Si Zach mismo ang nag-umpisa ng laro sa pagitan nilang tatlo. Siya mismo ang nagpahamak sa sarili. Ang akala niya'y sa pamamagitan ni Zayra ay maibabalik niya sa kaniyang piling ang pinakamamahal niyang babae na si Mageline. Nang una'y umayon ang lahat sa plano ngunit 'di nagtagal, bigla na lamang lumihis ang lahat sa ibang direksyon. Marami siyang nalaman na katotohanan na alam niyang magiging dahilan ng pagkasira nilang lahat. Alam niyang kapag ipinagpatuloy niya pa ang pakikipaglaro kay Zayra ay siya lang din ang mahihirapan. Handa niya pa rin bang sabayan ang laro kahit na alam niyang sakit lang sa puso ang dulot nito? O titigil na lamang siya? Dahil sa patibong na ginawa niya'y siya mismo ang nahulog dito.
View MoreZach's POV"Where are you?" Bliz asked me. Nasa kabilang linya siya at hindi ko rin alam kung bakit niya ba ako tinawagan. Gusto niya raw makipagkita sa akin at may sasabihin daw siya."Pumunta ka na lang dito sa bahay," ani ko pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero interisado akong malaman 'yon.Palakad-lakad lang ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ako mapakali, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ko nararamdaman ito. Hindi ako makapaniwalang mararamdaman ko muli ito.Wala akong ideya kung anong nangyayari sa akin pero mukhang nagtagumpay sila sa plano nila.Ilang minuto pa ay nakarating na rin si Bliz dito sa bahay. Pagkapasok niya pa lang ay uminit na ang dugo ko. Noon ay masaya ako kapag nandito siya dahil pumupunta rito sina mama at papa, pero ngayon, nang malaman ko na kaya lang pa
Naglalakad ako ngayon papunta sa market dahil may pinabili si Mageline sa akin. Ayaw ko na siya pa ang pumunta rito at baka mabinat siya. Grabe ang paglilihi niya nitong mga nakaraang araw, mas lalong lumolobo na rin ang kaniyang tiyan. Hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasabi kung sino ang ama ng kaniyang dinadala at mukhang wala na siyang balak pang sabihin sa akin 'yon.Nang makarating na ako ay agad kong hinanap ang mga pagkain na nakalista rito sa papel na binigay sa akin ni Mageline. Isa-isa ko 'yong hinanap at konti pa lang ang nailalagay ko sa lalagyanan na hawak ko."Hi, Zayra. You're here." Lumingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko at napairap na lang ako nang makita ko kung sino 'yon."Ang sungit mo naman pero pagdating sa kapatid ko, ano bang meron kay Zach na wala ako?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagpili ng mga pagkain."Gusto mo nga p
"Anong ginagawa mo rito?! Tumayo ka nga! Bakit ka natutulog na nakaupo?!" Nagising ako sa malakas na pagsigaw ni Zach sa akin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko."Ano bang problema?" tanong ko sa kaniya. Hinatak niya ako patayo pero hindi ako tumatayo, antok na antok pa ako."Tumayo ka! Huwag ka nga d'yan matulog!" Nakakarindi na ang sigaw niya, ang sakit sa tainga. Hindi ko siya pinansin at ipinikit kong muli ang mga mata ko."Aba! Parang wala kang naririnig, ahhh. Hindi pa tayo okay! Huwag kang umasta na parang maayos na tayo kasi hindi! Hindi tayo okay kaya lumayas ka rito, huwag ka rito matulog!" Kung makapagpalayas naman siya, para naman akong asong maraming garapata."Paki mo? Lasing ka kaya, inalagaan lang kita," ani ko sa kaniya. Maya-maya pa'y nanahimik siya at lumakad siya palayo mula sa akin.Inayos ko ang upo ko dahil nanganga
“NASAAN si Zach?” tanong ko sa lalaking nakatayo sa gate at nagbabantay sa bahay ni Zach. “Nasa taas po ata, Ma'am,” aniya kaya dire-diretso lang akong pumasok. Kilala na ako ng mga katulong at mga taga-bantay ni Zach kaya hinahayaan na lang nila ako na makatuloy. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtunog ng sapatos ko habang umaakyat ako sa hagdan. Lumakad ako palapit sa kuwarto niya at nang tuluyan na akong makalapit ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuhan pero hindi ko siya nakita. Nakapagtataka dahil madalas lang naman siyang nandito sa kuwarto niya sa pagkakaalam ko. Bumaba ulit ako at inikot ko na ang buong bahay niya pero hindi ko pa rin siya nakikita.
