Feng Group.Dahil sa virus, halos hindi makagalaw ang operasyon ng kumpanya buong umaga.Nasa technical department si Cassandra, at halos bawat ilang minuto ay naririnig ang kanyang pagsigaw ng galit."Cassandra."Narinig niya ang boses ni Merlyn sa kanyang likuran.Agad na inayos ni Cassandra ang ekspresyon niya, ibinaba ang tingin, at magalang na binati ang taong pumasok, "Dad, bakit ka nandito?"Mahigpit ang ekspresyon ni Marcus Feng sa kanyang hugis-parihabang mukha. "Bakit? Hindi pa rin ba masosolusyunan ang virus na yan?"Ang taong naMikeyno sa technical department ang pinag babalingan ni Cassandra ng galit buong umaga, ay tila nasa ilalim ng matinding presyon. Punong-puno ng pawis ang ulo nito habang tumatango at humihingi ng paumanhin. "Ms. Cassandra, ginawa po talaga ng team namin ang lahat ng makakaya, pero sobrang complex ng virus. Sa tuwing malapit na naming ma-crack, may bagong problema na naman na lumalabas. Parang nasa dead loop po kami...""Sa madaling salita, wala ka
“Anthony, tatlong taon na tayong mag-asawa, ngunit minsan hindi mo man lang ako nagawang haplusin ng may pagmamahal. Isusuko ko na ang pagsasamang ito para magpakasayo ng kerida mo. Pagkatapos ng gabing to, lumayas ka at hanapin mo siya! Pero sa ngayon, isipin mo muna ito na kabayaran ng mga pagmamahal na inalay ko sayo, okay…”Pagkatapos magsalita ni Khate, idinantay niya ang kanyang katawan at hinalikan ang lalaking nasa harapan niya, hinalikan niya ito na ani mo’y parang nababalik at kahibangan na gaya ng gamu-gamo sa apoy.Alam niya sa kanyang sarili na ang kanyang ginagawa ay kasuklam-suklam.Ngunit minahal niya ang lalaking ito ng napakatagal kahit alam niyang napakahirap.Ngayon, siya ay nagmamakaawa para sa kararampot na ginhawa.“How dare you Khate!!”Nagngangalit ang mga ngipin ni Anthony, at ang kanyang maseselan at gwapong mukha ay ay napuno ng galit.Nais niyang itulak palayo ang babae ngunit ang kaniyang pagkabalisa at ang kanyang panghihina ay mabilisang dumaloy sa kany
Agad na pumunta ng opisina ni Professor Wang si Khate.At sa pagkapasok niya opisina, nakita niya ang dalawa niyang anak na nakaupo sa sofa habang pinalalambitin ang kanilang mga binti.Nang makita nila ang kanilang ina, agad silang nagalak at nagpaunahan na tumakbo papunta dito. “Mommy, finally lumabas na po kayo! Akala namin ni Mikey doon na po kayo maninirahan sa laboratory ng mahabang panahon!”“Mommy, you always worked hard, are you tired? Upo po kayo dito mommy, bilis po. I’ll pat your back.”Pagkasabi ng kanyang anak ay kinuha nito ang kanyang magkabilang kamay at hinila palapit sa sofa na kanilang pinagkakaupuan.Naupo si Khate at pinagmasdan ang kanyang dalawang mapagmahal na mga anak, pero napagtanto niyang kailangan silang mapagsabihan sa kanilang ginawang pang gugulo.“Aha! Ngayon kayo ay nagpapakita ng magandang pag-uugali, pero bakit hindi kayo nagbehave nang pinaglaruan ninyo ang aking kompyuter?”Nakita ni Professor Wang ang mga eksena habang nakaupo sa kanyang mesa at
