Share

Chapter 2

Author: vintaegexmc
last update Huling Na-update: 2022-12-13 16:47:04

Chapter 2

Talulla's POV

“You did well today again, Miss Zelda.”

Napabaling ako sa secretary ko na nakangiti ngayon sa akin, habang hawak-hawak nito ang folder na pinirmahan ko. 

Tipid ko siyang nginitian. “Thank you, Layla,” pasasalamat ko sa kaniya at saka tumayo ako sa kinauupuan ko. “You may take your leave now, Layla. Thank you for your hardwork today,” nakangiting paalam ko sa kaniya at saka ako lumabas na ng opisina ko at diretsong naglakad na papuntang elevator.

Habang naglalakad ako papuntang elevator ay naririnig ko ang mga nagbubulungan na empleyado rito sa floor kung nasaan ang opisina ko. 

“Naglayas daw si Miss Zelda sa bahay nila e’.”

“Sinagot niya raw si Mrs. Zelda, kaya baka siguro pinalayas siya…”

“Hindi! Kusa raw umalis si Miss Zelda sa bahay nila.”

“Kahit sino rin naman kasi mapupuno kung paano siya kontrolin ng mga magulang niya…”

“Sabagay.”

“Kaya nga e’. Buti na lang may kaibigan si Miss Zelda, para kahit papaano ay may mapagsasabihan siya ng mga hinanakita niya.”

Simple akong napayuko sa mga narinig kong iyon na galing sa mga empleyado rito at tahimik na lang na pumasok ng elevator saka pinindot ang ground floor. Habang nasa loob ako ng elevator ay nilibang ko ang sarili ko sa phone ko sa paglalaro ng isang puzzle game. Nang bumukas na ang elevator ay agad akong humakbang palabas doon.

Habang naglalakad na ako palabas na ng building ay narinig kong may biglang tumawag sa akin.

“Talulla Fay!” 

Mabilis akong napalingon sa pamilyar na boses na iyon at malalaki ang mga matang napatingin kay Dad na galit at masama ang tingin sa akin. “D-Dad…” mahinang gulat na usal ko.

Nang makalapit sa akin si Daddy ay mas nagulat ako sa ginawa nito. Iyon ay ang sampalin ako sa kinatatayuan ko. Dahil nawalan ako ng balanse ay bumagsak ako sa sahig dahil sa pagkakasampal niya sa akin.

Magkahalong gulat at takota akong napahawak sa pisngi ko at saka nag-angat ng tingin kay Daddy na matalim ang mga tingin sa akin.

“How dare you talk back to your boss and disrespect her?!” bulyaw niya sa akin.

Sunod-sunod na bumuhos ang mga luha ko at takot na nakatingala lang kay Daddy. Ramdam ko na rin ang mga tingin sa akin ng mga empleyado rito simula noong tawagin niya ako. Agad akong napangiwi nang mahigpit akong hinawakan ni Daddy sa braso ko at pilit na hinila patayo.

“D-Daddy, n-nasasaktan po ako!” iyak ko sa kaniya.

“Talagang masasaktan ka dahil sa ginawa mo!” sigaw niya sa akin at mabilis akong hinila palabas ng exit.

Pagkalabas namin ng exit ay biglang may sasakyan na huminto sa harapan namin at mabilis na binuksan ni Daddy ang pinto sa back seat at pinasakay ako ro’n. Nang makasakay kami ay mabilis na umandar ang sasakyan papunta sa hindi ko alam na lugar.

“Dad! Please! Let me get out of here!” sigaw ko habang kinakalampag ang pintuan nitong kwarto.

“Makakalabas ka lang diyan kapag dumating na ang contract as punishment for you!” sigaw pabalik sa akin ni Daddy sa labas ng kwartong ‘to.

“Dad! Palabasin mo ako rito! Dad!” panay lang ang sigaw ko at pagkalampag ng pintuan, pero wala nang sumagot pa sa mga tawag ko.

