Talaga namang pagod na pagod si Avigail. Karaniwan, magaan lang ang kanyang tulog, pero ngayong gabi ay mahimbing siyang natulog, kaya’t hindi niya namalayan nang buhatin siya pataas sa guest room.Pumunta si Dominic sa kama, yumuko at maingat na inilapag ang maliit na babae sa kama, saka iningatan ang kanyang ulo bago dahan-dahang tumayo.Sinundan sila ni Manang. Nakita niyang pinapansin ni Dominic si Avigail ng ganoon, kaya’t lalo pang kumislap ang kanyang ngiti. Lumapit siya at inihiga si Sky sa tabi ni Avigail, saka tinakpan ang dalawa ng kumot, bago tumayo at humakbang palayo.Nakita ni Manangna ang mga mata ng batang amo ay nakatutok pa rin sa mukha ng batang babae, kaya’t nag-alala siya at nagsabi, “Young master, magpahinga na rin po kayo saglit. Ako na po ang bahala dito. Hindi ba’t kailangan niyo magtrabaho bukas?”Pagkatapos niyang magsalita, nakita niyang nagkunot ang noo ni Dominic at ikinibit ang balikat, “Hindi, hindi ako pagod. May sakit si Sky at nag-aalala ako. Kayo n
Huminto si Avigail at tumingin pabalik ng may kalituhan.Umiwas si Dominic at nagkunwaring nag-aalala, "Alas-kwatro na ng madaling araw ngayon, at kaunti lang ang tulog mo. Hindi ko kayang hayaan kang magmaneho pabalik nang ganito. Bukod pa rito, kung aalis ka, hindi ko kayang ipaliwanag kay Sky. Nangako ka sa kanya na hindi ka aalis. Kung magising siya bukas at hindi ka makita, tiyak mag-aalboroto siya. Baka pumunta pa siya sa bahay mo. Hindi pa siya ganap na gumaling. Paano kung magkasakit siya ulit?"Nang marinig ito, medyo kumunot ang noo ni Avigail. Dahil sa panaginip kani-kanina lang, ayaw na niyang manatili pa kasama ang lalaking ito.Ngunit nangako siya sa maliit na bata na hindi siya aalis...Nakita ni Dominic na nahiya ng bahagya si Avigail, kaya't medyo tumigas ang mukha niya at naging malamig ang tono, "Huwag kang mag-alala, ngayon lang magkakaroon ng pagkakataon si Sky na guluhin ka. Sa susunod, kung walang mangyayari, hindi ko na siya papayagang istorbohin ang buhay mo."
Si Avigail ay nagtirintas ng buhok ni Skylei at dinala siya palabas. Paglingon niya, nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pintuan. Naging malamlam ang mga mata ni Dominic, at ang init sa kanyang tingin ay nawala, naging magalang at malamig."Handa na ang almusal, bumaba ka na at kumain.” Agad na naglakad paalis si Dominic at hindi na lumingon pa.Sandaling natigilan si Avigail. Tila may kakaibang ekspresyon sa mukha ng lalaki kanina, pero panandalian lang iyon, at hindi niya alam kung ilusyon lang ba niya iyon. Hindi niya na lang binigyan pa ng malalim na kahulugan. Huminga siya ng malalim at lumabas ng kwarto kasama si Sky saka sila bumababang dalawa para mag-almusal. Wala ng nagawa si Avigail dahil kabastusan naman kung aalis siya ng ganoon lang pagkatapos siyang patulugin.Sa oras ng pagkain, natural na umupo si Sky sa tabi ng kaniyang ama na si Dominic.Binalak ni Avigail na umupo sa tapat nila, pero hinila siya ng munting kamay ng bata."Madam, dito po kayo sa tabi ng bata umupo.
