Chapter 1. "The guy with a black wrist band"
The sound of the ambulance means that someone is hurt. It means that someone's life is in danger. There are two possible things that might happen because of that ambulance, it can save lives; it can deliver you to your last destination.
Malalim at mabilis akong humihinga habang patuloy na pumapasok sa isip ko ang tunog, hitsura at ang nangyayari sa loob ng isang ambulansya. Nangyayari na naman at hindi ko akalain na ngayon din agad ito mangyayari.
March 15, 2019
7:41:45 AMCar AccidentTiningnan ko ang sinulat ko sa isang sticky note. I took a deep breath as I stare at the piece of paper I am holding and a tear started to shed from my eyes.
I was on my way to school when that lady bumped into me while entering the LRT. She's wearing corporate attire and looks like working in a bank based on what I've seen in a logo on her uniform.
I gulped as I enter the train and look at her feeling trembled. Dapat ko bang sabihin sa kanya na mag-ingat siya sa pagtawid? Dapat ko bang sabihin sa kanya na sa ilang minuto lang ay mamamatay na siya? Pero kahit naman sabihin ko, isa lang ang alam ko.
If it is your time, it is your time.
Naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha habang malinaw kong nakikita at naririnig ang matinis na tunog ng isang aparato sa loob ng emergency room. The doctor was applying CPR but in the end, the woman I bumped earlier died.
"I'm sorry...I'm sorry..." I whispered as I wiping off my tears.
Another death. Isa na namang pagkamatay ang nakita ko. Dapat na rin bang hindi ako mag-LRT papunta sa school?
"Excuse me?" napapitlag ako nang may kumatok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako. "Are you okay?"
A deep voice of a man asked me. Nalito ako at nagtaka dahil nasa restroom ako dito sa school pero bakit may lalaki sa loob ng restroom ng mga babae?
"I'm fine...just leave me." sagot ko habang inaayos ang sarili ko. I heard him chuckled.
"You know what, you really scared me. I thought you're a ghost. Muntik nang hindi lumabas ihi ko." sagot ng lalaki habang mahinang natatawa.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle at nabigla ako nang makakita ako ng urinal sa labas. Pag-angat ng ulo ko ay doon ko nakita ang lalaki na nakangiti sa akin.
"I guess, nagkamali ka ng restroom na pinasukan." natatawa niyang sabi.
Binuksan ko na ang pinto ng cubicle at lumabas na rito. Tiningnan ko lang ang lalaking nakatayo sa harap ko ngayon at may malapad sa ngiti sa kanyang labi. I know what he is thinking, he is obviously making fun of me by mistakenly entering the wrong restroom.
Hindi ko na siya pinansin at naglakad na pauna sa kanya.
"Wait..." rinig kong sabi niya.
Mabilis akong napalingon sa kanya nang maisip kong baka hawakan niya ako ngunit pagharap ko ay nakalagay lang sa magkabilang bulsa niya ang dalawa niyang kamay. I looked at him in confusion.
"Hindi ka na papapasukin. My class just started a few minutes ago." he politely said.
Late na pala ako. And he is right, hindi na nga ako papapasukin sa room. I sigh as I turn my back on him.
Naglakad na ako palabas ng restroom at nakita ko ngang wala nang students sa hallway. Because of what happened in earlier, ay na-late pa ako.
Naglakad na ako sa hallway nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Nilingon ko siya at siya na namang nasa restroom kanina.
"Are following me? Please...stay away." seryosong sabi ko sa kanya. Napa-iling naman siya at pang-asar na ngumiti.
"No, this is also the way to the cafeteria." sagot niya. Napapikit ako sa inis. I am also going to the cafeteria while waiting for the next class.
Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang papunta sa library where I can wait and much better because there are only a few people there. At baka nga wala pang tao doon dahil may class na.
Habang naglalakad ako papuntang library ay nilingon ko ulit ang lalaki. Naglalakad na siya papunta sa cafeteria. I am weird and I know that but he is a lot weirder talking to a weird person like me.
Mabilis na natapos ang klase sa umaga. Nakapasok naman na ako pagtapos ng first subject kanina. Lunch na ngayon at lahat ng classmates ko ay kumakain sa cafeteria.
Tumayo na ako sa aking upuan na kumuha sa atensyon ng aking mga kaklase. Natatahimik sila kapag gumagalaw ako na tila ba hinihintay ang mga sunod kong gagawin.
