Share

Donate with a plan

Natuwa ang teacher sa sinabi ni Lera na magdodonate ito sa school kaya naman agad siyang tumango at tinawagan ang principal.

Matapos ang ilang sandali habang tinatawagan ang principal ay sumagot naman ito. Pumayag na samahan niya ito papunta sa principal office.

Matapos ang tawag ay naghintay na ang principal sa inaasahan niyang darating. Nang makita niyang papasok na si Lera at ang teacher sa kinder ay agad siyang nagtimpla ng tsaa. Sinalubong niya ito ng malapad ang ngiti.

“Magandang Araw Ms. Lera Gale Ferrer, kinagagalak kong makita kayo. Maupo po muna kayo.” Magandang bati ng principal kay Lera.

Mayabang ang dating ni Lera, tulad ng gusto niyang mangyari. Umupo siya sandali at agad na kinuha ang tsaa sa maliit na lamesa at ininom ito.

“Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit ako nandito.” Wika ni Lera matapos uminom ng tsaa.

Tumango ng ilang ulit ang principal bilang pagsang-ayon.

"Nasabi nga sa akin na nais niyo daw mag-donate ng mga school supplies at mga laruan para sa mga ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status