Home / Lahat / Endless Affection / Chapter Eight: I Feel Safe

Share

Chapter Eight: I Feel Safe

Author: Princerandell
last update Huling Na-update: 2020-08-02 11:51:55

              HINANDA ko na ang aking gitara at inayos kong mabuti ang sarili ko. Ngayon na ang araw na haharanahin ko si Mageline kaya labis akong kinakabahan. Sana sa pagkakataong ito ay mabawi ko na siyang muli. 

              Tumayo ako at tumingin ako sa salamin. Tinititigan kong mabuti ang sarili ko. Sinigurado kong prensintable ang itsura ko at nang makita ko ang hibla ng buhok ko na hindi nakaayos ay agad ko itong sinuklay. 

              Nang matapos na ako ay sakto namang tumawag si Zayra sa akin. Dinampot ko ang cellphone ko bago sagutin ang tawag niya.

              “Nasaan ka na? Nandito ako sa harap ng gate ng bahay mo, bumaba ka na. Bilisan mo!” bungad niya kaya nagmadali akong naglakad pababa sa hagdanan. 

              Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay nakita ko siyang nakatayo. Nakasuot siya ng kulay itim na short at itim na t-shirt. 

              Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa kamay. Nagulat ako nang hatakin niya ako at napatakbo na rin ako dahil tumakbo siyang bigla. 

              Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero may kakaiba akong nararamdaman. Hindi ko maipaliwanag. Simula nang yakapin niya ako ng araw na iyon ay hindi ko na siya magawang titigan sa mata. 

              Huminto kami sa tabi ng isang kalye at nagtataka ako kung bakit niya pinapara ang bawat jeep na nagdaraan.

              “May kotse naman ako, bakit kailangan pang mag jeep?” tanong ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin nang saglit bago ituong muli ang pansin sa kalsada.

              “Mas okay kung susubok ka ng iba pang mga bagay-bagay,” aniya. 

              Halos mainip na ako nang may humintong jeep sa harapan namin kaya agad siyang sumakay. Puno ang jeep kaya wala akong nagawa kun'di ang sumabit. Ito ang unang beses na sumakay ako sa jeep at nakasabit pa. 

              Tinitigan ko si Zayra at nakangiti lang siya sa akin habang ako'y asar na asar dahil may kotse naman ako pero kailangan ko pang mausukan at makipagsiksikan sa jeep na ito.

              Mayamaya pa ay huminto ang jeep at dalawang tao ang bumaba. May dalawang tao rin ang sumakay at humabol ang isang matanda ngunit wala na siyang maupuan. 

              Walang may gustong magpaupo sa kaniya kaya nagulat ako nang biglang umalis si Zayra sa kinakaupuan niya at pinaupo niya ro'n ang matanda. 

              “Dito ka na lang, ate,” sambit ng isang pasaherong lalaki. 

              Inirapan niya 'yong lalaki bago magsalita, “Dapat kanina mo 'yan ginawa nang si lola pa 'yong walang maupuan.”

              Hindi umimik ang lalaki dahil na rin siguro sa hiya. 

              Magkatabi na kami ngayon ni Zayra, pareho kaming nakasabit. Hindi ko maiwasang isipin na kakaibang babae talaga si Zayra, siya 'yong tipo ng taong sobrang astig. Labis na akong napapahanga sa mga ginagawa niya.

              Biglang huminto ang jeep kaya muntik nang mahulog si Zayra, mabuti na lang at nahawakan ko siya sa likod. Nakaramdam ako nang takot sa hindi malaman na dahilan.

              Bumaba kaming pareho dahil pumara na si Zayra at nang titigan ko ang lugar na aming pinagbabaan, lugar ito nina Mageline.

              Naglakad kami nang naglakad hanggang sa marating na namin ang bahay nina Mageline. 

              “Nandito na tayo, are you ready?” tanong ni Zayra at nginitian ko lang siya. 

              Inilabas ko ang gitara ko sa lalagyanan at nagsimula na akong kalabitin iyon. 

              Magsisimula na sana akong kumanta nang lumabas si Mageline sa bahay nila. Ang sama ng tingin niya sa akin kaya halos kabahan ako, alam kong hindi niya gusto ang makita pa akong muli pero hindi ko mapigilan na huwag nang magpakita sa kaniya.

              “How many times do I have to tell you na ayaw ko na!” sigaw niya sa akin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko na kaya pang tiisin ang pagkaulila ko sa kaniya. 

