SA SUMUNOD na segundo ay nakita niya ito na dahan-dahang itinaas ang kamay sa dalawang lalaki sa likod nito at itinuro ang direksyon ni Lylia na kitang-kita dahil may mga ilaw sa tabi ng dagat. Alam niya na inuutusan niya ang mga tauhan nito na barilin si Lylia ngunit pinilit niyang tumayo at iniharang niya ang kanyang kamay sa tapat ng dalawang baril. “Huwag! Maawa ka Mike! Huwag!” sigaw niya.Hindi naman inaasahan ni Mike na itataya nito ang buhay para sa babaeng iyon. Matapos lang ang ilang segundo ay sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na ibaba ang baril.Basang-basa sa pawis ang buong katawan ni Serene. Ibig sabihin ay tama ang hinala niya na hindi siya kayang patayin ni Mike. kung kaya nito na patayin siya ay dapat noon pa lang ay piinatay na siya nito. “Serene…” sabi nito sa kaniya at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Ang boses nito ay napaka-malumanay katulad pa rin ng dati.“Pwede bang hayaan mo na siya? Hindi na ako tatakas.” sabi niya rito at dahan-dahang umatras. Nasugat
BIGLANG NAMUTLA ANG BUONG mukha ni Serene nang marinig niya ang sinabi nito. Napakuyom ang kanyang mga kamay. Nanginig ang kanyang mga labi. “Bu-buhay pa ba sila?” mahinang tanong niya rito.“Ang mga taong napupunta dito ay maswerte na kung tumagal ng isang taon.” sabi nito sa kaniya na ikinatigas ng buong katawan niya. “Halika na at gagamutin ko ang sugat mo.” sabi nito sa kaniya.“Huwag kang lumapit!” sigaw niya rito at mas itinutok pa ang baril kay Mike. “subukan mong lumapit, papatayin kita!” sigaw niya rito.“Papatayin mo ako?” tanong ni Mike sa kaniya at pagkatapos ay napangiti.“Oo. papatayin kita! Dapat lang na mamatay ka dahil napakaraming tao na ang pinatay mo!” sigaw niya rito.“Serene, huwag ka ngang magpatawa. Alam mo ba na ako lang ang kayang magprotekta sayo dito?” tanong nito at pagkatapos ay lumuhod sa harapan niya habang nakatingin sa kanyang mga mata na walang katakot-takot doon kahit na nakatutok ang baril dito.Mas lalo pang lumuwang ang ngiti sa labi nito. “Mas g
IBIG SABIHIN ANG MGA PARATANG niya noon dito ay puro mali dahil malinis ito. Dahil doon ay bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib. Ibig sabihin ay ni minsan ay hindi siya nito pinagtaksilan. Ilang sandali pa ay iminulat niya ang kanyang mga mata at napatingin kay Liam. “gusto kong alamin mo kung nasaan ang Mike na iyon.” malamig na utos niya rito.“Opo sir.” mabilis na tumango si Liam at muling lumabas doon.~~~~Nang imulat ni Serene ang kanyang mga mata ay bumungad sa kaniya ang maaliwalas na silid. Hindi na iyon ang silid na pinagkulungan sa kaniya noong unang pinunta siya doon. Akmang babangon na sana siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kanyang paa. “Miss, hugag ikaw galaw.” sabi ng isang babae na medyo singkit. Dahil sa salita at itsura nito ay alam niya na kaagad na hindi ito Pilipino ngunit marunong itong mag-tagalog.Bigla niyang nilingon ang kanyang damit at halos manlaki ang kanyang mga mata nang makitang iba na ang suot niyang damit. “Ang damit ko…” nanlalaki ang
