Share

Entwined Hands
Entwined Hands
Author: inkfeatherxx

Simula

Author: inkfeatherxx
last update Last Updated: 2022-07-24 11:01:11

Simula

"That's all for today. Class dismissed."

Walang gana kong iniligpit ang aking mga gamit sa mesa. Nagsitayuan na rin ang mga kaklase ko at kanya kanyang puntahan sa mga kaibigan. I slowly took my book for the next class. Dahil wala naman din akong gagawin pa, I decided to roam my eyes around the classroom. Nakapangalumbaba akong tumingin sa aking mga kaklase. Most of them are as usual, talking about how expensive their lipsticks are, where they went this weekend, their plans later, and so on. May iba naman na mabilis na naglabas ng kanilang mga gitara-magjajamming.

Inialis ko ang tingin sa mga abalang kaklase at ibinaling na lang ang atensiyon sa bintana. I looked at the blue sky at naghanap ng cloud formations.

While looking outside, my gaze went down. Naibaba ko ang aking aking kamay sa pagkakalumbaba nang makita ang pamilyar na pigura. My eyes squinted for a moment para mas matingnan pa ng maayos ang bulto ng katawan na siyang nakatingala sa deriksyon ko. But my attention immediately diverted at the classroom's door when one of my classmates shouted.

"Wala raw klase! May meeting 'yong mga teachers para sa Intrams!"

Napalingon ako nang marinig ang magandang balita. Iyon na kasi ang huli naming subject sa hapon kaya maaga akong makakauwi.

I looked again outside, but there's no sign of that person. Weird.

Napahinga ako ng malalim at mabilis nang inilagay ang aking libro sa bag. Agad kong isinukbit ang aking bag at nauna nang lumabas.

"Ayan nanaman ang weirdo. Grabe, two years na natin yang kaklase pero minsan ko lang marinig magsalita. Ni hindi ko napapansing may kaibigan yan," one of my classmates whispered habang palabas ako ng pintuan.

Hindi ko na lamang pinansin dahil sanay na ako na pinagbubulungan. Kung hindi sa ugali ko, damit ko naman ang pinag-uusapan.

Naglakad ako sa lobby at katulad pa rin ng dati, pinagtitinginan nanaman ako. I didn't mind though. Sanay na rin naman kasi ako. Sanay na akong pag-usapan. Iyan ang mahirap sa tao, they judge easily kahit hindi pa nila lubusang kilala. They easily believed in rumors and based themselves on what they see.

Isang tumatak sa akin ang nabasa ko sa The Little Prince when I was in Grade 7. What is essential is invisible to the eye. Hindi natin nakikita ang mahahalagang bagay sa mundo dahil nabubulag tayo sa kung ano lang ang nakikita ng ating mga mata. We can't see the goodness that lies within a person.

Nang makalabas sa Senior High building, bumungad sa akin ang napakalaking field ng Palawan State University Main Campus. A prestigious college here in Palawan. May iba't ibang branches ang PSU sa buong Palawan. Mayroon sa Norte at sa Sur.

Palawan State University Main Campus has Laboratory Junior and Senior High School, and of course hindi mawawala ang kolehiyo.

PSU's area is huge dahil sa napakaraming building especially ng college. Mayroong College of Arts and Humanities, College of Sciences, College of Teacher Education, College of Engineering, Architecture and Technology, at marami pa.

High standard ang Palawan State University kaya't hindi madaling makapasok dito. You need brain and talent.

Dito, walang diskriminasyong nangyayari. Whether you're rich or not high in status, as long as makapasa ka sa admission test? Congrats in advance.

I'm taking up General Academic Strand dahil hindi ko pa napagdesisyunan kung ano bang kukunin ko sa kolehiyo kaya ngayon pa lang tinitimbang ko na kung ano ba talaga'ng gusto ko.

Nagpaparamdam na ang ber months kaya malamig na. Alas tres pa lang pero marami na ang estudyante na siyang nagtitraining para sa nalalapit na Intramural Meet.

May mga naglalaro, tumatakbo, at nagpapractice ng cheerdance. May iilan ding nasa bench lang at nanunuod lang.

Sa aking paglalakad, naalerto ako nang biglang may sumigaw, and it's pointing at my direction.

"Miss, watch out!" a low and baritone voice filled my eyes.

Nanlaki ang aking mata nang makitang may tatama sa akin. Agad akong yumuko at isinangga ang aking dalawang braso. Mabuti na lamang at mabilis akong nakayuko kung hindi ay paniguradong tinamaan na ako sa ulo. My heart pounded because of shock.

I swallowed hard saka sinundan ko ng tingin ang bolang muntik nang tumama sa akin. Mikasa. Iyan ang nakalagay roon.

Tumayo na ako at tinitigan ang bolang ngayon ay mabagal nang tumatalbog.

I had the chance para lingunin ang lalaking sumigaw and to my surprise, he's the famous campus hottie and CEAT's volleyball captain, Anzo Ulises Solguero.

I panicked when he walked towards me. I stepped back once.

"Wai-" He was about to say something pero mabilis ko na siyang tinalikuran.

While walking, my heart pounded more. My breath hitched. Napalunok ako ng ilang beses at mas binilisan pa ang aking hakbang.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makayanan ang mga titig niya. Partida dahil hindi niya ako kinausap, pero ganito na ang epekto niya sa akin. Huminga na lamang ako ng malalim at pinakalma ang nagwawala kong puso.

Umiling ako at iwinaglit ang pag-iisip sa volleyball Captain.

He was and still my crush eversince Grade-10, I think? Alam ko na malabong magustuhan niya ako pero hindi ko maiwasang humanga sa kanya. He has it all. The looks, the body, the brain, and the personality. Sinong hindi mahuhulog?