"Akala ko hindi na siya papasok kanina, late lang pala."
"Akala ko nga rin."
"Bakit ba ako napunta sa klase na 'to? Bakit pa kasi siya nandito?"
"Ano pa ako? Classmate ko rin siya last year and believe me she is creepier now compare last year."
Ang hindi ko lang talaga maintindihan sa mga tao sa paligid ko ay ang pinag-uusapan ako gayong naririnig ko naman sila. Or maybe they intentionally want me to hear those words. They should have directly said that to me. But I can't blame them, no one is talking to me or no one have the courage to talk to a creepy, freak, and weird me.
Hindi ko na lang pinansin ang mga kaklase ko at binitbit na ang lunch box ko at saka lumabas ng room. Paglabas ko ng room ay marami ng tao sa hallway at agad silang napatingin sa akin. Lahat nandidiri, lahat natatakot, lahat ay umiiwas. Hindi ko kasi alam kung bakit pero ang alam ko may nagpakalat sa school na kung sino ang dumikit sa akin ay mamalasin at lalayuan din ng lahat na parang may nakakahawang sakit.
Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ba ako. Matutuwa dahil iyon ang mas mabuti dahil ayokong may humawak o mahawakan na kahit sinong tao. Malungkot dahil sino ba naman ang gugustuhing maging mapag-isa? But eventually, as the time goes by, being in solitude is not actually bad, kapag mag-isa ka. Wala gaanong problema at hindi kumplikado.
Mabilis akong nakarating dito sa rooftop. Ang lugar kung saan ako nagiging mag-isa at ang lugar na masasabi kong lugar ko. Wala kasing pumupunta rito sa rooftop kapag ganitong tanghali dahil mainit daw. Pero hindi nila alam na mas presko pa rito. Mahangin at may lilim naman.
Naupo na ako sa lilim na parte at sumandal sa pader. Kinuha ko na ang lunchbox ko at nagsimula nang kumain. Habang kumakain ako ay kinuha ko ang notebook ko kung saan nakadikit ang sangkatutak ba sticky notes. Sa mga sticky notes makikita mo ang mga petsa, oras at paraan kung paano mamamatay ang isang tao.
Lahat ng mga ito ay nabangga ko habang papasok ako sa school. Lahat sila mamatay at alam ko kung kailan.
"Whoaa! Ang taas na!"
Kamuntik ko nang mabuga ang kinakain ko nang may marinig akong malakas na sumigaw. Agad akong napatingin sa paligid ng rooftop. And there, I saw a familiar guy holding a roll of thread on his left hand and pulling a long thread on his right hand in the air. Napatingin ako sa taas kung saan siya nakatingin at nakita ko ang pinapalipad niyang saranggola.
"Ang taas na!" galak na galak niyang sabi. Binalik ko naman ang tingin ko sa kanya. You can see geniune hapiness in his smile. Nakabukas ang puti niyang polo at kita ang puting t-shirt na panloob niya. Makikita mo rin ang butil-butil na pawis sa kanyang noo. Napansin ko rin ang isang black wrist band sa kaliwang kamay niya.
Habang nakatingin ako sa kanya ay bigla naman siyang napatingin sa gawi ko at nagtama ang aming mga mata. Nabigla siya at nagtaka nang makita niya ako pero agad din niyang binalik ang tingin sa pinapalipad niyang saranggola.
"Kita mo? Ang taas na di ba?" tumatawa niyang sabi. Ako ba ang kausap niya? Sino ba ang lalaking 'to? Hindi ba niya ako kilala? Everyone in this school knows me. Know me as the school freak-creepy girl. Why is he not avoiding me?
Pinagmasdan ko ang saranggolang pinapalipad niya. Habang pinagmamasdan ko ang saranggola. I feel like, I am like a kite. 'Yong akala ng lahat masayang lumilipad sa kalangitan ngunit sa dulo ng mahabang sinulid ay may isang taong nagkokontrol dito. The kite is depending on the man who is holding the thread. Nasa taong may hawak sa sinulid kung patataasin pa niya ang paglipad ng saranggola o kapag naman nawalan ng kontrol ay maaaring sumabit sa puno o hindi naman kaya poste ng kuryente.
