Hanggang sa gabi, hindi pa rin tumawag si Khate.Pinipigil ni Anthony ang pagkadismaya at nagmadaling pumunta sa kindergarten para sunduin si Katerine.Dapat malinaw na ang lahat pagdating niya sa kindergarten.Pagdating niya, halos lahat ng bata ay nakaalis na.Sa isang sulyap, nakita ni Anthony ang kanyang anak na nakatayo sa isang sulok.Nakayuko ang ulo ng maliit na bata, mahigpit na hawak ang kanyang bag, at tila wala siya sa mood.Pagkakita nito sa kanya, bahagyang kumunot ang noo ni Anthony, lumapit siya at hinaplos ang ulo ng maliit na bata, "Bakit ka malungkot? Dahil ba late si Daddy? Pasensya na si Daddy..."Bago pa niya matapos ang sinasabi, mabilis na kumilos si Katerine at dumiretso nang dumaan sa tabi niya.Nanatili sa ere ang kamay ni Anthony, tumigil ang kanyang boses, at tumalikod siyang walang magawa habang pinapanood ang anak niyang papunta sa kotse.Nakita niyang umakyat ito sa sasakyan nang mag-isa at hindi man lang nagpakita na kailangan niya ang tuloy ng ama, ku
Kumunot ang noo ni Anthony.Hindi niya inaasahan na magagalit nang ganito kalakas ang kanyang anak.Nang marinig ang sinabi ni Auntie Meryl, tumango si Anthony at kumatok sa pinto, "Katerine, buksan mo ang pinto, gusto kabg kausapin ni Daddy." Kaagad na narinig ang isang malabo na tunog mula sa pinto. Malinaw na binasag ng batang babae ang mga bagay sa pinto upang ipahayag ang kanyang paglaban sa kanya. Tumigil si Anthony, at nang magsalita ulit siya, mas lalo pang lumuwag ang kanyang tono, "Ano ang gusto mong gawin ni Daddy? Buksan mo na ang pinto at sabihin mo kay Daddy ang nais mong iparating, pag-usapan natin, okay?" May isa pang malutong na tunog sa pinto. Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ni Auntie Meryl ang dalaga na ganito. Iniisip ang sitwasyon ng dalaga, natatakot siya na baka may mangyari sa kanya sa loob, kaya dali-daling sabi niya: "Master, sa tingin ko dapat tayong pumasok na ng diretso, kung hindi, hai naku, labis na talaga akong nag-aalala sa akin
Kumurap si Katerine, at unti-unting bumaba ang dalas ng paghikbi. Kinuyom niya ang kanyang mga labi, hindi pa rin lubos na naniniwala. Ipinagpalagay niya na narinig niya ang sinabi ni Daddy sa guro nang araw na iyon, at hindi pumasok sa kindergarten ang dalawang maliit na kaklase ngayong araw. Paano ito maaaring maging isang pagkakataon? Nakita ni Anthony ang pag-aalinlangan ng anak niya, at nakaramdam ng kawalan ng pag-asa, "Wala akong dahilan upang magsinungaling sa iyo anak. Hindi sila pumasok sa kindergarten ngayon dahil hindi maganda ang pakiramdam nila, iyon ang sabi ng iyong teacher kanina. Kaya makikita mo sila bukas." Nagkukunot pa rin ang mga labi ni Katerine nang may pagmamaktol, na puno ng pag-aalinlangan ang kanyang mukha. Nakita ito, wala nang magawa si Anthony, "Paano mo ako paniniwalaan?" Hindi niya talaga inaasahan na ang dalawang maliit na lalaki ay may napakataas na katayuan sa puso ni Katerine, napakataas na hindi siya pinaniwalaan ni Kateri
