NAPAKAGAT-LABI SI SERENE. “Pero noon ay pumunta ka sa ibang bansa para puntahan siya at ang usapan niyo sa cellphone, at noong lasing ka narinig ko mula sa pintuan, tinatawag mo siya.” sabi niya rito.Naalala niya pa ang araw na iyon. Lasing na lasing ito at ibinilin sa kaniya ni Liam na ipainom niya rito ang kape para mabawasan ang pagkakalasing nito.Nang marinig naman ni Pierce ang sinabi nito ay bigla siyang napakunot noo at pilit na inalala ang sinasabi nito. Ilang sandali pa ay natawa na lang siya. “Binanggit ko ang pangalan niya dahil may kausap ako noon. Ibinalita kasi nila sa akin na bumubuti na raw ang lagay niya.” sabi niya rito.Hindi naman inaasahan ni Serene na mali lang pala ang rinig niya. Hindi niya naman kasi nakita ito noon na may kausap pala kundi narinig niya lang mula sa labas ng pinto. “Iyon ba ang dahilan? Ano ka ba naman. Dahil lang doon ay iniisip mo nang mahal na mahal ko siya?” tanong nito sa kaniya. Hindi siya nakapagsalita. Ilang sandali pa ay bigla na l
NAKARAMDAM NAMAN SI SERENE ng hindi maipaliwanag na damdamin sa kanyang puso. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na mukhang totoo nga ang sinabi nito na namiss siya nito at talagang pinuntahan pa siya nito sa unit nito. Idagdag pa na paano na lang kung naniwala ito na namatay siya sa aksidenteng iyon baka wala na ito sa harap niya ngayon para iligtas siya. Ilang sandali pa ay naaala niya ang sinabi nito kanina. “Anong sabi mo? First time mo rin?” hindi makapaniwalang tanong niya rito.“Bakit? Hindi ba halata?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na napalunok si Serene. “Kaya pala…” mahinang sabi niya rito.Napataas naman ang kilay ni Pierce nang marinig niya ang sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo na kaya pala?”Napakagat labi naman si Serene at puno ng pag-aalinlangan na sumagot. “Kaya pala sobrang sakit niya.” mahinang bulong niya rito. “Hindi ka pala marunong.” dagdag pa niya.Ang gwapong mukha naman ni Pierce ay biglang nagdilim dahil sa sinabi niya at pagkatapos ay h
NAPAKATAHIMIK NANG GABI at mahigpit na nakahawak si Serene sa braso ni Pierce nang mga oras na iyon. Paglabas nila sa kanilang silid ay may mga nakasalubong silang parehas ang suot sa kanila. Ang mga lalaki ay nakasuot ng kulay itim na suit at maskara na kulay itim din samantalang ang mga babae naman ay nakasuot ng kulay puting dress at puting maskara rin.Bagamat nakamaskara silang dalawa ay hindi pa rin maipagkakaila na sila iyon lalo na kung pamilyar ang makakakita sa kanila. Ngunit ang kanilang mga pigura ay nakakuha ng atensyon lalo pa ang napakaganda ng hubog ng katawan niya. Nagpapasalamat na lang din siya sa maskara dahil doon ay hindi siya makikilala ng iba na siya ang babaeng nakatakas ilang araw na ang nakakaraan. Ilang sandali pa ay biglang may isang matabang lalaki na naka-maskara rin at pagkatapos ay itinuro siya ng hindi sinasadya. “What is your number?” tanong nito sa kaniya.Ang mga babae kasi na ipinapasok doon ay may kaniya-kanyang number at kapag natapos na ang may-
