PROLOGUE “Hindi magbabago ang lahat. Maghihiwalay pa rin tayo pagkatapos ng operasyon ni lola pero—” sabi nito at tumigil. Tumayo ito mula sa kanyang kinatatayuan at naglakad palapit sa kaniya habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Dahil mukhang compatible naman tayong dalawa sa kama ay handa akong ibigay ang mga hiling mo kapalit ng pagpapaligaya mo sa akin.” sabi nito sa kaniya. Nang mga oras na iyon, pakiramdam ni Serene ay parang may kung anong sumabog sa ulo niya. Agad na nawalan ng kulay ang mukha ni Serene. “Seryoso ka ba? Ako? Gusto mong maging parausan mo?” tanong niya rito. Ilang sandali itong natahimik at pagkatapos ay tyaka ito tumango. “Parang ganun na nga.” sabi nito sa kaniya. “Nababaliw ka na ba?” tanong niya rito na halos hindi makapaniwala rito. Gusto niyang matawa ngunit hindi siya makatawa. Nang marinig naman nito ang kanyang sinabi ay agad na tumalim ang mga mata nito. “Sa tingin mo ba ay kailangan ko pang humingi ng pahintulot sayo kapag ginusto ko?” tanong
Makalipas ang kinse minutos ay lumabas na ng banyo si Pierce na nakatapis lamang ng twalya sa ibabang bahagi ng katawan niya at ang kanyang malawak na balikat ay nakalantad kung saan ay puno ng sekswal na tensyon. Lumapit siya sa kama at dali-daling iniangat ang kumot at doon niya napagtanto na wala nang lamang ang higaan at kaunting mantsa na lamang ng dugo ang naiwan sa bedsheet.Hindi napigilan ni Pierce na sumimangot at pagkatapos ay dali-daling tumawag sa kanyang assistant na si Liam. pagkasagot na pagkasagot pa lamang nito ng kanyang tawag ay agad na itong nagsalita. “Sir, nalaman namin na ang mga tao pala ni Blake ay may ginawa kagabi.” sabi nito sa kaniya.Sa kasalukuyan, siya ang pinakasikat na tagapagmana ng kanilang pamilya at ang pamilya nila ay kilala ng lahat dahil sila ang pinakamayaman sa lungsod na iyon. Ang lakas naman ng loob nito na kalabanin siya. Tumaas ang sulok ng labi niya at pagkatapos ay nagsalita. “Bago magdilim ay gusto kong makita ang pagkalugi ng taong i
Nang makarating si Serene sa hotel ay nagdire-diretso siya sa elevator. Nang mga oras na iyon ay hindi nagsalita si Liam at nakamasid lamang sa binibini. Ang Solace International ay ang pinaka-upscale club sa lungsod at malinaw na hindi iyon isang lugar para sa isang ordinaryong kolehiyala.Nag-iwas naman ng tingin si Pierce at nagpatuloy sa kanyang paglalakad na parang wala siyang nakita. Wala siyang pakialam kung bakit lumitaw doon ang babae.Samantala, habang paakyat si Serene sa taas ay pababa naman ang dalawang waiter na may misteryosong tingin sa kaniya. Nang sumara ang elevator ay nagsalita ang isa. Tulak-tulak nito ang isang maliit na cart na natatakpan ng isang piraso ng itim na tela. “Talagang ang bongga mag-tip ni sir Reid sa tuwing may special request siya ano.” sabi nito sa kasama.Galit naman na nilingon ng kasama nito ang nagsalita. “Itikom mo yang bibig mo. hindi natin dapat pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.” sita nito sa kaniya.Sa halip na tumigil ito ay muli
