Share

CHAPTER THREE

Chapter 3

ZACH

“Dude, bakit hindi mo man lang sinsabi sa akin na may maganda ka pa lang kasama rito. Eh, ’di sana may rasun na akong araw-arawin ang pagdalaw sa iyo.” Kakarating ko lang galing opisina pero si Japeth agad ang nabungaran ko.

Napagatla ako sa aking noo sa aking narinig. 

“Who told you na puwede kang pumunta rito? Hindi ko kailangan ang presensiya mo,” hindi ko mapigilan ang hindi mainis. I don't understand myself, ayaw ko sa ideyang may ibang lalaking nakakasalamuha si Amara.

“Woah! Com'on, Dude. Kaibigan mo ako kaya bakit hindi naman puwede ang dalawin kita sa pamamahay mo? Lalo na ngayon na may magandang dilag ka pala na kasama rito." Napasulyap ito kay Amara na kakalabas lang galing sa kusina na may bitbit na isang basong juice.

“Senyorito, nandito na po pala kayo. Pinapasok ko na po si Sir Japeth sa loob. Kaibigan mo raw siya.” I really hate her for being so innocent. I know Japeth, matalik ko siyang kaibigan kaya alam ko ang galawan nito pagdating sa mga babae. 

“Go! Lock yourself to your room and don't go outside if I don't say so!” Hindi ko makayanang itago ang inis ko. 

“Go!” muli kong utos sa kanya nang hindi ito nagpatinag sa sinasabi ko. Nagmadaling inilapag nito ang kanyang bitbit sa center table at kaagad pumasok sa kanyang silid. I let out a deep sigh. Napalingon ako kay Japeth nang muli itong magsalita.

“Relax, Dude. You scared her. She don't deserve to be treated like that." Lalong bumulusok ang inis ko dahil sa aking narinig. How dare him to dectate me  kung ano ang dapat kong gawin sa babaeng iyon. 

“Huwag mo akong pangaralan kung ano'ng dapat kong gawin,” He tapped at me on my shoulder. Muli akong napabuga ng hangin at napapikit ako sa aking mga mata baka hindi ako makapagpigil at masapak ko pa ito ng wala sa oras. Kahit kaibigan ko pa siya. Ngunit muli akong napamulat dahil sa sinabi nito.

“Alam mo kung hindi ko lang alam kung gaano mo kamahal si Rain. Isipin kong may gusto ka kay Amara.” Naiiling nitong saad sabay upo sa itim na couch. Sinamaan ko siya ng tingin. 

“Hindi ako katulad mo na walang sinasanto, Moron," saad ko sa kanya na ikinangisi nito. 

“But seriously, Dude. I think I'm inlove to Amara. I know she's different form others. Siya iyong tipo na babae na kailangan mong alagaan at protektahan. Tinamaan ako sa kanya, Dude," seryosos nitong sabi nito kaya hindi ko napigilang bantukan ito. 

“Tumigil ka diyan! Hindi bagay sa 'yo. Alam ko kung ano'ng history mo sa mga babae! And may I remind you. Kakakita mo pa lang sa kanya inlove agad?”

“I know, but this time seryoso na ako, Dude.  I think, I'm inlove. Kaya magpapaalam ako sa iyo naliligawan ko si Amara.”

“No! Hindi puwede! Ayaw ko!” biglang naibulalas ko na ikinakunot naman ng kanyang noo. 

“I'm her guardian, kaya responsibilidad ko siya. At ibinilin siya sa akin ni Lola Olivia. At isa pa  pag-aaral ang pinunta niya rito hindi pakikipag boyfriend.” depensa ko kay Japeth.

“Dude, hindi mo pa rin madidiktahan si Amara. Kung ano ang gusto niya.”

“Exactly, kaya ang gusto niya ang makapagtapos at hindi makipag boyfriend,” inis na tugon ko sa kanya.

Hindi na nagtagal si Japeth at pinaalis ko na ito. Alam kong ramdam niya ang inis ko but who cares, I don't allow him to court Amara. 

Pabalang kong isinarado ang pintuan na ikinaigtad nito.

“Senyorito, wala na po ba si Japeth?” 

“Japeth? First name basis, huh? Close na kayo agad? Ganyan ka ba kadali magtiwala ng isang tao? You don't even know him. Paano kong hindi ko pala siya totoong kaibigan at modus lang pala ang magpapanggap? Paano na lang kung ninanakawan ako and worst may ginawa siyang masama sa iyo!” Hindi ko mapigilan ang pagtaasan siya ng boses dahil sa it isgalit ko. 

"Pe-pero mukhang mabait naman po si Ja-. I mean sir Japeth," pangangatwiran nito na mas lalong ikina alburuto ko.