Sa Paglabas ng PaliparanHabang lumalabas ng paliparan, kinakabahan si Khate at paulit-ulit na lumilingon upang tingnan kung nakasunod sa kanila ang lalaki. Mabuti naman at hindi na nila nakita muli ang taong iyon hanggang sa makalabas sila ng gate ng paliparan.Nakahinga ng maluwag si Khate. Ang dalawang bata ay hawak niya, at nakaramdam sila ng kaunting pagtataka nang makita nilang panay lingon ang kanilang ina halos bawat tatlong hakbang sa daan. Gayunpaman, dahil nakita nilang kinakabahan ang kanilang ina, alam nilang hindi magandang panahon iyon upang magtanong, kaya sumunod na lamang siya nang tahimik."Khate! Miggy! Mikey!"May narinig na boses ng babae mula sa malayo.Tumingala ang tatlo at nakita nila ang isang babaeng nakasuot ng simple ngunit eleganteng damit sa kabilang kalsada, kumakaway ang kamay at mabilis na lumapit sa kanila ng nakangiti.Nang makita ang papalapit na tao, unti-unting huminahon ang kinakabahan na puso ni Khate at ngumiti siya, "Kyrrine, matagal na tayo
Si Khate ay may hinala rin sa isip niya... Maaari kayang ang maliit na batang ito ay pipi?Nang maisip ang posibilidad na ito, lalo siyang naawa sa batang babae, at bumulong, "Ibigay mo ang kamay mo kay auntie, okay?"Habang sinasabi niya iyon, inilahad niya ang kanyang kamay.Tiningnan siya ng batang babae nang nahihiya, at pero lumambot na ang kanyang ekspresyon nang marinig ang boses niya.Hindi nagmadali si Khate, at naghintay ng may pasensya sa kanya, dahan-dahang tinatanggap ang kanyang sarili.Matagal na nag-alangan ang batang babae bago dahan-dahang inilahad ang kamay kay Khate.Nakita ito ni Khate at agad itong hinawakan ng marahan, ngumiti at tinulungan ang bata na tumayo, at sinamantala ang pagkakataon upang muling suriin ito.Ang distansya sa pagitan ng dalawa ay napalapit na din sa isa’t isa dahil sa ginawang ito ni Khate.Ang katawan ng batang babae ay napakinis at may amoy gatas.Lumambot ang puso ni Khate, ngunit hindi niya maiwasang isipin ang kanyang anak na namatay.
Matagal na tinitigan ni Anthony ang babae. Maingat na kinurot ni Cassandra ang kanyang palad, natatakot siya na baka mabunyag ang kanyang kahinaan. “Mas mabuting maging ganun na lang katulad ng sinabi mo.” Maya-maya, iniwas ni Anthony ang tingin sa babae at tumingin kay Gilbert na naghihintay sa gilid, “May balita na ba mula sa pulis?” Mabigat ang tono ni Gilbert, “Wala pa po, Sir.” Pagkatapos niyang sabihin iyon, maingat niyang tiningnan si Anthony at nag-aalalang sinabi, “Hindi po kaya ang munting binibini ay naging biktima na ng pandurukot?” Ang batang iyon ay paborito ng kanyang amo. May mataas na katayuan siya sa pamilyang Lee. Sa loob ng maraming taon, naging target siya ng maraming tao. Mayroon ding pagkakataon na halos madukot na siya. Ngayon hindi siya mahanap ng sinuman sa paligid, at kahit ang pulis ay wala pang maibigay na balita, kaya kailangang isipin ni Gilbert na ito ay nadukot. Nang marinig ito, biglang dumilim ang mga mata ni Anthony, at mahigpit niyang
Ang Gouzu ay isang pribadong restaurant na maihahanay sa mga five star restaurants. Kilala ito sa may mga waiters at waitress na magagalang sa serbisyo at masasarap na pagkain. Bukas lamang ito sa mga high-end na kliyente na may reservation. Kailangang gawin ang reservation isang buwan nang maaga. Nakahanap pa rin si Kyrrine ng mga koneksyon at nakakuha ng isang reservation kahapon. Ang layout ng restaurant ay napaka-elegante din sa panloob at labas na mga disenyo at kagamitan . Ang bawat upuan ay pinaghihiwalay ng isang screen. Mayroong isang maliit na pintuang kahoy sa harap, ngunit walang kisame. Kapag kumakain sa gabi, ang chandelier sa kisame ay puno ng atmospera, na medyo katulad ng pilosopikal na konsepto ng mga sinaunang tao na umiinom sa ilalim ng buwan. Pumasok sila sa loob at sabay na umupo sa isang bilog na mesa. Di nagtagal, dumating ang waiter na may dalang pagkain nila. Natatakot si Khate na hindi makakain nang maayos ang batang babae sa tabi niya, kaya't bina
