Huminto si Avigail at tumingin pabalik ng may kalituhan.Umiwas si Dominic at nagkunwaring nag-aalala, "Alas-kwatro na ng madaling araw ngayon, at kaunti lang ang tulog mo. Hindi ko kayang hayaan kang magmaneho pabalik nang ganito. Bukod pa rito, kung aalis ka, hindi ko kayang ipaliwanag kay Sky. Nangako ka sa kanya na hindi ka aalis. Kung magising siya bukas at hindi ka makita, tiyak mag-aalboroto siya. Baka pumunta pa siya sa bahay mo. Hindi pa siya ganap na gumaling. Paano kung magkasakit siya ulit?"Nang marinig ito, medyo kumunot ang noo ni Avigail. Dahil sa panaginip kani-kanina lang, ayaw na niyang manatili pa kasama ang lalaking ito.Ngunit nangako siya sa maliit na bata na hindi siya aalis...Nakita ni Dominic na nahiya ng bahagya si Avigail, kaya't medyo tumigas ang mukha niya at naging malamig ang tono, "Huwag kang mag-alala, ngayon lang magkakaroon ng pagkakataon si Sky na guluhin ka. Sa susunod, kung walang mangyayari, hindi ko na siya papayagang istorbohin ang buhay mo."
Si Avigail ay nagtirintas ng buhok ni Skylei at dinala siya palabas. Paglingon niya, nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pintuan. Naging malamlam ang mga mata ni Dominic, at ang init sa kanyang tingin ay nawala, naging magalang at malamig."Handa na ang almusal, bumaba ka na at kumain.” Agad na naglakad paalis si Dominic at hindi na lumingon pa.Sandaling natigilan si Avigail. Tila may kakaibang ekspresyon sa mukha ng lalaki kanina, pero panandalian lang iyon, at hindi niya alam kung ilusyon lang ba niya iyon. Hindi niya na lang binigyan pa ng malalim na kahulugan. Huminga siya ng malalim at lumabas ng kwarto kasama si Sky saka sila bumababang dalawa para mag-almusal. Wala ng nagawa si Avigail dahil kabastusan naman kung aalis siya ng ganoon lang pagkatapos siyang patulugin.Sa oras ng pagkain, natural na umupo si Sky sa tabi ng kaniyang ama na si Dominic.Binalak ni Avigail na umupo sa tapat nila, pero hinila siya ng munting kamay ng bata."Madam, dito po kayo sa tabi ng bata umupo.
Kinahapunan, naiayos ni Lera ang kanilang meeting sa ina ni Dominic. Kasama ang kaniyang ina ay nakita sila sa isang coffee shop malapit sa bahay ng mga ito. Si Luisa Villafuerte ang ina ni Dominic.Pagdating nito sa coffe shop ay nandoon na ang mag-ina ni Lera at Alliana. Naupo ito at talaga namang siya na lang ang hinihintay.“I’m sorry, I’m late. Kanina pa ba kayo dito?” tanong ni Luisa habang hinihila ang upuan sa tapat ng mag-ina at naupo dito.“Kakarating lang din po namin tita.” Nakangiting sagot ni Lera dito. “nag-order nap o pala ako ng ilang dessert. Best seller po nila ito dito sana magustuhan niyo po tita, tikman niyo po.” Matamis na ngiting alok ni Lera sa kaniyang tita LuisaPagkatapos niyang sabihin iyon, kumaway siya sa waiter upang ihain ang mga pagkain. Makalipas ang ilang sandali, ilang magagandang maliliit na dessert ang inilapag sa harap ng tatlo.“Talaga namang napakaalaga mo Lera. Alam mo talagang mahilig ako sa matatamis. Talaga namang hindi mo nakakalimutan. P
Sobrang nag-aalala si Luisa sa nalaman.Habang si Arnaldo naman ay pagdating sa mansyon mula sa trabaho ay pinatawag lahat ng tauhan sa nila.Pagkatapos ng trabaho, diretso si Dominic sa Sky para sunduin si Skylei. Pagkatapos ay umuwi na silang dalawa sa mansyon. Pagdating nila, nandoon na ang dalawang magulang ni Dominic. Si Luisa at Arnaldo Villafuerte. Nakaupo ang mga ito sa sofa, halatang seryoso ang mga sasabihin ng mga ito.“Dad, Mom, bakit hindi niyo sinabi na pupunta kayo? May kailangan ba?” tanong ni Dominic, medyo naguguluhan. Sa totoo lang nagulat siya sa pagbisita ng mga ito. Madalas kasi ay may importanteng bagay kaya sila napapabisita.“May importante tayong dapat pag-usapan.” Halata pa din sa mukha ni Luisa sa seryoso siya. Tumayo siya para salubungin ang mag-ama.Nakita ni Dominic ang seryosong mukha ng ina, kaya bahagya siyang kumunot ang noo. Bumuntong hininga na lamang siya. Ibinigay niya si Sky ay Manang Susan at nakiusap na dalhin ang bata sa taas, sa kwarto nito.
