Share

CHAPTER 4

Sa nakalipas na araw at hindi inasahan ni Tintin na mag-iisang buwan na pala siyang nanirahan sa bahay ng walang puso niyang amo. Siguro dahil na rin sa araw-araw na paninigaw at pananakit nito sa kaniya ay kinalimutan niya ang paglipas ng mga araw. Hindi inasahan na isang buwan na niyang hindi nakikita ang ina at ang kapatid niya dahil nasa poder siya ng isang halimaw at walang-awa.

Hindi na rin mabilang ni Tintin kung ilang ulit siyang pinahamak ng mga kasamahan niyang katulong lalong-lalo ang s****p na si Linda. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pagkamuhi ng ibang katulong sa kaniya gayong hindi naman niya ito kilala?

"Magaling-magaling!" Pumapalakpak ang s****p na si Linda ng lumapit ito sa kaniya. Hindi niya pinansin ito at pinagpatuloy ang pagtatanggal ng mga damo sa gilid ng hardin.

Nakasanayan na gawin ito ni Tintin noon, noong maayos pa ang kalagayan ng kaniyang ina. Ang ina niya ang nagturo sa kaniya sa mga gawing bahay kahit pa may mga katulong naman sila noon. Maganda ang buhay nila noong buo pa ang kanilang pamilya. May magandang tirahan, may katulong, ari-arian at mga magagandang sasakyan. Ngunit nawala ang lahat ng iyon ng iwan sila ng kaniyang ama at nagkasakit ng malubha ang kaniyang ina. Kahit maganda ang buhay nila noon ay tinuruan parin siya ng kaniyang ina sa mga gawing bahay.

"Alam mo, bagay na bagay sa iyo ang uniforme at gawiin mo!" Pagsasalita ni Linda kasabay ng mala-insultong tawa nito.

Hindi niya pinansin si Linda bagkus ay pinagpatuloy niya ang ginagawa niya. Wala siyang panahon sa pambubully ng s****p na katulong na nasa harap niya ngayon dahil lalaki lamang ang gulo kapag pinatulan niya ang mga ito.

"Oo nga!" Sang-ayon ng mga kasama ni Linda. Mga katulong rin ito na para bang sakatirbang kasalanan ang nagawa niya sa mga ito kung mang-alipusta sa kaniya.

Nanahimik na lamang si Tintin kahit pa kumukulo na ang dugo niya sa mga babaeng nagtatawanan sa harap niya. Napabuntong-hininga si Tintin at hinarap ang nga katulong.

"Alam niyo? Hindi ko alam ang point niyo kung bakit minamaliit niyo ang trabaho na meron ako gayong pare-pareho lang naman tayo ng trabaho?" Umiling-iling na sabi ni Tintin na mas lalong kinahlakhan ng mga katulong sa harap niya.

"Pareho raw? Halakhak ni Marjory. "Kailan pa naging pareho ang pantay natin Tintin?" Insultong tanong pa nito.

"Sabagay, pareho na ngayon hindi ba? Dahil kung di ka ba naman makapal ang mukha ay hindi mo na sana mararanasan iyan!" Singhal ng isa pa, si Cory.

Makapal ang mukha? Siguro dahil na rin sa mga utang niya na hindi mabayaran ngayon dahil wala siyang pangbayad. Ngunit paano nalaman ng mga ito na may utang siya sa Boss nila?

"Alam niyo, kung si Tintin na mismo ang nagsabi na pantay-pantay tayo e bakit hindi na lang natin siya tulungan diba?" Natatawang sabi ni Janen.

"Oo nga! Halika tulungan natin ang prinsesang si Tintin!" Sang-ayon ni Linda sabay halakhak.

Hindi maintindihan ni Tintin kung ano na naman ang trip ng mga katulong na nasa tabi niya ngayon. Umisog si Tintin dahil papalapit ng papalapit sa kaniya si Linda at tiyak niyang may piplano na naman ito kaya hindi siya nagkamali.

"Uod! May Uod!" Sigaw ni Linda na kinataranta ni Tintin.

Takot sa uod si Tintin at allergy din. Kahit anong uod pa iyan ay talagang namamatal ang balat niya. Noon ngang elementary siya ay muntik na siya mamatay dahil lang sa isang pirasong balahibo ng uod na tumusok sa balat niya. Kaya simula non ay nagkapobhia na si Tintin sa nangyari.

Dahil sa pagkataranta na baka magapangan siya ng uod ay umatras si Tintin kasabay ng pagkadulas niya at nahawakan niy ang isa sa mga tangkay ng bulaklak kung bakit ito nabunot at tumalsik ang lupa nito sa isang babae!

Isang babaeng mayaman! Shit!

"O my God! My eyes! My eyes! It's hurt!" Umiiyak na sigaw ng babae dahil sa mukha niya tumalsik ang lupa ng tangkay.

