Share

Chapter 1

Author: vintaegexmc
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Talulla's POV

Mabilis kong inayos ang sarili ko at dali-dali akong lumabas nitong opisina ko. Pinapatawag daw ako ni Mrs. Zelda sa opisina nito, kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko dahil dalawa lang naman ‘yon, kung wala itong ipapagawa sa akin na sobrang importante ay paniguradong may nagawa na naman akong kapalpakan.

Shit…

Nang makarating ako sa tapat ng opisina ni Mrs. Zelda ay huminga muna ako ng malalim at saka inihanda ang sarili ko at kumatok saka taas noong pumasok ng opisina nito. Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Mrs. Zelda na seryoso ang mukha habang nakaharap ito sa laptop niya.

Bahagya naman akong yumuko at saka ito binati. “Good day, Mrs. Zelda,” pormal na bati ko sa kaniya at saka naglakad palapit sa office table nito.

“I think you already know what’s our agenda right now. Right, Ms. Zelda?” maawtoridad na tanong sa ‘kin ni Mrs. Zelda.

Mrs.  Zelda ang tawag ko sa kaniya kapag nandito kami ngayon sa opisina, dahil walang pami-pamilya raw pagdating sa trabaho kaya lagi akong pormal kapag kaharap siya.

Kahit kay Daddy ay gano’n din ang pakikitungo ko dahil iyon ang paalala nila sa akin. Kaya minsan ay nadadala ko na kahit sa bahay namin ang pakikitungo ko sa kanilang gano’n at wala lang naman sa kanila iyon.

“Yes, Ma’am,” pormal na sagot ko.

“You signed the wrong contract and gave it to your Secretary. Don’t you read the contract that was given to you before signing it?” istriktong tanong niya sa ‘kin, habang may matalim na tingin sa akin.

Lihim naman akong napalunok. Yari na naman ako nito pag-uwi sa bahay… kay Ash na muna ako didretso mamaya pagka-uwi. “I read it, Mrs. Zelda, but my Secretary says that you told her to sign it–”

“And you really signed it without reading the contract?!” biglang sigaw nito sa akin, kaya napagitla naman ako sa gulat. Malakas nitong hinampas ang lamesa niya, kaya napapikit na lang ako sa gulat. “And now, we’re the ones who are responsible for that big mistake you made!” galit na singhal niya sa kin.

Napayuko na lang ako dahil pakiramdam ko ay nadagdagan na naman ang sama ng loob sa ‘kin ni Mommy. May itatanim na naman siyang galit sa ‘kin… farmer yarn? “Of course, it’s you so I need to oblige what you ordered for me. Kapag hindi ko ginawa ang utos ninyo ay ako pa rin ang mali, so why not do it instead right?” hindi ko napigilang pagsagot ko sa kaniya at kitang-kita ko kung paano mas lalong nagalit ang ekspresyon ng mukha niya. “It’s your order, so you really have to take the whole responsibility of that mistake,” dagdag ko at saka bahagyang yumukod sa kaniya. “I’ll take my leave now, Mrs. Zelda,” paalam ko sa kaniya at saka ito tinalikuran.

“No one dares to walk out on me! No one!” rinig kong galit sa sigaw nito sa akin.

Binuksan ko ang pintuan nitong opisina niya at saka nilingon siya sa huling pagkakataon. “And you can’t just made feel that I have mistake this time, Mrs. Zelda. I am not dumb to just sign the contract like it was nothing. I’ve read it and I know I can’t sign it because it’s too risky, but can you blame me? It’s your order for me to sign it so I did because no one can be against you right?” pabalang na sagot ko rito. “And no. Anyone can dare to walk out on you, and I’m one of them, Mrs. Faye Zelda,” pagkasabi ko no’n ay malakas kong isinarado ang pintuan ng opisina niya.