Para akong nauupos na kandila na napaupo na lang sa sahig at tahimik na umiyak. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas dahil nakatulog din naman ako, nagising na lang ako nang may gumising sa akin.

“Ma’am Talulla…” 

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at saka napatingin sa katulong na babae na nasa harapan ko ngayon. May hawak itong tray kaya dahan-dahan akong bumangon at saka takha siyang tiningnan.

“Anong… oras na?” takhang tanong ko sa kaniya.

“U-umaga na po, ma’am Talulla,” sagot niya. “Heto po ang almusal ninyo. Hapon naman na kasi ho nung makarating kayo rito ni sir Tyron. Tapos hahatiran ko na sana ho kayo ng hapunan kagabi, kaso nakatulog po kayo sa may gilid ng pintuan, kaya pinabuhat ko kayo sa mga bantay dito…” kwento niya.

Paawang lang nang paawang ang bibig ko habang kinukwento niya ang mga nangyari. Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil sa stress na nararamdaman. “Nasaan si Dad?” tanong ko sa kaniya.

Inilapag muna nito ang tray sa beside table ko at saka ako sinagot. “May pinuntahan po siya. May ka-meeting po siyang client. Sabi niya po kanina ay importanteng client daw po iyon at sinabi rin po niya na babalik siya agad at kakausapin kayo tungkol sa parusa niya sa inyo,” kwento niya sa akin.

Mariin na lang akong napapikit at saka napatango-tango. “Iwan mo na lang diyan ‘yung almusal ko riyan, Ate. ‘Wag niyo na rin po akong i-po at opo, mas matanda po kayo sa ‘kin. Salamat,” sabi ko sa kaniya na may tipid na ngiti sa mga labi.

Tumango lang siya at nginitian ako bago ito umalis ng silid. Ako naman ay naiwang tulala mag-isa at napipilitang kumain na lang. I’m really grounded…

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ulit ako pagkatapos kong mag-almusal, dahil wala naman akong ginawa kung hindi ay ang tumulala lang dito sa silid na ‘to, dahil wala naman sa akin ang cellphone ko. Nagising na lang ang diwa ko nang may yumugyog sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at takhang napatingin kay ate Lou, na siyang katulong namin at nagdala ng almusal sa ‘kin kanina. 

“Hinihintay na po kayo ni sir Tyron sa baba, miss Talulla. Nakahanda na po ang tanghalian ninyo,” sabi niya sa ‘kin.

Dahan-dahan akong bumangon. “Nasa baba na rin ba si Mommy?” takhang tanong ko sa kaniya.

“Wala po rito ang Mommy ninyo,” sagot niya.

Gulat akong napalingon sa kaniya. Ilang sandali lang ay inayos ko ang sarili ko at saka inihanda ang sarili ko para harapin si Daddy. Nang lumabas ako ng kwarto ay may mga bantay agad na nakasunod sa ‘kin at nakabantay.

Nang makarating ako sa dining area ay agad na bumungad sa akin si Daddy na may kaharap na lalaki na mukhang bisita niya. Sabay silang napabaling sa gawi ko nang makarating ako ng dining area. Dire-diretso akong naglakad papunta sa may side ni Daddy at saka naupo sa bakanteng upuan na hindi kalayuan kay Daddy. 

Nang maka-upo ako ay tumingin ako sa bisita ni Dad at saka ito binati. “You’re probably my Dad’s visitor today, so nice to meet you, Sir,” bati ko sa kaniya. “I’m stuck here right now and I don’t know how I will escape in this house. So send help, Sir, if you have a good heart. If not because my Dad says so, then it’s a no. As always.” Nag-umpisa na akong kumain na nasa harapan ko ngayon.

“Talulla Fay, show some respect to the visitor,” nagtitimpi ng galit na suway sa akin ni Dad.

