Sick
Nanatili akong nakatitig sa kinaroroonan ni Anzo. Hindi siya mahirap hanapin dahil kahit may laro'y pinagkakaguluhan siya.Nagbibiro lang si Harper, hindi ba? There's no way he'll like a nobody like me. Imposible 'yon dahil narinig ko mismo na hindi niya gusto ang mas bata sa kaniya. Did I hear it wrong?At isa pa, may girlfriend siya kaya't papaanong gusto niya 'ko? Hindi kaya't nag-iimbento lang 'tong si Harper?Umiling ako at ibinalik ang tingin kay Anzo. Nanikip ang dibdib ko dahil hindi ko alam kung pinagkakaisahan ba ako ng grupo niya o ano. I don't know who should I trust."You okay, Arielle?" Abran asked. Maybe he saw my sad expression."I'm fine," I simply answered and gave him a weak smile.Binaling ko ang aking paningin sa mga naglalaro at paminsan minsang sumusulyap kay Anzo.Natapos ang laro at nanalo ang CAH. Bumalik na rin si Anzo. Medyo nakonsensya ako dahil tagaktak ang pawis sa kanyang noo at leeg. Pero hindi iyon nagpabawas sa kanyang kagwapuhan.He smiled a little bit nang makita ako."Here... I hope those pictures are enough."He lend the camera to me at wala sa sarili ko iyong tinanggap dahil ang atensiyon ko'y nasa kanyang pawisang mukha. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang mga litratong nakuhanan at basta basta ko na lamang isinuot ang DSLR sa aking leeg."Thank you."Marahan akong ngumiti sa kanya. Titig na titig ako sa pawis niya at langhap na langhap ko ang bango kita kahit medyo pawisan.Pinunasan niya ang kaniyang noo pero hindi iyon sapat dahil pawisan din ang kaniyang leeg.Kinapa ko ang aking bulsa at mariing hinawakan ang panyong naroon. Kinagat ko ang aking labi at nag-isip kung ibibigay ko ba 'yon o hindi.He has done me a favor kaya marapat lamang na ganundin ang gawin ko.Kinuha ko ang aking puting panyo at ilalahad na sana sa kanya ng bigla na lamang may humalik sa kanyang pisngi.I was startled a bit kaya't mabilis kong naibalik ang panyo sa aking bulsa. Nanlamig ako nang mapansin kung sino 'yon. Nanikip ang dibdib ko. I can even feel my hands trembling.Natahimik ang buong grupo ni Anzo dahil sa nasaksihan. I composed myself kahit ang totoo'y hirap na hirap akong huminga. And I know what that is. I am jealous. Nagseselos ako kahit na hindi naman dapat. Ayoko ng ganito."Hi!" abot tengang bati ni Sophia at humawak sa braso ni Anzo.Mariing nakatitig sa akin si Anzo tila inaabangan ang bawat ekspresiyon ko. Hindi man lamang siya bumaling kay Sophia dahil ang buong atensiyon niya'y nasa akin.The feeling was very unpleasant. Hindi maganda. Sobra akong naaapektuhan. Gusto ko lang siya pero bakit...?"My God, Anzo! Where have you been?"Nakarinig ako ng bulungan sa aking likod na nanggagaling kina Calvin, Oleos, at Harper ngunit binalewala ko na lamang iyon.Agad kumuha ng panyo si Sophia at pinunasan ang pawis sa noo't leeg ni Anzo. Pinipigilan ko na ang paghinga. Nakaramdam ako ng inggit. That how I wished, I am in that position. I was the one who'll wipe his sweat away.Naiinis ako kay Anzo dahil hindi niya manlang pinigilan si Sophia!Bumagsak ang mata ko nang may mapagtanto.Yeah right. Damn right. She's his girlfriend kaya't malaya niyang gawin kung anong gusto niya. Kahit halikan pa niya si Anzo sa harap ko, hindi kailanman aangal ang lalaking 'to, kasi nga girlfriend siya. That's reality.I feel suffocated all of a sudden. Nakaramdam din ako ng irita, hindi ko alam kung sa sarili ko ba o sa kanilang dalawa."Arielle!"Nabuhay ang aking loob nang makita si Raven na kumakaway sa akin sa di kalayuan. I knew that time, I was saved."U-Uh kailangan ko nang umalis, tinatawag na 'ko. Thank you pala, uh, dito," saad ko sabay pakita ng camera at mabilis silang tinalikuran."Man, si Raven Losuegro 'yon ng PSU Roxas, hindi ba?" rinig tanong saad ni Calvin."That piece of shit," si Casper. Nakita ko pa ang pagdilim ng kanyang mukha nang tumalikod ako. "Ano na, lover boy?""Shut the fuck up, Harper!"Mabilis na akong naglakad upang hindi na makarinig pa ng kung anumang pag-uusapan nila. Nakahinga na lang ako ng maluwag ng makarating sa kinaroroonan ni Raven."Thank you, Raven," hinihingal kong tugon sa kanya. He's brows creased, wondering bakit ako nagpapasalamat.Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil mabilis ko na siyang hinila. I need to get out of here immediately. We then walked directly at the crowd."Arielle!"Panibagong pagtawag mula sa bukana ang siyang narinig ko. Hinanap ko ang boses na iyon na nasisiguro kong si Francine. I saw her kaya't kumaway ako. Tumungo naman siya sa akin na humihingal. Medyo magulo rin ang kanyang buhok dahil siguro sa paghahanap sa akin."I've been looking for you, Arielle. Nilibot ko na ang buong gym pe—"Napahinto si Francine dahil sa presensiya ng taong nasa aking likuran."Raven..." she whispered.I blinked saka nagpabalik balik ng tingin sa kanila. Magkakilala sila?Tumayo ng tuwid si Francine at napalunok ng dalawang beses. Napakurap akong muli nang biglang lumapit si Raven sa kanya at may kinuha sa kanyang palapulsuhan. It was a rubber band. Seryoso niya itong inilahad sa aming Class President.What's with them? Bakit parang... May something?Nang hindi tanggapin ni Francine ang panali, huminga ng malalim sa Raven at siya na mismo ang nagtali sa buhok ni Francine."I told you many times to tie your hair, didn't I?"Seryoso ang naging usapan nila kaya't mas minabuti ko na lang na bigyan sila ng oras.While walking, iniisip ko kung mag-on ba sila o ano. Hindi naman kasi ako masyadong malapit kay Francine para malaman kung anong nangyayari sa lovelife niya, gayundin kay Raven. Malapit kami dahil kay Aidan pero not enough close to know his relationships.Come to think of it, I heard na may nililigawan siya sa PSU Main? Is it Francine? No way! Ang liit naman ata ng mundo kung ganon.Huminga ako ng malalim saka nag-iisip kung saan na ako pupunta. Maybe tour myself around? Yeah. That will do.Nagtingin tingin ako sa mga booth. May iilang taga ibang school akong nadaraanan. Sa