“WHEN will you love me?” I asked her nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng bahay.
Tumingin lamang siya sa akin at nginitian ako nang may halong paglalambing. Napairap ako sa kawalan nang makita ko ang damit niyang wala na sa ayos at para bang nanggaling siya sa isang malakas na bagyo, napakagulo ng itsura niya.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at nang marating niya na ang puwesto ko'y niyakap niya ako nang mahigpit pagkatapos ay dinampian niya ako ng halik sa pisngi.
Kapag alam niyang nagdududa na naman ako'y ganito palagi ang kaniyang ginagawa. Alam ko na may iba sa kaniya, alam kong may iba siya, pero bakit tila nagiging bulag ako sa katotohanan? Bakit tila hindi ko na maaninag ang totoo sa kasinungalingan? Dahil ba ito sa labis na pagmamahal?
“Saan ka naggaling? Bakit ngayon ka lang?” seryosong tanong ko sa kaniya.
Matagal siyang nanahimik at alam kong nag-iisip pa siya ng kasinungalingang isasagot sa akin.
“Diyan lang. Wala naman akong ibang pupuntahan.” Lumihis ang kaniyang mga mata at alam ko na ang ibig sabihin n'on, isang kasinungalingan na naman.
Lumakad siya palayo sa akin at unti-unting tinanggal ang damit na suot niya. Alam kong nag-uumpisa na naman siyang akitin ako dahil alam niyang hindi ko palalampasin ang oras na ito.
“Nauuhaw ako,” aniya habang patuloy pa rin ang pagtanggal sa suot niyang blouse.
Nang matapos niya nang tanggalin ang butones ay tumambad sa akin ang suot-suot niyang bra. Gano'n pa rin ang itsura ng kaniyang dibdib, walang katulad at talaga nga namang labis na nakaaakit.
Umiwas ako ng tingin, sinusubukang ituon ang aking mga mata sa ibang direksyon.
Naramdaman kong umiinit na ang paligid. Pilit kong tinitiis ang apoy na unti-unti nang bumabalot sa buo kong katawan, dahil gusto kong ipakita sa kaniya na galit ako sa hindi niya pag-uwi nang maaga at sa hindi niya pagsagot sa aking tanong na kung kailan niya ba ako matututunang mahalin.
“Umiinit na, ano?” Lumapit siya sa akin nang dahan-dahan ngunit nakaaakit.
Nakita ko ang hubo't hubad niyang katawan at masasabi ko na napakaganda ng kurba ng baywang niya, walang katulad. Wala na akong iba pang nanaisin na makita bukod sa senaryong 'to.
Hinawakan niya ang aking pisngi at dahan-dahang itinapat sa kaniyang mukha. Napagmasdan ko na naman ang mala-anghel niyang itsura.
“I love you, okay?”
Nang sabihin niya iyon ay halos lumundag ang puso ko, hindi ito mapakali sa kaniyang puwesto at para bang gusto niyang tumalon sa kung saan pero, bakit gano'n? Bakit parang kasinungalingan lamang ang lahat ng lumalabas sa bibig niya?
Hindi ko alam kung sa pag-iisip ko ang may mali o sa kaniya talaga. Alam ko sa sarili ko na hindi niya ako mahal at kahit kailan ay hindi niya ako magagawang mahalin ngunit hindi ko siya kayang bitiwan, hindi ko siya kayang pakawalan.
Nakakadena ang puso ko sa kaniya at kahit na paulit-ulit kong hanapin ang susi nito'y hindi ko magagawa, paulit-ulit lamang akong mabibigo kapag sinubukan ko. Siya ang may hawak sa kadena ng puso ko at siya rin ang may hawak ng susi nito, kaya malabong makawala ako sa kaniya.
Umupo siya sa aking mga hita at sinimulan niyang halikan ang aking noo pababa sa aking ilong hanggang sa marating na nito ang aking labi.
“Mageline, stop,” pagpapahinto ko sa kaniya ngunit para bang wala siyang narinig at ipinagpatuloy lamang niya ang paghalik sa akin.
“T-Tama na,” nauutal kong sabi nang hawakan niya ang maselang parte ng aking katawan. Hinaplos-haplos niya iyon hanggang sa maramdaman ko nang mas lalo ang pag-init ng paligid.