Nagkibit lang ako ng balikat ko sa kaniya. “I’m respecting him, Dad. I greeted him and asked for help if he wanted to. What’s the matter?” inosenteng kunwari’y tanong ko sa kaniya.

Dad is mad at me, so why not have fun of it?

“Hello, Hija. I’m Steven Osvaldo. Nice meeting you, Hija,” nakangiting usal nung lalaki.

Nginitian ko lang siya. “I’m Talulla Fay. Nice meeting you, Sir,” sabi ko rito at saka nakangiting tumango lang.

Iminuwestra nito ang hapag-kainan na nasa harapan namin. “Let’s eat, shall we?” nakangiting aya nito sa ‘kin at saka nag-umpisa nang kumain, habang ako ay tahimik lang na kumain.

“I’m sorry for my daughter’s stubbornness. Shall we proceed to our contract?’ nakangiting tanong ni Daddy kay Mr. Osvaldo, at nginitian lang siya nito.

Habang nag-uusap sila about sa kontrata ay paunti-unting kong nakukuha kung ano ang mayro’n sa kontrata na iyon. 

Arranged contract.

Pasimpleng kumunot ang noo ko dahil doon. Para saan naman ang arranged contract nilang ‘yon?

Natauhan lang ako sa pag-iisip nang biglang may ibinigay na folder sa akin si Daddy sa harapan ko. Kunot ang noo ko naman siyang tingnan. “Para saan ‘to?” takhang tanong ko sa kaniya.

Tinuro niya ang folder. “If you want to get rid of this house, you need to look for that man and make sure he signs that contract. And you need to sign that contract too,” paliwanag sa akin ni Daddy.

Salubong ang kilay kong binasa ang nilalaman ng kontrata na ‘yon. At nang mabasa kung tungkol saan ang kontrata ay malalaki ang mata kong nilingon si Dad, na ngayon ay tumayo na sa kinauupuan niya para ihatid si Mr. Osvaldo sa labas.

Hindi ako nakaangal pa dahil nakalayo na si dad. Binasa ko ulit ang kontrata at hinanap ang pangalan nung sinasabi ni Dad. nang makita kung anong pangalan no’n ay napatitig na lang ako ro’n.

Sebastian Kenji Osvaldo.

Malakas akong napabuntong-hininga at napasabunot na lang ng buhok ko. “Saan ko naman hahanapin ang lalaking ‘to? Tatay niya ba ‘yung lalaking bisita ni Dad?” mahinang usal ko sa sarili ko.

Humingi ako ng malalim. For now… the main plan is to escape in this house.

Dali-dali akong bumalik sa kwarto at saka inayos ang sarili ko. Nang makabalik ako sa baba ay nakita ko si Dad na sumisimsim ng kape. Nang maramdaman nito ang presensya ko ay napabaling ito ng tingin sa akin.

“At saan naman ang punta mo?” biglang tanong niya.

Ipinakita ko sa kaniya ang folder na hawak ko na ibinigay niya sa ‘kin kanina. “I’m going to find that man ang made sure he signed the contract,” tipid na sabi ko sa kniya.

Sumimsim muna ito ng kape niya, bago ako sagutin. “Kailangan mo munang pirmahan ang kontratang ‘yan. Ako ang magbibigay ng kontrata na ‘yan kay Mr. Osvaldo, dahil siya ang magpapadala ng contract na ‘yan sa lalaking iyon. Sa ngayon ay pirmahan mo muna ‘yan at hintayin kung nakarating na sa lalaking iyan ang kontrata na ‘yan,” paliwanag niya sa ‘kin, habang ako ay ipinapasok pa lang sa utak ko ang mga pinagsasabi niya.

Hindi naman na ako umangal pa dahil as long as makakatakas ako sa pamamahay na ito ay gagawin ko lahat. Malalaki ang hakbang na bumalik ako ng kwarto at padabog na isinarado ang pintuan. Mabilis akong naghanap ng ballpen at saka hinanap kung saan ako pipirma sa kontrata.