SUSUNDAN ko sana si Bliz ngunit hindi maaari sapagkat may napag-usapan kami ng mama niya at ni Zach at kailangan ko iyong tuparin. Nakarating na ako sa lugar na 'to at hinihintay ko na lang siya na dumating. Mayamaya pa'y may nakita akong isang kulay itim na kotse, pamilyar iyon at tama ang aking hula. Huminto sa harapan ko ang kotse na 'yon. Lumabas ang mama ni Zach at agad akong nagmano simbolo ng pagrespeto. “Gumanda kang lalo,” bati niya sa akin. Napangiti naman ako at hindi ko maiwasan ang humanga sa kagandahang taglay niya. Nakasuot siya ng isang pulang mahabang bistida na bumagay sa maputi niyang kulay. Napakaganda niya at bata pa ako nang nakita ko siya. Malamang ay nasa pitong taong gulang pa lamang ak
Zayra's POV “TARA nga! Bakit kayo magkasama ni Bliz?” tanong ko kay Mageline. Nasa bahay nila ako ngayon dahil pinuntahan ko siya at gusto ko siyang makausap. “Bumili kasi kami ng vitamins,” aniya. Umupo kaming pareho sa sofa at kinuha ko ang baso na may tubig sa katapat naming lamesa. “Bumili ng vitamins?! Huwag mong sabihin ang Bliz na 'yon ang ama niyan!” Itinuro ko ang tiyan niyang medyo lumolobo na. “Hindi atsaka hindi mo na kailangan pang malaman,” aniya. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Huwag mong sabihing si Zach?” mahinahong tanong k
“TUMIGIL ka nga sa paglalakad! Isa! Tumigil ka! Pagod na ako, kanina ka pa lakad nang lakad. Mukha kang tanga! Pakinggan mo nga muna sila!” sigaw ni Zayra sa akin. Kanina niya pa ako sinusundan pero hindi ko siya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalakad kung saan walang direksyon at hindi ko alam kung saan ang patutunguhan. “Hindi ka ba talaga titigil?!” humarang siya sa harapan ko at tinitigan ko lang siya nang masama bago siya lagpasan. “Inis na inis na ako sa 'yo, e! Zach!” Nabigla ako sa pagsapak ni Zayra sa akin, sinuntok niya ako sa mukha ko kaya kumunot ang noo ko. Nagtimpi lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, hindi ko dapat pinapatulan ang mga babae. “Hindi ka ta
“HEY, kanina ka pa?” tanong ni Zayra. Umiling naman ako dahil hindi naman ako gano'n katagal naghintay. Inaya niya akong lumabas at kahit ayaw ko ay napapayag niya ako, gusto ko rin manghingi ng tawad dahil sa nangyari sa amin. “Tara na,” aya niya sa akin kaya lumakad kami papasok sa coffee shop at umupo sa may bakanteng upuan. Umupo kaming pareho at may lumapit sa amin na waitress. Umorder kami at maya-maya pa'y nakarating na kaagad sa amin ang mga inorder namin. Tumititig ako sa kaniya at nakatitig din siya sa akin. Pareho kaming tahimik at tila ba naiilang sa isa't-isa. “Sorry,” paghingi ko ng tawad sa kaniya kaya napangiti siya sa akin at ininom niya 'yong kape na inorder
“BAKIT ka ba nandito sa bahay ko?” Zayra asked me. Nandito ako sa bahay nila dahil gusto ko nang makakausap at gusto ko rin siyang abalahin. “Ayaw mo na ba akong makita? Namiss kaya kita kahit hindi ka naligo nang natulog ka sa bahay,” sambit ko sa kaniya na naging dahilan ng pagsimangot niya. “Ikaw nga may tira pa sa ngipin.” Natawa naman ako sa sinabi niya. Umupo ako sa sofa nila at umupo rin siya. “Puwede ka bang pagsabihan?” tanong ko sa kaniya. Lumapit pa siya lalo sa akin at tumitig siya sa mukha ko. “Handa akong makinig, sabihin mo lang kasi pinakinggan mo rin naman ako nang n
PARANG pinagbagsakan ng langit at lupa si Zach nang makita niyang kasama ng babaeng minamahal niya ang itinuturing niyang matalik na kaibigan. Pagkatapos ng isang masayang araw na kasama si Zayra ay napalitan ito ng hindi kaaya-ayang wakas. Wala siyang maramdaman kundi galit at pagkamuhi sa dalawa. Kasabay ng malakas na ulan ay ang pag-amin din ni Zayra na planado ang lahat ng nangyari. Ni wala na siyang maramdaman nang marinig niya ang lahat ng iyon sa bibig ng taong pinagkatiwalaan niya — sa bibig ng taong unti-unti niya nang nagugustuhan. Hindi niya alam na siya pala ang napaglaruan dahil ang akala ni Zach ay siya ang nasa itaas ng laro ngunit mali siya. ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments