Nakita niya ang paninigas ni Mr. Ramos sa kinatatayuan nito. Mariin nitong itinikom ang bibig at marahan na tumango. “I understand, you’re scared.” Pagkaraan ay saad nito. Kumunot ang kaniyang noo. Hindi naman siya natatakot sa lalaki. Ang totoo, hindi niya alam kung bakit wala man lang siyang maramdaman na kahit na ano para kay Greig Ramos. Kung parte ng kaniyang nakaraan si Greig, bakit hindi man lang niya ito maalala? Bakit wala man lang siyang maramdaman na familiarity sa lalaki? Noong una niyang makita si Alhaj nang magising siya sa ospital, nakaramdam siya ng ginhawa. Ginhawa na sa wakas ay nakita niya ang lalaki, kahit na hindi naman niya ito makilala. Napapakalma ni Alhaj ang kaniyang sistema sa simpleng salita lamang. Hindi niya lang gusto kapag hinahawakan na siya nito dahil may kakaibang emosyon ang bumabalot sa kaniyang puso. Kaya nang sinabi ni Alhaj na mag-asawa sila, mayroong pagdududa, ngunit mayroon ding parte sa kaniya ang naniniwala. Pakiramdam niya ikinasal
Nanlulumong napaupo si Ysabela sa sofa ni Greig. Hawak niya ang DNA test na siyang ebidensya nito na siya si Ysabela Ledesma. Ysabela… sounds really familiar. Sapo ang kaniyang noo, tinitigan niya ng matagal ang papel. Sumisikip ang kaniyang dibdib at parang kinukurot ng pino ang kaniyang puso. Hindi niya maunawaan kung bakit sobrang sakit ng kaniyang puso habang tinitingnan ang resulta. Ito ang ipinunta niya rito, ang malaman ang katotohanan na itinatago ni Alhaj sa kaniya. Pero bakit ganoon? Kaysa na malinawan at matuwa, parang dinadagan ng mabigat na bato ang kaniyang dibdib. Sunod-sunod na buntong-hininga ang kumawala sa kaniyang labi. “Why would he lie to me?” Nanghihina niyang tanong. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at agad na nagsitulo ang kaniyang mga luha. She was betrayed more than she could ever imagined. Nagdududa siya kay Alhaj pero hindi umabot sa ganitong punto na maging ang kaniyang pagkatao ay kasinungalingan lang pala. “Why would he do this, Mr. Ramos?
Tiningnan ng doctor ang kaniyang blood pressure nang nagawa na niyang kumalma. Nanatili si Greig sa kaniyang tabi, samantalang si Archie ay nasa island counter at tinatanaw sila. Umiinom ang lalaki ng alak at mataman na nakatitig sa kanilang tatlo ng doctor. “She has low a blood pressure. You have to take meds for this.” Saad ng doktor. Kasunod ay inilapat nito ang stethoscope sa kaniyang dibdib at pinakinggan ang tibok ng kaniyang puso. Kanina pa siya nahihirapan huminga dahil mas mabilis ang tibok ng kaniyang puso ngayon. “She’s still having a panic attack, I suggest you to take a brisk walk. It would help you.” Saad nito. Marahan siyang tumango. Ngunit nanghihina ang kaniyang mga tuhod, hindi niya kayang tumayo. Pagkatapos magreseta ng doctor, ibinigay nito iyon kay Greig. “You need to take her to the hospital in order to be checked by a neurologist and also she needs to consult a psychologist. If she’s having a panic attack and she loses consciousness, call me. But if