Tulad ko, I am also a kite. I am depending on my life on this cursed ability of mine. Kontrolado nito ang buhay ko. I wanna be a normal teenager with a normal life but how could I be active and live normally if I have this curse? Seeing the death of whoever I touch or whoever touches me. Simula nang malaman kong may ganito akong kakayahan, pinili ko na lang ang lumayo. Tinanggap na naiiba ako. Tinanggap na mabuhay ng mag-isa.
"Tapos ka na kumain?" natigil ako sa pag-iisip ko nang nasa tabi ko na ang lalaking nagpapalipad ng saranggola. Agad akong tumayo at lumayo sa kanya na pinagtaka niya. "Ang OA mo naman, ganon na ba ako kabaho para layuan mo?" may inis niyang sabi at saka inamoy ang suot niyang polo.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at naglakad na palabas ng rooftop. I heard him calling me pero hindi ko na siya pinansin.
Pagbaba ko ng ground floor ay natigilan ako nang may maalala ako. Napalingon ako sa hagdan at kinabahan nang maalala ko ang note book ko na naiwan sa rooftop.
Chapter 2. "I didn't see that coming" Pagbalik ko kanina sa rooftop ay wala na ang lalaking nakita ko sa CR at nagpapalipad ng saranggola kanina. Hinanap ko rin ang naiwan kong notebook pero wala na rin ito. And I am sure that he has my book. Hingal na hingal pa ako dahil sa pagtakbo ko paakyat sa rooftop. Ang bilis naman niyang maka-alis at saan naman siya dumaan. Patapos na ang last subject namin. At kanina pa ako hindi mapakali sa kakaisip sa notebook ko. What if mabasa niya? What if ipagkalat niya? My life is already miserable in this school and it'll be more miserable if what's inside that notebook expose on the whole campus. Pag ring na pag ring ng bell ay mabilis akong tumayo at inayos ang gamit ko. Just like what always happen, every time I move, all of my classmates look at me like I am kind of criminal in this room. Pero hindi ko na sila pinansin pa at pagtapos kong ayusin ang mga gamit ko ay dali-dali akong lumabas ng clas
Chapter 3. “I’m nobody, who are you?” Tahimik lamang kaming dalawa habang naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle. May mga tao pa kanina na nagsabi na pumunta kami sa hospital pero ayos lang naman talaga ako. Pero si Gavril, may sugat siya sa may siko dahil sa pagkakahiga niya kanina sa semento. I felt so guilty about it because me he is injured now. Isa pa sa iniisip ko ay ang pangalan niya, I don’t know and I can’t remember but I think that I heard his surname a long time ago but I can’t recall exactly when and where. Napatingin naman ako sa isang sikat na pharmacy store. Huminto ako. “Oh bakit?” tanong niya. Tiningnan ko siya at nagtataka niya lang din akong tiningnan. “Sandali, gagamutin ko ang sugat mo.” Sabi ko at dali-daling naglakad papasok ng pharmacy. Sumunod naman sa akin si Gavril. “Hindi na kailangan, ayos lang ako. Malayo ‘to sa bituka.” Natatawa niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at kumuha lang ng mg
Chapter 4. “We can change the future” “I got a vision that she will die tonight.” Bakas sa mukha ni Gavril ang labis na pagkabigla at pagkalito dahil sa mga nalaman niya. Pareho kaming natahimik at magkatitigan, hinihintay ang susunod na sasabihin at gagawin ng bawat isa. Umayos ako ng tayo at pinulot ang mga nahulog na notes ko sa sahig. “We need to do something.” Napatingin ako kay Gavril dahil sa sinabi niya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig din sa akin. “We need to help her.” He suggested. Hindi ko nagawang magsalita at parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang aking mukha. Nanginginig ang labi ko maging ang mga kamay at tuhod ko. In an hour, may isa na namang mamamatay at wala akong magawa para tulungan o mapigilan ito. I took a deep breath and closed my eyes. “I can’t.” “What?” Gavril exclaimed in disappointment. “Bakit? We know that someone’s life is in danger and yet wala kang gagawi