NANG MARINIG ito ni Serene ay agad na namutla ang kanyang mukha. Sa kabila nito ay hinawakan naman ng mahigpit ni Pierce ang kamay niya at sinabi sa malalim na boses. “Hindi. Hindi ko siya isusuko sa kanila.” mabilis na sabi nito.“Pero siya ang target ng mga tao dito at halos lahat sila ay regular customer ng lugar na ito.” sabi ng contact at ang tinutukoy ay ang ilang lalaking lumapit sa kanila. Habang nag-uusap sila ni Pierce ay mas lalo pa namang dumami ang mga lalaking lumapit sa kanila.Hindi na nila pinansin pa si Xixi na nakahandusay na sa sahig ng mga oras na iyon dahil ang kanilang mga atensyon ay na kay Serene na. Ang mga lalaking nagsilapitan sa kanila ay mabangis na nagsingiti at nagsasalita ng banyagang salita.Ilang sandali pa ay bigla na lang may isang lalaki na iniunat ang kamay upang hilahin siya ngunit mabilis siyang inilagay ni Pierce sa likod nito. “Don’t you ever touch her!” mariing sigaw ni Pierce habang nagtatagis ang mga bagang. Dahil doon ay natahimik ang lah
NANG MARINIG NI PIERCE ang sinabi ng contact nila ay hindi niya maiwasang mapaisip at magtanong. “Ang boss ba ng lugar na iyon ay may kaugnayan sa FS Group?” tanong niya rito.Agad naman itong sumagot. “Hindi ko alam ang direktang koneksyon niya doon pero sa pagkakaalam ko ay marami siyang mga ari-arian sa ibat-ibang mga bansa.” sabi nito.Dati nang inimbestigahan ni Pierce ang insidente tungkol sa pagiging agresibo noon ni Sharmaine kung saan ay nalaman niya na ang gamot na itinurok dito ay may kaugnayan sa FS Group. Hindi niya maiwasang isipin na may koneksyon ang boss ng Imperial Palace sa FS Group. Ngunit ang boss sa lugar na iyon ay hindi ganun kadaling hanapin dahil ang sabi-sabi ay iilang tao lang ang nakakakilala sa tunay nitong mukha.Ilang sandali pa ay napabuntung-hininga ang contact nila at seryosong nagsalita. “Hindi kayo dapat makampante dahil sa koneksyon ng taong iyon ay tiyak na hindi niya kayo hahayaang makalabas ng bansa. Hahabulin at hahabulin niya kayo kaya dapat
HALOS MAUNTOG si Serene kay Pierce nang bigla na lang ulit magpreno ang driver. Ilang sandali pa ay narinig na nila ang kinakabahang tinig ng contact person nila. “May humarang sa daan!” sigaw nito.Biglang napatingin sina Pierce at Serene sa may harapan nila at doon nga nila nakita ang isang sasakyan na humarang sa harapan nila at sa isang sulyap ay agad na nakilala ni Serene ang sasakyan na iyon. Iyon ang gamit ng mga tauhan sa lugar na tinakasan niya! Bigla siyang napakuyom ng kanyang kamay at ilang sandali pa ay bumaba mula sa sasakyan ang isang lalaki na sa isang sulyap ay agad na niyang nakilala na si Mike pala.Ang sinasakyan nila ay kasalukuyang nahinto sa kalagitnaan ng tulay kung saan ay walang gaanong dumadaan. Doon niya napansin na hindi lang pala iisang sasakyan ang humarang sa daan nila kundi tatlo at napakaraming mga tauhan ni Mike ang bumaba sa mga sasakyan na may dalang ibat-ibang mga baril.Hindi naman nagpahuli ang driver ng sasakyan at mabilis na naglabas ng baril
NAPUNO NG PAWIS ang noo ng driver. “What should we do now sir?” kabadong tanong nito."He doesn't dare to blow up the bridge. If it blows up, he won't be able to stay in any country, especially here." sagot ni Pierce sa driver ng sasakyan.Binalingan ni Pierce si Serene. “Huwag kang magpaloko sa panggigipit niya. Magtiwala ka sa akin.” sabi niya at hinalikan ang noo nito.Hindi naman maiwasang mapatitig ni Serene sa mukha ni Pierce kung saan ay pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha ngunit ang kanyang boses ay biglang gumaralgal. “Naniniwala ako sayo Pierce… naniniwala ako…” sabi niya ngunit sa kabila nun ay iba ang iniisip niya. Hindi na niya kayang masaktan pa ito ng dahil lang sa kaniya. Napakarami na nitong ginawa.Ilang sandali pa ay nagdilim ang mga mata nito. “Hindi kita papayagang sumama sa kaniya!” mariing sabi nito at ang kanyang mga mata ay halos mag-apoy. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa sumunod na segundo ay agad niyang sin
