TUMITIG LANG DIN NAMAN ito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. “Ano pa, dahil tayo ang para sa isat-isa.” sabi nito sa kaniya.Ang ina ni Mike ay isang indonesian citizen at ang kanyang ama naman ay isang Pilipino. Nang mamatay ang kanyang ina noong trese anyos siya ay kinuha siya ng kanyang ama at bumalik sa Pilipinas at sa Mindanao pa sila noon nakatira. Araw-araw siya nitong binubugbog tuwing nalalasing ito at halos gabi-gabi din itong lasing.Isang gabi ay halos mapatay siya nito hanggang sa mawalan siya ng malay pagkatapos ay itinapon sa liblib na lugar sa pag-aakalang patay na siya. Pinilit niyang gumapang at humarang sa isang paparating na kotse kung saan ay iniligtas siya nito at dinala sa ospital. Sinabi na lang niya na nabangga siya pero ang totoo ay binugbog siya ng kanyang ama. Kinupkop siya ng nakabangga sa kaniya at ilang taon ang lumipas bago siya bumalik sa bahay ng kanyang ama at pinatay ito.Pagkatapos nito ay hinanap niya ang kapat
ITINAAS NAMAN NI MIKE ANG kamay at pagkatapos ay tinapik niya ang likod nito. “Huwag kang matakot.” sabi niya rito at pagkatapos ay ilang sandali pa ay lumabas mula sa pinto ang lalaki habang tinatakpan nito ang mata. “Walang hiya kang babae ka!” sigaw nito nang muli siyang makita at sinugod nito ngunit humarang si Mike sa harap niya. Dahil dito ay hindi makapaniwala itong tumingin kay Mike. “mico, anong ibig sabihin nito? Hindi mo ba nakikita kung ano ang ginawa niya sa mata ko?” tanong nito. “Papatayin ko siya para makaganti ako!” nanggigigil na sabi nito na mas lalo pang ikinatakot ni Serene.Bigla namang nanlamig ang mga mata ni Mike at tumingin dito. “Pumunta ka dito sa dis-oras ng gabi at pinatulog ang mga bantay ko at anong inaasahan mo?” puno ng lamig na tanong nito.“Ang babaeng yan ay pinukpok ako noong nakaraan at hindi pa ako nakakaganti sa kaniya. Pagkatapos ngayon ay ganito na naman ang ginawa niya sa akin.” tuloy-tuloy na sabi nito sa kaniya.Tumaas ang sulok ng labi n
HALOS KALAHATING ORAS DIN ang naging byahe ng sasakyan. Huminto ito sa isang madilim na basement. Hinila na lang siya basta palabas at pagkatapos ay biglang itinapon na parang isang kargamento lang. Hindi nagtagal ay bumukas ang ilaw. Ilang sandali pa ay bigla na lang may humawak sa kanyang buhok at itinaas ito. “Ano bang nakita sayo ni Mico para mahalin ka niya huh?” tanong nito.Siya si A. tinanggal nito ang busal sa bibig niya at halos mapaupo siya. Tiningnan niya ito. “Kapag may ginawa kang masama sa akin ay tiyak na hindi ka patatawarin ni Mike.” sabi niya rito. Alam niya na wala siyang laban sa mga ito kaya kailangan niyang gamitin muna si Mike para makaligtas siya.Napatawa naman ito ng wala sa oras habang nakatingin sa kaniya. “Hindi ko alam na tuso ka rin pala, infairness nagawa mong tumakas mag-isa.” sabi nito sa kaniya. “Sa tingin mo ba makakatakas ka ng ganun-ganun lang ha?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya.Agad naman na nanlaki ang mga mata ni Serene ng wala sa oras. “A
