Sobrang nag-aalala si Luisa sa nalaman.Habang si Arnaldo naman ay pagdating sa mansyon mula sa trabaho ay pinatawag lahat ng tauhan sa nila.Pagkatapos ng trabaho, diretso si Dominic sa Sky para sunduin si Skylei. Pagkatapos ay umuwi na silang dalawa sa mansyon. Pagdating nila, nandoon na ang dalawang magulang ni Dominic. Si Luisa at Arnaldo Villafuerte. Nakaupo ang mga ito sa sofa, halatang seryoso ang mga sasabihin ng mga ito.“Dad, Mom, bakit hindi niyo sinabi na pupunta kayo? May kailangan ba?” tanong ni Dominic, medyo naguguluhan. Sa totoo lang nagulat siya sa pagbisita ng mga ito. Madalas kasi ay may importanteng bagay kaya sila napapabisita.“May importante tayong dapat pag-usapan.” Halata pa din sa mukha ni Luisa sa seryoso siya. Tumayo siya para salubungin ang mag-ama.Nakita ni Dominic ang seryosong mukha ng ina, kaya bahagya siyang kumunot ang noo. Bumuntong hininga na lamang siya. Ibinigay niya si Sky ay Manang Susan at nakiusap na dalhin ang bata sa taas, sa kwarto nito
Manatiling tahimik si Dominic.Matapos mag-usap ang dalawa, nagsalita siya ng kalmado, "Sobrang iniisip niyo. Wala akong balak na pababalikin si Avigail."Sa ngayon, hindi pa.Habang nag-uusap ang kanyang mga magulang, patuloy na iniisip ni Dominic ang kanyang mga huling pagkikita kay Avigail, at napagdesisyunan na karamihan sa kanilang ugnayan sa mga panahong ito ay dahil kay Skylei.Naisip niya ito, at hindi maiwasang magtaka.Sa unang pagkikita nila ni Avigail, kung hindi dahil kay Skylei, malamang ay iwasan siya ng babae.Ang mga inaalala ng kanyang mga magulang ay halos imposibleng mangyari.Nang marinig ito, bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Luisa."Mabuti kung ganoon, paano si Lera, kailan mo balak mag-settle? Kung magpapasya kang mag-settle ng mas maaga, may mag-aalaga kay Sky." Pagpupumilit ng kaniyang ina.Nagkunot ang noo ni Dominic at tumanggi. "Kung ikukumpara kay Avigail, mas nag-aalala ako na iwan si Sky kay LEra. Laging tinatanggihan siya ni Sky, kaya kailangan ko p
Habang nasa daan papuntang school, naupo si Skylei sa likod ng passenger seat habang si Lera ang nagda-drive nito. Yakap-yakap ng bata ang kaniyang bag, nakayuko ang kaniyang ulo at ang mga mata ay talaga namang matamlay.Kahit man lang pekeng pakikisama ay gusto niyang magkaroon ng relasyon sa batang nasa harapan niya. Mula sa rearview mirror, nagpanggap siyang nag-aalala sa bata kaya tiningnan niya ito. “Sky, masama ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang dalhin ka ni Tita sa hospital?” kunwaring nagtatanong siya sa bata.Kahit isang tingin o sulyap ay hindi man lang nag-abala si Skylei na tingnan ang masamang tita sa kaniyang harapan.Napakunot ang noo ni Lera at patuloy na nagpakita ng malasakit sa malambing na boses. Sa kaniyang isip, ay nauubos na ang kaniyang pasensya sa batang nasa kaniyang harapan. Kung hindi niya lang mahal si Dominic, hindi niya gagawin ang pagpapanggap na ito.“Gusto mo bang tawagan ko ang teacher mo at sabihin kong masama ang pakiramda mo? Bumalik na lang ta
Umiyak si Skylei dahil sa sakit, nang marininig ito ni Lera ay natuwa ito. Halos hindi na makahinga ang bata at sa wakas tumigil naman si Lera sa pagpalo sa bata. Hinayaan niya itong umalis sa kaniyang kandungan. Bumababa si Sky mula sa kaniya, gumapang ang bata habang tinitiis ang sakit patungo sa kabilang bintana. Hinawakan niya ang kaniyang Schoolbag, tumagilid siya at pinagpatuloy ang kaniyang pag-iyak. Gusto man niyang tiisin at huwag umiyak sa harap ng babae, ngunit hindi niya kaya."Maganda at least alam mo ang masakit," pangaasar ni Lera. "Kung magsusumbong ka sa iba tungkol sa nangyari ngayon, ipapangako ko na hindi mo na muling makikita ang babaeng 'yon!" pagbabanta ni Lera, ang tinutukoy nito ang babaeng si Avigail.Huminga siya ng malalim saka siya umalis sa backseat. Sa ngayon, sapat na at nawala na niya ang galit niya sa bata. Bumalik siya sa driver seat at hinatid ang bata sa school nito. Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa School,"Nandito na tayo, punasan mo ang
