Home / Lahat / Endless Affection / Chapter Three: Let's End This

Share

Chapter Three: Let's End This

Author: Princerandell
last update Huling Na-update: 2020-08-02 11:36:39

              MAY naramdaman akong mainit na katawan na yumakap sa akin na naging dahilan ng aking paggising.

              “Baby, I'm sorry. Gising na.” Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Mageline. Nakita ko na naman ang napakaganda niyang mukha.

              “Baby.” I hugged her. Miss na miss ko na siya nang sobra. Napangiti ako dahil tila napakaganda ng umaga lalo't ang mukha ni Mageline ang bumungad sa akin.

              “Puwedeng makahingi ng kaunting pera? Kasi kailangan na ni mama ng gamot, hindi pa kasi ako sumisuweldo,” pagpapaliwanag niya. Tiningnan ko siya sa mga mata at nginitian. 

              Ayos lang sa akin kahit na gaano pa kalaking halaga ang hingiin niya. Madali lang kitain ang pera at isa pa, para naman ito sa ina ni Mageline.

              “Oo naman,” saad ko. Napangiti siya nang malawak nang marinig niya ang sagot ko. Hinalikan niya ako at niyakap niya pa ako lalo nang mas mahigpit.

              “Thank you!” Tumayo siya sa higaan at hinawakan ang aking kamay. Hinatak niya ako pababa sa hapag-kainan at nagulat ako sapagkat napakaraming pagkain ang nakahanda at puro paborito ko ang mga 'yon. 

              Labis na tuwa ang aking naramdaman dahil sa inaasta ni Mageline sa akin. 

              “Sino ang naghanda ng mga 'to?” tanong ko sa kaniya ngunit ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Nilagyan niya ako ng mga pagkain sa pinggan bago siya umupo at naglagay rin ng mga pagkain sa pinggan niya.

              Natakam ako nang sobra dahil sa amoy ng mga pagkaing nakahain sa lamesa ngunit agad ding napawi ang pagkatakam ko nang matikman ko na ang adobo.

              “Baby? Sino ang nagluto nito?” tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya ako nang kakaiba na para bang may hinala na siya na hindi ko nagustuhan ang pagkaing inihain niya.

              “Ako, why? Is there something wrong?” Umiling lang ako at tiniis ko ang pagkain na ginawa niya. Kinain ko ang lahat ng nasa pinggan ko na para bang sarap na sarap kahit kabaliktaran ang nalalasahan ko.

              “Heto pa. Kain ka lang.” Dinagdagan niya pa lalo ang pagkain sa pinggan ko kaya todo tiis ako at nilulunok ko na lang 'yon nang diretso, iniiwasan ko ang malasahan iyon. Gawa niya ang lahat ng ito kaya kailangan kong ubusin.

              Hindi talaga siya marunong magluto pero nakapagtataka na kinakain niya rin ang sarili niyang gawa na talaga nga namang hindi kaaya-aya ang lasa. 

              “Pangit ba?” she asked me. Sumimangot siya at akmang aalis na sana mabuti na lang at mabilisan kong hinawakan ang kamay niya. 

              “No, ang sarap,” pagkukunwari ko sa kaniya pero sa totoo lang, hindi ko malaman ang lasa ng mga pagkain na 'to. 

              Nang matapos na kami ay may tumawag sa kaniya. Palihim akong sumilip sa screen, nakita ko ang pangalan na Zayra. Napanatag ako dahil babaeng pangalan ang nabasa ko sa cellphone niya.

              Tumayo siya at lumabas, iniwanan niya akong mag-isa na kumakain. Mayamaya ay pumasok na siyang muli at sa pagpasok niya ay may kasama na siyang isang babae. Nabigla ako nang makita ko kung sino ang babaeng kasama niya. Ang babaeng iyon, siya 'yong muntik ko nang masagasaan. Nakapagtataka dahil nakaitim na naman siya. Paborito niya bang talaga ang itim?

              Lumapit sila sa akin. Halos mailang ako dahil sa ginagawang pagtitig ng babaeng kasama ni Zayra sa akin.

              “Boyfriend ko, Zayra,” pagpapakilala sa akin ni Mageline. Ngumiti lang siya at pinaupo naman siya ni Mageline. 

              Kumuha si Mageline ng isa pang pinggan kaya naiwan kaming dalawa. 

