Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Kung hahayaan ko ulit siyang makalapit sa akin, para bang binalewala ko na lang lahat ng mga taong sinayang ko para lang makalimutan siya. Hindi ganoon kadali lahat ng pinagdaanan ko nung umalis ako patungo sa ibang bansa para lang makalimot. Hindi ganoon kadali lahat ng ginawa ko noon para lang makalimutan ko siya.Kung hahayaan ko siya na muling makalapit sa akin, paano na lahat ng pinagdaanan ko?Palagi kong isinusumpa sa sarili ko noon na kahit na anong mangyari, hinding hindi ko na ulit hahayaan pa ang sarili kong mahulog sa kanya kahit na muling magkrus ang landas naming dalawa tulad na lang ngayon. Nang dahil sa kanya, nagkaroon ako ng trauma sa lahat. Nawala lahat ng self confidence ko nang dahil sa kanya. Nang dahil kay Travis, nawala ako sa sarili ko, at kung hindi dahil sa ginawa niya noon sa akin, hinding hindi ako magbabago.Tama. Si Travis ang dahilan kung bakit ganito na ako ngayon. Si Travis ang dahilan sa kung bakit nga ba nag
"Ano bang ginawa ko sa 'yo?"Hindi ko alam kung ilang oras nang umuulit ulit sa alaala ko 'yang pesteng tanong na iyan. Buong maghapon ay 'yang tanong lang na iyan ang gumulo sa isipan ko. Ni hindi ko na nga nagawang asikasuhin nang maayos ang trabaho ko nang dahil sa tanong niya. Maging ang pag-alis nga sa harapan niya kanina ay hindi ko na magawang maalala.Ganito ba talaga kalala ang nagagawa ng presensya ni Travis sa akin?Nang dahil lang sa isang simpleng tanong, nagagawa niya akong ilayo sa reyalidad at guluhin ang maghapon ko. Ganoon siya ka-peste sa buhay ko.Kung alam ko lang na magiging ganito ang kalalabasan ng lahat ng ginawa ko noon, sana nung una pa lang, tinantanan ko na iyang Travis na iyan. Malay ko bang free trial lang pala lahat ng cold treatment na pinaramdam niya sa akin noon."That bastard," angil ko sa sarili kasabay ng mahigpit na paghawak sa lata ng beer na iniinom ko.Narito na ako sa ngayon sa condo ko. Pasado alas diyes na rin ng gabi. Ni hindi ko nga alam
Hindi ako gusto ni Travis at alam ko 'yon. Senior High pa lang kami, ramdam ko na 'yon, at alam kong ang ugali ko lang naman ang hindi niya gusto noon.Alangan namang mukha ko, eh, ang ganda ko?Kung ibabalik ko ba ang dating ako, may pag-asa pa rin kaya na bumalik ang dati niyang pagtingin sa akin? Yung galit at seryosong Travis, gusto ko ulit na makita ang Travis na 'yon. Kapag ba binago ko ang pakikitungo ko sa kanya, may pag-asa ba na muli kong makita ang Travis na 'yon? Yung Travis na minahal ko noon.Kunot noo kong pinagmasdan ang kabuuan ng cafeteria. Kanina pa ako rito sa loob. Kitang kita kasi rito lahat ng mga empleyadong papasok galing sa lobby. Alam ko rin na makikita ko rito si Travis dahil sabi ng ilan sa mga empleyado na madalas niyang nakakasalubong tuwing umaga, dito siya madalas na dumadaan. Kanina pa akong naririto para hintayin ang pagpasok niya. Medyo lumamig na nga ang kapeng binili ko para sa kanya...Oo, binilhan ko siya ng kape. This past few days, naiisip ko
Nang dahil sa sinabi niya ay hindi ko naiwasang bahagyang matawa. Hindi naman nagbago ang reaksyon niya sa harapan ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang muling matawa.Be my date, my ass. May sinasabi pa siyang tomorrow!Is he that complacent na sasama ako sa kanya at pagbibigyan ko siya sa mga kagustuhan niya? Ano siya, sinuswerte?"What made you think na sasama ako sa 'yo, Travis?" tanong ko sa kanya bago humalukipkip at mapaglarong ngumiti na hindi niya naman kinibo. "Alam mo, tantanan mo na nga 'yang mga ganyan mo, okay? Nagpapakatao akong pumunta rito kaya magpakatao ka rin. For the nth time, Travis, hindi ako nakikipagbiruan. I want you to sign my excuse letter—""Excuse letter," he echoed na para bang kahiya-hiya yung tawag ko sa piraso ng papel na iyon.Mabilis na nag-init ang mukha ko nang dahil sa ginawa niya kaya naman mabilis ding naglaho ang ngiti sa labi ko lalo na nang makaramdam ako ng pagkapikon sa sinabi niya."E 'di leave note! Ang laki ng problema mo
