Share

CHAPTER 3

Naglilinis si Tintin sa kwarto ng kaniyang Boss ng pumasok ito. Dali-dali niyang kinuha ang mga ginamit niya sa paglilinis upang maiwasan ang lalaki.

"Stay here..." Malamig na utos nito sa kaniya kaya natigilan siya sa ginagawa.

"M-may kailangan po ba kayo Sir?" Tanong ni Tintin.

"Maaga ka dapat naglilinis sa kwarto ko at ipaghanda ako ng breakfast.." Walang kagana-ganang saad nito sa kaniya. "Take off my jacket..." Utos nito.

Dahan-dahang lumapit si Tintin at binitawan ang mga dala-dala. Hinubad niya ang gloves na suot at lumapit sa boss niya upang hubaran ito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot nitong nicktie pati ang coat nito. Sinunod niyang hubarin ang sout nitong panloob na polo. Nakatayo ang Boss niya sa kaniyang harapan habang madilim siya nitong tinitingnan na tinatanggalan niya ng bottoness ang polong suot nito.

Bumaba ang kamay ni Tintin sa may tiyan ng kaniyang Boss, napapalunok siya sa tuwing sumasayad ang kaniyang kamay sa matitigas na tiyan kahit pa ay may saplot pa na naroon. Hindi na pinatagal ni Tintin ang pagtatanggal ng bottones dahil na-aawkwardan siya sa posisyon nila.

Ngunit ang akala niyang tapos na ay hindi pa pala.

"My pants.." Malamig nitong sabi sa kaniya na kinaawang ng labi niya.

Nauwi na naman siya sa no choice kundi gawin ang inuutos nito. Dahan-dahang lumuhod si Tintin sa harap ng lalaki at i-unbuckled ang built nito. Nanginginig pa ang kamay niya habang ginagawa iyon, hindi niya akalaing pati ito ay kailangan niyang gawin.

Habang binababa ang pantalon ay napalunok si Tintin ng makita ang bumubukol sa pagitan ng hita ng kaniyang boss na natakpan ng manipis at kapirasong tila na suot nito. Pinagdarasal na lamang ni Tintin na sana ay palabasin na siya pagkatapos nito.

"What a nice view.." Rinig niyang kuminto ng kaniyang Boss kaya napaangat siya ng tingin at kitang-kita niya ang napakalaking bukol nito sa pagitan ng hita. "Oh! That's better..." Ani ng kaniyang Boss na tila ba inaakit siya.

May sumaging imahe sa isipan ni Tintin na siyang nagpatayo sa kaniya. Hindi maintindihan kung bakit tila pamilyar ang tagpong iyon at tila matagal na niyang nagawa kasama ang Boss niya gayong ilang taon na lang silang magkakilala.

Humahangos na bumaba ng hagdanan si Tintin dala-dala ang mga gamit panglinis. Nilagay niya iyon sa stock room at ang mga hinubad naman na damit ng kaniyang amo ay nilagay niya sa laundry.

Kinabukasan ay tahimik lamang si Tintin sa loob ng kotse kasama ang driver ng kaniyang Boss. Papasok siya ngayon sa opisina dahil iyon ang utos ng Boss niya. Wala na naman siyang choice kundi sundin ang lahat ng inuutos nito.

Pagdating niya mismo sa opisina nito ay agad siyang binigyan ng tambak-tambak na trabaho Pagod na pagod siya maghapon at kapag uuwi ay kailangan niya pang maglinis at magluto. Nakakapagod na ang kalagayan niya ngunit kagaya ng lagi niyang sinasabi, she had no choice but to do everything, to obey her so cold-hearted Boss.

Araw-araw ganoon ang eksina ni Tintin. Naiiyak siya gabi-gabi sa tuwing nagkakaroon siya ng pagkakataon na magpahinga. Nakikita rin ng mga katulong kung paano siya walang awang pagalitan ng kanilang amo sa tuwing ayaw nito sa ulam na niluluto niya.

"What the hell is this?" Malakas na sigaw ng kaniyang Boss ng makita ang pritong isda sa harap nito.

"S-Sir.." Nanginginig na sambit ng mayordoma nila. Si Tintin ang nagluto niyon dahil iyon ang sabi ni Linda dahil paborito raw iyon ng amo nila kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagagalit ngayon ang Boss niya.

"Who cooked this?" Malamig na tanong ni Lachlan.

Agad itinuro ni Linda si Tintin na kinakaba ni Tintin. Hindi inasahan na tr-traydorin siya ng kasamahan niya at nagawa siyang ipahamak dahil hindi naman niya alam na ayaw pala ng Boss nila ang pritong isda.

Madilim at matalim na tinitigan siya ng kaniyang Boss. Maya-maya ay pinalapit siya nito.

"Come here .." Malamig nitong utos kay Tintin.

Dahan-dahang lumapit si Tintin sa kaniyang Boss.

"Who gave you the permission to cook that fucking dishes?" Umalingaw-ngaw ang boses ng kaniyang Boss sa buong bahay. "Answer me!" Sigaw pa nito sa kaniya. Naiiyak na si Tintin dahil sa matinding takot hindi para sa sarili niya kundi para sa kalagayan ng kaniyang ina at kapatid ngayon, dahil tiyak na ito ang paparusahan ng kaniyang Boss!

Magsasalita na sana siya ng biglang sumabat ang magaling at s****p na Linda.