Kahit na tahimik lang ako, aaminin kong isa ako sa libong babae na humahanga sa kanya.

Agad akong dumiretso sa aking medyo may kalakihang bahay. Ito ang tanging property na iniwan sa akin nina Mama at Papa.

Dalawang palapag ang bahay. Mayroong sampong kwarto; anim sa itaas at apat sa ibaba dahil madalas ay maraming bisita sina Papa noong nabubuhay pa. Mayroong malawak na sala at isang maliit na hardin sa labas.

Dalawa sana kami ni Auntie Felice na siyang natitira kong kamag-anak pero nangibang bansa siya dahil naroon ang kaniyang napangasawa, si Tito Ken. My Aunt Felice suggested to sell the house and of course I declined. This house is precious to me. Matagal ko nang kinumbinsi ang sarili na ito ang kahuli hulihang bagay na bibitawan ko. She also wanted me to come with her abroad pero mas pinili kong magpaiwan dahil narito ang ala-ala nina Mama at Papa.

Sa pintuan pa lang, sinalubong ako ni Patty, ang aking alagang pusa. She was the only pet I had simula pa no'ng nabubuhay sina Mama. I took care of her eversince. Most of my parent's memories were together with Patty, so she's too precious just like the house.

"Namiss mo ba ko, Patty?" tanong ko sa alaga at marahang tinapik ang kanyang ulo.

She meowed, and twirled her tail against my hand.

Ngumiti ako at mabilis na ipinagpag ang aking sapatos. Pumasok ako sa aking kwarto at mabilis na humiga sa kama.

Ganito ang nakasanayan kong buhay. Tahimik at sobrang lungkot. Pero sanay na ako. Compared to what I experienced, walang wala ito.

Tumingala ako sa kisame, putting the back of my hand on my forehead, at malalim na nag-isip.

How's Auntie Felice by the way? Is she doing good? I hope she is. She has become my mother since Mama died. Hindi pa rin kasi siya nagtetext sa akin.

Naipikit ko ang aking mga mata. I bit my lips when familiar faces appeared in my mind. Their faces are clear. I missed them but I hate them at the same time. I didn't know I can feel two emotions at once.

Saglit akong nagpahinga at nagpasya nang maligo. Napatingin ako sa orasan and it was already 4:30PM. Mukhang malilate pa ata ako.

Nagsuot ako ng loose shirt at pantalon. Naglagay rin ako ng bonet sa aking ulo dahil panigurado gagabihin nanaman ako ng uwi. Nang makuntento sa aking suot, nagpasya na akong umalis.

May part time job ako tuwing hapon hanggang gabi. Mag-isa na lang ako sa buhay dahil sa biglaang pagkawala ng magulang ko. Si Auntie Felice ang nagpapaaral sa akin na siyang kapatid ni Mama pero hindi naman sa lahat ng oras, e, aasa ako sa kanya.

Part-timer ako sa isang convenience store malapit sa Palawan State University, ang Happy Store. Alas sinco hanggang alas-nueve ng gabi ang shift ko. I'm just seventeen years old and yes, a minor, pero nagpumilit ako sa may-ari na kung pwede ba akong magtrabaho roon dahil kailangan ko talaga ng pera. Isa pa, ilang buwan na rin lang naman at tutuntong na ako sa tamang edad. Kilala ako ng pinsan ng may-ari na katulong niya sa store, kaya't wala rin siyang nagawa kundi ang tanggapin ako.

Full-time ako noong bakasyon pero ngayon, dahil may pasok, tuwing gabi na lang ang trabaho. Bale limang buwan na ako rito kaya't pinayagan na rin akong magcashier. Malaki ang utang na loob ko sa may-ari that's why I don't want this opportunity to go to waste.

"Good afternoon po, Sir Marco," I greeted politely.

"Magandang hapon rin sayo, Azerielle. O siya, kayo na ang bahala ni Micay dito, a? Babalik ako ng mga alas-nueve," saad ng may-ari ng convenience store na si Sir Marco Park habang hawak hawak ang kaniyang coat.

Tumango ako. Sir Marco smiled and patted my head. Sinundan ko man siya ng tingin hanggang sa nakalabas na ng glass door.

Tumungo na ako sa locker. Inilagay ko na ang aking bag at pagkuwa'y tumungo na sa kinaroroonan ni Ate Micay.

She's Michaela Parudia, at Ate Micay ang tawag sa kanya. Sa edad na 33, wala pa siyang anak. Late man sa tingin ng iba but if I remembered it correctly, iniwan siya ng kaniyang groom, at sa mismong simbahan pa.

Pero ngayon, tingin ko'y dumating na ang lalaking para sa kanya. She's engaged sa isang businessman. Maganda naman talaga si Ate Micay, maputi at madalas na nagsusuot ng salamin. Katamtaman ang haba ng kaniyang buhok at mas nagpaganda sa kanya ang suot niyang salamin- matured na matured. She's Sir Marco's cousin na siyang tumulong upang makapasok ako rito. Mabait siya at ako lang talaga ang mailap. Nasasanay na rin ako na makisalamuha dahil minsan nasa cashier ako at kailangan kapag babati ng customer.

"O, bakit nakabusangot nanaman iyang mukha mo? Ngumiti ka naman kahit kunti, Arielle," ngiti ni Ate Micay sa akin.

Matipid akong ngumiti katulad ng kanyang sinabi. Hindi naman talaga ako palangiti at hindi ko ba alam kung papaano ako napagtitiisan ni Sir Marco at Ate Micay, e, hindi naman ako sociable person.

