Chapter one AMARA “Oh, ayan. Malinis at mas lalo na rin kayong gumaganda.” Napangiti ako habang pinagmasdan ang mga iba’t-ibang uri ng mga bulaklak. Natapos ko na silang kunan ng mga patay na dahon at ang iba kinu-cultivate ko na rin ang lupa. Napakalawak at napakaganda ng hardin ng mga Monterde. Narito ang iba’t -ibang klase ng mga orchids, rose at marami pang iba. Noon pa man mahilig na talaga ako sa mga tanim kaya kapag walang klase, sasama ako kay lola Olivia rito sa mansiyon. Hindi pa man gaano sumisikat ang araw tagaktak na ang pawis ko. Pero walang pakialam kong pinahid gamit ang aking braso. Sabado ngayon walang pasok kaya alas singko pa lang nandito na kami ni lola sa mansiyon. Taga luto ang lola ko sa malaking bahay na ito. Samantalang ako naman itong hardin talaga ang inaalagaan ko. Tinanggal ko ang suot kong goma na gloves. Ito ang gamit ko para mga may tinik na halaman kagaya ng rosas. Tinungo ko ang maliit na mesang kahoy na nasa gitna ng hardin na pinaglagyan ko sa
Chapter 2AMARATahimik kami ni Senyorito Zach habang lulan sa kanyang sasakyan pabalik ng Maynila. Naka steady lang ang mukha kong napabaling sa bintana ng sasakyan at lihim na ipinahid ang aking mga luhang nagsilaglagan. Ngayon pa lang nasasabik na ako kay Lola Olivia. Gusto kong sabihin sa aking amo na babalik na lang ako ng mansiyon, pero malayo-layo na rin ang itinakbo ng sasakyan kaya nanahimik na lang ako baka magalit pa ang senyorito.Hindi ko maiwasan ang malungkot lalo pa't nakita ko ang mahal kong lola na lumuluha.“Mag-iingat ka, Apo. Huwag mong pabayaan ang sarili mo,”Lalong bumulusok ang aking mga luha habang niyakap ko si Lola at nagpapaalam sa kanya kanina. Ito ang kauna-unahang pagkakataon malayo ako sa kanya. Nagtatalo ang kalooban ko kung tutuloy pa ba ako. Nag-aalala ako sa kanya ngunit naka, Oo, na rin ako kay Donya
Chapter 3ZACH“Dude, bakit hindi mo man lang sinsabi sa akin na may maganda ka pa lang kasama rito. Eh, ’di sana may rasun na akong araw-arawin ang pagdalaw sa iyo.” Kakarating ko lang galing opisina pero si Japeth agad ang nabungaran ko.Napagatla ako sa aking noo sa aking narinig.“Who told you na puwede kang pumunta rito? Hindi ko kailangan ang presensiya mo,” hindi ko mapigilan ang hindi mainis. I don't understand myself, ayaw ko sa ideyang may ibang lalaking nakakasalamuha si Amara.“Woah! Com'on, Dude. Kaibigan mo ako kaya bakit hindi naman puwede ang dalawin kita sa pamamahay mo? Lalo na ngayon na may magandang dilag ka pala na kasama rito." Napasulyap ito kay Amara na kakalabas lang galing sa kusina na may bitbit na isang basong juice.“Senyorito, nandito na po pala kayo. Pinapasok ko na po si Sir Japeth sa loob. Kaibigan mo raw siya.” I really hate her for being so innocent. I k
CHAPTER FOUR/ Part oneZACHI CAN'T HELP my self falling for her. Sa bawat araw na lumipas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi naman ganito ang pakiramdam ko nang naging kami ni Rain. Siyempre masaya ako noon pero iba ang nararamdaman kong saya ngayon.I admitted, nasasaktan ako sa pag-alis at pang-iwan sa akin ni Rain lalo na when she turn down my marriage proposal to her. I’m hurt and mad dahil unang beses kong makatanggap ng rejection, she hit my ego as a man. 'Yong feeling na hindi pa ba ako sapat. All her want and needs binigay ko sa kaniya. Deserve ko ba talaga ang masaktan ? And I was so desperate that time wala na akong ibang babae na nakitang makasama at madadala sa altar. Matagal na kasi akong kinukulit ni lola Feli na mag-asawa. Pero ngayon nawala na ang bitterness ko. At masasabi kong naka move-on na ako totally my past relationship dahil kay Amara. Don't get me wrong, hindi ko siya ginawang panakip butas. It's so happened na nahulog ang loob ko sa kani
AMARAMARAHANG NAIPIKIT ko ang aking mga mata nang pabalibag nitong isinirado ang pinto. Naawa ako kay Japeth baka mapaano siya. Hindi ko alam kung bakit biglang naging lion itong si Sir Zach. Okay naman kami kaninang umaga. “Bi-bitawan mo ako, Sir Zach! Gagamutin ko si Ja— ” “Shut your fucking mouth, Amara! I don't want to hear that you sounds worry about him!” Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas. Gusto kong makawala sa mahigpit nitong pagkakahawak sa akin at matapang kong sinalubong ang kaniyang matalim na tingin sa akin. Wala akong pakialam kung palayasin niya ako rito sa kaniyang pamamahay. Hindi ko ma-attempt na iwan ang tao na sugatan dahil sa akin at sa bipolar na lalaking ito. “Ganyan ka ba talaga, ha? Wala namang ginawang masama iyong tao sa’yo. Basta ka na lang nanuntok!” Matapang kong asik sa kaniya. Itinabing ko siya at akmang bubuksan ko ang pintuan nang magsalita ulit ito.“Sige! If that's what you want. Lumabas ka! Wala na akong magagawa pa kung siya ang pinipili mo!