Nang makita ko na kung saan ako pipirma ay agad kong inilagay ang pangalan ko ro’n at saka pumirma. Pabagsak kong binitawan ang ballpen ko at saka nahiga na sa may kama. Tulala lang ako sa may kisame, habang nakahiga at nag-iisip pa ng mga plano ko kapag nakalabas na ako ng bahay na ‘to. 

Mga plano na hindi na ako makakabalik pa ulit sa bahay na ito.

“You can already find him and make sure he will sign that contract, Talulla Fay,” maawtoridad na sabi ni Dad sa akin.

Walang emosyon lang akong tumango sa kaniya. “Geh,” sabi ko sa kaniya, saka ako naglakad na palabas ng bahay.

Inihatid ako ng driver namin sa isang company sa Manila. Nang makarating kami ay takha kong tiningnan ang driver namin. “Anong gagawin ko rito?” takhang tanong ko sa kaniya.

“Nariyan ho ang hahanapin niyong lalaki,” sagot nito sa akin.

Mabilis naman akong napabaling sa entrance nitong building at saka ilang segundo lang din ay nagpasya na akong bumaba ng sasakyan at pumasok na sa building na ‘yon. Nang makapasok ako ay parang nanliit ako sa sarili ko dahil sa garbo ng mga tao rito, kahit pati ang mga empleyado ay masasabi mong mas maayos pa sa akin, na ang suot ko lang ay jeans at oversized shirt. 

Mahina akong tumikhim at saka tahimik na naglakad papunta sa may service area. Nang makalapit ako sa babae na mukhang nag-a-assist ay tinawag ko ang pansin nito. “Ahm, excuse me, Miss,” tawag ko ng pansin dito at saka nag-angat naman ito agad ng tingin sa akin.

“Yes po?” magiliw na tanong niya sa ‘kin.

Naiilang na ngumiti ako sa kaniya. “Ahm… nandito ba ngayon si Sebastian Kenji Osvaldo?” takhang tanong ko sa kaniya at nakita ko kung paanong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya.

“May… appointment ho ba kayo?” takhang tanong niya sa akin at hindi nakatakas sa akin ang pasimpleng pagtingin sa akin nito mula paa hanggang ulo.

Dahan-dahan akong umiling sa kaniya. “Wala ho e’,” sagot ko sa kaniya. “May itatanong lang ho sana ako sa kaniya,” dagdag ko pa.

Mabilis itong umiling sa akin. “Hindi ho tumatanggap si Mr. Osvaldo ng mga unexpected na bisita, lalo na’t hindi naman ito tungkol sa trabaho,” sabi agad ng babae. “Iyon po ang sabi ng secretary niya sa amin.”

Pasimple akong napahawak sa noo ko. “Gano’n ho ba? Salamat po,” sabi ko rito at tumango lang ito, saka bumalik sa ginagawa niya.

Ako naman ay kagat ang labi na pinalibot ang tingin dito sa building na ito. Napagpasyahan ko rin na mag-ikot muna rito dahil paniguradong hinihintay ako nung driver namin sa labas ng building na ‘to. Ayoko pa naman umuwi sa bahay na ‘yon dahil para lang akong nakakulong sa hawla.

Habang nag-iikot ako rito ay hindi ko maiwasang humanga sa disenyo nitong company na ito. Minimalist ang disenyo nito pero alam mong sa unang tingin ay mahal ang mga ginamit dito. Glass wall ang harapan nitong company pero tinted siya, kaya hindi mo makikita ang nasa loob kapag nasa labas ka. 

Tahimik lang ako na naupo sa isang bench na kakaiba ang design, na parang shape siya at pinagmasdan lang ang mga taong dumadaan dito. Habang nakaupo ako rito ay narinig ko ang dalawang babae sa gilid ko na nag-uusap.