"That's better. Ako na rito sa cashier. Magbantay ka na muna."

Tumango ako at pumunta na sa aking post. Habang nagbabantay, naisipang kong ayusin ang mga nagkalat na pocket books na nakalagay malapit sa pintuan. Glass wall ang buong convenience store kaya't kita ang labas. Makikita rin kaagad kung sino ang nasa loob at kung sino ang mga papasok.

Nang matapos, nagtungo ako sa food section. Naghalo halo na ang iba't ibang chichiria at bags ng biscuits. Napahinga ako ng malalim. Biscuits and crackers are scattered again. I shook my head and place the goods accordingly.

Marami rin ang mga costumers, karamihan ay mga estudyante ng PSU, kung hindi naman ay ang mga regular customer na nakatira sa malapit.

Pinagpapawisan na ako kaya't itinali ko ang aking buhok na hindi ko madalas ginagawa. Medyo mataas ang aking pagkakatali kaya't kitang kita ang aking batok. Minsan lang ako magtali ng buhok dahil nakasanayan ko nang ilugay.

Hindi ko namalayan na alas-otso na pala ng gabi. One more hour and I'm good to go.

"Arielle, pakilinisan muna iyong mga lamesa sa labas. May mga kabataan nanamang uminom at iniwan na lang ang mga nagkalat na lata ng beer."

"Sige po."

Nang makalabas, tama nga ang sinabi ni Ate Micay, maraming lata ng beer pati iilan pang pagkain. Napangiwi ako dahil ginawa na atang basurahan itong labas.

Kumuha ako ng malaking plastic at inilagay doon ang mga lata. Nagsimula ako sa pinakaunang mesa. Sigurado akong grupo nanaman ito ng mga college students na nag-inuman.

Nilinisan kong mabuti ang mesa at sinigurong hindi ito mang-iiwan ng kahit na anong amoy. Tagaktak na rin ang aking pawis sa noo at sa leeg at hindi na ako nag-abala pang magpunas dahil matatapos na rin naman ang shift ko.

Nasa pang-apat na mesa na ako nang makarinig ng tawanan patungo sa aking kinaroroonan.

"Damn, that girl was a total hottie! Halos ipakita na 'yong cleavage, pre! Pero itong si Cap, balewala!"

Napalunok ako ng ilang beses nang marinig ang pangalang iyon at madaling pinulot ang natitira pang lata.

"You know my type, Harper. Just mind your own business," baritonong boses nang lalaking alam na alam ko kung kanino galing.

Nakarinig pa ako ng halakhak. Mamaya pa, nag-iba bigla ang pinag-uusapan nila.

"Itong si Casper, tigang na tigang na! Ilang buwan na ba, ha?" tawa ng isang lalaki.

Pinamulahan ako ng mukha dahil sa narinig. Kahit Grade-12 pa lang ako, I know what they're talking about. Hindi ako inosente sa bagay na iyon!

They are all volleyball players dahil may mga dala itong mga bola na may tatak Mikasa. And they are still on their jerseys, halatang katatapos lang maglaro. Patuloy silang nagtatawanan at umupo sa pinakaunang lamesa.

"Gago! Huwag mo akong igaya sayo, Oleos!" sabat ng isa pang lalaki.

"Ikaw ang tigang!"

"What do you want? Gatorade? Beer?" tanong ng isang matangkad na lalaki na ngayon ko lamang nakita.

"Beer-in-can na lang sa amin."

"Alright."

Tumayo ang lalaking nagsalita at naglakad papasok. While walking, his gaze went to me at nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng kanyang labi.

I blinked. O... kay. What was that?

"Ano, Cap? Kumusta 'yong nireto ko sayong taga-WPU? Maganda ba?"

Napantig ang tenga ko sa narinig.

Bago nanamang babae?

Nanatili akong naglilinis pero ang tenga ko'y nanatiling alerto, gustong marinig ang kasagutan niya.

"Not my type," the volleyball Captain said lazily.

"Tangina! High standard, pre! Not my type daw, e, papasa na yon sa model, a!" tawa pa ng isa niyang kaibigan.

"Ano bang tipo mo? Baka tugma sa mga kakilala ko nang maireto kita."

Napadako ang tingin ko kay Anzo and I was startled nang makitang nakatitig ito sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin at itinuloy na lamang ang ginagawa.

"Gusto ko nang... mas bata sa akin," he said huskily.

Natabig ko ang plastic ng lata kaya't nakuha ko ang atensyon nila. My face flushed when I realized that they are gawking at me. I bit my lips and swallowed hard.

"S-Sorry."

Agad kong inilagay ang mga plastic sa cart at nagtungo na sa panghuling lamesa. Ngayon, nagsisi ako at hindi ako nagpunas ng pawis!

"Wew," narinig kong may sumipol na isa.

"Woah."

"I know. And look at that fucking buttocks."

Nag-iinit ang aking pisngi sa narinig. Alam ko na ako ang pinag-uusapan dahil ako lang naman ang nag-iisang babae sa labas. Isa pa, matured na ang katawan ko kaya't kadalasan ay pinagkakamalan akong nasa mid 20s.

"Shut up, Harper! Senior High pa lang yan!" narinig kong singhal ni Anzo.

"Tangina! Di nga?!" Napalakas ang sigaw ng Harper kaya't napatalon ako sa nagulat kaya't nabitawan ko ang aking hawak na pamunas. Napakurap ako ng ilang beses at nagpabalik balik ang tingin sa kanilang lima.

Siniko ng nagngangalang Casper ang kaibigang sumigaw. "Gago. Tinakot mo ata."