              “Ikaw 'yon,” sabi niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. Napahanga ako nang mapansin ko ang maganda niyang mga mata, kulay asul ang mga ito. 

              “Ang alin?” sagot ko naman sa kaniya. Nakalulunod ang mga titigan niya at hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, tila kinabahan akong bigla.

              “Muntik mo na akong mabangga.” Malamig ang boses niya nakapagpapatayo iyon ng balahibo. Kakaiba siyang babae, 'yong datingin niya ay 'yon bang tipong pang-horror. Halos wala akong makitang liwanag sa kaniya dahil puro kadiliman ang nakabalot sa katawan niya. Puro itim ang suot niya.

              “Sorry pala,” paghingi ko ng tawad. Hindi siya sumagot hanggang sa dumating na si Mageline at inilapag niya ang dalang pinggan para kay Zayra. 

              “Kain ka lang, Zay. Matagal din kitang hindi nakita,” sambit ni Mageline kay Zayra. 

              “Kauuwi ko lang galing Japan, sorry,” sagot naman ni Zayra sa kaniya. Pinakinggan ko lang sila habang nagkukuwentuhan nang biglang nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko 'yong sinagot. 

              “Nasaan ka na? Ready na lahat,” bungad ni Bliz. Tiningnan ko si Mageline at tumingin din siya sa akin. Agad kong ibinaba ang tawag dahil ayaw kong malaman niya ang nakahandang surpresa para sa kaniya.

              “Magbihis ka Mageline. May pupuntahan tayo,” I said to her at tinitigan niya lang ako. 

              “Dalian mo na.” Sinunod niya naman ako at isinama niya si Zayra. Ako naman ay naghanda na at sinigurado kong maayos ang itsura ko. 

              Ang araw na pinakahihintay ko. Ito na 'yon. Kailangan ay mapasagot ko siya. 

              “Okay na,” sambit ni Mageline habang pababa sa hagdanan. Ang ganda niya. Nakasuot siya ng red dress na bagay na bagay sa kaniya. Ang simple niya pero para siyang isang bulaklak. 

              Hindi siya pumalyang pahangain ako sa kagandahan niya. Sa tuwing nakikita ko siya ay hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kaniya at mas lalo pa iyong lumalalim.

              Ngumiti ako sa kaniya at pinasunod ko sila sa kotse. Nagmaneho ako at hindi ko pinansin ang mga tanong niya. Hindi na ako makapaghintay na maging akin siya. 

              “Malapit na ba?” Mageline asked me at tumango ako. Hininto ko ang kotse nang marating na namin ang lugar. Bumaba ako at pinagbuksan ko sila ng pinto.

              “Anong ginagawa natin dito?” tanong niya ulit. Nandito kami ngayon sa park at dito ko pinlano ang lahat. 

              Habang naglalakad kami ay may nag-aabot sa kaniya ng pulang rosas. Bawat pulang rosas ay may nakasulat na isang letra. 

              Kinukuha n'ya 'yon isa-isa at inipon niya iyon pati na rin ang mga papel na maliliit na may nakasulat na isang letra. Tiningnan niya 'yon isa-isa at ang nakasulat do'n kapag pinagdugtong ay, ‘Will you marry’ at na sa akin naman ang salitang, ‘me?’

              Nang makumpleto na 'yon ay lumuhod ako sa kaniya at pinalibutan kami ng mga tao. Hinubad ko ang suot ko at naiwan 'yong t-shirt na kung saan nakasulat ang dalawang letra. Inilabas ko ang singsing at nagulat siya dahil sa ginawa ko. 

              “Will you marry me?” I asked her pero kumunot ang noo niya. Hindi ko inasahan na magiging ganoon na lamang ang reaksyon niya.

              “Anong ginagawa mo?! Tumayo ka nga!” she said to me. Pilit niya akong itinatayo pero hindi ako pumayag. Labis akong nabigla sa inasta niya at hindi ko alam kung ano ang gagawin.

              “Please?” pagmamakaawa ko pero sumimangot lang siya lalo. 

              “I have to go,” sambit niya. Papaalis na sana siya ngunit hinawakan ko nang mabilisan ang braso niya. 

              “Why? Hindi mo ba nagustuhan?” tanong ko sa kaniya at tumingin siya sa mga taong nakapaligid sa amin na para bang hiyang-hiya.