gilid ako mismo dahil sobrang daming tao. At isa pa, ayokong makisalamuha.Bumalik ako sa kinaroroonan nina Francine at Raven kanina ngunit nadismaya nang makitang wala na sila roon. Napabaling ako sa deriksyon ng gym dahil nagsisimula nanamang umingay. Napagdesisyunan ko na pumasok roon baka sakaling naroon si Francine.Hindi nga ako nagkamali dahil natanaw ko siya sa bukana at naghahanap rin yata sa akin.Nang makita ako, agad siyang lumapit. Maayos na ang kaniyang buhok, hindi katulad kanina."Arielle, sorry. Hindi ko alam na umalis ka na pala. Wala pa namang laro ang Senior High ngayon pero unang laban ng CEAT. Second set na. Tara."Agad niya akong hinila kaya't hindi na ako nakapagsalita pa. Muli kaming nakipagsiksikan sa mga tao, mabuti na lang at may naupuan kami na siyang nireserba ni Francine sa isang kakilala. Maganda rin ang pwesto dahil hindi masyadong malayo.Saka lamang ako lumingon sa court nang pumito na ang referee.Kumabog ang puso ko nang makita si Anzo na pawis na pawis. Sinasayaw ng hangin ang kaniyang buhok habang maliksing gumagalaw sa court. Hindi man lang nagbago ang ekspresiyon niya at magkasalubong pa rin ang kilay.Heto nanaman ang puso ko, nagwawala. Patuloy ko siyang ginugusto kahit na nasasaktan ako.Halos hindi ko na masundan pa ang laro dahil kay Anzo lang ako nakatingin. Pulido ang kaniyang mga galaw, and everytime he spikes, napapalunok ako dahil kitang kita ang maugat at maskulado niyang braso.This guy... How can he be this gorgeous?For how long will you admire this man, Arielle? Hindi siya para sayo. Kumbaga langit siya at lupa ka naman. You lived in two different worlds, and he's definitely unreacheable. At isa pa, huwag mong kalilimutan na may nobya na ang taong gusto mo. Hindi ikaw ang tipo ng tao na siyang maninira ng relasyon.I breathed heavily. Sa sobrang malalim na pag-iisip, hindi ko namalayang tapos na ang laro. They've won. Masaya ang buong team nila at nagtatalon talon pa si Harper, hindi kagaya ko na naguguluhan dahil sa mga bagay na pumapasok sa utak ko.Anzo easily find my eyes. We stared for a couple of seconds. Bigla na lamang sumilip ang dibdib ko nang maalala ang nangyari kanina. Dahan dahan akong nag-iwas ng tingin."Let's go, Arielle. Lunch na. Balik na lang tayo ng mga alas-tres. Iyon ang sunod na laro ng LSHS."Sandali kong sinulyapan si Anzo na noo'y kausap ang kanyang team. The looks on his face, he looks so determined. It's his last year kaya sigurado akong they will give their very best para manalo.Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Dione na papalapit paglabas namin. She's here already kaya pwede na akong umuwi at hindi na kukuha ng litrato pa. Nagpaalam na rin ako kay Ma'am Villamor gayundin kay Francine.Nagpasya na akong umuwi at wala nang balak manuod pa. Kahit alam kong may laro pa sina Anzo, mas pinili ko na lamang umuwi sa bahay. I can't stand seeing him together with his girlfriend, giving him bottled water and wiping his sweat. It breaks the hell outta me.Naguguluhan ako sa pinakikita sa akin ni Anzo. His actions are saying he cares for me pero mayroon siyang girlfriend.He's a total playboy! At ayokong masama sa listahan ng mga babae niya. Kung maaari lang, dapat ay idistansya ko na ang sarili ko sa lalaking iyon. But this time, surely, hindi na ako magpapaapekto sa mga kilos at salita niya.I went home at naghanda ng tanghalian para sa sarili. After that, inubos ko na lamang ang oras sa pagbabasa. Patty is sitting beside me habang hinahaplos ko ang kaniyang ulo.Sandali akong lumabas ng bahay at nakitang nagdidilim ang kalangitan. Wrong timing naman ng ulan na 'to. Natapat pa sa araw ng Intrams? Anong mangyayari sa track and field at sa iba pang outdoor events? Ayos lang sa mga indoor games dahil hindi sila mababasa. But how about the sports na gaganapin sa field?I sighed and look at the clock. It's 2:35 PM. Ano na kayang nangyari sa laro nila? Did they win?Stop thinking about him, Arielle! Sabi mo nga diba, hindi ka na magpapaapekto sa kanya!I shook my head at isinara na lamang ang bintana. Tumungo ako sa sofa at ipinagpatuloy na lamang ang pagbabasa.After half an hour of reading, kinapa ko si Patty sa aking tabi ngunit wala siya roon. Agad kong ibinaba ang hawak na libro to search for her."Patty?"Hinalughog ko na ang lahat ng kwarto dito sa baba maging sa taas, ngunit hindi ko siya nahanap. I can't even hear her bell na nakalagay sa kanyang leeg. Whenever she walks, tumutunog iyon. I can't find her kaya't sinimulan na akong kabahan.I was about to go to my room when I saw the front door, slightly open.No way! Did she...?I ran towards the door and looked outside. There is no sign of her either. I walked along the street hoping I would find her.Mas lalo lamang tumindi ang aking kaba ng makita ang isang pamilyar na kampanilya sa gilid ng mga halaman. Agad ko itong kinuha at mas binilisan pa ang paghahanap.No, I can't lose Patty. Kapag nawala siya, para na ring nawala sina Mama at Papa. Hindi lang alagang pusa si Patty, higit pa siya roon. She's been there noong nandito ang mga magulang ko at bago sila lagutan ng hininga.Nagsimula ng pumatak ang ulan ngunit nagtuloy tuloy lamang ako sa paghahanap sa kanya. Nagsimula ng maggilid ang luha ko habang hinahawi ang bawat halamang madaraanan.No one will never understand why I'm desperately looking for her. She carries every memory my parents have left me. At hindi ako papayag na mawala siya.Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa isang luma at nakasarang tindahan. May mga nagkalat na carton at basura sa labas no'n. Nawawalan na ako ng pag-asa at patuloy na sa paglandas ang luha sa mga mata ko."Meow..."My eyes widened and stopped walking for a moment when I heard the familiar growl. I immediately wandered around to find where that growl is coming from."Patty?"Nabuhayan ako ng loob."Meow..."I can feel the cold air and the droplets of rain against my skin but I didn't mind. What is more important is finding Patty.I burst into tears more when I saw one familiar tail, a white one, inside a box near the bags of garbage.My heart beats fast as a opened the box. And hell I was relieved when I saw Patty, and she's not alone. She's with another cat, a male ginger cat. She's even licking the ginger cat's whiskers.I sadly smiled. My Patty founds her partner.I bended down and extended my arms to reached her."Patty..." I called with trembling lips. She looked at me and rubbed my hands with her white fur. "You want to be with him?"I smiled when she answered, "Meow." More likely, she really wants to be with him.I then gazed at the male ginger cat. "Hey, little one. Do you want to come with us?"He didn't answer, instead, he went closer to Patty and played with her.I think I have no choice then.Binuhat ko ang isang box kung saan sila naroon at maagap 'yong tinakpan. Pinagmasdan ko ang ulan na ngayon ay mas lumakas pa ang pagbuhos. Nagbabad ako ng mga ilang minuto upang antayin 'yong tumila. I can't get Patty wet.At nang sandaling medyo humina na, lumakad na ako pabalik sa bahay.Sa may pintuan pa lang, nararamdaman ko na ang sunod sunod kong pagbahing. Agad kong ibinaba sina Patty at mabilis na tumungo sa itaas. I'm so cold and I can feel my lips trembling. I'm certain it's very pale right now. It was still raining outside at may trabaho pa ako mamayang alas-sinco.I went down and checked Patty. Natawa ako nang makitang naghaharutan sila sa sahig.Sana lahat may kaharutan.I smiled and shook my head for what I've thought.Bumahing muna ako saka tumungo sa kusina at kumuha ng cat food. Bumalik ako sa kanilang pwesto at umupo sa kanilang harapan. Agad naman silang natigil sa paghaharutan at kumain na lamang. My gaze went upon the ginger cat. Medyo may kapayatan ang pusa, so I believed no one owns him. Maigi na rin na alagaan siya."Welcome to my home, Anzo."Yeah. That's silly of me para ipangalan siya sa taong gusto ko. Wala namang masama, hindi ba?And now, what is this, Azerielle? Akala ko ba hindi ka na magpapaapekto? Masyado ka naman atang marupok.I bit my lips and looked at the ginger cat again. "He'll never find out naman kaya it's okay. From now on, you'll be called, Anzo, okay?"Parehong natigilan sina Patty at Anzo, tila ba naiintindihan nila ako.I chuckled. "Finish your food, okay ba? Lalo na ikaw, Anzo. Ang payat payat mo, o."I smiled again before I went up. My body is so heavy, and I can't take this anymore. I need to rest.Pasalampak akong humiga sa aking kama at ibinalot ang kumot sa aking nilalamig na katawan.Nagpaalarm ako ng alas kuatro upang makapasok sa trabaho.Mabigat ang aking katawang bumangon. Although, masama ang pakiramdam ko, pinilit kong kumilos. My head is throbbing at nahihirapan akong huminga. Kailangan ko pa atang magdala ng tissue. Pano naman kasi ,e, ilang oras akong nagbabad sa ulan.Earlier, I was very occupied thinking about Patty's whereabout that's why I didn't bother the rain and the cold air. She's more important than my health. Dahil kapag nagkasakit ako, maaari akong gumaling pero ang mawala si Patty sa akin? Habang buhay iyong magdudulot sa akin ng sakit.Bumahing ako ng ilang beses at nararamdaman ko na ang init sa aking katawan.Heto ang isa sa kahinaan ko kapag umuulan, I can easily get sick lalo na kapag nagbababad. Kagaya noong nakaraan, when I went to my parent's grave, ilang araw akong hindi nakapasok.Madalas akong isugod sa ospital noong bata ako dahil madalas ay napaparanoid sila Papa dahil umaabot ng apat o worst isang linggo kapag nagkakasakit ako. At lahat ng iyon, walang palya. Normal naman daw iyon sabi ng doctor dahil mahina ang immune system ko. Kaya mas lalo lamang naging mahigpit si Mama. Lagi niya akong pinadadalhan ng rain coat at payong para daw sigurado kapag umulan.And another thing that I hate when I'm sick, nawawalan rin ako ng ganang kumain at mas pipiliin na lang humiga buong araw. I checked my temperature and it was 38.7°C. Can't this get any worse?Goodness, I do have a fever.Hindi alintana ang lagnat, nagsuot ako ng makapal na jacket at bonet sa aking ulo.Tinitigan ko muna sina Patty at Anzo na siyang naglalambing sa aking paa. I bended my knees down and patted their heads."I'll leave the both of you for the meantime. Ikaw na ang bahala kay Anzo, Patty. Don't sneak out, okay? Play as long as you want. The same goes with you, Anzo. Ikaw ang lalaki kaya take care of Patty, okay?" I smiled.Nilock ko ang pintuan at ang gate para hindi sila makalabas. Mahirap na.Tumungo na ako sa Happy Store kahit sobrang bigat ng ulo ko. Ilang pad na rin ata ng tissue ang nagastos ko habang papunta sa store."Good afternoon, Sir Marco, Ate Micay."Basag ang aking boses dahil na rin sa trangkaso."Anong nangyari sayo, Arielle? Bakit pula iyang ilong mo? May sakit ka ba?"Dahan dahan akong umiling. "Wala po akong sakit, Sir Marco. Malamig lang po talaga sa labas."You're a great liar. You knew yourself from the very beginning that you'll get sick whenever you get soaked.I sighed heavily. Kaya ko pang magtrabaho. Ilang oras lang naman itong trabaho ko. I can go further.Bumuhos nanaman ang malakas na ulan kaya't nagpasilong ang ilang mga estudyante sa labas ng convenience store. Mas lalo ko pang ibinalot ang aking sarili sa suot na jacket. This is really getting into my nerves. Nilalagnat ako pero at the same time, giniginaw.Mariin kong ipinikit ang aking mata at huminga ng malalim. At sa aking pagmulat, isang pares ng mga mata ang siyang mariing nakatitig sa akin. Mabilis na tumibok ang puso ko. I think I'm at the verge of having a heart attack.Napasinghap ako dahil na rin sa gulat. Kanina pa ba siya rito? This man... lagi niya na lang akong ginugulat!Nauna akong umiwas ng tingin at mag-ayos na lamang ng mga nagkalat nanamang mga libro.To my peripheral vision, I saw him with narrowed eyes. My face flushed because of his stare. Seriously?!Mas lalo lamang atang lumala ang lagnat ko dahil sa ginagawa niya. Hindi ko alam kong saan itutuon ang atensiyon. Kung sa kaniya ba, sa mga librong inaayos o sa bigat ng aking katawan. I don't know anymore.Pinipigilan ko ring hindi humikab kahit ang totoo'y medyo antok na ko. Maybe because of my heavy feeling.I'm sleepy and at the same time, my vision is getting blurry. I need to take a break... I think I'm...Nabuwag ako sa kinatatayuan at mariing pumikit. But then, he caught me. Anzo caught me."Eira..."Hindi ako nagmulat ngunit naramdaman ko ang paglapat ng kaniyang kamay sa aking noo."Damn, Eira! You're sick! You shouldn't have come to work. Fuck!" That's the last thing I heard before darkness engulfed me.