Pilit namang kumalma si Reid. “Pasok.” sabi niya.“Sir, ito na po ang gusto ninyo.” sabi ng waiter at ini-swipe nito ang card at pumasok sa loob tulak-tulak ang isang trolley. Dahil doon ay bigla na lamang ulit namutla ang mukha ni Serene. Mukhang kasabwat nito ang waiter na kapapasok lamang.Biglang napatingin si Reid sa mukha ni Serene kung saan ay bigla na lamang siyang napalunok nang makita niya ang kagandahan nito. “Tatawag na lang ako kapag may kailangan ako.” sabi niya rito.Napatingin naman si Serene sa pinto kung saan ay malapit na ang waiter doon at tiyak niya na kapag sumara iyon ay muli na namang mala-lock iyon kaya inipon niya ang natitira pa niyang lakad at biglang hinila ang trolley na nasa tabi niya ay hinila patungo kay Reid. dahil doon ay nagkaroon ng malakas na ingay at ang lamang ng trolley ay nagkandalaglagan sa sahig. Pinilit niyang tumayo at dali-daling tumakbo patungo sa pinto upang makalabas siya habang hawak-hawak ang tiyan niya na sa mga oras na iyon ay nan
Nang makita ni Pierce ang lumuluhang mukha ng dalawa ay hindi niya maipaliwanag ngunit bigla na lamang niyang naalala ang babaeng nakaniig niya kagabi. Tahimik itong umalis at ni hindi man lang niya ito nakausap o ni natandaan ang mukha nito. Isa pa ay ayaw niyang magkautang siya sa iba. Kung mahahanap lang niya ito ay handa siyang bayaran ito para mawalan siya ng utang rito. Ngunit ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo.~~~Makalipas lamang ang limang minuto ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Serene at nang tingnan niya ito kung ano iyon ay nakita niya ang isang text message na galing sa isang hindi niya kilalang number. “Hindi pa tapos ang nangyari kanina. Dapat kang magkusa na lumapit sa akin sa loob ng tatlong araw dahil kung hindi ay baka hindi mo kayanin ang gagawin ko.” sabi ng text message at habang binabasa niya iyon ay isang tao lang naman ang mabilis na pumasok sa isip niya. Alam niya na kaagad na ang text message na iyon ay galing kay Reid.Hindi niya na laman
Kinabukasan ay pumasok si Serene sa kanyang pinapasukang paaralan at pagkatapos ng klase niya ay agad siyang dumi-diretso sa pinapasukan niyang part-time job. Ganun ang naging set-up niya sa loob ng tatlong araw, sa tatlong araw na iyon ay napansin niya na hindi niya nakikita si Reid sa paaralan at mukhang hindi ito pumapasok sa hindi malamang dahilan. Dahil doon ay medyo gumaan pa rin kahit na papano ang pakiramdam niya dahil sa wala nang panggulo sa buhay niya.Isa pa ay hindi niya naman kayang labanan si Reid dahil nga napakayaman nito at kapag ginawa niya iyon ay alam niya na siya lang ang mapapahiya. Kaya nang hindi niya ito makita ilang araw na ay mas nakahinga siya ng maluwag at napaisip na sana ay tumigil na nga ito ng tuluyan sa pagpasok doon. Ang mga katulad naman nilang mayayaman ay hindi naman mahalaga kung makapagtapos sila o hindi dahil hindi naman iyon magkakaroon ng malaking epekto sa mga ito dahil tiyak na sila naman ang mga magmamana ang mga negosyo ng mga pamilya ng
Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin sa wakas si Serene sa mansyon ng mga Smith. Nang mga oras na iyon ay ibinaba ng isang kasambahay sa pear wood coffee table ang umuusok pang tinapay. Dahil nga gustong-gusto ng matandanag babae si Serene ay talaga namang nagpapaluto siya ng masarap na meryenda kapag alam niyang darating ito doon. Nang pumasok si Serene sa loob ay agad niya itong nakita maging ang nakahandang meryenda para sa kaniya.Nang makita siya ng matanda ay agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito. “Hija, narito ka na pala. Halika maupo ka, nag-utos ako sa chef na ipagluto ka ng cinnamon roll dahil ito ang paborito mo hindi ba?” nakangiting sabi nito sa kaniya.Ilang sandali pa ay napahigpit si Serene sa kanyang mga palad habang papalapit rito at kinakabahan. Isa pa, iniisip niya na hindi lang siya basta nagpaunlak sa imbitasyon nitong pumunta doon kundi dahil sa gusto niyang humingi rito ng tulong kahit na alam niya na magiging nakakahiya siya sa m
