Chapter 2AMARATahimik kami ni Senyorito Zach habang lulan sa kanyang sasakyan pabalik ng Maynila. Naka steady lang ang mukha kong napabaling sa bintana ng sasakyan at lihim na ipinahid ang aking mga luhang nagsilaglagan. Ngayon pa lang nasasabik na ako kay Lola Olivia. Gusto kong sabihin sa aking amo na babalik na lang ako ng mansiyon, pero malayo-layo na rin ang itinakbo ng sasakyan kaya nanahimik na lang ako baka magalit pa ang senyorito.Hindi ko maiwasan ang malungkot lalo pa't nakita ko ang mahal kong lola na lumuluha.“Mag-iingat ka, Apo. Huwag mong pabayaan ang sarili mo,”Lalong bumulusok ang aking mga luha habang niyakap ko si Lola at nagpapaalam sa kanya kanina. Ito ang kauna-unahang pagkakataon malayo ako sa kanya. Nagtatalo ang kalooban ko kung tutuloy pa ba ako. Nag-aalala ako sa kanya ngunit naka, Oo, na rin ako kay Donya
Chapter 3ZACH“Dude, bakit hindi mo man lang sinsabi sa akin na may maganda ka pa lang kasama rito. Eh, ’di sana may rasun na akong araw-arawin ang pagdalaw sa iyo.” Kakarating ko lang galing opisina pero si Japeth agad ang nabungaran ko.Napagatla ako sa aking noo sa aking narinig.“Who told you na puwede kang pumunta rito? Hindi ko kailangan ang presensiya mo,” hindi ko mapigilan ang hindi mainis. I don't understand myself, ayaw ko sa ideyang may ibang lalaking nakakasalamuha si Amara.“Woah! Com'on, Dude. Kaibigan mo ako kaya bakit hindi naman puwede ang dalawin kita sa pamamahay mo? Lalo na ngayon na may magandang dilag ka pala na kasama rito." Napasulyap ito kay Amara na kakalabas lang galing sa kusina na may bitbit na isang basong juice.“Senyorito, nandito na po pala kayo. Pinapasok ko na po si Sir Japeth sa loob. Kaibigan mo raw siya.” I really hate her for being so innocent. I k
CHAPTER FOUR/ Part oneZACHI CAN'T HELP my self falling for her. Sa bawat araw na lumipas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi naman ganito ang pakiramdam ko nang naging kami ni Rain. Siyempre masaya ako noon pero iba ang nararamdaman kong saya ngayon.I admitted, nasasaktan ako sa pag-alis at pang-iwan sa akin ni Rain lalo na when she turn down my marriage proposal to her. I’m hurt and mad dahil unang beses kong makatanggap ng rejection, she hit my ego as a man. 'Yong feeling na hindi pa ba ako sapat. All her want and needs binigay ko sa kaniya. Deserve ko ba talaga ang masaktan ? And I was so desperate that time wala na akong ibang babae na nakitang makasama at madadala sa altar. Matagal na kasi akong kinukulit ni lola Feli na mag-asawa. Pero ngayon nawala na ang bitterness ko. At masasabi kong naka move-on na ako totally my past relationship dahil kay Amara. Don't get me wrong, hindi ko siya ginawang panakip butas. It's so happened na nahulog ang loob ko sa kani
AMARAMARAHANG NAIPIKIT ko ang aking mga mata nang pabalibag nitong isinirado ang pinto. Naawa ako kay Japeth baka mapaano siya. Hindi ko alam kung bakit biglang naging lion itong si Sir Zach. Okay naman kami kaninang umaga. “Bi-bitawan mo ako, Sir Zach! Gagamutin ko si Ja— ” “Shut your fucking mouth, Amara! I don't want to hear that you sounds worry about him!” Patuloy pa rin ako sa pagpupumiglas. Gusto kong makawala sa mahigpit nitong pagkakahawak sa akin at matapang kong sinalubong ang kaniyang matalim na tingin sa akin. Wala akong pakialam kung palayasin niya ako rito sa kaniyang pamamahay. Hindi ko ma-attempt na iwan ang tao na sugatan dahil sa akin at sa bipolar na lalaking ito. “Ganyan ka ba talaga, ha? Wala namang ginawang masama iyong tao sa’yo. Basta ka na lang nanuntok!” Matapang kong asik sa kaniya. Itinabing ko siya at akmang bubuksan ko ang pintuan nang magsalita ulit ito.“Sige! If that's what you want. Lumabas ka! Wala na akong magagawa pa kung siya ang pinipili mo!