Mabuti na lang at walang masyadong empleyado rito sa hallway nitong floor na ‘to, kaya walang nakarinig masyadong ng alitan namin ni Mommy. Napasapo na lang ako sa ulo ko dahil sa frustrations at dali-daling naglakad pa papunta sa may elevator. Habang hinihintay kong bumukas ang pintuan ng elevator ay nakayuko lang ako habang sapo-sapo ang noo ko. 

Iniisip ko ang plano kong kunin ang mga damit ko sa bahay at kila Ash na muna ako tutuloy, lalo na’t mainit ang dugo sa ‘kin ni Mommy. Kukunin ko rin ang naipon kong pera sa kwarto ko, lalo na’t ang mga bank accounts ko ay hawak nila Mom at Dad, kaya may possible na i-freeze nila ang bank account ko.

Tama… punong-puno na ako masyado kila Mom and Dad.

“Aren’t you going to move to the side? You’re blocking my way, woman.”

Napagitla ako nang biglang may magsalita sa harapan ko, kaya gulat akong nag-angat ng tingin sa kaniya at bumungad sa akin ang matangkad at gwapong lalaki. Na nakaka hipnotismo ang mga mata. They were ocean blue eyes… 

His face remains stoic as he stares back at me. I feel like I was caught off guard on where I stand right now. “Miss?” malamig ang tinig na boses na tawag niya sa ‘kin. 

I blinked twice before I moved to the side to give his way. “S-sorry…” I whispered as I apologized. 

I just heard he tsked, before he passed me with both hands in his pockets. Nang makalagpas ito sa akin ay nilingon ko muna ito sa huling pagkakataon bago ako nagmamadaling pumasok ng elevator na pasara na.

Weird.

“Gaga ka talagang babae ka,” sermon sa ‘kin ni Ash, habang nandito kami ngayon sa kwarto niya. “Idadamay mo pa ‘ko sa mga kalokohan mo e’.”

Napakamot naman ako ng ulo ko. “Kaya nga sorry na e,” ulit na hingi ko ng tawad sa kaniya.

Kinumpas nito ang hintuturo niya sa ‘kin. “Pero ayos na rin na sinagot mo ‘yung Nanay mo. Ang hirap kaya no’n sa sitwasyon mo, like since nung bata ka pa obligasyon mo nang maging katulad nila. Ano? Pinanganak ka lang para gawing taga-handle ng business ng mga magulang mo?” sarkastikong usal niya. “Parang hindi make love ang nangyari, parang make business ang nangyari e’,” sabi niya at napailing-iling pa.

Napalabi na lang ako. “Basta, stay muna ‘ko rito ha? Kapag tinawagan kayo nila Mommy sabihin niyo hindi niyo pa ako nakikita simula kahapon. Kasi kapag hindi niyo sinagot ‘yung tawag ng mga ‘yon, for sure na alam na nilang nandito ako sa bahay niyo,” sabi ko.

Napapalakpak naman si Ash sa akin. “Hayon! Marunong magsinungaling! At alam din ang mga galawan ng magulang niya! Best friend nga kita!” nangingiting puri niya sa akin at napailing na lang ako saka mahinang natawa. “Tara, clubbing mamaya as a celebration!” 

Agad na nag-aliwalas ang mukha ko. “Talaga? Libre mo ‘ko?” takhang tanong ko na ninigurado pa.

Tumango naman siya. “Oo naman! Celebration ‘yan dahil hindi ka na si Talulla lang, ikaw na si Talulla!” natatawang sabi niya kaya natawa na rin ako.

Lumipas ang mga sandaling iyon ay sa kanila muna ako nagpahinga at nag-stay, dahil alam kong galit pa sa akin si Mommy at paniguradong nagsumbong na iyon kay Daddy. Habang inaayos ko ang mga dala kong damit ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Ash at pumasok doon si Ash.

“Ready ka na ba?” excited na tanong niya sa ‘kin.

Mahina naman akong natawa. “Hindi pa nga ako nakakaligo e’,” natatawang sabi ko sa kaniya.

