“And do you think that’s enough reasons to leave me without any words and any traces?” galit na tanong sa ‘kin ni Sebastian.
Nandito ako ngayon sa opisina ni Sebastian. Pinapunta niya ako rito sa opisina niya dahil gusto niya raw mag-usap kaming dalawa, kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Blangko lang ang tingin na tiningnan ko siya. “Yes. That’s already enough reason that I can explain to you, Mr. Osvaldo,” sagot ko sa kaniya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat dahil siguro sa inakto ko tungo sa kaniya. “Five years ago… I already asked for divorcement, pero humindi ka at hindi mo ako pinansin ng halos isang linggo na magdadalawang linggo pa,” pagak akong natawa. “And now you are asking for my reasons? At hindi pa enough sa’yo ang in-explain ko? Are you out of your mind?!–”
“Because you don’t have any valid reasons to divorce me, Talulla!” galit na singhal niya sa akin, kaya gulat akog natigilan.
Nakita ko sa mga mata niya ang galit at sakit na para ba’ng matagal na niyang kinikimkim. Dahil doon ay parang nadurog ang puso ko. I-I can’t watch you hurting… because of me. “W-we could have talked about it…” napayuko si Sebastian nang may isang butil ng luha na tumulo mula sa mga mata niya. “M-maayos n-naman tayo bago ka magsabi sa ‘kin na gusto mo akong i-divorce, Tally… maayos tayo nung mga panahon na ‘yon…” lumuluhang sabi niya.
Parang tuluyan nang nadurog ang puso ko nang marinig ang boses niyang umiiyak. Ang kanina pang pinipigilan kong luha ay tuluyan nang bumuhos.
“T-that’s why I can’t understand why you wanted to divorce me when we were both happy…” umiiyak na sabi niya.
Tulala lang akong napatitig sa kawalan. “Nabuntis ako…” sabi ko sa kaniya at naramdaman kong natigilan siya at mabilis na nag-angat ng tingin sa akin.
“T-Talulla…” mahihimigan sa boses niya ang gulat, pero naro’n pa rin ang kaguluhan.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko sa pisngi ng hindi pa rin siya tinitingnan. “P-pero hindi ikaw a-ang Tatay…” pagsisinungaling ko.
Bigla itong napaluhod sa harapan ko, kaya gulat akong nagbaba ng tingin sa kaniya. “Sebastian!” gulat na usal ko at akmang dadaluhan na sana siya nang bigla itong hinawi ang mga kamay ko.
“G-go away…” he said while he was not looking at me. “L-leave… I don’t want to hear any words from you r-right now.”
Parang dinurog ang pagkatao ko, hindi lang puso ko dahil sa mga katagang sinabi niyang ‘yon. Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya at wala sa sariling lumabas ng opisina niya. Nagmamadali akong sumakay ng elevator at dali-dali kong pinindot ang ground floor button. Nang bumukas na ang elevator ay nagmamadali akong lumabas doon at palabas na sana ako ng exit nang biglang may humarang sa akin.
Gulat akong nag-angat ng tingin kay Penelope, na ngayon ay masama ang tingin sa akin. “I am willing to ruin my career right now, just to slap your face where you stand right now, Talulla,” nanggigil na sabi nito sa akin.
“Penelope–” hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang malakas niya akong sinampal sa kaliwang pisngi ko.
Gulat akong napahawak doon at nilingon si Penelope, ramdam ko rin na napasinghap ang mga taong nakatingin sa amin ngayon. Dinuro niya ako. “How dare you show your face right now in this building, huh? Hindi ba’t nilayasan mo na ‘tong lugar na ‘to? Especially Sebastian’s house, right?” gigil na sabi niya sa ‘kin. “How dare you to hurt my cousin’s feelings–”
“And how dare you to slap me and jump into conclusions without knowing my side!” galit na sigaw ko sa kaniya na nag-echo rito sa floor ng building na ‘to.
