Mula sa pwesto ko, amoy na amoy ko ang mint mula sa chewing gum na nginunguya niya. Medyo madilim sa departamento. Nakapatay na halos lahat ng ilaw at ang computer lang na nasa harap namin ang kaisa-isang bagay na nagbibigay liwanag sa mesa namin. Dahil nga sa paminsan-minsan akong nawawala sa katinuan nang dahil sa presensya niya, minsan ay siya na halos ang gumagawa sa trabaho ko. Alas kwatro na ng madaling araw ngunit sa halip na umuwi, nandito siya sa gilid ko. Minsan nga ay nahihiya na ako dahil mukhang nahihirapan na siya sa pwesto niya. Sa halip kasi na ako ang magtrabaho, siya ang naririto. Siya ang nagpapatuloy sa trabahong ako dapat ang tumatapos."Kumportable ka ba sa posisyong iyan?" tanong ko sa kanya nang hindi na ako nakapagpigil pa. "I mean, hindi ka ba... nangangawit.""Nangangawit, but I'm okay," sagot ni Travis habang nananatili pa ring nakatutok sa computer screen.Paminsan-minsang sumasagi ang braso niya sa braso ko. Minsan ay tumatagal pa iyon doon kaya naman hi
Magkasalubong ang mga kilay ko nang sandaling tumitig ako sa target na nasa malayo. May suot akong shooting glasses kaya naman mas lalo lang akong nahirapan sa pag-asinta ng baril na hawak ko.Bitbit ang sama ng loob ko sa ginawa ni Travis kahapon, mabilis kong pinutok ang baril na naging resulta kung bakit tuluyan ko ngang napaputukan ang pulang tuldok sa ulo ng target na nasa malayo.Mula sa pwesto ko, rinig ko ang pagpalakpak ni Lucas kaya naman ngingisi-ngisi kong ibinaba ang baril na hawak ko bago ako nagdesisyong lumapit sa mesa kung saan siya naghihintay. Nanlalagkit na ang katawan ko sa sobrang pagpapawis. Hindi ko na mabilang kung ilang oras na kaming nagpaalipas ng oras sa shooting range na iyon. Sa katunayan nga ay ito pa lang ang kauna-unahang beses na sinubukan ko ang bagay na ito, kaya naman maging ang mentor na umagapay sa akin kanina ay tila ba bilib na bilib nang makita niyang napatamaan ko agad ang target nang hindi man lang nahihirapan."Sigurado ka bang ito ang fi
"Why the fuck are you doing this, Travis?" singhal ko agad nang sumunod ako sa loob ng opisina niya. Ilang sandali pa muna siyang nanatili sa posisyon niya sa pagkakatalikod sa akin bago ko narinig ang malalim niyang pagbuntong hininga bago muling lumingon sa akin. Nakapamulsa siya. Bahagyang nakaangat ang kilay niya habang mariin niya namang kinakagat ang lower lip niya. "Sabihin mo nga sa akin, Travis," hamon ko pa sa kanya bago ako umayos sa pagkakatayo ko sa harapan niya. Marahan ko siyang pinagmasdan magmula ulo hanggang paa bago ako muling nagtanong. "What the fuck is wrong with you, and why the hell are you doing this shit?" "Why?" tanong niya na nagmistulang sarkastiko para sa akin. "Masama na bang utusan ang empleyado ko?" "Empleyado mo?" natatawa kong tanong na ikinaangat ng kilay niya. "Travis, may sarili kang sekretarya. Bakit hindi siya ang utusan mo, or kung ayaw mo, pwede mo namang pakiusapan iyang asawa mo na sumama sa 'yo. Kung alam ko lang na ganito lang ang gagaw
"Ikaw na ang maghawak ng lahat ng ito," utos ni Travis nang ibinigay niya sa akin lahat ng documents na hawak niya kanina. "Hintayin mo na ako sa loob ng lobby. May tatawagan lang ako.""Inuutusan mo ba ako?" reklamo kong singhal na ikinaangat ng kilay niya. "Bakit kaya hindi mo tawagan iyang girlfriend mo at siya ang utusan mo rito ngayon?""Gumagawa ka lang ba talaga ng mapag-aawayan?" singhal niya na inismiran ko. "Hindi ba't nagkasundo na tayong dalawa kanina? Hindi pupunta si Georgina sa lugar na 'to. Tapos ang usapan, and please, Empress, hindi ba pwedeng itikom mo na lang iyang bibig mo?"Wow. Ang hayop na 'to. At ako pa talaga ang tatahimik?"You're ruining my mood, Tyler."Agad na umangat ang kilay ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang dumuro sa sarili ko habang nakamasid sa kanya."At ako pa talaga ang—"Agad ko rin namang nakagat ang dila ko nang tumunog ang cellphone niya para sa isang tawag. Kunot noo niya akong binigyan ng isang nagbabantang tingin bago