              Kumakawala siya sa akin ngunit mas lalo pang humihigpit ang yakap ko sa kaniya, ayaw ko na siyang pakawalan pa.

              “Zayra! Umalis na kayo. Ayaw ko na kayong makita!” sambit niya kay Zayra at itinulak niya ako nang malakas.

              Hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod ako sa harapan niya. 

              “Please, accept me again. I love you,” pagmamakaawa ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero para sa kaniya, gagawin ko ang lahat kahit na magmukha pa akong desperado at bobo. 

              “Tumayo ka. Gumising ka na, ayaw ko na.” Tumalikod siya sa akin. Pilit ko siyang hinahabol pero kahit anong gawin kong pigil sa kaniya ay hindi siya nagpapatinag. Lumakad siya palayo sa akin.

              Hinabol ko siya at hinawakan kong muli ang mga kamay niya. At sa puntong ito ay tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na kaya pang pigilan sapagkat sobrang sakit na, sa sobrang sakit ay gusto ko nang sumabog.

              “Minahal mo ba ako?” Tumitig siya sa akin at nakita ko ang mga mata niya, mga matang kinababaliwan ko nang sobra.

              “Sorry pero hindi.” Pagkasabi niya n'on ay nabitiwan ko na ang kamay niya. Nawalan ako ng lakas at nanghina akong bigla. 

              Nilapitan ko si Zayra habang lumong-lumo. Ngayon alam ko na, alam na alam ko na. Kahit na ano pa ang gawin ko ay wala pa rin ako para sa kaniya, wala na akong magagawa. Hindi niya talaga ako kayang mahalin. Ang bobo ko nang isipin ko na kaya ko pa ang lahat pero mali dahil pagod na ako, hindi ko na kaya.

              Hinatak ko si Zayra palayo kay Mageline. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko siya pinansin. Bumuhos nang sobra-sobra ang mga luha ko, sumabay pa ang ulan na ito.

              Napaupo na lang ako nang biglaan sa kalsada. Para akong binagsakan ng langit at lupa. 

              “Tara na, alis na tayo,” sambit ni Zayra kaya napalingon ako sa kaniya. 

              “Hindi ba ako kamahal-mahal?! Sabihin mo nga?!” Hinawakan ko ang balikat niya at mukhang nasaktan siya sa ginawa ko ngunit imbes na lumayo sa akin ay niyakap niya ako nang mahigpit.

              “Sapat ka, sobra ka pa nga, e.” Lalo pang humigpit ang mga yakap niya. Ngunit hindi ko inasahan na mapapagaan niyang bigla ang kalooban ko. Nagtataka ako kung bakit lagi niya na lang akong napapaamo at napapahinto sa pag-iyak. Wala akong makitang rason ang alam ko lang ay palagi siyang nandiyan kapag lumuluha na ako. Palagi niya akong niyayakap kapag hinang-hina na ako. 

              “E, bakit nangyayari sa akin 'to?” tanong ko sa kaniya. Kumawala siya sa pagkakayap sa akin at ipinagtapat niya ang aming mga mukha.

              “Pagsubok lang 'to.” Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na mas lalong nagpatigil sa akin sa pag-iyak.

              Tumayo ako at inalalayan niya ako, naglakad lang kami nang naglakad. Walang direksyon, walang patutunguhan pero piling ko ay ligtas ako kapag kasama ko siya.

Kaugnay na kabanata

  • Endless Affection   Chapter Nine: Cotton Candy

    “BRO, anong problema?” Bliz asked me. Nandito kami ngayon sa coffee shop at hinihintay ko na magbigay siya ng impormasyon tungkol sa lalaking karelasyon ni Mageline. “May nahanap ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Nabigla naman ako dahil bigla siyang tumahimik sa 'di malaman na dahilan. “Sorry, bro,” saad niya kaya nahampas ko bigla ang lamesa sa harapan ko. Hindi ko alam pero hindi maaring hindi siya makahanap ng impormasyon tungkol sa lalaking 'yon dahil magaling siya sa mga bagay na ganito. Ilang linggo na ang nagdaraan pero kahit ni katiting, wala akong nalaman. “Bro, you know me. May itinatago ka ba?” Hindi ko alam pero parang may alam siya sa mga nangyayari.