“Oh my gosh! There he is! Ang gwapo niya talaga!”

“You’re right, Shasha! Buti na lang ay lumabas na siya ng opisina niya.”

“Kahit na sobrang cold at ang sungit ng mga tingin niya, ang gwapo niya pa rin.”

Napabaling ako sa dalawang babae na ‘yon, at saka hinanap ang pinag-uusapan nilang dalawa. Palinga-linga pa ako, pero sa kakahanap ko sa pinag-uusapan nila ay may nakita akong pamilyar na lalaki.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at saka agad na tumakbo papalapit sa kaniya. Mabilis at malalaki ang hakbang nito kaya kunot ang noo ko na hinabol siya. “Keegan!” tawag ko rito, pero hindi ako nito narinig kaya tumakbo ako papunta sa may harapan niya at saka hinarang siya ro’n.

Malalaki ang ngiting nag-angat ako sa kaniya ng tingin. “Keegan! Buti na lang nandito ka!” nakangiting bungad ko sa kaniya. “Nagtatrabaho ka pala rito? P’wede mo ba ‘ko–”

“Miss? P”wedeng tumabi ka muna sa dinadaanan namin?” biglang sabad nung babaeng nakasalamin sa gilid ni Keegan. “We have some important things to do and we were in a hurry.”

Kumunot ang noo ko sa kaniya. “P’wedeng sandali lang din? Kinakausap ko pa ‘yung tao oh,” asik ko sa kaniya at nakita ko naman na natigilan siya sa sinabi ko. “So… ayun na nga, p’wede mo ba ‘kong tulungang hanapin ‘yung Sebastian Kenji Osvaldo? Kilala mo ba siya?” takhang tanong ko sa kaniya.

Titig na titig lang sa akin si Keegan at nakita kong bahagyang ngumisi ito. Bigla akong napatitig sa ngisi niyang iyon at parang nagsi-tayuan ang ang balahibo ko sa katawan ko.

“I don’t know him. I’m sorry,” sabi nito sa mababa at malaking boses saka nito nilingon ang sekretarya niya at nilagpasan na ako.

Parang nanlambot ang mga tuhod ko nang marinig ko ang boses niya, pero pinilit ko pa rin na tumayo ng tuwid. Naiwan akong tulala ro’n sa kinatatayuan ko at napalingon pa sa bulto ni Keegan.

Hindi ko naramdaman ‘yan kay Keegan… parang may mali.

Kunot ang noo kong pinagmasdan nang makalabas ng exit si Keegan. Nang nakatingin lang ako ro’n ay may mga naririnig akong nagbubulungan at nagtatawanan.

“Ambisyosa kasi.”

“Akala mo naman gagalawin siya. Mangarap na lang siya ng gising.”

“Kung ako ‘yan magpapalamon na ‘ko sa lupa.”

“That’s too embarrassing.”

Pasimple akong tumingin sa paligid ko at nakikita kong nagtatawanan ang mga tao na narito at nagbubulungan pa sila. Kunot lang ang noo kong nakatayo ro’n at nang may naalala ay mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ng jeans ko. Ibinalik sa akin ito ni Dad kanina nang aalis na ako para pumunta rito.

Mabilis akong nagpadala ng mensahe kay Keegan. 

‘To: Keegan :)

Bakit ang cold mo kanina? Bawal ka ba’ng makipag-usap sa ibang tao or kaibigan tuwing work hours?’

Sent!

Ilang segundo lang ang hinintay ko nang tumunog ang phone ko, senyales na nakapag-reply na agad si Keegan.

‘From: Keegan :) 

You saw me? Where?’

Agad na mas lalo pang binalot ng kaguluhan ang isip ko, pero natigilan lang ako nang biglang may tumawag sa phone ko. Mabilis kong sinagot iyon nang makita kung sino ang nasa caller’s ID.

“Dad,” walang emosyon na sagot ko sa kaniya sa kabilang linya.