Hindi ko na siya magawang pigilan pa kaya pinagbigyan ko siya. Hinalikan ko siya pabalik, tuluyan na akong nakipag-espadahan sa kaniyang labi. Nang mapansin kong hindi ito ang tamang lugar upang gawin ang bagay na iyon ay agad ko siyang binuhat papunta sa aking kuwarto, ipinahiga ko siya ro'n.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapalitan namin ng laway sa isa't isa hanggang sa ibuka niya na ang kaniyang dalawang hita hudyat na oras na upang magkaisa kaming dalawa. Ipinasok ko ang aking pagkalalaki sa pagkababae niya at hindi ko maitatanggi, kakaibang klase ng sarap talaga ang dulot nito.
Wala akong sawa sa paggalaw sa kaniya dahil kakaibang pakiramdam ang bumabalot sa buo kong katawan dala ng ganitong gawain. Nakapagbibigay ito ng kakaibang sarap na hindi mo mararanasan sa ibang bagay.
Wala akong ibang naririnig kundi ang halinghing naming dalawa. Napapangiti ako dahil alam kong iisa na naman kami. Sa ganitong sitwasyon lamang kami nagkakaisa kaya hindi ko ito pinalalampas, dahil alam ko na kahit na anong oras, maaari niya akong iwanan — maaari niya akong lisanin.
“Z-Zach...” Napahinto kaming dalawa nang marating na namin ang sukdulan, tuluyan na kaming nalunod sa likido ng isa't isa.
Hinalikan ko siyang muli at sabay bumulong, “Mahal na mahal kita.”
Ngunit wala akong natanggap na kahit anong sagot at nagulat na lamang ako nang mag-iba ang ekspresiyon sa kaniyang mukha. Agad-agad siyang tumayo at hinanap ang orasan.
“Omg! Anong oras na! Kailangan ko nang umalis.”
Nagbihis siya nang mabilisan at nang akmang pipigilan ko siya'y agad niya akong tinitigan nang masama na para bang may nagawa ako sa kaniya.
“Hindi ba puwedeng mag-stay ka?” tanong ko sa kaniya na hindi niya yata ako narinig dahil dire-diretso lamang siyang lumabas sa kuwarto na ito na para bang nag-iwan lang ng isang basura.
Napangiti na lamang ako sa kawalan dahil wala rin naman akong magagawa. Hindi ko magawang umangal, hindi rin ako puwedeng masaktan dahil pinili ko ito. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito at si Mageline, wala siyang kasalanan dahil pinilit ko lamang siya na makipag-relasyon sa akin.
Ganito kami palagi. Sex lang ang nagpapasarap sa relasyon namin. Tatlong beses sa isang araw, sanay na siya. Siya ang nakauna sa akin at siya ang nagturo ng mga kakaibang bagay na ito. Hindi ko nga alam kung paanong nagkagusto ako sa isang babaeng katulad niya. Maraming sabi-sabi tungkol sa kaniya pero hindi ko 'yon pinakinggan. Mahal ko siya, 'yon lang ang alam ko.
Gagawin ko ang lahat para sa kaniya kahit na ang ibig sabihin niyon ay ang unti-unti kong pagkasira. Wala akong pakialam kung ano pa siya at kung ano pa ang mali sa kaniya. Wala akong pakialam dahil ang tanging laman lamang ng aking isip at puso ay si Mageline.
Alam kong hindi niya ako mahal kaya gagawin ko ang lahat upang maramdaman niya rin ang nararamdaman ko at sa puntong pumasok na sa isipan niya ang bagay na iyon, hindi ko na siya pakakawalan pa.
Pero, minsan ay hindi ko maiwasang masaktan. Alam kong kaya siya nagmamadali ay pupunta na naman siya sa lalaki niya, ngunit hindi ko man lang magawang ibuka ang aking bibig at magalit sa kaniya. Sobrang mahal na mahal ko siya at ang pagmamahal na ito, alam kong ito ang papatay sa akin.
Napatingin ako sa kisame, kahit na anong gawin ko'y hindi ko mabura-bura sa aking isipan ang imahe ni Mageline. Kahit saan ako tumingin ay siya lamang ang nakikita ng aking mga mata.
Mayamaya'y naramdaman ko na ang pagod at unti-unti na akong napapikit hanggang sa wala na akong masilayan pa.