“Kung gano’n, e’ ‘di maligo ka na!” pagpupumilit niya sa akin.

Napailing na lang ako at gad ko rin namang sinunod ang sinabi niya at dali-dali nga akong naghanda para makapag-clubbing na rin kami. Umalis kami ng mga 7pm sa bahay nila Ash, dahil paniguradong mata-traffic kami papuntang Manila, kaya nang makarating kami sa may BGC ay mga mag-11pm na kami nakarating.

Nang makarating din naman kami ay naghanap muna kami ng restaurant na makakainan dahil ginutom si Ash sa byahe kahit sasaglit lang naman. “Let’s try there, Tally!” usal ni Ash, kaya napalingon ko sa kaniya.

Iminuwestra ko ang daan. “Go, keri mo na ‘yan. Nakasunod lang ako sa’yo,” sabi ko sa kaniya at pabiro lang niya akong inirapan, kaya mahina akong natawa.

Masaya kaming sumasayaw at sumusunod sa ritmo ng kanta ni Ash habang nandito kami ngayon sa isang club na ang pangalan ay JJAF Club. Habang sumisimsim ako ng wine sa baso ko ay biglang may lumapit sa akin na lalaki.

“Hi, Miss… can I get your number?” malanding tanong sa akin nito.

I sweetly smiled at him and shook my head. “No. You can’t,” tanggi ko sa kaniya at tahimik lang itong umalis. 

Hindi lang iyon ang lalaking lumapit sa akin at nagtangkang kunin ang number o pangalan ko, dahil nasundan pa iyon ng ibang mga lalaki na panay lang din ang tanggi ko sa kanila.

“Hi! You look beautiful. May I know–”

“You may not.”

“Are you looking for someone to be with you tonight? I’m free.”

“And I am not free.”

“Hi! What’s your name?”

“Leave me alone.”

Iyan ang isa sa mga naging pagtanggi ko sa kanila, kaya nakita kong natatawang lumapit sa akin si Ash na kakagaling lang sa dance floor.

“Sis! Ang dami mong ni-reject! Have some fun, bitch!” natatawang asik niya sa akin.

Mahina akong natawa at napailing sa kaniya. “Clubbing ang ipinunta natin dito, hindi landi,” natatawang sagot ko sa kaniya at saka sumimsim ng wine. “Ikaw, maghanap ka ng lalaking jojombagin mo. Ako kasi marami akong problema kaya wala akong ganang makipag landian sa ngayon,” sabi ko sa kaniya.

Pabirong inirapan niya lang ako. “Whatever,” nangingising sabi niya sa akin at saka nagpaalam na. “See you at the hotel later!” paalam niya sa akin at saka natatawang tumango na lang ako.

Pinagmasdan ko lang na pumuntang dance floor si Ash hanggang sa mawala na siya sa paningin ko at saka tahimik ko lang inubos ang natitirang wine sa baso ko.

“You were alone now.”

Mabilis akong napaling sa nagsalita na iyon at takhang napabaling sa katabi ko. Hindi ito nakatingin sa akin at sa baso niya ito nakatuon ang pansin. Kinunotan ko lang ito ng noo ko at saka tinawag ang bartender para manghingi pa ng isang basong wine.

Hindi ko na lang pinansin ang lalaking katabi ko at saka sumimsim ulit ng wine sa baso ko. “You’re so interesting,” dinig kong usal na naman nito.

“I’m not interested,” tipid na sabi ko rito na hindi ito nililingon.

Narinig ko itong mahinang natawa sa sagot ko. “Same. Not interested either…” sagot nito sa akin. “I’m just curious to your personality,” natatawang sabi nito.

Napairap naman ako sa hangin. “Isn’t the same thing?” sarkastikong tanong ko na hindi pa rin ito nililingon.

“Dunno. I’m Keegan by the way,” biglang pagpapakilala nito sa akin.