Manatiling tahimik si Dominic.Matapos mag-usap ang dalawa, nagsalita siya ng kalmado, "Sobrang iniisip niyo. Wala akong balak na pababalikin si Avigail."Sa ngayon, hindi pa.Habang nag-uusap ang kanyang mga magulang, patuloy na iniisip ni Dominic ang kanyang mga huling pagkikita kay Avigail, at napagdesisyunan na karamihan sa kanilang ugnayan sa mga panahong ito ay dahil kay Skylei.Naisip niya ito, at hindi maiwasang magtaka.Sa unang pagkikita nila ni Avigail, kung hindi dahil kay Skylei, malamang ay iwasan siya ng babae.Ang mga inaalala ng kanyang mga magulang ay halos imposibleng mangyari.Nang marinig ito, bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Luisa."Mabuti kung ganoon, paano si Lera, kailan mo balak mag-settle? Kung magpapasya kang mag-settle ng mas maaga, may mag-aalaga kay Sky." Pagpupumilit ng kaniyang ina.Nagkunot ang noo ni Dominic at tumanggi. "Kung ikukumpara kay Avigail, mas nag-aalala ako na iwan si Sky kay LEra. Laging tinatanggihan siya ni Sky, kaya kailangan ko p
Habang nasa daan papuntang school, naupo si Skylei sa likod ng passenger seat habang si Lera ang nagda-drive nito. Yakap-yakap ng bata ang kaniyang bag, nakayuko ang kaniyang ulo at ang mga mata ay talaga namang matamlay.Kahit man lang pekeng pakikisama ay gusto niyang magkaroon ng relasyon sa batang nasa harapan niya. Mula sa rearview mirror, nagpanggap siyang nag-aalala sa bata kaya tiningnan niya ito. “Sky, masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang dalhin ka ni Tita sa hospital?” kunwaring nagtatanong siya sa bata.Kahit isang tingin o sulyap ay hindi man lang nag-abala si Skylei na tingnan ang masamang tita sa kaniyang harapan.Napakunot ang noo ni Lera at patuloy na nagpakita ng malasakit sa malambing na boses. Sa kaniyang isip, ay nauubos na ang kaniyang pasensya sa batang nasa kaniyang harapan. Kung hindi niya lang mahal si Dominic, hindi niya gagawin ang pagpapanggap na ito.“Gusto mo bang tawagan ko ang teacher mo at sabihin kong masama ang pakiramda mo? Bumalik na lang ta
Umiyak si Skylei dahil sa sakit, nang marininig ito ni Lera ay natuwa ito. Halos hindi na makahinga ang bata at sa wakas tumigil naman si Lera sa pagpalo sa bata. Hinayaan niya itong umalis sa kaniyang kandungan. Bumababa si Sky mula sa kaniya, gumapang ang bata habang tinitiis ang sakit patungo sa kabilang bintana. Hinawakan niya ang kaniyang Schoolbag, tumagilid siya at pinagpatuloy ang kaniyang pag-iyak. Gusto man niyang tiisin at huwag umiyak sa harap ng babae, ngunit hindi niya kaya."Maganda at least alam mo ang masakit," pangaasar ni Lera. "Kung magsusumbong ka sa iba tungkol sa nangyari ngayon, ipapangako ko na hindi mo na muling makikita ang babaeng 'yon!" pagbabanta ni Lera, ang tinutukoy nito ang babaeng si Avigail.Huminga siya ng malalim saka siya umalis sa backseat. Sa ngayon, sapat na at nawala na niya ang galit niya sa bata. Bumalik siya sa driver seat at hinatid ang bata sa school nito. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa School,"Nandito na tayo, punasan mo ang