Natauhan si Penelope sa pagsigaw ko sa kaniya at galit na hinuli ko ang daliri niyang nakaduro sa ‘kin, at nanggagalaiti na winaksi iyon. “Talagang masisira ang career mo dahil sa sobrang kitid ng utak mo,” sabi ko sa kaniya at galit na nilagpasan ito.
Pagkalabas ko ng building na ‘yon ay biglang may humintong sasakyan sa tapat ko. Gulat naman akong napatingin sa sasakyan na ‘yon, pero mas lalo akong nagulat ang makita kung sino nagda-drive niyon.
“Wanna have a ride?” may tipid na ngiti sa labi na sabi ni Stephen sa akin nang maibaba nito ang bintana ng sasakyan niya.
—
“You should not doing this thing for me, Stephen,” sabi ko kay Stephen nang iabot niya sa akin ang tubig. “But thank you for this…” pasasalamat ko sa kaniya nang ibigay sa akin ang tubig.
Nandito kami ngayon sa Tagaytay, dahil dito ako dinala ni Stephen. Wala naman daw kasing sariwang hangin sa Manila, kaya sa Tagaytay niya na lang ako dinala dahil bukod sa maganda ang tanawin at sariwa ang hangin, malamig pa raw dito kaya makakapag-isp pa raw ako ng maayos.
“You’re still my sister in law, so I do care for you,” nakangiting sabi niya sa akin.
Pagak akong natawa. “Sister in law…” mahinang usal ko at saka uminom ng tubig.
Tumango naman siya. “Yes. Baka nakakalimutan mong kasal ka pa rin sa kapatid ko,” nakangisi niyang sabi. “Kahit na iniwan mo siya,” dagdag pa niya.
Sinamaan ko lang siya ng tingin at saka napayuko na lang at nilaro na lang ang mga daliri ko. “It’s okay if you’re not going to tell me. I don’t mind but I do wonder,” dinig kong usal niya.
Malungkot lang akong napangiti habang nakatingin sa mga daliri ko. “Nasaktan ko si Sebastian kanina…” usal ko. “N-nasaktan ko siya nang sinabi kong nabuntis ako… at hindi siya ang Tatay,” kwento ko.
“What?!” gulat na sambit niya. “Nabuntis ka? Nasa’n na ang anak mo? Ayos ka lang ba namuhay kahit mag-isa ka lang? And oh, wait. Hindi siya ang Tatay?! How come that bastard can’t impregnate you–”
“Siya ang Ama,” putol ko sa sunod-sunod niyang tanong sa ‘kin.
Kitang-kita ko na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at unti-unting sumilay ang mga ngiti sa mga labi niya. “Ninong na ‘ko!” sigaw niya sa tuwa at nagtatatalon pa.
Mabuti na lang ay kaming dalawa lang ang nasa lugar na ‘to, kaya hinayaan ko lang itong magtatatalon. Natawa pa ako rito dahil muntik na itong matumba dahil natapilok pa siya.
Ganito rin ba kaya kasaya si Sebastian kapag sinabi ko ang totoo sa kaniya na anak namin ‘yon…?
Napatitig na lang ako kay Stephen na nagsasaya habang umiinom ng beer. “P-pero sinabi ko sa kaniya na h-hindi siya ang Ama,” mahinang sabi ko at may malungkot na ngiti lang sa labi.
Nakita kong unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ni Stephen at napalitan muli ng gulat ang ekspresyon niya. “Bakit nga ba?!” gulat na tanong niya sa akin. “Paniguradong nasaktan siya sa sinabi mo, Talulla!” sabi niya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. “Dahil… ayaw daw niyang magka-anak. ‘Yon ang sabi niya sa ‘kin… noon,” sagot ko sa kaniya.
“Kaya ba… nawala ka ng halos limang taon?” tanong niya.