PAGKABUKAS NIYA ng pinto ay may isang hallway. Ngunit sa dulo nito ay nakita niya ang isang lalaki na katulad ng suot na uniporme ng mga humahabol sa kaniya kaya mabilis siyang luminga-linga at nakakita ng isang bukas na pinto kaya tumakbo siya doon at mahigpit na isinara.Dahil medyo kanto ang silid na pinasukan niya ay hindi siya nakita ng lalaki kanina kaya rinig na rinig niya mula sa labas ang parit-parito na mga yabag at hinahanap siya. Biglang nanlamig ang kanyang katawan at habol habol ang kanyang paghinga. Kahit na nasa silid na siya ay hindi niya pa rin maiwasang kabahan dahil hindi pa rin siya ligtas. Idagdag pa na sobrang init ng pakiramdam niya, tiyak na dahil iyon sa gamot na ipinainom sa kaniya.Bigla niyang naalala ang ipinakita sa kaniya ni Mike na siya ay idineklara nang patay sa bansa at kung sakali mang mamatay siya doon ay tiyak na walang magtatangka na hanapin siya. Sa mga oras na iyon ay bigla na lang gumalaw ang lock ng pinto kaya napatingin siya doon. Nagtayuan
NAGHABOL NG HININGA si Serene ng wala sa oras. “Ito ba ang ipinunta mo rito sa ibang bansa?” mahinang tanong ni Pierce sa kaniya.Sa halip naman na sagutin niya ito ay mahina niyang itinulak ito. “Umalis ka…” sabi niya ngunit hindi niya ito magawang itulak. “Naiinitan ako…” sabi niya pa rito.Ilang sandali pa ay lumayo naman si Pierce rito at hindi sinasadyang mapatitig sa mukha nito na sa mga oras na iyon ay namumula na. Hindi niya rin maiwasang hindi kabahan dahil naisip niya kaagad na para bang may mali. Hinawakan niya ang pisngi nito. “May pinainom ba silang gamot sayo?” kaagad niyang tanong dito.Hindi naman ito sumagot bagkus ay pumikit ito ng mariin habang naghahabol ng paghinga at nakahawak sa noo nito na para bang nilalagnat. Ilang sandali pa ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras dahil mabilis siyang tumayo at binuhat niya ito kaagad papasok ng banyo at ibinaba habang nakatayo at dali-daling binuksan ang shower.Nang bumuhos ang malamig na tubig sa katawan ni Serene ay hindi
HINDI ALAM NI SERENE kung gaano siya katagal na nakatulog. Nang magising siya ay nasa harap niya si Pierce at nakatitig sa kaniya. “Gising ka na pala…” sabi nito sa kaniya. Hindi naman siya sumagot at pagkatapos ay tumihaya.“Kailan tayo makakalabas?” tanong niya rito. Dahil narito na si Pierce ay naniniwala siya na hindi siya nito pababayaan ay ililigtas siya nito mula doon.“Hindi ko pa alam. Baka bukas o mamaya.” mahinang sagot naman nito sa kaniya.“Bakit?” mahina niya rin namang tanong dito.Bumuntong-hininga ito bago nito ibinuka ang bibig. “Sa lugar na ito ay hindi basta-basta lumalabas ang mga pumapasok dito dahil kailangan pa nila ng ilang araw. Isa pa ay hindi ganun kadali na maglabas ng isang babae mula rito. Kailangan munang makipag-usap sa pinaka boss ng organisasyon.” sabi nito sa kaniya.Ang kailangang kausapin ay wala doon dahil ang sabi ng nakausap nila ay baka ngayong gabi o bukas pa ito darating doon. Dahil nag-aalala si Pierce sa kaligtasan ni Serene ay maaga siyan
NANG MAPANSIN NI PIERCE na tahimik na at wala ng paggalaw sa may kama ay napangiti na lang siya sa galit niya. Basta na lang itong tumalikod sa kaniya at natulog. Napakagaling talaga nito. Tumayo siya at lumapit dito at pagkatapos ay tiningnan kung may sugat ito ngunit mukhang wala naman. Naalala niya pa nang mabalitaan niya na namatay ito dahil sa aksidente noong araw na iyon kung saan ay halos mapunit ang puso niya. Ngunit mabuti na lang at nilabanan niya iyon at ngayon nga ay nasa harap na niya ito.“Wala ka talagang puso.” inis na bulong niya rito at pagkatapos ay hinaplos ang pisngi nito. Napabuntung-hininga na lang siya bago tumayo mula doon.SAMANTALA nang muli namang magising si Serene ay madilim na ang buong silid. Dahil dito ay agad niyang ibinuka ang kanyang bibig upang hanapin si Pierce ngunit walang sumagot sa kanyang pagtawag. Nanatiling tahimik pa rin ang loob ng silid. Dahil dito ay agad na kumabog ng malakas ang dibdib ni Serene at pakiramdam niya ay para bang naiwan
