"Believe me, Empress. Hindi mahirap mahalin si Travis.""Gusto ko siya, Empress.""Mahal na mahal ko si Travis."Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng sakit ngayon. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal pero bakit ganito ang epekto sa akin ng mga salitang binitiwan niya? Mahal niya si Travis. Mahal nila ang isa't isa. May laban ka ba roon?Ramdam ko ang pag-ukit ng ngiti sa labi ko nang dahil sa narinig ko mula sa kanya. Mula sa babaeng mahal na mahal ni Travis. Nang makita ni Georgina ang ngiting iyon, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang mapangiti at mapailing na lang.Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na hindi ko na siya mahal pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Nagseselos ba ako?"And alam kong mahal din ako ni Travis..." dagdag pa niya.Bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya upang hanapin ang singsing na kapareho ng suot ni Travis ngunit agad na nangunot ang noo ko nang hindi ko man lang makita iyon. Nung nakaraan lang ay kuma
Minsan hindi natin maiiwasang magulat na lang sa mga taong biglaan na lang kung dumating sa buhay natin. Mga taong dumadating nang hindi mo na namamalayan. Mga taong nagiging inspirasyon mo, mentor, role model or worse... magiging lesson na lang sa buhay mo bandang huli. Yung magbibigay ng impact sa buhay mo. Pwedeng mabuti, pwedeng masama. When someone special enters your life unexpectedly, don't let them go. Baka may rason kung bakit sila dinala sa buhay mo. Parang problema lang iyan, darating sa buhay mo nang hindi mo namamalayan then all of a sudden, required kang gumawa ng solusyon para lang malagpasan mo lahat ng iyon.Dati naniniwala ako sa mga ganyan. Ang akala ko nung una, si Travis na ang para sa akin kaya gumawa ako ng paraan upang makuha ang atensyon niya kahit na alam kong nung una pa lang, wala ng katuturan lahat ng ginagawa ko sa kanya. When I realized na... siya ang anay na sumisira sa akin nung mga panahong hinahabol ko pa siya, hindi na ako nagdalawang isip pa na pu
Wait. Tama ba ang narinig ko? Na-miss niya ako?Na-miss ako ni Travis? Huh? Bakit?Isa lang iyan sa mga katanungang gumagambala sa isip ko habang nakatitig kami sa isa't isa. Bakas ang ngiti sa mukha niya lalo na nang makita niya kung paanong nangunot ang noo ko nang dahil sa sinabi niya. Si Travis, mami-miss ako? Miss ako? Bakit? Anong nakain niya?Hindi ko tuloy napigilang mahiwagaan sa sinabi niya. Ito pa lang kasi ang kauna-unahang pagkakataon na sinabi niya sa akin ang bagay na iyon. Kahit sino naman ay magugulat, hindi ba? Ni minsan hindi kailanman pumasok sa isip ko na mami-miss niya ako. Halos isumpa niya nga ako noon pagkatapos ngayon ay biglaan niyang sasabihin sa akin ang bagay na iyon?Not unless, iba ang ibig niyang sabihin?Kunot noo akong bumaling ng tingin sa kanya nang dahil sa labis na kuryoso sa sinabi niya. Ewan ko ba pero tila ba ang hirap paniwalaan ng sinabi niya, at isa pa... bakit niya ako mami-miss? May relasyon ba kaming dalawa?"Anong sinabi mo, Travis?