Tahimik lang akong tumango sa kaniya bilang sagot. “Kaya kung maaari… ‘wag mo munang sabihin sa kaniya ang totoo,” pakiusap ko sa kaniya. “H-hayaan mong ako na lang ang magsabi sa kaniya kapag handa na ako,” dagdag ko pa.
Napatitig siya sa ‘kin ng ilang sandali at saka sunod-sunod na tumango. “Oo naman…” sabi niya.
“Salamat… salamat dahil hanggang sa bagay na ‘to ikaw lang ang nakakaintindi sa ‘kin,” sinserong sabi ko sa kaniya.
Umiling siya at saka ngumiti. “Ang tagal din nating hindi nagkita ‘no, kaya ayos lang sa akin at saka kailangan mong bumawi sa ‘kin,” nakangiting sabi niya.
Natapos ang mga sandaling iyon ay gumaan ang pakiramdam ko dahil may nasandalan akong tao kahit papaano. Hinatid na rin naman ako ni Stephen sa tinutuluyan naming apartment ngayon. Nag-iipon pa kasi ako para sa mga paggagastusan ni Thalia, lalo na’t lumalaki na rin siya, kaya hindi ko na muna inuna ang sariling bahay.
“This is where you live?” tanong sa akin ni Stephen nang ihinto niya ang sasakyan sa may tapat ng bahay namin.
Tumango ako at saka siya nginitian. “Yup. Thanks for today, Keegan,” nakangiting sabi ko sa kaniya.
Pinanliitan niya ako ng tingin. “And now you’re back at calling me Keegan,” sabi niya sa akin na para ba’ng naghihinala.
Mahina akong natawa. “Because I’m back,” nangingiting sagot ko sa kaniya. “Gusto mo pumasok ka muna sa bahay?” pag-aya ko sa kaniya.
Gulat niya akong tiningnan. “Really? Can I?” gulat na tanong niya.
Nakangiti naman akong tumango. “Oo naman ‘no.”
Bigla nitong binuksan ang pintuan niya at saka bumaba ng sasakyan at umikot papunta sa may passenger seat at nakangiting pinagbuksan ako ng sasakyan. “Let’s go. I wanted to meet my baby,” nangingiting sabi niya.
HIndi ko naiwasang matawa ng malakas at saka napailing na lang at nagpaubaya sa kaniya. Nang makapasok kami sa bahay ay agad na bumungad sa amin ang nagkalat na laruan ni Thalia. “Upo ka muna ro’n sa may sofa, baka nasa taas na si Thalia,” sabi ko sa kaniya at tahimik na sumunod lang ito at naupo sa may sofa.
Ako naman ay nagmamadaling nagligpit ng mga kalat doon at habang nagliligpit ako ng mga kalat ay ramdam ko ang pagmamasid lang sa akin ni Keegan. Habang hinuhugasan ko ang bigas na isasaing ko ay narinig kong nagsalita si Keegan. “This is too much work than the office work,” dining ko usal niya. “Buti kinaya mo ‘to na ikaw lang ang mag-isa?” tanong niya.
Tinapos ko ang paghugas sa bigas at paglagay ng tubig doon at saka ibinalik na ito sa may rice cooker at sinaksak na iyon para mag-umpisa nang maluto. Nagpunas ako ng mga kamay ko bago sagutin si Keegan. “Sanayan na lang siguro, Kee,” sagot ko sa kaniya at saka naupo sa tabi niya. “Mawawala rin naman lahat ng pagod ko kapag nakita ko ang mukha ng anak ko. Totoo nga ‘yung sabi nila na mawawala lahat ng pagod mo, makita mo lang ang anak mo. At saka hindi naman ako mag-isa, tinutulungan naman ako ni–” hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang may tumawag sa akin.
“Tally? Nakauwi ka na ba?”
Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Keegan sa may hagdanan at saka napatingin kay Ashanti na pababa ng hagdan ngayon. “Kanina ka pa hinahanap sa ‘kin ni Thalia– Stephen?!” gulat na bulalas ni Ashanti nang makita si Keegan na katabi ko.