NAPAKAGAT-LABI SI SERENE. “Pero noon ay pumunta ka sa ibang bansa para puntahan siya at ang usapan niyo sa cellphone, at noong lasing ka narinig ko mula sa pintuan, tinatawag mo siya.” sabi niya rito.Naalala niya pa ang araw na iyon. Lasing na lasing ito at ibinilin sa kaniya ni Liam na ipainom niya rito ang kape para mabawasan ang pagkakalasing nito.Nang marinig naman ni Pierce ang sinabi nito ay bigla siyang napakunot noo at pilit na inalala ang sinasabi nito. Ilang sandali pa ay natawa na lang siya. “Binanggit ko ang pangalan niya dahil may kausap ako noon. Ibinalita kasi nila sa akin na bumubuti na raw ang lagay niya.” sabi niya rito.Hindi naman inaasahan ni Serene na mali lang pala ang rinig niya. Hindi niya naman kasi nakita ito noon na may kausap pala kundi narinig niya lang mula sa labas ng pinto. “Iyon ba ang dahilan? Ano ka ba naman. Dahil lang doon ay iniisip mo nang mahal na mahal ko siya?” tanong nito sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita. Ilang sandali pa ay bigla na l
DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Serene ang kanyang mga mata. Nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagkahilo niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay doon niya nalaman na naka-swero pala siya at doon nag-sink in sa kaniya ang lahat. Habang magkayakap sila ni Pierce ay bigla na lang umikot ang paningin niya. At sa mga oras na iyon ay nasa ospital siya pero nang igala niya ang kanyang paningin ay wala naman siyang kasama doon kundi tanging siya lang mag-isa.Nasaan si Pierce? Bakit wala ito sa tabi niya? Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang lahat ng mga nangyari kanina, kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon ngunit nang itaas naman niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang singsing na isinuot sa kaniya ni Pierce kung saan ay nasiguro niya na hindi nga iyon panaginip kundi totoong nangyari iyon. Ang hindi lang niya maiwasang isipin ay kung nasaan ito. Dahan-dahan siyang umupo sa k
NAPANGITI SI PIERCE SA kanyang ama na may panunuya ang mga mata. “Noon pa man ay niloko mo na ang ina ko kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga yan.” malamig na sabi niya rito at pagkasabi niya nito ay dali-dali siyang tumalikod upang umalis na doon.“Tumigil ka!” galit na sigaw ni Andrei sa kaniya ngunit nagbingi-bingihan si Pierce sa tawag ng kanyang ama ay hindi tumigil sa kanyang paglalakad.Sa gilid ay agad naman na nagdilim ang mukha ni Nicole dahil talaga ba na aalis ito ay iiwan siya doon na mag-isa para pagtawanan ng lahat? Hindi niya maiwasang maikuyom ang kanyang mga mata. Dahil sa labis naman na galit ni Andrei ay biglang nagsikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Sa sumunod na segundo ay bigla siyang bumagsak sa sahig.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Andrei at dali-daling nilapitan ito upang tulungan at kargahin upang dalhin sa ospital. Ang isang tauhan nito ay binalingan ni Nicole. “Sundan mo si Pierce at sabihin mo na bumalik siya.” utos niya ri