“Have you already talked with him?” tanong nito sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim. “No, Dad,” sagot ko.

“Go home now,” pagkasabi nito niyon ay pinatay na nito ang linya.

Matalim ang naging tingin ko sa screen ng phone ko at saka dali-dali kong tinawagan si Ash. Ilang ring lang ay nasagot din naman agad ni Ash ang tawag ko.

“Hello?” sagot niya sa kabilang linya.

“Sunduin mo ako rito sa Dazzle Company, hindi na ako uuwi sa bahay,” sabi ko sa kaniya sa kabilang linya.

“Good. Kailangan ko rin ang explanation mo, kung bakit hindi na kita ma-contact,” sabi niya at nagpaalam na ulit at pinatay na ang tawag.

Ako naman ay sinilip ang driver na kasama namin na nasa labas at abala lang sa paglinga-linga sa labas habang hinihintay niya ako sa may parking lot. Nang makitang may tumawag dito ay mabilis na akong naghanap ng matataguan ko, dahil paniguradong tinawagan na siya ni Dad para pauwiin na ako.

Malalaki ang hakbang ko na pumunta sa may restroom ng pangbabae at nagtago sa isang cubicle. Mabilis ko rin na minessage si Ash kung nasaan ako, dahil io-off ko ang phone ko para hindi ako ma-contact ni Dad.

‘To: Ash <3

Nasa restroom ako ng pangbabae at nagtatago sa cubicle, dalhan mo na rin ako ng damit na maitatago ‘yung mukha ko, dahil io-off ko ang phone ko para hindi ako ma-contact ni Dad.’

Sent!

Pagka-send ko niyon ay mabilis ko ini-lock ang cubicle kung nasaan ako ngayon, saka in-off na ang phone ko at hinintay na lang ang pagdating ni Ash.

Kaugnay na kabanata

  • Escape Marriage   Prologue

    “And do you think that’s enough reasons to leave me without any words and any traces?” galit na tanong sa ‘kin ni Sebastian.Nandito ako ngayon sa opisina ni Sebastian. Pinapunta niya ako rito sa opisina niya dahil gusto niya raw mag-usap kaming dalawa, kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Blangko lang ang tingin na tiningnan ko siya. “Yes. That’s already enough reason that I can explain to you, Mr. Osvaldo,” sagot ko sa kaniya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat dahil siguro sa inakto ko tungo sa kaniya. “Five years ago… I already asked for divorcement, pero humindi ka at hindi mo ako pinansin ng halos isang linggo na magdadalawang linggo pa,” pagak akong natawa. “And now you are asking for my reasons? At hindi pa enough sa’yo ang in-explain ko? Are you out of your mind?!–”“Because you don’t have any valid reasons to divorce me, Talulla!” galit na singhal niya sa akin, kaya gulat akog natigilan.Nakita ko sa mga mata niya ang galit at sakit na para ba’ng matagal na niyan

    Huling Na-update : 2022-12-05
  • Escape Marriage   Chapter 1

    Talulla's POVMabilis kong inayos ang sarili ko at dali-dali akong lumabas nitong opisina ko. Pinapatawag daw ako ni Mrs. Zelda sa opisina nito, kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko dahil dalawa lang naman ‘yon, kung wala itong ipapagawa sa akin na sobrang importante ay paniguradong may nagawa na naman akong kapalpakan.Shit…Nang makarating ako sa tapat ng opisina ni Mrs. Zelda ay huminga muna ako ng malalim at saka inihanda ang sarili ko at kumatok saka taas noong pumasok ng opisina nito. Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Mrs. Zelda na seryoso ang mukha habang nakaharap ito sa laptop niya.Bahagya naman akong yumuko at saka ito binati. “Good day, Mrs. Zelda,” pormal na bati ko sa kaniya at saka naglakad palapit sa office table nito.“I think you already know what’s our agenda right now. Right, Ms. Zelda?” maawtoridad na tanong sa ‘kin ni Mrs. Zelda.Mrs. Zelda ang tawag ko sa kaniya kapag nandito kami ngayon sa opisina, dahil walang pami-pamilya raw pagdating sa trabaho kaya