Halos kaladkarin siya nito patungo sa may sasakyan na nakaparada sa harapan ng mansyon. Pagkabukas nito ng pinto ng kotse ay mabilis siya nitong pinapasok nang walang pag-iingat at dali-dali rin naman itong sumakay sa loob pagkatapos ay malakas na isinira ang pinto ng kotse kung saan ay halos napapikit siya dahil sa lakas ng tunog.Ang kabaitan sa mukha nito ng mga oras na iyon ay tila ba naglahong parang isang bula nang makapasok ito ng tuluyan sa loob. Napalitan ng napakalamig na ekspresyon ang mukha nito ng mga oras na iyon. “Paandarin mo.” utos niya sa nasa harapan ng sasakyan kung saan ang magnetic voice nito ay napaka-kaaya aya ngunit ang tono nito ay nakakatakot. Nang marinig niya ito ay agad na umahon ang kaba sa kanyang dibdib.Halos nangingig ang kamay niyang nilingon ito. “Sa-saan mo ako dadalhin?” nauutal na tanong niya rito.Malamig ang gwapong mukha ni Pierce ng mga oras na iyon at hindi nagsalita. Ang babaeng nasa tabi niya ay isang manloloko kung saan maging ang kanyan
HUMAHANGOS NAMAN NA pumasok si Xixi nang marinig nito ang pagsigaw ni Mike. dali-dali siyang hinila nito patayo at muling isinuot ang damit niya. Tiningnan lang siya ni Mike ng may malamig na mga mata. Dahil na rin sa panghihina ng katawan niya, pagtayo niya ay muli na naman siyang nahimatay. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagising siya sa madilim na silid kung saan siya naunang nakakulong pero mas mainam na rin iyon para sa kaniya kaysa ang makasama ang baliw na kagaya ni Mike.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at nakita niya na pumasok doon si Xixi. nilapitan siya nito at pinatayo pagkatapos ay hinila siya nito palabas. Dahil nga nanghihina pa rin ang kanyang katawan ay wala siyang magawa kundi ang sumunod na lang dito.Maya-maya pa ay dinala siya nito sa isang opisina. Lumapit sila sa lalaking nakaupo sa mesa at pinaupo. Hindi siya nagsalita. “Bakit parang pumapayat ka?” tanong nito sa kaniya at hinawakan ang kanyang baba.Hindi siya sumagot at iniiwas lang ang kanyan
IBIG SABIHIN ANG MGA PARATANG niya noon dito ay puro mali dahil malinis ito. Dahil doon ay bigla siyang napahawak sa kanyang dibdib. Ibig sabihin ay ni minsan ay hindi siya nito pinagtaksilan. Ilang sandali pa ay iminulat niya ang kanyang mga mata at napatingin kay Liam. “gusto kong alamin mo kung nasaan ang Mike na iyon.” malamig na utos niya rito.“Opo sir.” mabilis na tumango si Liam at muling lumabas doon.~~~~Nang imulat ni Serene ang kanyang mga mata ay bumungad sa kaniya ang maaliwalas na silid. Hindi na iyon ang silid na pinagkulungan sa kaniya noong unang pinunta siya doon. Akmang babangon na sana siya nang maramdaman niya ang pagkirot ng kanyang paa. “Miss, hugag ikaw galaw.” sabi ng isang babae na medyo singkit. Dahil sa salita at itsura nito ay alam niya na kaagad na hindi ito Pilipino ngunit marunong itong mag-tagalog.Bigla niyang nilingon ang kanyang damit at halos manlaki ang kanyang mga mata nang makitang iba na ang suot niyang damit. “Ang damit ko…” nanlalaki ang