HUMAHANGOS NAMAN NA pumasok si Xixi nang marinig nito ang pagsigaw ni Mike. dali-dali siyang hinila nito patayo at muling isinuot ang damit niya. Tiningnan lang siya ni Mike ng may malamig na mga mata. Dahil na rin sa panghihina ng katawan niya, pagtayo niya ay muli na naman siyang nahimatay. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagising siya sa madilim na silid kung saan siya naunang nakakulong pero mas mainam na rin iyon para sa kaniya kaysa ang makasama ang baliw na kagaya ni Mike.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at nakita niya na pumasok doon si Xixi. nilapitan siya nito at pinatayo pagkatapos ay hinila siya nito palabas. Dahil nga nanghihina pa rin ang kanyang katawan ay wala siyang magawa kundi ang sumunod na lang dito.Maya-maya pa ay dinala siya nito sa isang opisina. Lumapit sila sa lalaking nakaupo sa mesa at pinaupo. Hindi siya nagsalita. “Bakit parang pumapayat ka?” tanong nito sa kaniya at hinawakan ang kanyang baba.Hindi siya sumagot at iniiwas lang ang kanyan
SA LOOB NG MAMAHALING KOTSE, nag-ulat si Liam sa nakalap niyang impormasyon patungkol kay Mike. “sir, nalaman ko na nagpunta siya sa bansang Malaysia at pagkatapos ay pumasok sa isang ospital. May inutusan akong magpunta doon upang magtanong ngunit ang sabi ng mga pinagtanungan niya ay hindi nila siya nakitang umalis.” sabi nito.Bahagyang naningkit ang mga mata ni Pierce nang marinig niya ang sinabi nito. Sa bansang iyon? Ibig sabihin ay itinuloy pa rin nito ang pagpunta doon? Ibig bang sabihin nito ay wala talaga itong kinalaman sa pagkawala ni Serene? Ngunit iba ang nararamdaman niya at malakas ang kutob niya na may kinalaman ito.“Nakapasok ba ang inutusan mo sa research institute na iyon?” tanong ni Pierce rito ngunit mabilis lang na umiling si Liam.“Hindi sir. Ang research institute na iyon ay napakahigpit ng seguridad at hindi nila pinapayagang makapasok ang kahit sino maliban sa kanilang mga staff.” sagot nito sa kaniya.Agad naman na nagdilim ang mga mata ni Pierce at napaku
WALA PANG DALAWANG ARAW ay tuluyan na ngang natagpuan ni Liam ang ama ni Serene na si Felipe Hidalgo. Nang sabihin ni Liam na naaksidente ang anak nito ay ni hindi man lang ito nagpakita ng kahit na katiting lang na kalungkutan. Noong una ay tinanong niya ito at sinabi nito na namatay na nga ito ngunit dahil sa pagbabanta niya at pagbubugbog niya rito dala ang ilang tauhan ni Pierce ay umamin din ito sa wakas.“Ibinenta ko siya sa babaeng iyon sa halagang isang milyon.” sabi nito.Ang mukha nito ay namamaga dahil pambubugbog at pagkatapos ay nagmamakaawang tumingin sa kaniya. “Naubos ko na ang perang iyon at wala na akong pera pa.” sabi nito.Nabigla si Liam nang marinig niya ito dahil tama nga pala talaga ang hinala ng kanyang boss. Kuyom ang mga kamay ni Pierce ay bumaba siya sa sasakyan habang madilim ang mga mata. “Saano mo siya ibinenta?” galit at nagtatagis ang mga bagang na tanong niya rito.Napailing ito. “Hindi ko siya kilala. Ang sabi niya lang ay gusto daw ng bigboss nila s
TUMITIG LANG DIN NAMAN ito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. “Ano pa, dahil tayo ang para sa isat-isa.” sabi nito sa kaniya.Ang ina ni Mike ay isang indonesian citizen at ang kanyang ama naman ay isang Pilipino. Nang mamatay ang kanyang ina noong trese anyos siya ay kinuha siya ng kanyang ama at bumalik sa Pilipinas at sa Mindanao pa sila noon nakatira. Araw-araw siya nitong binubugbog tuwing nalalasing ito at halos gabi-gabi din itong lasing.Isang gabi ay halos mapatay siya nito hanggang sa mawalan siya ng malay pagkatapos ay itinapon sa liblib na lugar sa pag-aakalang patay na siya. Pinilit niyang gumapang at humarang sa isang paparating na kotse kung saan ay iniligtas siya nito at dinala sa ospital. Sinabi na lang niya na nabangga siya pero ang totoo ay binugbog siya ng kanyang ama. Kinupkop siya ng nakabangga sa kaniya at ilang taon ang lumipas bago siya bumalik sa bahay ng kanyang ama at pinatay ito.Pagkatapos nito ay hinanap niya ang kapat