“Yeah… it’s me,” mahinang sagot ni Keegan. “So you knew too after all,” mahihimigan sa boses ni Keegan ang gulat. “Why am I fucking surprise? E’ magkaibigan kayo,” dagdag pa ni Keegan at napailing na lang.
“Hindi mo naman nasabing may bwisita tayo, Tally. E’ ‘di sana nakapaglinis man lang ako rito sa kuta natin,” birong pagtataray ni Ashanti nang makababa ng hagdanan.
“So mean,” komento ni Keegan sa kaniya at tinarayan lang siya ni Ashanti.
Sinuway ko silang dalawa. “Tumigil na kayong dalawa. Kumain na muna tayo ng hapunan at nagugutom na ‘ko,” sabi ko sa kanilang dalawa at saka naghanda na ng makakain.
“Bakit nga ba kasama mo ‘tong lalaki na ‘to?” takhang tanong ni Ash, habang nakaturo pa kay Keegan na masaganang kumakain, dahil sinigang na baboy ang ulam namin ngayon at paborito iyon ni Keegan.
Simple naman akong lumingon kay Keegan at saka tumikhim. “Ahm ano kasi… galing ako sa opisina ni S-Sebastian…” sagot ko.
“Huh?!” gulat na usal ni Ash, kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Keegan. “E’ ano naman ang nangyari? Sinabi mo na ba ‘yung totoo?” tanong ni Ash sa akin.
Dahan-dahan akong umiling at nakita kong mas lalong nanlaki ang mga mata niya. “S-sinabi kong hindi siya ‘yung Ama,” sagot ko sa kaniya.
Biglang napahampas sa lamesa si Ash at bigla itong tumayo saka pumeywang at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “Huy! Kumakain ako!” asik na suway ni Keegan kay Ash, pero hindi nito pinansin si Keegan.
“Ang shonga! Grabe!” hindi makapaniwalang sabi ni Ash. “Putcha! Kaibigan ba talaga kita?!” asik niya.
Napalabi na lang ako sa kaniya at si Keegan naman ay kumukuha na ng sabaw sa kaldero namin. “Hindi mo naman masisisi si Tally, Ash. Lalo na’t ang sinabi sa kaniya noon ng kapatid ko ay ayaw ni Sebastian magka-anak,” kalmadong sabad ni Keegan, at saka bumalik sa upuan nito at itinuloy ang pagkain. “Ang sarap nitong sinigang ah? Sino nagluto?” kapagkuwan ay tanong ni Keegan.
Pigil akong tumawa nang makita kong namula ang pisngi ni Ash. “A-ako, bakit?! May reklamo ka?” maangas na tanong ni Ash kay Keegan na patuloy lang ang kain.
“I’m just asking, bakit ba ang init ng dugo mo, babae?” hindi napigilan na iritadong tanong ni Keegan.
Mahina naman akong natawa. “Baka may mens,” natatawang sabad ko.
Umismid lang si Keegan at patuloy na kumain, habang si Ash naman ay sinermunan lang ako. “Nako talaga, Talulla Fay, ayus-ayusin mo ang desisyon mo sa buhay,” sermon niya. “Dapat ay sinabi mo na sa kaniya hangga’t maaga.”
“Baka kasi hindi niya tanggapin si Thalia… natatakot ako,” amin ko sa kaniya.
Tinaasan niya ako ng isang kilay. “So? Kinaya mo nga ng five years na wala si Sebastian, ngayon pa kaya na aamin ka lang sa kaniya? Shonga mo talaga,” sabi niya.
“Mammam?”
Natigilan kaming tatlo nang biglang may nagsalita sa may gilid ko kaya mabilis akong napalingon doon at saka malawak na napangiti nang makita si Thalia na nagkukusot ng mata habang nakatayo sa may gilid ko.