Kunot ang noo kong nilingon ito at bahagya pa kong nagulat nang nakangiting nakalingon ito sa akin. Hindi lang iyon ang ikinagulat ko, dahil ang lalaki na katabi ko ngayon ay iyong pamilyar na lalaki na nakita ko sa may elevator kanina.

“Ikaw?” gulat na usal ko sa kaniya.

Dahan-dahang nawala ang mga ngiti niya sa labi at napalitan ng pagtatakha ang mukha niya. “Uhm… what?” takhang tanong niya sa akin.

Hinarap ko siya at kunot pa rin ang mga noo ko na kinausap siya. “We bumped into each other earlier! Sa elevator,” sabi ko sa kaniya at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. “You were so intimidating earilier and so cold… tapos ngayon parang mas nakakasilaw pa ang mga ngiti mo kaysa sa araw,” kwento ko na hindi naiwasang irapan siya.

“I… don’t get it. We bumped into each other earlier? Kilala mo ako?” takhang tanong niya.

Inirapan ko lang siya. “Bumped into each other nga ‘dib ba? Hindi kita kilala ‘no! Ambisyoso naman nito,” asik ko sa kaniya at saka sumimsim ng wine ko.

“Oh… looks like he has some meetings to do huh? So hardworking,” sabi nito at saka napailing pa. Ako naman ay hindi naintindihan ang sinabi niya, kaya hindi ko na lang ito pinansin. “If that is so… can we be friends?” nangingiting tanong sa akin nito.

Takha ko lang itong tiningnan. “Friends, huh?”

Nakangiting tumango ito sa akin at saka ako hinarap ng maayos. “Again, my name is Keegan. And yours is…?” tanong niya sa akin.

“Fay. Fay is my name,” tipid na sabi ko.

Mas lumawak ang mga ngiti niya. “Then we’re friends now!” nangingiting sabi niya.

Ako naman ay napailing na lang at saka hinayaan na lang itong daldalin ako hanggang sa maubos ko ang isang baso ng wine ko at makabalik na rin sa hotel room namin ni Ash. Hiningi rin sa akin nung Keegan na ‘yon ang number ko at hindi rin naman na ako nakatanggi dahil panay ang sabi niya sa akin ng kaibigan niya raw ako. Na ako lang daw ang matino niyang kaibigan.

Tinanong ko rin si Keegan kung bakit sa dinami-dami ng tao sa loob ng club ay ako pa ang kinulit niya na maging kaibigan, pero ang sinagot niya lang sa akin ay hindi ko raw kasi siya pinag-iinteresan. 

“You okay here?” tanong sa akin ni Keegan.

Tumango naman ako. “Yup. Thank you sa paghatid sa akin dito sa unit ko,” nakangiting sabi ko sa kaniya.

Napangiti naman siya. “Basta i-message mo ako agad kapag nagkita ulit tayo sa kung saan ah?” nakangiting sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko. “Ba’t naman kita ime-message kapag nagkita tayo? Sira ba ulo mo? Ano? Hindi mo ako papansinin kapag nagkita tayo sa kung saan?” takhang tanong ko sa kaniya.

Agad siya natigilan at saka napapangiwing napakamot na lang ng batok niya. “Ah basta! See you again, Fay!” nakangiting paalam niya sa akin.

Nakangiting kinawayan ko siya at saka binuksan na ang pintuan ng hotel room namin ni Ash. Pagkapasok ko ay tama ang hinala kong wala pa si Ash. Paniguradong nakahanap na ‘yon ng lalaki niya.

Mabilis akong nag-half bath at saka nagsuot na ng pang tulog na damit at nahiga na sa isang kama. Nag-cellphone lang ako sandali para tingnan ang mga messages ko at nakita kong may 10 miss calls ako kay Mommy at 16 miss calls naman kay Daddy. Dahil doon ay napabuntong-hininga na lang ako at saka itinabi sa gilid ng unan ko ang phone ko.