BIGLANG NAMUTLA ANG BUONG mukha ni Serene nang marinig niya ang sinabi nito. Napakuyom ang kanyang mga kamay. Nanginig ang kanyang mga labi. “Bu-buhay pa ba sila?” mahinang tanong niya rito.“Ang mga taong napupunta dito ay maswerte na kung tumagal ng isang taon.” sabi nito sa kaniya na ikinatigas ng buong katawan niya. “Halika na at gagamutin ko ang sugat mo.” sabi nito sa kaniya.“Huwag kang lumapit!” sigaw niya rito at mas itinutok pa ang baril kay Mike. “subukan mong lumapit, papatayin kita!” sigaw niya rito.“Papatayin mo ako?” tanong ni Mike sa kaniya at pagkatapos ay napangiti.“Oo. papatayin kita! Dapat lang na mamatay ka dahil napakaraming tao na ang pinatay mo!” sigaw niya rito.“Serene, huwag ka ngang magpatawa. Alam mo ba na ako lang ang kayang magprotekta sayo dito?” tanong nito at pagkatapos ay lumuhod sa harapan niya habang nakatingin sa kanyang mga mata na walang katakot-takot doon kahit na nakatutok ang baril dito.Mas lalo pang lumuwang ang ngiti sa labi nito. “Mas g
SA SUMUNOD na segundo ay nakita niya ito na dahan-dahang itinaas ang kamay sa dalawang lalaki sa likod nito at itinuro ang direksyon ni Lylia na kitang-kita dahil may mga ilaw sa tabi ng dagat. Alam niya na inuutusan niya ang mga tauhan nito na barilin si Lylia ngunit pinilit niyang tumayo at iniharang niya ang kanyang kamay sa tapat ng dalawang baril. “Huwag! Maawa ka Mike! Huwag!” sigaw niya.Hindi naman inaasahan ni Mike na itataya nito ang buhay para sa babaeng iyon. Matapos lang ang ilang segundo ay sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na ibaba ang baril.Basang-basa sa pawis ang buong katawan ni Serene. Ibig sabihin ay tama ang hinala niya na hindi siya kayang patayin ni Mike. kung kaya nito na patayin siya ay dapat noon pa lang ay piinatay na siya nito. “Serene…” sabi nito sa kaniya at dahan-dahang lumapit sa kaniya. Ang boses nito ay napaka-malumanay katulad pa rin ng dati.“Pwede bang hayaan mo na siya? Hindi na ako tatakas.” sabi niya rito at dahan-dahang umatras. Nasugat
HALOS MANGINIG na sa takot si Serene ngunit wala na siyang pagpipilian pa. Ito na ang tamang pagkakataon para gawin niya iyon at wala ng ibang oras pa. Kung aatras pa siya ngayon ay kailan pa siya makakahanap ng pagkakataon para makatakas doon?Bigla namang napukaw ang lalaki lalo pa at habang tinititigan ang inosenteng mukha ni Serene. Napuno ng pagnanasa ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Humakbang ito palapit sa kaniya ay napahigpit ang pagkakakuyom ang mga kamay ni Serene habang halos masuka sa itsura ng lalaki na palapit sa kaniya. Puno na rin ng pinong pawis ang kanyang noo sa labis na kaba.Tumayo ito sa harapan niya kung saan ay dahan-dahan siyang lumuhod sa harap nito at iniunat ang kanyang kamay sa suot nitong pantalon habang nanginginig. Sa sumunod na segundo ay naramdaman na lang niya na may tumutok sa kanyang noon at alam niya na baril iyon. Napalunok siya. “Galingan mo. kung maglalakas loob ka ng gumawa ng ibang bagay ay baka patayin kita.” banta nito sa kaniya na
SA MADILIM NA SILID AY PILIT NA IPINIKIT NI SERENE ang kanyang mga mata upang matulog. Simula nang dumating siya doon ay hindi niya alam kung ilang oras lang naging tulog niya dahil natatakot siya na baka habang natutulog siya ay may pumasok doon at galawin siya. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi niya pa rin alam kung bakit siya ikinulong doon. Hindi niya maiwasang mapatanong kung ano ang balak ng mga ito sa kaniya.Sinabi sa kaniya ni Lylia na sa parke daw nangyayari ang mga kalakalan ng mga ginagawang mga slave at ang iba naman ay ibinebenta ang mga organs. Talamak din doon ang kidnapan at nanghihingi ng ransom. Ang iba ay ginagahasa daw ng paulit-ulit hanggang sa tuluyang patayin at kuhanin ang mga laman loob nito na pwedeng ibenta.Ang silid kung nasaan siya ay hindi soundproof kaya rinig na rinig niya ang sigaw ng mga tao katulad niya mula sa labas araw man o gabi. Kaawa-awang mga sigaw dahil sa panggagahasa at ang pinaka-kinakatakot niya ay para bang sinasadya ng mga itong