~•~"Azerielle, anak..."Nagising na lamang ako dahil sa marahang haplos sa aking pisngi. Nanubig ang aking mata nang maaninag ang mukha ng dalawang tao sa aking tabi. Agad akong bumangon hindi agad nakagalaw. Sandali akong natigilan, ngunit nang bigyan nila ako ng matamis na ngiti, hindi na ako nagdalawang isip pa at mariin ko silang niyakap."I missed you, sweetheart," my father whispered."I missed you too, Papa, Mama."Bumuhos ang aking luha dahil sa pangungulila sa kanila. I longed for this day.I cried more dahil sa katotohanang alam kong panaginip lamang ito. They're just here to visit me.Kumalas sa yakap si Papa samantalang si Mama naman ay nakangiti at marahang pinunasan ang aking pisngi."Sweetheart, didn't I tell you to always bring a raincoat or at least, umbrella?" My mom's angelic voice was heaven to my ears."I'm sorry, Mama. I was scared that I will never see Patty. Akala ko po nawala na siya. I thought mawawala nanaman po ang isang importanteng bagay sakin."She just smiled. "I'm proud of you, sweetheart. You always think what is very important to you. And... I'm afraid kapag nagkaroon ka ng nobyo. Dalaga ka na, pipila ang napakaraming lalaki sayo."Can I wish na sana ay mabuhay silang muli? I longed for them that even though seven years have passed, it still hurts. Nasasaktan pa rin akong isipin na I caused them their death."We can't stop it, Azilla. She'll eventually reached the right age and we can do nothing about it. She'll be in that phase where boys fall in line, to prove their love for her," my Papa smiled.Mas lalo ko lamang sinisisi ang aking sarili. Nawala ang dalawang pinakaimportanteng tao sa akin, at ako ang dahilan no'n."Sweetheart..." pagkuha ng atensiyon sa akin ni Papa. Malungkot ang kaniyang mga mata. Those eyes of his are full of emotions, the eyes I admired the most. "Why are you doing this to yourself?"Unang tanong pa lang iyon ni Papa pero para akong sinasaksak ang isang batalyong punyal."It's hard, isn't it? I'm sorry if we're not there, to protect and guide you. We want you to be happy, anak. At least, do what you like. I want you to play again. Play for me again."Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Papa. Hindi ko kakayanin. Oo, gusto ko pero may pumipigil sa akin. No, hindi na ulit."P-pa... You knew from the very beginning na ang pagtugtog ko ang siyang dahilan kung bakit hindi ko na kayo kasama. No, I can't, Papa! Everytime I hear a single note from piano, guitar o kahit ano pang instrumento, bumabalik sa akin lahat nang nangyari nong gabing 'yon! I killed the both of you!" I bursted out. Another set of tears roll down my cheeks.My Papa held my cheek. "Listen, Arielle. It's not your fault, you will never hurt us. Remember that. Anak, we can't take it, seeing you all alone, without friends or any acquaintances. Azerielle, your locking yourself out. You blamed yourself for what happened to us even though you shouldn't be. You are hurting us more."I saw my Papa's eyes turned misty while Mama wiped her tears."Arielle... Mas nasasaktan kaming nakikita kang ganyan, anak. Lumalayo ka sa mga tao at higit sa lahat, itinigil mo ang bagay na gustong gusto mo. You're blaming yourself, that you're the reason why we can't be with you anymore."I sobbed more dahil tama lahat ng sinasabi ni Papa."I'm scared, P-papa... I'm scared."He looked at my eyes and wiped my flowing tears again. "Let go, anak. Mas magiging masaya kami kapag bumalik ka sa pagtugtog. We'll be truly happy."Hinawakan naman ni Mama ang aking kanang kamay na nakapatong sa aking kumot."Sweetheart, play for us again. Huwag mong ikulong ang sarili mo sa mapait mong nakaraan. Paano ang mga taong nagmamahal sayo? You're not alone. Maraming taong nag-aalala sayo, Hindi mo lang alam. What do you think your Kuya's reaction when he finds out na ganito ang ginagawa mo? He'll be mad, sweetheart." She sadly smiled."Alam namin na kaya mo, anak. You have the two of us and your Kuya."Mariin kong kinagat ang aking labi. "B-but Papa...""Sweetheart, kahit ito na lang. Play for us again. Kung hindi mo kayang sabihin ang nararamdaman mo, then do it through playing. Sabihin mo sa pamamagitan ng pagtugtog. Connect yourself with everyone upang maramdaman nila ang gusto mong iparating." Papa sadly smiled."Ryujin will be happy too, anak. Please... For us... For your brother... And for yourself. Play again."Humagulgol ako ng iyak dahil sa pakiusap ni Papa."Play, sweetheart... We're here, always." My Mama smiled while pointing my heart."We'll be going now, anak..."They both kissed my forehead. "N-no, P-papa... M-mama... Please stay a little longer! Please!"I was pleading desperately. Gusto ko pa silang makausap. Just a little longer. Just this once.They didn't answer, instead, they both smiled as if saying everything will be alright, that everything will come into its right places."No, Mama, Papa... Please! Don't leave! Don't leave!"I cried more when they are slowly disappearing. Please, no!"Hey, baby!" I heard another voice. "Wake up! Eira!""Please! Don't leave yet. Mama! Papa!" I shouted."Eira!"Mabilis ang tibok ng puso kong bumangon. My eyes were full of tears dahil sa nangyari. I'm in my room and the first thing I saw was Anzo's concerned eyes."You're dreaming, baby."I cried again when I realized why he said. It was a dream, another wonderful dream.Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha pero ayaw nitong tumigil. Mas lalo akong naiyak nang mabilis akong hinila ni Anzo at iniyakap sa kanyang braso.Nag-igting ang kaniyang panga at hindi na nagsalita pa.Mas lalong humigpit ang kanyang yakap sa akin, saying he's with me. He's here and I'm not alone."Hush now," he whispered softly.My family, sila lang ang nagparamdam kung gaano nila ako kahamal. Sila lagi ang nag-aalala sa akin. Ni hindi sila papayag na masugatan o makagat man lang ako ng lamok. Sila lagi ang yumayakap sa akin when I feel down.Pero ngayon... nasa bisig ako ng lalaking gustong gusto ko. At mas lalo akong nahuhulog sa kanya dahil pag-aalalang pinapakita niya. This is bad, very bad. I think I'm falling hard.Pwede ka palang umiyak sa sobrang lungkot at saya.Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Dahan dahan niyang pinunasan ang aking luha. This man... I can't help but to stare at him. Para akong hinihele sa bawat haplos niya."You've been asleep for almost 9 hours now. I'm worried you're not going to wake up." Mapupungay ang mga mata niyang tumitig sa akin. He pressed his lips. "Your fever is not going down. Stay here. I'm going to get your meal. Kailangan mo nang kumain."Sandali niya akong iniwan at tumungo sa ibaba. Kinurot ko ang aking braso baka sakaling nananaginip ako. Totoo bang lahat nang nangyayari? Narito siya sa bahay ko?The last time I remembered was when I break down and... Anzo caught me. Siya ba ang nagdala sa akin dito? And how did he know that I lived here?Mas lalo lamang atang sumakit ang ulo ko sa mga naiisip.Tiningnan ko ang orasan at nanlaki ang aking mga mata nang makitang alas-tres na ng madaling araw! Damn! Did he stayed awake para mabantayan ako? He didn't sleep, didn't he? Paano ang laro nila bukas? He's the Captain for goodness' sake.Kahit mabigat ang aking katawan, agad akong nagtungo sa baba. Humawak ako sa railing ng hagdan dahil sa tingin ko'y matutumba nanaman ata ako."Damn it, Azerielle! Didn't I say to stay there? Why are you so hard-headed?" He clenched his jaw at ibinaba ang hawak na tray sa malapit na mesa. "You should have listen to me. Paano Kung mabinat ka? Your sick for fuck's sake!"Agad siyang lumapit sa akin at binuhat ako. I think I made him made. Ilang ulit siyang nagtiim bagang at hindi siya makatingin sa akin."I-I'm sorry... It's just that, w-why are you here? Y-you're supposed to take a rest. May laro ka pa bukas.""Is it important?!" siya sa magkasalubong na kilay. "Mas mahalaga pa ba 'yon kesa sa kalagayan mo? Damn! Kaya kong umalis ng volleyball team makasama ka lang!"Hindi ako nakasagot at mas pinili na lamang kagatin ang aking labi. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko dahil sinabi niya ang mga salitang 'yon ng walang pag-aalinlangan!Ipinaupo niya ako sa upuan. Nakita ko kung paano magsalubong ang kaniyang kilay. Tumungo siya sa mesang pinaglagyan ng tray at tahimik itong kinuha.Shit! Bakit sa paningin ko, gwapo pa rin siya kahit nakakunot ang noo? Wala bang kapintasan ang lalaking 'to?I looked at him, memorizing his face. He has dark features at mahahalata mong matured na. Maskulado ang kaniyang katawan like those Calvin Klein's model. Napakasuplado ng mukha niya pero mas lalo lang itong nagpadagdag sa kaniyang kakisigan. He has thick eyebrows na laging magkasalubong, like his mad every single minute. Pointed nose with a deep dimple on his right cheek. And lastly, his red and kissable lips. I've never been kissed before. How does it feel to be kissed by him?"Eira..." I met his sleepy eyes."Y-yes?""Stop staring. Baka isipin kong may gusto ka sa'kin."He grinned a little bit showing his dimple.My face flushed. He saw me staring! Shit!"I-I'm not... H-hindi ka naman gwapo..."You liar! Kahit sino'y hindi maniniwala sayo!His grin grew wider, para bang may nakakatawa sa sinabi ko.Damn it! Okay, fine! Ikaw na ang gwapo! I have nothing to say 'bout that.Mas lalo lamang akong kinabahan ng dahan dahan siyang lumapit sa akin. Napasinghap ako ng inilapat niya ang kaniyang noo sa akin. Para akong kinukuryente at nagsiliparan nanaman ang mga paru-paro sa aking tiyan. I can even smell his fresh breath. Pigil pigil ang aking hininga at ilang beses akong napalunok.He's very intimidating! God, please help me."Your fever's not going down. Eat now, so that you can take your medicine," he commanded pagkatapos humiwalay sa akin.I looked at the cup of bowl in front of me. Damn! This guy can even cook porridge.Tumunog ang kanyang cellphone kaya't napatigil ako sa pagkain. "I'll just take this call."Tumango ako at ninamnam na lang ang pagkain. I smiled when I realized that this is the first time he cooked for me."Yes, Abraham. I'm not going to play tomorrow. Mayroon lang akong inaasikaso. Yes, this is more important than the game." Nabitin sa ere ang aking pagkain dahil sa narinig. What is it again? He's not going to play tomorrow? More important? Ako?Sumulyap ako sa kanya at nakita ko kung paano siya ngumiti ng nakakaloko sa akin. Napakurap ako at hindi ko alam kung paano ko napigilan ang pagtili. Gusto kong sumigaw but hell I won't. Hindi sa harap niya!"Okay then. I trust you. See you after two days. Pakisabi na lang kay coach. Yes. Bye."Mabilis kong isinubo ang nabiting kutsara at basta basta na lamang iyong nilunok. Shit."I'm going to stay here hanggang sa gumaling ka. Here, take this after your meal."He gave me a tablet of medicine. Bakit parang feeling ko laging handa ang lalaking 'to? Is he a boy scout?Umupo siya sa aking harap at pumangalumbabang tumitig sa akin. At pinipigilan niya ang pagngiti! What's his problem? Mas lalo lang pumipintig ang puso ko dahil sa mga titig niya."P-pwede bang huwag mo akong titigan?" I asked but the brute just smiled widely."Why? Am I intimidating you?" he playfully asked.Shit."Tell me, Eira, bakit ayaw mong titigan kita, e, ikaw ang hinahanap ng mata ko?"Pinamulahan ako ng mukha. Hindi ko na ata kaya 'to. He's killing me with his words. Simpleng mga salita lang iyon pero sasabog na ata ang puso ko."Ikaw ang senaryong hindi nakakasawang panuorin," he teased again.Hindi ako umimik dahil unti na lang, unting unti na lang talaga."You're a magnet and you keep on pulling me... pulling me real hard," he then added with emphasis on the last four words.Mabilis akong tumayo at mabilis ring umakyat sa itaas. Pulang pula na ang aking mukha at paniguradong halatang halata iyon dahil sa maputi ako.Narinig ko na lamang ang malutong niyang halakhak kaya't mas lalo lamang pumula ang aking pisngi. Patakbo akong umakyat ng hagdan, hindi alintana ang lagnat at sakit ng ulo.Pagkasara ko ng aking pinto, agad kong hinawakan ang aking dibdib. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Shit. Hindi na ata normal 'to. Hindi na talaga. Bakit pakiramdam ko, mas lalo lang atang lumala ang pagkagusto ko sa kanya?Anzo Solguero, what did you do to me?VisitI woke up the next morning. Tumila na ang ulan at medyo humupa na rin ang lagnat ko. I was concerned about Anzo. I dunno where he slept last night. He came up here to bring me my medicine which I forgot to take because I went up immediately. Nakatulugan ko na rin iyon.I went down and to my surprise, I saw him sleeping in my small sofa. Sa sobrang tangkad niya, hindi na siya nagkasya pa at sapilitan na lang isiniksik ang sarili. I felt guilty. I think it's my fault why he's sleeping in this small couch. At hindi rin siya makakapaglaro pa. Pinakiusapan ko rin siya kagabi na pwede na niya akong iwanan pero hindi na raw mababago pa ang isipan niya. How can he decide so easily? Without any hesitations? Am I that important? It's his goal to win for this year's Intramural Meet, right?I breathed heavily and placed the blanket on his body. I smiled when I saw how peaceful his face is. Bakit kahit na natutulog, gwapo pa rin siya? He's tired, I can see that, probably he stayed late las
ChangesIt's been four days since Anzo's friends visited me. I'm okay now. Wala na akong lagnat at hindi na rin masakit ang ulo ko, probably because my male nurse is good at taking care of me. I tried to go to work but Anzo wouldn't allow it. We were like a couple having our lover's quarrel, like what is happening right now."Okay na 'ko, Anzo. I'm very fine... see?" I smiled widely to convince him."Do you think that will work on me, young lady?"Young lady? Did he really think I'm that 'young'? I'll eventually reach the right age! He'll see."I'm fine, Anzo. Ayos na nga ako at kailangan kong magtrabaho. It's been three... no... four days of being absent! Kailangan ko ng pera!" I exclaimed.He's jaw clenched. "Then I will damn pay for you! Just please listen to me."He's controlling himself, I know it. He's damn mad. Bakit ba ganyan siya makareact? Hindi ko pa siya boyfriend!Goodness, Arielle! Bakit may 'pa'? Umaasa ka ba na magiging boyfriend mo ang lalaking 'yan? "Hinimatay ka k
MusicMabilis kaming nakarating sa Palawan State University. Agad pinark ni Anzo ang kaniyang motorsiklo sa parking space. Yumuko ako habang tinatanggal ang aking helmet dahil sa tinging ipinupukol ng mga taong dumaraan, especially those female college students. May iilan pa akong nakikitang nagbubulong-bulungan. Maybe they're talking about the unknown student and loser na kasama ni Anzo. Walang iba kundi ako. As much as possible, ayokong mainvolve sa kahit anong gulo. Their stare is very deadly, na para bang isang malaking kasalanan ang makasabay o makatabi man lang ang volleyball Captain ng CEAT. Mali pa atang sumama ako kay Anzo dahil pwede siyang matsismis dahil sa akin. He's well known not just because of his talent in playing volleyball, but because of his achievements. He's not just a typical college student coz he has the body, the appearance, and the brain. At ayokong masira ang pangalan niya dahil sa walang kwentang katulad ko. "Hey... are you okay?" pagkuha ni Anzo sa ate
UnexpectedAng pagtugtog ang siyang naging sandalan ko noong mga panahong nabubuhay pa si Mama at Papa. Mga panahong masayang masaya ako dahil sa suportang ibinibigay nila. We were totally happy and I thought everything was perfect.But in just a blink of an eye, nawala ang lahat lahat sa akin, lahat ng meron ako."You're a monster, Azerielle!""I hate you, Eira! You're not my friend anymore... I don't know you! You're a monster!""Let's end our friendship... You're nothing but a trash..."Agad akong napahinto sa pagtugtog at mabilis na tumayo. Namutla ako at nanginig ang aking mga kamay. Kasabay nang pangangatal ng aking labi ay ang siyang pagkabog ng aking dibdib. Sari saring eksena ang pumasok sa aking isipan at wala akong magawa para matigil 'yon. "Please, stop!!"Tinakpan ko ang aking tainga dahil sa sunod sunod na boses na aking naririnig. "Mama, I don't to be with her. Nakakatakot siya...""Sinong engkanto ang sumapi sa batang yan, Azilla?! She's a monster!""I'm not a monste
First KissIsang malaking palaisipan sa akin kung bakit magkasama sina Anzo at Zemeira. They way they smiled at each other, parang matagal na silang magkakilala. Zemeira is my cousin. Anak siya ng isa pang kapatid ni Mama na si Tita Azul. Maganda na siya dati pa but she's grown into a fine and sophisticated woman. She's very graceful and elegant. Habang nakatitig ako sa kanya, kinompara ko ang aking sarili. She changed a lot at malayong malayo ang pinagkaiba namin. From her fitted black dress and that... heels? Shit. Ni hindi ko nga kayang magsuot ng sandals na may takong.Maging ang ilang bumibili ay natutulala sa kanya dahil talagang nakakapang-akit ang kaniyang ganda. Her presence is shouting elegance and the way she moves? Talagang napalaki siya ni Tito na napaka sopistikada. "Zemeira..." Anzo called. Zemeira chuckled and smiled sweetly. "What's with you, Anzo? You used to call me Eira."Eira. My body froze. Sumikip ang aking dibdib dahil sa lahat ng napagtanto. Lahat ba ng