Hapon na ngunit hindi pa rin alam ni Alhaj kung nasaan si Ysabela. Si Athalia at Niccolò ay kapwa nag-aalala na rin kung nasaan ang babae.Ilang beses niyang tinawagan ang numero nito ngunit palagi siyang idinidiretso sa voicemail.“Dad?” Pumasok ng study room si Athalia, busangot ang mukha nito at namumugto ang mga mata.Nag-away kanina si Niccolò at Athalia dahil sa pagiging pasaway ng batang babae. Mayroong hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil sa pangungulit ni Athalia.Hindi na niya naasikaso ang kambal dahil abala na siya sa pagcontact ng mga kaibigan at katrabaho ni Bella. Ngunit isa man sa kanila, walang makapagsabi kung nasaan ang babae.“Where’s Mom?” Pang-anim na taong na iyon ni Athalia ngayong hapon.Pilit siyang ngumiti kahit na sobrang bigat ng kaniyang dibdib. Inabot niya ang kamay ni Athalia at hinila ito palapit sa kaniya.Ikinandong niya ang batang babae at inayos ang buhok nito. Hindi niya gustong ipahalata na frustrated na rin siya sa paghahanap kay Bella.“Mommy
“You couldn't deny the fact that this little boy is Greig’s son.” May diin na saad ni Archie.“Where’s your twin, kiddo? You need to come with me.”Umawang ang labi ni Niccolò at marahan na umiling. Napaatras ang batang lalaki at binalingan si Ahaj.“Dad?”“Come here, Nics.” Tawag ni Alhaj sa bata ngunit hinawakan ni Archie ang braso nito nang subukang tumakbo palapit kay Alhaj.“Let me go!” Nagpumiglas si Niccolò sa hawak ni Archie.“Bitawan mo ang bata, Archie!” Humakbang si Alhaj, ngunit napigilan siya agad ng mga tauhan ng lalaki.“I thought you wanted to see your Mom?” Ani Archie na ang buong atensyon ay na kay Niccolò.“I want to see my Mom but I'm not coming with you! Dad!”Dahil sa pagpupumiglas ni Niccolò, napilitan na si Archie na buhatin ang batang lalaki. Sinenyasan niya rin ang dalawa pang tauhan na hanapin ang kambal ni Niccolò.“Put him down, Garcia!” Nagtagis ang bagang ni Alhaj.Ngunit hindi niya magawang lumapit dahil nakaharang sa kaniyang harap ang dalawang tauhan
“Do you think we still need a DNA test?” Tanong ni Archie kay Greig na tahimik na nakatitig sa mag-iina. Napatulala na lamang siya habang pinagmamasdan ang dalawang bata na nakayakap kay Ysabela. Saglit niyang nilingon si Archie, nakataas ang isa nitong kilay at kuryuso sa kaniyang reaksyon. “Do you think?” “Where’s Alhaj?” Tanong niya. Ngumiti ito, napansin na hindi niya sinagot ang tanong. “We left him in his mansion. Ang bilin mo lang naman ay dalhin ang mga anak ni Ysabela, kaya hindi ko na siya isinama. Naiwan ang ilan nating tauhan para bantayan siya. Ano pa bang gagawin natin sa kaniya?” Parang pinapaso ng baga ang kaniyang dibdib. Namamanhid iyon dahil sa matinding galit, ngunit umuukit ang baga ng pagkamuhi. “Nagkausap na kami ni Ysabela, hindi niya gustong may mangyari kay Alhaj hangga’t hindi pa malinaw sa kaniya ang ilang detalye. Paalisin mo ang mga tauhan mo sa mansyon, hayaan mong malayang makakilos si Alhaj, ngunit pabantayan mo pa rin ng patago. May pakiramdam
“Mom?” Hinawakan ni Athalia ang kaniyang kamay at hinila siya upang mahiga sa kama.“Please, sleep with us.” Saad nito.Humiga siya sa tabi ni Athalia at nilingon si Niccolò na nasa isa pang bed. Malaki naman ang higaan ni Athalia, kasyang-kasya silang tatlo sa isang bed lang pero dahil dalawang bed ang pina-install ni Mr. Ramos ay wala na siyang nagawa.Nakabukod din ang kuwarto ni Athalia at Niccolò. Bali tatlong kuwarto ang nasa loob ng isang hotel room.Masyadong malaki ang hotel room ni Greig na parang isang condo unit na iyon.“Of course, I will sleep here with you.” Aniya.Kanina pa hindi bumabalik si Greig, umalis ito pagkatapos na makatanggap ng tawag nang nasa kusina sila.Medyo pressured din siya dahil sa mga kuryusong tingin ni Niccolò at Athalia.Alam niyang hindi lamang nagtatanong ang dalawa dahil humahanap pa ng tyempo.At dahil patulog na ang dalawa, ngayon ang tyempong iyon.“Mom?” Muli ay mahinang tawag ni Athalia, yumakap ito sa kaniyang tiyan at tila gustong sumik