Ako, magseselos?Sa kanila?Asa siya! Sino ba siya sa inaakala niya? Ako? Magseselos?Bahagya akong natawa nang muli na namang umugong sa alaala ko ang sinabi niya kanina. Magseselos? Ako?"Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo, Travis, para isiping nagseselos ako sa inyong dalawa ni Georgina," dismayado ko pang sambit sa sarili bago muling natawa sa sarili ko. "Magseselos ako sa inyo? Eh, kahit na maghalikan kayong dalawa sa harapan ko, wala akong pakialam sa inyong dalawa," dagdag ko pa.Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pagmasdan ang opisina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na siyang wala rito. Ni hindi ko na nga matandaan kung bakit niya pa nga ako iniwan dito sa loob ng opisina niya. Wala naman siyang ibang sinabi sa akin kung hindi ang tapos na ang usapan naming dalawa. Wala rin naman siyang sinabi na hintayin ko siya rito sa loob ng opisina niya kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit nga ba naririto pa rin ako hanggang ngayon.Nakapasok na ako sa opi
Why would I do that?Nang dahil sa narinig ay mabilis na nag-init ang mukha ko. Bahagyang tumawa ang kapatid niya habang si Georgina naman ay walang ibang nagawa kung hindi ang tahimik na lang na ngumiti.Anong nakakatawa?Bastos ba talaga ang bibig nito?Ito ba yung kakambal ni Travis na sinasabi nilang mangkukulam?Hindi ko alam kung bakit pero tila ba bahagya pa akong nakaramdam ng gulat sa nakita ko. Nang sandaling bumalik sa wisyo ay doon lang ako nagdesisyong tumayo mula sa kinauupuan ko para harapin ang tatlong ngayon ay walang ibang magawa kung hindi ang pagmasdan lahat ng kilos ko. Naroon si Travis upang bigyan ako ng kamay sa pagtayo ko ngunit sa halip na tanggapin iyon ay binalewala ko na lang siya. Nakita iyon ng kapatid niya kaya naman hindi na ako nagtaka nang bahagya itong napangisi habang nakahalukipkip na nakatitig sa aming dalawa ng kapatid niya."So, you're doing handjob or blow—""Shut your fucking mouth, Celeste!" singhal ni Travis.Nang dahil sa narinig mula sa k
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Kung hahayaan ko ulit siyang makalapit sa akin, para bang binalewala ko na lang lahat ng mga taong sinayang ko para lang makalimutan siya. Hindi ganoon kadali lahat ng pinagdaanan ko nung umalis ako patungo sa ibang bansa para lang makalimot. Hindi ganoon kadali lahat ng ginawa ko noon para lang makalimutan ko siya.Kung hahayaan ko siya na muling makalapit sa akin, paano na lahat ng pinagdaanan ko?Palagi kong isinusumpa sa sarili ko noon na kahit na anong mangyari, hinding hindi ko na ulit hahayaan pa ang sarili kong mahulog sa kanya kahit na muling magkrus ang landas naming dalawa tulad na lang ngayon. Nang dahil sa kanya, nagkaroon ako ng trauma sa lahat. Nawala lahat ng self confidence ko nang dahil sa kanya. Nang dahil kay Travis, nawala ako sa sarili ko, at kung hindi dahil sa ginawa niya noon sa akin, hinding hindi ako magbabago.Tama. Si Travis ang dahilan kung bakit ganito na ako ngayon. Si Travis ang dahilan sa kung bakit nga ba nag
"Ano bang ginawa ko sa 'yo?"Hindi ko alam kung ilang oras nang umuulit ulit sa alaala ko 'yang pesteng tanong na iyan. Buong maghapon ay 'yang tanong lang na iyan ang gumulo sa isipan ko. Ni hindi ko na nga nagawang asikasuhin nang maayos ang trabaho ko nang dahil sa tanong niya. Maging ang pag-alis nga sa harapan niya kanina ay hindi ko na magawang maalala.Ganito ba talaga kalala ang nagagawa ng presensya ni Travis sa akin?Nang dahil lang sa isang simpleng tanong, nagagawa niya akong ilayo sa reyalidad at guluhin ang maghapon ko. Ganoon siya ka-peste sa buhay ko.Kung alam ko lang na magiging ganito ang kalalabasan ng lahat ng ginawa ko noon, sana nung una pa lang, tinantanan ko na iyang Travis na iyan. Malay ko bang free trial lang pala lahat ng cold treatment na pinaramdam niya sa akin noon."That bastard," angil ko sa sarili kasabay ng mahigpit na paghawak sa lata ng beer na iniinom ko.Narito na ako sa ngayon sa condo ko. Pasado alas diyes na rin ng gabi. Ni hindi ko nga alam
Hindi ako gusto ni Travis at alam ko 'yon. Senior High pa lang kami, ramdam ko na 'yon, at alam kong ang ugali ko lang naman ang hindi niya gusto noon.Alangan namang mukha ko, eh, ang ganda ko?Kung ibabalik ko ba ang dating ako, may pag-asa pa rin kaya na bumalik ang dati niyang pagtingin sa akin? Yung galit at seryosong Travis, gusto ko ulit na makita ang Travis na 'yon. Kapag ba binago ko ang pakikitungo ko sa kanya, may pag-asa ba na muli kong makita ang Travis na 'yon? Yung Travis na minahal ko noon.Kunot noo kong pinagmasdan ang kabuuan ng cafeteria. Kanina pa ako rito sa loob. Kitang kita kasi rito lahat ng mga empleyadong papasok galing sa lobby. Alam ko rin na makikita ko rito si Travis dahil sabi ng ilan sa mga empleyado na madalas niyang nakakasalubong tuwing umaga, dito siya madalas na dumadaan. Kanina pa akong naririto para hintayin ang pagpasok niya. Medyo lumamig na nga ang kapeng binili ko para sa kanya...Oo, binilhan ko siya ng kape. This past few days, naiisip ko