This is the continuation of Chapter 144. another 3 parts! yey! I will try to drop another update around 10-11 pm. May update din po mamaya ang 2nd book ko, His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire.
Hindi makatulog si Ysabela kahit na madaling araw na. Pagod na ang kaniyang katawan, ngunit hindi ang kaniyang isip. Nasa tabi siya ni Athalia at ayaw niya sanang magising ang kaniyang mga anak dahil sa paglilikot niya.Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala sa labi niya. Bumaba siya ng kama at naglakad palabas ng kuwarto. Madilim na ang buong sala at kusina, ang tanging liwanag na lamang sa paligid ay nagmumula sa mga downright torch na nakadikit sa pader.Naglakad siya at tumuloy siya sa teresa, binuksan niya ang sliding door at itinulak iyon. Agad na umihip ang malamig na hangin papasok ng silid.Mula rito, matatanaw ang dikit-dikit na kabahayan ng mga Sicilian na nakatayo sa mabatong bahagi na malapit sa dagat. Maganda ang view ng hotel room dahil nakaharap sa dagat at tanaw ang kumunidad ng Sicily.Inilagay niya ang mga kamay sa ibabaw ng barandilya. Malungkot siyang ngumiti sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang madilim na karagatang nakalatag. Nagkikislapan ang daan
Nakita ni Greig ang pagdaan ng gulat sa mukha ni Ysabela. Napaiwas ito ng tingin at lumamig ang ekspresyon ng mukha. Parang tinusok ng karayom ang kaniyang dibdib dahil sa naging reaksyon ng babae. Para sa kaniya, sila ang totoong pamilya. Anak niya si Athalia at Niccolò kaya pamilya silang maituturing. Kahit na wala na ang Lola ni Ysabela, may uuwian pa rin ito sa Pilipinas. At siya iyon. Ngayon niya napagtanto na ang tagal niyang hinintay na dumating ang araw na ito, na mabigyan siya ng pagkakataon na mahalin ng tama si Ysabela. Years of longing to hold her again. Bulong ng kaniyang isip. Ngunit natatakot siyang baka sa simpleng hawak palang ay mabasag na niya ang babae. Itinaas ni Ysabela ang tasa nito at uminom. Hindi na siya kinibo ng babae. Tanging pagtitig na lamang ang nagawa niya sa maamo nitong mukha. Sobrang hirap pala na maliban sa hindi ka maalala ng babaeng mahal mo, hindi ka rin kilala ng mga anak mo. Sa tuwing binabalikan ni Greig ang limang taon niyang pagdurus
Nagtagis ang bagang ni Ysabela. Tiningnan niya ng masama si Greig at humakbang siya palapit. Nawala ang takot at gulat, napalitan iyon ng matinding galit.“I don’t know anything about you Mr. Ramos, except for being a client to us. So, please, I hope this won’t confuse you. Wala kang karapatan na halikan ako.” Mariin niyang sabi.“Kaya sa susunod na gawin mo iyon, asahan mong dadapo na ang palad ko diyan sa mukha mo!”Tinalikuran niya si Greig. Nagngingitngit pa rin ang kaniyang loob-loob at hindi maunawaan kung bakit may kakaibang lamig sa kaniyang tiyan.Bumalik siya sa kuwarto at madaling nahiga muli sa tabi ni Athalia. Mukhang hindi rin pala sila ligtas kung nasa puder sila ni Mr. Ramos.Hindi niya gusto na pinagsasamantalahan nalang lagi ng mga tao ang kaniyang kahinaan. Hindi niya alam kung kanino pa magtitiwala. Una, ilang taon siyang niloko ni Alhaj at ginawang t*ng*. Ngayon naman ay pagtatangkaan pa siyang bastusin ni Greig!Pumatak ang kaniyang mga luha. Gulong-gulo na siya,