Sobrang hirap magpigil. Sobrang hirap na pahabain ang kaniyang pasensya kung ang tanging nais niya lamang ay yakapin ito ng mahigpit at muling angkinin ang babae. Ngunit alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya iyon pwedeng gawin. Hindi siya nito maalala. Para siyang estranghero na tumutulong lamang upang maprotektahan ito. Kaya mahirap para sa kaniya na kung kailan sobrang vulnerable ang kaniyang nararamdaman ay saka ito maghahamon na sabihin niya ang lahat ng kaniyang lalaman. “Would you believe me, Ysabela?” Ulit niya. Mahirap na kung kailan makahanap na siya ng lakas ng loob na sabihin ang totoo ay saka hindi naman ito maniniwala. Mahirap na kung kailan handa na siyang sabihin ang nakaraan nito ay saka naman siya nito pagdududahan. Gusto niyang kunin muna ang tiwala nito bago niya sabihin ang lahat ng kaniyang alam. Tama si Archie sa parteng hindi niya maaaring biglain si Ysabela na makaalala dahil baka mas maging mahirap lamang ang kondisyon ng isip nito. Ngunit kung hihil
Sa’yo ako.Sa’yo ako.Parang sirang plaka na paulit-ulit na nag-pi-play sa utak ni Ysabela ang mga salitang iyon.Anong sa akin pa rin siya?Imposible.Nagtatagis ang kaniyang bagang sa tuwing nararamdaman na bumibilis ang ritmo ng kaniyang puso kapag naiisip ang sinabi ni Greig.Imposible.No'ng mawala ang kaniyang alaala, naniwala siyang si Alhaj nga ang lalaki sa buhay niya. Hindi niya naisip na kay Greig siya, dahil no’ng mga panahon na iyon hindi niya pa maalala ang lalaki.Isn’t it unfair? That he could just easily say those words to me?Kung sa simula palang akin siya. Bakit… bakit nagpakasal siya kay Natasha?Hindi ba siya nahulog kay Natasha? Hindi ba siya nakaramdam ng kahit na anong espesyal para kay Natasha? Matagal silang nagsama, imposibleng hindi man lang nadevelop ang feelings ni Greig kay Natasha.Maybe he is just making things up?Nakakainis.Nang sumunod na mga araw, madalas na si Greig ang nagdadala ng kaniyang pagkain sa kuwarto. Minsan ay ito pa ang nagluluto ng
Maayos na ang buhay ni Ysabela sa piling niya. Masaya na sila. Tahimik na ang buhay nila. Bakit kailangan pang guluhin ng p*t*ng*n*ng Ramos na ‘yon? Masaya naman sila ni Ysabela. Kuntento na sila kung ano ang meron noon. Si Athalia at Niccolò, anak na niya kung ituring. Minahal niya ng buong puso, at tinuring na kaniya. Wala siyang pagkukulang kay Ysabela. Pinagsilbihan at minahal niya ito higit sa kaniyang makakaya. Ano pa ba ang kulang? Bakit kailangan na magkaganito ang pamilyang iningatan at pinaglaban niya? Hindi niya namalayan na hilom na pala ng luha ang kaniyang mga mata dahil sa emosyong nag-uumalpas sa kaniyang dibdib. Muli siyang nagsalin ng alak sa kaniyang baso at miserableng uminom. T*ng*na mo Greig. Bulong niya sa hangin. Sa oras na makauwi siya ng Pilipinas at magkita sila, sisiguraduhin niyang buburahin niya ito sa mundong ibabaw. Iyon lang ang tanging paraan para masolo niya si Ysabela. Dahil hangga't nabubuhay si Greig Ramos, hindi niya makakamtan ang kapayapa