Natuwa ang teacher sa sinabi ni Lera na magdodonate ito sa school kaya naman agad siyang tumango at tinawagan ang principal.Matapos ang ilang sandali habang tinatawagan ang principal ay sumagot naman ito. Pumayag na samahan niya ito papunta sa principal office.Matapos ang tawag ay naghintay na ang principal sa inaasahan niyang darating. Nang makita niyang papasok na si Lera at ang teacher sa kinder ay agad siyang nagtimpla ng tsaa. Sinalubong niya ito ng malapad ang ngiti.“Magandang Araw Ms. Lera Gale Ferrer, kinagagalak kong makita kayo. Maupo po muna kayo.” Magandang bati ng principal kay Lera.Mayabang ang dating ni Lera, tulad ng gusto niyang mangyari. Umupo siya sandali at agad na kinuha ang tsaa sa maliit na lamesa at ininom ito. “Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit ako nandito.” Wika ni Lera matapos uminom ng tsaa.Tumango ng ilang ulit ang principal bilang pagsang-ayon."Nasabi nga sa akin na nais niyo daw mag-donate ng mga school supplies at mga laruan para sa mga ba
Nang gabi iyon, matapos ang trabaho ni Avigail agad siyang pumunta sa school upang sunduin ang dalawang kambal. Late na naman ang oras ng pagsundo niya sa mga ito, saktong nasa labas na sila kasama ang kanilang teacher."Pasensya na, muli akong nahuli sa pagsundo," ani Avigail na may ngiti at paghingi ng paumanhin habang lumalapit upang sunduin ang mga bata.“Pwede bang sa akin muna ang dalawa, gusto ka kasing makausap ng principal sa kaniyang opisina kaya naman maiwan muna dito ang dalawang bata.” Hinawakan ng teacher ang balikat ng dalawang bata.Medyo nagtataka si Avigail sa narinig, pero dumiritso pa din siya sa opisina ng principal tulad ng sinabi ng teacher.Sa hindi malamang dahilan, ang ekspresyon ng mukha ng principal ay tila kakaiba rin.“Magandang hapon po, may I ask what’s the problem? Sabi sa akin, pumunta daw ako dito.” May pagtataka sa tanong ni Avigail.May pormal na ngiti sa mukha ng principal at nagsalita ito nang mabagal.“Ganito kasi yan, napansin ko nitong mga nak
Dismayadong lumabas si Avigail sa opisina ng principal ngunit hindi niya ito pinakita sa mga bata. Kinuha niya ang kambal sa kamay ng teacher na kita din ang lungkot sa mata nito.Pagdating sa kanilang bahay, pinipilit ni Avigail na itago ang galit at ngumiti sa dalawang bata na tila walang nangyari.“May gagawin si Mommy mamaya. Pwede ba kayong maglaro muna kasama ang ninang niyo?” tanong niya sa kaniyang kambal.Hindi naman nag-isip ng malalim ang dalawang bata at inisip na abala lang ang kanilang Mommy sa trabaho, kaya tumango sila ng masunurin.Ipinagkatiwala niya ang mga bata kay Angel, bumalik sa kotse, at muling nagdilim ang kanyang mukha. Nagmaneho siya papunta sa manor ng pamilya Villafuerte.“Young Madam…” Binuksan lang ni manang Susan ang pinto at magalang sanang babati, pero nang makita ang ekspresyon ni Avigail, hindi niya naituloy ang sasabihin.Bahagyang tumango si Avigail sa kanya at diretsong nagtanong.“Nandito ba si Dominic? May kailangan akong sabihin sa kaniya.”
Chapter 1- Triplets Third Person’s Point of View "Dominic! Hindi ba pangarap mong makasama na si Lera? Pwede naman iyong mangyari kung ipapaubaya mo sa akin ang gabing ito. Ibibigay ko ang kalayaan na gusto mo ngunit magiging akin ka. Isipin mo na lang na kabayaran ito sa lahat ng nagawa ko sa iyo, sa pagmamahal ko. Ngayong gabi hinihingi ko na maging asawa kita, gawin natin ang bagay na tatlong taon mong pinagkait sa akin. Iyon lang sana Dominic.” mabilis na hinalikan ni Avigail ang lalaking nasa harapan niya. Despirado siyang hinalikan ito ng puno ng pananabik. Alam niyang hindi tama ang ginagawa niya ngayon sa kaniyang asawa. Sa mata ng lalaki ay nakakababa bilang isang babae. Ngunit matagal na niyang minamahal si Dominic, tatlong taon na din silang kasal kaya anong masama kung gustuhin niyang gawin nilang dalawa ang ginagawa dapat ng dalawang taong pinagtibay ng isang kasal. “Avigail!! Lasing ka ba? Ang lakas ng loob mo ah.” Nag-gagalaiti sa galit si Dominic. Hindi maipinta