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Ten: Let's Date

    “TITIG na titig ka sa akin mamaya tumulo 'yang laway mo.” Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Zayra. Nagluluto siya ngayon at tinititigan ko lang siya mula rito sa upuan. Hindi ko alam kung anong luto ang ginagawa niya pero sana hindi siya katulad ni Mageline. “Sana magustuhan mo 'to.” Kinuha niya na ang niluto niya at inilagay sa lamesa. Naghanda rin siya ng dalawang plato, kutsara, tinidor at baso. Kinuha ko 'yong dalawang baso at nilagyan ko ng tubig. Naglagay naman siya ng pagkain sa pinggan namin dalawa. “Ano ba 'to?” tanong ko sa kaniya. Umupo kaming pareho at magkaharap ang puwesto namin. &l

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Eleven: Her Lips

    “AKIN na nga 'yan!” Inagaw ni Zayra ang hawak kong tickets. Naglaro kami sa World Of Fun. Inaya niya ako na rito kami pumunta kaysa kumain o kaya nama'y uminom ng kape. Mas gusto niya raw ang maglaro. Nasa counter kami at ipapapalit na namin ang mga ticket na ito. Sobrang daming nakapila at naiinip na ako pero hindi ko magawang ayain si Zayra na umuwi dahil kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang saya. “Malapit na tayo!” sambit niya. Napakalaki ng ngiti niya na ikinatutuwa ko naman nang husto. Mayamaya pa'y kami na ang binibilangan ng mga ticket. Tinitigan ko ang mga premyong puwede naming makuha. Nakita ko si Sponge Bob. Gustong-gusto ko si Sponge Bob dahil kahit itinataboy na siya ay lapi

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Twelve: We Talked About Our Parents

    ILANG araw nang hindi nagpaparamdam sa akin si Bliz at wala akong kaide-ideya kung bakit. Sinubukan ko siyang tawagan nang paulit-ulit ngunit hindi talaga siya sumasagot. Paikot-ikot ako rito sa kuwarto ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ngayong araw. Wala akong mapuntahan at hindi ko rin makausap si Bliz. Si Zayra naman hindi ko alam kung saan pumunta dahil hindi ko rin siya matawagan at hindi niya sinasagot ang bawat mensahe ko. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong tiningnan. May nag-message sa akin. “Ilang araw kang wala sa opisina mo?! Ano bang pinaggagawa mo?!” Galing sa ama ko ang mensahe kaya ni-repl

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Thirteen: I Don't Know How to Kiss

    “OH, ayan! Kuhanin mo!” Hinagis sa akin ni Zayra ang isang unan. We decided to stay here in my house than to go out. It was almost 9:00 PM. “Ano ang balak mo? Ano rito ka matutulog?” I asked her. She looked at me with a smile on her face. “What do you think? I want to sleep here,” she said. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “What? No, no, no. Umuwi ka na. You're not allowed to sleep here,” I complained. “Why? Kasi babae ako? May gagawin ka ba sa akin?” She raised her eyebrow. Natawa naman ako sa sinabi niya. &

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Fourteen: I Know I Won't Be the Best

    PAKAMULAT na pagkamulat pa lang ng mata ko ay binati na agad ako ni Zayra, “Hey, good morning.” Ngumiti ako sa kaniya at mukhang kanina pa siya gising. Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Nagsipilyo ako at naghilamos. Pagkalabas ko ay wala na si Zayra ro'n kaya bumaba na ako. “Kain na tayo!” bungad niya sa akin. Lumapit ako sa kaniya at umupo na. Nakahain na ang mga pagkain at nilagyan niya na ang pinggan ko. Pagkasubo ko ng pagkain ay nasarapan ako. Malamang siya ang nagluto ng mga pagkain na 'to. “Masarap ba ang luto ko?” I nodded.

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Fifteen: I Know Your Intention

    A sigh escaped my lips as I reached Mageline's house. I pressed the doorbell, waiting for her to come out. I smiled when I saw her walking towards me but she suddenly raised her eyebrow when she saw me. “Hindi ka ba talaga titigil? Atsaka ang kapal ng mukha mong magpatulong sa kaibigan ko. Hindi ka ba napapagod? Stop this! Stupid.” Lalapit na sana ako sa kaniya kaso isang hakbang ko pa lang ay umatras siya na para bang may nakahahawakang sakit ako. “Let's talk, please,” I pleaded. Huminga siya nang malalim at pinapasok niya ako sa loob ng bahay nila. Hindi pa ako nakapupunta rito kahit noong kami pa, hindi niya ako pinapapunta at hindi ko alam kung ano ang dahilan n'on. Malaki rin

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Sixteen: What's Wrong with me?