    Huling Na-update : 2022-12-06

Pinakabagong kabanata

  • Escape Marriage   Chapter 2

    Chapter 2Talulla's POV“You did well today again, Miss Zelda.”Napabaling ako sa secretary ko na nakangiti ngayon sa akin, habang hawak-hawak nito ang folder na pinirmahan ko. Tipid ko siyang nginitian. “Thank you, Layla,” pasasalamat ko sa kaniya at saka tumayo ako sa kinauupuan ko. “You may take your leave now, Layla. Thank you for your hardwork today,” nakangiting paalam ko sa kaniya at saka ako lumabas na ng opisina ko at diretsong naglakad na papuntang elevator.Habang naglalakad ako papuntang elevator ay naririnig ko ang mga nagbubulungan na empleyado rito sa floor kung nasaan ang opisina ko. “Naglayas daw si Miss Zelda sa bahay nila e’.”“Sinagot niya raw si Mrs. Zelda, kaya baka siguro pinalayas siya…”“Hindi! Kusa raw umalis si Miss Zelda sa bahay nila.”“Kahit sino rin naman kasi mapupuno kung paano siya kontrolin ng mga magulang niya…”“Sabagay.”“Kaya nga e’. Buti na lang may kaibigan si Miss Zelda, para kahit papaano ay may mapagsasabihan siya ng mga hinanakita niya.”

  • Escape Marriage   Chapter 1

    Talulla's POVMabilis kong inayos ang sarili ko at dali-dali akong lumabas nitong opisina ko. Pinapatawag daw ako ni Mrs. Zelda sa opisina nito, kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko dahil dalawa lang naman ‘yon, kung wala itong ipapagawa sa akin na sobrang importante ay paniguradong may nagawa na naman akong kapalpakan.Shit…Nang makarating ako sa tapat ng opisina ni Mrs. Zelda ay huminga muna ako ng malalim at saka inihanda ang sarili ko at kumatok saka taas noong pumasok ng opisina nito. Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Mrs. Zelda na seryoso ang mukha habang nakaharap ito sa laptop niya.Bahagya naman akong yumuko at saka ito binati. “Good day, Mrs. Zelda,” pormal na bati ko sa kaniya at saka naglakad palapit sa office table nito.“I think you already know what’s our agenda right now. Right, Ms. Zelda?” maawtoridad na tanong sa ‘kin ni Mrs. Zelda.Mrs. Zelda ang tawag ko sa kaniya kapag nandito kami ngayon sa opisina, dahil walang pami-pamilya raw pagdating sa trabaho kaya

  • Escape Marriage   Prologue

    “And do you think that’s enough reasons to leave me without any words and any traces?” galit na tanong sa ‘kin ni Sebastian.Nandito ako ngayon sa opisina ni Sebastian. Pinapunta niya ako rito sa opisina niya dahil gusto niya raw mag-usap kaming dalawa, kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Blangko lang ang tingin na tiningnan ko siya. “Yes. That’s already enough reason that I can explain to you, Mr. Osvaldo,” sagot ko sa kaniya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat dahil siguro sa inakto ko tungo sa kaniya. “Five years ago… I already asked for divorcement, pero humindi ka at hindi mo ako pinansin ng halos isang linggo na magdadalawang linggo pa,” pagak akong natawa. “And now you are asking for my reasons? At hindi pa enough sa’yo ang in-explain ko? Are you out of your mind?!–”“Because you don’t have any valid reasons to divorce me, Talulla!” galit na singhal niya sa akin, kaya gulat akog natigilan.Nakita ko sa mga mata niya ang galit at sakit na para ba’ng matagal na niyan

DMCA.com Protection Status