“Mukha lang! Amara, maraming ganyan na mukhang mabait pero demonyo pala ang loob. Paano kung may masamang nangyari it is sa iyo? Eh, ’di kargo de konsensiya pa kita,”  saad ko na nasa mababang boses. Nakonsensiya ako bigla sa ginagawa ko dahil nakita ko ang paglaglag ng kanyang mga luha. Kaya tinawid ko ang pagitan naming dalawa. Hinawakan ko ang kanyang baba at itinaas iyon upang magpantay ang aming paningin. 

Napanganga itong nakatingin sa akin na tila ba hindi makapaniwala. Pinahid ko ang kanyang basang pisngi gamit ang aking mga daliri. Hindi ko alam kung bakit may nag-udyok sa akin na yakapin siya ng mahigpit. Hindi ko maiintindihan ang aking sarili napakasarap sa pakiramdam ang mayakap siya ng ganito. Lahat ng pagod, stress at inis na naramdaman ko kanina ay biglang naglaho. Japeth is right, si Amara ang babaeng dapat alagaan at protektahan.

“Ah, Se-senyorito, hindi na po ako makahinga.” reklamo nito sa akin.

“Oh, I’m sorry. Nadala lang ako. But anyway magpahinga ka na lang muna diyan. Ako na ang bahalang magluto sa hapunan natin.”

“Po? Si-sigurado po ba kayo, Senyorito?” Namilog ang matang tugon nito. 

“Ofcourse, do I look I'm joking?” Natatawa kong tugon and I pinched her nose. Lihim akong natuwa nang biglang nag-blushed ito sa aking ginawa.

“Okay, stay here. Tatawagin na lang kita kapag tapos na ako.” Kaagad naman itong tumango sa mga tinuran ko. 

“Amara!” muling tawag ko sa kanya bago pa man maisara ko ang pinto.

“Huwag mo na itong ulitin, ha. I don’t want to see Japeth inside my house again  lalo pa't kayo lamang dalawa.”

Starting those days masaya ako dahil naging nagkalapit kami ni Amara. I asked her forgiveness sa mga inasta ko sa mga nakaraan. Inahatid sundo ko na rin siya sa kanyang paaralan which is hindi ko naman ito ginawa dati. 

But I know Japeth, hindi ito titigil hangga't hindi makuha ang kanyang gusto kahit hindi ko siya binigyan ng permiso.

Malayo pa lang tanaw ko ni si Amara nakatayo sa gate ng paaralan na may kasamang lalaki na alam kong kaklase nito. May bitnit itong boquet of red rosses. Hindi ko maiwasan ang magalit. Mahigpit akong napahawak sa manobela ng aking sasakyan. Madilim ang anyo kong umibis ng aking sasakyan.  I hate seeing her with another man and the idea na may ibang lalaki na namang umaali-aligid sa kanya.

Walang salitang hinapit ko ang kanyang baywang nang makalapit ako sa mga ito. Bahagya pa itong nagulat dahil sa aking ginawa. 

“Sino siya, Amara?” tanong ng kasama nitong lalaki.

“Ah, si Se-” 

“None of your business. Hindi mo kailangan malaman kung sino ako.” putol ko sa sasabihin ni Amara. Matalim na tingin ang ipunukol ko sa lalaki bago ko inakay papalayo si Amara.

“Te-teka lang, Senyorito. Hindi pa ako nakapagpaalam kay Randy.” Muling dumilim ang aking anyo. Mabilis ang mga hakbang ko papuntang sasakyan habang tangan ko si Amara. Pabalang kong binuksan ang front seat ng aking sasakyan at walang babalang kinarga ko ito papasok sa loob. 

“Bakit mo iyon, ginawa? Napakaraming taong nakakita, baka ano pa ang isipin nila!” bulyaw nito sa akin. 

“So what? Wala akong pakialam sa kanila. Bakit kinakahiya mo ba ako, Amara?" may pait sa tono ng aking boses sa tanong na iyon. Batid ko kasi na hindi niya nagustuhan ang aking ginawa. Napatingin ako hawak niyan bulaklak. Mabilis ko iyong nakuha sa kanyang kamay inihagis sa back seat. Maluha-luha nitong sinundan ng tingin ang boquet na hinagis ko na mas lalong ikinainit ng ulo ko.

“Bakit nanghihinayang ka ba sa bulaklak?”

“Hindi naman sa ganoon, Senyorito. Natutuwa lang ako kasi fisrt time kong may nagbigay ng bulaklak sa akin. At isa pa favorite ko po ang mga rosas,” paliwanag nito sa akin.

“Stop calling me, Senyorito. How many times do I have to tell you, just call my name and drop that stupid formality,” maawtoridad kong saad.

“Don't worry, kaya kong bumili kahit isang truck na mga rosas. Huwag ka ng manghihinayang sa bulaklak na bigay sa iyo ng dugyot na iyon.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
masyado Kang possissive Zach Kay Amara
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status