    “BAKIT ka ba nandito sa bahay ko?” Zayra asked me. Nandito ako sa bahay nila dahil gusto ko nang makakausap at gusto ko rin siyang abalahin. “Ayaw mo na ba akong makita? Namiss kaya kita kahit hindi ka naligo nang natulog ka sa bahay,” sambit ko sa kaniya na naging dahilan ng pagsimangot niya. “Ikaw nga may tira pa sa ngipin.” Natawa naman ako sa sinabi niya. Umupo ako sa sofa nila at umupo rin siya. “Puwede ka bang pagsabihan?” tanong ko sa kaniya. Lumapit pa siya lalo sa akin at tumitig siya sa mukha ko. “Handa akong makinig, sabihin mo lang kasi pinakinggan mo rin naman ako nang n

    Huling Na-update : 2020-08-05

Pinakabagong kabanata

  • Endless Affection   Chapter Twenty-four

    Zach's POV"Where are you?" Bliz asked me. Nasa kabilang linya siya at hindi ko rin alam kung bakit niya ba ako tinawagan. Gusto niya raw makipagkita sa akin at may sasabihin daw siya."Pumunta ka na lang dito sa bahay," ani ko pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero interisado akong malaman 'yon.Palakad-lakad lang ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ako mapakali, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ko nararamdaman ito. Hindi ako makapaniwalang mararamdaman ko muli ito.Wala akong ideya kung anong nangyayari sa akin pero mukhang nagtagumpay sila sa plano nila.Ilang minuto pa ay nakarating na rin si Bliz dito sa bahay. Pagkapasok niya pa lang ay uminit na ang dugo ko. Noon ay masaya ako kapag nandito siya dahil pumupunta rito sina mama at papa, pero ngayon, nang malaman ko na kaya lang pa

  • Endless Affection   Chapter Twenty-three

    Naglalakad ako ngayon papunta sa market dahil may pinabili si Mageline sa akin. Ayaw ko na siya pa ang pumunta rito at baka mabinat siya. Grabe ang paglilihi niya nitong mga nakaraang araw, mas lalong lumolobo na rin ang kaniyang tiyan. Hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasabi kung sino ang ama ng kaniyang dinadala at mukhang wala na siyang balak pang sabihin sa akin 'yon.Nang makarating na ako ay agad kong hinanap ang mga pagkain na nakalista rito sa papel na binigay sa akin ni Mageline. Isa-isa ko 'yong hinanap at konti pa lang ang nailalagay ko sa lalagyanan na hawak ko."Hi, Zayra. You're here." Lumingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko at napairap na lang ako nang makita ko kung sino 'yon."Ang sungit mo naman pero pagdating sa kapatid ko, ano bang meron kay Zach na wala ako?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagpili ng mga pagkain."Gusto mo nga p

  • Endless Affection   Chapter Twenty-two

    "Anong ginagawa mo rito?! Tumayo ka nga! Bakit ka natutulog na nakaupo?!" Nagising ako sa malakas na pagsigaw ni Zach sa akin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko."Ano bang problema?" tanong ko sa kaniya. Hinatak niya ako patayo pero hindi ako tumatayo, antok na antok pa ako."Tumayo ka! Huwag ka nga d'yan matulog!" Nakakarindi na ang sigaw niya, ang sakit sa tainga. Hindi ko siya pinansin at ipinikit kong muli ang mga mata ko."Aba! Parang wala kang naririnig, ahhh. Hindi pa tayo okay! Huwag kang umasta na parang maayos na tayo kasi hindi! Hindi tayo okay kaya lumayas ka rito, huwag ka rito matulog!" Kung makapagpalayas naman siya, para naman akong asong maraming garapata."Paki mo? Lasing ka kaya, inalagaan lang kita," ani ko sa kaniya. Maya-maya pa'y nanahimik siya at lumakad siya palayo mula sa akin.Inayos ko ang upo ko dahil nanganga

  • Endless Affection   Chapter Twenty-one: Like a Flower

    “NASAAN si Zach?” tanong ko sa lalaking nakatayo sa gate at nagbabantay sa bahay ni Zach. “Nasa taas po ata, Ma'am,” aniya kaya dire-diretso lang akong pumasok. Kilala na ako ng mga katulong at mga taga-bantay ni Zach kaya hinahayaan na lang nila ako na makatuloy. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtunog ng sapatos ko habang umaakyat ako sa hagdan. Lumakad ako palapit sa kuwarto niya at nang tuluyan na akong makalapit ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuhan pero hindi ko siya nakita. Nakapagtataka dahil madalas lang naman siyang nandito sa kuwarto niya sa pagkakaalam ko. Bumaba ulit ako at inikot ko na ang buong bahay niya pero hindi ko pa rin siya nakikita.