Sh*t. Napapamura nalang talaga si Greig sa kaniyang sarili habang tinitingnan ang laman ng kaniyang refrigerator. Ayaw niyang mapahiya kay Niccolò. Ngayon pa lamang sila magkakaroon ng pagkakataon na magkausap at gumawa ng isang bagay na magkasama, tapos papalpak lang siya. Wala gaanong laman ang refrigerator sa kaniyang hotel room. Nakalimutan niyang magstock ng mga pagkain dahil nasanay siyang tumatawag nalang sa restaurant ng hotel para magpadala ng pagkain sa kaniya. Nakatayo sa kaniyang tabi si Niccolò, kuryuso ang mga mata at nagtataka kung bakit wala pa siyang inilalabas na lulutuin. “Ah.” He cleared his throat. “Naubos na ang bacon.” Aniya, medyo kabado. “I will try to call the restaurant so they can send us some food stock and ingredients we need.” Nagsalubong ang kilay ni Niccolò. “You don't have food here?” Tanong nito. Kumurap siya ng ilang beses. Kung pagkain lang, kaya niyang magpaakyat ng buffet kung iyon ang ang gusto ni Niccolò, pero wala siyang stock ng pagka
May kakaibang lungkot sa puso ni Greig habang pinagmamasdan si Niccolò na mag-ayos ng dining table.Napalaki ito ng tama ni Ysabela, kahit na wala siya sa tabi nito. Hindi maitatanggi na naging matagumpay na magulang si Ysabela sa pag-aaruga sa mga bata.Inilapag niya ang carbonara sa gitna ng mesa. Nagpaakyat rin siya ng ilan pang pagkain mula sa restaurant ng hotel, kaya medyo marami ang nakahanda ngayon sa mesa.“Nics?”Narinig niya ang boses ni Ysabela, nag-angat siya ng tingin at nakitang medyo magulo pa ang buhok nito, halatang kagigising lang.Sa tabi ni Ysabela ay si Athalia na nagkukusot pa ng mga mata.“Tong batang ‘to, akala ko kung saan na nagpunta.” Turan ni Ysabela.“Good morning, Mommy.” Lumapit si Niccolò, hinawakan ang kamay ni Ysabela at hinila.Sumunod si Athalia, pero nakasimangot.“Where's my good morning?” Nakabusangot na tanong ni Athalia na ang tingin ay diretso sa kaniyang kapatid.“Good morning, Athy.” Saad ni Niccolò.“Tito Greig cooked for our breakfast.” N
Tumango si Alhaj, nagpapasalamat sa tulong ni Domingo. “We really need a lot of men.” Aniya. Alam niyang maraming tauhan si Greig at Archie, kaya para makasigurado na may laban sila, kailangan nila ng maraming tauhan. “Walang problema sa mga taong tutulong sa iyo, Alhaj, kung may pera ka. Asahan mong nabibili ng pera ang katapatan at serbisyo ng mga tao rito sa Sicily. Hindi takot mamatay ang mga tao rito sa Sicily, Alhaj. Trabaho na nila ang pumatay… at mamatay.” Kyumpansang saad ni Domingo. “Kuya. Era’s here.” Singit ni Alessandra na nag-aalala sa kaniyang anak dahil naririnig ang kanilang pag-uusap. “Hindi naman niya naiintindihan, Ale.” Sagot ni Domingo. Mapagpaumanhin niyang tiningnan ang babae. Umiling lamang si Alessandra, hindi siya ang sinisisi kung hindi ang kapatid na masyadong bulgar sa pagsasalita. Tinapunan niya ng tingin si Era, inosinte ang bata at tila hindi nauunawaan ang kanilang pag-uusap. Kagaya ni Athalia at Niccolò, hindi rin lubos na nakakaunawa ng Tagalo
"I want my family to be safe, Natasha.” Sumunod si Alhaj kay Natasha nang tumuloy ito sa malawak na bakuran.“I’d give them to you, Alhaj. Babawiin natin si Bella at ang mga anak mo. But I wonder, what would happen after we take them back? Tingin mo ba hindi sasabihin ni Greig ang mga nalalaman niya kay Ysabela? He would probably insist to make her remember their past.”Humugot ng malalim na hininga si Alhaj. Alam niyang may posibilidad na pagdudahan na siya ngayon ni Bella, pero hindi iyon ang priority niya.Gusto niya lang mabawi ang mag-iina at makaalis ng Sicily. Saka na siya hahanap ng solusyon sa mga problemang kahaharapin nilang magkasama.“Mahihirapan si Bella na maalala si Greig dahil hindi naging maganda ang huli niyang mga alaala sa g*g*ng ‘yon. Kaya bago pa tuluyang bumalik ang alaala ni Bella, kailangan mabawi na natin sila. Aalis ako agad, di-diretso kami ng Germany. O sa Iceland. O kahit saang lugar na malayo kay Greig!” Frustrated niyang saad.“Hindi ka kasi sa akin ag