Natuwa ang teacher sa sinabi ni Lera na magdodonate ito sa school kaya naman agad siyang tumango at tinawagan ang principal.Matapos ang ilang sandali habang tinatawagan ang principal ay sumagot naman ito. Pumayag na samahan niya ito papunta sa principal office.Matapos ang tawag ay naghintay na ang principal sa inaasahan niyang darating. Nang makita niyang papasok na si Lera at ang teacher sa kinder ay agad siyang nagtimpla ng tsaa. Sinalubong niya ito ng malapad ang ngiti.“Magandang Araw Ms. Lera Gale Ferrer, kinagagalak kong makita kayo. Maupo po muna kayo.” Magandang bati ng principal kay Lera.Mayabang ang dating ni Lera, tulad ng gusto niyang mangyari. Umupo siya sandali at agad na kinuha ang tsaa sa maliit na lamesa at ininom ito. “Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit ako nandito.” Wika ni Lera matapos uminom ng tsaa.Tumango ng ilang ulit ang principal bilang pagsang-ayon."Nasabi nga sa akin na nais niyo daw mag-donate ng mga school supplies at mga laruan para sa mga ba
Matagal ang naging operasyon. Tahimik at emosyonal na naghihintay sina Dominic at Avigail sa labas ng emergency room, kasama ang kambal na mahigpit na nakakapit sa kanila. Ang bawat segundo ay tila isang siglo, at ang bigat ng pangamba ay dumadagundong sa kanilang dibdib.Si Luisa naman ay nagmamadaling umalis kanina upang humanap ng mga doktor. Bago siya lumisan, iniwan niya kay Dominic ang mahigpit na bilin: "Huwag mong iiwan si Sky. Ako na ang bahala." Nakapagtataka para kay Avigail na hindi siya ginirian ni Luisa. Subalit kahit sino naman, sa harap ng ganitong trahedya, isasantabi ang sariling hinanakit para sa kapakanan ng mahal sa buhay.Hindi mapakali si Avigail. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang tanong na hindi niya matanggap.“Ano ba talagang nangyari? Paano nahulog si Sky at saan?”Tumingin si Dale kay Dominic, bakas sa mukha ng bata ang matinding pag-aalala. "Oo nga po, Tito! Hindi naman po tumatakbo si Sky kapag mag-isa lang siya."“Maingat na bata si Sky! Sob
Pagkalabas ng nurse mula sa emergency room, bakas sa mukha nito ang pag-aalala at pagod. Hawak-hawak ang clipboard, huminga siya nang malalim bago nagsalita, tila iniiwasang masyadong magpakita ng emosyon, pero hindi niya maitago ang bigat ng sitwasyon."Mr. Viillafuerte?" tanong niya, hinahanap ang mga kaanak.Agad na lumapit si Dominic at Luisa, kasunod si Avigail na nanginginig pa rin sa kaba."Kumusta na po siya, nurse? Ano po ang lagay ng anak?" garalgal ang boses ni Dominic, halos hindi na makapag-isip nang maayos.Tumikhim ang nurse, pilit na hinahanda ang mga sarili ng pamilya. "Nasa critical condition po siya. Matindi po ang impact ng pagkahulog niya—may internal bleeding at malalang head trauma. Ginagawa na po ng mga doktor ang lahat ng makakaya nila, pero… kailangan po ninyong maghanda sa anumang maaaring mangyari. Isa pa po, medyo kukulangin po siya ng dugo, kailangan po namin agad ng pangsalin.""Diyos ko!" Napaluhod si Luisa habang hinahawakan ang dibdib niya, para bang