ITINAAS NAMAN NI MIKE ANG kamay at pagkatapos ay tinapik niya ang likod nito. “Huwag kang matakot.” sabi niya rito at pagkatapos ay ilang sandali pa ay lumabas mula sa pinto ang lalaki habang tinatakpan nito ang mata. “Walang hiya kang babae ka!” sigaw nito nang muli siyang makita at sinugod nito ngunit humarang si Mike sa harap niya. Dahil dito ay hindi makapaniwala itong tumingin kay Mike. “mico, anong ibig sabihin nito? Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginawa niya sa mata ko?” tanong nito. “Papatayin ko siya para makaganti ako!” nanggigigil na sabi nito na mas lalo pang ikinatakot ni Serene.Bigla namang nanlamig ang mga mata ni Mike at tumingin dito. “Pumunta ka dito sa dis-oras ng gabi at pinatulog ang mga bantay ko at anong inaasahan mo?” puno ng lamig na tanong nito.“Ang babaeng yan ay pinukpok ako noong nakaraan at hindi pa ako nakakaganti sa kaniya. Pagkatapos ngayon ay ganito na naman ang ginawa niya sa akin.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Tumaas ang sulok ng labi n
DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Serene ang kanyang mga mata. Nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagkahilo niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay doon niya nalaman na naka-swero pala siya at doon nag-sink in sa kaniya ang lahat. Habang magkayakap sila ni Pierce ay bigla na lang umikot ang paningin niya. At sa mga oras na iyon ay nasa ospital siya pero nang igala niya ang kanyang paningin ay wala naman siyang kasama doon kundi tanging siya lang mag-isa.Nasaan si Pierce? Bakit wala ito sa tabi niya? Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang lahat ng mga nangyari kanina, kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon ngunit nang itaas naman niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang singsing na isinuot sa kaniya ni Pierce kung saan ay nasiguro niya na hindi nga iyon panaginip kundi totoong nangyari iyon. Ang hindi lang niya maiwasang isipin ay kung nasaan ito. Dahan-dahan siyang umupo sa k
NAPANGITI SI PIERCE SA kanyang ama na may panunuya ang mga mata. “Noon pa man ay niloko mo na ang ina ko kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga yan.” malamig na sabi niya rito at pagkasabi niya nito ay dali-dali siyang tumalikod upang umalis na doon.“Tumigil ka!” galit na sigaw ni Andrei sa kaniya ngunit nagbingi-bingihan si Pierce sa tawag ng kanyang ama ay hindi tumigil sa kanyang paglalakad.Sa gilid ay agad naman na nagdilim ang mukha ni Nicole dahil talaga ba na aalis ito ay iiwan siya doon na mag-isa para pagtawanan ng lahat? Hindi niya maiwasang maikuyom ang kanyang mga mata. Dahil sa labis naman na galit ni Andrei ay biglang nagsikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Sa sumunod na segundo ay bigla siyang bumagsak sa sahig.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Andrei at dali-daling nilapitan ito upang tulungan at kargahin upang dalhin sa ospital. Ang isang tauhan nito ay binalingan ni Nicole. “Sundan mo si Pierce at sabihin mo na bumalik siya.” utos niya ri