Nakita ang hitsura ni Katerine, nagulat muna si Khate, at pagkatapos ay biglang sumakit ang kanyang puso. Halos kusang-loob siyang lumuhod, at niyakap ang batang babae sa kanyang mga bisig, at tinapik ang kanyang likod nang may pagpapatahan. Mahigpit na hinawakan ni Katerine ang kanyang laylayan gamit ang magkabilang kamay, humihikbi nang may pagmamakaawa at nag hahanap ng aruga. Nakita ang eksena na ito, kumikislap ang mga mata ni Anthony nang may kawalan ng pag-asa. Kanina lang sa bahay, siya, bilang isang ama, ay nag-abot ng kamay upang yakapin siya, at ang batang babae ay hindi nagsabi ng isang salita o nagpakita na nais siyang yakapin at alam lang na magtago. Ngayon na kaharap si Khate, alam niyang humingi ng yakap. O kaya ba ang mga bata ay likas na umaasa sa kanilang mga ina? "Huwag kang umiyak, sabihin mo sa auntie kung ano ang iyong problema?" malumanay na kinukumbinsi ni Khate ang batang babae. Siyempre, hindi magsasalita si Katerine. Sa huli,
Nakatayo si Anthony sa pintuan ng dining area sa hindi masyadong malayo sa kanya. Nang makita niya ang batang babae na sa wakas ay ngumiti na, napuno ng halo-halong emosyon ang kanyang mga mata. Hindi inaasahang matapos siyang suyuin nang napakatagal ay hindi pa rin siya kasing ganda ng ilang salita mula sa kanyang ina na hindi pa ipinapakilala ni Anthony at sa kanyang dalawang anak. Hindi lamang tumigil sa pag-iyak si Katerine, ngunit tumawa rin ito.Matapos tumayo roon ng ilang sandali, nakitang natutuwa si Katerine sa dalawang maliit na bata at ang kanyang mukha ay puno ng ngiti, pumasok si Anthony at nais na niyang ibalik sa bahay nila si Katerine.Pumunta lang sila rito dahil gusto ni Katerine na kumpirmahin na papasok pa ang mga ito bukas sa kindergarten gamit ang kanyang sariling mga mata. Ngayon na nakumpirma na nila ito, dapat na silang bumalik dahil nakakaabala na sila.Kaagad na nilapitan niya si Katerine, narinig nila ang pag-tunog ng tiyan ng batang babae.Bahagyang ku
Noong nakaraang mga panahon, palagi silang kumakain kasama ng kanilang mommy, at paminsan-minsan kasama ang kanilang ninang.Ito ang unang pagkakataon na kumain sila kasama ang kanilang daddy, matagal na nila itong hinahangad na magkaroon ng ganitong pagkakataon na kumain bilang isang buong pamilya.Sa isang sandali, iba ang naging mood nina Miggy at Mikey.Tumigil si Anthony at lumingon upang salubungin ang mga mamasa-masang mata ni Katerine. Nakita rin niya na ang mga upuan sa tabi ng apat na tao ay napuno na ng mga mangkok at chopstick, at isang kakaibang tingin ang dumaan sa kanyang mga mata.Sa lohika, ang apat sa kanila ay talagang isang pamilya.Tila medyo wala sa lugar ang pag-upo niya doon.Ganun pa man ang iniisip niya upang kumain ng hapunan.Hindi niya alam kung dahil ba sa pagsali niya kaya medyo naging matamlay ang dating masayang kapaligiran.Tumahimik sina Miggy at Mikey at ibinaba lang ang kanilang mga ulo upang kainin ang pagkain sa mangkok.Dahil sa hindi siya kina
Di-nagtagal, bumalik si Khate kasama ang kahon ng gamot at maingat na nilagyan ng gamot si Katerine.Napakabait ni Katerine sa buong proseso. Nang sumakit ito dahil sa pag apply ng alcohol ay bahagya lamang siyang nanginig at mabilis na iniabot ulit ang kanyang kamay.Napaka-malambot ng puso ni Khate.Matapos lagyan ng gamot, direktang naupo si Khate sa tabi ni Katerine.Matalinong isinuko ni Miggy ang kanyang upuan at naupo sa tabi ni Anthony kasama ang kanyang mangkok."Papakainin ka ng auntie, okay?" tanong ni Khate sa opinyon ni Katerine.Siyempre, hindi tatanggi si Katerine at tumango nang may pag-asa.Ngumiti si Khate at kinuha ang kanyang mangkok at pinakain ang batang babae.Sa pagpapakain sa kanya ng magandang auntie, biglang naging napakaganda ng gana ni Katerine. Tiningnan niya ang mukha ng magandang auntie nang sabik, at kahit ano ang ipakain niya sa kany ay binuksan niya ng malapad ang kanyang bibig at kinain ang lahat.Nakita ang batang babae na kumakain ng napakaganda,