PAGKAMULAT na pagkamulat ng aking mata'y hinanap ko kaagad ang aking cellphone. Kinapa ko ang ilalim ng aking unan at nakahinga ako nang maluwag nang makuha ko na ito. Tiningnan ko ito at gulat na gulat ako sa napakaraming missed calls ni Bliz. Napaisip ako kung tungkol saan ang sasabihin niya kaya tinawagan ko siya pabalik, pagkatawag na pagkatawag ko pa lang ay agad niya na 'yong sinagot. “Where have you been?! Anong oras na! Nandito na ako kanina pa!” Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula kay Bliz. Agad akong nataranta nang maalala ko ang napag-usapan namin. Tumayo ako sa higaan, hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung ma
MAY naramdaman akong mainit na katawan na yumakap sa akin na naging dahilan ng aking paggising. “Baby, I'm sorry. Gising na.” Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Mageline. Nakita ko na naman ang napakaganda niyang mukha. “Baby.” I hugged her. Miss na miss ko na siya nang sobra. Napangiti ako dahil tila napakaganda ng umaga lalo't ang mukha ni Mageline ang bumungad sa akin. “Puwedeng makahingi ng kaunting pera? Kasi kailangan na ni mama ng gamot, hindi pa kasi ako sumisuweldo,” pagpapaliwanag niya. Tiningnan ko siya sa mga mata at nginitian. Ayos lang sa akin kahit na gaano pa kalaking halaga ang hingiin niya
NAKAHIGA lang ako buong maghapon. Tinatawagan ako ni Bliz pero hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, nakailang missed calls na siya pero kahit isa ro'n ay hindi ko nagawang sagutin. Alam ko naman ang sasabihin at itatanong niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tinanggihan ako ni Mageline. Ibibigay ko naman ang lahat sa kaniya basta pakasalan niya lang ako, kahit lokohin niya pa ako, okay lang sa akin basta nasa tabi ko siya. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Mageline pero walang sumasagot. Inulit ko 'yon nang ilang beses at natuwa ako dahil may sumagot na. “Mageline, let's talk. Please,” bungad ko sa kaniya. May narinig akong bumuntong hininga.&nbs
PINAPUNTA ako ni Zayra sa lugar na 'to. Hindi ko alam pero ang weird dahil puro bungo ang nakikita ko at may mga sapot ng gagamba. Piling ko tuloy halloween na. “What's your order, sir?” tanong sa akin ng waiter na itim na itim sa suot niya. Tiningnan ko ang menu at kakaiba ang mga pangalan ng pagkain nila rito. “Vampire blood, please.” 'Yon na lang ang na-order ko dahil hindi ko rin alam kung masarap ba ang mga pagkain dito. Umalis na 'yong waiter at maya-maya pa ay dumating na 'yong order ko. Kulay pulang juice. Ang cool dahil pulang-pula ito, nagmimistulang parang dugo talaga. Sinubukan ko itong tikman at namangha ako sa taglay na sarap ng lasa nito.&
DALA-DALA ko ang itim na bulaklak na ito habang nakatayo pa rin ako hanggang ngayon sa harapan ng bahay nina Mageline. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya at halos isang oras na akong nakatayo rito pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Sinubukan ko na rin na tawagan ang number niya pero walang sumasagot. “Mageline! Mageline, please may ibibigay lang ako. Mageline,” paulit-ulit na tawag at sigaw ko sa kaniya. Naghintay pa ako ng ilang oras at tinatawagan din ako ni Bliz pero hindi ko 'yon sinasagot. Isinantabi ko si Bliz dahil mas mahalaga si Mageline. Mayamaya pa ay may nagbukas na ng pinto nila at sa wakas hindi na ako maghihintay nang ilang oras pa rito. Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang ay nakita
“YO te quiero con todo mi corazon.” Nagsasanay kami ngayon ni Zayra dahil ang sabi niya sa akin ang gusto raw ni Mageline ay ang mga lalaking marunong magsalita ng Spanish. “Iyan! Tama! Ang galing mo!” Pumalakpak siya at pinaghahampas niya ako. “Tumigil ka nga! Mamaya pinag-tri-trip-an mo na naman ako,” saad ko sa kaniya kaya nag-iba bigla ang ekpresyon ng kaniyang mukha. “Sure ako.” Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin. Maya-maya pa'y bumalik na siya. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang libro. “Oh, 'yan, mag-aral ka.” Hinagis niya sa akin ang libro at agad ko 'yong sinalo. 