              “Let's end this.” Lumaki ang mata ko dahil sa pagkagulat sa sinabi niya at tila nasemento ako dahil hindi ako makagalaw sa puwesto ko.

              “No,” mahinahong sabi ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit pilit niya itong binabawi sa akin. 

              “Alam kong alam mo na may iba ako. Hindi ko na gustong mahirapan ka pa pero hindi talaga kita kayang mahalin at wala akong balak na mahalin ka. Tama ka sa mga naririnig mo tungkol sa akin. Pera lang ang habol ko sa 'yo.” Nagulat ang mga taong nakapaligid sa amin at pilit ko siyang pinapatigil sa mga sinasabi niya dahil ayaw ko siyang mapahiya sa harapan ng maraming tao. 

              “Please, tama na. Hindi ka gano'n. Okay?” Umiling lang siya at hinatak niya ang kaibigan niya at isinama niya sa pag-alis. 

              Habang ako ay naiwang nakatulala at hindi maipinta ang mukha.

              “Bro, I told you,” Bliz said. Hindi ko siya pinakinggan at hinabol ko si Mageline. 

              “Mageline! Wait!” Hinawakan ko ang braso niya at gusto kong marinig ang kasinungalingan niya kaysa sa nakamamatay na katotohanan.

              “What? Sinabi ko na lahat Zach. I don't love you.” Unti-unting winawasak ang puso ko pero hindi ako nagpapatinag. Pilit kong nilalabanan ang lahat. Hindi puwedeng hayaan ko na lamang na bumuhos ang mga luha ko.

              “Pakasalan mo ako. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat.” Nagulat siya sa sinabi ko, gano'n na rin si Zayra. 

              “Stupid. Hindi na kita kailangan, tigilan mo na ako.” Hinawakan ko ulit siya pero itinulak niya ako at naglakad siya palayo. 

              Naiwan akong nag-iisa at ang pagtitig lamang sa kaniya ang tangi kong nagawa. 

              Kahit gaano ko pa pinigilan ang pagluha ko, wala akong nagawa dahil bumuhos na ito ng tuluyan.

              Hindi ko inakalang matatapos ang lahat sa ganitong paraan. Ang sakit, sobrang sakit.

Kaugnay na kabanata

  • Endless Affection   Chapter Four: I Made a Plan

    NAKAHIGA lang ako buong maghapon. Tinatawagan ako ni Bliz pero hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, nakailang missed calls na siya pero kahit isa ro'n ay hindi ko nagawang sagutin. Alam ko naman ang sasabihin at itatanong niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tinanggihan ako ni Mageline. Ibibigay ko naman ang lahat sa kaniya basta pakasalan niya lang ako, kahit lokohin niya pa ako, okay lang sa akin basta nasa tabi ko siya. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Mageline pero walang sumasagot. Inulit ko 'yon nang ilang beses at natuwa ako dahil may sumagot na. “Mageline, let's talk. Please,” bungad ko sa kaniya. May narinig akong bumuntong hininga.&nbs

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Five: She Agreed

    PINAPUNTA ako ni Zayra sa lugar na 'to. Hindi ko alam pero ang weird dahil puro bungo ang nakikita ko at may mga sapot ng gagamba. Piling ko tuloy halloween na. “What's your order, sir?” tanong sa akin ng waiter na itim na itim sa suot niya. Tiningnan ko ang menu at kakaiba ang mga pangalan ng pagkain nila rito. “Vampire blood, please.” 'Yon na lang ang na-order ko dahil hindi ko rin alam kung masarap ba ang mga pagkain dito. Umalis na 'yong waiter at maya-maya pa ay dumating na 'yong order ko. Kulay pulang juice. Ang cool dahil pulang-pula ito, nagmimistulang parang dugo talaga. Sinubukan ko itong tikman at namangha ako sa taglay na sarap ng lasa nito.&

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Six: She Lied to Me

    DALA-DALA ko ang itim na bulaklak na ito habang nakatayo pa rin ako hanggang ngayon sa harapan ng bahay nina Mageline. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya at halos isang oras na akong nakatayo rito pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Sinubukan ko na rin na tawagan ang number niya pero walang sumasagot. “Mageline! Mageline, please may ibibigay lang ako. Mageline,” paulit-ulit na tawag at sigaw ko sa kaniya. Naghintay pa ako ng ilang oras at tinatawagan din ako ni Bliz pero hindi ko 'yon sinasagot. Isinantabi ko si Bliz dahil mas mahalaga si Mageline. Mayamaya pa ay may nagbukas na ng pinto nila at sa wakas hindi na ako maghihintay nang ilang oras pa rito. Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang ay nakita

