“TIRED?” tanong ni Joaquin kay Lara nang gabing samahan siya nito sa veranda.Naupo ang asawa niya sa kanyang tabi at pagkatapos ay iniabot sa kanya ang isang mug na may laman.“Chamomile tea?” tanong niyang nilingon si Joaquin ng nakangiti.Tumango si Joaquin saka siya dinampian ng simpleng halik sa noo.Ilang sandaling nakiraan sa kanila ang katahimikan bago naisipan ni Lara na banggitin kay Joaquin ang ginawang pagdalaw sa kanya ni Ramil kanina.“I have to tell you something,” pagsisimula niya.“Okay, what is it?” tanong ni Joaquin sa kanya.Humigop muna ng tsaa si Lara bago niya sinagot ang tanong na iyon ng kanyang kabiyak.“Pinuntahan ako ni Ramil kanina. Natatandaan mo pa ba ‘yung lalaking nasabi ko sa’yo dati na matagal kong manliligaw?” aniyang humimig pang ipinaaalala kay Joaquin ang kanyang sinabi.Tumango si Joaquin bago nagsalita. “Yeah, I remember him. Why? Gusto ka pa rin ba niyang makuha sa akin?” biro pa nito na sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.Hindi alam ni Lara
A Few Days Ago…HINDI umayaw si Lara nang iupo siya ni Joaquin sa ibabaw ng dining table. Pagkatapos niyon ay sinimulan na nga siya nitong hubaran.Mabibilis ang naging pagkilos ni Joaquin sa paraang tila ba mauubusan ito ng oras kung magpapatumpik-tumpik ito.“Sandali lang,” aniya pa nang makitang isa-isa na ngang inihuhulog sa sahig ni Joaquin ang bawat piraso ng telang tinatanggal nito mula sa katawan niya. “Oh stop it, sweetheart. Hindi mo alam kung gaano katindi ang paghahangad kong angkinin ang lahat ng parte ng katawan mo kapag ganitong sabik na sabik ako sa’yo,” saway pa sa kanya ni Joaquin.Hindi na kumibo pa si Lara. O baka mas tamang sabihing kahit gustuhin niyang kumibo ay hindi rin naman niya magagawa. Dahil matapos siyang tuluyang hubaran ni Joaquin at mabilis nitong muling inangkin ang kanyang mga labi.Sinusian nito ng mapusok na halik ang kanyang bibig kaya tuluyan na nga siyang hindi nakapagsalita.Mainit ang damdaming sinisimulang pag-alabin ni Joaquin sa pagkatao
“J-Joaquin!” ang tanging nasambit ni Lara saka niya iyon sinundan ng isang marahas na buntong hininga.Epekto iyon ng pasadang ginagawa na nga ngayon ng bibig ng kanyang asawa sa mismong pagkababae niyang nakabalandra sa harapan nito.“Hindi ko na kaya!” sigaw niya sa nanginginig pang tinig.Pero katulad ng dati ay nagmistulang bingi si Joaquin sa lahat ng sinasabi niya. At dahil nga alam niyang wala naman siyang ibang magagawa kundi ang magpaubaya kaya ganoon nalang ang ginawa niya.Ilang sandaling ring nanatili sa ganoong ayos si Lara. Para siyang isang masarap na putaheng pinapak ng asawa niya. At iyon ay sa pamamaraang kahit inasahan na niya kung tutuusin ay hindi rin naman niya napaghandaan.Naging mabilis ang panunuyo ng lalamunan ni Lara dahil sa magkakasunod na singhap at buntong hiningang pinakakawalan niya. Sinubukan niyang magpigil at kontrolin ang sarili sa paggawa ng ingay pero nabigo siya. Kaya naman sa huli ay minabuting niyang kagatin na lamang ang kanyang lower lip u
“BAKA may makakita sa atin dito,” nang magkaroon ng chance si Lara na sabihin iyon sa asawa niya ay ginawa na nga niya.Kalsada kasi ang nasa harapan ng veranda at kahit sabihin pang gabi na ay hindi rin naman imposibleng may dumaan doon. Baka makita silang dalawa.Mahinang tawa ni Joaquin ang sumunod niyang narinig. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang mukha saka siya hinalikan sa mga labi.“Madilim na,” anitong sandaling iniwan ang paghalik sa kanya para sabihin iyon.“P-Pero, baka may dumaan at makita tayo,” giit pa rin niya saka pilit na pinakawalan kay Joaquin ang sarili niya.Nang makawala ay mabilis na tumayo si Lara at umakmang papasok pero inabutan siya at napigilan ng asawa niya.“Dito nalang tayo,” ani Joaquin saka siya itinulak pasandal sa hamba ng pintuan.“P-Pero,” magpoprotesta pa sana siya pero napigil ang lahat ng gusto niyang sabihin nang muli siyang hagkan ng kanyang asawa.Sa paraan ng paghalik sa kanya ni Joaquin ay alam niyang wala siyang magagawa pa. Alam ni