Dalawang tao lamang ang nasa nakareserbang mesa, isang batang babae at middle aged na babae.Inilibot agad ni Anthony ang kanyang mga mata sa paligid ng nakareserbang mesa at sa huli ay napunta sa kanyang paningin sa anak na babae.Kakatapos lamang kumain ng malungkot na batang babae dahil sa biglang pag-alis ni Khate. Ngayon na nakita niya ang kanyang ama, hindi siya natakot at padabog pa na inilayo ang kanyang ulo.Nagdilim nang bahagya ang mga mata ni Anthony."Anak, ayos ka lang ba?"Parehong tahimik ang ama at anak, kaya naman ang katulong na si Gilbert ang nagsalita.Tinignan siya ng batang babae, ngunit gayundin ang kanyang ginawa, padabog niyang inilayo ang kanyang ulo, at hindi siya pinansin.Maingat na tinignan ni Gilbert ang bata, at nang makita niyang ligtas ito, huminga siya ng malalim at bumalik kay Anthony para mag-bigay ng update.Tumango si Anthony, kinunot ang kanyang noo, at tinignan ang taong nakaupo sa tabi ng kanyang anak.Nang magtama ang kanilang mga mata, humi
Feng Group.Dahil sa virus, halos hindi makagalaw ang operasyon ng kumpanya buong umaga.Nasa technical department si Cassandra, at halos bawat ilang minuto ay naririnig ang kanyang pagsigaw ng galit."Cassandra."Narinig niya ang boses ni Merlyn sa kanyang likuran.Agad na inayos ni Cassandra ang ekspresyon niya, ibinaba ang tingin, at magalang na binati ang taong pumasok, "Dad, bakit ka nandito?"Mahigpit ang ekspresyon ni Marcus Feng sa kanyang hugis-parihabang mukha. "Bakit? Hindi pa rin ba masosolusyunan ang virus na yan?"Ang taong naMikeyno sa technical department ang pinag babalingan ni Cassandra ng galit buong umaga, ay tila nasa ilalim ng matinding presyon. Punong-puno ng pawis ang ulo nito habang tumatango at humihingi ng paumanhin. "Ms. Cassandra, ginawa po talaga ng team namin ang lahat ng makakaya, pero sobrang complex ng virus. Sa tuwing malapit na naming ma-crack, may bagong problema na naman na lumalabas. Parang nasa dead loop po kami...""Sa madaling salita, wala ka
"Ang pang-bubully kay Mommy ay may kapalit na halaga!" ani Miggy nang may sneer.Tumango si Mikey nang malakas at muling nag-type sa keyboard.Nang makita ito, nagtataka si Miggy, "Anong ginagawa mo?"Masiglang sagot ni Mikey, "Ang mga technical staff nila ay tatamad tamad! Napakasimple ng virus ko pero hindi pa rin nila magawang ma-crack. Sa ganitong kaso, gagawin ko itong mas mahirap para mas inis na inis ang masamang babaeng iyon!"Sumang-ayon si Miggy at tumango, "Mas mabuti kung hindi nila ma-crack. Sa ganitong paraan, mas maraming tao ang tatawa sa kanya at tingnan natin kung magkakalakas-loob pa siyang mambully kay Mommy!"Abala ang dalawa sa harap ng computer.Bigla, may narinig silang mga yabag sa pintuan.Mabilis na naramdaman ni Miggy ang paggalaw sa labas at binalaan si Mikey.Agad namang tinapos ni Mikey ang pag-code at iniabot ang computer sa kanyang kuya.Nang pumasok si Khate sa silid, nakita niyang yakap ni Miggy ang computer, habang si Mikey ay nakasilip sa gilid na