Napadako ang tingin ko kay Anzo na ngayon ay mariing nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko dahil nasa leeg ko ang kanyang tingin. Sa pawisan kong leeg!

Mabilis kong iniligpit ang mga nakaplastic na bag at inilagay ito sa malaking trash bin. Pumasok na ako sa loob at hindi na nagpasyang lumingon pa. Glasswall ang pagitan namin at ayokong makita nila ako.

"Ate Micay, may kukunin lang po ako sa locker."

Hindi ko na siya inantay pang sumagot at nagtuloy tuloy na patungo sa loob ng locker. Nang makapasok, agad kong hinawakan ang aking dibdib. Dumoble ata ang kabog at nahihirapan na akong huminga.

One thing na pumasok sa aking isipan, paano nalaman ni Anzo na Senior High pa lang ako? Ni hindi niya nga ako kilala. And his stare... Was it me or... Stop thinking, Arielle!

Mariin kong ipinikit ang aking mata at kinalma ang aking sarili.

Nang maging normal na ang aking paghinga, lumabas na ako at nakitang naroon pa rin sila sa labas.

"Mga taga PSU 'yang mga 'yan, hindi ba?" Tanong ni Ate Micay.

"Opo. Varsity players po."

Tumango tango si Ate Micay at nagkabit balikat. "I just hope na hindi sila katulad ng iba na basta basta na lang magiiwan ang kalat kagaya ng mga estudyante kanina."

Napaisip rin ako sa sinabi niya. Parang wala naman silang pinagkaiba dahil halatang mapaglaro silang lahat. Maybe I will extend my shift para maglinis ulit?

Again, they got my attention. All I can hear was their laughs and chuckles, halatang masayang masaya sa pinaguusapan.

Napagdesisyunan ko na ayusin na lang din ang nagkalat na goods kesa tumunganga. Isinalpak ko ang aking earphones at nakinig ng music. I love music and I'm good at it pero... matagal ko na iyong kinalimutan.

Sumilip ako sa labas at nakahinga ng maluwag ng makitang wala na sila roon. Lumabas ako and to my surprise, walang kalat na naroon. I smiled dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Who would have thought na ang mga playboy na katulad nila ay marunong palang magligpit?

I traced the table at nagpasyang umupo sa inupuan ni Anzo. I can even smell his perfume even though he's not here anymore. Napangiti ako dahil masarap langhapin ang pabango niyang 'yon. The scent that will surely turn you on.

Humikab ako at inihiga ang ulo sa lamesa. Hindi na ako nag-abala pang tanggalin ang aking earphones. Sampong minuto na lang rin naman at makakauwi na rin ako. It's okay na umidlip ako kahit limang minuto.

Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata at tuluyan na akong nilamon ng antok.

Naalimpungatan na lamang ako dahil sa paggising sa akin ni Ate Micay.

"Arielle. Umuwi ka na. Nandito na si Marco."

Kinusot ko ang aking mata at umahon sa pagkakayuko. At that moment, bigla na lamang may nalaglag mula sa aking balikat. To my surprise, it was a jersey jacket. Pinulot ko ito at pinakatitigang mabuti.

Solguero. Iyan ang nakalagay sa likod ng jersey jacket.

No way. Could it be that he..? It's not even possible pero... siya lang ang may apelyidong Solguerong varsity na kilala ko.

"May lalaking naglagay sayo niyan at binilinan rin akong bantayan ka. Isa siya doon sa mga lalaking bumili rito kanina, 'yong mga varsity players."

Mabilis na kumalabog ang aking puso dahil sa kompirmasyong iyon. But why would he gave me this? Umalis na sila, hindi ba? Did he came back for... me?

Don't assume too much, Azerielle. Baka naawa lang sayo at sa labas ka natulog.

Nagpaalam na ako dahil tapos na ang shift ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na hawak hawak ko ang jersey jacket ng volleyball Captain ng CEAT.

Pagdating sa apartment, wala sa sarili akong umupo sa kama. From here, amoy na amoy ko ang pabango niya. Sa sobrang bango, hindi ka magsasawang amuyin.

Damn! I looked so obsessed.

It was quarter to ten pero pinilit kong labhan ang jersey jacket niya. I'm going to return this to him tomorrow. Ala-una pa rin naman ng hapon ang pasok ko bukas.

Nagising ako ng mga alas-otso ng umaga dahil na rin siguro sa pagod. Maingat kong kinuha ang jacket at medyo tuyo na ang itaas nito. Habang nakaupo, hindi mahiwalay ang tingin ko sa jacket thinking how am I supposed to return it? Kailangan ko pa ba ng thank you letter? Present?

Speaking of present, pwede na rin siguro iyong naiisip ko.

Natapos ko na ang aking ginawa at nagustuhan ko naman ang resulta. Cute. Napatingin ako ng orasan and it was almost 12:00nn.

Shoot! Mabagal pa naman akong kumilos. Mabilis akong naligo at nagbihis ng uniform. Hinagilap ko ang aking dadalhin at muntik ko pang makalimutan ang paperbag na may lamang jersey ni Anzo.

Napahinga ako ng maluwag nang makarating ako ng classroom at wala pang teacher. Mabuti naman.

Kahit sa klase, iniisip ko kung paano ko ito ibabalik sa kanya? I don't have his number, most importantly, wala akong cellphone. How about pumunta sa gymnasium na madalas nilang pagpraktisan? My classes end at 3:00 PM kaya't may ilang oras pa ako para maibalik ito sa kanya. At isa pa, hindi ko kailangang umuwi ngayon dahil may dala akong damit para sa trabaho.