“Is this really necessary? What are we doin’ here?” Humarap sa kaniya si Greig. Lumamlam paunti-unti ang ekspresyon ng mukha nito. Mula sa malamig na ekspresyon, naging malambot iyon. “Pumasok muna tayo, at sasagutin ko ang lahat ng tanong mo.” Hindi na hinintay ng lalaki na sumagot siya. Nag-squat ito at binuhat si Niccolò. “Let’s go inside, Nics.” Maingat na sabi ni Greig sa batang lalaki. Lumingon si Niccolò sa kaniya. Magkasalubong ang kilay nito at nagtataka sa nangyayari. “Mom?” “We’re goin’ to follow.” Napipilitan siyang ngumiti para papanatagin ang loob ng kaniyang anak. Nagbaba siya ng tingin kay Athalia at hinawakan ang kamay nito. Nakasimangot naman ang batang babae. “I don’t want to go inside, Mom! Those were the bad guys!” Pagmamaktol nito. “Athy.” Pinisil niya ang kamay ni Athalia. Nilingon niya saglit si Archie at nakitang sumunod na ito kay Greig. Ngunit tumigil ang dalawa sa marmol na hagdan nang mapansin na hindi naman sila sumusunod. “They are not the ba
“Yvonne.”“Tama na. Tama na, please.” Sinubukan pumiksi ni Yvonne nang hawakan ito ni Archie.Pumasok si Archie sa kuwarto dahil nawalan ng kuryente.Ngunit hindi niya inaasahan na makikita niyang nanginginig sa takot si Yvonne. Naupo siya sa kama. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Yvonne para kunin ang atensyon nito.“T-tama na. A-ayaw ko na. H-huwag niyo kong saktan!”“Yvonne.”Umiiling ito habang nakapikit ng mariin. Tinatakpan nito ang magkabilang tainga at tila may nananakit sa babae kahit wala naman.“Yvonne!” Mas malakas niyang tawag sa pangalan nito.Niyugyog niya si Yvonne. Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata dahil sa kaniyang ginawa. Natigilan siya nang makitang hilom ng luha ang mga mata at puno ng takot. Kumidlat at lumiwanag sa labas.Nakita nito ang kaniyang mukha sa kaunting liwanag na dala ng kidlat.Humagulhol si Yvonne kasabay nang paglapit nito para yakapin siya ng mahigpit. Nanigas siya nang pumalibot ang dalawang kamay ng babae sa kaniyang bewang. Ibinaon
Lindsy couldn't sleep that night. Pakiramdam niya, may maling nangyayari. Kagabi, sinubukan niyang surpresahin si Archie sa condo nito. Madalas, sa condo ito natutulog kapag hindi sa isang apartment.Ngunit wala si Archie sa condo. Hindi niya rin ito macontact. Palaging out of coverage area ang numero nito nang mga nagdaang gabi.Hindi niya pa nakakalimutan si Yvonne. Ang babaeng ‘yon! May plano pa itong agawin sa kaniya si Archie.Alam niyang may isang salita si Archie. Kagaya ng plano nila, pakakasalan siya nito. Siya ang magiging kabiyak nito sa habang-buhay, ngunit alam niyang hindi sila parehong emotionally invested sa isa't isa. Alam niyang gagawin lamang iyon ni Archie dahil sa mga naitulong niya at ng kaniyang pamilya.Isang babae lamang ang sineryoso at minahal ng totoo ni Archimedes Garcia. Kaya hindi niya gustong malaman na nakikipaglaro si Archie sa dating nobya nito.Why he do that?!Hindi ba't naghihiganti ito sa mga taong nang-api at nagpahirap sa pamilya nito? Hindi m