Habang nasa kumpanya, si Cassandra ay nanginginig na siya sa galit nang makita niyang lahat ng computer screens sa paligid ay nagpapakita ng parehong nakakainsultong larawan. Pinilit niyang kontrolin ang kanyang sarili, ngunit ang kanyang galit ay malinaw na nararamdaman ng lahat ng empleyado na nakapaligid sa kanya. Nagngangalit ang kanyang mukha sa galit na tila nais na niyang sumabog at magwala sa loob ng kumpanya.Nagmamadaling pinaalis ni Cassandra ang ilang empleyado na itinuro niya kay Merlyn, habang patuloy na sinisigawan ang technical department dahil sa kanilang kabiguan na maayos ang problema. Wala pa ring makatanggal sa virus na kumakalat sa lahat ng mga kompyuter at nawawalan na siya ng pag-asa na matanggal pa ito.Sa gitna ng tensyon na nangyayari, ang team leader ng technical department ay nagpaliwanag na ang virus ay gawa ng isang napakahusay na hacker at nangangailangan ng oras upang malutas.Pilit na pinipiga ng technical team ang kanilang mga utak at kakayahan upa
Ang dalawang bata ay tahimik na inikumpara si Cassandra kay Mommy Khate nila mula ulo hanggang paa at napagpasyahan na hindi maikukumpara ang babaeng iyon kay Mommy.Iniwan ni Daddy si Mommy para sa ganoong klaseng babae? Napaka iksi at babaw naman ng kanyang pananaw!Pagkatapos ng ilang sandali ng paghamak dito, biglang naalala ni Miggy ang kanilang pinag-usapan sa restaurant kanina. Lumapit siya kay Khate at nagtanong, "Mommy, sinabi mo kanina na may ginagawa siyang kalokohan, ano iyon? Binully ka ba niya?"Ayaw sanang idamay ni Khate ang dalawang bata kaya mahinahong itinanggi, "Wala iyon mga anak, trabaho lang, at naayos naman ni mommy ang lahat."Ngunit agad na tumugon si Miggy, mahigpit ang boses, "Talaga? Mommy, sabihin mo na! Ano iyon? Sabihin mo sa amin agad!"Sumunod si Mikey, "Mommy, hindi ba't nagkasundo na po tayo? Walang sikreto sa ating tatlo, di ba po? Hindi ka pwedeng magsinungaling sa mga bata!"Napailing si Khate nang walang magawa.Halos nakalimutan niya na ang dal
Pagkatapos panoorin ang paglabas ni Khate sa pintuan, naupo ang dalawa sa isang mesa malapit sa bintana."Sister Cassandra, ano bang nangyayari sa pagitan mo at ni Dr. Khate? Parang magkakilala kayo, pero halatang hindi maganda ang relasyon ninyo," tanong ni Mina nang may pagiingat.Galit na sumagot si Cassandra, "Paano magiging maganda ang relasyon ko sa babeng iyon? Si Khate ay ang dating asawa ni Anthony!"“Kung hindi dahil kay Khate, matagal nang settled ang kasal namin ni Anthony!”Nagulat si Mina, "Siya... ang dating asawa ni KuyaAnthony?"Ang kasal ni Anthony anim na taon na ang nakalipas ay hindi sikreto sa kanilang grupo, lalo na sa mga lumaki kasama niya.Pero palaging iniisip ng lahat na si Cassandra ang magiging asawa ni Anthony balang araw.Hindi nila inaasahan na biglang magpapakasal si Anthony sa iba.At ang babae sa likod ng kasal ay hindi kailanman nagpakita sa kanila, at bihira itong mabanggit ni Anthony sa ibang tao, lalo na sa kanilang grupong kinabibilangan.Kaya'
Nang marinig ni Cassandra ang sinabi ni Mina, naguguluhan ang kanyang mga emosyon.Dahil sa pagtanggi sa kanya ni Anthony dati, at nang matutunan na bumalik na ang babaeng ito sa bansa, hindi siya makapaghintay pa na maikasal na dito. Sa loob ng panahong ito, pinilit niyang maghanap ng paraan upang magkaroon ng status kay Anthony.Kanina umaga, partikular niyang inanyayahan ang dalawang matandang miyembro ng pamilya Lee upang mag-intercede, umaasang makikinig si Anthony sa kanila at magbabago ng isip.Ngunit hindi inaasahan, muli lang siyang tinanggihan ni Anthony, at kailangan pang harapin ang hitsura ng batang iyon ng buong araw.Ngunit dahil nandoon ang dalawang matatanda, hindi niya pwedeng mailabas ang kanyang pagkainis sa sitwasyon at sa bata mismo.Pagkatapos ng isang araw, sa sobrang inis na ni Cassandra sa mansyon ng Lee kaya't iniutos niyang mag-shopping sila ni Mina upang mailabas ang galit.Ngunit hindi niya inasahan na makarinig siya ng ganitong balita.Maraming sikat na