Panay ang tingin ko sa aking relo na para bang anumang oras ay matatapos na ang klase. Pero bakit pakiramdam ko sobrang bagal ng pag-alis ng kamay ng orasan? Ngayon lang ata ako nainip ng ganito.

"Dahil sa darating na Intramural Meet na gaganapin mismo dito sa PSU, I want you all to decide sa magiging representative ng section niyo for... one particular contest," ngiti ng aming adviser na si Ma'am Villamor.

"Ma'am, anong klaseng contest po ba 'yon? Like beauty contest?" tanong ng isa kong kaklase.

"No, Hazel. It's not like those beauty contest na mayroong swimsuit or question and answer portion. It was kind of a talent contest, the most awaited, Star of the Night. The other colleges will be participating too. And of course, kasama ang mga taga-CCRD."

Nagsitanguan ang iba kong kaklase. "Ano pong prize, Ma'am?"

"Good question. Fifty thousand pesos plus gift certificates from SM ang mapapanalunan ng grand winner. The rest makikita niyo sa website na ipopost sa school page."

Fifty thousand para sa grand winner? Ang laki no'n a. Isang taon bago ako makaipon ng ganon kalaking halaga.

"So, I decided. Required kayong lahat na pumili ng representative niyo. At dahil Personal Development ang hawak ko sa inyo, kailangang pumili kayo ng isang kaklase na mahiyain at hindi gaanong nakikisalamuha but of course, mayroon dapat siyang talento. Whether singing or dancing o kahit ano pa yan. Your task is for you to boost his/her confidence. Meaning, nakasalalay sa magiging resulta ng representative niyong iyon ang grado niyo sa akin. How is it?" ngiting muli ni Ma'am Villamor.

Tumingin siya sa aking deriksyon at nakakalokong ngumiti. That evil smile of her. Alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.

"U-uh, e-excuse po Ma'am! M-may kukunin lang po ako sa locker."

Mabilis akong tumayo at maglalakad na sana ngunit...

"Ma'am, bakit hindi na lang po si Arielle ang gawin nating representative tutal naman po, mailap po siya sa amin at hindi po siya gaanong nakikisama sa klase," ani ng aming Class President na si Francine.

"Tsk. Ano namang talento niya?" may pait na saad ng isa kong kaklase isang upuan ang layo sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin.

Napabaling ako kay Ma'am Villamor na mapanuyang nakangiti sa akin. Halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin na rin sa aking deriksyon. Ang iba ay tumatango tango pa.

"Oo nga po, Ma'am! Bakit hindi na lang po siya?"

Sunod sunod ang naging pagpayag ng aking mga kaklase na ako ang gagawing representative.

"Okay, it's settled then. Azerielle Ileira will be our class representative," bumaling sa akin si Ma'am. "Arielle, meet me at the office after this class. So, everyone, if you have any questions feel free to approach me or if not sa gc na lang. That's all, class dismissed."

Mabilis na umalis si Ma'am at nagsitayuan na rin ang iba samantalang ako'y naiwang nakatulala.

What is that? What did just happen? Ako? Representative ng klase sa isang talent show? You gotta be kidding me.

"Representative, huh? I will wait kung paano ka mapahiya sa harap ng maraming tao. It's your doom day so watch out... Ileira," mapait na saad ng isa kong kaklase at binangga ako. She rolled her eyes before walking out.

She's Gwyneth, my most trusted bestfriend. No, let me rephrase it, she's my... ex-bestfriend. We were so close back then, but everything changed. She abandoned me.

Related chapters

  • Entwined Hands    Kabanata 1

    Kabanata 1Thank you"Ma'am, hindi po ako pumayag sa desisyon ng klase. It was one versus thirty five."Ma'am Villamor sighed. "Listen, Arielle. I did it on purpose. You need to somehow... change. You're the most silent type in your class. Hindi rin kita nakikitang nakikisalamuha, and you don't even have a friend to hangout with."Napahawak ako ng mahigpit sa aking palda. I gritted my teeth. "Ma'am, wala naman po sigurong problema kung tahimik po akong tao at wala pong kaibigan. Gusto ko po na walang gumagambala sa akin. I'm always alone and I'm used to it." "Arielle, you're not alone. Ikaw lang ang nag-iisip niyan. You're locking yourself out. You think na tinalikuran ka na ng lahat ng tao, that everyone around will betray you.""Ma'am, pasensiya na po pero may kalayaan naman po ako, hindi po ba? Hindi niyo po kayang pilitin ang isang tao lalo na kung ayaw niya. Please respect my decision, Ma'am. Hindi po ako sasali at hindi niyo po ako mapipilit. Pasensiya na po." Tumayo na ako at

    Last Updated : 2022-07-24
  • Entwined Hands    Kabanata 2

    Kabanata 2RealityAgad akong nailang, hindi makayanan ang titig ni Anzo. Napaiwas ng tingin. Pinakiramdaman ko ang sarili at mabilis nanaman ang kabog ng dibdib ko. Kailangan ko na atang magpacheck up dahil hindi na normal ang tibok ng puso ko. Wala naman siguro akong heart disease, hindi ba?Pumasok ang kaibigan niyang si Harper at agad tumungo sa akin."Arielle, hindi ba?" tanong niya agad sa akin na medyo nahihiya.Napakurap ako dahil hindi ko inaasahan ang biglaan niyang paglapit."O-oo." "I'm Harper. Pasensiya na pala kung natakot kita kanina. Uh, I forgot my manners," paghingi niya ng tawad at kinamot ang batok tila nahihiya.Napangiti ako ng bahagya. "Ayos lang, naiintindihan ko."Nakitaan ko ng gulat ang kaniyang mga mata dahil sa biglaan kong pagngiti kaya't napaayos siya ng tayo. Namula siya at napaiwas ng tingin."S-sige. I better go. Sorry ulit." Nagmadali siyang naglakad patungo sa section ng mga inumin. "What the!"Agad akong naalerto dahil sa biglaang pagsigaw ni Els