Nanggagalaiti si Lera habang pinagmamasdan si Dominic na paakyat sa kanyang kwarto sa pangalawang palapag ng Villafuerte mansion. Humigpit ang hawak niya sa cellphone, halos mabali ito sa tindi ng kanyang galit. Hindi niya napigilan ang sarili at napasigaw nang marinig ang biglaang pag-ring ng telepono.Pagtingin niya sa screen, lumitaw ang pangalan ng kanyang ina."Anong kailangan niyo?" malamig niyang sagot, hindi man lang nag-abala na bumati. Kilala na siya ng kanyang ina kaya agad nitong nahulaan na may problema siya sa pananatili sa bahay ni Dominic."Ano na naman ang ginawa ni Dominic?""Peste iyang si Avigail Suarez na 'yan! Dumagdag pa ang pesteng batang iyon! Gustong-gusto ang pangit na babaeng iyon!""Ganoon siguro talaga ang lukso ng dugo," tugon ng kanyang ina, may bahid ng panunuya.Lalong nag-init ang ulo ni Lera. "Sino bang kakampi mo dito, Mom? Kung tumawag ka lang para dagdagan ang inis ko, huwag mo na lang akong tawagan!"Walang paalam niyang ibinaba ang tawag at mabi
Hindi nakasagot si Avigail sa sinagot ni Dominic. Kaya naman hindi na niya ito pinilit, at nagpasya na lang iuwi sa Villafuerte mansion.Nang makaalis ang mag-ama, natulala na lang si Avigail. Naiisip niya na tama naman si Dominic, pero hindi pa nila napag-uusapan ni Ricky Hermosa ang tungkol dito. Palagay niya ay kabastusan ito sa pangalan ni Ricky. Hindi sa inisip niya ang nararamdaman ng lalaki kundi, iniisip niya na baga mabahiran ang magandang relasyon nilang dalawa. At baka dumating ang ang sitwasyon na mahirapan silang makitungo sa isa’t isa.Kaya kaysa mag-isip ay sinubukan niyang tawagan si Ricky Hermosa. Nakadalawang ring pa lang ay agad na niya itong sinagot.“Magandang Araw Dr. Suarez. Anong problema? Bakit ka napatawag?” tanong nito mula sa kabilang linya.“Hmmm.. Nakakaabala ba ako sa iyo Mr. Hermosa? Kung may ginagawa ka, pwede namang sa ibang oras na lang ako tumawag.” Nag-aalangang sagot ni Avigail sa kaniyang kausap.“Hindi naman. Pinag-aaralan ko lang ang mga opinion
Halos makalimutan niya na si Lera pa rin ang fiancée ni Dominic at maaaring maging ina ni Sky sa hinaharap.Kung tuluyang pakakasalan ni Dominic si Lera, wala siyang magagawa kundi harapin ang katotohanang hindi maiiwasan ni Sky ang presensya ng babaeng iyon.Habang tumatagos sa pandinig ni Dominic ang mga sinabi ni Avigail, lalong bumigat ang kanyang aura, tila isang malamig na bagyong paparating.Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng saglit na katahimikan ni Avigail bago niya itinuloy ang kanyang sinabi.Hindi pa rin siya pinaniniwalaan ng babaeng ito.“Nagseselos ka ba?” tanong ni Dominic.Para namang nabingi si Avigail sa tanong na ito, at bahagyang nag-isip. ‘nagseselos nga ba ako?’ bumuntong hininga siya. Magsasalita sana siya nang maunang magsalita si Dominic.“Miss Avigail! Tinatanong kita! Nagseselos ka ba kay Lera, dahil lumipat siya sa mansion?” malinaw na tanong ni Dominic. Hindi alam ni Avigail pero may bahagyang ngiti sa mata ng lalaki, matapos netong magtanong.“Ano ban
Kinagabihan, natapos ni Dominic ang trabaho at dali-daling pumunta sa bahay ni Avigail upang sunduin si Sky.Habang nasa daan, paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang mga sinabi ni Henry kaninang umaga.Kung hindi siya pinaalalahanan ni Henry, malamang ay nakalimutan na niya na hindi pa opisyal na nagpapahayag ng sagot si Avigail tungkol sa relasyon nila ni Ricky Hermosa!Hanggang sa huminto nang dahan-dahan ang sasakyan sa harap ng bahay ni Avigail, hindi pa rin nawala ang inis sa mukha ni Dominic.Nang buksan ni Avigail ang pinto, bumungad sa kanya ang lalaking may malamig at matigas na ekspresyon sa mukha.Napakurap siya sa gulat. Dahil abala siya sa pag-aalaga kay Sky, hindi pa niya nagagawang magalit kay Dominic, ngunit tila mas nauna pa itong magalit sa kanya."Ano'ng problema? May nangyari ba sa kumpanya?" tanong ni Avigail nang may pag-aalala.Sa halip na sumagot, malamig na tumingin lamang ang lalaki sa loob ng bahay at seryosong nagsalita, "Nasaan si Sky? Susunduin ko na s