Responsibilidad na naman ang haharapin ko kapag sinagot ko ang mga tawag at text nila sa akin, kaya hindi ko muna iyon sasagutin hanggang sa nakapag-unwind na ako. Gusto ko nang makalaya sa buhay na ganito na sunod-sunuran lang… may mga pangarap din naman ako.

Kinabukasan naman ay tanghali na ako nagising dahil mga quarter to 4am na rin ako nakauwi, kaya ngayon ay kahit sumasakit ng kaunti ang ulo ko ay bumangon na ako at naghanda na ng makakain ko. Nang makitang wala kaming stock dito ay dali-dali akong nag-ayos ng sarili ko at saka nagpalit ng maayos na damit para bumili sa baba sa may malapit na convenience store ng kahit instant noodles lang.

Habang isinusuot ko ang sandals ko ay biglang bumukas ang pintuan nitong unit namin ni Ash. Gulat naman akong napabaling doon at saka gulat na napatingin kay Ash na ngayon ay nakahawak sa ulo niya.

“Ba’t ngayon ka lang?!” gulat na asik ko sa kaniya. “Gaga ka! Akala ko ikaw na ang jinombag ng lalaki!” singhal ko sa kaniya. “Wala akong idadahilan kila Tito at Tita kapag nagkataon!”

Nahihilong pumasok ito sa loob at saka tinanggal ang heels niya at tuloy-tuloy na dumiretso sa may kama. “Gaga! Parehas kaming nagjombagan! Natalo nga lang ako, kaya sa huli ay bagsak…” kwento ni Ash habang nakasubsob ang mukha sa unan, habang nakadapa ito.

“Bibili lang ako ng makakain natin sa may baba, sa may convenience store. Para naman mahimasmasan ‘yang kalandian mong kaluluwa,” sabi ko sa kaniya at hindi na ako nito sinagot pa at nagmamadali na akong umalis para makakain na rin naman na kami.

Kaugnay na kabanata

  • Escape Marriage   Chapter 2

    Chapter 2Talulla's POV“You did well today again, Miss Zelda.”Napabaling ako sa secretary ko na nakangiti ngayon sa akin, habang hawak-hawak nito ang folder na pinirmahan ko. Tipid ko siyang nginitian. “Thank you, Layla,” pasasalamat ko sa kaniya at saka tumayo ako sa kinauupuan ko. “You may take your leave now, Layla. Thank you for your hardwork today,” nakangiting paalam ko sa kaniya at saka ako lumabas na ng opisina ko at diretsong naglakad na papuntang elevator.Habang naglalakad ako papuntang elevator ay naririnig ko ang mga nagbubulungan na empleyado rito sa floor kung nasaan ang opisina ko. “Naglayas daw si Miss Zelda sa bahay nila e’.”“Sinagot niya raw si Mrs. Zelda, kaya baka siguro pinalayas siya…”“Hindi! Kusa raw umalis si Miss Zelda sa bahay nila.”“Kahit sino rin naman kasi mapupuno kung paano siya kontrolin ng mga magulang niya…”“Sabagay.”“Kaya nga e’. Buti na lang may kaibigan si Miss Zelda, para kahit papaano ay may mapagsasabihan siya ng mga hinanakita niya.”

  • Escape Marriage   Prologue

    “And do you think that’s enough reasons to leave me without any words and any traces?” galit na tanong sa ‘kin ni Sebastian.Nandito ako ngayon sa opisina ni Sebastian. Pinapunta niya ako rito sa opisina niya dahil gusto niya raw mag-usap kaming dalawa, kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Blangko lang ang tingin na tiningnan ko siya. “Yes. That’s already enough reason that I can explain to you, Mr. Osvaldo,” sagot ko sa kaniya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat dahil siguro sa inakto ko tungo sa kaniya. “Five years ago… I already asked for divorcement, pero humindi ka at hindi mo ako pinansin ng halos isang linggo na magdadalawang linggo pa,” pagak akong natawa. “And now you are asking for my reasons? At hindi pa enough sa’yo ang in-explain ko? Are you out of your mind?!–”“Because you don’t have any valid reasons to divorce me, Talulla!” galit na singhal niya sa akin, kaya gulat akog natigilan.Nakita ko sa mga mata niya ang galit at sakit na para ba’ng matagal na niyan