Umalis din si Archie pagkatapos ng saglit nitong pagbisita sa kaniya. Sa sobrang inis ay itinapon niya ang pagkain sa sahig. Bakit ba hindi na lang nito tapusin ang paghihirap niya?! Bakit kailangan na paulit-ulit siya nitong durugin? Gusto ba talaga nito na unti-unting sirain ang kaniyang katinuan?! Dahil sa matinding frustrasyon, itinapon ni Yvonne ang lahat ng gamit sa ibabaw ng mesa. Sumisigaw siya at minumura ang pangalan ni Archie. “You b*st*rd! How could you f*ck*ng do this to me?! Why don’t you just k*ll me?!” Noong umalis si Archie at naiwan siya, para siyang pinapatay sa bawat araw na lumilipas. She couldn't live without him. Hindi niya kaya na mawalay kay Archie. Kahit na alam niyang maaari siyang bumagsak kasama nito sa putikan, wala siyang pakialam basta’t kasama niya lang ito. Pinakansela ng kaniyang ama ang kanilang engagement kahit pa sinabi niyang pakakasalan niya si Archie hindi dahil sa naging kasunduan ng kanilang mga pamilya, kung hindi dahil mahal na mahal
Ang katotohanan na hindi siya kayang pakawalan ni Archie ay mas lalong nagpahirap sa kalooban ni Yvonne.Nobody was able to find her. Hindi nalaman ng kaniyang Mommy, ni Agatha, ni Luna, o ni Ysabela kung nasaan siya. Isang araw pagkatapos maconfine sa ospital, dinala siya ni Archie sa isang abandonadong bahay na nabili nito sa Isabela.Dalawang palapag iyon. Luma na ang mga gamit, ngunit maayos pa naman ang buong bahay. Ang desinyo ng bahay ay hango sa impluwensya ng mga Kastila. Parang daang-daang taon na ang tinagal ng bahay dahil na rin sa wala iyong tao at matagal nang hindi tinitirahan.May kasama siyang isang katulong, ngunit sa gabi umuuwi ito dahil narito sa bahay si Archie.Dalawang gabi na siya rito. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Archie para gawin ito sa kaniya.Pagod na pagod na siya kay Archie. Kahit na nasa bahay ito ay hindi siya nakikipag-usap. Buong akala niya, dinala siya nito para pagsawaan na naman ang kaniyang katawan, ngunit dalawang gabi na ay hindi s
There's an unexplainable feeling inside her. Kahit na labag sa kaniyang loob, hindi siya tumutol nang ilipat siya ng mga nars sa isang private room. Puno ng katahimikan ang silid nang dalhin siya ng dalawang nars sa pribadong ward. Kakaiba ang tibok ng kaniyang puso. Mabagal, ngunit masakit. Ang galit ay nasa kaibuturan nito at isinusumpa ang pangalan ni Archimedes Garcia. Kagaya ng kaniyang inaasahan, pagkaalis ng dalawang nars ay saka naman pumasok si Archie. Nakapamulsa ang lalaki. Bago na ang damit nito at maayos na ang hitsura. Naglakad ito palapit sa kaniyang higaan at sinipat siya ng tingin. If there’s another life, if resurrection is true, I'd rather die young than be engaged with this man again. Bulong niya sa hangin. Mas pipiliin niyang isumpa at kamuhian ang lalaking ito, kaysa ibigin. Ang minahal niyang Archie ay malayong-malayo sa Archie na nasa kaniyang harap. The man in front of her is no longer a human. He must be the devil. “Does it still hurts?” Tanong nito n
Nagising siya na nakahiga na siya sa hospital bed. May bali sa kaniyang paa, may sugat siya sa tuhod at mga kamay. Kaya nang magising siya ay napansin niya ang benda sa kaniyang paa at ang ilang sugat na ngayon ay nagamot na ng mga nars.Nasa public ward siya, kasama ang ilang pasyente.Sinubukan niyang maupo, pero sobrang sakit ng buo niyang katawan na mahirap para sa kaniya na bumangon.Lumapit ang isang matandang babae, tinulungan siya nito.“Mabuti naman at nagising ka na.” Nakangiting sabi nito.Pilit siyang ngumiti at nagpasalamat sa pag-alalay nito sa kaniya.“Hindi na bumalik iyong waiter at manager na nagdala sa iyo rito. Hahanapin daw nila ang cellphone mo sa restaurant para matawagan ang pamilya mo.” Imporma ng ginang.Natigilan siya.Parang may kakaibang lamig sa kaniyang tiyan na siyang dahilan kung bakit gusto niyang masuka. Naalala niya ang nangyari sa restaurant, kung paano siya sinugod at sinaktan ni Lindsy at hamakin ni Archie.Tiningnan niya ang kaniyang mga daliri.