Chapter 5. “Bounded by fate” Three days had passed after what happened to Ms. Velarde. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Gavril simula noong araw na ‘yon. Actually, tatlong araw ko na rin siyang hinahanap. I am still confused why I can’t see anything about his death when he touched so many times. About Ms. Velarde’s case. Nalaman ko na asawa pala ni Ma’am ang pulis na ‘yon. Newlywed ang dalawa but their marriage is already on the rocks. Masyado raw kasing seloso ang lalaki at palaging pinaghihinalaan si Ma’am. And that emotions of rage and jealousy turned him into an obsessive partner. Ilang beses niya na ring sinaktan si Ma’am based sa report ni Ma’am. Nakakulong ngayon ang lalaki at pinadaplisan lang ng pulis sa binti noong binaril nila ito para hindi na manlaban. After that, nag-leave muna si Ms. Velarde ng one week at umuwi sa parents niya para magpahinga muna. Maagang natapos klase namin dahil pinag-practice na lang kami
Chapter 6. “We’re together right now” Nakahalukipkip si Gavril habang seryoso ang mukha at titig na titig sa mga notes na nasa harap niya. Narito kami ngayon sa library. Niyaya niya ako na dito kami mag-usap para pagplanuhan ang gagawin namin tungkol sa mga notes. I can still feel the heavy feelings in my chest about this. Hindi pa rin ako hundred percent na agree sa gustong mangyari ni Gavril. Natatakot pa rin ako na baka, mag-iba ang lahat at mas maging malala pa. “I didn’t expect this. Ano ba ‘tong pinasok ko.” Bigla niyang sabi saka natawa at naiiling-iling. “Wag mo na lang pakialaman, maybe what happened to Ms. Velarde was just luck.” Alangan kong sabi sa kanya. “Do you believe in luck?” tanong niya na pinagtaka ko. Hindi. Hindi ako naniniwala sa luck. Mas naniniwala ako sa destiny. If one thing was destined to be that way, it will happen that way. Hindi ko na nagawang sumagot sa tanong niya nang ihilera niya sa
Chapter 7. “The sun will shine again”“Gavril?” bulalas ko nang pagbukas ko ng gate ay nasa labas si Gavril habang nakasakay sa bike. Parang sing ganda ng papasikat na araw ang ngiti niya.“Good morning, Roux. Tara, sabay na tayong pumasok.” Aya niya sa akin. Alangan kong pinagmasdan ulit ang bicycle na sinasakyan niya. “Hey, don’t worry, I’m a good driver sweet lover.” Natatawa niyang sabi.“Saan naman ako sasakay diyan?” tanong ko sa kanya.“Dito sa harap ko.” Nakangiti niyang sagot. Mas lalo akong nag-alangan na sumabay at sumakay sa bicycle niya. Sobra naming lapit sa isa’t-isa non! “Bakit? Are you still afraid? Hindi ba wala ka namang nakikitang vision about my death?” natatawa niyang sabi. “Alam mo kasi baka pinaglihi ako sa pusa, may siyam na buhay.” Pahabol pa niya saka malakas na tumawa.Tama naman siy
Chapter 8. “How will you accept death?” “Bakit ka palaging may suot na wrist band sa kaliwang kamay mo?”Natahimik at napahinto si Gavril sa pagkain dahil sa tanong ko. Bakas at halata sa kanyang mukha ang pagkabigla at naging seryoso rin ang kanyag hitsura. Tiningnan ko lang siya habang hinihintay ang magiging sagot niya sa tanong ko.He took a deep breath and faced me with a bitter smile. “Trip ko lang, ang cool kaya para kang rakista.”Nag-sign ka siya ng rock and roll at malakas na tumawa. Napangiti na lang ako sa naging sagot niya pero mayroon sa pakiramdam ko na parang may hindi siya sinasabi sa akin. Sinulyapan ko pang muli ang wrist band sa kaliwang kamay niya.“Madalas ka ba nilang binubully?” napatingin ako sa kanya nang tanungin niya ako. Kumakain na ulit siya at nakatingin sa akin.Ibinaba ko sa mat ang baonan ko at kinuha ang tumbler ko saka uminom muna.
