Pero kung iyon ang tanging paraan para makaalala siya, magtitiis na lamang siya.May kakaibang emosyon sa puso ni Ysabela, samu’t saring emosyon, kabilang na ang pagdududa kay Alhaj.Hindi niya sinabi ang totoo na narinig niya ang lahat ng sinabi ng babaeng tumawag. Aniya, umaatake na kanina pa ang pananakit ng kaniyang ulo. Aksidente lang na nasagot ang tawag dahil naramdaman niyang nagba-vibrate iyon.Hindi na niya kailangan na manatili sa ospital dahil binigyan siya agad ng painkiller ng nurse na sumalubong sa kanila kanina sa emergency room.Nagtagal lang sila dahil sa hinintay ang neurologist para tingnan ang kalagayan ng kaniyang utak. Natatakot ang mga nurse na baka nagkaroon ng pamamaga kaya ganoon katindi ang pagsakit ng kaniyang ulo.Pagkatapos ng madaliang pagsusuri, nakita naman ng doktor na walang dugo o pamamaga. Maayos naman ang kalagayan ng kaniyang utak at ng mga ugat nito, kailangan lang na mas masuri pa ng mabuti para makita kung may iba pang nag-tri-trigger ng pana
Si Niccolò na lamang ang gising. “You want to drink milk, baby?” Masuyo niyang tanong. Umiling si Niccolò. Inayos nito ang kumot at tiningnan siya ng mataman. “I… I want to see you before I sleep.” Marahan nitong saad, nahihiya na umamin. Ngumiti siya. Lumapit siya sa higaan ni Niccolò at hinalikan ang noo nito. “You want me to read a book for you?” Umiling ito. “You are tired, Mommy.” Tiningnan niya ng mataman ang mukha ni Niccolò. Parang pinipiga ang kaniyang puso. Naalala niya noong birthday niya na umiyak siya sa harap ni Athalia at Niccolò dahil napansin niya ang kaibahan ng dalawa. Medyo hawig sa kaniya si Athalia, samantalang si Niccolò, pamilyar ang mukha, ngunit kakaiba ang hubog ng ilong, ang kapal ng kilay at ang mapanuring mga mata. “Am I making you uncomfortable, Niccolò?” Maingat niyang tanong. Simula nang gabing iyon, mas malaki na ang pagbabago ng pakikitungo ni Niccolò sa kaniya. Mag-aapat na taong gulang palang ito pero ramdam niyang mas malawak na ang pan
“Susunod ka sa kaniya, Natasha?” Nag-aalalang tanong ni Ada.Huminga ng malalim si Natasha, mabigat ang kaniyang dibdib at namumugto ang kaniyang mga mata. Alam niyang pipigilan siya ni Ada, ngunit buo na ang kaniyang loob na sumunod kay Greig sa Sicily.Hindi siya papayag na masira kung anuman ang nasimulan na niya. Kasalanan niya ito, kung hindi niya sana kinausap si Alhaj na itakas si Ysabela, wala na sanang sagabal sa kanila ngayon ni Greig.“I have to follow him, Ada. Masisiraan ako ng bait kung mananatili lang ako rito at hihintayin na bumalik siya sa akin kung kailan niya gusto.”“Nat…”“Please, Ada.” Binalingan niya ng tingin ang babae.Ayaw niya sanang makarinig ng kahit na anong pagtutol mula sa labi ng babae.“Hindi ko kaya na mawala sa akin si Greig. Hindi ngayon. Hindi kailanman.” May diin niyang saad.Huminga ng malalim si Ada, humakbang ito at inabot ang kaniyang kamay. Tiningnan ni Ada ang mga sugat sa kaniyang pulsuhan at malungkot na tumingin sa kaniya.Sa ilang taon
Bago sumakay ng eroplano, sinubukan muli ni Natasha na tawagan si Alhaj. Isapa ang lalaking ‘yon, napakawalang kwenta!Kung siya ang nasa kalagayan ni Alhaj, at kung si Greig ang nawalan ng alaala, sisiguraduhin niyang hindi na makakaalala si Greig. Kahit sa pinakadulong bahagi ng mundo, itatago niya si Greig para lang hindi ito mahanap ni Ysabela.That st*p*d Alhaj, wala ba siyang isip at hindi na lang kaladkarin paalis ng Sicily ang kaniyang asawa? Galit na bulong ng kaniyang isip.Ilang missed call na ang nagawa niya ngunit bigo pa rin siya. Anong oras na ba ngayon sa Sicily at hindi man lang sumasagot si Alhaj?!Padabog niyang hinila ang mga maleta nang marinig na aalis na ang eroplanong sasakyan.Mabilis siyang nagtipa ng mensahe dahil alam niyang hindi na siya maaaring gumamit ng telepono habang nasa himpapawid ang eroplano.To Alhaj:I’m going to Sicily. Huwag mong hahayaan na makalabas ng bahay niyo si Ysabela. Do something before it’s too late! Magkita tayo pagdating ko diya
Nakita niya ang paninigas ni Mr. Ramos sa kinatatayuan nito. Mariin nitong itinikom ang bibig at marahan na tumango. “I understand, you’re scared.” Pagkaraan ay saad nito. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi naman siya natatakot sa lalaki. Ang totoo, hindi niya alam kung bakit wala man lang siyang maramdaman na kahit na ano para kay Greig Ramos. Kung parte ng kaniyang nakaraan si Greig, bakit hindi man lang niya ito maalala? Bakit wala man lang siyang maramdaman na familiarity sa lalaki? Noong una niyang makita si Alhaj nang magising siya sa ospital, nakaramdam siya ng ginhawa. Ginhawa na sa wakas ay nakita niya ang lalaki, kahit na hindi naman niya ito makilala. Napapakalma ni Alhaj ang kaniyang sistema sa simpleng salita lamang. Hindi niya lang gusto kapag hinahawakan na siya nito dahil may kakaibang emosyon ang bumabalot sa kaniyang puso. Kaya nang sinabi ni Alhaj na mag-asawa sila, mayroong pagdududa, ngunit mayroon ding parte sa kaniya ang naniniwala. Pakiramdam niya ikinasal