SA ISANG IGLAP AY napuno siya ng pangamba nang makita niya itong nakatayo doon. Anong ginagawa pa nito doon? Nababaliw na ba ito? Anong magagawa nito mag-isa laban sa napakaraming tauhan ni Mike? Wala!Ilang sandali pa ay biglang napuno ng ilaw ang dibdib nito na kulay pula galing sa mga baril ng mga tauhan ni Mike dahilan para labis siyang kabahan. Ang mukha ni Pierce ay walang katakot takot habang nakatingin sa kaniya.Samantala, tuwang-tuwa naman si Mike habang nakatingin kay Pierce at hindi na nag-isip pa at pagkatapos ay mabilis na itinaas ang kanyang kamay upang mag-utos na paputukan ito ng baril ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay bigla na lang may dumagundong mula sa itaas kaya napatingala siya ng wala sa oras at doon niya nga nakita ang ilang helicopter mula sa itaas at sa sumunod na segundo ay nagpaulan ang mga ito ng bala.Dahil sa pagkabigla ay halos mamanhid ang mga tenga ni Serene at puno ng pagkalito ang kanyang isip. Sa gitna ng pag-ulan ng mga bala ay
DAHAN-DAHANG IMINULAT NI Serene ang kanyang mga mata. Nang mga oras na iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang pagkahilo niya. Iginala niya ang kanyang paningin sa paligid at puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nang itaas niya ang kanyang kamay ay doon niya nalaman na naka-swero pala siya at doon nag-sink in sa kaniya ang lahat. Habang magkayakap sila ni Pierce ay bigla na lang umikot ang paningin niya. At sa mga oras na iyon ay nasa ospital siya pero nang igala niya ang kanyang paningin ay wala naman siyang kasama doon kundi tanging siya lang mag-isa.Nasaan si Pierce? Bakit wala ito sa tabi niya? Hindi niya tuloy maiwasang isipin ang lahat ng mga nangyari kanina, kung panaginip lang ba ang lahat ng iyon ngunit nang itaas naman niya ang kanyang kamay ay nakita niya doon ang singsing na isinuot sa kaniya ni Pierce kung saan ay nasiguro niya na hindi nga iyon panaginip kundi totoong nangyari iyon. Ang hindi lang niya maiwasang isipin ay kung nasaan ito. Dahan-dahan siyang umupo sa k
NAPANGITI SI PIERCE SA kanyang ama na may panunuya ang mga mata. “Noon pa man ay niloko mo na ang ina ko kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga yan.” malamig na sabi niya rito at pagkasabi niya nito ay dali-dali siyang tumalikod upang umalis na doon.“Tumigil ka!” galit na sigaw ni Andrei sa kaniya ngunit nagbingi-bingihan si Pierce sa tawag ng kanyang ama ay hindi tumigil sa kanyang paglalakad.Sa gilid ay agad naman na nagdilim ang mukha ni Nicole dahil talaga ba na aalis ito ay iiwan siya doon na mag-isa para pagtawanan ng lahat? Hindi niya maiwasang maikuyom ang kanyang mga mata. Dahil sa labis naman na galit ni Andrei ay biglang nagsikip ang dibdib niya at nahirapan siyang huminga. Sa sumunod na segundo ay bigla siyang bumagsak sa sahig.Gulat na gulat ang mga tauhan ni Andrei at dali-daling nilapitan ito upang tulungan at kargahin upang dalhin sa ospital. Ang isang tauhan nito ay binalingan ni Nicole. “Sundan mo si Pierce at sabihin mo na bumalik siya.” utos niya ri