Chapter 9. "Her Last Wish" “Hanggang kailan na lang ba? Aabot ba ako ng graduation namin?” tanong sa amin ni Patricia na kinabigla ko. Natahimik kami ni Gavril sa tanong ni Patricia at nagkatinginan. Bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Gwen kasama ang isang ginang na may bitbit na plastic ng prutas. Tiningnan kami ng ginang at mapait na ngumiti saka nilapitan si Patricia at nilapag sa side table ang dala niyang plastic ng prutas. “May bisita ka pala.” Mahinahon na sabi ng ginang na sa tingin ko ay ang Mama ni Patricia. Nilingon niya kami at ngumiti. “Kayo ba ‘yong sinasabi ni Gwen?” tanong sa amin ng ginang. So she knew about us. Marahan kaming tumango ni Gavril bilang sagot. “Ma, I am asking them if until when.” Biglang sabi ni Patricia. Tiningnan siya ng kanyang Mama at hinaplos ang pisngi nito. Habang pinapanuod ko sila, parang tinutusok ng aspili ang dibdib ko. A mother seeing her daughter slowly
EpilogueGavril’s Point of ViewFifteen Years had passed.The ambiance inside the courtroom was filled with tension as everyone inside is waiting for prosecutors and the defendant’s side to speak. Everyone is cautious and careful. The judge locked his eyes on anyone who is speaking. This is not actually a tough case, because I can actually prove this old man’s innocence. This is a case of murder but the real culprit of this crime framed up someone, pointing and setting up someone’s innocence.I sat very straight and calmly as I can while I am hearing the lawyer of the defendant’s statement. He stating the scenario capturing the main suspect of the crime. He also asked the suspect about his statement of what happened that night. I looked at the old man seated in the jury box seat as he was asking about the case. Kita ko ang labis na kaba at takot sa mata ng matanda. His voice
Chapter 50. “To infinity and beyond”One..."Hey! Look there she is again!"Why do people are so judgemental?Two..."So, she really looks creepy, huh?"Why do people say hurtful things?Three..."I remember when we were in grade school? She kept on crying and we didn't know why?"If I could just ignore it, but I can't.Four..."Really? Do you know that she lives in a haunted house in our village?"If I could just find a cure or something to stop it.Five..."Hey! She's coming near...baka marinig ka niya."If I could just cover my ears just not to hear all of your heartless words.Six..."Oh my God!""Hey! You freak! How dare you!"If I could have a choice not to have this.Seven..."Oh! You slap her!" So, that I can live
Chapter 49. “Dark clouds, pouring rain”March 15, 2019Naitakip ko ang dalawang palad ko sa aking mukha habang malinaw kong nakikita at naririnig ang matinis na tunog ng isang aparato sa loob ng emergency room. The doctor was applying CPR but in the end, the woman I bumped earlier died. "I'm sorry...I'm sorry..." I whispered as I wiping off my tears. Another death happened. Isa na namang pagkamatay na nakita ko. "Excuse me?" napapitlag ako nang may kumatok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako. "Are you okay?"A deep voice of a man asked me. Nalito ako at nagtaka dahil nasa restroom ako dito sa school pero bakit may lalaki sa loob ng restroom ng mga babae?"I'm fine...just leave me." sagot ko habang inaayos ang sarili ko. I heard him chuckled. "You know what, you really scared me. I thought you're a ghost. Muntik nang hindi lumabas i
Chapter 48. “Thank you, my first love”“Gavril stop. Stop all of this. Why do keep on insisting on what you are believing for? Kung ano ang iniisip mo sa tingin mo ay tama!” “Bakit hindi ba, Roux? Alam mo, hindi na rin kita maintindihan minsan. Hindi ko alam kung iniiwasan mo ba ako dahil sa note o sa nakita mo tungkol sa akin or may mas malalim pang dahilan. You run off my house when you knew that it’s my father’s portrait. Tell me, Roux!”“Hindi mo na kailangang malaman, Gavril. Dahil aalis na ako rito.”“Mahal na mahal kita, Roux pero parang pagod na ako…”The memories of what happened yesterday keep on lingering in my mind. Paulit-ulit na umi-echo sa tainga ko ang sinabi ni Gavril. Ramdam ko ang sobrang emosyon nang sabihin niya iyon. I don’t understand myself but I felt so guilty right now. Gavril