HINANDA ko na ang aking gitara at inayos kong mabuti ang sarili ko. Ngayon na ang araw na haharanahin ko si Mageline kaya labis akong kinakabahan. Sana sa pagkakataong ito ay mabawi ko na siyang muli. Tumayo ako at tumingin ako sa salamin. Tinititigan kong mabuti ang sarili ko. Sinigurado kong prensintable ang itsura ko at nang makita ko ang hibla ng buhok ko na hindi nakaayos ay agad ko itong sinuklay. Nang matapos na ako ay sakto namang tumawag si Zayra sa akin. Dinampot ko ang cellphone ko bago sagutin ang tawag niya. “Nasaan ka na? Nandito ako sa harap ng gate ng bahay mo, bumaba ka na. Bilisan mo!” bungad niya kaya nagmadali akong naglakad pababa sa hagdanan.
“BRO, anong problema?” Bliz asked me. Nandito kami ngayon sa coffee shop at hinihintay ko na magbigay siya ng impormasyon tungkol sa lalaking karelasyon ni Mageline. “May nahanap ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Nabigla naman ako dahil bigla siyang tumahimik sa 'di malaman na dahilan. “Sorry, bro,” saad niya kaya nahampas ko bigla ang lamesa sa harapan ko. Hindi ko alam pero hindi maaring hindi siya makahanap ng impormasyon tungkol sa lalaking 'yon dahil magaling siya sa mga bagay na ganito. Ilang linggo na ang nagdaraan pero kahit ni katiting, wala akong nalaman. “Bro, you know me. May itinatago ka ba?” Hindi ko alam pero parang may alam siya sa mga nangyayari.
Zach's POV"Where are you?" Bliz asked me. Nasa kabilang linya siya at hindi ko rin alam kung bakit niya ba ako tinawagan. Gusto niya raw makipagkita sa akin at may sasabihin daw siya."Pumunta ka na lang dito sa bahay," ani ko pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero interisado akong malaman 'yon.Palakad-lakad lang ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ako mapakali, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ko nararamdaman ito. Hindi ako makapaniwalang mararamdaman ko muli ito.Wala akong ideya kung anong nangyayari sa akin pero mukhang nagtagumpay sila sa plano nila.Ilang minuto pa ay nakarating na rin si Bliz dito sa bahay. Pagkapasok niya pa lang ay uminit na ang dugo ko. Noon ay masaya ako kapag nandito siya dahil pumupunta rito sina mama at papa, pero ngayon, nang malaman ko na kaya lang pa
Naglalakad ako ngayon papunta sa market dahil may pinabili si Mageline sa akin. Ayaw ko na siya pa ang pumunta rito at baka mabinat siya. Grabe ang paglilihi niya nitong mga nakaraang araw, mas lalong lumolobo na rin ang kaniyang tiyan. Hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasabi kung sino ang ama ng kaniyang dinadala at mukhang wala na siyang balak pang sabihin sa akin 'yon.Nang makarating na ako ay agad kong hinanap ang mga pagkain na nakalista rito sa papel na binigay sa akin ni Mageline. Isa-isa ko 'yong hinanap at konti pa lang ang nailalagay ko sa lalagyanan na hawak ko."Hi, Zayra. You're here." Lumingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko at napairap na lang ako nang makita ko kung sino 'yon."Ang sungit mo naman pero pagdating sa kapatid ko, ano bang meron kay Zach na wala ako?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagpili ng mga pagkain."Gusto mo nga p
"Anong ginagawa mo rito?! Tumayo ka nga! Bakit ka natutulog na nakaupo?!" Nagising ako sa malakas na pagsigaw ni Zach sa akin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko."Ano bang problema?" tanong ko sa kaniya. Hinatak niya ako patayo pero hindi ako tumatayo, antok na antok pa ako."Tumayo ka! Huwag ka nga d'yan matulog!" Nakakarindi na ang sigaw niya, ang sakit sa tainga. Hindi ko siya pinansin at ipinikit kong muli ang mga mata ko."Aba! Parang wala kang naririnig, ahhh. Hindi pa tayo okay! Huwag kang umasta na parang maayos na tayo kasi hindi! Hindi tayo okay kaya lumayas ka rito, huwag ka rito matulog!" Kung makapagpalayas naman siya, para naman akong asong maraming garapata."Paki mo? Lasing ka kaya, inalagaan lang kita," ani ko sa kaniya. Maya-maya pa'y nanahimik siya at lumakad siya palayo mula sa akin.Inayos ko ang upo ko dahil nanganga
“NASAAN si Zach?” tanong ko sa lalaking nakatayo sa gate at nagbabantay sa bahay ni Zach. “Nasa taas po ata, Ma'am,” aniya kaya dire-diretso lang akong pumasok. Kilala na ako ng mga katulong at mga taga-bantay ni Zach kaya hinahayaan na lang nila ako na makatuloy. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtunog ng sapatos ko habang umaakyat ako sa hagdan. Lumakad ako palapit sa kuwarto niya at nang tuluyan na akong makalapit ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuhan pero hindi ko siya nakita. Nakapagtataka dahil madalas lang naman siyang nandito sa kuwarto niya sa pagkakaalam ko. Bumaba ulit ako at inikot ko na ang buong bahay niya pero hindi ko pa rin siya nakikita.