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Seven: I Cried Because of You

    “YO te quiero con todo mi corazon.” Nagsasanay kami ngayon ni Zayra dahil ang sabi niya sa akin ang gusto raw ni Mageline ay ang mga lalaking marunong magsalita ng Spanish. “Iyan! Tama! Ang galing mo!” Pumalakpak siya at pinaghahampas niya ako. “Tumigil ka nga! Mamaya pinag-tri-trip-an mo na naman ako,” saad ko sa kaniya kaya nag-iba bigla ang ekpresyon ng kaniyang mukha. “Sure ako.” Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin. Maya-maya pa'y bumalik na siya. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang libro. “Oh, 'yan, mag-aral ka.” Hinagis niya sa akin ang libro at agad ko 'yong sinalo. 

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Eight: I Feel Safe

    HINANDA ko na ang aking gitara at inayos kong mabuti ang sarili ko. Ngayon na ang araw na haharanahin ko si Mageline kaya labis akong kinakabahan. Sana sa pagkakataong ito ay mabawi ko na siyang muli. Tumayo ako at tumingin ako sa salamin. Tinititigan kong mabuti ang sarili ko. Sinigurado kong prensintable ang itsura ko at nang makita ko ang hibla ng buhok ko na hindi nakaayos ay agad ko itong sinuklay. Nang matapos na ako ay sakto namang tumawag si Zayra sa akin. Dinampot ko ang cellphone ko bago sagutin ang tawag niya. “Nasaan ka na? Nandito ako sa harap ng gate ng bahay mo, bumaba ka na. Bilisan mo!” bungad niya kaya nagmadali akong naglakad pababa sa hagdanan.

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Nine: Cotton Candy

    “BRO, anong problema?” Bliz asked me. Nandito kami ngayon sa coffee shop at hinihintay ko na magbigay siya ng impormasyon tungkol sa lalaking karelasyon ni Mageline. “May nahanap ka na ba?” tanong ko sa kaniya. Nabigla naman ako dahil bigla siyang tumahimik sa 'di malaman na dahilan. “Sorry, bro,” saad niya kaya nahampas ko bigla ang lamesa sa harapan ko. Hindi ko alam pero hindi maaring hindi siya makahanap ng impormasyon tungkol sa lalaking 'yon dahil magaling siya sa mga bagay na ganito. Ilang linggo na ang nagdaraan pero kahit ni katiting, wala akong nalaman. “Bro, you know me. May itinatago ka ba?” Hindi ko alam pero parang may alam siya sa mga nangyayari.

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Ten: Let's Date

    “TITIG na titig ka sa akin mamaya tumulo 'yang laway mo.” Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Zayra. Nagluluto siya ngayon at tinititigan ko lang siya mula rito sa upuan. Hindi ko alam kung anong luto ang ginagawa niya pero sana hindi siya katulad ni Mageline. “Sana magustuhan mo 'to.” Kinuha niya na ang niluto niya at inilagay sa lamesa. Naghanda rin siya ng dalawang plato, kutsara, tinidor at baso. Kinuha ko 'yong dalawang baso at nilagyan ko ng tubig. Naglagay naman siya ng pagkain sa pinggan namin dalawa. “Ano ba 'to?” tanong ko sa kaniya. Umupo kaming pareho at magkaharap ang puwesto namin. &l

    Huling Na-update : 2020-08-02
  • Endless Affection   Chapter Eleven: Her Lips

    “AKIN na nga 'yan!” Inagaw ni Zayra ang hawak kong tickets. Naglaro kami sa World Of Fun. Inaya niya ako na rito kami pumunta kaysa kumain o kaya nama'y uminom ng kape. Mas gusto niya raw ang maglaro. Nasa counter kami at ipapapalit na namin ang mga ticket na ito. Sobrang daming nakapila at naiinip na ako pero hindi ko magawang ayain si Zayra na umuwi dahil kitang-kita ko sa kaniyang mukha ang saya. “Malapit na tayo!” sambit niya. Napakalaki ng ngiti niya na ikinatutuwa ko naman nang husto. Mayamaya pa'y kami na ang binibilangan ng mga ticket. Tinitigan ko ang mga premyong puwede naming makuha. Nakita ko si Sponge Bob. Gustong-gusto ko si Sponge Bob dahil kahit itinataboy na siya ay lapi