Kinahapunan, naiayos ni Lera ang kanilang meeting sa ina ni Dominic. Kasama ang kaniyang ina ay nakita sila sa isang coffee shop malapit sa bahay ng mga ito. Si Luisa Villafuerte ang ina ni Dominic.Pagdating nito sa coffe shop ay nandoon na ang mag-ina ni Lera at Alliana. Naupo ito at talaga namang siya na lang ang hinihintay.“I’m sorry, I’m late. Kanina pa ba kayo dito?” tanong ni Luisa habang hinihila ang upuan sa tapat ng mag-ina at naupo dito.“Kakarating lang din po namin tita.” Nakangiting sagot ni Lera dito. “nag-order nap o pala ako ng ilang dessert. Best seller po nila ito dito sana magustuhan niyo po tita, tikman niyo po.” Matamis na ngiting alok ni Lera sa kaniyang tita LuisaPagkatapos niyang sabihin iyon, kumaway siya sa waiter upang ihain ang mga pagkain. Makalipas ang ilang sandali, ilang magagandang maliliit na dessert ang inilapag sa harap ng tatlo.“Talaga namang napakaalaga mo Lera. Alam mo talagang mahilig ako sa matatamis. Talaga namang hindi mo nakakalimutan. P
Sobrang nag-aalala si Luisa sa nalaman.Habang si Arnaldo naman ay pagdating sa mansyon mula sa trabaho ay pinatawag lahat ng tauhan sa nila.Pagkatapos ng trabaho, diretso si Dominic sa Sky para sunduin si Skylei. Pagkatapos ay umuwi na silang dalawa sa mansyon. Pagdating nila, nandoon na ang dalawang magulang ni Dominic. Si Luisa at Arnaldo Villafuerte. Nakaupo ang mga ito sa sofa, halatang seryoso ang mga sasabihin ng mga ito.“Dad, Mom, bakit hindi niyo sinabi na pupunta kayo? May kailangan ba?” tanong ni Dominic, medyo naguguluhan. Sa totoo lang nagulat siya sa pagbisita ng mga ito. Madalas kasi ay may importanteng bagay kaya sila napapabisita.“May importante tayong dapat pag-usapan.” Halata pa din sa mukha ni Luisa sa seryoso siya. Tumayo siya para salubungin ang mag-ama.Nakita ni Dominic ang seryosong mukha ng ina, kaya bahagya siyang kumunot ang noo. Bumuntong hininga na lamang siya. Ibinigay niya si Sky ay Manang Susan at nakiusap na dalhin ang bata sa taas, sa kwarto nito
Manatiling tahimik si Dominic.Matapos mag-usap ang dalawa, nagsalita siya ng kalmado, "Sobrang iniisip niyo. Wala akong balak na pababalikin si Avigail."Sa ngayon, hindi pa.Habang nag-uusap ang kanyang mga magulang, patuloy na iniisip ni Dominic ang kanyang mga huling pagkikita kay Avigail, at napagdesisyunan na karamihan sa kanilang ugnayan sa mga panahong ito ay dahil kay Skylei.Naisip niya ito, at hindi maiwasang magtaka.Sa unang pagkikita nila ni Avigail, kung hindi dahil kay Skylei, malamang ay iwasan siya ng babae.Ang mga inaalala ng kanyang mga magulang ay halos imposibleng mangyari.Nang marinig ito, bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Luisa."Mabuti kung ganoon, paano si Lera, kailan mo balak mag-settle? Kung magpapasya kang mag-settle ng mas maaga, may mag-aalaga kay Sky." Pagpupumilit ng kaniyang ina.Nagkunot ang noo ni Dominic at tumanggi. "Kung ikukumpara kay Avigail, mas nag-aalala ako na iwan si Sky kay LEra. Laging tinatanggihan siya ni Sky, kaya kailangan ko p
Habang nasa daan papuntang school, naupo si Skylei sa likod ng passenger seat habang si Lera ang nagda-drive nito. Yakap-yakap ng bata ang kaniyang bag, nakayuko ang kaniyang ulo at ang mga mata ay talaga namang matamlay.Kahit man lang pekeng pakikisama ay gusto niyang magkaroon ng relasyon sa batang nasa harapan niya. Mula sa rearview mirror, nagpanggap siyang nag-aalala sa bata kaya tiningnan niya ito. “Sky, masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang dalhin ka ni Tita sa hospital?” kunwaring nagtatanong siya sa bata.Kahit isang tingin o sulyap ay hindi man lang nag-abala si Skylei na tingnan ang masamang tita sa kaniyang harapan.Napakunot ang noo ni Lera at patuloy na nagpakita ng malasakit sa malambing na boses. Sa kaniyang isip, ay nauubos na ang kaniyang pasensya sa batang nasa kaniyang harapan. Kung hindi niya lang mahal si Dominic, hindi niya gagawin ang pagpapanggap na ito.“Gusto mo bang tawagan ko ang teacher mo at sabihin kong masama ang pakiramda mo? Bumalik na lang ta
Umiyak si Skylei dahil sa sakit, nang marininig ito ni Lera ay natuwa ito. Halos hindi na makahinga ang bata at sa wakas tumigil naman si Lera sa pagpalo sa bata. Hinayaan niya itong umalis sa kaniyang kandungan. Bumababa si Sky mula sa kaniya, gumapang ang bata habang tinitiis ang sakit patungo sa kabilang bintana. Hinawakan niya ang kaniyang Schoolbag, tumagilid siya at pinagpatuloy ang kaniyang pag-iyak. Gusto man niyang tiisin at huwag umiyak sa harap ng babae, ngunit hindi niya kaya."Maganda at least alam mo ang masakit," pangaasar ni Lera. "Kung magsusumbong ka sa iba tungkol sa nangyari ngayon, ipapangako ko na hindi mo na muling makikita ang babaeng 'yon!" pagbabanta ni Lera, ang tinutukoy nito ang babaeng si Avigail.Huminga siya ng malalim saka siya umalis sa backseat. Sa ngayon, sapat na at nawala na niya ang galit niya sa bata. Bumalik siya sa driver seat at hinatid ang bata sa school nito. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa School,"Nandito na tayo, punasan mo ang