AMARANAGISING AKO dahil sa may humahalik sa labi ko. Ayaw ko pa sanang gumusing dahil maganda ang panaginip ko pero naalala ko na baka magalit si sir Zach sa akin. Ngunit ang guwapong mukha nito ang nabungaran ko nang imulat ko ang aking mga mata. Matamis itong nakangiti sa akin. Bahagya kong ikinusot ang aking mga mata. Ano’ng ginagawa niya rito? Nanlaki ang mata ko nang ginawaran ako ng halik sa aking labi. At shocks! Hindi naman pala panaginip ang nangyari sa amin. “Good morning, sweety. Breakfast in bed,” malambing nitong saad sa akin. Mas lalong nanlaki ng mata ko. Umaga na ba? Ganoon ba kahaba ang tulog ko hindi man lang ako nagising. Pero pakiramdam ko hapong-hapo pa rin ako. Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ako dahil sa hapdi ng aking bandang gitna. Makailang beses akong inangkin ni Zach. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.Napangiwi ako dahil sa sakit ng buong kong katawan nang akmang bumangon ako. Grabe! Para akong binugbog ng sampung tambay sa kant
AMARA“Hoy! Ano bang nginingiti-ngiti mo r’yan? Kanina ka pa nagmumukhang timang, best. At teka lang, ha. Bakit ang blooming mo ngayon? Siguro may boy friend ka na, ano? Amara magsasabi ka sa akin ng totoo?” Napasimangot ako sa sinabi ni Felicity sa akin. Kahit kailan panira talaga ng moment ang babaeng 'to.“Tumahimik ka nga r’yan. Ang ingay mo, best,” reklamo ko sa kaniya na hindi hinihiwalay ang tingin ko sa screen ng aking cellphone. Ka-text ko ngayon ang mahal ko. “Sweety, don’t forget to eat your lunch. Magagalit ako sa iyo kapag nagpapagutom ka. What do you want? Pupuntahan na lang kita mamaya para sabay na tayong mananghalian,” basa ko sa text ni Zach. Mabilis akong nagtipa ng reply sa kaniya. “Huwag na mahal, mapagod ka lang. Sa bahay na lang tayo sabay kumain. Ipagluluto kita ng paborito mong ulam.” Kaagad kong pinindot ang sent button. Maaga kaming makakauwi ngayon dahil wala ang aming professor sa last subject namin. Balak ko kasing magluto dahil first monthsary naming
FIVE YEARS LATERAMARAHINDI AKO MAPAKALI, maya't maya ang ginawa kong pagpunas ng basang bimpo sa katawan ng anak ko. Mabuti na lang at bumaba na ang lagnat nito. Hindi na ako masyadong mag-aalala. Napalingon ako sa mesa kung saan nakapatong ang aking cellphone dahil kanina pa ito nag-vibrate. Nagpatayo muna ako ng kamay bago ko sinagot.“Miss Amara, we have problem to our client. Iyong mansiyon sa Balamban Heights,” bungad sa akin ni Mary. Siya ang secretary ko. Naka-leave ako ngayon dahil may sakit ang anak ko. Si Mary muna ang bahala sa lahat. “Ano bang nangyari? Before ako nag-leave nagkaintindihan na kami ni Mrs. Garcia. She already agreed na si Tin at Levy muna ang gagawa. Besides, I already instructed them kung ano dapat nilang gagawin.”“Eh, hindi naman po si Mrs. Gracia ang nagreklamo, Miss Amara. 'Yon po ’yung nakabili ng mansiyon.”“What? I thought everything was clear.” I have sighed heavily. “Okay, get all her concerns and please make sure na maayos natin 'yan,” hind
ZACHNAKATAYO AKO ngayon sa may veranda habang tinatanaw ang babaeng papasok ng gate sa aking mansiyon. Sinalubong ito ni Mrs. Garcia. Naikuyom ko ang aking mga kamay dahil sa pagkabuhay ng galit sa aking dibdib. Limang taon na rin ang nakalipas simula noong iwan niya ako, pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang sugat na naiwan nito sa aking puso. Napayupyop ako sa hawak kong sigarilyo. Pinaglalaruan ko muna ang aso bago ko iyon binu is it in ifga at pagkatapos pinatay ko ito sa ashtray.Napahilamos ko ang aking dalawang palad sa aking mukha. Nang biglang uminit ang sulok ng aking mga mata ngunit kaagad ko rin pinigilan. Not this time, hindi na ako iiyak pa. She left, na hindi ko man lang alam kong ano ang dahilan. She promise me that she loves me until the rest of her life at naniwala ako sa kaniya. I gave her everything, my love and my life. But she choose to left without any single words. I remember those day. Alas kuwatro pa lang ng hapon nang umalis na ako sa opisina. Excited ako