    Huling Na-update : 2020-08-02

Pinakabagong kabanata

  • Endless Affection   Chapter Twenty-four

    Zach's POV"Where are you?" Bliz asked me. Nasa kabilang linya siya at hindi ko rin alam kung bakit niya ba ako tinawagan. Gusto niya raw makipagkita sa akin at may sasabihin daw siya."Pumunta ka na lang dito sa bahay," ani ko pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero interisado akong malaman 'yon.Palakad-lakad lang ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ako mapakali, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ko nararamdaman ito. Hindi ako makapaniwalang mararamdaman ko muli ito.Wala akong ideya kung anong nangyayari sa akin pero mukhang nagtagumpay sila sa plano nila.Ilang minuto pa ay nakarating na rin si Bliz dito sa bahay. Pagkapasok niya pa lang ay uminit na ang dugo ko. Noon ay masaya ako kapag nandito siya dahil pumupunta rito sina mama at papa, pero ngayon, nang malaman ko na kaya lang pa

  • Endless Affection   Chapter Twenty-three

    Naglalakad ako ngayon papunta sa market dahil may pinabili si Mageline sa akin. Ayaw ko na siya pa ang pumunta rito at baka mabinat siya. Grabe ang paglilihi niya nitong mga nakaraang araw, mas lalong lumolobo na rin ang kaniyang tiyan. Hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasabi kung sino ang ama ng kaniyang dinadala at mukhang wala na siyang balak pang sabihin sa akin 'yon.Nang makarating na ako ay agad kong hinanap ang mga pagkain na nakalista rito sa papel na binigay sa akin ni Mageline. Isa-isa ko 'yong hinanap at konti pa lang ang nailalagay ko sa lalagyanan na hawak ko."Hi, Zayra. You're here." Lumingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko at napairap na lang ako nang makita ko kung sino 'yon."Ang sungit mo naman pero pagdating sa kapatid ko, ano bang meron kay Zach na wala ako?" Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagpili ng mga pagkain."Gusto mo nga p

  • Endless Affection   Chapter Twenty-two

    "Anong ginagawa mo rito?! Tumayo ka nga! Bakit ka natutulog na nakaupo?!" Nagising ako sa malakas na pagsigaw ni Zach sa akin kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko."Ano bang problema?" tanong ko sa kaniya. Hinatak niya ako patayo pero hindi ako tumatayo, antok na antok pa ako."Tumayo ka! Huwag ka nga d'yan matulog!" Nakakarindi na ang sigaw niya, ang sakit sa tainga. Hindi ko siya pinansin at ipinikit kong muli ang mga mata ko."Aba! Parang wala kang naririnig, ahhh. Hindi pa tayo okay! Huwag kang umasta na parang maayos na tayo kasi hindi! Hindi tayo okay kaya lumayas ka rito, huwag ka rito matulog!" Kung makapagpalayas naman siya, para naman akong asong maraming garapata."Paki mo? Lasing ka kaya, inalagaan lang kita," ani ko sa kaniya. Maya-maya pa'y nanahimik siya at lumakad siya palayo mula sa akin.Inayos ko ang upo ko dahil nanganga

  • Endless Affection   Chapter Twenty-one: Like a Flower

    “NASAAN si Zach?” tanong ko sa lalaking nakatayo sa gate at nagbabantay sa bahay ni Zach. “Nasa taas po ata, Ma'am,” aniya kaya dire-diretso lang akong pumasok. Kilala na ako ng mga katulong at mga taga-bantay ni Zach kaya hinahayaan na lang nila ako na makatuloy. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtunog ng sapatos ko habang umaakyat ako sa hagdan. Lumakad ako palapit sa kuwarto niya at nang tuluyan na akong makalapit ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuhan pero hindi ko siya nakita. Nakapagtataka dahil madalas lang naman siyang nandito sa kuwarto niya sa pagkakaalam ko. Bumaba ulit ako at inikot ko na ang buong bahay niya pero hindi ko pa rin siya nakikita.