Nanlulumong napaupo si Ysabela sa sofa ni Greig. Hawak niya ang DNA test na siyang ebidensya nito na siya si Ysabela Ledesma. Ysabela… sounds really familiar. Sapo ang kaniyang noo, tinitigan niya ng matagal ang papel. Sumisikip ang kaniyang dibdib at parang kinukurot ng pino ang kaniyang puso. Hindi niya maunawaan kung bakit sobrang sakit ng kaniyang puso habang tinitingnan ang resulta. Ito ang ipinunta niya rito, ang malaman ang katotohanan na itinatago ni Alhaj sa kaniya. Pero bakit ganoon? Kaysa na malinawan at matuwa, parang dinadagan ng mabigat na bato ang kaniyang dibdib. Sunod-sunod na buntong-hininga ang kumawala sa kaniyang labi. “Why would he lie to me?” Nanghihina niyang tanong. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at agad na nagsitulo ang kaniyang mga luha. She was betrayed more than she could ever imagined. Nagdududa siya kay Alhaj pero hindi umabot sa ganitong punto na maging ang kaniyang pagkatao ay kasinungalingan lang pala. “Why would he do this, Mr. Ramos?
Tiningnan ng doctor ang kaniyang blood pressure nang nagawa na niyang kumalma. Nanatili si Greig sa kaniyang tabi, samantalang si Archie ay nasa island counter at tinatanaw sila. Umiinom ang lalaki ng alak at mataman na nakatitig sa kanilang tatlo ng doctor. “She has low a blood pressure. You have to take meds for this.” Saad ng doktor. Kasunod ay inilapat nito ang stethoscope sa kaniyang dibdib at pinakinggan ang tibok ng kaniyang puso. Kanina pa siya nahihirapan huminga dahil mas mabilis ang tibok ng kaniyang puso ngayon. “She’s still having a panic attack, I suggest you to take a brisk walk. It would help you.” Saad nito. Marahan siyang tumango. Ngunit nanghihina ang kaniyang mga tuhod, hindi niya kayang tumayo. Pagkatapos magreseta ng doctor, ibinigay nito iyon kay Greig. “You need to take her to the hospital in order to be checked by a neurologist and also she needs to consult a psychologist. If she’s having a panic attack and she loses consciousness, call me. But if
Hapon na ngunit hindi pa rin alam ni Alhaj kung nasaan si Ysabela. Si Athalia at Niccolò ay kapwa nag-aalala na rin kung nasaan ang babae.Ilang beses niyang tinawagan ang numero nito ngunit palagi siyang idinidiretso sa voicemail.“Dad?” Pumasok ng study room si Athalia, busangot ang mukha nito at namumugto ang mga mata.Nag-away kanina si Niccolò at Athalia dahil sa pagiging pasaway ng batang babae. Mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa pangungulit ni Athalia.Hindi na niya naasikaso ang kambal dahil abala na siya sa pagcontact ng mga kaibigan at katrabaho ni Bella. Ngunit isa man sa kanila, walang makapagsabi kung nasaan ang babae.“Where’s Mom?” Pang-anim na taong na iyon ni Athalia ngayong hapon.Pilit siyang ngumiti kahit na sobrang bigat ng kaniyang dibdib. Inabot niya ang kamay ni Athalia at hinila ito palapit sa kaniya.Ikinandong niya ang batang babae at inayos ang buhok nito. Hindi niya gustong ipahalata na frustrated na rin siya sa paghahanap kay Bella.“Mommy
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina
The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana
"It was photoshopped!" Sigaw niya dahil sa takot. Napaahon siya sa kaniyang upuan at dahan-dahan na umiling. Tumitig naman sa kaniya si Archie, hindi kumbinsido sa kaniyang sinabi. Mas lalo siyang natakot na baka may alam si Archie sa mga ginagawa niya noong nakaraang mga taon. "A-archie." "Dr. Asuzion was a former psychiatric doctor in the mental institution where Mrs. Santiago was entrusted, right?" Mas lalong lumamig ang tingin ni Archie sa babae. Napaatras muli si Lindsy, kinakabahan ng husto sa madilim na mga mata ng binata. "You had an affair with him despite the fact that he's already married and had two children, right? In return with your sexual services, you asked him for information about Mrs. Santiago. You even asked him to slowly take away her mental capacity to recover from the trauma." He said firmly. Muling napaatras si Lindsy. Gusto na niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya magawa. Natatakot siya ng husto. "N-no, that's not true!" Mariin niyang tanggi. Sh*t!