“Thatha! How are you, my baby?” malambing na sabi ko sa kaniya at agad na kinandong sa hita ko.
Agad naman siyang yumakap sa akin. “Good, Mammam…” mahinang sagot niya.
“That’s her…” dinig kong usal ni Keegan, kaya napabaling ako sa kaniya.
Nakangiting tumango ako. “Yup,” nakangiting sagot ko at saka bumaling kay Thalia. “Thalia, we have a visitor. Introduce yourself to him,” sabi ko kay Thalia na agad namang sumunod.
Humarap ito kay Keegan at saka kumaway. “My name is Thalia Fayiv Zelda, I’m five years old, turning six years old next year. Nice to meet you po, I’m happy to meet you po,” malumanay na pagpapakilala ni Thalia kay Keegan.
“Wow…” hindi makapaniwalang usal ni Keegan. Dali-dali itong tumayo sa pagkaka-upo at saka lumapit sa amin ni Thalia at sabay kinarga si Thalia. “I’m Ninong Keegan. You can call me Ninong Kee or I’ll much more preferred if you will call me handsome Kee,” pakilala ni Keegan, habang malalaki ang ngiti sa labi.
“H’wag mong turuan ng puro kalokohan ‘yan, Stephen,” suway agad ni Ash at ako naman ay natatawang napailing na lang sa kalokohan ni Keegan.
Hindi pinansin ni Keegan si Ash at titig na titig lang kay Thalia na ngayon ay nilalamutak ang mukha niya. “You really look like her, Tally. But her eyes… It really shows that it’s from Seb,” sabi ni Keegan.
“Malamang, sila bumuo e’,” pangbabara ni Ash kay Keegan pero sinamaan lang ni Keegan ng tingin si Ash.
Natapos ang mga sandaling iyon ay kahit papaano gumaan ang loob ko dahil sa mga nangyari sa building ng kumpanya ni Sebastian.
—
This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents, are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner Any resemblance to actual living persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
I’m hoping for your support for this story ^^
THANK YOU !
Talulla's POVMabilis kong inayos ang sarili ko at dali-dali akong lumabas nitong opisina ko. Pinapatawag daw ako ni Mrs. Zelda sa opisina nito, kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko dahil dalawa lang naman ‘yon, kung wala itong ipapagawa sa akin na sobrang importante ay paniguradong may nagawa na naman akong kapalpakan.Shit…Nang makarating ako sa tapat ng opisina ni Mrs. Zelda ay huminga muna ako ng malalim at saka inihanda ang sarili ko at kumatok saka taas noong pumasok ng opisina nito. Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Mrs. Zelda na seryoso ang mukha habang nakaharap ito sa laptop niya.Bahagya naman akong yumuko at saka ito binati. “Good day, Mrs. Zelda,” pormal na bati ko sa kaniya at saka naglakad palapit sa office table nito.“I think you already know what’s our agenda right now. Right, Ms. Zelda?” maawtoridad na tanong sa ‘kin ni Mrs. Zelda.Mrs. Zelda ang tawag ko sa kaniya kapag nandito kami ngayon sa opisina, dahil walang pami-pamilya raw pagdating sa trabaho kaya
Chapter 2Talulla's POV“You did well today again, Miss Zelda.”Napabaling ako sa secretary ko na nakangiti ngayon sa akin, habang hawak-hawak nito ang folder na pinirmahan ko. Tipid ko siyang nginitian. “Thank you, Layla,” pasasalamat ko sa kaniya at saka tumayo ako sa kinauupuan ko. “You may take your leave now, Layla. Thank you for your hardwork today,” nakangiting paalam ko sa kaniya at saka ako lumabas na ng opisina ko at diretsong naglakad na papuntang elevator.Habang naglalakad ako papuntang elevator ay naririnig ko ang mga nagbubulungan na empleyado rito sa floor kung nasaan ang opisina ko. “Naglayas daw si Miss Zelda sa bahay nila e’.”“Sinagot niya raw si Mrs. Zelda, kaya baka siguro pinalayas siya…”“Hindi! Kusa raw umalis si Miss Zelda sa bahay nila.”“Kahit sino rin naman kasi mapupuno kung paano siya kontrolin ng mga magulang niya…”“Sabagay.”“Kaya nga e’. Buti na lang may kaibigan si Miss Zelda, para kahit papaano ay may mapagsasabihan siya ng mga hinanakita niya.”