SUSUNDAN ko sana si Bliz ngunit hindi maaari sapagkat may napag-usapan kami ng mama niya at ni Zach at kailangan ko iyong tuparin. Nakarating na ako sa lugar na 'to at hinihintay ko na lang siya na dumating. Mayamaya pa'y may nakita akong isang kulay itim na kotse, pamilyar iyon at tama ang aking hula. Huminto sa harapan ko ang kotse na 'yon. Lumabas ang mama ni Zach at agad akong nagmano simbolo ng pagrespeto. “Gumanda kang lalo,” bati niya sa akin. Napangiti naman ako at hindi ko maiwasan ang humanga sa kagandahang taglay niya. Nakasuot siya ng isang pulang mahabang bistida na bumagay sa maputi niyang kulay. Napakaganda niya at bata pa ako nang nakita ko siya. Malamang ay nasa pitong taong gulang pa lamang ak
Zayra's POV “TARA nga! Bakit kayo magkasama ni Bliz?” tanong ko kay Mageline. Nasa bahay nila ako ngayon dahil pinuntahan ko siya at gusto ko siyang makausap. “Bumili kasi kami ng vitamins,” aniya. Umupo kaming pareho sa sofa at kinuha ko ang baso na may tubig sa katapat naming lamesa. “Bumili ng vitamins?! Huwag mong sabihin ang Bliz na 'yon ang ama niyan!” Itinuro ko ang tiyan niyang medyo lumolobo na. “Hindi atsaka hindi mo na kailangan pang malaman,” aniya. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Huwag mong sabihing si Zach?” mahinahong tanong k
“TUMIGIL ka nga sa paglalakad! Isa! Tumigil ka! Pagod na ako, kanina ka pa lakad nang lakad. Mukha kang tanga! Pakinggan mo nga muna sila!” sigaw ni Zayra sa akin. Kanina niya pa ako sinusundan pero hindi ko siya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalakad kung saan walang direksyon at hindi ko alam kung saan ang patutunguhan. “Hindi ka ba talaga titigil?!” humarang siya sa harapan ko at tinitigan ko lang siya nang masama bago siya lagpasan. “Inis na inis na ako sa 'yo, e! Zach!” Nabigla ako sa pagsapak ni Zayra sa akin, sinuntok niya ako sa mukha ko kaya kumunot ang noo ko. Nagtimpi lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, hindi ko dapat pinapatulan ang mga babae. “Hindi ka ta
“HEY, kanina ka pa?” tanong ni Zayra. Umiling naman ako dahil hindi naman ako gano'n katagal naghintay. Inaya niya akong lumabas at kahit ayaw ko ay napapayag niya ako, gusto ko rin manghingi ng tawad dahil sa nangyari sa amin. “Tara na,” aya niya sa akin kaya lumakad kami papasok sa coffee shop at umupo sa may bakanteng upuan. Umupo kaming pareho at may lumapit sa amin na waitress. Umorder kami at maya-maya pa'y nakarating na kaagad sa amin ang mga inorder namin. Tumititig ako sa kaniya at nakatitig din siya sa akin. Pareho kaming tahimik at tila ba naiilang sa isa't-isa. “Sorry,” paghingi ko ng tawad sa kaniya kaya napangiti siya sa akin at ininom niya 'yong kape na inorder
“BAKIT ka ba nandito sa bahay ko?” Zayra asked me. Nandito ako sa bahay nila dahil gusto ko nang makakausap at gusto ko rin siyang abalahin. “Ayaw mo na ba akong makita? Namiss kaya kita kahit hindi ka naligo nang natulog ka sa bahay,” sambit ko sa kaniya na naging dahilan ng pagsimangot niya. “Ikaw nga may tira pa sa ngipin.” Natawa naman ako sa sinabi niya. Umupo ako sa sofa nila at umupo rin siya. “Puwede ka bang pagsabihan?” tanong ko sa kaniya. Lumapit pa siya lalo sa akin at tumitig siya sa mukha ko. “Handa akong makinig, sabihin mo lang kasi pinakinggan mo rin naman ako nang n