Pinakabagong kabanata

  • Escape Marriage   Chapter 2

    Chapter 2Talulla's POV“You did well today again, Miss Zelda.”Napabaling ako sa secretary ko na nakangiti ngayon sa akin, habang hawak-hawak nito ang folder na pinirmahan ko. Tipid ko siyang nginitian. “Thank you, Layla,” pasasalamat ko sa kaniya at saka tumayo ako sa kinauupuan ko. “You may take your leave now, Layla. Thank you for your hardwork today,” nakangiting paalam ko sa kaniya at saka ako lumabas na ng opisina ko at diretsong naglakad na papuntang elevator.Habang naglalakad ako papuntang elevator ay naririnig ko ang mga nagbubulungan na empleyado rito sa floor kung nasaan ang opisina ko. “Naglayas daw si Miss Zelda sa bahay nila e’.”“Sinagot niya raw si Mrs. Zelda, kaya baka siguro pinalayas siya…”“Hindi! Kusa raw umalis si Miss Zelda sa bahay nila.”“Kahit sino rin naman kasi mapupuno kung paano siya kontrolin ng mga magulang niya…”“Sabagay.”“Kaya nga e’. Buti na lang may kaibigan si Miss Zelda, para kahit papaano ay may mapagsasabihan siya ng mga hinanakita niya.”

  • Escape Marriage   Chapter 1

    Talulla's POVMabilis kong inayos ang sarili ko at dali-dali akong lumabas nitong opisina ko. Pinapatawag daw ako ni Mrs. Zelda sa opisina nito, kaya abot-abot ang kabang nararamdaman ko dahil dalawa lang naman ‘yon, kung wala itong ipapagawa sa akin na sobrang importante ay paniguradong may nagawa na naman akong kapalpakan.Shit…Nang makarating ako sa tapat ng opisina ni Mrs. Zelda ay huminga muna ako ng malalim at saka inihanda ang sarili ko at kumatok saka taas noong pumasok ng opisina nito. Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Mrs. Zelda na seryoso ang mukha habang nakaharap ito sa laptop niya.Bahagya naman akong yumuko at saka ito binati. “Good day, Mrs. Zelda,” pormal na bati ko sa kaniya at saka naglakad palapit sa office table nito.“I think you already know what’s our agenda right now. Right, Ms. Zelda?” maawtoridad na tanong sa ‘kin ni Mrs. Zelda.Mrs. Zelda ang tawag ko sa kaniya kapag nandito kami ngayon sa opisina, dahil walang pami-pamilya raw pagdating sa trabaho kaya

  • Escape Marriage   Prologue

    “And do you think that’s enough reasons to leave me without any words and any traces?” galit na tanong sa ‘kin ni Sebastian.Nandito ako ngayon sa opisina ni Sebastian. Pinapunta niya ako rito sa opisina niya dahil gusto niya raw mag-usap kaming dalawa, kaya pinagbigyan ko siya sa gusto niya. Blangko lang ang tingin na tiningnan ko siya. “Yes. That’s already enough reason that I can explain to you, Mr. Osvaldo,” sagot ko sa kaniya at kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat dahil siguro sa inakto ko tungo sa kaniya. “Five years ago… I already asked for divorcement, pero humindi ka at hindi mo ako pinansin ng halos isang linggo na magdadalawang linggo pa,” pagak akong natawa. “And now you are asking for my reasons? At hindi pa enough sa’yo ang in-explain ko? Are you out of your mind?!–”“Because you don’t have any valid reasons to divorce me, Talulla!” galit na singhal niya sa akin, kaya gulat akog natigilan.Nakita ko sa mga mata niya ang galit at sakit na para ba’ng matagal na niyan

DMCA.com Protection Status