Nililinis ni Ada ang sugat ni Natasha nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Nang makitang international call pa iyon, mabilis niyang sinagot ang tawag.“What happened to your card, Natasha?” Galit na tanong ni Alhaj sa kabilang linya.Kahapon pa niya pina-cut ang kaniyang card, pero ngayon lang siguro napansin ni Alhaj ang bagay na iyon.Humugot siya ng malalim na hininga, pilit kinakalma ang kaniyang sarili.“I have to cut it for awhile, Alhaj. May nag-iimbestiga sa akin at pilit inaalam maski ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng pera. I can't let them catch me!”Narinig niyang marahas na nagbuntong-hininga si Alhaj.“So, what would happen to us now, ha? Alam mong hindi ko rin pwedeng gamitin ang cards ko! How do you expect us to live here without money?!”Nagtagis ang bagang ni Natasha. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, pera na nga niya ang ginagasta ay may lakas pa ng loob na sigaw-sigawan siya.Magsasalita na dapat siya nang maunahan siya ni Alhaj.“Babalik ako ng Pilipinas. Isa
Patrick. Kumurap siyang muli. Malaki na rin ang pinagbago ni Patrick, halos hindi na niya makilala. Mas naging matured na itong tingnan. Kapansin-pansin ang well-trimmed beard nito na bumagay lalo sa dirty look ng lalaki. Teka. Hindi ba’t si Archie ang ganoon ang pamormahan noon? Naisip niya si Archie. Mas maayos na itong tingnan ngayon kumpara noong nakaraang limang taon. Mas pormal na si Archie. Tila isang kagalang-galang na tao. Ibinuka niya ang kaniyang bibig, ngunit walang salitang lumalabas. Kaya huminga na lamang siya ng malalim. “Come on, Athy. Kukuha tayo ng tubig.” Ani Patrick na agad na umalis sa kaniyang harap, dala ang kaniyang anak. Ilang minuto lang ay bumalik ito, dala ni Athalia ang baso ng tubig habang buhat-buhat pa rin ni Patrick ang bata. Dahan-dahan ibinaba ni Patrick si Athalia at saka lumapit sa kaniya ang lalaki. May inayos ito sa kaniyang bed, naramdaman niyang umaangat ang parte sa kaniyang ulo hanggang sa kaniyang likod. Ngayon ay tila nakaupo na si
“Ysa.”Mabagal niyang ikinurap ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang harap ay ang lalaki sa kaniyang mga panaginip.Greig Rain Ramos. The man I loved.Pagod siyang pumikit, kahit pa naririnig niyang hinihiling ni Greig na manatiling bukas ang kaniyang mga mata.Unti-unting bumalik lahat ng sakit, lahat ng masasakit na alaala kasama si Greig, bumalik lahat sa kaniya. Parang kahapon lang nangyari lahat. Bumukas muli ang sugat na akala niya’y hinilom na ng panahon.Somehow, I felt grateful that I forget him for awhile.Sa ilang taon na hindi niya ito maalala, hindi rin nagparamdam ang sakit sa kaniyang puso. Sa limang taon na pinunan ni Alhaj ang responsabilidad ni Greig, hindi niya naisip na baka nga may iba siyang minahal.Akala niya noon si Alhaj ang tanging lalaki sa kaniyang buhay, kaya kahit may pagdududa siya, umaasa pa rin siyang sana bumalik ang alaala niya para tuluyan nang mawala ang mga pagdududang iyon.Ilang beses na nag-play sa kaniyang isip ang una nilang pagkikita ni Greig.