"Ano'ng nangyayari?" hindi napigilang itanong ni Dale. Nakatitig si Little Sky kay Avigail, umaasang makakakuha ng tiyak na sagot mula sa kanya.Nang magtama ang kanilang mga mata, lumambot ang tingin ni Avigail at napabuntong-hininga. "Sige, hindi magagalit si Tita kay Daddy."Nang marinig ito, agad nagsalita ang maliit na bata sa kanyang malambing na tinig, "yung masamang Tita ko po kasi ay nakatira sa bahay namin ngayon.Pagkasabi nito, napakurap sina Dane at Dale, ngunit agad nilang naintindihan kung sino ang tinutukoy niyang masamang tiyahin. Samantala, hindi agad naunawaan ni Avigail kung sino ang sinasabi ng bata. "Si Lera!" galit na sagot ni Dale, naalala ang babaeng sumubok saktan ang kanyang mommy.Hindi niya lubos maintindihan kung bakit pinapayagan ng kaniyang Daddy na manirahan ang masamang babaeng iyon sa kanilang bahay!Bahagyang kumunot ang noo ni Avigail. Bagama’t nangako siya kay Little Sky na hindi siya magagalit, hindi niya maiwasang makaramdam ng kakaiba.Hindi niy
Kasabay nito, nasa bahay si Avigail kasama ang tatlong munting bata.Simula nang dumating si Little Sky, tila wala itong sigla. Kahit anong gawin nina Avigail at ng dalawang bata upang kausapin siya, nanatili siyang tahimik at matamlay."Sky, anong nangyari sa’yo? Puwede mo bang sabihin kay Tita Avigail?" Pinatigil ni Avigail ang paglalaro at inalalayan si Little Sky na maupo sa carpet.Sumunod din sina Dale at Dane, halatang nag-aalala. Nang marinig niya ang tanong ng kanilang ina, nakatingin ang dalawang bata sa kanilang nakababatang kapatid, sabik na naghihintay ng sagot. Mahigpit na pinagdikit ni Little Sky ang kanyang mga labi, iniisip si Lera sa bahay.Pagkatapos, tumingin siya sa magandang Tita sa kanyang harapan. Kung malalaman ng magandang Tita na nakatira si Tita Lera sa kanilang bahay, siguradong hindi siya matutuwa. Hinahabol pa naman ng kaniyang Daddy ang kaniyang Tita Avigail. Kapag nagkaroon ng maling akala si Tita Avigail hindi ito maganda... Sa isiping ito, bakas sa mg
Sa kabilang dako, matapos umalis ni Dominic mula sa bahay ni Avigail, dumiretso siya pabalik sa kumpanya, eksaktong oras para sa nakatakdang pulong.Pagkatapos ng pulong, palabas pa lamang si Dominic mula sa silid-pulong nang makita niyang papalapit si Henry.Kita sa mukha nito ang hindi magandang ekspresyon. "Master," bati ni Henry. Bahagyang kumunot ang noo ni Dominic."Anong nangyari?" Halata ang pag-aalangan sa mukha ni Henry."May problema sa proyektong kasosyo natin sa Lee Family." Pagkarinig nito, biglang dumilim ang ekspresyon ni Dominic at mabilis na naglakad pabalik sa opisina. Tahimik na sumunod si Henry at isinara ang pinto nang makapasok sila."Ano ang problema?" malalim na tanong ni Dominic.Dati-rati, maayos naman ang pakikipagtulungan nila sa Lee Family.Sagot ni Henry, "Ang kompanya ng parmasyutiko sa hilagang-kanluran ay biglang nagbago ng isip at ayaw nang tanggapin ang ating mga kundisyon sa pag-aacquire."Agad na kumunot ang noo ni Dominic. Mahalaga ang pagbili ng