BIGLA NAMANG NAPUNO ng panunuya ang mga mata ni Pierce anng marinig niya ang usapan ng mga ito. “Status lang ang hiningi niya kaya pumayag ako. Pero ang totoo ay gusto mo rin talagang pakasalan ako hindi ba?” tanong ni Pierce kay Nicole.Nakita niyang natigilan si Nicole ngunit mabilis na nagsalita ang kanyang ama. “Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na yan. Ang importante ay ang makapagbihis ka na muna.” sabi nito sa kaniya.“Hindi na kailangan pang ipagpaliban pa, pag-usapan na natin ngayon.” sabi niya rito. Ipinikit ni Pierce ang kanyang mga mata at naging malamig ang ekspresyon. “Kahit na maging mag-asawa kaming dalawa at magkaroon ng anak, sa tingin niyo ba ay mabubuhay ang bata at ipapanganak niya?” tanong niya sa mga ito.Nang marinig ni Nicole ang bagay na iyon ay namutla nag kanyang mukha. Ang mukha din ni Andrei ay naging madilim at naging marahas ang paghinga dahil samatinding galit. “Hindi niyo ba alam na kahit makabuo kami ay ipapalaglag at ipapalaglag niy
PINAPUNTA SIYA NG KANYANG ama sa isang hotel kung saan ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Pagkapasok niya pa lang sa punction hall ay agad niyang nakita na napapalamutian ang buong paligid. Dahil dito ay agad na kumunot ang kanyang noo at napuno ng pagkalito. Sa sumunot na segundo ay nakita niya ang mga salitang Engagement na nakalagay sa malaking electronic screen sa gitna ng stage.Hindi nagtagal ay dahan-dahang umakyat si Nicole ng stage habang nakaupo sa electric wheelchair nito at pagkatapos ay tumingin sa kaniya ng puno ng pagmamahal na naging dahilan para magdilim ang kanyang mukha. Nilingon niya si Liam na nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon. “Anong nangyayari?” naguguluhang tanong niya rito.Nakita niya naman ang pagpapawis ng noo nito at mukhang kinakabahang tumingin sa kaniya. Napalunok si Liam nang makita ang madilim na mukha ng kanyang amo. Hindi ba nito alam kung ano nangyayari at kung bakit sila naroon? Paano nangyari na hindi nito alam kung isa ito sa mga pang
ILANG MINUTO DIN sa labas si Serene bago siya bumalik sa silid ni Pierce. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong bihis na. Puno ng pagtataka at pag-aalala ay agad niya itong nilapitan. “Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Bigla niya tuloy naalala ang tawag kanina at dahil doon ay hindi niya namalayang nakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang puso. “Saan ka pupunta?” tanong niya ulit dito nang hindi ito sumagot sa unang tanong niya kanina.“Well, pinapatawag ako ni DAd.” sagot nito sa kaniya na bigla niyang ikinatigas bigla. Naisip niya bigla ang petsa kung kailan nila dapat kuhanin ang sertipiko at may ilang araw na lang ang nalalabi. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pagkatapos ay biglang nagtanong.“Gusto mo bang makipaghiwalay?” tanong niya rito at hindi ito sumagot sa kaniya. Malalim lang itong nakatingin sa kanyang mga mata at ang pananahimik nito ay malinaw ng sagot sa kaniya. Napakuyom ang kanyang mga palad. B
NANG NASA IBANG BANSA pa sila ay naunang nagising si Pierce kaysa kay Serene kung saan ay nanatili itong tulog marahil sa matinding panghihina. Dahil nga sa wala namang nakitang problema sa pagsusuri kay Serene ay agad niyang ipinaayos ang lahat at sumakay sila sa isang helicopter upang makauwi sa bansa para doon na rin tuluyang magpagaling.Pagdating nila doon ay muli niyang ipinasuri si Serene kung saan ay naging pareho lang din naman ang lumabas na resulta at nanatili pa rin itong tulog sa sumunod na araw na para bang nag-iipon ng lakas nito. Maharil ay talagang matindi ang kanyang pinagdaanan kung kayat mas lalo pang tumindi ang galit na naramdaman niya sa lalaking iyon.Ilang sandali pa ay yumakap si Serene kay Pierce nang marinig niya ang sinabi nito kung paano sila nakauwi ngunit pagkasandal niya sa dibdib nito ay may naalala siya kung kaya ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya at tumingin dito. “Si Mike? Nasaan siya? Patay na ba siya?” tanong niya rito.Umiling si
