.” Sagot niya.Totoo, hindi siya makaramdam ng gutom. Siguro ay pinaglalaruan nalang din siya ng kaniyang isip dahil sa matinding pag-aalala sa kalagayan ni Ysabela.“Tumawag ako sa mansyon, nakatulog daw si Athalia dahil sa pag-iyak. Hindi pa nagigising. Sigurado akong nag-aalala na iyon sa Mommy
“Kamusta si Ysabela?” Bungad ni Archie sa kaniya.Mula sa pagkakayuko, dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin.“She’s still in the emergency room. There’s internal bleeding. Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang lahat.”Inipit niya ang ulo gamit ang dalawang kamay at pumikit ng mariin. Gulong-gulo na siya. Hirap na hirap na ang kalooban niya sa mga nangyayari.“How’s Athalia? Did you go to her?” Nanghihina niyang tanong.“Hindi, dumiretso na ako rito para alamin ang kalagayan ni Ysabela. I actually talked to Dr. Greco, he said that if we triggered her memory in the most stressing way, something worse would happen. Baka… baka ito ang tinutukoy niya.”Tumuwid siya ng upo, tiningnan ang kaibigan at hindi na napigilan ang sarili. Marahan niyang iniumpog ang likod ng kaniyang ulo sa pader.St*p*d. You’re so st*p*d.Dahil sa kaniya, napahamak na naman si Ysabela. Dahil sa kaniya, nasa binggit na naman ng kamatayan ang babae.Kasalanan niya lahat. Siya dapat ang sisihin dahil sa pagig
Nagising si Ysabela dahil sa marahang haplos sa kaniyang buhok. Para siyang dinuduyan, nakakahilo. Iminulat niya ang kaniyang mga mata. Bumungad sa kaniya ang nag-aalalang mga mata ni Athalia. “Mommy?” Tawag nito nang makitang gising na siya. Sinubukan niyang bumangon ngunit sobrang sakit ng kaniyang ulo. Sinapo niya iyon at napapikit. “Mommy?” Umakyat si Athalia sa kama. Gusto nitong yakapin siya pero nahihirapan siyang indahin ang sakit ng kaniyang ulo. Bumukas ang pinto, naabutan ni Greig na nakaluhod si Athalia sa harap ni Ysabela habang ang babae ay nakayuko at hawak ng dalawang kamay ang ulo nito. Dali-dali siyang lumapit at hinawakan ang balikat ni Ysabela. “Ysabela.” “Ang sakit.” Mahina nitong daing, mas lalong idinidiin ang kamay sa kaniyang ulo. “We will call your doctor, Ysa.” Aniya. Kagabi pa nang mawalan ito ng malay. Kagabi niya pa rin gustong magpatawag ng doktor ngunit dahil maraming patay ang nakakalat sa buong mansyon, kinailangan nilang ilipat si Ysabela a