"Alam mo bang pwede kang makasuhan sa ginagawa mo?"Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ngumiwi habang patuloy lang sa pagtitipa sa harap ng computer. It's been a month nung magpasa ako ng resignation letter. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sa letter na iyon. Travis rejected it, which is hindi ko alam kung bakit niya nga ba tinatanggihan.Sinabi ko na sa kanya. If he's doing this kind of shit for the sake of his revenge, then fine! Nagtagumpay na siya. Hindu ko lang matukoy kung bakit ilang beses niya na akong napaiyak sa sama ng loob pero hanggang ngayon ay parang... wala pa rin. Para bang hindi pa rin husto lahat ng nakikita niya.Siguro natutuwa talaga siya kapag nakikita niya akong naghihirap, ano? Tuwang tuwa siya kapag nakikita niya akong umiiyak nang dahil sa kanya. Ano iyan? Masyado ba siyang na-overwhelmed sa ginawa ko before at naadik na siya sa mga luha ko? May ginto ba sa mga mata ko at tila ba natutuwa siya kapag nakikita niya akong lumuluha?I wonder kung
Si Travis, magseselos?That's the least thing na alam kong mangyayari sa buhay ko. Yung mukhang iyon, magseselos? At kung nagseselos nga siya sa nalaman niyang panliligaw sa akin ni Lucas, ano namang karapatan niya?May girlfriend na siya. Malapit na rin silang magpakasal at halos kalat na kalat sa buong opisina na mahal na mahal nila yung isa't isa kaya naman yung malamang nagseselos siya sa nalaman niya, alam kong imposible iyon.Si Travis, magseselos? Lolokohin ko lang ang sarili ko kung maniniwala ako sa bagay na iyon."I thought you're courting her," nakangusong sambit ni Nathalie nang ayain muli kami ni Lucas na pumunta sa club na pinuntahan namin noon.Sa totoo nga lang ay nagpapasalamat ako dahil hindi na ganoon katambak ang trabaho ko sa opisina ngayon hindi tulad noon. Hindi na siya tulad ng dati na hindi na ako halos makahinga sa tambak na paper works. Hindi ko alam kung natauhan lang ba talaga si Travis, at kung natauhan ngang talaga siya sa ginawa niya sa akin, then good
Is she asking me out? At bakit naman?"U-Uhm," usal ko na animong nag-iisip na ikinangiti niya lang. "I-I don't think so. Nakatambak kasi lahat ng paper works ko ngayon. Sa totoo nga lang ay may hinahabol ako na... na kailangang ipasa rin ngayon." Ngumiti siya sa akin at binigyan ako ng isang tingin na animong hindi naniniwala sa mga paliwanag ko. "Ngayon na rin kasi ang deadline ng mga documents na kailangan kong ipasa sa department.""Pwede kitang tulungan dyan, Empress, kung gusto mo," aniya sa mababang tinig na muli kong ikinatikom ng bibig. "Gusto ko lang sanang... makausap ka. Kahit na ngayon lang. Twenty minutes is enough for me, Miss Tyler, at hindi naman tayo magtatagal."Marahan siyang tumawa. Tawa ng isang anghel ika nga nila."Don't worry dahil hindi naman ganoon kaistrikto si Travis," aniya pa.Ramdam ko ang pag-angat ng kilay ko nang dahil sa sinabi niya. What the hell is she talking about? Kilala niya ba talaga ang boyfriend niya? Kung kilala niya nga ng buong buo si Tr
"Believe me, Empress. Hindi mahirap mahalin si Travis.""Gusto ko siya, Empress.""Mahal na mahal ko si Travis."Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit ngayon. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal pero bakit ganito ang epekto sa akin ng mga salitang binitiwan niya? Mahal niya si Travis. Mahal nila ang isa't isa. May laban ka ba roon?Ramdam ko ang pag-ukit ng ngiti sa labi ko nang dahil sa narinig ko mula sa kanya. Mula sa babaeng mahal na mahal ni Travis. Nang makita ni Georgina ang ngiting iyon, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang mapangiti at mapailing na lang.Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Nagseselos ba ako?"And alam kong mahal din ako ni Travis..." dagdag pa niya.Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya upang hanapin ang singsing na kapareho ng suot ni Travis ngunit agad na nangunot ang noo ko nang hindi ko man lang makita iyon. Nung nakaraan lang ay kuma