AMARANAGISING AKO dahil sa may humahalik sa labi ko. Ayaw ko pa sanang gumusing dahil maganda ang panaginip ko pero naalala ko na baka magalit si sir Zach sa akin. Ngunit ang guwapong mukha nito ang nabungaran ko nang imulat ko ang aking mga mata. Matamis itong nakangiti sa akin. Bahagya kong ikinusot ang aking mga mata. Ano’ng ginagawa niya rito? Nanlaki ang mata ko nang ginawaran ako ng halik sa aking labi. At shocks! Hindi naman pala panaginip ang nangyari sa amin. “Good morning, sweety. Breakfast in bed,” malambing nitong saad sa akin. Mas lalong nanlaki ng mata ko. Umaga na ba? Ganoon ba kahaba ang tulog ko hindi man lang ako nagising. Pero pakiramdam ko hapong-hapo pa rin ako. Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ako dahil sa hapdi ng aking bandang gitna. Makailang beses akong inangkin ni Zach. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.Napangiwi ako dahil sa sakit ng buong kong katawan nang akmang bumangon ako. Grabe! Para akong binugbog ng sampung tambay sa kant
AMARA“Hoy! Ano bang nginingiti-ngiti mo r’yan? Kanina ka pa nagmumukhang timang, best. At teka lang, ha. Bakit ang blooming mo ngayon? Siguro may boy friend ka na, ano? Amara magsasabi ka sa akin ng totoo?” Napasimangot ako sa sinabi ni Felicity sa akin. Kahit kailan panira talaga ng moment ang babaeng 'to.“Tumahimik ka nga r’yan. Ang ingay mo, best,” reklamo ko sa kaniya na hindi hinihiwalay ang tingin ko sa screen ng aking cellphone. Ka-text ko ngayon ang mahal ko. “Sweety, don’t forget to eat your lunch. Magagalit ako sa iyo kapag nagpapagutom ka. What do you want? Pupuntahan na lang kita mamaya para sabay na tayong mananghalian,” basa ko sa text ni Zach. Mabilis akong nagtipa ng reply sa kaniya. “Huwag na mahal, mapagod ka lang. Sa bahay na lang tayo sabay kumain. Ipagluluto kita ng paborito mong ulam.” Kaagad kong pinindot ang sent button. Maaga kaming makakauwi ngayon dahil wala ang aming professor sa last subject namin. Balak ko kasing magluto dahil first monthsary naming
FIVE YEARS LATERAMARAHINDI AKO MAPAKALI, maya't maya ang ginawa kong pagpunas ng basang bimpo sa katawan ng anak ko. Mabuti na lang at bumaba na ang lagnat nito. Hindi na ako masyadong mag-aalala. Napalingon ako sa mesa kung saan nakapatong ang aking cellphone dahil kanina pa ito nag-vibrate. Nagpatayo muna ako ng kamay bago ko sinagot.“Miss Amara, we have problem to our client. Iyong mansiyon sa Balamban Heights,” bungad sa akin ni Mary. Siya ang secretary ko. Naka-leave ako ngayon dahil may sakit ang anak ko. Si Mary muna ang bahala sa lahat. “Ano bang nangyari? Before ako nag-leave nagkaintindihan na kami ni Mrs. Garcia. She already agreed na si Tin at Levy muna ang gagawa. Besides, I already instructed them kung ano dapat nilang gagawin.”“Eh, hindi naman po si Mrs. Gracia ang nagreklamo, Miss Amara. 'Yon po ’yung nakabili ng mansiyon.”“What? I thought everything was clear.” I have sighed heavily. “Okay, get all her concerns and please make sure na maayos natin 'yan,” hind