BIGLA NAMANG NAPUNO ng panunuya ang mga mata ni Pierce anng marinig niya ang usapan ng mga ito. “Status lang ang hiningi niya kaya pumayag ako. Pero ang totoo ay gusto mo rin talagang pakasalan ako hindi ba?” tanong ni Pierce kay Nicole.Nakita niyang natigilan si Nicole ngunit mabilis na nagsalita ang kanyang ama. “Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na yan. Ang importante ay ang makapagbihis ka na muna.” sabi nito sa kaniya.“Hindi na kailangan pang ipagpaliban pa, pag-usapan na natin ngayon.” sabi niya rito. Ipinikit ni Pierce ang kanyang mga mata at naging malamig ang ekspresyon. “Kahit na maging mag-asawa kaming dalawa at magkaroon ng anak, sa tingin niyo ba ay mabubuhay ang bata at ipapanganak niya?” tanong niya sa mga ito.Nang marinig ni Nicole ang bagay na iyon ay namutla nag kanyang mukha. Ang mukha din ni Andrei ay naging madilim at naging marahas ang paghinga dahil samatinding galit. “Hindi niyo ba alam na kahit makabuo kami ay ipapalaglag at ipapalaglag niy
PINAPUNTA SIYA NG KANYANG ama sa isang hotel kung saan ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Pagkapasok niya pa lang sa punction hall ay agad niyang nakita na napapalamutian ang buong paligid. Dahil dito ay agad na kumunot ang kanyang noo at napuno ng pagkalito. Sa sumunot na segundo ay nakita niya ang mga salitang Engagement na nakalagay sa malaking electronic screen sa gitna ng stage.Hindi nagtagal ay dahan-dahang umakyat si Nicole ng stage habang nakaupo sa electric wheelchair nito at pagkatapos ay tumingin sa kaniya ng puno ng pagmamahal na naging dahilan para magdilim ang kanyang mukha. Nilingon niya si Liam na nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon. “Anong nangyayari?” naguguluhang tanong niya rito.Nakita niya naman ang pagpapawis ng noo nito at mukhang kinakabahang tumingin sa kaniya. Napalunok si Liam nang makita ang madilim na mukha ng kanyang amo. Hindi ba nito alam kung ano nangyayari at kung bakit sila naroon? Paano nangyari na hindi nito alam kung isa ito sa mga pang
ILANG MINUTO DIN sa labas si Serene bago siya bumalik sa silid ni Pierce. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong bihis na. Puno ng pagtataka at pag-aalala ay agad niya itong nilapitan. “Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Bigla niya tuloy naalala ang tawag kanina at dahil doon ay hindi niya namalayang nakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang puso. “Saan ka pupunta?” tanong niya ulit dito nang hindi ito sumagot sa unang tanong niya kanina.“Well, pinapatawag ako ni DAd.” sagot nito sa kaniya na bigla niyang ikinatigas bigla. Naisip niya bigla ang petsa kung kailan nila dapat kuhanin ang sertipiko at may ilang araw na lang ang nalalabi. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pagkatapos ay biglang nagtanong.“Gusto mo bang makipaghiwalay?” tanong niya rito at hindi ito sumagot sa kaniya. Malalim lang itong nakatingin sa kanyang mga mata at ang pananahimik nito ay malinaw ng sagot sa kaniya. Napakuyom ang kanyang mga palad. B
NANG NASA IBANG BANSA pa sila ay naunang nagising si Pierce kaysa kay Serene kung saan ay nanatili itong tulog marahil sa matinding panghihina. Dahil nga sa wala namang nakitang problema sa pagsusuri kay Serene ay agad niyang ipinaayos ang lahat at sumakay sila sa isang helicopter upang makauwi sa bansa para doon na rin tuluyang magpagaling.Pagdating nila doon ay muli niyang ipinasuri si Serene kung saan ay naging pareho lang din naman ang lumabas na resulta at nanatili pa rin itong tulog sa sumunod na araw na para bang nag-iipon ng lakas nito. Maharil ay talagang matindi ang kanyang pinagdaanan kung kayat mas lalo pang tumindi ang galit na naramdaman niya sa lalaking iyon.Ilang sandali pa ay yumakap si Serene kay Pierce nang marinig niya ang sinabi nito kung paano sila nakauwi ngunit pagkasandal niya sa dibdib nito ay may naalala siya kung kaya ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya at tumingin dito. “Si Mike? Nasaan siya? Patay na ba siya?” tanong niya rito.Umiling si