    Last Updated : 2022-07-25
  • Entwined Hands    Kabanata 3

    MedicinePagkatapos ng araw na aksidente kong narinig ang pag-uusap ni Anzo at ng kanyang mga kaibigan, umiwas na ko. Iniwasan ko na ang grupo niya. He came back after three days of being absent. Balibalita rin na may bago siyang girlfriend, isang sikat na model. Hindi na ako nagtaka pa dahil iyon naman talaga ang mga tipo niya.Minsa'y nagkakasalubong kami sa field pero agad rin akong liliko ng daraanan. Habang maaga pa, gusto kong itigil lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Ayokong umasa at hindi pa ako handang masaktan.Nasa loob ako ng classroom, at nakikinig sa practice nina Tanya para sa competition. Dahil maraming gitarista sa klase, they formed a band wherein si Tanya ang vocalist. Maganda ang quality ng boses niya and there's a possibility na manalo siya sa Star of the Night.Nagpalakpakan ang iba ko pang kaklase ng matapos ang pagtugtog nila. Masama pa rin ang loob ng iba ko pang kaklase dahil sa nangyari noong nakaraan. I sighed heavily and bent my head down. I looked s

    Last Updated : 2022-07-27
  • Entwined Hands    Kabanata 4

    CameraIsang buwan na ang lumipas at dalawang araw na lang at magsisimula na ang Intramural Meet.Hindi na kami muli pang nagkausap ni Anzo. Hindi ko rin nagawa pang magpasalamat dahil sa tuwing makakasalubong ko siya, lagi niyang kasama ang bagong rumored girlfriend na si Sophia na siyang kaklase niya. Sa tingin ko, isang buwan na silang mag-on dahil palagi silang magkasama.Nasaktan nanaman ako for the second time around. Mali nanaman ako sa pag-aakalang may gusto siya sa akin dahil binigyan niya ako ng gamot at pagkain. Naawa lang talaga siguro siya sa akin. Awa. I hate that word.Pumalakpak ang lahat dahil sa mas gumandang performance nina Tanya. Ang maximum ng performance should be 15 minutes and 10 minutes naman ang minimum. Gumawa ng extended version ng Shape of You si Tanya kaya't mapapaindak ka talaga. Isa pa, Tanya gained many friends in just a span of time. Makikita ang napakalaking improvement sa kanyang social skills. Hindi na siya ang mahiyaing Tanyang nakilala ko. "Ni

    Last Updated : 2022-07-28
  • Entwined Hands    Kabanata 5

    SickNanatili akong nakatitig sa kinaroroonan ni Anzo. Hindi siya mahirap hanapin dahil kahit may laro'y pinagkakaguluhan siya.Nagbibiro lang si Harper, hindi ba? There's no way he'll like a nobody like me. Imposible 'yon dahil narinig ko mismo na hindi niya gusto ang mas bata sa kaniya. Did I hear it wrong?At isa pa, may girlfriend siya kaya't papaanong gusto niya 'ko? Hindi kaya't nag-iimbento lang 'tong si Harper? Umiling ako at ibinalik ang tingin kay Anzo. Nanikip ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung pinagkakaisahan ba ako ng grupo niya o ano. I don't know who should I trust."You okay, Arielle?" Abran asked. Maybe he saw my sad expression."I'm fine," I simply answered and gave him a weak smile.Binaling ko ang aking paningin sa mga naglalaro at paminsan minsang sumusulyap kay Anzo.Natapos ang laro at nanalo ang CAH. Bumalik na rin si Anzo. Medyo nakonsensya ako dahil tagaktak ang pawis sa kanyang noo at leeg. Pero hindi iyon nagpabawas sa kanyang kagwapuhan. He smiled a

    Last Updated : 2022-08-08
  • Entwined Hands    Kabanata 6

    VisitI woke up the next morning. Tumila na ang ulan at medyo humupa na rin ang lagnat ko. I was concerned about Anzo. I dunno where he slept last night. He came up here to bring me my medicine which I forgot to take because I went up immediately. Nakatulugan ko na rin iyon.I went down and to my surprise, I saw him sleeping in my small sofa. Sa sobrang tangkad niya, hindi na siya nagkasya pa at sapilitan na lang isiniksik ang sarili. I felt guilty. I think it's my fault why he's sleeping in this small couch. At hindi rin siya makakapaglaro pa. Pinakiusapan ko rin siya kagabi na pwede na niya akong iwanan pero hindi na raw mababago pa ang isipan niya. How can he decide so easily? Without any hesitations? Am I that important? It's his goal to win for this year's Intramural Meet, right?I breathed heavily and placed the blanket on his body. I smiled when I saw how peaceful his face is. Bakit kahit na natutulog, gwapo pa rin siya? He's tired, I can see that, probably he stayed late las

    Last Updated : 2022-08-08
  • Entwined Hands    Kabanata 7

    ChangesIt's been four days since Anzo's friends visited me. I'm okay now. Wala na akong lagnat at hindi na rin masakit ang ulo ko, probably because my male nurse is good at taking care of me. I tried to go to work but Anzo wouldn't allow it. We were like a couple having our lover's quarrel, like what is happening right now."Okay na 'ko, Anzo. I'm very fine... see?" I smiled widely to convince him."Do you think that will work on me, young lady?"Young lady? Did he really think I'm that 'young'? I'll eventually reach the right age! He'll see."I'm fine, Anzo. Ayos na nga ako at kailangan kong magtrabaho. It's been three... no... four days of being absent! Kailangan ko ng pera!" I exclaimed.He's jaw clenched. "Then I will damn pay for you! Just please listen to me."He's controlling himself, I know it. He's damn mad. Bakit ba ganyan siya makareact? Hindi ko pa siya boyfriend!Goodness, Arielle! Bakit may 'pa'? Umaasa ka ba na magiging boyfriend mo ang lalaking 'yan? "Hinimatay ka k