Tila wala pa rin pakialam si Archie kahit na nasa labas si Lindsy. Ngumisi ang lalaki nang makita ang labis niyang pamumutla.Hindi pa rin tumitigil si Lindsy sa pagkatok sa pinto.“I’m gonna break it!” Rinig niyang sigaw ni Lindsy mula sa labas.She’s a woman with class. She has been a respectable and honorable lady in a society.Mataas ang antas ng kaniyang pinag-aralan. Galing siya sa isang mayaman at respetadong pamilya. Kung makakapasok si Lindsy at makikita siya kasama si Archie, alam niyang hindi na niya maitatago ang mga sikreto niya sa dilim.Binitawan siya ni Archie. Umatras ito at napailing sa kaniya. Ramdam ni Archie ang kaniyang panginginig at takot.Archie scoffed.Mapang-insulto itong tumingin sa kaniya. Isang hakbang lang ay naabot na nito ang kaniyang bewang at hinalikan siya ng mariin.Napasinghap siya. Itinulak niya ang dibdib ni Archie, ngunit ayaw nitong lumayo.Biglang bumukas ang pinto.Nasa ganoon silang eksena nang makita sila ng mga staff at ni Lindsy. Agad n
Naibalik na niya sa loob ng kaniyang bag ang mga cosmetics nang biglang bumukas ang pinto. Nilingon niya iyon at agad siyang natigilan nang makita kung sino ang pumasok. Archie's eyes were obviously aggressive. Agad na kumabog ang kaniyang dibdib nang magtama ang kanilang tingin. Napalunok siya, nagbaba siya ng tingin at mahigpit na hinawakan ang kaniyang bag. Handa na siyang umalis, pero humarang si Archie sa kaniyang dinaraanan. Sinipa muli nito ang pinto at sumara iyon. Umatras ang lalaki at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang ini-lock nito ang pinto. “What the h*ck are you doing, Archie?” Taranta niyang tanong sa lalaki. Nagtaas ng kilay si Archie. Humakbang ito palapit sa kaniya, kaya napaatras siya. Patuloy ito sa paglapit hanggang sa maramdaman na lamang niya ang malamig na lababo sa kaniyang likod. Tumigil siya, alam sa kaniyang sarili na hindi na niya matatakasan si Archie. Itinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang kaniyang pisngi. May kakaibang emosyon sa mg
It was hard to persuade Agatha at first, but eventually, she agreed.“But if there’s anything critical in the company, we need another opinion from a professional person before we finally make a decision.” Ani Agatha.Tumango siya at ngumiti. Nauunawaan niyang hindi pa gaanong confident si Agatha sa pagbabalik nito sa business world.“Ang mahalaga, kasama kita sa paggawa ng mga desisyon para sa kompanya. I really need your help now.” Nakangiti niyang saad sa babae.Ang tanging dahilan lang naman kung bakit natatakot na ang mga investor at stock holders ay dahil sa kagagawan ni Archie. Kung susundin niya ang gusto ng lalaki, hindi na nito gagalawin ang kanilang kompanya.Hindi pwedeng mabankrupt nang tuluyan ang kanilang mga negosyo. Lalo pa ngayon na nasa ospital ang kaniyang Daddy at kailangan ng sustento, dapat gumawa siya ng paraan na maging maayos ang pamamahala sa kompanya habang nililibang niya ang d*m*ny*ng may kagagawan ng lahat ng kanilang paghihirap.Wala sa sariling napatin