Nanlaki ang mga mata ni Tintin. Hindi siya nakagalaw, at tila natutop ang kaniyang paa sa kinauupuan habang nakikitang nahihirapan ang babaeng nasa harap nila. Mas lalong kinabahan si Tintin ng makita niya ang palabas sa hardin na si Lachlan. Kunot ang noo nito siguro ay nagtataka kung bakit sumisigaw ang babaeng bisiti niya.

"Hey! What happened?!" Agad nitong dinaluhan ang babaeng mukhang mayaman ayon pa lang sa postora.

"Lach! My eyes! My eyes Lach! Its hurt! Lach I can't see anything!" Iyak ng babae. Para itong batang pumalahaw. Pasimpleng tumagilid ang ulo ng babae sa balikat ni Lach habang hawak ang mga mata nito at umiiyak parin dahil sa sakit.

Nasisiguro ni Tintin na napasukan ng lupa ang mata nito dahil sa pagtalsik ng lupa noong nabunot niya ang isang halaman!

Lagot na naman siya nito!

"Who did this?!" Dumagundong ang boses ni Lach sa buong paligid na kinalunok ni Tintin. For sure, girlfriend niya ang babaeng ito.

Nakakapagtaka parin. Bakit siya pinakasalan ni Lach gayong may girlfriend naman pala ito? Dahil lang ba sa mga depts niya kaya siya pinakasalan ay para hindi siya makatakas? Ngunit wala naman siyang planong takasan iyon.

Nakikita ni Tintin kung paano humagod at kinomfort ng mga kamay ni Lach ang babaeng kasama niya, na kailan man ay hindi iyon naging magaan sa kaniya dahil ang mga kamay na iyon ang palaging nanakit sa kaniya sa araw-araw na narito siya sa pamamahay na ito!

Walang sumagot sa mga taong nasa paligid. Ang mga katulong na s****p ay hindi man lang nakapagsalita. Huminto ang mga mata ni Lach sa hawak niyang tangkay dahil roon wala na siyang takas pa siguradong parusa ang maabot niya.

"All of you! Go back to your work!" Sigaw ni Lachlan sa mga katulong na s****p sa kaniya. "And you! Stay here until tomorrow!"

Tuluyang nanghina si Tintin sa narinig. Malamig ang gabi, wala siyang kaina kaninang umaga pa, dahil inuna niyang gawin ang breakfast ni Lachlan, at ngayon mananatili siya rito sa hardin hanggang bukas. Tiyak na gugutumim siya!

Pero wala siyang magagawa. Napayuko na lamang si Tintin dahil siya na naman ang naparusahan!

"Let's go Savrina." Akay-akay paalis ni Lach ang girlfriend niya upang dalhin sa hospital habang si Tintin ay nanlambot na napaupo.

Kagaya ng utos ni Lachlan ay nanatili si Tintin sa labas, roon sa hardin. Gagabi na at wala pa siyang kain. Makulimlim pa ang kalangitan na tiyak niyang uulan. Yakap ang mga tahod, ay siniksik ni Tintin ang katawan sa mga dahon ng halaman ng kumidlat ng malakas. Siguro ay alas-syete na ng gabi at unti-unti ng malamig ang paligid kasabay ng pag-buhos ng ulan.

Kasabay ng pag-buhos ng ulan at ang pagbuhos rin ng mga luha ni Tintin. Kailan siya makakalaya mula sa isang taong walang puso? Walang awa? Bakit niya tinali ang sarili niya sa taong kapahamakan niya lang ang hinahangad? Malaki ang utang niya, siguro para hindi siya makatakas ay pinakasalan siya nito, hawak nito ang kapatid at ina niya... kaya anong laban ni rito?

Humagolhol si Tintin dahil sa nangyayari sa bahay niya ngayon. Kung di sana sila iniwan ng kaniyang ama ay hindi sana hahantong ang buhay nila ng ganito. Hindi sana ganito ngayon ang buhay niya!

Naramdaman ni Tintin na tila may gumagapang sa balikat niya. Tiningnan niya ito at doon niya nakita ang isang uod! Agad niyang tinabig iyon gamit ang kamay niya ngunit huli na ang lahat, nagsimula ng mamantal ang balat niya kaya lumabas siya sa pinagsisilungan niya at hinayaang mabasa ng ulan ang katawan upang mawala ang pamamantal ng balikat niya ngunit hindi maalis ng tubig ulan ang makating dinulot ng uod sa balat niya.

Nanghihina na niyakap ni Tintin ang katawan niya dahil sa kapos siya sa hininga gawa na rin ng lamig ng ulan. Dagdag pang kumalat ang pamamantal sa katawa at mukha niya dahilan kung bakit nawalan siya ng malay.

"Hey! Cyra Clementine! Wake up! Fuck!" Iyon lamang ang narinig ni Tintin bago nawalan siya ng malay at nandilim ang paningin niya.

BLOSSOMHUES 💙

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status