BIGLA NAMANG NAPUNO ng panunuya ang mga mata ni Pierce anng marinig niya ang usapan ng mga ito. “Status lang ang hiningi niya kaya pumayag ako. Pero ang totoo ay gusto mo rin talagang pakasalan ako hindi ba?” tanong ni Pierce kay Nicole.Nakita niyang natigilan si Nicole ngunit mabilis na nagsalita ang kanyang ama. “Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na yan. Ang importante ay ang makapagbihis ka na muna.” sabi nito sa kaniya.“Hindi na kailangan pang ipagpaliban pa, pag-usapan na natin ngayon.” sabi niya rito. Ipinikit ni Pierce ang kanyang mga mata at naging malamig ang ekspresyon. “Kahit na maging mag-asawa kaming dalawa at magkaroon ng anak, sa tingin niyo ba ay mabubuhay ang bata at ipapanganak niya?” tanong niya sa mga ito.Nang marinig ni Nicole ang bagay na iyon ay namutla nag kanyang mukha. Ang mukha din ni Andrei ay naging madilim at naging marahas ang paghinga dahil samatinding galit. “Hindi niyo ba alam na kahit makabuo kami ay ipapalaglag at ipapalaglag niy
PINAPUNTA SIYA NG KANYANG ama sa isang hotel kung saan ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Pagkapasok niya pa lang sa punction hall ay agad niyang nakita na napapalamutian ang buong paligid. Dahil dito ay agad na kumunot ang kanyang noo at napuno ng pagkalito. Sa sumunot na segundo ay nakita niya ang mga salitang Engagement na nakalagay sa malaking electronic screen sa gitna ng stage.Hindi nagtagal ay dahan-dahang umakyat si Nicole ng stage habang nakaupo sa electric wheelchair nito at pagkatapos ay tumingin sa kaniya ng puno ng pagmamahal na naging dahilan para magdilim ang kanyang mukha. Nilingon niya si Liam na nakatayo sa tabi niya ng mga oras na iyon. “Anong nangyayari?” naguguluhang tanong niya rito.Nakita niya naman ang pagpapawis ng noo nito at mukhang kinakabahang tumingin sa kaniya. Napalunok si Liam nang makita ang madilim na mukha ng kanyang amo. Hindi ba nito alam kung ano nangyayari at kung bakit sila naroon? Paano nangyari na hindi nito alam kung isa ito sa mga pang
ILANG MINUTO DIN sa labas si Serene bago siya bumalik sa silid ni Pierce. Pagkapasok niya ay naabutan niya itong bihis na. Puno ng pagtataka at pag-aalala ay agad niya itong nilapitan. “Anong ibig sabihin nito? Saan ka pupunta? Hindi ka pa magaling?” tuloy-tuloy na tanong niya rito.Bigla niya tuloy naalala ang tawag kanina at dahil doon ay hindi niya namalayang nakaramdam ng pagkabalisa sa kanyang puso. “Saan ka pupunta?” tanong niya ulit dito nang hindi ito sumagot sa unang tanong niya kanina.“Well, pinapatawag ako ni DAd.” sagot nito sa kaniya na bigla niyang ikinatigas bigla. Naisip niya bigla ang petsa kung kailan nila dapat kuhanin ang sertipiko at may ilang araw na lang ang nalalabi. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili at pagkatapos ay biglang nagtanong.“Gusto mo bang makipaghiwalay?” tanong niya rito at hindi ito sumagot sa kaniya. Malalim lang itong nakatingin sa kanyang mga mata at ang pananahimik nito ay malinaw ng sagot sa kaniya. Napakuyom ang kanyang mga palad. B
NANG NASA IBANG BANSA pa sila ay naunang nagising si Pierce kaysa kay Serene kung saan ay nanatili itong tulog marahil sa matinding panghihina. Dahil nga sa wala namang nakitang problema sa pagsusuri kay Serene ay agad niyang ipinaayos ang lahat at sumakay sila sa isang helicopter upang makauwi sa bansa para doon na rin tuluyang magpagaling.Pagdating nila doon ay muli niyang ipinasuri si Serene kung saan ay naging pareho lang din naman ang lumabas na resulta at nanatili pa rin itong tulog sa sumunod na araw na para bang nag-iipon ng lakas nito. Maharil ay talagang matindi ang kanyang pinagdaanan kung kayat mas lalo pang tumindi ang galit na naramdaman niya sa lalaking iyon.Ilang sandali pa ay yumakap si Serene kay Pierce nang marinig niya ang sinabi nito kung paano sila nakauwi ngunit pagkasandal niya sa dibdib nito ay may naalala siya kung kaya ay bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya at tumingin dito. “Si Mike? Nasaan siya? Patay na ba siya?” tanong niya rito.Umiling si