    Last Updated : 2022-08-08
  • Entwined Hands    Kabanata 8

    MusicMabilis kaming nakarating sa Palawan State University. Agad pinark ni Anzo ang kaniyang motorsiklo sa parking space. Yumuko ako habang tinatanggal ang aking helmet dahil sa tinging ipinupukol ng mga taong dumaraan, especially those female college students. May iilan pa akong nakikitang nagbubulong-bulungan. Maybe they're talking about the unknown student and loser na kasama ni Anzo. Walang iba kundi ako. As much as possible, ayokong mainvolve sa kahit anong gulo. Their stare is very deadly, na para bang isang malaking kasalanan ang makasabay o makatabi man lang ang volleyball Captain ng CEAT. Mali pa atang sumama ako kay Anzo dahil pwede siyang matsismis dahil sa akin. He's well known not just because of his talent in playing volleyball, but because of his achievements. He's not just a typical college student coz he has the body, the appearance, and the brain. At ayokong masira ang pangalan niya dahil sa walang kwentang katulad ko. "Hey... are you okay?" pagkuha ni Anzo sa ate

    Last Updated : 2022-08-12

Latest chapter

  • Entwined Hands    Wakas

    Wakas"Ayoko na..." My body froze as I stared at her. Nakaramdam ako bigla ng takot. I'm tired for her Aunt's investigation, at wala pa akong tulog. I haven't sleep for how many days. Pero nang sabihin niya ang mga salitang 'yon, para akong binuhusan ng malamig na tubig. My forehead creased as I looked into her eyes. Bakas ang sakit at galit sa mga 'yon. "Sabi ko ayoko na!" she repeated. I clenched my jaw. I know where this is headed.I chuckled to hide my nervousness. "What do you mean by that?"Mas lalo lamang akong natakot nang makita kung paano magsibagsakan ang mga luha sa mata niya. I haven't seen her cry all this time. I'm mad at myself dahil pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak. I attempted to wiped her tears away pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko, and it pained me. The way she avoided me was like she's disgusted. At hindi ko alam kung saan niya kinukuha lahat ng 'to. She looked at me with so much pain and hatred. "Itigil na natin 'to, Anzo. I giv

  • Entwined Hands    Kabanata 50

    Kabanata 50AcceptanceThe lust I'm feeling for him was unbearable. I think I'm about to explode if he doesn't take action. All I want is for him to touch me. Hindi sapat ang halik lang. Hindi ko alam kung ilang beses ko na ba 'tong ininda but I'm positive, I'm really craving for him. Humiwalay siya sa pagkakahalik sa aking balikat pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin. I slowly gasped as his manly cologne lingered on my nose. And damn it! It's making me more arouse.I crouched to reach his lips. I didn't fail. His lips taste like mint at kung may kung ano sa tiyan ko na gustong kumawala. Para akong kinikiliti. It was just a peck pero gusto ko pa. Higit pa sa mababaw na halik. I pulled from the kiss and looked at him with sleepy eyes. Umawang sandali ang labi niya ng matitigan ako. He licked his lips, tempting me to kiss him again. "Don't give me that face, baby. Baka makalimutan kong buntis ka."That was supposed to be a threat pero sa pandinig ko, para niya akong inaakit. I t

  • Entwined Hands    Kabanata 49

    Kabanata 49Move ForwardI closed my eyes as I felt the familiar breeze against my skin. The sky is as blue as the ocean, and the green trees were swayed by the cold wind. I've been here a couple of times, and yet I'm still not used to it. Going back here makes me comfortable and at the same time makes my heart sting a bit.I formed my lips in a grim line, pagkatapos ay inilahad ko ang partikular na bulaklak sa puntod na nasa aking harapan.Zenon S. de AsisBorn: March 12, 20XXDied: February 4, 20XXHellary S. de AsisBorn: June 25, 19XXDied: February 4, 20XXOne month has passed since their death. And everyone's slowly accepting everything. Slowly.Nang gabing tumawag si Ate Sha, nalaman ko na tumakas pala sa kulungan si Tita Azul. Hindi na ako nagtaka pa dahil she's capable of doing anything. Maybe she thought that everything's not over yet. She badly wants to have revenge over our family. I thought so too that everything's fine already dahil nasa bilangguan na siya but I was wron

  • Entwined Hands    Kabanata 48

    "To forgive is the highest, most beautiful form of love. In return, you will receive untold peace and happiness." --Robert Muller_________________________Kabanata 48ForgivenessMabilis na nagdaan ang mga araw para sa akin. Wala na akong ibang ginawa kundi ang humiga buong araw sa hospital bed. Madidischarge na ako ngayon kaya't nagliligpit na si Anzo. Uuwi ako ngayon sa bahay doon sa East Village. Anzo tried to persuade me na sa kahit saang bahay niya kami titira pero hindi ako pumayag. Doon ko gustong tumira sa East Village. I won't leave that house. "Will Kuya go with us sa East Village?" I asked Anzo. "No. He's busy with something..." He paused. "...important. Besides, Abraham has life too. Maybe we shouldn't meddle with his businesses.""I'm not meddling with him, Anzo. I'm just concerned. Napapansin ko na balisa si Kuya like he's thinking deep. Alam mo ba kung nasaan siya?"Anzo shook his head. "No, baby. Abraham's a little bit distant these past few days. Let's give him tim