Pumasok si Lindsy sa kompanya. Nakataas ang noo at tinatanggap lahat ng pagbati ng mga empleyado."Good morning, Miss Alcazar." Bati ng mga empleyadong nasa cubicle nang mapadaan siya.Ginawaran niya lamang ng isang tingin ang mga empleyado at hindi na bumati pabalik.Okay, let's say that Archie is doing something behind our back. Maybe he already bought a big share of stocks, but we still have the forty-percent share. That means, we're still one of the major stock holder in the company.Habang naglalakad sa hallway ay pinanatag niya ang kaniyang loob sa kaisipan na kahit hindi na sila ang may pinakamalaking share ay isa pa rin sila sa major stock holder. Hindi siya maaaring alisin na lang ni Archie sa kompanya at hindi rin magbabago ang tingin sa kaniya ng mga empleyado.Nasa mataas na posisyon pa rin siya.Isa pa, kung pareho silang major stock holder, hindi ba't ibigsabihin lang nito ay pareho silang magtratrabaho sa kompanya para mas mapalago ito?She will finally have a chance to
It was harder than I thought. Bulong ni Lindsy sa kaniyang sarili. Ngayon na ang kaniyang ama na mismo ang nagsasabi sa kaniya na humingi ng tulong kay Archie ay nanghihina na agad ang kaniyang sistema. Sure, I want him back. I badly needed him. But I don't want to look like a hungry ex, begging for his mercy and compassion. Kontra ng kaniyang isip. Nagtagis ang kaniyang bagang. Nakita niyang sumusulyap sa kaniya ang driver ng sasakyan kaya sinamaan niya ito ng tingin sa repleksyon ng rearview mirror. "What are you staring at?" Galit niyang tanong. Agad naman nag-iwas ng tingin ang driver at kabadong sumagot. "S-sorry, Ma'am. K-kanina pa po kasi kayo tahimik. M-mukha pong hindi maganda ang umaga niyo. Nag-aalala lang po ako." Nagtaas siya ng kilay at mas lalo lamang nairita. This nosy driver is making an excuse pa ha? Nagtagis na naman ang kaniyang bagang. "Hindi ko kailangan ng pag-aalala mo. Kaya sa susunod, stop glancing at me over the mirror. Okay? Fucos on driving! Napak
Nang sumunod na umaga, nasa terrace silang dalawa ni Fernando para kumain nang almusal. Dahil magiging hassle pa kung bababa sa dining area ang matandang Alcazar, napagpasyahan niyang sa terrace ng kuwarto nito sila kumain.Ngayon ang unang umaga nila sa Pilipinas, kaya gusto nito na makasabay siyang kumain ng almusal. Magkatapat silang dalawa sa bilugang mesa na puno ng pagkain. Ang kaniyang mga mata ay nakapokus lamang sa pagkain Lindsy at ang kaniyang bibig ay hindi maibuka ng maayos.Wala siyang ganang kumain. Kung hindi lamang dahil sa request nito na sabay silang kumain ay baka umalis na lamang siya at dumiretso na sa kompanya.Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa excited pa rin siyang makita si Archie o dahil sa gusto na niyang malaman kung ano ang mangyayari sa kompanya.Nag-angat siya ng tingin at nasulyapan ang kaniyang ama. Maingay itong kumain at madalas na murahin ang personal nurse nito na siyang nagsusubo ng pagkain nito.Simula nang atakehin sa puso si Fernando, kala
Nagsalubong ang kaniyang kilay at saglit siyang natahimik. Is that even a threat? Tanong niya sa sarili. Maybe. Maybe it is a threat. Napaayos siya ng upo at pinakatitigan si attorney Dela Paz. She felt threatened deep inside. Simula nang magkalabuan na sila ni Archie, natakot ang kaniyang Daddy na baka tumilawag ito sa organisasyon at bigla na lamang iwanan ang posisyon sa kompanya. Baka hindi na ito magtrabaho sa kanila at iwanan na lamang sila. Sure, they can still thrive without Archie. Kaya nilang pamahalaan ang mga negosyo na wala ito, pero alam nila sa kanilang sarili na malaking bagay pa rin kung mawawala si Archie. He has a good leadership skills. Magaling ito sa pamamahala ng kompanya at matalino sa paggamit ng pera. Dahil kay Archie, mas naging mabilis ang pasok ng pera sa kanilang bank account. Triple ang kanilang kinikita buwan-buwan, kaya hindi pa man nag-iisang taon ay may sapat na silang pera masunod ang kanilang mga luho. Ni-hindi na kailangan na magtrabaho ni F