Nakita ni Mikey na kinakain ni Daddy ang pagkaing kinuha ng kanyang kapatid, bahagyang lumiwanag ang kanyang mga mata, at maingat niyang kinuha ang isang piraso ng pagkain para kay Daddy.Hindi niya ito masyadong inisip, ngunit kumuha lamang siya ng isang piraso ng pagkain mula sa plato sa harap niya gamit ang mga chopstick, at pagkatapos ay tumitig sa lalaki nang may pag-asa.Nakita ni Anthony na inililipat ng ibang maliit na bata ang kanyang mga chopstick, iniisip na pinahihirapan siya, ngunit nakita niya na kumuha lamang siya ng isang ulam sa malapit. Hindi niya maiwasang matigilan sandali, at pagkatapos mag reaksyon, ngumiti siya sa kanya, "Salamat, dapat ka pang kumain rin."Pagkatapos nito, kumuha rin siya ng isang piraso ng pagkain para sa maliit na bata gamit ang mga chopstick.Naalala pa rin niya ang mga ulam na sinabi ng maliit na bata na ayaw niyang kainin kanina, at sinadyang iniwasan ang mga ito.Nanlaki ang mga mata ni Mikey sa pagkagulat, "Salamat tito! Gagawin ko!"Kum
Tumingin si Khate sa direksyon na itinuro ni Christopher at nakita ang munting batang babae na nakaupo sa sulok, nakayakap sa kanyang mga tuhod, at walang laman ang mga mata—parang isang marupok na manikang walang kaluluwa.Bahagyang nahulog ang mga luha ni Khate pagkakita sa bata. At nilukob ng awa ang kanyang puso.Naalala niya ang matamis na ngiti ng bata tuwing nakikita siya, at agad siyang nakaramdam ng matinding kirot sa puso, halos hindi siya makahinga.Kanina lang ng umaga, mahigpit pang nakakapit si Katerine sa kanyang palda, na punong puno ng kislap ang mga mata. Pero ngayon… ganito na siya…Dahan-dahang lumapit si Khate sa bata, lumuhod sa harapan nito, at mahinang tinawag ang kanyang pangalan, "Katerine, nandito si Auntie."Walang anumang reaksyon mula kay Katerine.Napansin ni Khate na tila natulala ito, hindi malaman kung paano siya kakausapin.Mahinang boses na nagsalita si Christopher mula sa likuran niya, "Miss Khate, isinara na ni Katerine ang kanyang puso at tuluyan
Nang makita niyang paalis na sila, mabilis na sinundan sila ni Anthony.Hindi naman mahirap hanapin ang labasan ng Universal Studios, ngunit sa sobrang takot ni Khate, hindi na siya makapag-isip ng maayos, kaya't nagpapatakbo-takbo siya kung saan-saan hanggang sa tuluyan siyang maligaw.Ngayon, kalmado na siya at agad niyang natagpuan ang daan palabas ng haunted house.Ang matinding liwanag ng araw ay tumama sa kanyang mukha, dahilan upang sandali siyang mapatulala.Mabilis siyang sinundan ni Anthony, hindi maalis ang tingin sa kanya.Pareho silang may kanya-kanyang iniisip.Napansin ni Kyrrine ang kakaibang tensyon sa pagitan ng dalawa, kaya hinila niya si Khate palayo at bumulong sa kanyang tainga, "Anong nangyayari Khate? Ano ang gusto niyang ipagawa sa'yo?"Bumalik si Khate sa kanyang ulirat at hindi sinasadyang tumingin kay Anthony, na hindi kalayuan sa kanila. Napansin niyang puno ng pag-aalala at kaba ang mukha ng lalaki.Naalala niya ang sinabi ni Anthony sa haunted house kani