"Sir! Sinabi ko na po sa kaniya na huwag niyang lutuin ang isdang iyan dahil allergic ka, hindi po siya nakinig..." Maang-maangan nitong sabi.

Bumaling ang matalim na tingin ng Boss niya sa kaniya. "Is it true?!" Malamig nitong tanong.

Hindi nakaimik si Tintin dahil sa takot niya. Kung sasabihin niya ang totoo ay maniniwala kaya ito sa kaniya?

"Answer me! Is it fucking true?!" Sigaw ng kaniyang Boss kaya napilitan siyang ibuka ang kaniyang bibig upang magsalita.

Umiling si Tintin. "No... I-I... hindi ko alam n-na allergic ka sa isdang iyan..."

"Liar!" Hinala nito ang buhok ni Tintin at sinubsob siya sa pritong isda. Maraming tinik ang isda kaya tumusok iyon sa mukha niya.

Nagpumiglas si Tintin sa mahigpit na hawak ng kaniyang amo, halos hindi na siya makahinga dahil sa pagsubsob nito sa kaniya. Malakas siyang tinulak ng kaniyang amo kaya napaupo siya sa sahig, napaigik siya ng tumama ang balakang niya sa malamig na tiles ng kusina. Siguradong mapipilayan siya nito!

"You! Clean this fucking mess!" Sigaw ng kaniyang amo kay Linda. Parang tupa naman na lumapit si Linda at agad na nilinisan ang lamesa, habang siya ay nakasalampak parin sa sahig at hindi magawang makatayo dahil sa pananakit ng balakang niya.

Hindi lang iyon ang huli at unang pagkakataon na nasaktan at napahamak siya dahil sa s****p na katulong na si Linda. Pero hindi siya nagsumbong dahil siya lang rin naman ang paulit-ulit na makakaranas ng parusa.

"Bakit hindi mo na lang sabihin kay Sir ang totoo Tintin.." Naiiyak na sabi ni Manang Lordes habang nilalagyan ng ointment ang mga pasa niya nang sampalin siya ng malakas ni Lach kanina.

Napagalitan na naman at nasaktan siya kanina dahil kay Linda, ngunit kahit anong paliwanag niya ay hindi parin siya nito pinagkatiwalaan ng kaniyang asawa.

Noong unang taon, ay inaamin niyang nagkagusto siya sa kaniyang amo, ngunit ng nagkalaon na at nakita na niya ang totoong kulay nito ay unti-unti ring namatay ang pagmamahal na iyon.

Inaamin niyang hindi siya dapat magmahal ng isang gaya ni Lachlan Villaflores na walang puso, at manhid. Walang awa, at mainitin ang ulo. Ngunit hindi maintindihan kung bakit bigla-bigla siyang nahulog sa lalaki noong mga panahong una palang siyang nagta-trabaho rito, ngunit kalaunan ng siya na ang pahirapan at sa kaniya binubuntong ang galit nito ay pilit niyang pinapatay ang pagmamahal na iyon. Ang akala niya noon, kapag minahal at sinunod niya ang gusto ni Lachlan ay magbabago ang turing nito s kaniya ngunit hindi.

Dahil narito siya, isang maid, isang sekretarya, isang asawa at isang punching bag ng kaniyang Boss sa tuwing galit ito o pagod galing sa trabaho.

"Huwag na Manang, hindi rin naman siya maniniwala sa akin.." Sambit niya kay Manang Lordes.

"A-Aray ko Manang..." Napaigik sa sakit si Tintin ng maramdaman niya ang pagdampi ng bulak sa kaniyang pasa.

"Bakit ka ba kasi nagtitiis rito Tintin? Mainit lagi ang ulo ng Boss natin sayo!" Sermon sa kaniya ni Manang Lordes.

Napaiwas siya ng tingin sa matanda. "Mahabang kwento po Manang.."

"Hindi naman ganyan si Boss noon. Alam mo rin ba na may sekretarya rin siya noon na kagaya mo?" Sa sinabi ni Manang Lordes ay napalingon ng biglaan si Tintin.

"Ho? Kagaya ko sinasaktan rin?"

"Hindi niya sinasaktan ang babaeng iyon Tintin. Naging girlfriend iyon ni Boss pero bigla na lamang nawala na parang bula ang babaeng iyon at maraming tinangay sa nga ariarian ni Sir!" Kwento ni Manang Lordes. Sa tinig pa lamang ng matanda ay tiyak na may galit rin ito sa dating sekretarya ng kaniyang Boss.

"Pero kung ganoon Manang? Bakit ako ang pinaparusahan ng amo ninyo? Hindi ko kaano-ano ang babaeng nanloko sa kaniya o nanakit sa kaniya, kaya bakit niya ako ginaganito gayong hindi naman kami iisa ng babaeng iyon?" Ngayon ay napupuno ng katanungan si Tintin kung bakit siya ang naging punching bag at pinaparusahan ng kaniyang amo gayong ibang babae naman pala ang nanakit sa kaniya?

"Pero..... kamukha mo siya Tintin..."

"A-ano?!" Malakas na tanong ni Tintin at napaawang ang kaniyang labi. Kamukha? Paano niya naging kamukha ang babaeng nanakit sa amo niya? Wala siyang kambal nong ipinanganak siya, hindi kaya ay anak iyon ni Daddy sa ibang babae?

BLOSSOMHUES ❤️

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status