“Sana magising na si Ysabela… para, para makabalik na kayo ng Pilipinas.” Mahina niyang sabi. Somehow, guilt creeped inside her. Alam niyang may problema rin na naghihintay dito sa Pilipinas kung sakaling bumalik na ang pamilya ni Greig. “Pumunta si Natasha sa bahay.” Bigla’y saad ni Greig. Nagsalubong ang kilay ni Gretchen. “H-huh?” “Pinuntahan ka niya, hindi ba?” Tanong ni Greig. Umawang ang labi ni Gretchen. Hindi niya inaasahan na alam ni Greig na pumunta sa kaniya si Natasha. Napakurap siya ng ilang beses. Paano nalaman ni Greig? “Nagkausap na kayo ni Natasha?” Sambit niya. Umiling si Greig bilang tugon. “Hindi pa. What did she tell you?” Natigilan si Gretchen, parang tumigil din ang tibok ng kaniyang puso. May kung anong nagbabara sa kaniyang lalamunan dahil sa tanong ni Greig. Ito na ba ang tamang panahon para sabihin kay Greig ang kaniyang nalaman? Hindi na siya makakapagsinungaling pa, alam ng kaniyang anak na bumisita si Natasha. Ibigsabihin, may nagbabalita sa la
“Nababaliw na ako, dahil kahit anong pilit kong ayusin ang pagsasama namin ni Greig, ang dami pa rin humahadlang! I just want a happy and complete family. Bakit ang hirap no’n? Bakit ayaw ibigay sa akin?”Maagap niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tumulo iyon. Totoong nasasaktan siya at hindi niya iyon itatago kay Gretchen.“I’m also ready to let him go, Mom. I was more than willing to sign the divorce paper if it’s the only way that I'd make him happy. Pero paano ako? Paano ang baby namin? Paano kami ng dinadala ko?”Nilunok niya ang mga hikbi.“What would happen to us in the future? Ano? Kukutyain siya dahil hindi maayos ang pamilyang pinagmulan niya? Ganoon ba? Hindi ba't mas maganda na habang wala pa ay putulin na agad ang hirap na kahaharapin niya?”“Natasha.” Nanghihilakbot si Gretchen sa kaniyang naririnig.Kahit paano, nagdududa siya sa pagdadalang-tao ni Natasha, pero kung totoo man na buntis ito at si Greig ang ama, dadalhin habang buhay ng kaniyang konsensya kung hahaya
Pilit iniinda ni Natasha ang sugat sa kaniyang tagiliran. Mabuti na lamang at hindi gaanong malalim ang sugat, dahil kung hindi, napuruhan na siya.Kinagat niya ang ibabang labi, habang pinagmamasdan siya ni Ada na nag-aayos ng kaniyang sarili.“Are you really going to see his Mom, Nat?” May pag-aalang tanong ni Ada.“What else could I f*ck*ng do, Ada? Maghintay hanggang sa makabalik si Greig kasama si Ysabela at ang anak niya? I wouldn't let that happen without making a scene—ah!”Hinawakan niya ang sugat sa kaniyang tagiliran nang kumirot iyon dahil sa kaniyang pagsigaw. Napapamura na lamang siya dahil sa pagkirot no’n.Kaninang umaga lamang siya nakalabas ng ospital, at hiniling ng doktor na magpahinga siya ng mabuti, pero hindi niya kayang manatili nalang sa bahay habang nagkakagulo ang mundo sa labas.“Alam mong hindi ka gusto ni Gretchen, baka magkasagutan na naman kayo.” Paalala ni Ada sa kaniya.Tiningnan niya ang repleksyon ni Ada sa salamin. Lately, napapansin niya na madala
Nang sumunod na araw, dumating si Patrick. Sinundo ito ng mga tauhan ni Greig sa airport at dumiretso agad sa ospital. Nang makita ni Patrick si Ysabela, hindi pa rin makapaniwala ang lalaki na totoo ngang buhay pa rin ito. Ilang taon rin siyang napapaniwala na wala na nga ang babae at sumakabilang-buhay na. Akala niya'y hindi na ulit sila magkikita pa, pero ito ngayon at lumalaban pa rin pala si Ysabela. Wala masyadong nagbago kay Ysabela. Sa isang tingin ay mamumukhaan ito agad, kaya naging sigurado agad si Archie nang makita ang babae, dahil kung siya rin naman ang unang nakakita kay Ysabela, makikilala niya ito agad. “Hi, Ysabela.” Bati ni Patrick sa nakapikit na babae. “Who is he?” Nilingon ni Patrick ang nagsalita, at nakita si Athalia na nakayakap na ngayon kay Greig. Kanina nang dumating siya, natutulog pa ito sa mahabang sofa. Mukhang naalimpungatan dahil medyo mapula pa ang namumungay na mga mata. Tumitig siya sa mukha ni Athalia. T*ng*na. Napapamura nalang talaga si