Habang pinagmamasdan ni Anthony ang mukha ni Khate, kitang-kita niya na wala itong bahid ng kasinungalingan.Wala nga itong kaalam-alam na anak pala niya si Katerine!Unti-unting lumalim ang kanyang mga mata habang iniisip ang posibilidad—si Khate ay seryoso na naniniwala na si Katerine ay anak ni Cassandra!Sa loob ng maraming taon, inakala niyang iniwan ni Khate si Katerine nang walang anumang pag-aalala. Noong bumalik ito sa bansa, ang malamig na tingin nito sa bata ay nagpatibay sa kanyang paniniwala na isa itong walang pusong ina.Pero sa kanyang sinabi ngayon, malinaw na hindi niya alam ang totoo.Ano ang nangyayari?O baka naman... magaling lang siyang umarte, kaya't nalinlang pa niya ang mga mata ni Anthony?Napuno ng pagdududa ang puso ng lalaki.Matapos ang ilang sandali, itinago niya ang kanyang iniisip at muling hinigpitan ang hawak sa manipis na pulso ng babae. Sa malamig na tinig, binigkas niya ang bawat salita ng may diin, "Kailan ko sinabi na si Katerine ay anak ni Ca
Biglang nakaramdam ng bahagyang pangungutya si Khate.Malinaw pa rin sa kanyang alaala kung paano, anim na taon na ang nakalipas, buong tapang na ipinahayag ni Anthony na hindi siya magpapakasal sa iba maliban kay Cassandra. Tinalikuran pa nga siya ng lalaki noon, dahil lamang sa inaakala nitong inagaw niya ang lugar ni Cassandra.Ngayon, matapos ang anim na taon, ganito na lang niya malinaw na inihihiwalay ang sarili kay Cassandra.Naisip niya tuloy—ano kaya ang magiging reaksyon ni Cassandra kung maririnig nito ang mga salitang iyon?Pero kahit pa ganoon, ang principal pa rin ay sumunod sa kagustuhan ni Cassandra, at nakapag desisyon na niyang tuluyan ng tapusin ang anumang ugnayan kay Anthony.Kung nangyari na ito minsan, maaaring maulit ito muli. Ayaw niyang lumaki ang dalawang bata sa isang mundong laging may bantang panganib mula sa iba.Dahil dito, tinapos ni Khate ang kanyang iniisip at hindi na gustong makipagtalo pa tungkol sa bagay na ito. Kalmado niyang sinabi, "Narinig ko
Si Khate ay labis na natakot kaya't hindi niya namalayang nanginginig ang kanyang katawan, at instinctively siyang sumiksik sa mga bisig nito.Sa takot niya, kahit hindi niya kilala ang taong kanyang nabangga ay pinilit niyang siniksik ang kanyang sarili.Napansin ni Anthony ang panginginig niya, kaya't bahagyang lumambot ang kanyang puso at kumunot ang kanyang noo. "Kung sobrang takot ka, bakit ka pa pumasok sa horror house?"Nang marinig ang boses na malapit sa kanyang tainga, bahagyang naguluhan si Khate.Napabuntong-hininga si Anthony, "Ilalabas na kita dito para makahinga ka ng maluwag."Dahan-dahang natauhan si Khate at naramdaman niyang pamilyar ang boses na iyon. Pati na rin ang amoy na bumabalot sa paligid niya, na nagpa-bigat sa kanyang loob.Anthony? Hindi… Paano siya nandito? Anong ginagawa niya dito?Muling tumingala si Khate, at tumama ang kanyang paningin sa mata ng lalaki na may nakatagong pag-aalala.Nang magtagpo ang kanilang mga mata, muling natigilan si Khate. Pagk
Pagkapasok nila sa loob, agad na bumungad sa kanila ang sobrang diliman.Mahigpit na hinawakan ni Khate ang kamay ng dalawang bata, habang si Kyrrine naman ay nauuna sa kanila upang pangunahan ang daan.Palihim na nagtatawanan sina Miggy at Mikey. Hindi nila inaasahan na ganito pala kaduwag si Mommy sa mga multo o mga bagay na nakakatakot.Gayunpaman, matapos silang matakot sa haunted house ngayong araw, malilimutan na nila ang kanilang mga alalahanin!Palihim nilang pinagplanuhan na huwag sabihin kay Mommy na nasasaktan din sila sa higpit ng hawak nito, at tahimik siyang hinila pasulong.Habang naglalakad, lalong lumakas ang kaba sa dibdib ni Khate.Simula pagkabata, takot na siya sa anumang nakakatakot na mga bagay, totoo man ito o hindi. Kahit alam niyang peke lang ang mga multo rito, hindi niya maiwasang kabahan dahil sa tunog at ilaw ng paligid.Lalo na ngayon, hindi niya alam kung kailan biglang lilitaw ang mga prosteticated na mga bagay o tao.Ang tatlo sa unahan niya ay nagsab
