Natuwa ang teacher sa sinabi ni Lera na magdodonate ito sa school kaya naman agad siyang tumango at tinawagan ang principal.Matapos ang ilang sandali habang tinatawagan ang principal ay sumagot naman ito. Pumayag na samahan niya ito papunta sa principal office.Matapos ang tawag ay naghintay na ang principal sa inaasahan niyang darating. Nang makita niyang papasok na si Lera at ang teacher sa kinder ay agad siyang nagtimpla ng tsaa. Sinalubong niya ito ng malapad ang ngiti.“Magandang Araw Ms. Lera Gale Ferrer, kinagagalak kong makita kayo. Maupo po muna kayo.” Magandang bati ng principal kay Lera.Mayabang ang dating ni Lera, tulad ng gusto niyang mangyari. Umupo siya sandali at agad na kinuha ang tsaa sa maliit na lamesa at ininom ito. “Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit ako nandito.” Wika ni Lera matapos uminom ng tsaa.Tumango ng ilang ulit ang principal bilang pagsang-ayon."Nasabi nga sa akin na nais niyo daw mag-donate ng mga school supplies at mga laruan para sa mga ba
Nang gabi iyon, matapos ang trabaho ni Avigail agad siyang pumunta sa school upang sunduin ang dalawang kambal. Late na naman ang oras ng pagsundo niya sa mga ito, saktong nasa labas na sila kasama ang kanilang teacher."Pasensya na, muli akong nahuli sa pagsundo," ani Avigail na may ngiti at paghingi ng paumanhin habang lumalapit upang sunduin ang mga bata.“Pwede bang sa akin muna ang dalawa, gusto ka kasing makausap ng principal sa kaniyang opisina kaya naman maiwan muna dito ang dalawang bata.” Hinawakan ng teacher ang balikat ng dalawang bata.Medyo nagtataka si Avigail sa narinig, pero dumiritso pa din siya sa opisina ng principal tulad ng sinabi ng teacher.Sa hindi malamang dahilan, ang ekspresyon ng mukha ng principal ay tila kakaiba rin.“Magandang hapon po, may I ask what’s the problem? Sabi sa akin, pumunta daw ako dito.” May pagtataka sa tanong ni Avigail.May pormal na ngiti sa mukha ng principal at nagsalita ito nang mabagal.“Ganito kasi yan, napansin ko nitong mga nak
Dismayadong lumabas si Avigail sa opisina ng principal ngunit hindi niya ito pinakita sa mga bata. Kinuha niya ang kambal sa kamay ng teacher na kita din ang lungkot sa mata nito.Pagdating sa kanilang bahay, pinipilit ni Avigail na itago ang galit at ngumiti sa dalawang bata na tila walang nangyari.“May gagawin si Mommy mamaya. Pwede ba kayong maglaro muna kasama ang ninang niyo?” tanong niya sa kaniyang kambal.Hindi naman nag-isip ng malalim ang dalawang bata at inisip na abala lang ang kanilang Mommy sa trabaho, kaya tumango sila ng masunurin.Ipinagkatiwala niya ang mga bata kay Angel, bumalik sa kotse, at muling nagdilim ang kanyang mukha. Nagmaneho siya papunta sa manor ng pamilya Villafuerte.“Young Madam…” Binuksan lang ni manang Susan ang pinto at magalang sanang babati, pero nang makita ang ekspresyon ni Avigail, hindi niya naituloy ang sasabihin.Bahagyang tumango si Avigail sa kanya at diretsong nagtanong.“Nandito ba si Dominic? May kailangan akong sabihin sa kaniya.”