KATULAD ng sinabi ni Joaquin ay nanatili ito sa bahay kasama niya at ni Callie. Nagkataon rin kasing kahit weekday ay walang pasok noon si Callie sa eskwelahan gawa ng medyo maulan ang panahon kaya suspendido ang klase.Sa kwarto nila naglagi si Joaquin habang siya naman at si Callie ay nasa sala. Abala nang mga sandaling iyon si Yaya Loring sa paghahanda ng pananghalian nila.Kasalukuyan silang abala ni Callie sa panonood ng TV nang biglang tumunog ang door bell. Magpo-prisinta sana siya para alamin kung sino iyon pero naunahan siya ni Yaya Loring.“Sino ang dumating, Yaya Loring?” tanong ni Lara na sandaling sinulyapan ang ginang na noon ay nakatayo sa may pintuan.Pero iyon lang ang pagkagulat niya nang makita mula sa likuran nito ang isang pamilyar na mukha. Nakatitig ito sa kanya habang wala siyang ibang makitang emosyon sa aura nito maliban sa pagkapoot na siya ring nasasalamin niya sa maiitim nitong mga mata.“Ah, g-good morning---,”“Nasaan ang magaling kong anak?”Hindi na pi
“PAPA, please,” sumamo ni Joaquin nang makita niya ang kalungkutan sa mga mata ng kanya ama nang lingunin siya nito.“Alam mong ikaw lang ang mayroon ako, pero bakit mong gawin sa akin ang ganito?” puno ng hinanakit nitong tanong na tila ba hindi nito narinig ang pakiusap niya.Nagbawi ng tingin sa kanya ang kanyang ama at pagkatapos ay muling nagsalita. Pero sa pagkakataong ito ay lalo lamang nasaktan si Joaquin dahil sa pagkabasag ng tinig nito.“M-Mahal na mahal kita, hijo. Pero hindi ko naisip kahit minsan na magagawa mo akong tikisin ng ganito,” anitong mabilis na nagpahid ng mga luha habang nasa tinig naman nito ang hudyat na ng pagtatapos ng usapang iyon.Natigilan si Joaquin habang alam niyang hindi na makikinig ang kanyang ama sa anuman at iba pa niyang gustong sabihin. Kaya labag man sa kalooban niya ay napilitan na nga siyang bumaba ng sasakyan.Pero bago niya isinara ang pintuan ng kotse ay nilingon muna niya ito. Nakita niyang ang muling pag-agos ng mga luha ng kanyang am
“MASYADO kitang mahal para iwan lang,” iyon ang mga salitang namutawi sa mga labi ni Lara makalipas ang ilang sandali.Nakita ni Lara na kumislap ang mga mata ni Joaquin dahil sa sinabi niyang iyon. Umasa siya na kahit paano ay maiibsan ng mga salitang iyon ang bigat ng dinadala nito. Pero hindi ang kanya.Ang guilt at takot na nananatili pa rin sa puso niya ay dama niya hanggang ngayon. At alam niyang kahit ngumiti siya ay hindi niya iyon maitatago.Dahil makikita ni Joaquin ang damdaming iyon sa kanyang mga mata. Bukod pa roon ay mag-asawa sila. Kaya naman nakatitiyak siyang ang kung anumang nararamdaman niya ay dama rin ng kanyang asawa.“Sa maraming pagkakataon ng buhay ko ako ang hinahabol ng mga babae, Lara,” ani Joaquin.Tumango si Lara. Alam niyang maraming gustong sabihin ang asawa niya nang mga sandaling iyon. Kaya naman hindi na niya sinubukan pang i-interrupt ito sa kung ano pa mang gusto nitong sambitin. Bilang asawa, obligasyon niyang pakinggan si Joaquin. At iyon nga an
“ARE you okay now?” tanong ni Lara sa asawa niya kinabukasan habang tinutulungan niya ito sa pag-aayos ng necktie nito.Isang mabait at magandang ngiti ang pumunit sa mga labi ni Joaquin. Pagkatapos niyon ay kinuha ng lalaki ang kamay niyang nasa necktie nito saka iyon itinaas at masuyong hinalikan.“Syempre naman. I believe na kakayanin natin ang lahat. What do you think?” tanong ni Joaquin sa kanya.Tumango si Lara saka nagbuntong hininga bagaman nanatili ang magandang ngiti sa kanyang mga labi. “Oo naman. Lahat kakayanin nating dalawa dahil nagmamahalan tayo,” sagot niya rito.Nang mga oras na iyon ay nakaalis na sina Yaya Loring at Callie. Kaya naman silang dalawa na lamang sa bahay.“Parang ayokong pumasok sa office ngayon eh,” ani Joaquin sa kanya.Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Lara pagkatapos ng narinig niyang sinabi ni Joaquin.“W-What?”Kahit kung tutuusin ay may idea na siya kung ano ang ibig sabihin ni Joaquin sa sinabi nitong iyon ay hindi pa rin napigilan ni Lara a