  • Endless Affection   Chapter Twenty: His Mother

    SUSUNDAN ko sana si Bliz ngunit hindi maaari sapagkat may napag-usapan kami ng mama niya at ni Zach at kailangan ko iyong tuparin. Nakarating na ako sa lugar na 'to at hinihintay ko na lang siya na dumating. Mayamaya pa'y may nakita akong isang kulay itim na kotse, pamilyar iyon at tama ang aking hula. Huminto sa harapan ko ang kotse na 'yon. Lumabas ang mama ni Zach at agad akong nagmano simbolo ng pagrespeto. “Gumanda kang lalo,” bati niya sa akin. Napangiti naman ako at hindi ko maiwasan ang humanga sa kagandahang taglay niya. Nakasuot siya ng isang pulang mahabang bistida na bumagay sa maputi niyang kulay. Napakaganda niya at bata pa ako nang nakita ko siya. Malamang ay nasa pitong taong gulang pa lamang ak

  • Endless Affection   Chapter Nineteen: Since We Met

    Zayra's POV “TARA nga! Bakit kayo magkasama ni Bliz?” tanong ko kay Mageline. Nasa bahay nila ako ngayon dahil pinuntahan ko siya at gusto ko siyang makausap. “Bumili kasi kami ng vitamins,” aniya. Umupo kaming pareho sa sofa at kinuha ko ang baso na may tubig sa katapat naming lamesa. “Bumili ng vitamins?! Huwag mong sabihin ang Bliz na 'yon ang ama niyan!” Itinuro ko ang tiyan niyang medyo lumolobo na. “Hindi atsaka hindi mo na kailangan pang malaman,” aniya. Tinaasan ko siya ng isa kong kilay. “Huwag mong sabihing si Zach?” mahinahong tanong k

  • Endless Affection   Chapter Eighteen: You Betrayed Me

    “TUMIGIL ka nga sa paglalakad! Isa! Tumigil ka! Pagod na ako, kanina ka pa lakad nang lakad. Mukha kang tanga! Pakinggan mo nga muna sila!” sigaw ni Zayra sa akin. Kanina niya pa ako sinusundan pero hindi ko siya pinapansin at patuloy lang ako sa paglalakad kung saan walang direksyon at hindi ko alam kung saan ang patutunguhan. “Hindi ka ba talaga titigil?!” humarang siya sa harapan ko at tinitigan ko lang siya nang masama bago siya lagpasan. “Inis na inis na ako sa 'yo, e! Zach!” Nabigla ako sa pagsapak ni Zayra sa akin, sinuntok niya ako sa mukha ko kaya kumunot ang noo ko. Nagtimpi lang ako at nagpatuloy sa paglalakad, hindi ko dapat pinapatulan ang mga babae. “Hindi ka ta

  • Endless Affection   Chapter Seventeen: I Saw Her

    “HEY, kanina ka pa?” tanong ni Zayra. Umiling naman ako dahil hindi naman ako gano'n katagal naghintay. Inaya niya akong lumabas at kahit ayaw ko ay napapayag niya ako, gusto ko rin manghingi ng tawad dahil sa nangyari sa amin. “Tara na,” aya niya sa akin kaya lumakad kami papasok sa coffee shop at umupo sa may bakanteng upuan. Umupo kaming pareho at may lumapit sa amin na waitress. Umorder kami at maya-maya pa'y nakarating na kaagad sa amin ang mga inorder namin. Tumititig ako sa kaniya at nakatitig din siya sa akin. Pareho kaming tahimik at tila ba naiilang sa isa't-isa. “Sorry,” paghingi ko ng tawad sa kaniya kaya napangiti siya sa akin at ininom niya 'yong kape na inorder

  • Endless Affection   Chapter Sixteen: What's Wrong with me?

    “BAKIT ka ba nandito sa bahay ko?” Zayra asked me. Nandito ako sa bahay nila dahil gusto ko nang makakausap at gusto ko rin siyang abalahin. “Ayaw mo na ba akong makita? Namiss kaya kita kahit hindi ka naligo nang natulog ka sa bahay,” sambit ko sa kaniya na naging dahilan ng pagsimangot niya. “Ikaw nga may tira pa sa ngipin.” Natawa naman ako sa sinabi niya. Umupo ako sa sofa nila at umupo rin siya. “Puwede ka bang pagsabihan?” tanong ko sa kaniya. Lumapit pa siya lalo sa akin at tumitig siya sa mukha ko. “Handa akong makinig, sabihin mo lang kasi pinakinggan mo rin naman ako nang n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status