Ilang beses ko mang itanggi sa sarili ko na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin ako sa kanya, kahit na ilang beses ko mang ulit ilitin sa sarili ko na ayaw ko sa kanya't kinamumuhian ko siya, paulit ulit pa ring titibok ang puso ko para sa kanya. Ilang beses ko mang pagurin ang sarili ko, siya at siya pa rin ang tatakbo sa isip at puso ko.Nung una pa lang, hindi ko na maintindihan yung sarili ko sa kung bakit parati na lang si Travis ang nakikita ko. Gwapo siya, oo, at hindi ko naman maitatanggi iyon. Ang hindi ko lang maintindihan, ano bang nagustuhan ko sa kanya aside sa mukha niya? Gago siya, malamig, mayabang... nasa kanya na nga yata lahat ng ugaling ng lalaking pwede kong ayawan noon pa man pero bakit siya pa rin ng siya ang nilalaman ng puso ko?I'm not into those guys na tulad ni Travis. Gusto ko ng bad boy pero bakit sa mayabang ako napunta?"Rule number one," saad ko bago ko tinanggal ang kamay ko sa braso niya at agad na nagpagpag. Kitang kita ko kung paanong nangun
Ni minsan, hindi ko man lang naisip na may posibilidad pala talagang mangyari lahat ng bagay na iniisip at pinapangarap ko lang noon. Na may posibilidad pa lang mapasaakin lahat ng bagay na minsan ko nang hiniling noon. Normal lang ba talaga ito o baka naman nangyayari lang ito dahil alam ng langit na gusto ko siya? Na kukuhanin din siya di kalaunan sa kamay ko, tulad ng nangyayari sa ilang nobelang nabasa ko na noon. Yung tipong kung kailan ka na-attach sa isang tao, tsaka naman sila kukuhanin sa kamay mo.Yung kung kailan minahal mo na nang buo yung tao, tsaka naman sila kukuhanin ng langit palayo sa 'yo.Never kong inisip na magugustuhan ako ni Travis or gagawin niya ang bagay na 'to. Malayo ako sa babaeng gusto niya noon pa man, at si Georgina ang resibo roon. Hindi ko lang alam kung bakit...Bakit niya ginagawa lahat ng ito ngayon?Para maghiganti ba?Agad na nanlaki ang mga mata ko nang dampian ng halik ni Travis ang labi ko. Inabot iyon ng ilang segundo bago ako natauhan at nag
"Ang aga-aga, nakabusangot na naman iyang mukha mo," natatawang puna ni Nathalie.Sa totoo lang ay paulit ulit na bumabagabag sa isip ko lahat ng sinabi ni Celeste at Georgina sa akin nung nakaraang linggo. Tama, nakaraang linggo. Ni hindi ko nga alam na may ilang araw na pa lang nakalipas ang lahat. Tingin ko dahil sa mga narinig ko nitong nagdaang araw, pakiramdam ko, bahagya akong nawala sa ulirat. Para bang hindi rin ako makapaniwala na may ilang araw na pala ang nakakalipas simula nung mangyari ang lahat.Ganito ba talaga kalala ang epekto ni Travis sa akin?"Hoy," panggugulat pa ni Nathalie dahilan upang kunot noo akong bumaling ng tingin sa kanya. "Bakit ganyan ang itsura mo? May problema ka na naman ba kay Travis, Empress?""Paano mo nalamang—""Kilalang kilala ka na namin, Empress. Wala ka namang ibang bukambibig kundi siya," pasaring nito sabay irap na ikinabuntong hininga ko na lang. "So, may kinalaman ba si Travis kaya busangot na naman iyang mukha mo?""Actually, oo..."B
Babalikan niya ako?Bahagya akong napangisi sa sarili ko nang muling umugong sa tenga ko lahat ng salitang pinakawalan niya nitong nakaraan. Babalikan niya raw ako. Hindi niya ba alam na ikakasal na ako sa ibang lalaki pagbalik ko sa trabaho? Pagkatapos sasabihin niya babalikan niya ako?Ano? Gagawin niyang kabit ang sarili niya?"Kailan ka pa naging gago, Travis?" tanong ko sa sarili bago umismid.Napunta ang titig ko kay Kuya Lucho na ngayon ay walang ibang nagawa kung hindi ang naiiritang tumitig sa sapatos niyang may magkaibang kulay ng medyas. Narito kami ngayon sa airport para sunduin ang parents naming galing pa ng Barcelona para lang umuwi sa kasal ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamadali kaya magkaibang medyas ang suot niya. Mukha tuloy siyang tanga sa ayos niya."Ang sabi ko kasi sa 'yo, ayusin mo na yung medyas ko bago pa man tayo umalis, Faye—""Bakit parang kasalanan ko pa na magkaiba iyang medyas na suot mo?" reklamo kong balik sa kanya. Pinagtitinginan na kami nga