NANG ARAW NA IYON, HABANG KUMAKAIN ay nakahanap ng pagkakataon si Serene. Nang pumasok doon si Lylia ay nakapagpuslit ito ng isang cellphone. Sinabi nito na nakuha niya ito sa isang parke sa tabi kung nasaan sila at ang sabi nito ay pwede niyang gamitin iyon para huming ng tulong sa mga kamag-anak niya. Kailangan niyang tumawag na at pagkatapos nun ay kailangan niyang sirain ang cellphone na iyon dahil kung hindi kapag nalaman nina A iyon ay baka kung anong gawin nila ulit sa kaniya.Habang hawak iyon ay napakuyom ang kamay ni Serene at naisip niya hihingi siya ng tulong kay Mike ngunit hindi niya kabisado ang number nito. Sa pagkakataong iyon, wala siyang ibang number na kabisado kundi ang number lang ng lalaking iyon. Kahit na alam niyang galit ito sa kaniya ay wala na siyang pakialam pa dahil wala na siyang pagpipilian pa. Idinial niya ang number nito sa nanginginig na mga kamay.Nakadalawang ring iyon bago nito iyon tuluyang sinagot ang tawag. Nanginginig ang kanyang mga labi at h
PINANOOD NI LYLIA KUNG PAANO KUMAIN ANG BABAENG kararating lang hanggang sa matapos ito. Ilang sandali pa ay nilingon siya nito at ibinaba ang pinagkainan nito. Sandali siyang natigilan nang magtama ang kanilang mga mata. Dahil sa kanyang itsura ay kung tingnan siya ng mga tao doon ay puno ng pandidiri at pagkasuklam na halos ayaw na siyang tingnan pa sa mukha ngunt sa tagal niya doon ay iyon ang unang beses na may tumingin sa kaniya sa kalmadong mga mata. “Salamat.” walang tinig na sambit nito.Ilang sandali pa ay tumayo na siya at handa na sanang umalis ngunit bigla na lang nitong hinawakan ang braso niya. “Ang pangalan ko ay Serene.” sabi nito sa halos bulong lang.“Ako si Lylia.” mahinang sagot niya lang din naman at hinila ang kamay pagkatapos ay tuluyan nang lumabas doon dala ang mangkok na pinagkainan nito.Biglang napatitig si Serene sa nakasarang pinto. Si Lylia ay mukhang malayang nakakalabas-pasok sa kanyang silid samantalang siya ay naroon lang at nanatiling nakakulong. N
…SUMAKAY SILA SA ISANG TRICYCLE na nakaparada hindi kalayuan na tinawag ng kanyang ama. Sumakay siya sa loob at ito naman ay sa tabi ng driver sumakay. Wala siyang ibang naisip kundi ang makuha na ang kailangan niyang sertipiko upang matapos na ang lahat sa pagitan nila ni Pierce kaya lang ay habang patagal ng patagal ang kanilang byahe ay bigla siyang napatanong. “Ito ba ang daan patungo sa munisipyo?” tanong niya.Ilang sandali pa ay napatawa naman ang kanyang ama. “Ito ang daan para sa magandang buhay para sayo.” sabi nito at biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Dahil dito ay nagkaroon siya ng hindi magandang pakiramdam. Dahil walang pinto ang tricycle ay agad siyang tumalon ng hindi na nag-iisip kahit na medyo may kabilisan ang takbo ng tricycle.Hindi naman lubos akalain ni Felipe na magkakaroon ng lakas ng loob si Serene na tumalon pababa ng tricycle. “Ihinto mo!” mabilis na sabi niya sa driver. Huminto nga ang sinasakyan nila kung saan ay dali-dali din namang bumaba doo