NAKATITIG PA RIN ANG nurse sa kaniya na puno ng pakikisimpatya ang mga mata. “Makakapagpahinga na siya…” sabi ng nurse sa kaniya.“Hindi, hindi iyon. Ilang taon na siya?” tanong niya rito.“Mag-iisang daan.” sagot naman nito at medyo natakot ang nurse dahil baka nagkamali siya ng pagsabi kung ilang taon na ito kaya muli niyang dinampot ang record niya at chineck ito. “Tama nga ako.” sabi nitong muli pagkaraan ng ilang sandali.Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng mga oras na iyon. Ibig sabihin ay hindi pa patay si Pierce at nagkamali lang siya. Sa mga oras na iyon ay isang malamig na boses ng isang lalaki ang nagmula sa likuran niya. “Serene.” tawag nito sa kaniya at ang boses nito ay pamilyar na pamilyar sa kaniya.Dahil dito ay dahan-dahang lumingon si Serene at doon nga niya nakita ang isang lalaki na nakasuot ng isang hospital gown sa likod niya at nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa kaniya na may madilim na mga mata. “Anong ginagawa mo diyan? At bakit umiiyak ka?”
SA ISANG IGLAP AY napuno siya ng pangamba nang makita niya itong nakatayo doon. Anong ginagawa pa nito doon? Nababaliw na ba ito? Anong magagawa nito mag-isa laban sa napakaraming tauhan ni Mike? Wala!Ilang sandali pa ay biglang napuno ng ilaw ang dibdib nito na kulay pula galing sa mga baril ng mga tauhan ni Mike dahilan para labis siyang kabahan. Ang mukha ni Pierce ay walang katakot takot habang nakatingin sa kaniya.Samantala, tuwang-tuwa naman si Mike habang nakatingin kay Pierce at hindi na nag-isip pa at pagkatapos ay mabilis na itinaas ang kanyang kamay upang mag-utos na paputukan ito ng baril ngunit bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig ay bigla na lang may dumagundong mula sa itaas kaya napatingala siya ng wala sa oras at doon niya nga nakita ang ilang helicopter mula sa itaas at sa sumunod na segundo ay nagpaulan ang mga ito ng bala.Dahil sa pagkabigla ay halos mamanhid ang mga tenga ni Serene at puno ng pagkalito ang kanyang isip. Sa gitna ng pag-ulan ng mga bala ay
NAPUNO NG PAWIS ang noo ng driver. “What should we do now sir?” kabadong tanong nito."He doesn't dare to blow up the bridge. If it blows up, he won't be able to stay in any country, especially here." sagot ni Pierce sa driver ng sasakyan.Binalingan ni Pierce si Serene. “Huwag kang magpaloko sa panggigipit niya. Magtiwala ka sa akin.” sabi niya at hinalikan ang noo nito.Hindi naman maiwasang mapatitig ni Serene sa mukha ni Pierce kung saan ay pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha ngunit ang kanyang boses ay biglang gumaralgal. “Naniniwala ako sayo Pierce… naniniwala ako…” sabi niya ngunit sa kabila nun ay iba ang iniisip niya. Hindi na niya kayang masaktan pa ito ng dahil lang sa kaniya. Napakarami na nitong ginawa.Ilang sandali pa ay nagdilim ang mga mata nito. “Hindi kita papayagang sumama sa kaniya!” mariing sabi nito at ang kanyang mga mata ay halos mag-apoy. Hindi niya tuloy maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa kanyang puso.Sa sumunod na segundo ay agad niyang sin