NAKATITIG PA RIN ANG nurse sa kaniya na puno ng pakikisimpatya ang mga mata. “Makakapagpahinga na siya…” sabi ng nurse sa kaniya.“Hindi, hindi iyon. Ilang taon na siya?” tanong niya rito.“Mag-iisang daan.” sagot naman nito at medyo natakot ang nurse dahil baka nagkamali siya ng pagsabi kung ilang taon na ito kaya muli niyang dinampot ang record niya at chineck ito. “Tama nga ako.” sabi nitong muli pagkaraan ng ilang sandali.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Ibig sabihin ay hindi pa patay si Pierce at nagkamali lang siya. Sa mga oras na iyon ay isang malamig na boses ng isang lalaki ang nagmula sa likuran niya. “Serene.” tawag nito sa kaniya at ang boses nito ay pamilyar na pamilyar sa kaniya.Dahil dito ay dahan-dahang lumingon si Serene at doon nga niya nakita ang isang lalaki na nakasuot ng isang hospital gown sa likod niya at nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa kaniya na may madilim na mga mata. “Anong ginagawa mo diyan? At bakit umiiyak ka?”
SA ISANG IGLAP AY napuno siya ng pangamba nang makita niya itong nakatayo doon. Anong ginagawa pa nito doon? Nababaliw na ba ito? Anong magagawa nito mag-isa laban sa napakaraming tauhan ni Mike? Wala!Ilang sandali pa ay biglang napuno ng ilaw ang dibdib nito na kulay pula galing sa mga baril ng mga tauhan ni Mike dahilan para labis siyang kabahan. Ang mukha ni Pierce ay walang katakot takot habang nakatingin sa kaniya.Samantala, tuwang-tuwa naman si Mike habang nakatingin kay Pierce at hindi na nag-isip pa at pagkatapos ay mabilis na itinaas ang kanyang kamay upang mag-utos na paputukan ito ng baril ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay bigla na lang may dumagundong mula sa itaas kaya napatingala siya ng wala sa oras at doon niya nga nakita ang ilang helicopter mula sa itaas at sa sumunod na segundo ay nagpaulan ang mga ito ng bala.Dahil sa pagkabigla ay halos mamanhid ang mga tenga ni Serene at puno ng pagkalito ang kanyang isip. Sa gitna ng pag-ulan ng mga bala ay
NAPUNO NG PAWIS ang noo ng driver. “What should we do now sir?” kabadong tanong nito."He doesn't dare to blow up the bridge. If it blows up, he won't be able to stay in any country, especially here." sagot ni Pierce sa driver ng sasakyan.Binalingan ni Pierce si Serene. “Huwag kang magpaloko sa panggigipit niya. Magtiwala ka sa akin.” sabi niya at hinalikan ang noo nito.Hindi naman maiwasang mapatitig ni Serene sa mukha ni Pierce kung saan ay pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha ngunit ang kanyang boses ay biglang gumaralgal. “Naniniwala ako sayo Pierce… naniniwala ako…” sabi niya ngunit sa kabila nun ay iba ang iniisip niya. Hindi na niya kayang masaktan pa ito ng dahil lang sa kaniya. Napakarami na nitong ginawa.Ilang sandali pa ay nagdilim ang mga mata nito. “Hindi kita papayagang sumama sa kaniya!” mariing sabi nito at ang kanyang mga mata ay halos mag-apoy. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa sumunod na segundo ay agad niyang sin