JealousNatulala pa rin ako habang nakadungaw sa pintuan. Nakapasok na si Anzo sa harap na kwarto pero heto pa rin ako at hindi makagalaw. Ilang beses niya na ba akong nahalikan sa araw na 'to?Wala sa sarili akong humiga sa kama. Naabutan ko na lang ang aking sarili na ngumingiti mag-isa. Shit. Nababaliw na ata ako. Nagpagulong gulong ako sa kama habang yakap yakap ang aking unan. Ibinaon ko ang aking mukha sa hawak na unan dahil hindi ko na mapigilan ang aking pagtili. Kung hindi naman ay hahawakan ko ang aking labi at ipapadyak ang aking mga paa. I'm going crazy, and it's Anzo's fault!Hanggang ngayo'y malakas pa rin nag kabog ng dibdib ko na siyang si Anzo lamang ang nakagagawa. I can even feel his soft lips against mine. Everything is surreal. I was angry at him and all, but everything turns out to be okay between us. Hindi rin pala masamang magpakatotoo. Dumating ang ala-una at hindi pa rin ako nakakatulog! Buhay na buhay pa rin ang kilig cells ko. I was wide awake thinking w
CousinsTulala pa rin ako habang naglalakad paalis sa gym. Naabutan ko na lang ang sarili ko na nakatayo sa harapan ng isang booth. What am I even doing here anyway?I examined the whole booth. May mga customized na bracelet, necklace and other accessories. Pwede ka ring magpalagay ng name sa bracelet, whether it is baybayin or not.Maybe I should get one for myself and for... Anzo?I feasted myself on the unique and beautiful accessories in front. May mga pearls din pala roon and dream catchers.Kanina ko pa tinitingnan ang isang bracelet na kulay black and white. But still, magdadalawang isip pa rin ako kung bibilhin ko ba. Masyado kasi akong kuripot sa sarili. At isa pa, if ever na magpagawa ako ng isa para kay Anzo, parang hindi naman ata maganda. He's rich and of course, he's used in expensive things.I breathed heavily. In the end, napagpasyahan kong huwag na lang bumili. Naglakad na ako palayo sa mga booth at umupo muna sa bleachers. Masyadong abala ang mga tao dahil sa last d
InstrumentsDumating ang inaabangang friendship day. Abala ang lahat sa napakaraming gawain. Maging ang taga CCRD ay tumulong na rin sa paghahanda. May iilang nag-aayos ng stage, at may iba namang nagbubuhat ng plastic chairs. Pero karamihan ay tumulong sa paggawa ng napakalaking bonfire sa gitna ng field.Kahapon pa natapos ang announcement ng mga nanalo sa Intramural Meet. Umulan kahapon pero tuloy tuloy pa rin ang program. This year, overall champion ang CEAT. First runner up naman ang College of Business Administration, second ang PSU North at third runner up naman ang College of Arts and Humanities. Iyon lang ang natandaan ko."Ayos na bang ilagay 'to rito? Bakit wala kasing mga lalaki? Panigurado nanunuod nanaman ang mga 'yon sa gym!" reklamo ni Riccah habang mariing pinunasan ang pawis sa kaniyang noo."Huwag na kayong umasa sa mga lalaking 'yon! Andito naman ako!" singhal ni Jay Rex at nagtaas baba pa ng kilay. He posed for a whi
Wakas"Ayoko na..." My body froze as I stared at her. Nakaramdam ako bigla ng takot. I'm tired for her Aunt's investigation, at wala pa akong tulog. I haven't sleep for how many days. Pero nang sabihin niya ang mga salitang 'yon, para akong binuhusan ng malamig na tubig. My forehead creased as I looked into her eyes. Bakas ang sakit at galit sa mga 'yon. "Sabi ko ayoko na!" she repeated. I clenched my jaw. I know where this is headed.I chuckled to hide my nervousness. "What do you mean by that?"Mas lalo lamang akong natakot nang makita kung paano magsibagsakan ang mga luha sa mata niya. I haven't seen her cry all this time. I'm mad at myself dahil pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak. I attempted to wiped her tears away pero mabilis niyang tinabig ang kamay ko, and it pained me. The way she avoided me was like she's disgusted. At hindi ko alam kung saan niya kinukuha lahat ng 'to. She looked at me with so much pain and hatred. "Itigil na natin 'to, Anzo. I giv
Kabanata 50AcceptanceThe lust I'm feeling for him was unbearable. I think I'm about to explode if he doesn't take action. All I want is for him to touch me. Hindi sapat ang halik lang. Hindi ko alam kung ilang beses ko na ba 'tong ininda but I'm positive, I'm really craving for him. Humiwalay siya sa pagkakahalik sa aking balikat pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin. I slowly gasped as his manly cologne lingered on my nose. And damn it! It's making me more arouse.I crouched to reach his lips. I didn't fail. His lips taste like mint at kung may kung ano sa tiyan ko na gustong kumawala. Para akong kinikiliti. It was just a peck pero gusto ko pa. Higit pa sa mababaw na halik. I pulled from the kiss and looked at him with sleepy eyes. Umawang sandali ang labi niya ng matitigan ako. He licked his lips, tempting me to kiss him again. "Don't give me that face, baby. Baka makalimutan kong buntis ka."That was supposed to be a threat pero sa pandinig ko, para niya akong inaakit. I t
Kabanata 49Move ForwardI closed my eyes as I felt the familiar breeze against my skin. The sky is as blue as the ocean, and the green trees were swayed by the cold wind. I've been here a couple of times, and yet I'm still not used to it. Going back here makes me comfortable and at the same time makes my heart sting a bit.I formed my lips in a grim line, pagkatapos ay inilahad ko ang partikular na bulaklak sa puntod na nasa aking harapan.Zenon S. de AsisBorn: March 12, 20XXDied: February 4, 20XXHellary S. de AsisBorn: June 25, 19XXDied: February 4, 20XXOne month has passed since their death. And everyone's slowly accepting everything. Slowly.Nang gabing tumawag si Ate Sha, nalaman ko na tumakas pala sa kulungan si Tita Azul. Hindi na ako nagtaka pa dahil she's capable of doing anything. Maybe she thought that everything's not over yet. She badly wants to have revenge over our family. I thought so too that everything's fine already dahil nasa bilangguan na siya but I was wron