  • Endless Affection   Chapter Twenty: His Mother

    SUSUNDAN ko sana si Bliz ngunit hindi maaari sapagkat may napag-usapan kami ng mama niya at ni Zach at kailangan ko iyong tuparin. Nakarating na ako sa lugar na 'to at hinihintay ko na lang siya na dumating. Mayamaya pa'y may nakita akong isang kulay itim na kotse, pamilyar iyon at tama ang aking hula. Huminto sa harapan ko ang kotse na 'yon. Lumabas ang mama ni Zach at agad akong nagmano simbolo ng pagrespeto. “Gumanda kang lalo,” bati niya sa akin. Napangiti naman ako at hindi ko maiwasan ang humanga sa kagandahang taglay niya. Nakasuot siya ng isang pulang mahabang bistida na bumagay sa maputi niyang kulay. Napakaganda niya at bata pa ako nang nakita ko siya. Malamang ay nasa pitong taong gulang pa lamang ak

  • Endless Affection   Chapter Nineteen: Since We Met

    Zayra's POV “TARA nga! Bakit kayo magkasama ni Bliz?” tanong ko kay Mageline. Nasa bahay nila ako ngayon dahil pinuntahan ko siya at gusto ko siyang makausap. “Bumili kasi kami ng vitamins,” aniya. Umupo kaming pareho sa sofa at kinuha ko ang baso na may tubig sa katapat naming lamesa. “Bumili ng vitamins?! Huwag mong sabihin ang Bliz na 'yon ang ama niyan!” Itinuro ko ang tiyan niyang medyo lumolobo na. “Hindi atsaka hindi mo na kailangan pang malaman,” aniya. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Huwag mong sabihing si Zach?” mahinahong tanong k

  • Endless Affection   Chapter Eighteen: You Betrayed Me

    “TUMIGIL ka nga sa paglalakad! Isa! Tumigil ka! Pagod na ako, kanina ka pa lakad nang lakad. Mukha kang tanga! Pakinggan mo nga muna sila!” sigaw ni Zayra sa akin. Kanina niya pa ako sinusundan pero hindi ko siya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalakad kung saan walang direksyon at hindi ko alam kung saan ang patutunguhan. “Hindi ka ba talaga titigil?!” humarang siya sa harapan ko at tinitigan ko lang siya nang masama bago siya lagpasan. “Inis na inis na ako sa 'yo, e! Zach!” Nabigla ako sa pagsapak ni Zayra sa akin, sinuntok niya ako sa mukha ko kaya kumunot ang noo ko. Nagtimpi lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, hindi ko dapat pinapatulan ang mga babae. “Hindi ka ta

  • Endless Affection   Chapter Seventeen: I Saw Her

    “HEY, kanina ka pa?” tanong ni Zayra. Umiling naman ako dahil hindi naman ako gano'n katagal naghintay. Inaya niya akong lumabas at kahit ayaw ko ay napapayag niya ako, gusto ko rin manghingi ng tawad dahil sa nangyari sa amin. “Tara na,” aya niya sa akin kaya lumakad kami papasok sa coffee shop at umupo sa may bakanteng upuan. Umupo kaming pareho at may lumapit sa amin na waitress. Umorder kami at maya-maya pa'y nakarating na kaagad sa amin ang mga inorder namin. Tumititig ako sa kaniya at nakatitig din siya sa akin. Pareho kaming tahimik at tila ba naiilang sa isa't-isa. “Sorry,” paghingi ko ng tawad sa kaniya kaya napangiti siya sa akin at ininom niya 'yong kape na inorder

  • Endless Affection   Chapter Sixteen: What's Wrong with me?

    “BAKIT ka ba nandito sa bahay ko?” Zayra asked me. Nandito ako sa bahay nila dahil gusto ko nang makakausap at gusto ko rin siyang abalahin. “Ayaw mo na ba akong makita? Namiss kaya kita kahit hindi ka naligo nang natulog ka sa bahay,” sambit ko sa kaniya na naging dahilan ng pagsimangot niya. “Ikaw nga may tira pa sa ngipin.” Natawa naman ako sa sinabi niya. Umupo ako sa sofa nila at umupo rin siya. “Puwede ka bang pagsabihan?” tanong ko sa kaniya. Lumapit pa siya lalo sa akin at tumitig siya sa mukha ko. “Handa akong makinig, sabihin mo lang kasi pinakinggan mo rin naman ako nang n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status