Mabilis na nakarating ang apat sa Universal Studios.Bagaman nais ng dalawang bata na ipahinga ang mommy nila, matagal na nilang gustong maglaro at maaga pa lang ay tinignan na nila ang guide ng mga rides na nais nilang sakyan.Pagpasok pa lang nila sa gate, agad nilang hinila si Khate at hiniling na pumunta sila sa Jurassic Park para makita ang mga dinosaur.Walang alinlangan na sumang-ayon si Khate at dinala ang dalawang bata sa Jurassic Park. Sobrang saya nila Miggy at Mikey. Di mawala ang ngiti sa kanilang mata at mga labi sa mga nakikita nila sa kanilang paligid.Paglabas nila ng Jurassic Park, pumunta sila sa Alien Cave at sumubok mag-bike sa isang space trip kasama si ET.Matapos ang dalawang rides, medyo pagod na si Khate, ngunit ang dalawang bata ay patuloy pa rin sa kanilang kasiyahan at punong puno pa rin ng sigla at pumunta pa sa ibang mga proyekto.Sa bawat proyekto, hiling nila na magka-group photo sila.Isa-isa itong sinang-ayunan ni Khate.Matapos ang mga kasiyahan ng
Halos isang oras na ang lumipas nang pagod na lumabas si Christopher mula sa kwarto.Upang makuha ang kahit konting reaksyon mula kay Katerine, halos naubos na niya ang lahat ng kanyang mga pamamaraan, ngunit sa huli, hindi niya nakuha ang inaasahang epekto."Kamusta Chris?" tanong ni Anthony nang may kaba.Umiling si Christopher, "Ganap na isinara na ni Katerine ang sarili niya at ayaw nang makipag-ugnayan sa iba. Kahit ako, tinanggihan na din niya. Marahil ay may nangyaring bagay na nagbigay sa kanya ng malakas na epekto. Malalaman lang natin ang solusyon kung matutukoy ang pinagmulan ng pagkabigla."Nang marinig ito, bahagyang nag-impis ang mukha ni Anthony.Hindi napansin ni Christopher ang kakaibang reaksyon ng kanyang matalik na kaibigan, at seryosong nagtanong, "May nangyari bang bagay kamakailan na nagpabago ng mood ni Katerine?"Bumangon sa isipan ni Anthony ang eksena kaninang umaga nang magsalita ang batang babae dahil kay Khate, at malinaw na ang tanging sagot ay ito lang.
Pinanood ni Anthony ang kanyang anak na tumakbo papunta sa sasakyan ni Khate, may halong pagtataka sa kanyang mga mata.Ang batang ito, na ilang beses pa lang nakikita si Khate, ay hindi na matanggal sa kanya ay ,awalay.Habang iniisip ito, bigla na lang nadapa ang batang babae. Napag-isip si Anthony at mabilis na lumapit, niyakap siya, "Saan ka nadapa? Teka lang, titingnan ni daddy, okay ka lang ba?”Naging sunod sunod na ang mga naging tanong Anthony.Ngunit niyakap ni Katerine ang kanyang leeg ng mahigpit at ayaw magbitiw.Habang nag-aalala si Anthony, nabigla siya ng narinig niyang humihikbi ang batang babae na may iniindang sakit.Sa isang iglap, nagduda si Anthony kung tama ba ang narinig.Kahit na umiiyak, ito ang unang pagkakataon na narinig niyang gumawa ng ingay si Katerine mula nang siya ay lumaki.Labis na ang naging pag-iyak ni Katerine, at kasabay nito, mahigpit niyang hinawakan ang leeg ni Anthony, na nagdulot ng matinding sakit.Si Anthony ay nagtiis at hindi ipinakita