Chapter 2Talulla's POV“You did well today again, Miss Zelda.”Napabaling ako sa secretary ko na nakangiti ngayon sa akin, habang hawak-hawak nito ang folder na pinirmahan ko. Tipid ko siyang nginitian. “Thank you, Layla,” pasasalamat ko sa kaniya at saka tumayo ako sa kinauupuan ko. “You may take your leave now, Layla. Thank you for your hardwork today,” nakangiting paalam ko sa kaniya at saka ako lumabas na ng opisina ko at diretsong naglakad na papuntang elevator.Habang naglalakad ako papuntang elevator ay naririnig ko ang mga nagbubulungan na empleyado rito sa floor kung nasaan ang opisina ko. “Naglayas daw si Miss Zelda sa bahay nila e’.”“Sinagot niya raw si Mrs. Zelda, kaya baka siguro pinalayas siya…”“Hindi! Kusa raw umalis si Miss Zelda sa bahay nila.”“Kahit sino rin naman kasi mapupuno kung paano siya kontrolin ng mga magulang niya…”“Sabagay.”“Kaya nga e’. Buti na lang may kaibigan si Miss Zelda, para kahit papaano ay may mapagsasabihan siya ng mga hinanakita niya.”
Talulla's POVMabilis kong inayos ang sarili ko at dali-dali akong lumabas nitong opisina ko. Pinapatawag daw ako ni Mrs. Zelda sa opisina nito, kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko dahil dalawa lang naman ‘yon, kung wala itong ipapagawa sa akin na sobrang importante ay paniguradong may nagawa na naman akong kapalpakan.Shit…Nang makarating ako sa tapat ng opisina ni Mrs. Zelda ay huminga muna ako ng malalim at saka inihanda ang sarili ko at kumatok saka taas noong pumasok ng opisina nito. Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Mrs. Zelda na seryoso ang mukha habang nakaharap ito sa laptop niya.Bahagya naman akong yumuko at saka ito binati. “Good day, Mrs. Zelda,” pormal na bati ko sa kaniya at saka naglakad palapit sa office table nito.“I think you already know what’s our agenda right now. Right, Ms. Zelda?” maawtoridad na tanong sa ‘kin ni Mrs. Zelda.Mrs. Zelda ang tawag ko sa kaniya kapag nandito kami ngayon sa opisina, dahil walang pami-pamilya raw pagdating sa trabaho kaya
“And do you think that’s enough reasons to leave me without any words and any traces?” galit na tanong sa ‘kin ni Sebastian.Nandito ako ngayon sa opisina ni Sebastian. Pinapunta niya ako rito sa opisina niya dahil gusto niya raw mag-usap kaming dalawa, kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Blangko lang ang tingin na tiningnan ko siya. “Yes. That’s already enough reason that I can explain to you, Mr. Osvaldo,” sagot ko sa kaniya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat dahil siguro sa inakto ko tungo sa kaniya. “Five years ago… I already asked for divorcement, pero humindi ka at hindi mo ako pinansin ng halos isang linggo na magdadalawang linggo pa,” pagak akong natawa. “And now you are asking for my reasons? At hindi pa enough sa’yo ang in-explain ko? Are you out of your mind?!–”“Because you don’t have any valid reasons to divorce me, Talulla!” galit na singhal niya sa akin, kaya gulat akog natigilan.Nakita ko sa mga mata niya ang galit at sakit na para ba’ng matagal na niyan