"To forgive is the highest, most beautiful form of love. In return, you will receive untold peace and happiness." --Robert Muller_________________________Kabanata 48ForgivenessMabilis na nagdaan ang mga araw para sa akin. Wala na akong ibang ginawa kundi ang humiga buong araw sa hospital bed. Madidischarge na ako ngayon kaya't nagliligpit na si Anzo. Uuwi ako ngayon sa bahay doon sa East Village. Anzo tried to persuade me na sa kahit saang bahay niya kami titira pero hindi ako pumayag. Doon ko gustong tumira sa East Village. I won't leave that house. "Will Kuya go with us sa East Village?" I asked Anzo. "No. He's busy with something..." He paused. "...important. Besides, Abraham has life too. Maybe we shouldn't meddle with his businesses.""I'm not meddling with him, Anzo. I'm just concerned. Napapansin ko na balisa si Kuya like he's thinking deep. Alam mo ba kung nasaan siya?"Anzo shook his head. "No, baby. Abraham's a little bit distant these past few days. Let's give him tim
Kabanata 47Again"Hindi pa nga pwede, Arielle. Hindi pa pwede."I pouted saka matalim na tinitigan si Anzo. I kept on asking him the same question, but I couldn't convince him. He was peeling some apples with crease brows."Gusto ko na ngang lumabas. Magaling na 'ko.""No. You're not," mabilis niyang sagot. I shrugged and raised my brows at him. "I said I'm fine."Anzo sighed. "Baby, you've just woken up. Hindi ka pa magaling.""Magaling na ko. At kawawa naman 'tong katawan ko. All I did was to sleep and sit all day."Siya naman ngayon ang nagtaas sa akin ng kilay. Ibinaba niya ang hawak na kutsilyo at mansanas. After that, he reached my face with his left hand saka isinipit ang takas kong buhok sa likod ng aking tenga. "If you want to go out that much, then you need to recover fast. And that includes eating nutritious foods, Arielle. Our baby needs it, my fiancee needs it," he smiled, encouraging me. I frowned. "T-then feed me..."I diverted my gaze at him. Nahiya pa ako. He pur
Kabanata 46HopeLahat tayo takot sa kamatayan. Takot na iwan ang mga mahal natin sa buhay. Takot na masaktan sila. I was too, afraid of death. Hindi pa ako handa, dahil alam ko sa sarili ko na marami akong iiwan. Marami akong masasaktan. And it will leave marks on their hearts, lalo na kay Kuya at Anzo. I remembered one time when I asked Mama about death. It was weeks after my Abuelo passed away."Mama, is Abuelo in heaven now?"Ginawaran ako ni Mama ng isang malungkot na ngiti saka tumingin sa malawak na kalangitan. "Yes. He's in heaven now," si Mama sa maliit na boses, still looking at the blue clouds.My forehead creased when I saw her reaction, para bang maraming iniisip.Nagluluksa pa rin kami hanggang ngayon dahil sa pagkamatay ni Abuelo. I bit my lips, and leaned closer to hug her. She breathed heavily and kissed my temple. "I'm okay, sweetheart. Mama's okay."No. You're not okay, Mama. I can feel it. You're not okay. We're here in the large flower garden in Taiwan. Zhong
Kabanata 45The CulpritI never imagined na hahantong sa puntong mapapahamak ako ng ganito. When I'm in danger, I always escaped. And for how many years, nagawa kong makaligtas sa kamatayan. Nagawa kong mabuhay. My body feels so heavy. I opened my eyes kahit hinang hina. At first my vision was blurry dahil sa liwanang until everything becomes clear.I wandered around. Nasa isa akong malawak na bodega. The lights are all open. I was about to stand up when I realized that my hands are tied together at the back of the chair, the same goes with my feet. Nagsimula na akong kabahan nang mapagtanto ang huling nangyari bago ako mawalan ng malay. Elsie called me saying I need to get out of Tita's house immediately. And... and someone has put something on my mouth. Nanubig ang mga mata ko. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang nangyayari. I was... kidnapped. "Let me out of here. Please! I didn't do anything! Pakawalan niyo ko!"I started to scream as tears rolled down my cheeks. May mga taong n
Kabanata 44Scared"Isang nanamang pagsabog ang naganap sa Sta. Prexedes nito lamang Miyerkules, Enero 24, 20XX. Sinasabing..."Bumaling si Ate Sha sa akin kaya't nakuha niya ang atensyon ko."Pang-apat na pagsabog na 'yon, a. I'm getting chills when I think na terrorist ang gumawa.""Nagkataon lang 'yon, Ate Sha," I replied. "Arielle, malapit lang 'yon dito." She raised her brows tila kinukumbinsi ako.Nasa sala kami ni Ate Sha while watching TV. Nitong linggo kasi, sunod sunod ang pagsabog dito sa Sta Prexedes kaya't mas pinahigpit ang security. I frowned saka umiling. Tumayo na ako at tumungo ako sa maliit kong library. The door was slightly open. I peeked and saw my baby's father who's peacefully sleeping on the couch with a parenting book on his chest. I smiled weakly. During these past weeks, napapadalas ang pagpupuyat niya sa pagbabasa. Everytime I see him with creased forehead while reading seriously, my heart melts. He's been very patient lalo pa't gusto ko na siya 'yong b
Kabanata 43Be StrongPinlano ko na 'to. Wala akong sasabihin sa kanya. Pero wala pa ngang bente-kuatro oras, alam niya na agad. Who am I kidding? He must've installed some secret cameras around the house or if not, hire a private investigator! I gathered all my courage, and faced him. "Ano naman sayo kung buntis ako?! You're not the father so back off!"Tumalikod ako patungong kwarto pero mabilis niya akong nahawakan sa braso. Marahan 'yon kaya't hindi ako gaanong nasaktan. "We're not done talking, young woman."Narindi ako dahil sa pagtawag niya sa akin no'n. Bata pa ba ang tingin niya sa akin? I don't care if he's older than me. Ha! We already did it, and I'm pregnant tapos tatawagin niya 'kong young woman?!Marahas akong bumaling sa kanya saka tinabig ang kamay niyang nakahawak sa aking braso."Fuck you!" I shouted at his face. Kung pwede ko lang saktan ang lalaking 'to, kanina ko pa ginawa. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang akong nagagalit. "Go home! Hindi mo anak