Chapter 1- Triplets Third Person’s Point of View "Dominic! Hindi ba pangarap mong makasama na si Lera? Pwede naman iyong mangyari kung ipapaubaya mo sa akin ang gabing ito. Ibibigay ko ang kalayaan na gusto mo ngunit magiging akin ka. Isipin mo na lang na kabayaran ito sa lahat ng nagawa ko sa iyo, sa pagmamahal ko. Ngayong gabi hinihingi ko na maging asawa kita, gawin natin ang bagay na tatlong taon mong pinagkait sa akin. Iyon lang sana Dominic.” mabilis na hinalikan ni Avigail ang lalaking nasa harapan niya. Despirado siyang hinalikan ito ng puno ng pananabik. Alam niyang hindi tama ang ginagawa niya ngayon sa kaniyang asawa. Sa mata ng lalaki ay nakakababa bilang isang babae. Ngunit matagal na niyang minamahal si Dominic, tatlong taon na din silang kasal kaya anong masama kung gustuhin niyang gawin nilang dalawa ang ginagawa dapat ng dalawang taong pinagtibay ng isang kasal. “Avigail!! Lasing ka ba? Ang lakas ng loob mo ah.” Nag-gagalaiti sa galit si Dominic. Hindi maipinta
Mabilis na pumasok si Avigail sa opisina ni Miguel Tan.Pagpasok niya, nakita niya ang kanyang dalawang anak na nakaupo sa sopa sa opisina ng professor, nakade-kwatro pa.Nang makita nila siyang pumasok, lumiwanag ang kanilang mga mata, at agad silang tumayo mula sa sopa at tumakbo papunta sa kanya, "Mommy, finally, nakalabas ka na sa isolation! Akala ko'y balak mong manatili sa research room na lang tumira!"“Pagod k aba Mom? Halika dito, maupo ka muna at hilutin ko ang iyong likod.”Sabi ng dalawang kambal at inalalayan pa ang kaniyang ina pa-upo sa sopa. Tumingin lang ang kanilang ina sa dalawang nagmamalasakit na bata at biglang naramdaman ang inis sa nabalitaan niyang ginawa ng dalawa.“Ang ganda ng acting ninyo ngayon. Bakit hindi ko nakita ang ganyang mukha habang hina-hack niyo ang computer ko?” bakas sa mukha ng professor na galit na galit ito dahil sa ginawa ng dalawa.“You can’t blame us! Ang dami niyong pinapagawa sa mommy ko, tingnan mo halos hindi na siya nakakain kaka-o
Palabas na ng airport si Avigail. Sobrang kaba at taranta ang kaniyang nararamdaman, panay lingon siya upang iwasan ang lalaking ayaw niyang makita at laking pasalamat na lang niya na hindi na niya ito nakita pa. Huminga siya ng malalim habang hawak ang kamay ng dalawang anak, napapansin ng dalawang bata ang kakaibang kilos ng kanilang ina ngunit hinayaan na lang niya at sabay silang nanahimik dalawa."Avi!! Avigail! Dane at Dale!"Isang pamilyar na boses ng babae ang narinig mula sa malayo.Nang itaas nilang tatlo ang kanilang mga mata, nakita nila ang isang babaeng bihis na bihis at kumakaway habang papalapit sa kanila nang may ngiti.Nang makita si Angel, ang puso ni Avigail ay unti-unting gumaan, at isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha, “Angel! I miss you!"Si Angel ay ang matalik niyang kaibigan mula sa kolehiyo at isa na ring doktor. Ngayon, siya na rin ang may-ari ng sariling ospital.Lumapit si Angel sa mag-iina, niyakap si Avi, at ngumiti, "Ang tagal kong hinintay kayo!
Isang hinala ang pumasok din sa isipan ni Avigail... Maari kayang pipi ang batang babae?Dahil dito, lalong nadagdagan ang awa niya sa bata, at malumanay na bumulong, "Ibigay mo ang kamay mo kay Tita, okay lang ba?"Inilapit niya ang kamay niya sa bata.Tumingin ang bata sa kanya nang may pag-aalinlangan, ngunit lumambot ang ekspresyon nito nang marinig ang malumanay niyang boses.Hindi nagmadali si Avigail; hinintay niya itong unti-unting magtiwala sa kanya.Nag-alinlangan ang batang babae nang matagal bago iniabot nang dahan-dahan ang kanyang kamay kay Avi.Nang mahawakan na niya, mahigpit na hinawakan ni Avi ang bata, ngumiti, at marahan itong itinayo. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para muli itong suriin.Dahil dito, mas naging malapit sila sa isa't isa.Malambot ang katawan ng bata at amoy gatas.Lumalambot ang puso ni Avi, hindi niya maiwasang maalala ang anak niyang nawala noon.Kung nabuhay lang ito, baka kasing-edad na ito ng batang kasama niya ngayon.Habang iniisip
Malamig na tumingin si Dominic kay Lera ng ilang sandali.Si Lera ay kalmado na pinipisil ang kanyang palad, natatakot na baka may masabi siyang mali."Siguraduhin mong totoo iyang sinasabi mong wala kang ginawa sa batang iyon o sinabi man lang!"Pagkalipas ng ilang sandali, umiwas ng tingin si Dominic at tumingin kay Henry, na nakatayo sa tabi. "May balita na ba mula sa pulis?"Ang tono ni Henry ay seryoso, "Wala pa."Pagkasabi nito, tiningnan niya si Dominic nang may kaba at nagtanong ng may pag-aalala: "Posible bang na-kidnap si Sky Sir?"Ang batang si Skylei ay paborito ng kanyang ama at may mataas na katayuan sa pamilya Villafuerte. Sa mga nakaraang taon, ilang beses na ring may nagtangkang manmanan siya. Minsan nga ay muntik na siyang ma-kidnap.Ngayon, hindi nila makita ang bata kahit saan, at wala pang balita mula sa pulisya, kaya't napilitan si Henry na isipin ang posibilidad ng pag-kidnap.Nang marinig ito, biglang dumilim ang mata ni Dominic at seryosong sinabi, "Magpadala