Chapter 47. “The Family Feud”Buong araw kong pinag-iisipan kahapon ang lahat tungkol sa nalaman ko. What happened in the past is still clear in my mind. That tragic scene of my life, the day when my parents died in front of my own very eyes. And now that I found who is responsible for that tragedy. It was him, hindi ako maaaring magkamali. Pero sa likod ng galit na nararamdaman ko nang malaman kong Daddy ni Gavril ang taong nagpakidnapped sa akin noon, mayroon akong lungkot na nararamdaman. Bakit sa dami ng tao, magulang pa ng lalaking mahal ko ang gumawa noon?That day, I leave Gavril in confusion. Tumakbo lang ako palabas ng bahay nila without saying a word. Sobra akong nabigla at natakot nang malaman ko ‘yon. Kaya naman kahapon pa rin ako tinatawagan ni Gavril and he even went here pero hindi ko s
Chapter 46. “Mirror of our soul ”Eight years ago, I cannot see how beautiful the world was. I was blind and all I can see was darkness. Kapag magbi-birthday ako, palagi kong wish ay ang may mahanap nang magdo-donate ng mata para sa akin. Gusto kong makakita, gusto kong makita sila Mommy at Daddy. Gusto kong makita ang mundo, ang magagandang paligid. And when my 9th birthday coming, I told my Dad my birthday wish again, to be able to see. And that wish was commanded by my Dad.“Really, Dad? Makakakita na ako?” I was so excited that time when Dad said the news to me. He finally found eyes for me.“Yes, Princess…the operation we will do the operation tomorrow, so have to prepare and be strong.” My Dad said. I nodded so quickly in response to him.“Yes, Daddy…” sagot ko. I felt his hand slowly patted my head.&ldqu
Chapter 45. “Nightmare of the past ”It’s been a week since Gavril and I didn’t see and meet. And there are about five days before the said date of Gavril’s accident. Habang palapit nang palapit ang petsang nakasulat sa note ay mas lalo akong kinakabahan. Amanda and Alexis are busy with the last note. And since last week, we still didn’t find who is the person named Gabriel on the last note.These past few days, I feel like I went back to my old self, myself of being alone again. Siguro ay nasanay na ako na araw-araw ay nakikita at nakakasama ko si Gavril. Pero dahil kailangan namin hindi magkita para maiwasan ang mangyayari ay handa akong maging mag-isa. Alexis also forbids us to communicate with each other. Noong una ay nalungkot ako but later on I understand and realized Alexis’ order.Bukod sa hindi namin pagkikita ni Gavril ng isang Linggo, isa pa sa nangyari na pinagtataka ko ay ang palagi
Chapter 44. “Terrifying vision”Gavril Ahren SantillanMay 28, 20194:58 PMCar accidentHindi na ako nakatulog simula nang magising ako kanina dahil sa isang nakakatakot na panaginip. Parang totoo, parang totoo ang lahat. Papasikat na ang araw at nakaupo pa rin ako dito sa aking higaan habang hawak ang pilas ng isang note kung saan ko sinulat ang mga detalye tungkol kay Gavril. Malungkot ko itong pinagmamasdan. Ang pangalan niya, ang petsa, ang oras at ang pangyayaring tatapos sa kanyang buhay.Malalim akong huminga at kinalma ang aking sarili. Ramdam ko ang sakit ng aking mga mata dahil sa pamumugto nito. Kanina pa rin ako walang tigil sa kakaiyak. Natatakot ako. Natatakot akong mangyayari ito.Kinuha ko ang notebook kung saan nakalagay ang mga notes at tinago ang note kung saan nakasulat ang mangyayari kay Gavril. Bumaba na ako sa higaan ko at lalabas na sana
Chapter 43. “Mystery of the last note”Tahimik kong pinagmamasdan ang mga batang naglalaro rito sa playground. Hapon na at naisipan kong ilabas muna si Sham-sham at maglakad-lakad dito sa village at nang mapadaan ako dito sa playground ay naupo muna ako at hawak ang tali ni Sham-sham na nasa tabi ko.Mag-iisang linggo na mula nang magbakasyon kami ni Gavril sa Tagaytay at manalo sa Kite Competition sa Cavite. Ganoon pa rin naman ang nangyayari, pumupunta si Gavril sa bahay, maglalaro sila ni Sham-sham, magku-kwentuhan kami at saka uuwi na siya. Pero sa ilang araw na palagi kong kasama si Gavril sa bahay, palagi ko pa ring naiisip ang sinabi sa akin ni Auntie Remi tungkol kay Gavril. I don’t understand why do I need to stay away from Gavril just because he is a Santillan? I don’t get it and what is the connection of Gavril’s family to ours? Bakit kilala ni Auntie Remi ang family ni Gavril?“Si Gavr