Hindi pamilyar si Khate sa mga kalapit na restaurant, kaya hiniling niya kay Kyrrine na irekomenda ang isa at dinala ang dalawang maliit na bata doon nang diretso. Sa panahon ng pagkain, nagpadala ng mensahe si Joshua, "Doctor Khate, kailangan mo bang mag drop by ngayong gabi?" Naalala lang ni Khate na hindi niya malinaw na ipinaliwanag sa kanya ang proseso ng paggamot, at sumagot, "Medyo mahina pa rin ang matanda sa ngayon, at hindi maaaring masyadong madalas ang paggamot natin, may interval dapat tayong susundin. Ginamot na siya nang dalawang magkakasunod na araw bago ang araw na ito. Kaya kailangang magpahinga muna ang matanda ng isang araw. Pupunta ako bukas upang kumustahin ang kondisyon niya. Paumanhin dahil nakalimutan kong sabihin sa iyo." " "Okay, hihintayin kita kahit kailan." Mabilis na sumagot si Joshua. Nakita ng dalawang maliit na bata na nagte-text pa rin si Mommy habang kumakain, at mausisa na nagtanong, "Mommy, mayroon po bang problema?" Ngumiti si
Hindi na nagtanong pa si Richard. Kung gusto ng apo niyang matuto, ituturo niya ito.Ang mag-lolo ay nagpakuha sa kanilang kasama sa bahay ng panulat at tinta at nagsimulang magpraktis ng calligraphy sa hapag-kainan.Nakita ni Anthony na inaalagaan ng kanyang ama si Katerine, kaya nagpaalam muna siya at umakyat sa kanyang study room.Samantala, sobrang galit naman si Cassandra na halos manginig ang kanyang mga ngipin.Alam niyang paulit-ulit siyang tinatanggihan ng batang ito sa harap ng pamilya Lee para lang lumayo sa kanya!Kung magpapatuloy ito, tiyak na mapapansin ng mga nakatatanda sa pamilya Lee ang kakaibang kinikilos ng bata sa tuwing nasa bahay siya o di kaya kasama siya.Hindi! Kailangan niyang maghanap ng pagkakataong turuan ng leksyon ang batang ito at iparamdam dito na hindi lang siya basta-basta!…Samantala..Dahil sa biglaang pagbisita ni Katerine, halos alas-diyes na nang makarating si Khate sa research institute kasama ang dalawang bata.Pagpasok sa opisina, inilagay
Nang tanghali, nanatili sa manor ang ama’t ina ni Anthony upang mag-lunch, at nagdahilan din si Cassandra upang manatili.Sa hapag-kainan, sobrang maalalahanin si Cassandra. Paminsan-minsan, nilalagyan niya ng sopas at ulam ang plato ng dalawang nakatatanda, at nagbalat pa siya ng hipon para kay Katerine. At hindi rin siya gaanong kumain para sa sarili.“Katerine, naalala ni Auntie na gusto mo ng hipon kaya binalatan ko ito para sa’yo,” sabi ni Cassandra, sabay tulak ng pinggan ng mga binalatang hipon sa harapan ni Katerine.Tumingin lamang si Katerine saglit, saka ibinaba ang ulo at nagpatuloy sa pagkain mula sa sarili niyang mangkok, at tila hindi niya napansin ang hipon na inabot sa kanya ng Auntie Cassandra niya.Naiwang nakapatong ang kamay ni Cassandra sa pinggan, at bahagyang nanigas ang ngiti sa kanyang mukha.Matagal nang nakahain ang hipon, ngunit hindi ito ginalaw ni Katerine.Sinita siya ni Amalia, “Katerine, binalatan ka ng Auntie mo ng hipon, bakit hindi mo kinakain? Bak