NAKATITIG PA RIN ANG nurse sa kaniya na puno ng pakikisimpatya ang mga mata. “Makakapagpahinga na siya…” sabi ng nurse sa kaniya.“Hindi, hindi iyon. Ilang taon na siya?” tanong niya rito.“Mag-iisang daan.” sagot naman nito at medyo natakot ang nurse dahil baka nagkamali siya ng pagsabi kung ilang taon na ito kaya muli niyang dinampot ang record niya at chineck ito. “Tama nga ako.” sabi nitong muli pagkaraan ng ilang sandali.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Ibig sabihin ay hindi pa patay si Pierce at nagkamali lang siya. Sa mga oras na iyon ay isang malamig na boses ng isang lalaki ang nagmula sa likuran niya. “Serene.” tawag nito sa kaniya at ang boses nito ay pamilyar na pamilyar sa kaniya.Dahil dito ay dahan-dahang lumingon si Serene at doon nga niya nakita ang isang lalaki na nakasuot ng isang hospital gown sa likod niya at nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa kaniya na may madilim na mga mata. “Anong ginagawa mo diyan? At bakit umiiyak ka?”
SA ISANG IGLAP AY napuno siya ng pangamba nang makita niya itong nakatayo doon. Anong ginagawa pa nito doon? Nababaliw na ba ito? Anong magagawa nito mag-isa laban sa napakaraming tauhan ni Mike? Wala!Ilang sandali pa ay biglang napuno ng ilaw ang dibdib nito na kulay pula galing sa mga baril ng mga tauhan ni Mike dahilan para labis siyang kabahan. Ang mukha ni Pierce ay walang katakot takot habang nakatingin sa kaniya.Samantala, tuwang-tuwa naman si Mike habang nakatingin kay Pierce at hindi na nag-isip pa at pagkatapos ay mabilis na itinaas ang kanyang kamay upang mag-utos na paputukan ito ng baril ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay bigla na lang may dumagundong mula sa itaas kaya napatingala siya ng wala sa oras at doon niya nga nakita ang ilang helicopter mula sa itaas at sa sumunod na segundo ay nagpaulan ang mga ito ng bala.Dahil sa pagkabigla ay halos mamanhid ang mga tenga ni Serene at puno ng pagkalito ang kanyang isip. Sa gitna ng pag-ulan ng mga bala ay
NAPUNO NG PAWIS ang noo ng driver. “What should we do now sir?” kabadong tanong nito."He doesn't dare to blow up the bridge. If it blows up, he won't be able to stay in any country, especially here." sagot ni Pierce sa driver ng sasakyan.Binalingan ni Pierce si Serene. “Huwag kang magpaloko sa panggigipit niya. Magtiwala ka sa akin.” sabi niya at hinalikan ang noo nito.Hindi naman maiwasang mapatitig ni Serene sa mukha ni Pierce kung saan ay pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha ngunit ang kanyang boses ay biglang gumaralgal. “Naniniwala ako sayo Pierce… naniniwala ako…” sabi niya ngunit sa kabila nun ay iba ang iniisip niya. Hindi na niya kayang masaktan pa ito ng dahil lang sa kaniya. Napakarami na nitong ginawa.Ilang sandali pa ay nagdilim ang mga mata nito. “Hindi kita papayagang sumama sa kaniya!” mariing sabi nito at ang kanyang mga mata ay halos mag-apoy. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa sumunod na segundo ay agad niyang sin