  • Entwined Hands    Kabanata 47

    Kabanata 47Again"Hindi pa nga pwede, Arielle. Hindi pa pwede."I pouted saka matalim na tinitigan si Anzo. I kept on asking him the same question, but I couldn't convince him. He was peeling some apples with crease brows."Gusto ko na ngang lumabas. Magaling na 'ko.""No. You're not," mabilis niyang sagot. I shrugged and raised my brows at him. "I said I'm fine."Anzo sighed. "Baby, you've just woken up. Hindi ka pa magaling.""Magaling na ko. At kawawa naman 'tong katawan ko. All I did was to sleep and sit all day."Siya naman ngayon ang nagtaas sa akin ng kilay. Ibinaba niya ang hawak na kutsilyo at mansanas. After that, he reached my face with his left hand saka isinipit ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga. "If you want to go out that much, then you need to recover fast. And that includes eating nutritious foods, Arielle. Our baby needs it, my fiancee needs it," he smiled, encouraging me. I frowned. "T-then feed me..."I diverted my gaze at him. Nahiya pa ako. He pur

  • Entwined Hands    Kabanata 46

    Kabanata 46HopeLahat tayo takot sa kamatayan. Takot na iwan ang mga mahal natin sa buhay. Takot na masaktan sila. I was too, afraid of death. Hindi pa ako handa, dahil alam ko sa sarili ko na marami akong iiwan. Marami akong masasaktan. And it will leave marks on their hearts, lalo na kay Kuya at Anzo. I remembered one time when I asked Mama about death. It was weeks after my Abuelo passed away."Mama, is Abuelo in heaven now?"Ginawaran ako ni Mama ng isang malungkot na ngiti saka tumingin sa malawak na kalangitan. "Yes. He's in heaven now," si Mama sa maliit na boses, still looking at the blue clouds.My forehead creased when I saw her reaction, para bang maraming iniisip.Nagluluksa pa rin kami hanggang ngayon dahil sa pagkamatay ni Abuelo. I bit my lips, and leaned closer to hug her. She breathed heavily and kissed my temple. "I'm okay, sweetheart. Mama's okay."No. You're not okay, Mama. I can feel it. You're not okay. We're here in the large flower garden in Taiwan. Zhong

  • Entwined Hands    Kabanata 45

    Kabanata 45The CulpritI never imagined na hahantong sa puntong mapapahamak ako ng ganito. When I'm in danger, I always escaped. And for how many years, nagawa kong makaligtas sa kamatayan. Nagawa kong mabuhay. My body feels so heavy. I opened my eyes kahit hinang hina. At first my vision was blurry dahil sa liwanang until everything becomes clear.I wandered around. Nasa isa akong malawak na bodega. The lights are all open. I was about to stand up when I realized that my hands are tied together at the back of the chair, the same goes with my feet. Nagsimula na akong kabahan nang mapagtanto ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay. Elsie called me saying I need to get out of Tita's house immediately. And... and someone has put something on my mouth. Nanubig ang mga mata ko. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang nangyayari. I was... kidnapped. "Let me out of here. Please! I didn't do anything! Pakawalan niyo ko!"I started to scream as tears rolled down my cheeks. May mga taong n

  • Entwined Hands    Kabanata 44

    Kabanata 44Scared"Isang nanamang pagsabog ang naganap sa Sta. Prexedes nito lamang Miyerkules, Enero 24, 20XX. Sinasabing..."Bumaling si Ate Sha sa akin kaya't nakuha niya ang atensyon ko."Pang-apat na pagsabog na 'yon, a. I'm getting chills when I think na terrorist ang gumawa.""Nagkataon lang 'yon, Ate Sha," I replied. "Arielle, malapit lang 'yon dito." She raised her brows tila kinukumbinsi ako.Nasa sala kami ni Ate Sha while watching TV. Nitong linggo kasi, sunod sunod ang pagsabog dito sa Sta Prexedes kaya't mas pinahigpit ang security. I frowned saka umiling. Tumayo na ako at tumungo ako sa maliit kong library. The door was slightly open. I peeked and saw my baby's father who's peacefully sleeping on the couch with a parenting book on his chest. I smiled weakly. During these past weeks, napapadalas ang pagpupuyat niya sa pagbabasa. Everytime I see him with creased forehead while reading seriously, my heart melts. He's been very patient lalo pa't gusto ko na siya 'yong b

  • Entwined Hands    Kabanata 43

    Kabanata 43Be StrongPinlano ko na 'to. Wala akong sasabihin sa kanya. Pero wala pa ngang bente-kuatro oras, alam niya na agad. Who am I kidding? He must've installed some secret cameras around the house or if not, hire a private investigator! I gathered all my courage, and faced him. "Ano naman sayo kung buntis ako?! You're not the father so back off!"Tumalikod ako patungong kwarto pero mabilis niya akong nahawakan sa braso. Marahan 'yon kaya't hindi ako gaanong nasaktan. "We're not done talking, young woman."Narindi ako dahil sa pagtawag niya sa akin no'n. Bata pa ba ang tingin niya sa akin? I don't care if he's older than me. Ha! We already did it, and I'm pregnant tapos tatawagin niya 'kong young woman?!Marahas akong bumaling sa kanya saka tinabig ang kamay niyang nakahawak sa aking braso."Fuck you!" I shouted at his face. Kung pwede ko lang saktan ang lalaking 'to, kanina ko pa ginawa. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang akong nagagalit. "Go home! Hindi mo anak

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status